Professional Documents
Culture Documents
24 Signs of Summer
24 Signs of Summer
NAIINITAN KA BA SA SUMMER? ?
WALA KANG MAPAGBABAKASYONAN? ?
BIGO KA SA MGA LALAKI? ?
BIGO KA SA PAG-IBIG? ?
May alam ba kayo kung paano ko sisirain ang buhay ko sa loob lang ng tatlong araw?
Masyadong maiksi yun, alam ko pero kapag long-term na ang nangyayaring
depression at pagiging buang mo eh magagawa mong sirain ang buhay mo sa loob
lang ng ganun ka iksing panahon.
Akala ng lahat na sira na ang buhay ko, pero nagkakamali sila, mas may isisira pa ito
at yung talagang total life destruction ang mangyayari.
First Sign~
"Pag birthday mo na, ibig sabihin malapit na ang summer!" Sabi ni Gette. Ang long
time bestfriend ko.
DEBUT. Bonggang bongga ang nangyaring debut ko. Oscars ang theme at glamorous
ang mga bisita. Mas lalo naman ako.
"You came, Gette. Thank you." I traced her arms. Nakakapit ito sa isang guwapong
lalaki at mukhang eto na nga ang sinasabi niyang si Rico na boyfriend niya.
"Syempre, Arianne."
Inasikaso ko na rin ang ibang guests ko.
Sa table nila, makikita mong nag lalampungan sina Lauren at Kevin, si AJ naman eh
text ng text, si Tim naman ay naglalaro sa mga bulaklak, Bianca and Nicole are
talking about someone. Gossips.
Umalis ako sa table nila. Mga buwisit. Kanina si Gette na bestfriend ko, ngayon ang
mga pinsan ko? Siguro ang susunod ako? O baka naman ako ang nauna?
Kung nagtataka kayo kung bakit naging kaibigan ko parin sila kahit ganun na lang ang
sumpa nila sa mga iba pang kaibigan ko, eh tanungin mo na lang ang course ko. Wala
akong magagawa dahil masyado kaming magkasamang lahat at kailangan kong
makihalubilo sa kanila. At yung mga pinsan kong iyon na tinawag nilang b1tches ay
upperclassmen naming malakas uminom, mga mga HOT boyfriend, at partayyy girls.
Kasalanan ko ba kung nasa bloodline na namin ang ganoon dahil kahit ako, fan ng
party.
"Kamusta ka na? I knew Dave isn't worth it!" Sabi ni Gette sa akin pagkatapos ng
debut ko.
"Yeah. She knows that they're not worth it. Pati na rin si Kevin at AJ." Sabat ni Aliyah
- pinsan ko.
"Lahat naman sila di worth it eh."
Move on.
My third boyfriend. And the most controversial one. Siya ang nagtrigger ng lahat.
Siya ang nagpasikat sa pangalang Arianne Summer Romero sa school namin. Siya rin
ang dahilan kung bakit isang semester akong wala sa katinuan. Pati na rin ang
pagiging subject of issues ko sa school namin at pagtutuligsa sa akin ng mga fans
niya. Yes, fans! Ang boyfriend kong isang teen idol na may mga show sa TV at
showbiz na showbiz. Isang buwan pa lang ang nakakalipas simula ng ideny niya ako
sa harap ng Philippine Television para sa ka loveteam niya. Sobra sobra pa naman ang
pang-aaway ng fans nila sa akin.
Sinasabi nilang sana daw mamatay na ako para masaya na ang DaveLindsay
loveteam. Ang sama talaga kaya inaway ko sila. Makikita niyo, kayo ang mabibigo!
Pero sa huli? Si Dave pa ang lumaglag sa akin? Nang tanungin siya ni Boy Abunda
kung sino si Summer Romero sa buhay niya eh sinagot ba naman ni Dave na di niya
ako kilala? WALANG HIYA.
"Oo nga."
"Kasalanan ko ba kung madali lang talaga akong naiinlove."
Nakatatlong boyfriend na ako. At lahat sila sineryoso ko. Lahat sila, iniyakan ko. Pero
sino kaya sa kanila ang worth it?
March 23.
"Summer! You failed all your subjects this sem!" Agad dumiretso sa kwarto ko si
Mommy na kararating lang galing US. "Why did you fail them all? Puro ka kasi
party...party! Palagi mong inaasikaso ang pagboboypren mo! So, anong nanyari
ngayon? HA?"
"Gette, ewan ko kung uuwi pa ba ako sa bahay namin." Humihikbi ako habang
nakikipag-usap kay Gette sa cellphone.
"Ano ka ba. 2am na ah? Sabihin mo nalang sa mama mo na aayusin mo next sem."
"Gette, sabi niya kailangan ko raw ng break. Titigil na raw ako sa pag-aaral."
"BREAK! Babalik ka lang sa school pag maayos na, nukaba!" Sabi ni Gette.
OMG.
The next thing I knew is that he was kissing me. What the hell?
"Summer!" Tumigil ako't nakita ko si Lauren. Umuusok ang ilong at parang papatay
ng tao.
"Lauren," Agad tumakbo si Kevin kay Lauren at nag explain. Pero mukhang di ito
pinakinggan ni Lauren.
Sinampal ako ni Lauren at, "Sinasabi ko na nga ba! You're one of them." Sabay turo
sa mga pinsan kong nasa table namin. Hindi naman nila napansin. "Napaka desperada
mo na para pati si Kevin eh inaagaw mo. Palibhasa iniwan ka ng mga boyfriend mo
eh. And my gosh, I know you're still in love with him!" Sabi ni Lauren habang
mangiyak-ngiyak.
"Tama na, Summer. You're drunk!" Sabay awat ni Kevin sa aming dalawa.
Oh, yeah.
"Alam kong in love ka parin kay Kevin hanggang ngayon, Summer. Kitang kita ko sa
mga mata mo ang pagiging insecure pag magkasama kami kaya wa'g mo ng ideny!"
Kumuha siya ng isang drink sa isang table at binuhos sa akin.
Hinila ko na agad ang buhok niya ng walang pag-aalinlangan. Kakabuwisit!
Siguro totoo ngang once you loved a person, no matter how long it had been, there
will always be some love left.
Pero siguro din masyado akong deperada dahil sa masaklap na sinapit ko kay Dave.
EWAN KO.
Pero ang pinakamasamang nangyari sa gabing `to - nakarating pa kay mama at papa
ang nangyari sa bar. Oh great.
SIGN 1~
"Wa'g kang mag-alala, my cousins the owner of that resort." Sabi ni Aliyah sakin.
"Wa'g kang mag-alala Summer, sigurado akong mag eenjoy ka sa Sortee. Maganda
dun!"
Panay ang kombinsi nila sa akin na maganda ang islang pupuntaha ko. At bakit ako
pupunta doon? HA~ Dahil kailangan ko raw ng break. Okay. Alam kong maganda
`tong ideya ni mama dahil summer at talagang dapat akong mag beach. Kaya lang,
hindi to two months eh! 8 months ako dun at posibleng hahaba pa.
Ayaw ko kasing sa US kasama si Ate at Kuya dahil baka maging for good na ang pag
stay ko dun dahil pati si Mama at Papa eh sasama. Dun na lang ako sa Sortee. Di bale
na kung isla lang yun doon at maaring walang signal pero atleast diba, Pilipinas parin.
Yun nga ang nangyari. Nasa bus pa lang ako di na ako makahinga dahil masyadong
boring. OH NO!
Tumitingin ako sa labas ng bus habang nakikinig sa iPod ko. I glanced at my phone.
"Message!"
T`was from Kevin: Sorry last night. Are you okay now?
I stared blankly at my phone and tried to delete it. But I just couldn't.
May 289 messages siya sa phone kong hanggang ngayon eh di ko pa na delete. Eto
ang mga piling messages na galing mismo sa kanya simula nung kasagsagan ng Dave-
break-up moments ko. He comforted me and I leaned on him.
I sighed.
*It's down to this... I've got to make this life make sense... Can anyone do what I've
done. I missed life, I missed the colours of the world... Can anyone go where I am.*
*'Cause now again I've found myself... So far down, away from the sun. That shines
into the darkest place.*
"Yeah, I've got to make this life make sense." Kinuha ko ang ballpen ko sa bag at
isang maliit na notebook.
I need to list my standards. Hanggang dito ba naman, iniisip ko parin ang lovelife ko?
Syempre, dahil ang root cause ng depression ko't pagkasira ng life ko eh dahil sa
lovelife na yan.
Kaya ngayon, I've gotta live by my rules! I know that in one way or another, it's my
fault because I gave in to love. Hinayaan ko ang sarili kong masira na lang dahil sa
pag-ibig na yan. Kaya ngayon, bibigyan ko ng limitations ang sarili ko. I need signs
that will help me identify the person who deserves me.
I sighed deeper, "Ano ba naman `tong mga pinaggagagawa ko? Syempre... impossible
naman kung may isang taong makakagawa sa lahat ng signs na gagawin ko?"
AJ? Tsk. Dave. I don't know. Kevin? ... I don't know either.
"Buwisit! Ang bigat. Ba't ba kasi ako lang mag-isa?" Hinila ko ng padabog ang
stroller ko hanggang sa umabot na nga ako sa barkong maghahatid sakin sa Sortee.
Huminga ako ng malalim and then I made the sign of the cross.
Number 1. I wrote.
Teka, ilang signs? 20. Hindi, 24. 24. March 24, the worst day of my life.
Later on, I realized that 24 is just... uh... too much. Pero ganun pa man, inubos ko
parin ito. "Mas imposible, mas maganda. Mas marami, mas sigurado." Sabi ko sa
sarili ko.
White sand. Mainit. Walang buildings. At malayo sa sibilisasyon. I don't know if I'll
love this place or just plainly hate it.
*POOOOOOOOOOOOOOOOOOT~!*
"Ay poootangineeeh!" Sigaw ko habang hinabol ang hat kong galing Taiwan.
Nahulog ito't linipad ng hangin dahil sa buwisit na... ford expedition... na humarang sa
daanan ko... O baka naman ako ang humarang sa daanan nun? AH!
"AHHHH~! Shuckkks!"
"Miss, is this yours?" Lumabas siya sa expedition at kinuha ang kawawa kong hat.
He handed my poor little hat to me. I can smell his scent... ANG BANGO NIYA kahit
mejo malayo pa siya. And the song in my iPod goes like this, *Because i can't sleep til
you're next to me. No i can't live without you no more. Oh i stay up til you're next to
me ...*
NO! My hat's from Taiwan and his fcuk`n car hit it!
SIGN 2~
Summer: Sinong Lex?
He's taller than Kevin. Mas gwapo pa kay Dave. At halatang mayaman dahil sa soot at
sasakyan. Pero hindi bagay sa kanya. Ka-age ko lang yata `to pero ganun siya maka-
asta't makapanamit.
Pumara ako ng tricycle. My god, isa lang ata ang taxi sa islang `to dahil isa lang ang
nakita kong dumaan.
"Stooopid."
Nakita ko yung lalaking nakabunggo ng hat kong naka tingin lang sakin. He is
crossing his arms while leaning on his ford expedition.
"Mama naman eh, nung klaseng lugar ba `to." Tiningnan ko ang cellphone ko't nakita
kong kakalowbat niya lang.
Tiningnan ko siyang mabuti. Alam kong gwapo ka pero allergic na ako sa mga gwapo
ngayon at di na ko pwedeng makipagclose kahit kaninong lalaki dahil masyado ng
sira ang life ko at wala ako sa lugar para i-entertain ang mga lalaki. Kapal ko talaga,
eh di naman yan nanliligaw o ano. MAN-HATER!
"Magtatrabaho ka?"
"Oo! Bakit ba? Ikaw? Sino ka ba? Turista ka ba?"
Umalis ako sa harapan niya. Nakakainis naman kasi, minamaliit yata ako.
"Miss~" Hinawakan niya ang braso ko kaya nang humarap na ako sa kanya, sinapak
ko na ng dala kong hat.
"Gusto ko lang naman sabihin sa'yo na naiwan mo yun!" Sabay turo sa stroller kong
naiwan ko nga sa kinatatayuan ko kanina. "Ngayon, galit ka pa? Kung galit ka dahil
nasagasaan ko yan na HINDI galing Taiwan. Eh babayaran ko yan o kung gusto mo
bilhan kita ng isang libong ganyan para matahimik ka."
"Are you Summer Romero?" Bigla niyang tinanong sakin pagkatapos niyang
dumungaw sa isang kapirasong papel na hinagis niya rin sa dagat pagkatapos basahin.
"O-Oo."
"Pumasok ka na sa sasakyan ko. Pinakuha ka ni manang Alicia sakin. Maraming tao
sa resort ngayon kaya di niya maiwan ang trabaho niya, ako na lang ang kumuha
sa'yo." Kinaladkad niya ako papasok sa sasakyan niya.
Nang nakapasok na ako sa sasakyan niya. "Kung ayaw mong sumama sakin, you're
free to leave."
Umalis na siya't nakatunganga ulit ako sa street. Umiihip pa ang hangin at papalubog
na ang araw. MY GOD! Paano ako makakasigurong pinadala nga siya ni Manang
Alicia at hindi siya masamang tao? HMP.
"Ako na ang maghahatid sa kanya." Sabay turo sa Black Ford Expedition ulit.
"Ano ka baaaa~ Stupido! Minsan lang dumadaan ang taxi dito-" He handed me his
phone.
And,
"Hello, Summer! Di kita ma kontak! Nag lowbat ka ba? Si Manang Alicia mo `to."
Narinig ko ang boses ni manang Alicia na nag-alaga sakin simula nung nagkamalay
na ako sa mundong `to.
"Ah, eh. Opo." Lumingon ako sa lalaki at nakatingin lang siya sa sunset.
"Pasensya ka na ah. Na busy ako eh. Sumama ka na lang kay Sir Lex!"
"Sinong Lex?" Tanong ko.
"Yung may-ari ng cellphone na yan. Nukaba! Bilisan niyo't gumagabi na."
SIGN 3~
Summer: WHATTTT?
Nagdidrive siya ng isang kamay lang ang nakahawak sa manibela. Parang tinatamad.
Ang sarap sapakin. Dapat nga makipagkwentuhan siya sakin ngayon kasi ganun lagi
ang ginagawa ng iba sa akin eh. Di siguro tumalab ang beauty ko?
Ilang sandali ang nakalipas, nakatingin na lang ako sa labas at namamangha lang sa
tanawin. Ang ganda dito pero bakit hindi sikat?
"Uh, Sorry nga pala kanina." Sabi ko. "Akala ko kasi masamang tao ka, like
magnanakaw, kidnapper, rapist..."
"-Rapist?" Napalingon siya sa akin habang napabuntong-hininga.
"Sorry-"
"Sorry saan?"
"Yung... alam mo na... nasapak kita ng-"
"-na di galing Taiwan?" Sabi niya.
Inaaway niya ba ako? O baka naman gusto niya na talaga ng away? Kakainis huh!
Alam kong kasalanan ko, pero bakit ganyan siya?
"Don't worry, I'll pay for that." Sabi niya sakin habang nakatitig parin sa daanan at
naramdaman kong mas lalong bumilis ang takbo namin.
Galit siya. Oh my.
"Di naman ako naniningil eh! Makakabili naman siguro si mama ulit ng ganun."
HA~! Kala mo ha. May pera kami noh.
"Summer!!!" Sigaw ni manang Alicia habang yinakap ako. "Sir, salamat po ah." Sabi
ni manang sa nasabing Lex.
Nabigla ako nang nakita kong ngumiti yung Lex kay manang at para bang di siya
nabadtrip.
Hindi man lang siya nagbigay ng kahit anong ekspresyon sa mukha niya nang tingnan
niya ako.
"Wa'g kang mag-alala Manang Alicia, iniisip ko lang po kung saan siya bagay sa
resort. And, uhmmm... manang, drop the 'sir'..." he smiled.
While he's talking, I realized that maybe he's the son of the owner of this resort or
maybe the manager, eh? OMY! Nag flashback sakin lahat ng ginawa ko sa kanya
kanina.
"...for now, she can stay here for free if she wants too."
"HEHE. Okay, Lex. Salamat."
He waved at nagpunta kung saan. Suplado namannnn sa akin. At sa akin lang talaga
huh? Nakita kong bumati pa siya sa ibang turista at receptionsist, pero isnab sakin?
Mehn, insulting. Siguro nga malas ako sa lalaki. Maraming nabibighani sa akin pero
in the end sinasaktan lang ako. At etong isang `to kakasimula pa nga lang
binabalewala na ako? HMP
"Tsaka, magpakabait ka sa kanya kasi siya yung magbabantay sayo dito kasi
kailangan ako sa farm nila."
"WHATTTT?"
"Oo. Sinabi ko na `to sa mama mo't pumayag naman siya. Sinabi na rin ni Aliyah kay
Sir Lex na pupunta ka dito."
NAKAKAHIYA NAMAN! Boss ko pala siya pero ganun ang nangyari kanina?
OOOOOOH NO!
SIGN 4~
Summer: Again, no offense.
*KRIIIING*
"Kakabwusit naman, sana pala hinayaan kong nakapatay ang phone ko."
Nagising ako sa ingay ng cellphone ko. Ang sarap pa naman ng tulog ko dito sa
kwartong binigay sakin ng Lex na yun.
