(Filipino) Kultura

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Pamantasan ng Silanganing Pilipinas

Pamantasang Bayan

Konseptong Papel sa Filipino

(Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino)

Ipinasa ni:

Hazmaign Jaqueline A. Arzadon

Iwinasto ni:

Gng. Gelita Gomba-Loreto


Introduksyon

Tanyag ang mga Pilipino sa buong daigdig dahil sa mga

katangian at asal na taglay ng mga ito, pati na rin ang mayaman na

kultura’t mga tradisyon. Ang salitang “kultura” ay hinango mula sa

wikang Latin na “cultura” na may literal na kahulugang

“kultibasyon” o “paglilinang”. Ang kultura ay ang pangkabuuang

pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa mundo at sa kanilang

kapiligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala,

tradisyon, uri ng pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-uugnay

sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na siyang

nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw,

kaugalian, at adhikain.

Ang bawat isa ay may kinalakhang kultura na naging instrumento

upang malaman ang mga bagay na dapat gampanan sa kanyang

kinabibilangang lipunan. Gabay din ang kultura at mga tradisyong

kinalkhan ng isang tao sa pagtahak ng makabuluhang buhay. Dahil sa

mga pag-uugali at mga tradisyong naipapakita, nakikilala hindi

lamang ang isang tao, kundi ang buong bansa.

Mayroon nang sariling kultura at mga tradisyon ang mga

Pilipino bago pa man dumating ang mga banyaga. At sa pagdaan ng

mahabang panahon, lalo itong lumawak at nilinang ng bawat

henerasyon. Ang mga kulturang ito ang nagpapatunay kung sino ang
Pilipino, ngunit tila hindi na ito napapansin at nabibigyan ng

halaga at atensiyon ngayon.

Ngunit sa kabila ng pagkalimot sa mayayamang tradisyon at

kultura, mayroon pa rin naming iilan na buhay sa isip at diwa ng

mga Pilipino.

Katawan

Ang pagsidatingan ng makabagong henerasyon ay tila nagging

dahilan sa pagkalusaw ng mga sinaunang tradisyon ng mga Pilipino.

Nabubulag ang mga kabataan ngayon at parang naibabaon na sa hukay

ang mga magagandang asal, mga kaugalian, mga tradisyon at mga

kaisipan na nagbigay ng pagkakakilanlan sa Pilipinas. Dahil din sa

paglipas ng panahon, alinsabay sa pagkamoderno ng mga tao,

nagbabago ang mga kinalakhang tradisyon at kultura ng mga Pilipino.

Ang bayan ng Catarman ay masasabing moderno na ang istilo ng

pamumuhay at pag-iisip. Dahil sa ito ang kabisera ng lalawigan ng

Hilagang Samar, kinailangang nitong magbago at sumunod sa kung ano

man ang “uso”. Marami man ang naglahong tradisyon at mga

nakasanayang gawain, mayroon pa rin naming buhay at isinasagawa

ngayon.

Isa na rito ang ang kasalang-bayan na isinasagawa taon-taon

tuwing pista. Mula noon, ang maramihang pag-iisang dibdib ng mga


magkatipan ay tradisyon na ng simbahan at hanggang ngayon, walang

mintis na isinasawaga pa rin. Maliban dito, maging ang binyagang-

bayan ay isinasagawa pa rin hanggang ngayon. Ang binyagang-bayan

na handog ng simbahan ng Catarman ay paraan upang maipatuloy ang

tradisyong ito sapagkat ito ay isinasagawa taon-taon tuwing pista

ng bayan.

Ang pagdalaw din sa mga yumaong mahal sa buhay ay isa ring

tradisyon na hanggang ngayon ay buhay pa rin. Madalas, ang

pagbisita sa puntod ay gingawa na kasama ang buong pamilya, lalong-

lalo na kung ang dadalawin ay ang puntod ng mga lolo at lola.

Pupunta ang lahat na pamilya at magpapagabi sa sementeryo na

may dalang mga pagkain at inumin at minsan doon pa

nagsisipagtulugan. Kung minsan, may dala pang gitara upang umalay

ng musika’t mga kanta para sa mga mahal sa buhay na pumanaw na.

Ang tradisyon ito ay isa ring paraan upang magtipon-tipon ang buong

pamilya at magsama-sama. Nagbibigay rin ito ng pagpapahalaga at

pagmamahal sa pamilya, buhay man o pumanaw na.

Isa sa mga tila naglalahong tradisyon hindi lamang sa mga

Catarmananon, kundi sa iilang Pilipino ang Las Mañanita na

isinasagawa tuwing kaarawan. Ito ay tanyag na tradisyon noon, lalo

na sa panahon ng mga Kastila. Sa pagsasagawa nito, kakantahan ng

pamilya ang may kaarawan sa umaga upang magising o di kaya,


kakantahan ang may kaarawan bago kainin ang cake. Ngayon, iilang

mga pamilya na lamang ang gumagawa ng mga ito.

Hindi lamang ang tatlong tradisyon na nabanggit ang buhay at

ipinagdidiriwang ng mga tao ngayon. Ngunit naroon pa rin ang

posibilidad na tuluyang makalimutan ang mga ito. Kailangang

maisalba ang mayamang kultura ng Pilipinas sa pagkalimot. Baka

tuluyan itong mawala kasama ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino.

Konklusyon

Talagang may mga mga bagay na ‘di dapat makalimutan, mga

tradisyon, kultura at mga kaugalian. Ang mga bagay na nakagisnan

at nakasanayan ng mga Pilipino ay dapat isapuso at isaisip. Bilang

Pilipino, tanungin mo ang sarili mo, buhay pa ba ang kulturang

Pilipino? Kung ang sagot mo’y oo, nagpapasalamat sa iyo ang bansa

mo, at kung sagot mo’y hindi, simulan mon ang linangin ang mga

nakakalimutang tradisyon at pag-uugali. Nasa kamay ng mga Pilipino

ang paglinang ng sarili niyang bansa, bagamat nasa kamay rin nila

ang pagkasira nito. Kaya dapat, mas bigyan ng kahit kaunting pansin

at atensiyon ang kultura’t mga tradisyon na humubog sa Pilipinas

na mayroon ang mga tao ngayon.


Sanggunian

Arzadon, Timoteo. Personal na pakikipanayam. 17 February 2018.

https://www.academia.edu/10780269/Ang_Pagkawala_at_ang_Pagbabago

_ng_mga_Piling_Kulturang_Pilipino

Osias, Alfonso. Personal na pakikipanayam. 20 February 2018.

You might also like