"Hello~"
Bumangon ako't nakita kong ang numero ni Kevin ang nasa linya. It's still 8pm.
"Summer."
"K-Kevin?"
"Are you okay now?"
Oo nga pala. The sapakan was still as fresh as this island. Kaninang umaga nangyari
ang sapakan at isang oras lang ang tulog ko bago ako pinalayas ni mama sa bahay at
pinadala dito.
I can't tell him I'm somewhere far. At, abah okay din dito ah? May signal din pala?
Natahimik ako.
"Kevin~"
"Summer, nag-usap kami kagabi ni Dave."
Dave's name resounded on my mind. Okay, kitang kita sakin na talagang komplikado
ang love life ko. Out na si AJ pero may dalawa pang natitira.
Speechless. :-X
The truth is... kaya ako na-deny ni Dave sa The Buzz noon dahil nakikita niyang mas
palagi kong kasama si Kevin sa kanya. Ang pinakapinagseselosan niya ay si Kevin
lang at wala ng iba. Kaya lagi kaming nagtatalo dahil palagi rin naman siyang busy
kaya di ko siya masyadong nakakasama.
Ayoko na talaga. I've had enough with all these things. In fact, gusto ko ng
magpakamatay dahil masyado ko ng nasira ang buhay ko. At ngayon, ayaw ko na
talagang gumawa ulit ng makakapagpasira pa nito.
Being in love !@#$ up everything in the past. At si Kevin lang sa lahat ng mga ex ko
ang di ko pa nakakalimutan - so avoiding him would be the best for me.
"Summer, if you're still in love with me, why don't you tell me? I am still in love with
you too."
Ewan ko pero parang kinurot ang puso ko nang narinig kong desperado na ang boses
niya.
I didn't even noticed that my tears fell. I've got to be serious with my life now. :'(
Binawi ko ang cellphone ko. Pinunasan ko na rin ang luha ko bago pa niya mapansin.
"Ba't mo pinulot?" Buti hindi nadumihan ang Cellphone.
Seryoso ako sa pagtapon nun at seryoso na rin ako sa pagbabagong buhay ko.
Naglakad ako papuntang cafe na sinasabi ni Manang. Nang nakapasok na ako doon,
bumili ako ng pampatulog ko. Di ako ginugutom at sigurado akong di ako
makakatulog.
Uupo na sana ako sa isang table kaso puno na ang lahat. Anong klaseng remote island
ba `to? Ang daming turista?
"Pwede dito." Napalingon ako sa Lex na nakaupo na sa isang table. May pagkain na
rin para sa kanya. Ang bilis atang makapwesto ng mokong? Sa bagay, siya naman ang
may-ari.
Pag-upo ko, saka ko pa lang napansing iba ang inuupuan niya at mukhang reserved na
talaga para sa kanya. Sa bagay ulit, siya naman ang may-ari.
"Di ka ba kakain?"
"Di na." Uminom ako ng nasabing 'pampatulog'.
"Ilang taon ka na ba?" Tanong niya habang tinitingnan akong umiinom.
"Legal na ako kaya pwede na ako nito."
"Kung pinsan ka ni Aliyah, maaring kahit nung di ka pa legal, eh umiinom ka na."
"Excuse me, sana di ka maoffend pero... can you mind your own business?" Sabi ko
habang tinatawag ang waiter para mag-order pa ng mas maraming alak. "Kumain ka
diyan, iinom ako dito... that's it!"
"Again, no offense."
Bakit nag-iba ulit ang ihip ng hangin ngayon? Kanina lang eh badtrip `to sakin at
ngayon, mukhang di nagalit.
SIGN 5~
Summer: Excuse me.
"...Tapos ayun... nag break kami." Ewan ko kung bakit ko sinabi sa kanya lahat ng
problema ko, siguro kailangan ko lang talaga ng makakausap sa mga sandaling ito.
Something shined from his ears. Kaya hinawakan ko ang tenga niya.
He's just staring at me at di ko na nababasa ang ekspresyon niya dahil umiikot na ang
paligid ko sa paningin ko.
"Binagsak ko lahat ng subjects ko for last sem kaya eto ako ngayon, pinalayas sa
bahay. Ngayon, kailangan ko pang magtrabaho para lang makakain sa lintik na islang
`to." Sabi ko habang sumasandal sa mesa.
"Ba't mo naman kasi sineryoso masyado yung mga yun? Wala ka bang pakealam sa
buhay mo?" Tanong niya.
"IKAW! Di mo kasi alam yung feeling ko nun eh. Ikaw siguro wala kang sineryosong
babae? Kaya nga ngayon- pssssttt..." Tinawag ko ang waiter. "Isa pa!" Sabay taas ng
kamay.
"Humanda talaga kayong mga lalaki kayo, maghihigante ako't sasaktan ko kayo ng
todo-todo!"
*BLUWAAAA~~!*
Nagising na lang akong bigla na nasa kwarto na ako. Bumangon ako't naramdaman ko
agad ang sakit ng ulo ko. Hang-over? Ano bang nanyari kagabi?
Ahhh, ang huling naaalala ko eh binuhat ako ni Lex at binanggit ko sa kanya ang
tungkol sa signs!
Agad akong bumangon at tiningnan ang bag ko kung andun pa nga sa lalagyan ang
notebook na sinulatan ko nito. Andun nga! I sighed.
"Ba't ko naman maiisip na ninakaw niya `to? Loka!" I laughed at myself and reviewed
the signs.
24 (impossible) signs
1. may sports car siya.
continuation?
3. masusukahan ko siya.
4. papagalitan ako sa sobrang pag-inom.
uh-oh.
simple ulit.
pinakamahirap.
20. ililibre ako sa isang mamahaling restaurant ng kahit anong gusto ko.
as in.
literal or not!
dapat lang!
para cool~ 8)
24. kapag pinunasan niya ang luha ko kapag iiyak ako.
Of course, mangyayari ang lahat ng ito bago ko siya sasagutin o bago maging kami.
Impossible, these signs.
Lumabas ako ng Hotel at pumunta ulit sa cafe nang nasalubong ko ulit si Lex.
"Well, anyway... Kung ayaw mo... Wala na akong magagawa." Tse! Suplado parin
nito. Kala ko magkaibigan na kami.
"Kung ayaw ko, di ka naman makakabayad hindi ba?" Sabi niya.
"Makakabayad ako noh, marami pa naman sigurong resort dito. Doon na lang ako
magtatrabaho sa kanila, duh!"
"Lam mo? Ang arte mo. Hindi ka ba natatakot na di kita tanggapin dito sa resort ko
dahil sa ugali mo?"
"Duh! Kung ayaw mo sa ugali ko, anong koneksyon nun sa pagtatrabaho ko? Di
naman ang ugali ko ang gagamitin dun eh." I rolled my eyes.
Yes, I know I'm talking to my boss. HMMM, sinasabi kong magbabagong buhay na
ako pero di ko parin pinapanindigan. So, I guess I'll start it with uhhh avoiding guys?
Yes! Avoiding guys.
Kumain na lang siya at di na pinansin ang huling sinabi ko. Tinitigan ko siya habang
kumakain.
Yes, Summer. Avoid boys! And the guy in front of you is a boy. You should
definitely avoid him.
My jaw dropped.
"Excuse me."
"Hey, what's wrong?!"
I left him without a word. At habang tumatakbo ako papalayo sa kanya, na realize
kong dalawang signs agad ang nakuha niya in less than 24 hours! Uh-oh, this is
dangerous!
3. masusukahan ko siya.
23. may earing siya.
NOOOOOOOOOOOOOOO~!
SIGN 6~
Summer: Excuse me.
Ugh, ginugutom na ako. Naglakad ako pabalik ng hotel. Pagkatapos niyang kumain
doon, saka lang ako kakain? Ano ba naman `tong nangyayari sa akin o. Hindi naman
siguro problema yun diba? Possible din namang makuha niya ang kahit dalawa
hanggang limang signs at hanggang doon lang yun. Bakit nagpapanic na ako dahil
nakuha niya ang dalawa? Iniiwasan ko na siya kahit dalawa pa lang yung nakukuha
niya? Tsssk, mali yun eh-.
Mukhang receptionist ata ng hotel. I think she's in her early twenties and she's wearing
the uniform of the hotel.
"Ang alam ko magtatrabaho ka rin dito sa resort na `to. Bakit kailangan mo pang mag
check-in sa hotel na `to at sa tabi pa ng kwarto ni Sir Lex!" Sabi niya at mukhang
nagiging hysterical.
"Sandali, sandali... Kung ano man yung iniisip mo, nagkakamali ka. Kahapon lang
kami nagkakilala ng Sir Lex mo't..." Don't wanna involve myself in anything like
relationships anymore. "oo, magtatrabaho ako dito. MAGTATRABAHO. Hindi
makikipag landian."
"Mabuti na yung nagkakalinawan tayo..." Lumingon siya sa paligid at sinaway ang
mga babaeng empleyado din ng Hotel na nakikinig sa usapan.
"Ang feeling naman, di naman sila ni Sir...." Sabi ng isang may dalang feather duster.
"Hoy! Anong sabi mo?" Sigaw niya.
She crossed her arms, "Ang mga gusto niya ay yung mga may pinag-aralan tulad ko,
at di yung mga tulad mong... ilang taon ka pa?"
"I'm 18 and legal... ngayon ko lang nalamang gusto niya pala ng mas matanda sa
kanya." 8)
Natigilan siya.
"Huh? Mas matanda sa kanya? Sir Lex is already 24! I'm just 23. At ikaw? Di ka pa
ata nakatapos ng high school eh-."
:o
"Andito ka lang pala." Sabi ni Lex na para akong nabilaukan ng narinig ko siya. "May
problema ba, Kate?" Tanong niya sa receptionist.
"Ahhh. Err, wala po."
"Summer!"
"Summer!" Hinawakan niya ang braso ko. "Anong problema mo?" Hinarap niya ako.
"W-Wala..."
I can't look at him. Yeah! Wala! Nag iinarte lang naman ako kasi nakuha niya ang
dalawang signs agad. Well, I do know that I can't avoid him. It would be weird.
May mga babaeng dumaan na ngumingiti sa kanya't ngumiti din siya sa mga iyon.
Hindi. Talagang mabait siya. Maybe I had the wrong first impression of him. SIGH.
SIGN 7~
Summer: Nahh.
He didn't have sports car and he will never be at school with me. That's two things I
know for sure na hindi niya makukuha sa 24 signs. YEAH, right.
Sinubo ko ang kanin. Ang sarap pala ng pagkain dito. Ang sarap sanang lumamon ng
lumamon kaso nakakailang naman kung nasa harap ko `tong misteryosong `to.
"Uh, you are 24 years OLD?" Sabi ko habang uminom ng tubig.
"Oo." He smiled. "Bakit? Kala mo teenager?"
"-you're younger."
"--hindi."
I sighed.
"What? Kung ganun, saan ako pupulutin neto? Malayo ba ang bahay nina Manang sa
resort na `to?"
"You can stay here for free."
"Wha-"
"Ang sabi ni Aliyah, magtatrabaho ka para may kainin ka dito, hindi para may tuluyan
ka. Libre na ang hotel fee mo."
"HA?"
Magkarugtong pala ang mga buhay namin dito sa resort na `to. GRRR.
"Saan ka pupunt-"
"HEPHEP... Wa'g mo kong sundan."
"Hindi kita susundan, tinatanong ko kung saan ka pupunta."
"Idunno." I glanced at him. Tumatayo siya't ayaw nga talaga ata akong lubayan. "I just
don't want you around." I know that hurts. That won't hurt. LOL
Hinalughog ko ang resort MAG-ISA. Barbecue girl, ice cream seller, bantay ng
pedalo hire, at kung anu-ano pang mga trabaho ang nakita kong papasukan.
I'm actually thinking if I could be a LIFEGUARD! hahaha. Oo, gusto ko yan. Since
marunong naman akong lumangoy, kaya ko yan. Bukas, pupuntahan ko ang
headquarters nila at mag-aapply. Pero kung may bar dito, pwede na rin ako dun...
waitress. Diba?
Naglakad ako pabalik ng hotel nang nakita kong may bar nga. Gabi na kaya bukas na
siya, syempre... papasok ako sa loob. Let's see what it looks like.
This bar is OMG, first class! Lahat ng tao mukhang mayayaman at turista. Ang ganda
dito super... may DJ pa at ang ganda talaga.
Tiningnan ko ang uniform ng mga waitress. Not bad. Ang soot nilang skirt eh maiksi,
pero mas maiksi parin ang soot ko ngayon kaya kayang kaya ko dito.
"Excuse me, have we met before?" May umupo sa tabi kong mejo matandang
foreigner.
"Uhh, hehe, no, I think we haven't."
"Waiter... give her a Martini." Sabi ng foreigner sa waiter.
"Uh, thanks." Linapag naman agad ng waiter ang martini sa harap ko.
The foreigner leaned towards me, "So, how old are you?"
Grabe, tumindig lahat ng balahibo ko nang nakita kong masyado na siyang malapit sa
akin at hinahawakan pa ang baywang ko.
Pero syempre, di ko inubos kasi balak kong buhusan siya nito pag may hinawakan pa
siyang iba sa akin.
*The way you look at me... The way you touch me... The fire in your eyes... Swear it
makes me shiver inside...*
Kukunin ko na sana ang baso ng martini para ibuhos sa kanya nang naramdaman ko
na ang hininga niya sa pisngi ko pero...
Nanlaki ang mga mata ko nang nakita kong nakatayo si Lex at nakatitig sa foreigner
na para bang babalatan niya ng buhay.
:-[
:-[
HUH?
SIGN 8~
Summer: So-Sorry, Lex.
Now I'm feeling the aura of the other Lex. Yung naghatid sakin dito sa resort na `to.
Sinundan mo ba ako?
Look, I want to ask that pero parang nagka El Niño sa throat ko't ayaw lumabas ng
mga salita. Kaya nakatingin lang ako sa kanya.
"Ganyan pa ang soot mo. Paano kung wala ako dun kanina?"
"Ayos ka lang ba?" Hinawakan niya ang magkabilang braso ko't tinitigan ako.
Okay, Summer... he's kind because you're his cousin's cousin. Binilin ka sa kanya...
and all that. Don't be amazed with his gentleness or anything, got that?
Tinitigan niya ako pagkatapos niyang pinunasan ang bibig niya ng panyo.
"Doon?"
"O-Oo."
"HAH, di mo ba nakita ang nangyari kanina?"
"E-Eh... Maganda doon eh."
"Di pwede." Sabi niya.
"Pero bakit? Sabi mo kanina okay lang kahit saan?"
"Kahit saan, wa'g dun!"
"Pero kung hindi doon, saan pa?"
Tinitigan niya na naman. Para siyang tigre na sinasabi sa isang pusa na mas malaki
siya kaya dapat akong sumunod sa kanya.
Good ka diyan!
Nakita kong may mga babae ulit na turista ang kumaway kay Lex at tumitili. Pero di
ata nakita ni Lex dahil patuloy parin siya sa pagkain.
"Lex,"
Tumingin ulit siya sakin.
"Well, may girlfriend ka na ba?"
Mr. Mysterious.
"Ex?"
"Isa."
"Isa?"
"Wala lang?"
"Wala. Napakamisteryoso mo kasi."
Bigla siyang kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha ko. Dahil masyado akong
nabigla sa ginawa niya, nasapak ko ang kamay niya. Tumilapon ang tissue.
Tahimik ulit siya at umupo pabalik sa upuan niya. UGH! Great, Summer. Siguro
masyado mo na talagang kinacareer ang pagiging manhater o baka naman talagang
nagkakaroon na ng psychological effect and lahat ng mga nangyari sa akin noon kaya
naapektuhan ang mga muscles ko.
Oh my gosh. Bakit di siya nagalit? Dapat pagalitan niya ako dahil nasaktan ko siya
physically? Nagagalit lang ba siya pag napapahamak ako?
"Why are you silent?" Tanong niya habang binabasa ang mukha ko.
"W-Wa-"
"Good evening, Sir!" Napalingon kami sa isang babaeng naka uniform ng uniform sa
hotel.
Don't tell me... no way! Sinundan niya ba ako simula kanina? Napasubo ako ng isang
kutsarang kanin.
SIGN 9~
Summer: Okay, then~
"Miss. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ng isang lifeguard nang nakita akong
nakatayo sa harap ng pintuan nila. 7:00am pa at sinigurado kong tulog pa ang Lex na
yun nang nagpunta ako dito.
Tapos, bigla na lang silang nagdagsaan sa harapan ko't pinakilala ang mga sarili nila.
Puro lalaki. Ni hindi ko na naalala ang mga pangalan nilang lahat dahil sa dami nila.
May binulong ang nasabing Rocky sa mga kasamahan niya't nagsialisan sila sa
harapan ko.
"Kung gusto mong mag-apply, kailangan kong makita kung gaano ka kagaling
lumangoy." Sabi niya habang tinuturo ang hotel pool.
"Huh? Ikaw ba ang, uhm, in charge or something?"
"Oo."
"Wa'g kang mag-alala, kung di mo kayang lumangoy simula dito patungo roon,"
Tinuro niya ang malayong dako ng pool. "Sasagipin kita."
"Ahhh. Bakit?"
He made a face.
Syempre, dala ko na agad ang two piece ko. Pasensya na. Talagang TWO PIECE ang
dala ko di ko naman kasi ine-expect na magiging lifeguard ako sa islang `to.
"Pwede na?"
"WHOAAA~" Narinig ko ang hiyawan ng mga lalaki sa head quarters nang nakita
akong naka two-piece.
Ang hirap naman nito. Kung mag loko ang muscles ko baka malunod ako dito dahil
masyadong malalim. Umahon ako pero di parin nakukuha ang sampung piso. Sa
pangalawang subok ko nakuha ang sampung piso at lumangoy ako pabalik sa kanila.
"Veryyy good."
Nang kinuha niya ang sampung piso sa kamay ko, parang may bumulong sa aking
manyak itong Rocky dahil sa paghaplos niya sa kamay ko.
BASTOS. I wanna slap him pero I want to hear his judgement about my swimming
skills first.
"Wow."
"S-Sir!"
Sir?
"You shouldn't fool around here." Sabi niya kay Rocky at yinakap ako gamit ang
tumalya.
"Lex!" Sigaw ko nang nairita na ako sa hawak niya sa akin - hindi gentle.
Patuloy parin ang pagkaladkad niya sa akin. Yung foreigner kagabi nakasalubong pa
namin at panay ang tingin niya sa akin kahit may tuwalya ako.
"What are you doing?" Sigaw niya nang nakarating na kami sa ROOM niya.
"Galit ka?" Tanong ko nang nakita ko siyang pabalik-balik sa paglalakad at mukhang
GALIT na GALIT talaga.
Inayos ko ang basang buhok ko. Hinagis niya sakin ang isang t-shirt.
Syempre, sa kanya yun pero anong ibig niyang sabihin? Na sosootin ko `to?
Plano ko sanang pumunta na lang sa kwarto ko't magbihis ng damit ko pero tinitigan
niya ako ng mga titig na parang tigre ulit siya at pusa lang ako. And this time,
pwedeng daga lang ako.
"Okay, then~"
SIGN 10~
Summer: Great, thanks!
"Anong ginagawa mo dun?" Tanong niya kahit nakatalikod siya sa akin habang
sinosoot ko ang T-shirt niya.
"B-Bakit?"
Natahimik ako dahil galit ako at ayaw kong magsalita dahil baka mawalan na ako ng
preno at mag-away pa kami dito.
Mejo naramdaman ko na ang pagbaba ng mga luha ko sa mga mata ko. Nakakainis
lang kasi eh. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Wala namang pwedeng
magpaiyak sa akin sa mga sinabi niya kaya nga ako nagtataka kung bakit ganito. Agad
kong pinunasan ang luha ko.
"Yun naman pala eh! Edi mag wa-waitress na lang ako sa bar!"
Napaatras ako. :o
"Edi wa'g mo akong bantayan? Sino ba kasing nagsabi sayong babantayan mo ako
dapat? Hindi kita kailangan para bantay ko." OMG, a complete loss of job
opportunities, Summer. You're still ruining your life here! "Kaya ko ang sarili ko."
"Kaya? Kung di kita nakita kagabi at kanina, sa tingin mo anong nangyari?"
Mga papel galing sa isang receptionist? O baka naman may lihim silang relasyon nun?
Kung anu-ano na lang ang pumapasok sa utak ko.
"Sa tingin ko, Lex, nasampal at sumalubsob na sa damuhan ang mga mukha ng mga
lalaking yon. Dumating ka pa kasi!" Sabi ko.
"Ha? You're unbelievable. You should be thanking me for that. You've never thanked
me." Umiling siya.
"Okay then, thanks, Lex. Ano sa tingin mo ang buhay ko sa isang syudad? Doon mas
maraming manyak, mas maraming nambibiktima, at mas maraming bar... pero ano?
Nakaya ko naman ah? AT WALA KA DUN HAH!" Sabi ko.
"Okay, okay! Sorry ah. Sorry kasi ginawa ko ang mga yon sayo. Sana pala di na lang
kita sinagip sa mga yon." Tinalikuran niya ako.
No. Hindi yan ang punto ko. Nakakainis naman! He missed my point.
"Ang ibig ko lang namang sabihin eh... na, kaya ko na ang sarili ko. Wa'g mo na
akong bantayan."
Umupo siya. Masyadong intimidating ang mga tingin niya sa akin. Hinihinaan ko na
nga lang ang boses ko ngayon para di na masyadong mag-alab yung mga usapan
namin at magkataasan ulit ng boses. I'm swallowing my pride now, as in!
"Di naman yun ang ibig kong sabihin...-" Ano nga ba ang ibig kong sabihin? "-ang
sabi ko, eh di mo na kailangang bantayan ako. Wa'g ka nang mag-aksaya ng
panahon-"
"Kaya nga, diba? Sabi ko nga! Ano bang sinabi ko?" Walang pinagbago sa tono.
"Ano bang problema mo? Nakakainis ka naman!" Sigaw ko. "Akala ko pwede ako
kahit anong trabaho?"
"Ewan ko sayo. Wala na akong pakealam. Diba nga ayaw mong sagipin kita? Sana
pala pinabayaan na lang kita. Femme fatale pala yung sinagip ko, nagkukunwaring
babaeng may problema para makaakit ng mga lalaki. Ganun diba?" He looked away.
"Alam kong nakekealam ka lang sakin dahil I'm your cousin's cousin. Wa'g kang mag-
alala, di tayo magkadugo kaya di susunugin sa impyerno ang kaluluwa mo kung
pababayaan mo ako."
"Eto na ang sayo! Wa'g mo na ulit tulungan ang babaeng nagkukunwaring damsel in
distress para makaakit ng lalaki niya ah?"
"And oh, may nakalimutan akong sabihin sayo. Buti na lang at nag-away na rin tayo
at pinakita mo rin sakin yung tunay mong ugali - na nang iinsulto. Matagal ko ng
gustong sabihin sayo na I'm damned with your presense. I hate guys. And you're not
an exception. Kasi parepareho lang kayo."
Nagwalk-out ako palabas ng kwarto niya nang naka two piece ulit. Naabutan ko pa
ang ibang empleyado sa labas na parang naghihintay sa paglabas ng kahit isa saming
dalawa ni Lex. Di ko malaman ang ekspresyon nila. Wala naman ang receptionist dun
kaya di madadagdagan ang pag-aalburoto ko. Tiningnan nila ang soot ko.
"Anong nangyari? Woww, sinagip ka ulet ni Sir. Kakakilig." Nakangiti pa ang isang
empleyado at mukhang excited sa ikikwento ko.
Sadly, hindi ako showbiz na tao. "Sound proof ba `to?" Sabay turo sa mga dingding.
"UGGGHHHHH~!" Kung pwedeng punitin ang kumot ko, kanina pato nagkagutay-
gutay.
Okay, what will I do? Nag-away kami ni Lex, kahapon. At wala akong kahit ni
katiting na planong mag sorry sa kanya. OVER MY DEAD AND DECAYING
BODY. That guy almossst called me a b1tch. Sinabi pa niyang nagpapa-as if akong
may problema para lang makaakit ng lalaki. How good is that? Ibig sabihin, iniisip
niyang peke yung mga sinabi ko sakanyang problema ko way back home? Ibig niya
bang sabihin na sinabi ko lang sa kanya ang mga iyon dahil gusto kong maakit siya sa
'kawawang' side ko?
Lalabas na ako ngayon. Di tulad kahapon na buong araw akong nagkulong. Anong
gagawin ko ngayon? Ang kapal ng mukha kong tumitira dito ng libre. Pero mas
makapal ang mukha niya dahil sa mga sinabi niya sa akin. Hinding-hindi ko talaga
siya papatawarin. Kahit medyo nakokonsensya ako sa mga sinabi ko kahapon sa
kanya, di ko parin palalampasin ang sinabi niya saking nagkukunwari ako. Wala
akong pakealam sa kanya.
First time kong masabihan ng 'nagkukunwari' daw ako. At... para makaakit pa ng
lalaki ha? Grabe, nakakainsulto yun sakin.
Ngayon ko lang nacharge ulit ang phone ko simula nung pinatay ko `to sa tawag ni
Kevin.
Maraming text messages si Kevin. May text din si Dave. Lahat din ng friends ko dun
eh tinitext na ako tungkol sa summer classes. Tinatanong nila ako kung bakit wala ako
sa first day ng klase nila. Mga ungas, syempre... bumagsak ako. Natanggap ko rin ang
mga death threats ni Lauren. Sabi niya sisirain niya raw ang image ko.
Lauren:
Summer, where are you? Aren't you enrolling for summer classes?
O baka naman nahiya ka na sa pagsira sa relasyon namin ni Kevin?
Kung nasaan ka man ngayon, sana namatay ka na sa pagsisisi sa ginawa mo.
I'll make sure you won't have a face anymore in our school.
30 messages na ganito ang laman. Isang message lang ang natanggap ko galing kay
mama. Tig dadalawa naman sa dalawa kong pinsan. Yung ibang message galing sa di
ko kilala.
Tinapon ko ang cellphone ko malapit sa unan ko. Lalabas ako ngayon at...
maghahanap ng trabaho? Di na pwede, titigil na ako sa paghahanap. Bahala na si Lex
diyan. Mukha niya.
Kinuha ko ang digital camera. I'll take pictures of me before I get outta here. Baka
bukas, bumalik na ako sa syudad sayang naman.
Syempre. Wala akong kilala dito at ayaw kong mang-abala ng ibang turista. Nasa
harap na ako ng sea shore. Ayan, para makita nilang maganda ang dagat at maputi ang
sand dito. Humanap ako ng bato o kahit anong pwedeng paglapagan ng digital camera
at makapicture ako kahit timer lang.
At sa pang anim?
POSE.
Oh shet.
Linapitan ko siya at binawi ang camera sa kanya.
"Yeah, right. Saan mo nga pala ako gustong magtrabaho? Para makapagsimula na ako
at maibigay ko na sayo ang buong sweldo ko." Tanong ko.
Ngiting-ngiti parin siya. Ako naman, para paring byernes-santo ang mukha.
"Pinapatawad mo na ba ako?"
I know this is awkward. Humihingi na nga ako ng trabaho sa kanya ako pa ang hindi
nagpapatawad. Pero I don't care.
"Uhm ganun ba?" I smiled fakely. "May pera pa naman ako, pauwi. Maybe I'll pack
my things up..."
Tinalikuran ko siya.
Pag talikod ko, grabe. Nanggigil ako't nagngingitngit sa inis. Isipin niyo, smile lang
siya nang smile na parang walang sinabi kahapon? Binlackmail pa ako? Makaalis nga
dito... nakakabwusit pa dahil may isang sign na naman siyang nakuha.
I really really need to get out here. I GET DAMNED EVERYTIME HE IS AROUND
AND HE'S COMPLETING THE SIGNS. LOL. ang OA ko, tatlo pa lang. Pero, basta,
di ko siya patatawarin kaya aalis na lang ako.
SIGN 12~
Summer: This is not happening!
*tok-tok-tok-tok*
*tok-tok-tok-tok*
Huminga ako ng malalim at lumapit sa pintuan. Kung sino man `tong nasa labas ng
pintuan, kukutusan ko talaga `to.
Kahit na guiltyng-guilty na ako. Grabe parin ang tulak sakin ng pride kong mas
matayog pa sa mga tala sa langit.
Pilit kong inaalala ang mga masasakit na mga salitang sinabi niya sakin. Ang
pinakaunang pagkakataong sinabihan ako ng ganun ng isang lalaki.
Tumingin siya sa loob. He spotted my stroller. Nakita niya rin ata ang mga nagkalat
kong damit.
Kaya agad kong kinuha ang mga roses na dala niya. At hinampas ko sa mukha niya.
Ang ibang mga roses eh nagkalat na sa sahig at nasira na. Nagkalat ang mga petals sa
sahig.
Binuksan ko ulit ang pintuan para sana habulin siya kung saan man siya nagpunta at
humingi ng dispensa, kaya lang nakita ko siyang nakatayo parin doon sa kinatatayuan
niya kanina.
Nakita kong may dugong umaagos galing sa noo niya. Nakatayo lang siya tulad ng
ginawa niya kanina habang ang mga roses naman ay nakakalat parin sa sahig.
"Oh my God. This is not happening!" Sabi ko habang di parin makapaniwala sa mga
dugong nakita ko galing sa noo niya't nasa pisngi nya at nagka-stain narin pati ang
soot niya.
Nagdadalawang isip pa ako sa gagawin ko. Pero narealize kong ako ang may mali.
"Pumasok ka muna."
Hinawakan ko ang braso niya para sana hilahin siya sa loob ng kwarto ko pero
tinitigan niya ang mga kamay kong naka hawak sa kanya.
Binitawan ko ang braso niya. Tinulak ko siya papasok ng kwarto. This is not
happening. Gush!
Kumuha ako ng first aid box. At syempre, ginamot ko na agad ang sugat niya. Grabe,
pinagpawisan ako sa paggamot sa sugat niya. Bukod sa nakakaintimidate siya,
nahihirapan din ako sa pag-alala sa mga atraso niya.
"Sorry."
"You're not forgiven."
"Hey, this is unfair." Sabi ko habang tinitigan ko ang mga damit kong nakakalat.
"Alam mo bang pwede kitang kasuhan ng Physical Injury?"
"Makukulong ka."
Gusto ko sana siyang sigawan ng 'sige, ipakulong mo ko.'. Kaya lang, I can't afford to
lose my life again here.
Tinitigan niya ang mga damit ko, "Are you trying to run away?"
Nakataas parin ang kilay niya sa mga damit ko. Kaya linapitan ko ang mga damit at
binalik sa closet.
"See, I'll work here. And pay you. Promise." Sabi ko.
BWUSIT. >:(
"Okay, if you don't want me to be fake. Can I not be friend with you?" Sabi ko.
Yung mukha niya ngayon parang may halong pagtataka at pagkatuwa? Para kasing
natatawa siya.
SIGN 13~
Summer: Okaaay.
"Buti sana kung sa restaurant na lang ako nagtrabaho. May nalalaman naman ako sa
culinary, bakit dito pa?" Bulong ko habang liniligpit ang mga unan.
Housekeeping? Geeez, ampanget ng trabaho ko. Minsan boring. Kasi naiilang ang
manager naming utusan ako dahil sa koneksyon ko kay Lex. Lagi ko ngang
pinapaalala na galit si Lex sa akin kaya pwede niya akong alilain, kaya lang madalang
talaga ang utos niya.
Two weeks na ako dito pero parang ang tagal-tagal ko na. I sighed. Ang boring
naman. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko nang narinig ko itong nagri-ring.
"He-Hello?"
"Summer."
"Kevin, bakit?"
"Asan ka ba? Bakit laging out of coverage ang phone mo? Di ka na nagpapakita at di
mo pa nirereplyan ang text ko."
"Uh." Lagi kong pinapatay ang phone ko, ngayon ko lang ginising ulit dahil boring
ang trabaho ko. "Kasi... I'm out of the town. Basta... I'm on a vacation." Sabi ko.
"Asan ka?"
"Sa... uhm. Basta."
"Asan ka, pupuntahan kita. Boracay ba?" Tanong niya na parang desperado na talaga.
Syempre, artista na yun. Nung huli kaming nag-usap eh sinabi niya sa aking baka
titigil muna siya o baka lumipat siya ng paaralan.
"Huh? Hindi..."
"Kailangan kitang makausap."
"Nag-uusap naman tayo ah?"
"Hindi ganito... gusto kong malaman kung may nararamdaman ka pa sa akin..."
Natahimik ako.
"Kevin... I'm restarting my life." Sabi ko. "Aayusin ko muna ang sarili ko..."
Napabuntong-hininga ako.
"Alam ko... Kaya nga gusto kitang makita dahil gusto kitang tulungan. Isa ako sa
dahilan kung bakit ganito ang nangyari. Sorry. I'm sorry because I still love you."
Mga limang segundo akong hindi huminga at naramdaman kong hindi rin huminga si
Kevin. And yes, I still love him too. Kaya lang, di tama ang panahon ngayon.
Nabigla ako nang nakita ko si Lex at yung receptionist. Narinig nila ang pinag-usapan
namin ni Kevin?
Nakatitig lang siya sa akin habang mukhang kinakampihan ang Kate na yun.
Promise, magwo-walk out ako dahil galit tong si Lex sa akin kaya may 99 out of 100
possibility na mag-aaway kami dito.
Bago ko sila nalagpasan, hinila ko ang iilang strands sa buhok ng Kate na yun. Grabe,
gigil na gigil na talaga ako sa kanya. Pasalamat siyang mejo di ako warfreak ngayong
araw na `to.
"Aray. Abaaa!"
"Summer!" Sigaw ni Lex.
Nasa hallway na ako nang tumigil ako sa paglalakad dahil sa pagtawag ni Lex.
"Okaaay."
"Tsaka...-" Lumingon ulit ako kay Lex.
"Akin na yung cellphone mo. Baka masira ulit ang buhay mo dahil sa love na yan~"
He chuckled.
Matatawa kaya ako o ma iinis? O matutuwa? Ewan. Kahit ano man yung
nararamdaman ko, gusto ko paring ipakitang hindi ko gusto ang kahit ano kaya
pinandilatan ko siya pagkatapos kong ibigay ang cellphone ko.
"Andyan na pala ang mga bisita eh... Mag linis ka na ng kwarto..." Sabi ni Lex.
Natigilan ako at tiningnang mabuti ang mga bisita. Lumingon ulit si Lex sa akin nang
naramdaman niyang di ako kumibo.
"Dave~?"
SIGN 14
Nakatitig ako sa kanya habang pinipilit kong ngumiti at batiin sana siya. Plano ko ring
kumaway kung mapansin kong nakita niya ako.
Huli ko siyang nakita nung break-up namin. Galit siya sakin non, at ganun din ako sa
kanya. Pero sabi niyang okay na daw siya noong nagti-text ulit kami. Hindi nga lang
siya dumalo sa debut ko dahil busy siya. Last usap naman namin through texting eh
sinabi niyang baka lumipat siya ng school.
Napapanis na ang smile ko nang nakita kong papunta sila malapit sa akin.
Linagpasan ako ni Dave kasama ang ibang bisita at yung ka loveteam niyang si
Lindsay.
"Dave!" Tinawag ko siya.
Tumigil siya at mukhang dito lang banda ang room niya. Ang mga kasama niya
naman ay patuloy parin sa paglalakad.
Tumingin siya sa likuran ko. Kaya napatingin din ako. Si Lex pala yung tiningnan
niya. Nakatayo lang kasi ang kumag at nakikinig sa usapan.
"Ahhh, siya nga pala si Lex. May-ari ng resort na `to." Sabi ko.
"Uh, ganun ba?" Sumulyap siya kay Dave. "Tuloy muna ako, Summer ah?"
Tinalikuran niya ako.
He's sooo different. Noon, kapag nakikita niya ako, parang naeexcite siya. Ngayon,
parang ang cold na niya. Sa bagay, hindi na kami. Pero kahit noong hindi pa kami,
lagi niya naman akong binabati pag nagkikita kami. Sooo weird.
My palm landed on my face. Nakikita kong nagsho-shoot sina Dave sa malayo. Tapos
na ang trabaho ko at gumagabi na. I want to talk for him even for a lil while. Syempre,
gusto ko siyang kamustahin.
Kaya lang mukhang matatagalan pa itong shooting nila. Mag-iisang oras na silang
take nang take sa isang scene lang. Lagi kasing nagkakamali si Dave.
Tiningnan ko siya.
"Baliw ka ba?"
"Lalaki ako, kaya alam ko kung anong magiging reaction ko kung makita ko ang ex
kong mahal ko pa."
Pinandilatan ko si Lex, "Nga pala... Ba't ka andito?" I did tell him that I didn't like him
around me.
"I don't know." Nagkibit-balikat siya habang ngumingiti.
I really really really don't know why I don't want him around! Natatakot ako na
parang naiinis.
"Ba't ba ayaw mo sakin? Parang kumukulo ang dugo mo pag andyan ako? Wala
naman akong ginagawang masama ah?"
"Yun yun eh. Wala kang ginagawang masama. Pacute ka nang pacute at lagi kang
mabait." Sabi ko ng wala sa sarili.
"CUUUUTTTT ULEEEET!!!!" Sigaw ng director nina Dave. "Dave, why can't you
get this right? Pagod ka ba? The kissing scene should be the next thing..."
Tumayo ako para tingnang mabuti ang nangyayari sa set nila. Tiningnan ako ni Dave
sa malayo.
SIGN 15~
Summer: pupuntahan ko na lang muna siya
"Summer, kasi... this is the first time I saw you since our break-up." Sabi ni Dave
habang naglalakad kaming dalawa sa sea shore. "Mejo... di naman sa, mahal parin
talaga kita... " He sighed.
"Uh... Oo, naiintindihan kita..." I sighed too, pero habang bumubuntong-hininga ako,
nakikita ko si Lex sa malayo at mukhang sinsadyang mag sight-seeing malapit sa
amin.
"I've been blaming you for our break-up. Kahit alam kong may kasalanan talaga ako."
Hindi ko alam kung paano ako rereact, kaya tumango na lang ako.
"I denied you in front of the TV, pinahiya kita-" He paused.
"Dave, tama na. Let's just forget about it so we can be friends again." Sabi ko.
Tumango siya.
"So, kamusta na? And uh, bakit ka nga ba andito? Di ka ba nagsummer class?"
Tanong niya.
"I failed all my subjects last sem so... Tsaka, ayaw ko kasing sumunod kina ate at
kuya sa abroad. Kaya pumayag na lang ako na dito i 'rehab'." I chuckled.
Tumango si Dave, "Kelan ka naman babalik?"
"Uh, babalik? Hindi ko pa alam eh. Sabi kasi ni Mama na baka talagang dito muna
ako, babalik lang daw ako pag marealize ko ng kailangan ko na magseryoso."
Close kami ni Kevin since high school. At alam kong kahit noon, mainit na talaga ang
dugo ni Dave kay Kevin, at ganun din si Kevin sa kanya. Hindi sila magkasundo kaya
normal lang ang sinasabi niya ngayon. Noong nalaman din naman kasi ni Kevin na
kami na ni Dave eh di niya rin nagustuhan.
"... Hindi naman kami eh. Tsaka, pagbumalik ako dun, I'm not sure if I can give him
another chance."
"Huh? Akala ko ba, mahal mo siya?"
"Oo. Yun yung nararamdaman ko ngayon. Pero I want to restart my life already.
Ayoko ng magloko. I don't want to engage my self in a relationship again, baka
masira ko ulit ang buhay ko. Gusto ko ng magseryoso."
"Awww." He stared again.
"Bakit?"
"Mukhang nagmature ka na at magmamature ka pa." He smiled.
"Sawa na ako sa skipping-classes dramas at pumasok ng lasing. Tsaka, di na muna
siguro ako magboboyfriend." I laughed. "Nga pala, seryoso na ba talagang lilipat ka?"
"Oo. Kailangan eh, dahil sa trabaho."
Tumango ako.
Binalewala niya.
Lumingon ako sa kinatatayuan ni Lex at nakita ko siyang nakatayo parin doon. It's
past 9:00pm, hindi pa ako naghahapunan. Ginugutom na ako. Pero pakiramdam ko di
tamang sumama ako kay Dave, baka maging komplikado pa ang sitwasyon para kay
Dave.
SIGN 16~
Summer: NOH?
Ang bango niya talaga. Pero habang nakikita ko siyang tumitingin sa malayo at
parang nagpapa as-if na hindi niya ako nakitang parating, napagdesisyonan kong
lagpasan siya. Nasisilaw din ako sa earing niya, kaya di ko na lang siya tiningnan.
At yun nga, nagawa ko siyang lagpasan ng walang kahirap-hirap. Hindi niya kasi ako
pinansin kaya di ko rin siya papansinin.
Pero, sino ba ako para di lumingon kung, "Summer~, kumain ka na ba?", tatanongin
niya ako ng ganun?
"Hindi pa. Bibili na lang ako ng cup noodles or anything. Wala akong ganang mag-
heavy meal." Sabi ko.
"Ganun ba?" Natigilan siya at nag-isip.
I sighed.
Kinuha ko agad yung noodles, binayaran at nagmadaling umalis. Half running na ako,
para di na masundan ni Lex. Pero para akong sinakluban ng langit at lupa nakita kong
tumakbo talaga siya para maabutan lang ako.
"LEX! ANO BA? GUSTO MO BA NG AWAY TALAGA?" Sigaw ko sa harapan
niya.
"Huh?"
"WHY ARE YOU DOING THIS?" >:(
"Manyak ka siguro no? Naaning ka sa beauty ko kaya sunod ka ng sunod sa akin no?
Wa'g ka ng magkaila! MANYAK NA BOSS! MANYAK! MANYAK!" Sigaw ko sa
harapan niya.
Pinagtitinginan na kami ng ibang tao pero wala na akong magagawa dahil masyado na
akong napapraning sa Lex na `to.
"Ano wala kang masabi? May gusto ka siguro sakin no? Crush mo ko no? NOH?"
"Oo, crush kita." Pinulot niya ang nahulog na kawawang cup noodles at binigay sakin.
:o
SUSMARYOSEP. Wala yun sa signs diba? Yun ang una kong inisip. Napasinghap
ako at parang gusto ko na talagang manakit ng tao.
"Ano? SINUNGALING!" Sabi ko habang kinuha ang binigay niyang cup noodles.
"HAH! Tinawag mo kong manyak, tapos tinanong mo ko kung crush kita, ngayong
inamin ko naman, inaakusahan mo akong sinungaling? Ano ba yan, I can call my
attorney, LIBELOUS."
SIGN 17~
Summer: Ha. Uh, Okay.
Panay ang punas ko sa mesa ng reception hall kahit maagang maaga pa. Mabuti na
yung maaga para maaga ko ring matapos ang trabaho ko. Para naman akong maid
dito. Anyway, wala namang nakakakilala sakin. Ah, yeah, si Dave. Nag shooting ata
sila kasi ang agang umalis.
I sighed.
That Lex is getting into my nerves. Kung kelan ako nananahimik sa islang ito, saka
naman siya sabat ng sabat sa life ko. At ang gagang ako, naniwala naman sa sinabi
niya kagabi? No way! Kitang kita mo sa balat ng kumag na yun na chickboy siya
noong kapanahunan pa lang niya. May earing and all that. Evil smile, hot body,
mysterious effect, mayabang na pananamit, at mabulaklak na dila - walang duda -
chickboy nga ito noong highschool at college pa siya. Di ako naniniwalang isa lang
ang naging GF niya. Syempre alibi niya yun para paimpress sa kagaya kong
binabansagan niyang 'prey'. Oo, ako siguro ang susunod niyang bibiktimahin.
Natahimik siya.
HAH? Eh inagahan ko nga dito para matapos yung trabaho ko tapos magtatrabaho ulit
ako sa cafe? My golly.
Umalis na ako dun at lumipat sa nasabing Cafe. Mukhang alam naman ng manager
nila na lilipat ako dun. Nagutom tuloy ako dahil sa mga pagkaing nakita ko.
Nasa loob din pala sina Dave at mukhang kakatapos lang ng taping nila.
Nakakabigla dahil binigyan niya ako ng isang tray na maraming pagkain. Okay,
ganito siguro dito sa Cafe kaya binalewala ko lang. Nakita ko ang table ni Lex na siya
lang mag-isa ang kumakain at para bang hinihintay pa akong lumapit sa kanya para
makapagsimula na siya. Kaya lang, kumaway si Dave sa akin at, "Summer, dito ka na
lang. Walang nakaupo dito."
"Okay!"
Mabuti na `tong ganito, para ma testing ko kung magselos ba ang mokong na yun.
"Ah, nagsho-shooting pa sila. Kay Lindsay naman na part ngayon. Wala ako sa part
na yun eh."
Tumango ako at nilantakan na ang pagkain.
Grabe, umaga pa lang pagod na ako dito. Sinulyapan ko si Lex, kumakain naman siya
peacefully.
ACK~!
"Ahhh. Ha?"
"Uh, Dave... paano mo malalamang may gusto ang isang lalaki sa isang babae? I
mean, crush." Tanong ko.
"Hmmm, it actually depends on the guy. Depende kung anong klaseng lalaki siya.
Bakit?"
Oo nga! Anong klaseng lalaki ba si Lex? Wala naman akong alam eh. Mag i-isang
buwan pa ako dito at ganun din ang pagkakikilala ko sa kanya. Pero, kung sinasabi
niyang crush niya ako - well, maybe dahil nagandahan siya sa akin? Yes. Siguro
ganun lang yun. Sumulyap ulit ako sa table niya pero hindi ko na siya nakita.
So, what was that again? I don't really know what kind of guy that Lex is. Ba't ko ba
siya iniisip? Eh mukhang di nga niya ako iniisip eh. Hanggang sa natapos na ang
buong araw, ganun parin ang nasa isipan ko.
Tumango siya at tahimik ulit. Naiinis ako dahil masyado siyang tahimik ngayon.
DI MAN LANG SIYA NAINIS OR WHAT? WTH? So what naman diba Summer?
Tinitigan niya ako. Tinitigan ko na rin siya. Linapit pa niya ang mukha niya sakin.
AYYYIEEE. Ang bango niya at ang gwapo pa. Hahalikan niya ako?
"Summer!"
ACK~! Buking nga. Tinitigan ako ni Lex at nag-iba na naman ang ekspresyon ng
mukha niya.
Bago umalis si Lex may binulong siya sakin, "Sayang, binalak ko pa namang mabuti
kung paano kita aagawin in just 3 minutes." He chuckled after.
Huh?
Pataaaaaay! Ang init ng pisngi ko't parang kinikilig ako. He's so unpredictable. OH
NOOO! Bakit ganito na lang ako ka apektado? Baka crush ko na rin siya? NOOO! Di
ako pwedeng magkagusto sa isang lalaking hindi ko pa gaanong kilala at mas lalong
di ako pwedeng magkagusto ng kahit sinong lalaki ngayon.
Ha? Anong sinagot ko kay Dave? AHHHH! Wala na ako sarili. That LEX!!!!!!!! Grrr.
SIGN 18~
Summer: Tungkol kay Lex.
Hay. Akala ko tapos na ang trabaho ko, kaya lang kahit ganitong gabi na, naatasan
parin akong mamili ng kung anu-anong wala namang koneksyon sa cafe na iyon.
Papunta ako sa department store ng resort. Mejo maliwanag ang department store at
malaki. Ngayon pa ako makakapasok dito sa halos isang buwan ko dito. Papalapit na
ako nang bahagya akong napaatras dahil nakita ko si Lex.
Ba't nga ako aatras? As if may atraso ako sa kanya. Hmmmp. Nagpatuloy ako sa
paglalakad.
Easy lang, Summer. Hindi ikaw ang may crush sa kanya, siya ang may crush sayo
kaya tama na yang paghuhuramentado mo.
Anong may crush siya sayo? So, naniniwala ka? Loko lang yun, gaga~!
*BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOOG!*
"Arayyy!"
Nabungo ako sa isang hindi malamang bagay. PESTE, may malaking salamin pala
ang department store na itech? Ang sakit ng ilong ko, parang nabali ata. Shucks!
Hinawakan ko't ininda ang sakit. Patay, mamumula ito. HUHU.
Narinig kong may tumawa sa likuran. Lumingon ako para makita na si Rocky the
manyak lifeguard ang humahalakhak at parang napahiya ako. Hahayaan ko na lang
sana pero...
"Anong tinatawa-tawa mo diyan?" Kinwelyohan ni Lex si Rocky.
Nakakaawa na nga ang itsura ni Rocky dahil mukhang napatawa lang naman talaga
siya sa itsura ko pero agad naman sineryoso ni Lex.
"So-So-Sorry po."
"Mag-ingat ka sa mga tinatawanan mo ah!" Sabi ni Lex ng hindi parin tinatantanan
ang kwelyo ni Rocky.
Kinindatan niya pa ako nang nakita niyang nagkasalubong ang kilay kong tumitingin
sa kanila. Napailing ako at pumasok sa loob.
"Wala akong time sa mga pambobola mo, Lex." Bulong ko sa sarili ko.
Pagkatapos kong mamili ng kung anu-ano. Nakita kong nakaabang si Lex sa labas ng
department store.
"Kamusta ang ilong mo?" Tanong niya habang tinitingnan akong may dalang
sangkatutak na mga pinamili.
"Okay lang." Sabi ko. Cold, as usual.
Kinuha niya ang pinakamalaking supot. Bwusit, nagpapaka gentleman ulit ang
kumag.
Pinilit niyang kinuha ang dalawang supot. At dahil ayaw kong mapunit ang supot,
hinayaan ko na lang siyang kunin ito.
Napasinghap ako.
"Okay! Since, nagvolunteer ka, ikaw na ang maghatid niyan sa Cafe at babalik na
akong Hotel at matutulog na." Evil talaga. Imagine? Boss ko, pero inuutusan ko?
"Mmmkay. Good night, then." He smiled.
Nagsimula na siyang maglakad patungong cafe. Ako naman, hindi parin makagalaw
at naguguluhan parin sa taong iyon. Oh God. I really need to be enlightened!
"Summer!" Napalingon ako kay Manang Alicia nang nakita ko siyang kakapasok lang
sa resort at mukhang bibisita.
"Manang!" Sigaw ko, with excitement.
"Si Sir Lex ba yun? Malayo pa lang ako nakikita kong mukhang nagtatalo kayo't
binigay mo sa kanya yung mga supot, ano ba yun?"
"Huh?"
"Uh... Wala po yun." Sabi ko nang naglakad kami patungong Accomodation Block.
"Ba't po kayo andito?"
"Ah, tinitingnan lang kita. Narinig ko kasi kay Sir na nagpunta daw dito yung ex
mong si Dave Ramos. Nakaalis na ba?"
"Opo. Kanina."
"Nagkabalikan ba kayo?" Tanong niya.
"Di naman po."
She sighed. "Hayyy, akala ko pa naman. Bilin talaga kasi ng mama mong hindi ka
muna magboboypren at wa'g raw kitang hayaang mapalapit sa kahit sinong lalaki."
"Huh? Eh, wa'g kayong mag-alala, kahit ako mismo, walang plano sa ganyan.
Panggulo."
Habang papalapit kami sa Hotel, sumulyap ako kay Lex at parang nagkaproblema siya
sa dala-dala niya.
Lilingon din sana si Manang kay Lex, "Manang!" Agad kong kinuha ang atensyon
niya.
"Ano?"
"Uh. hehe. May mga itatanong lang sana ako..."
Naku, pag nalaman niyang inutusan ko yung pinakamamahal nilang Sir Lex dito eh
baka magrally lang sila sa harapan ko't ako pa ang magiging masama sa harapan nila.
At pa'g nalaman nilang nagpauto si Lex sa akin dahil crush daw niya ako, mas lalo
akong paaalisin dito dahil kay mama.
"Tungkol saan?"
"Tungkol kay Lex."
"Ha? Bakit? May gusto ka sa kanya? Di ka raw pwedeng magka-"
"Manaaang, di naman po ganun. Pramis, di ako magboboypren. Promise!" Tinaas ko
pa ang kanang kamay ko.
I have the 24 signs. Hindi ko pa iyon nakakalimutan. Seryoso ako sa mga yun at
susundin ko talaga yun ng walang pag-aalinlangan.
SIGN 19~
Summer: Uh-Oh... Uhmm...
Umupo kami ni manang sa sofa sa reception hall. Di rin daw kasi siya magtatagal
dahil may gagawin pa siya sa farm.
"Mabait na mabait na mabait si Sir Lex. Paborito ko nga siya eh dahil ang bait-bait
niya."
Sabi na nga ba. OA lang talaga kung iniisip kong kakaiba ang treatment niya sa akin.
"Kaya lang naiinis yan pag binabalewala. Ang totoo, mejo may pagka chicboy nga
siya. Pero hindi naman yung tipong marami siyang pinapaiyak na mga may gusto sa
kanya. Yung nagpapacute lang sa mga babae."
Tumango ako.
"Uhhh, puro naman yan puri. Ano bang bad side niya?"
"Bakit?"
"Wala lang."
"Hmmm, nagkakagusto ka na ba kay Sir?"
"Hindi po! Naiinis nga po ako dun eh. Kaya lang wala akong mapagsabihan ng sama
ng loob dito dahil wala naman akong kilala."
"Ano ba yung kinaiinisan mo sa kanya?" Tanong ni Manang.
"Ah. Masyado po siyang makulit at mabait. Nakakainis."
Tumawa si Manang, "hmmm. Ang alam ko, ma-pride si Sir Lex at mejo hindi mejo,
talagang ayaw niya ng binabalewala siya."
"Ha? Ma-pride at binabalewala?"
"Oo. Talagang ma-pride siya. Kaya nga lagi namin siyang tinatawag na 'Sir' eh. Baka
kasi ma-apakan namin yung pride niya."
"Ah... Huh?"
"Uh... talaga bang ma pride siya? Nauutusan niyo na man po siya diba? Like yung
sinundo ako nung pagdating ko dito?"
"Hindi. Nagvolunteer siya na sunduin ka dahil sa dami ng trabaho ko. Kaya nga
mabait siya eh."
"Ganun po ba..."
Eh inutusan ko siya kanina diba? Pumayag naman siya. Di naman mukhang na hurt
yung ego or pride. Hmmm.
"Kaya nga isang beses lang siyang nagkagilpren kasi di siya marunong manligaw at
dahil ma pride siya. Ayaw niyang inaaming may gusto siya sa isang babae. Mabait
nga siya kaya maraming nagkakagusto sa kanya."
"Kung ganun, ang swerte nung ex niya!" Sabi ko.
Mejo naguguluhan parin ako dahil baliktad ang mga sinabi ni Manang sa mga nakikita
ko ngayon kay Lex. Ayaw ba talaga niyang umamin sa mga nagugustuhan niyang
babae? Bakit umamin siya sakin? Ibig sabihin ba nun eh di totoo yung sinabi ni Lex sa
akin? AY EWAN KO.
"Swerte talaga. Kaya lang kahit ang bait-bait ni Sir, yung babae mejo maraming
naging boyfriend at may pag ka..." Nag-isip pa ng mabuti si Manang at tiningnan ako.
"... kagaya mo."
"Kagaya ko?"
"Oo. Yung gabi na umuuwi sa bahay at kung saan-saan pumupunta."
"Noon yun nung nag-aaral pa sila. Pero kahit ganoon yung babae, mahal na mahal
niya si Sir simula pa noon. Hindi nga lang siya pinapansin ni Sir, pero mahal talaga
nung babae."
"Huh? Paano naging sila?"
"Hindi ko nga rin alam eh. Basta ang alam ko, magkaibigan na yung mga magulang ni
Sir at ni Ma'am Kyla."
Panay ang pag-iisip at pag-eexplain ni Manang sa akin habang may nakita akong
pumasok na napakagandang babae sa hotel. Sa sobrang ganda niya, nandiri na ako sa
sarili ko. TOMBOY! haha Dumiretso ang babae sa mga kwarto. witweeew. Pag laki
ko, sana ganyan din ako ka ganda at professional ang dating.
Syempre, Summer. Gaga ka kung itatanong mo yan kay Manang. At gaga ka na dahil
iniisip mo pang itanong.
"Excuse me,"
Lumingon ang magandang babae sa amin at wala akong masabi, talagang ang ganda
niya.
SIGN 20~
Summer: I dunno.
{KYLANGEL}
Lumapit si Kate sa akin at... "Nga pala ma'am Kyla, eto nga pala si Summer."
Tumaas ang kilay nung Kyla at mukhang nagtataka kung ba't ako pinapakilala.
Grabe, Out of Place ako dito. Naisipan kong maglakad-lakad na lang muna sa lobby.
"Nahatid ko na."
"Ba't natagalan ka?"
"Nag-usap pa kami ng manager mo, may day off ka rawng tatlong araw."
"Huh?"
"Oo. Sinabi niya..."
"Lex!"
Wala akong magawa kundi magtaas lang ng kilay habang nakatingin si Lex sa Kyla
na iyon.
"Kyla!"
Napatingin si Lex sakin. Narinig niya? Oi, di ko yun sinadya ah! At di ako
nagparinig!
Pero bago siya makapagreact sa bulong kong sana sa sarili ko lang, yinakap na siya ni
Kyla.
"Lex! I missed you!" Sabi ni Kyla gamit ang isang sweet na boses na tamang-tama
lang sa mukha niyang mala anghel.
"Bumyahe ka? Gabi na ah?"
"Summer, alis na ko ah. Paki sabi kay Sir at Ma'am." Bulong ni Manang sakin.
Tumango ako.
Tumango si Kyla. :o
"Summer!" Tinawag pa ako ni Lex. "Wala kang pasok bukas ah! Baka makalimutan
mo. Tsaka, tatlong araw yan."
"Sabihin mo nga... do you think Lex likes you?" Tanong ni Kate sakin ng seryoso.
"No~!"
"Really?"
"Oo!" Nakakunot na ang noo ko pagkatapos kong sagutin ang pagdududa niya.
"Kung ganun ba't ganun siya ka concern at interesado sayo?" Bulong niya. "Ba't
parang mas ganyan siya say- NEVER MIND!"
"Okay! Kukunan mo ulit ako ng room, tulad ng dati? Ba't di pwedeng sa room mo na
lang para tipid?" Kahit malambing ang boses ni Kyla, narinig ko parin ang pagtaas
nito. "I mean... okay, pero yung sa tapat lang ng room mo ah?" Huminahon ulit siya.
HAAAA? Ano yooown Summer? Kala ko ba anghel yong Kyla, ba't nag-iinit na ang
dugo ko ngayon?
SIGN 21~
Summer: AWWWW SURE!
Napahinga ako ng malalim pagkatapos kong ilublob ang buong katawan, pati ulo, sa
bath tub. Matutulog ako ng maaga ngayong gabi, I don't wanna be disturbed by
anyone.
Kakabasa ko pa lang sa 24 signs. And yes... I don't believe in LOVE anymore, pero
naniniwala ako sa mga signs na yun.
*KRRIIIIING*
Narinig ko ang cellphone kong nagri-ring kaya umalis ako ng banyo. Nakatuwalya
lang ako at syempre, underwearssss.
"Hello?"
"Summer, ba't ngayon mo lang sinagot? Halos buong araw akong tumatawag sayo
ah." Sabi ni Kevin. "I'm missing you so much."
"Kevin... Let's move on. Please move on."
Naramdaman kong biglang bumukas ang pintuan ng kwarto ko. Paglingon ko naman
sa pintuan, biglang nahulog ang tuwalya ko.
Hindi makatingin ng diretso si Kyla sakin. So what kung naka bra't panty lang ako?
Babae ka naman ah? Tsss. LOKA talaga ako. Pinatay ko ang cellphone ko kahit di pa
ako nagpapaalam kay Kevin.
"Kyla... Si Summer ang-" Pati si Lex na bigla ding pumasok eh na tigilan ng tingnan
ako.
"Ngayon ko lang nalamang pwede pala kayong maging akyat-bahay." Linapag ko ang
cellphone ko sa mesa.
Ginamit ko na rin ang tuwalya para patuyuin ang buhok ko habang ang dalawa naman
ay parang istatwang nakatayo malapit sa pintuan.
"Uhmm, I'm sorry. Kinuha ko yung duplicate keys. Kala ko kasi nagsisinungaling
si..." Tinakpan niya ang mga mata ni Lex. "... Lex. I'm sorry, Summer."
"Awww, how sweet..." Binulong ko ang sarcasm na `to sa sarili ko. "Ahhh, I mean...
It's okay!" Ngumiti pa ako.
"Sorry, Summer? NYENYE~" Ginaya ko ang boses ni Kyla habang pinapatuyo ang
buhok ko.
I stopped.
"HAY! Ano na ba tong nangyayari? Ba't ako naiinis sa Kylang yaon? I can't be
jealous!"
Muntik na kasing mahulog ang platong linilinisan ko. Maaga ulit ako sa trabaho at
nagbabakasakaling maaga na rin akong matapos, di tulad kagabi.
"Oi dai, diba sinabi ni Sir Lex na wala kang duty ngayon?" Sabi ng manager namin.
"Ahhh-"
"Andito ba si Summer?" Malayo pa lang, narinig ko na agad ang mala anghel na boses
ni Kyla.
Kasama niya si Lex. Nakataas na ang kilay ni Lex nang nabaon ang mga mata ko sa
kanya.
Ewan ko pero napangiti ang kumag habang tumitingin kung saan saan. Hinawakan
naman ni Kyla ang braso niya pagkatapos nilang marinig ang sinabi ko.
"Uhhh. Mag vi-videoke lang sana kami." Sabay turo sa videoke room ng restaurant.
"Oohh! Okay lang bang sumama?" I smiled and evil smile.
Nagkibit balikat si Lex. Kung ayaw niya, eh sabihin niya na lang! Madali naman
akong kausap eh. Pero sa puntong ito, di ko kayang umurong. Ayokong umurong.
Pakapalan na ng mukha ang labanan dito at wala akong pakealam kung anong maging
reaksyon ng dalawa.
"O sige... Sumama ka." Kyla smiled. "Para masaya." She glanced at Lex.
Humanda yung Kyla na yun, dapat may ma achieve si Lex na isang sign ulit para
maging akin na siya. WAHAHAHAHA.
SIGN 22~
Summer: Talagang di ko yun sinadya.
Nakatayo ako habang nag pa-pa-as if na nagpapanic habang pinapanood ang dalawa
na nagtutulungan sa pagpunas ng damit ni Kyla.
"Ikaw? Na basa kaba?" Tanong ni Kyla sakin habang tinitingnan ang damit ko.
"Hi-Hindi naman..."
"Summer, kunan mo nga ng damit si Kyla sa kwarto niya." Sabi ni Lex sakin, seryoso.
"Hu- owkaaay."
"Wa'g na, Summer~!" Singit ni Kyla. "Okay na `to Lex, di naman ako masyadong
nabasa eh. Okay lang, Summer. Wa'g na."
"Okay!"
I smiled secretly. Pero unti-unting napawi ang ngiti ko nung na rerealize na mukhang
nagmomoment ang dalawa habang nakatingin ako sa kanila.
Una, naiirita na ako sa kabaitang ipinapakita ng Kylang eto. Alam kong di niya naman
alam na sinadya ko yung kanina, pero dapat nabadtrip na siya ngayon dahil dun.
Pangalawa. For God's sake, I'm targeting '6. kinanta niya ang kantang gusto ko.' Paano
niya kakantahin ang gusto ko kung di naman talaga siya kumakanta? At mukhang bad
trip pa siya dahil sa nagawa ko.
Pangatlo. Paano ko nga ba naisip na gawing milestones at goals ang 24 signs ko?
Lechugas.
Sumulyap ako kay Lex at nakapangalumbaba siya habang nakatingin sa akin kaya
mejo naintimidate ako.
Di siya sumagot. O M GEE. He's angry again? Ganyan ang mga mata niya pag galit
siya sakin.
Kinuha ko na yung mga baso ulit at umalis na ng walang pasabi at walang tingin-
tingin sa kanila.
Now, I don't know if my plans worked. Bakit pa kasi may pa plano-plano pa akong
nalalaman eh.
"Constantly, you’re on my mind. Thinking about you all the time. I can’t sleep no
matter what I do. I just keep on thinking ‘bout you."
Sumulyap si Lex sakin at naabutan niya pa akong nakatitig kay Kyla at parang
dinaramdam ang eksena ng dalawa. I looked away.
6 years ang relationship nila. I've known him for, what, a month? I can't defeat that.
And honestly, I think I'm beginning to long for Lex's attention.
24 (impossible) signs
SIGN 23~
Summer: Naaw.
OKAY! Alam kong mejo may violation ako dun sa isang yun. Kasi talagang sinadya
ko yung paghamon kay Lex para lang makanta niya. Pero who cares? Wala naman sa
rules na di pwedeng sadyain ko ang mga moment at ba't ba pinoproblema itech eh ako
lang naman at ang konsensya ko ang magkalaban?
Ano pa ba ang kailangan niyang ma achieve na sign? Tsaka... pag na achieve niya
naman lahat, anong mangyayari sa akin? Paano kung maachieve niya yun lahat pero
yung Kyla paring yun ang mahal niya, sorry na lang ako? ARGH!
So what about these things? Ano bang nangyayari sakin at bakit ko iniisip ang ganito?
Unang una, I can't fall in love. Pangalawa, ayaw ko sa Lex na yun. Pangatlo, ba't
parang gusto kong maging hobby ang pakikipagkompetisyon kay Kyla?
"Miss na miss ko na ang white island." Sabi ni Kyla habang hinahawakan ang hat niya
sa ulo niya.
Nandito kami sa yate ng Sortee Beach Club. Minsan tuloy gusto kong magtanong
kung may sportscar ba si Lex.
"Ganun parin naman yung itsura. Wala masyadong pinagbago." Sabi ni Lex.
Out of place ako dito. Usapang matatanda ang nangyayari eh.
"Natatandaan mo ba Lex? Nung tayo pa... Ganito lagi ang ginagawa ko?" She smiled.
Napasinghap ako at tiningnan ang asul na dagat. Mahulog ka sana para maiwan ka na
dito!
"Lex, tulungan mo siya o. Yung sa Titanic!" Sabi ko kay Lex. Iinisin ko sana pero,
"Hayaan mo siya, ganyan na talaga yan."
"AHHHH~!"
Nakita kong tumalon ng sabay ang tatlong dolphin at bumagal ang takbo ng yate.
"Kyla!!!"
Nahulog na rin si Kyla gaya ng wish ko. Nabigla ata siya sa mga dolphins.
Na stuck ako sa iisang ekspresyon pagkatapos kong puntahan ang crew at ipatigil ang
yate. Dala-dala ko kasi ang mga tuwalya habang pinapanood na yinayakap ni Kyla si
Lex.
Napasinghap ako't parang ang sarap tadjakan ang dalawa. Bakit puro bayolente ang
mga naiisip kong gagawin?
Inabot ko ang tuwalya kay Lex at hindi parin tumitigil si Kyla sa pag-iyak.
Okay, now, breath! Magyo-yoga na muna ako. Mejo na stressed ako sa dami ng
iniisip ko. Wala akong inisip hanggang sa nakarating na kami sa nasabing white
island.
Okay naman, mukhang abandonadong isla na may mga caves and all that. Badtrip nga
kasi ang daming fleas sa dagat. Kung di lang sila maliliit eh kinutusan ko na sila.
Yun naman pala, nakagat ng flea. Heller, nakagat na ako ilang beses simula kanina
pero di naman ako sumigaw ng ganoon. Pathetic. HUUUU. Natatakot na ako, ba't ba
ang init talaga ng ulo ko sa kanya? Gusto ko na ata si lex eh.
"Ang ganda nung islang yun ano?" Tanong ni Lex sa akin nung papauwi na kami.
Lumingon ako sa kanya at nakita kong wala siyang t-shirt. LOL. I traced his abs...
tulo-laway na afterwards. LOL. I looked away. Pinandilatan ko ang kawalan.
"So... di pala marunong lumangoy si Kyla andddd... she's kinda lampa?" Sabi ko para
mejo mainterrupt ang mga titig niya.
"Oo."
"Awww. She SUPPEEEER needs a man like you." Sabi ko. "Ba't di kayo
nagpakasal?" Tanong ko.
"Bata pa namin nun. Ba't kami magpapakasal?" Sabi niya.
"Anong bata? Right age na yan no." Sabi ko kahit mejo masakit sakin.
"We were 20 that time."
"20?"
"Oo. Twenty."
"Anong twenty? Diba 6 years kayo?"
"Three years lang kami. Hey, did you try to research about us?" Sabi niya.
"Naaw." Deny ko.
"If you want to research about me, why not ask me directly?"
"Research about you? Hell no. Yun ang narinig ko kay Manang. Di ako nagtanong or
whatever."
"Okay." Tiningnan niya ako.
"What? Di ka naniniwala?"
"Wala. I just thought, you might want to hear some things about us."
SIGN 25~
Summer: mali eh.
Napailing ako.
"Nabasa mo ba?"
"Hindi. Kaya nga tinatanong kita ngayon kung kailangan pa ba yon."
Ano bang mga pinagsasabi niya. Napansin kong nakahawak parin siya sa braso ko.
O.O
Bumalik siya?
Namumugto parin ang mata nito at parang mas lalo niyang dinamdam ang narinig
niya.
"Kyla." Binitawan ni Lex ang braso ko. "I'm sorry. Dapat sana sinabihan kita tungkol
dito."
Namuo ulit ang mga luha sa mata ni Kyla. Teka nga... nakakabanas na ang mga ito
ah? Ba't parang naiipit ako? Tsaka, seryosohan na ba ito?
"Te-teka, ano `to? Wala akong kinalaman dito." Sabi ko at umambang aalis.
"No!" Hinila ako ni Lex sa likuran niya.
Lex! Ano ba `tong ginagawa mo? Niloloko lang yata ako dito eh. Sa pagkakaalam ko,
may problema silang dalawa ni Kyla. Sigurado akong tungkol iyon sa isang party (na
narinig ko kanina sa usapan nila), at something like fiancee blah! Naguguluhan ako.
Nahihilo na ako. Nalilito pa. Pero di ako makaimik dahil out of place ako dito.
"That was the first time I heard you say that." Sabi ni Kyla habang tumutulo ang
kanyang mga luha.
"A-Eh-Excuse-"
"Ilang araw pa ba kayong magkakilala? I can't believe this!" Todo na ang tulo ng mga
luha niya. "Ginagamit mo lang siya, diba Lex?"
"No, I'm not. Sorry, Kyla." Sabi ni Lex in a calming tone.
"Can we talk?"
"Shut up, Lex! Hindi ko na alam kung anong pinagsasabi mo, naguguluhan na ako!
Sobra~"
"Kaya nga, I want to talk to you!"
Suminghap ako nang nakita kong tumigil siya sa paglalakad nang nakalabas na kami
sa hotel at nakaharap na siya sa dagat.
"Kyla... Uhm, I'm sorry. Wa'g kang maniwala kay Lex. Hindi totoo yung mga sinabi
niya kanina. I know what he's up to."
"I knew it. Napansin ko na nung una ko kayong nakita... I'm pretty sure that he likes
you, he's interested with you..."
Leche, naniwala!
"Uh. Hindi kasi... mali eh. Hindi yun totoo. Ikaw na nga yung nagsabi na isang buwan
pa lang kaming magkakilala, kaya impossible."
"Alam ko," Humikbi siya.
Di ko alam kung mag-ooffer ba ako ng tissue o titingnan ko na lang siya. I'm doing
this now because I want to correct my past faults. Ayoko ng mangyari ulit ang
nangyari kay Lauren at Kevin.
"Hindi eh. I knew it. Ma pride siyang tao, at hindi mo maiisip kung gaano ka tayog
ang pride niya." Humikbi siya. "I can't accept this, I've been with him for how many
years... I've never seen him that way to any girl."
You have got to be kidding me! Ba't siya naniwala? Uto-uto din ba itong sang `to?
Ang sakit palang umamin sa iniisip mo kung kasalungat yun sa tunay mong gustong
paniwalaan. I wanna believe in Lex. But some part of me just CANNOT.
SIGN 26~
Summer: Wa'g mo nga akong paglaruan!
Hikbi parin siya ng hikbi. Tsk. Ba't ba lagi na lang akong nasasangkot sa mga
iskandalong may kinalaman sa break-up at kung anu-ano pang tungkol sa lovelife?
Panay ang sigaw ko sa loob ng bathroom habang nagshoshower. Ang haba ng araw ko
kahapon at mejo hanggang ngayon, hindi ko parin naiintindihan ang mga nangyayari.
Wala na akong nagawa kagabi kaya iniwan ko na lang si Kyla na umiiyak dun at
sigurado naman akong pupuntahan yun ni Lex - dahil mabait siya. I just hope I'm
right.
"That's what you get when you let you're heart win, whoa!!!!"
Tinanghali din ako ng gising dahil ang tagal kong nakatulog kagabi. Nagka insomnia
na ata ako dahil sa mga nangyayari. Akala ko mabuti itong pagrehab dito, yon naman
pala, palpak parin. May lalaki parin. May magugustuhan parin ako. Ang susunod kaya
nito ay ang pagkasira ulit ng sira kong buhay? Wa'g naman sana.
Nakita ko si Lex at parang kanina niya pa ako hinihintay. Mukhang alam niyang kahit
sinabing tatlong araw akong walang trabaho eh magtatrabaho parin ako. Hinanap ko
sa paligid si Kyla, pero wala ito doon.
Di-deadmahin ko sana si Lex kaso, ayaw sumunod ng mga paa ko. Instead, I went up
to him.
"Nu to?"
Di niya sinagot at binasa ko ang nakasulat... "60th birthday... who's Javier Santos?"
Tanong ko.
"My dad." Sabi niya.
Binalik ko sa kanya.
"Next Wednesday yan. Anong araw this week, darating na ang mga kasama niya sa
business world dito. Bigatin ang mga tao dun."
"Tapos?" Is he inviting me?
"Come with me."
"Huh?" Nanlaki ang mga mata ko. "Ano bang gagawin ko diyan?"
"I want to present you to my parents." Sabi niya.
FCU...
"Who?"
"Me?" Napatawa ako ng malakas nang di niya ako sinagot. "Wa'g mo nga akong
patawanin!"
"Yeah, di ka naman naniniwala diba? Ba't di mo subukang sumama sakin bukas?"
Seryoso parin ang mukha niya.
Napansin kong kanina pa seryoso ang mukha niya. Kinakabahan ulit ako. Seryoso
siya.
Oo nga naman! Pero nu bah to? Anong gagawin bukas at bakit parang malaking bagay
kay Lex at Kyla yun. Kagabi ko pa naririnig yung mga party ah?
Di na ako makapag-isip.
"Talagang hindi! Lex, pwede ba, wa'g mo naman akong isali sa mga problema niyo
oh! Kung may problema ka sa EX mo, kayo na lang nun, ba't kailangang manggamit
ka pa ng tulad kong may sariling problema!" Tumayo akong bigla at aalis na talaga.
"Ouch!"
Napasigaw ako dahil nasapul ng tray nung isang waiter ang ulo ko. Aroooy ko po!
Napahawak ako sa ulo ko at pinakiramdaman kung nabasag ba ito.
Kinuha niya ang kamay ko at hinila niya ako malapit sa kanya. Nagpumiglas ako pero
masyado siyang malakas, he hugged me.
"Lex!" :-[
Nagagalit na ako. Ano bang pinaggagagawa niya? Hindi ko maintindihan! I can hear
his heart beating very fast.
"I want to present the girl I want to marry on that party, please come with me." He
whispered.
Nakita ng mga turista at mga crew ang nangyari samin at mukhang silang lahat ay
natigilan. Kaya lang, ewan ko pero kumulo ang dugo ko. Paano niya nasasabi yung
mga pinagsasabi niya ngayon? Ang bilis naman yata. This is a joke! You've got to be
kidding me!
Pumiglas ulit ako at talagang buong lakas ko na ang ginamit ko. Paano kung andito si
Kyla sa paligid? Mayayari na naman ako, masasangkot na naman ako sa isang
krimen!?
"What are you talking about! Si Kyla ang i-present mo! Wa'g mo nga akong
paglaruan! Di porke't boss ka dito, papayag na ako sa sinabi mo!" Sigaw ko.
"Apat na taon na kaming wala ni Kyla-"
Binuhusan ko siya ng tubig. Pasensya na~ Lex. I just can't believe you. And I want to
stop you from explaining.
Napapikit si Lex sa ginawa kong pagbuhos ng tubig, mag wo-walk-out na sana ako,
kaya lang hinila niya ako pabalik at hinalikan.
Nag aalburoto parin ang puso ko at mukhang maha-high blood na ako. Anong akala ni
Lex sakin, cheap? Siguro katulad lang din siya ng mga lalaki diyan...
Nagwalk-out ako kanina dahil sa kahihiyan. Tumigil na lang ako sa paglalakad nang
tinawag ako ni Kate.
*SLAPPPP!*
Natigilan ako.
"Pano mo yun nagawa sa kanya? Kung ayaw mo kay Sir Lex, ba't di mo na lang
sinabi agad sa kanya? Ba't kinailangan mo pang ipahiya siya sa karamihan?"
Naramdaman kong sobra-sobra ang hingal at namumula na rin ang pisngi ni Kate.
Di ako makasagot dahil nabigla ako sa nangyari. Ang tanging nararamdaman ko lang
ngayon ay ang sakit ng sampal ni Kate at ang tanging naririnig ko naman ay ang
mabilis na pintig ng puso ko.
"He chose you over Kyla! Mas pinili niya ang isang babaeng wala pang dalawang
buwan niyang nakikilala sa babaeng tatlong taon siyang minahal, di pa ba sapat sayo
yun?"
"Anong pinili? I don't believe him! Ginagamit niya lang ako. Can't you see?"
"'CAN'T YOU SEE!?' Kahit kailan, wala pang bumuhos ng tubig sa kanyang mukha
sa harapan ng lahat ng tao na hindi niya pinaalis. For the first time in history binuksan
niya ang dibdib niya sa isang babae at nag tapat pa ng walang pag-aalinlangan sa
harap ng mga tao. Can't you see that?"
"Impossible!"
"Sa tingin mo, bakit umalis ang ex niya? Kasi, he chose you over that girl! At alam
niyang kapag si Sir Lex na ang pipili, tunay yun dahil hindi siya sinungaling!"
Umambang sasampalin ulit ako ni Kate kaya pumikit ako para damhin ulit ang sakit
nito. Kaya lang hindi dumapo ang mga palad niya sa pisngi ko.
"Sir! You should get rid of this girl. She is degrading you-"
"Ayos ka lang ba?" Lex touched my face gently. "Namumula ang pisngi mo."
Habang tinitingnan ko siya, naiiyak ako. Bakit niya ba `to ginagawa? Dapat galit na
siya sakin diba?
Paano niya nagagawang mag-alala sakin kahit ilang beses ko na siyang sinaktan...
physically... and maybe, emotionally.
SIGN 27~
Summer: Bukas na yun?
Limang na ang nakalipas sa mga nangyari at dalawang gabi na rin akong hindi
nakakatulog ng maayos. Gabi-gabi ko kasing naiisip ang mukha ni Lex nang
binuhusan ko siya ng tubig, nang tinanong niya ako kung ayos lang ba ako... Hindi
niya na rin ako tinatawag ngayon at di ko rin naman siya pinapansin. Alam kong
pagkakamali ko yung mga nangyari kaso, sana maintindihan din niyang nabigla ako.
Limang araw ko na rin siyang nakikita with some girls. Minsan tatlong babae, minsan
dalawa. Kumakain sila sa Cafe - kung saan ako nagtatrabaho. At kahit isang beses di
ko siya nakitang nakatingin din sa akin. As in, grabe... nakakainis nga dahil minsan
isang oras ko na siyang tinitingnan at inaabangan kung susulyap ba siya ng kahit isang
segundo sa akin pero di niya nagawa. Eto na siguro ang sinasabi nilang pride niya.
"Pssst. Anong order ng table na yun." Tinawag ko yung waiter na pinagalitan ni Lex
nung isang araw.
"Bakit? Gusto mong ikaw ang mag serve sa kanila?"
"Pwede ba?"
"Oo." Sabat nung isa. "Sige, ikaw ang mag serve sa kanila. Ilang araw na kitang
nakikitang lagi lang nakatingin kay Sir pero di ka pinapansin."
"Oo nga. Nasaktan ang ego nun, kaya mukhang impossible na atang pansinin ka pa
niyan. Pero sinabi niyang mahal ka niya diba? Di ka matitiis nun."
"Mahal? Di niya naman sinabi." Sabi ko habang kinukuha ang ballpen at papel.
"Sige na~ Subukan mo, sisitahin ka naman siguro nun dahil alam niyang di ka
waitress." Sabi nung isa.
Tumango ako. oo, seryoso na `tong gagawin ko ngayon. Magpapapansin ako. Kahit
isang tingin lang sakin, masaya na ako.
"Anong order niyo?" Tanong ko ng nakaharap kay Lex at nasalikod ng mga babae.
"Kayo, anong order niyo?" Tanong niya sa mga babae.
"Uhhh, isang icetea po yung akin." Sabi ng isang babaeng mukha nasa late sixties na!
JOKE! AROOOOOY NOMON! Bakit na 'po' ako? Eh, mukhang 25+ na yung nag 'po'
sakin. Hey, I'm 18!
Bahagya akong nairita kaya hinarap ko ang mga babae at nasalikod ulit ako ni Lex.
Bumalik ako sa mga waiter. Jusko. Di ako nagtagumpay. Ni isang tingin, wala siyang
nagawa. Nairita pa ako sa mga kasama niya. Arghhh!
"YEHEY! Sige sige! Marunong ka palang mag pianooooo?" Tili ng babaeng kasama
niya.
"Oo." Lex smiled at the girls.
Isang nota pa lang ang naitugtog niya napatunganga na ako. Kaharap ko kasi siya at
pakiramdam ko ako ang kakantahan niya. Ang feeling ko naman.
Pamilyar ang intro ng kanta. Di ko alam kung kakanta ba siya o hindi na. Ilang sandali
ang nakalipas, narealize kong di nga ata niya kakantahan.
Anong kanta ba yan? Pamilyar siya pero may feeling akong bata pa ako nung narinig
ko yan. Anong kantaaa? Di ko alam. Di ko ma kuha.
Tumili ang dalawang babae sa table niya at panay ang picture kay Lex.
Hanggang ngayon, di ko parin makuha ang kanta. Sigurado akong alam ko yan, pero
di ko talaga makuha. Nasa dulo na ng dila ko ang mga lyrics, pero ayaw lumabas.
Nabigla na lang ako nung kumanta ang isang waiter ng katono sa pini-piano ni Lex.
"I never know what the future brings. But I know you're here with me now. We'll
make it through. And I hope you are the one I share my life with..."
Hindi na ako nag alinlangang isigaw ang title, "If you're not the one!"
Sumulyap si Lex sakin habang nagpi-piano siya. Napatingin din ang mga babaeng
kasama niya sa akin. Nakakahiya kaya tinakpan ko ang bibig ko.
Biglang nag shift ang tono habang nakatingin siya sakin. Para bang nag lip-reading
siya sa bulong kong, "Ang luma naman...". :D ;D
The tone changed. Tumindig lahat ng balahibo ko nang nakita kong di na niya inalis
ang mga mata niya sakin habang tinutugtog ang "You found me..." :-X
Nakipagkamayan naman si Lex sa iba pang mga kasama nung mga bigateng tao na
nakita ko.
"Bukas na nga pala yung birthday ng papa ni Sir Lex, naku, busy siguro ngayon sa
buong hotel at sa garden." Sabi nung isang waiter.
"Ha? Bukas na yun?"
Lumipad ang isipan ko, mula sa mga signs, sa school, kay mama at papa, pabalik kay
Lex. I think some decisions can really affect my whole life forever - and this decision
is one of those.
SIGN 28~
Summer: Wa'g ka ngang bading...
Gosh, wala na ba talaga siyang balak na pansinin ako? Ayoko naman yatang ako pa
yung mauunang pumansin sa kanya no! At mas lalong ayaw ko siyang pansinin para
lang sabihin sa kanyang pumapayag ako or anything. It's not like he's waiting for my
answer too.
Ganito, Summer. Kung di siya ka niya papansinin, wa'g kang pumayag. At kung
papansinin ka naman niya, go na!
YES! Whatever. I think, I'll risk again. I hope it won't fail me anymore.
Dahil nabagot ako at nawawalan na rin ng pag-asang pansinin ni Lex sa araw na yon,
naisip kong baka magka insomnia ulit ako at di ulit makatulog kaya iinom ako ng
konti. As in konti.
Kaya lang, di ko namalayang habang iniisip ko si Lex at ang maaring mangyari ulit sa
buhay ko, napapalagok ako ng mas madalas.
10:00PM.
Ubusan na yata `to ng sweldo at pocket money. Naisip kong tumigil na lang muna
para ma ibalik ko ang sarili kong maayos.
"Excuse me, want a drink?" Sabay bigay ulit sakin ng isang baso.
Mabenta nga yata ako sa foreigner. Mukha ba akong nagch-chat ng mga ganyan? Ang
kaibahan nga lang ngayon eh mukhang kaedad ko ang foreigner na `to.
"No, thanks!" Sabay tayo ko nang napagdesisyonan kong bumalik na sa kwarto ko.
May sumalo naman agad sakin, akala ko nga yung foreigner eh. Di naman pala siya.
Lumingon ako't mejo blurry ang mukha.
Nagkamalay na lang ako nang nasa mga bisig niya na ako. Papalabas kami nun ng
bar. OMG.
Binaba niya naman ako nang nasa laabs na kami ng bar. Pinaupo niya pa ako sa isang
upuan sa malapit. Linagay ko ang kamay ko sa noo ko at pinipikit lang ang mata.
Umupo rin siya sa harapan ko at tinitingala ang mukha ko, "Ayos ka lang ba?"
"O-Oo." At least no, mejo matino sagot ko.
"Please don't drink when you're not with me." Sabi niya ng mejo kalmado.
Useless ang mga pagsigaw-sigaw niya sakin ngayon dahil puno ako ng positive
energies at wala na ako sa matinong pag-iisip.
"Congrats ah! Another sign yata." Sabay tapik ko sa likod niya at may patawa-tawa
pang nalalaman.
Pinilit kong titigan siya pero hindi makafocus ng mabuti ang mga lens ng mata ko.
"Ang seryoso nito." Tumawa ulit ako. "Nga pala... uy! Bukas na pala yung partey
noh? i loooove parties." Sabi ko. "Sama mo naman ako!" Humagalhal ulit ang tawa
ko.
"You're drunk!" Sabi niya habang yinuyugyog ang dalawang balikat ko.
"Tsaaah! Ayaw mo?" Pinilit ko uling i-focus ang mga mata ko sa mga mata niya. Ang
seryoso niya at parang di siya naniniwala sa anyaya ko.
I hugged him. Kahit alam kong mejo malaki ang ginawa kong desisyon na yun, bahala
na. This won't fail me anymore. Not with Lex.
Hindi ko siya tinatawanan dahil sa pag-tulo ng luha niya, tumatawa ako dahil masaya
ako't ilang signs na lang talaga, makokompleto niya na. LORD, THIS IS IT! Grabe,
sobrang overwhelmed ako sa mga nangyayari! Mahal niya na daw ako. Mahal ko na
rin yata siya. Ambilis naman yata! Whirlwind romance? Or Summer Love lang ba
talaga?
Kung ano man ito, I'll try to risk again for the very LAST TIME!
SIGN 29~
Summer: Lex! Te-teka!
Tanghali na ako nagising. Tumingin ako sa paligid ko, nasa kwarto naman ako at
mag-isa. Nag-isip ako saglit habang iniinda ang sakit ng ulo ko.
Nakita kong nasa ibabaw ng mesa sa tabi ng kama ang cellphone ko. Kinuha ko ito at
tiningnan. Kay daming missed calls at puno na rin daw ang memory card sa messages.
Syempre, kaw daw ba yung halos dalawang linggo nang hindi pinapansin at china-
charge lang pag naglolowbat. It's like I'm escaping reality.
Hindi ko nakita kung sinong pumasok, pero naamoy ko ito. Si Lex, sigurado. Dumilat
ako't nakita ko siyang nakadungaw sakin.
"Mabuti't gumising ka na." Sabi niya habang tinitingnan ang pagkaing dala niya.
"Kumain ka na." Sabi niya.
Napatingin lang ako sa kanya habang inaayos yung 'ipapakain' niya sakin.
Ang galing naman, feel ko prinsesa ako.
"OMGEE! Bakit? May nangyari ba satin?" Napatingin ako sa mga damit ko. ;D
Tumawa na lang ako ng tumawa. Nakakatuwa naman. Bakit nga ba? Ano naman
ngayon kung 24 years old na siya. Basta. Di ko naiimagine yung sarili ko na
nagkakagusto sa mas matanda ng halos 6 years sa akin.
Inabot niya sakin ang tubig. Grabe, ang sarap ng pagkain huh! Tsaka, maalaga siya,
sobra. Nakakainlove naman. HAHAHA.
"Hindi ko alam."
"Hindi mo alam? Tapos may nalalaman ka pang ipapakilala mo sa parents mo ang
babaeng gusto mong pakasalan?" I pouted.
"Siguro yung pagiging maarte mo. Ewan ko." He smiled. "Yung halatang pagseselos
mo nung andito si Kyla. At ang pang-aaway mo sakin na hindi ko matiis."
Oi! Sana di ko tinanong. Uminit ang pisngi ko at nahihiya na tuloy ako sa kanya.
Sumubo na lang ako ng pagkain. Sumubo ng sumubo at tiningnan ko lang ay yung
mga kinakain ko. Para di niya mahalatang naiilang ako.
"Siguro din yung pagiging immature mo." He laughed. "Like now, you don't want to
look at me because you're blushing."
Umirap ako.
"Lam mo, di ibig sabihin na kung sasama ako mamaya sayo eh may gusto na ako sayo
o mahal na kita ah-"
"Alam ko, nag-iingat ka ulit dahil ayaw mo nang masaktan. Hindi ako yung tipo na
binabaliktad ang mga prinsipyo para lang di masaktan ang taong gusto ko. Pero this
past few weeks, nagiging hobby ko na yata iyon. At kasalanan mo."
"So, yun ang parusa ko?" Tanong ko.
Tumango siya.
"May kasalanan din ako sa buhay ko." I smiled. "Di ako pwedeng mangako kahit
kanino. Unless the signs are completed. That's the most important principle I have
now."
Tumango siya at ngimiti ulit.
"Okay then, I'll complete those signs." Tinitigan niya ako. "Nagustuhan mo ba yung
linuto ko?"
"Obviously! Naubos ko eh. Oh! Marunong ka palang magluto?"
Hindi niya pinansin ang tanong ko at hinawakan niya ang kamay ko. Hinila niya ako
palabas ng kwarto at papasok sa kwarto niya.
"Lex! Te-teka!" Nakita ko sa loob ng kwarto niya ang sandamukal na damit at sapatos
at isang bading na mukhang make-up artist.
"Pumili ka ng sosootin mo mamayang gabi, you'll face my parents. Then you'll dance
with me tonight!"
24 signs
1. may sports car siya.
2. he'll chase me with his sports car.
3. masusukahan ko siya.
4. papagalitan ako sa sobrang pag-inom.
5. mapuputulan ako ng takong na kasama siya.
6. kinanta niya ang kantang gusto ko.
7. he'll dance with me (sweet music).
8. He'll gimme a heart-shaped chocolate.
9. He'll give me three roses.
10. he'll kiss me on the rain.
11. he'll introduce me to his parents.
12. pasado ako sa at least tatlong subjects sa panahong kilala ko na siya.
13. aaminin niya sa aking mahal niya ako - of course, before I do.
14. he'll cook for me.
15. he'll cry in front of me.
16. inakbayan niya ako in public.
17. he gives me a balloon.
18. He'll take a picture of me.
19. tatanggapin siya ni mama at papa.
20. ililibre ako sa isang mamahaling restaurant ng kahit anong gusto ko.
21. he'll catch me when i fall.
22. he'll choose me over another girl.
23. may earing siya.
24. kapag pinunasan niya ang luha ko kapag iiyak ako
SIGN 31~
Summer: 24 signs of Summer?
Nakita niya kasing halos di ko magalaw ang pagkain ko dahil sa kakaisip. Tuliro parin
ako at kinakabahan na. Dapat kasi dinala ko yung cellphone ko dito.
"Don't worry, okay?" Naglahad siya ng kamay. "I'll face your parents if that happens."
Tumingala ako sa kanya, nakatayo kasi siya habang naglalahad ng kamay. Bakit? para
saan?
Tumingin ako sa paligid, wala namang sumasayaw. Yung nakita ko lang ay ang mama
at papa niyang nakatingin sa amin at ang mga taong kulang na lang eh pumalakpak sa
nakikita.
"Huh? Wa'g mo nga akong ipahiya? Walang music, wala pang sumasayaw."
Nakalahad parin ang kamay niya hanggang ngayon at ako'y kinakabahan na.
Nakakahiya naman.
Linagay ko ang kamay ko sa kamay niya - gently. Agad niya naman itong kinuha at
hinila pa ako para isayaw ulit.
I'll Be pa ang tono ng violin at cello. Kaming dalawa lang ang sumasayaw at ayoko na
ring tumingin sa paligid dahil mas lalo akong ni-nerbyosin.
Another sign.
Tinitingnan ko siya sa mga mata niya. His eyes were very promising. It's like he's
telling me that he loves me more than I do. Promise, magbabagong buhay na ako.
Kung siya naman pala ang magiging part sa buhay ko, walang problema! Isusuko ko
na ang mga kaba ko. He will definitely not cheat. The signs were slowly being
achieved, and that's because we are destined. We are meant to be.
"Lex, sabihin mo nga... ba't ba ang bilis ng porma mo sakin? Ginawa mo bang
deadline ang party na `to?" Tanong ko.
"No, it wasn't like that." Umiling siya. "I wanted someone like you since then. Kaya
lang wala akong mahanap." he laughed a bit. "To be honest, I'm a hopeless romantic."
Or maybe, I can't understand him because I've been too scared to hear things like this
again. I've been too insecure with my self.
Napangiti ako.
"You know what? I loathe you, because I can't fall in love but you made me fall." Sabi
ko.
"Are you jealous of Kyla?" Tanong niya nang nakita niya rin si Kyla.
"Nooo." I laughed. "... I was..." Sabi ko.
Nakakainis lang dahil hindi ko man lang nakitang nagselos siya nang nagpunta dito si
Dave.
Lumakas ang tibok ng puso ko. I PROMISE! I'LL GIVE IN TO HIS LOVE!
BAHALA NA SI DARNA!!! ;D ;D ;D
Sumimangot ako. Pero bago ko pa maisip ang sandamukal kong violent reactions-
"But I'll definitely complete your signs." Napangiti na lang ako.
Ilang sandali ang nakalipas, umupo na kaming dalawa. Pinaligiran naman kami agad
ng mga tita at tito niya. Kaya lang, di ako mapakali. Kinakabahan parin ako at gusto
kong makausap si mama.
Halos half-running akong umalis sa function room. Nainip din ako sa bagal ng
elevator. Muntik na rin akong madapa sa kakalakad patungon kwarto ko.
Kainis, kung kelan ko hinahanap ang cellphone ko, saka naman na mi-missplace!
Natigilan ako nang naalala kong mukhang nadala ko yun kanina sa kwarto ni Lex.
Lumipat ako ng kwarto.
Nabigla ako nang nakapatay ang ilaw. Ako pa mismo ang nagbukas ng ilaw at...
tenenenentenen!
"Summer."
I pretended that I did not care, hinanap ko ang CP ko kung saan saan sa kwarto. Kaya
lang, nag iba ang itsura ng kwarto - maayos na. Maayos at parang di ako dito nagbihis
kanina. Sigurado naman akong tama ang kwartong pinasukan ko. Pero talagang nag-
iba. Humalimuyak pa ang bango ng scented candles.
First time kong pinagtanggol si Lex. Grabe. Syempre no! Destiny na yata ang
naglalapit sa aming dalawa! Kahit sinabi niyang walang Destiny kanina, di niya lang
alam... gumagawa na ang destiny ng paraan para maging kaming dalawa dahil sa mga
signs!
Nabitiwan ko ang cellphone ko. Pinulot ko naman agad. Kainis, ang dami pang
nagtitext at mga missed calls. Nasulyapan ko ang papel na nasa mesa.
Hindi ako nakahinga ng limang segundo habang tinitingnan ko ang papel na naka
crash-out na ang ibang signs. May nakalagay pa sa ibaba ng papel, "Konti na lang.
Signs 8, 9 and 11 will be achieved at the... party."
"Ano yan?" Tanong ni Kyla habang tinitingnan akong tulala sa papel na nakuha ko.
SIGN 32~
Summer: paki bilisan!
Namuo agad ang luha ko at parang nawalan na ako ng lakas. BETRAYED! Yan ang
salitang nasaisip ko habang tumutulo ang luha ko.
Natigilan ako at, "Mag pakasaya kayo ni Lex tonight." :'( :'( :'( :'( Napasinghap ako.
*KRRRRIIIINGGGGG*
"Hello!?"
"Hello, ma?" My voice broke.
"Ano ka ba! Narinig ko kay Manang na may boyfriend ka ulit diyan! Ikaw talaga! Di
ka na natuto! Umuwi ka na! Uuwi ka na bukas!"
Hikbi parin ako ng hikbi. Tinakpan ko na ang bibig ko para pansamantalang tumigil
naman ang paghikbi ko.
Nga naman! Napakatanga ko talaga! Ang tanga tanga ko. Ba't nga naman ako
maniniwala kay Lex? Kaya naman pala flawless yung pagkuha niya sa mga signs
dahil alam niya pala yun. Bwueset! Ang sakit ha! Paniwalang-paniwala na ako ha!
Kala ko na talaga. Kala ko pang forever na - may pakilala pa sa parents? Kaya niya
siguro ako pinakilala dahil andun sa signs no? Siguro atat na siyang ma-inlove ako sa
kanya. Siguro pinagalaruan niya lang ako.
Dinala ko ang bag ko't umalis na sa kwarto. Di na ako magpapaalam kay Manang in
person. Nag-iwan na lang ako ng note sa kwarto.
Tumigil ako sa pag-iyak at inayos ko ang mukha ko. Kaming dalawa lang sa elevator.
Siguro na-weirduhan iyon dahil dala ko ang bagahe ko.
"Ako muna ang mauna ah? Sa taas ako. Sa function room." Napatingin siya sa bagahe
ko.
I got my fone. I deleted all the messages. majority of the messages are from Kevin,
Aliyah and Nadine. Di ko na binasa.
*TINNNG!*
Bumukas ang pintuan ng elevator, agad kong kinlick ang ground floor.
Nakita kong papapasok din si Lex sa elevator. Tumigil sa pagtibok ang puso ko.
"SUM-!"
Alam kong alam niya kung anong gagawin ko. Pero ewan ko lang kung alam niya
kung bakit.
*TINGGG!*
Nagmadali akong lumabas ng hotel... Bushettt. Umuulan pa! Tumigil ako sandali pero
di ako nagdalawang isip na umalis na.
Naiisip ko si Kyla na naghihintay kay Lex. Naiisip ko kung anong mga iniisip ni Lex
nang ina-achieve niya ang signs. Nahalata niya kaya na kinilig ako? Bwusit siya! Di
ko siya mapapatawad.
Bigla na lang may humila sakin habang nagdadrama ako sa gitna ng maulang gabi. Si
Lex.
Umuulan ah! Nababasa kami. Buti na nga lang at di niya mapupunasan ang mga luha
ko dahil di niya naman nakikita kung alin doon.
"Well! As for me, I'm immature... I believeD in destiny! And I believed that this
summer love isn't just summer love because it was meant to be. Pero, Salamat ah! I
was wrong... again. Akala ko iba ka sa kanila!"
Sinampal ko sa mukha niya ang papel na linagyan niya ng signs, basang-basa na.
"I'm sorry-"
Tinulak ko siya.
At sinampal ulit.
"Manyak ka! Nakakainis ka! ARGHHHH! I don't wanna see your face again! I
loatheee you, forever!" Sabi ko.
Mas lalo akong nagngitngit sa galit nang nakita kong may dalang payong si Kyla,
naka lingerie at bathrub pa.
Tumakbo siya. Tiningnan ko sa likuran. Pero di niya naabutan. Sana di niya na ako
susundan. Dahil pag nagkataon, baka dalawang beses pa akong matalo.
Walang hiya talaga oh, niloko ako. Pinaasa. Pinapaalala ko sa sarili kong kasalanan ko
ang lahat. Wa'g kang umiyak Summer, kasalanan mo yan kasi naniwala ka, kasi di ka
nag-iingat, di ka natututo. Pero naiisip ko parin si Lex. It`s because he was soooo true.
Hindi ko na tuloy alam ang kaibahan ng peke sa tunay. May ibang mga pekeng
mukhang tunay talaga. At siguro, wala nga talagang tunay sa mundo.
I cried on the taxi, sinamatala ko nang basa ako't di mahahalata ng kahit sino ang mga
luha ko. I'm going home. I'll face reality. My summer love is over. And it's just...
Summer love. Nothing more.
SIGN 33~
Summer: Umitim pala ako
Leche naman. Umuulan pa. Sana naman di tumaob ang barkong sinasakyan ko.
Hanggang ngayon tulala parin ako habang pinapatuyo ang sarili.
*KRIIIIINNNNGGG*
Nakanang...
"HELLO~"
Hindi ko kilala ang number na tumatawag sakin kaya nasungitan ko sa 'hello' pa lang.
"Imposibleng makuha ko ang signs kung di ko naman alam kung anu-ano ang mga
ito."
"Summer!"
"I`m going home. Goodbye, Lex." Iniwasan ko ang pagsinghap ng mas matagal dahil
ayaw kong bumuhos na naman ang luha ko. "I`m not running away from you. I`m
going back to reality. And you..." Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. "...were never
real."
Pinatay ko ang cellphone ko. I`m really going home now. :'(
Hindi ako nakatulog kahit buong gabi akong walang ginagawa at binabantayan lang
kung kelan malulunod ang sinasakyan ko. Ano kaya ang ginawa ni Lex at Kyla buong
gabi? Kung mahal talaga ako ni Lex, baka may nangyari na sa kanila. Kung hindi niya
naman ako mahal, baka may nangyari parin sa kanila. Nakanamannnn!
Hindi parin ako nakatulog sa bus kahit anim na oras akong tulala. Minsan, feeling ko
naamoy ko si Lex kaya napapatingin ako sa mga taong nakasakay sa bus. Wala siya.
Shucks! What a traumatic experience.
Ilang milyong kilo na ba ang timbang ng kasalanan ko`t ba`t parang sinasakluban na
ako ng langit at lupa?
Siguro, kailangan ko ng magpakabait. Kailangan kong sundin sina mama at papa nang
di naman ako makarma ng ganito. Kailangan kong ayusin ang pag-aaral ko at ang
buong buhay ko. Hihingi ako ng tawad kay Lauren. Didistansya ako kay Kevin.
Hahayaan ko na ang mga tao sa paligid ko, mag babagong buhay na ako. And I`m
back home.
"Alam ko. Alam din ni Nadine. Di ko sinabi sa mama mo." Sabi niya. Tumango
naman si Nadine.
"Ayoko nang pag-usapan `to. Nagkamali ako."
Kinuha ng kuya ko ang bag ko. Nakauwi na pala si Kuya galing New York?
Useless. Walang kwenta kung mag babago ako ng number kung aalis ako puntang
States.
Habang tinitingnan ko ang mga mata ko, nakikita ko ulit ang mukha ni Lex. Then I
realized how much I'm missing him. I touched my lips. Nahalikan niya ako bago
umalis ng Sortee. Why do I have to think about this things? I HATE HIM!
Today is the first day of school. Pero sad to say, hindi ako mag-aaral. Ngayon ako
aalis papuntang New York. Grabe, dalawang linggo lang ako dito, alis naman agad.
May sunburn pa nga ako galing sa Sortee eh. Dalawang sunburn. Ang isa, sa likuran
ko - mahapdi. Ang isa, sa puso ko - masakit. Ang nasa likuran ko, mapapawi lang.
Ang nasa puso, ewan. :o
After 6 months sa New York, napansin kong halos araw-araw akong bumibisita sa
isang boutique na puro mamahalin ang mga bilihin. At alam niyo ba kung bakit? Kasi
binabalikan ko yung perfume na katulad ng amoy ni Lex.
Ngayon ko lang na realize kung gano parin ako kagalit sa kanya. Pero di ko parin
makuhang ideny na namimiss ko siya. Araw-araw.
"Enrolled ka na!" Sabi ni Nadine habang linalapag sa mesa ang schedule ko.
"Thanks."
Tinanggal ko naman at linapag katabi ng coffee na inorder ko. Nasa isang coffee shop
kami ngayon at kasama ko ang dalawa kong pinsan.
Kahapon lang ako nakarating galing New York. Di na rin ako pumayag na ako ang
mag-enrol sa sarili ko dahil ayon kina Nadine at Aliyah bulong-bulungan daw sa
school na umalis ako dahil buntis ako. Akalain niyo yun? Galing no? Ang galing ng
issue ko. Sinong hibang kaya ang nagpakalat nun. Ayon pa sa balita, di na raw
nalaman kung sino ang ama ng dinadala ko. Ang galing talaga.
Pero kahit andito na ako, hindi ko parin maramdaman kung ano nga ba ang inuwian
ko dito. Parang may kulang. Kung ano man yun, hindi ko na kailangang malaman pa.
"Sows talaga. Siguradong yung kaibigan mong si Lauren ang nagpakalat nun. Kutusan
mo pag nagkita kayo ah!" Tumawa si Nadine.
"Ikaw talaga. Seryoso yun no! Akala talaga nilang nabuntis ka. Halos 9 months ka
pang nawala. Nakupo." Sabi ni Aliyah. "Pag may nagtatanong sakin kung sino ang
ama ng dinadala mo, sinasagot kong pinsan ko lang. HAHAHAHA >:D " Tumawa si
Aliyah ng mas malakas.
SIGN 34~
Summer: mabango naman ako,
"They say summer love is fleeting. But sometimes what starts as a fling can lead to
the real thing. A simple trip to the beach could be all it takes to clear our heads and
open our heart. And, write a new ending to an old story. There are those who got
burned by the heat. They just want to forget and start over. While there are others who
want each moment to last forever.But everyone can agree on one thing: tans fade.
highlights go dark and we all get sick of sand in our shoes. But the end of summer is
the beginning of a new season, so we find ourselves looking to the future. Good
Morning! Goodluck Arianne Summer Romero."
Eto ang text ni Gette na bumulagta sakin sa pagkagising ko sa unang araw sa school.
OMG! Wala. pagligo at paglabas ko ng bahay binabasabasa ko `to.
Parang naninibago ako habang tinatahak namin ang daanan papuntang school. Si
Aliyah pa ang nagdi-drive - para namang nakainom `to kung makadrive.
"Dahan-dahan naman dyan! Natutusok naman yung mata ko ng eyeliner dito." Sabi ni
Nadine sa likuran.
"Sa bahay ka kasi maglagay ng make-up, duh!" Sagot ni Aliyah.
Sa labas lang ako nakatingin habang papapasok kami ng gate sa school. Noon kasi,
nagji-jeep o taxi ako. Ngayon naman, naregaluhan ng sasakyan `tong pinsan ko, kaya
naninibago ako. Pero tama lang yun dahil kung sa gate pa eh may nakakita na sakin,
baka pagkaguluhan lang ako dun.
"Wa`g kang mag-alala, reresbakan ka namin pag aawayin ka nila. Tsaka," Sumulyap
siya sakin. "di ko rin sinabi kay Lex na nasa Pinas ka na. For the life of you, I will
not." Tumawa siya habang papalabas kami ng sasakyan niya.
Kumaway na lang ako pag-alis ko. Whatever. Dapat lang. Tsaka, ano naman ang
gagawin ni Lex kung malaman niyang andito na nga ako, aber? Whateverrrr.
I checked my phone. There was a missed call from Lex. OH SHET MADAPAKA. In
speaking of him, baka akala niya nasa Pinas na ko, waaa~ Makabili nga ng new sim
mamaya.
Kinalas ko ang pagkakayakap niya. Tiningnan ko ang mga tao sa paligid at panay ang
titig nila sa akin. Nagbubulung-bulongan pa sila. Yeah, alam ko ang iniisp nila.
"Summer, alam ko... I`m sorry. I just want to be you`re friend for now. Alam kong
nasira ko ang pangalan mo sa skul..."
Tumango ako habang pinapansin parin ang mga weirdong tingin sa akin.
"Salamat." I smiled.
Natigilan ako nang nakita kong may dalawang subjects akong hindi back subjects.
Nagdatingan narin ang ibang kaklase ko noon at silang lahat ay pinagkaguluhan ako.
"You have got to be kidding me. Summer is not back. That is so impossible!" Narinig
ko ang sigaw ni Lauren sa labas ng classroom.
Nang pumasok na siya sa loob kasama ang mga kaibigan niya at nakita ako, "Or
maybe, I was wrong. So, Summer. Was it a girl or a boy? Yung anak mo..." She asked
sarcastically.
"Bakla, tomboy..." I laughed. "Sino bang lokoloko ang nagpakalat na buntis ako?"
Natahimik ang lahat ng tao sa room at sa akin lang nakatoon ang atensyon nila.
"Ano bang mga iniisip ninyo? Di pa naman ako pinapasukan ng espirito santo para
magkaanak o mabuntis ako bigla. At malabong mangyari yon dahil di ako santa.
Pwede ba... O baka naman, kala niyo nag a-asexual reproduction ako? Di ako
magaling sa biology or science, di ako marunong nun."
"Ows really? O baka naman tinatago mo lang ang anak mo? Walang masangsang na
amoy ang natatago." May pa lapit-lapit effect pa si Lauren sakin habnag
nakahalukipkip.
""Oo nga! Walang ganun. Eh mabango naman ako, di naman masangsang ang amoy
ko tulad ng bunganga mo. >:( ;D
Sasampalin niya din sana ako, pero napigilan ulit siya ni Kevin.
>:(
SIGN 34~
Summer: anong nangyari sa kanya...
"I`ll change my number." Sabi ko kay Kevin at Nicole habang kabibili lang ng isang
sim card sa canteen.
"Bakit?"
"Awww. Wala lang."
Wala kaming pasok kanina sa first period. Ganito talaga pag first day of school.
Nababanas naman ako dun sa classroom kasi andyan si Lauren at yung mga tingin ng
classmates namin kaya lumabas ako. Pero ngayon ko lang nalamang mas
mapapahamak ako dito sa labas.
Errr. :-X
Tumango naman silang dalawa. Salamat naman at mejo hindi na nila ako kinulit.
Ganyang ganyan lang ang nangyari sa buong araw. Nakakainis pa nga kasi halos 90%
ng klase ko, wala akong kilala. Pero may mga nakakikilala naman sakin.
Kahit na mejo pinag-iinitan parin ako nina Lauren, di ko na lang pinapansin at nag co-
concentrate na lang ako sa pag-aaral.
"Kamusta?"
"Ganun parin, as usual." Sagot ko.
Isang buwan na ang nakalipas. Hayyy, I`m doing well. I`m not really skipping classes.
Dalawang klase lang ang nakakapagpakaba at nakakapagpaexcite sa akin - yung mga
hindi back subjects ko. Mabuti na ang ganito no.
Muntik pang tumilapon ang bag ko sa harapan nang biglang nag break si Aliyah dahil
sa traffic at dahil din yata sa tanong ko.
"Summa Cum Laude pa nga yun. HAHAHA Grabe." Sabi niya. "Kaya yun ma-pride
dahil marami naman talaga siyang pwedeng ipagmayabang sa katawan. Daming
naghahabol dun pero wala naman siyang liniligawan. Weird. Kaw lang yat- errr..."
Di na lang ako nagsalita nang nakita kong nag green ang light. Kahiya naman, Summa
pala siya... LOL. Nu naman ngayon? Ba`t ko nga ba tinatanong `to? EERRRR.
Magkatabi lang yung subdivision namin at ang subdivision nina Aliya at Nadine kaya
nakakasabay ko sila pauwi. Hinatid nila ako ng bahay pagkatapos nun.
SIGN 35~
Summer: Lex,
"Okay, next week nga pala class, I won`t be around. Siguro mga one month..." Sabi
ng prof ko sa Philo class - ang isa sa dalawang klase kong hindi mga back subject.
"YEEEAH!" Nag hiyawan ang mga kaklase ko, pati sina Kevin at Nicole.
"Pero! I`ll be leaving some assignments and you will still report here. Depende na yun
sa napag-usapan namin ng head sa school, okay?"
"AAAAAAAAAAAWWW."
Kainis naman. Sayang! HAHA
"Summer."
"May klase ka pa ba?" Tanong niya sakin habang papalabas kami ng room namin sa
Philo.
"Wala eh, pero, may lakad ako." Sabi ko.
"Awww. Sayang naman."
"Bakit? Wala kang pasok sa next class mo?"
Tumango siya.
"Naku, sorry. May pupuntahan talaga ako eh."
"Aw... pero... Bakit? Wala kang kasama?" Tanong ko kay Kevin pagkatapos kong
kumbinsihin ang sarili kong masyadong malayo yun para lakarin ko at masyadong
malapit para magjeep ako.
"Oo eh... Pero- okay lang..." He smiled.
"Di na, sina Al-"
*KRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRING!*
"Oww. Okay lang. Pero, next day din kasi wala akong pasok..."
"Awww. Maybe I can be with you na~" I smiled.
Tumango naman siya at umalis.
What kind of information can be substantial to my very existence ba? Errr. >:(
Ang init huh, naglalakad ako dito tapos andami pang jeep na nag i-air pollution. Buti
na lang may panyo ako. Grabe, sana tigilan na ang pag gamit ng mga may CFC para
di na mag global warming. Errr.
*PEEEEEEP-PEEEEEEEEEEEEP*
*PEEEEEEEEP-PEEEEEEEP*
Lumingon ulit ako at hinarap na yung sumusunod na... SPORTS CAR (?) sakin.
Whatdahell? A YELLOW LAMBORGHINI!? >:( :-\
Tiningnan kong mabuti ang driver sa loob. Naka polo shirt... May shades pang
mukhang ginamit ng Eraserheads noon. Sino itech?
Lumabas siya sa sports car niya at tinanggal ang shades. He crossed his arms then
smiled.
:o :o :o
As if I was waiting for this PRECIOUS MOMENT to come, napanganga ako habang
binabanggit ang pangalang matagal ko nang hindi naitatawag kahit kanino.
SIGN 36~
Summer: sa katatakbo ko
Half-running akong umalis. Dumami ang taong nakasalubong ko kaya kahit todo ang
tawag niya sakin at habol, di niya parin ako naabutan.
"Bwusitttt..."
Nabigla na lang ako ng may humarurot na sasakyan sa likuran ko. Lumabas ulit siya
sa sportscar niya. Kakahiya na, andaming taong nakatingin.
"Summer! Sandali!"
Sumakay ulit siya ng sasakyan. Parang gag0 `to. Ayyyy, yung signs ko pala. GRRRR.
Signs parin ba ang iniisip niya kaya niya `to ginagawa? This is sign 1 and 2... Shucks!
Ang kapal kapal naman talaga ng mukha niyang isipin pa ang mga signs sa lahat ng
nangyari samin. C`mon!
"Aaaahhh! Shiyeeet!"
Natanggal ang takong ng wedge ko. Grabe naman. Wedge na nga, matatanggalan pa
ng-
"Aaaah!" Mahuhulog-
"Dahan-dahan kasi."
Pinutol ko na rin ang isang takong ng wedge ko. Ang hirap ah! Superrr no. Lalo na
pag pinipilit mong putulin ang isang takong.
Tumakbo na ako. Tumakbo. Tinanggal ko na ang wedge ko`t paa na lang ang gamit
ko para di niya talaga ako masundan.
Naguilty naman ako dun kaya wala akong iniisip habang papasok ako ng Starbucks
kundi yung ginawa ko. Pwede namang sinabihan ko siyang ayaw ko sa kanya, hindi
yung sinisigaw-sigawan ko pa. Anyway, mabuti na rin yun para malaman niyang
seryoso ako. And hell, why is he here? Shucks! Tumindig ang balahibo ko.
"Summer! Anong nangyari sayo?" Tumawa si Nadine. "Para kang na rape ah?"
"Wala..." I sighed. "Naputol ang takong ko."
"Owww. Tapos? Bili ka ng bago... Paano na yan."
"Teka... Ba`t ba yan naputol?" Tanong ni Aliyah.
Napasinghap ako.
"Ba`t di ka nabibigla?"
"Nagkita na kami kanina. Kaya nasira ang wedge ko dahil sa katatakbo ko. langya.
Bumili pala siya ng sportscar?"
"Ahhh. Yun ba? Last year niya lang yun binili. Ay... Oo nga pala. Di niya yun dinala
sa isla eh. Nasa garahe lang yun ng bahay nila dito."
"Whattttt?"
"Oo."
Hindi niya yun sinadya? Whatever! May mga signs na sinadya niya, may mga hindi
naman...
Tsaka, ba`t ko naman iisiping bumili siya ng sports car para sa signs ko? Hindi naman
ako ganun ka importante para gumastos talaga siya ng ganun pabigla-bigla.
Nagkataon lang yun. Grrrr. And my God! What will happen to me if Lex is around the
city?
SIGN 37~
Summer: I`M SORRY, Sir.
LOL. Alam kong may pasok ako ngayon sa Philo, pero wala naman yung prof ko
kaya di ako masyadong nagmamadali kahit 15 minutes late na ako.
Pagkapasok ko, may naamoy akong isang pamilyar na amoy. Nostalgic ang amoy at
parang ang dami kong naaalala. :-\
I sipped on my Zagu as I tried to sit beside Kevin, nakatalikod parin ako sa board na
tinutungangaan ng mga kaklase ko.
And the next... of course... who else would smell that way? And who else would write
that name on the board?
Napanganga ako habang nakikita kong nakahalukipkip at tumititig sakin si Lex. Ang
mga nakangangang classmates ko naman ay tumingin na rin sakin at tumawa pa sila.
"Anong oras palang nag s-start ang klase dito?" Tanong ni Lex.
"Nine-thirty, Sir." Sigaw ng mga kaklase ko.
"Anong oras na? Miss Romero." Sabi niya ng seryoso.
Di ako nakapagsalita at hanggang ngayon nakatayo parin ako. OMG! This can`t be
happening! I don`t like this! Magiging prof ko siya? Lanya? Di nga? OMY.
"Uh, Sir... It`s 9:55 when she arrived." Kevin pulled me down to my seat.
"The instructions weren`t clear kasi... Sabi ni Sir na wala daw siya kaya-"
Tumango si Lex then he looked away.
"So, san na nga ba tayo? Yeah, you can call me Sir Lex or Sir L if you want..."
Sir L mukamo!
"And... I`ll be your substitute teacher for this subject, Philosophy of Man..."
"Summer, kilala mo siya?" Tanong ni Kevin nang napansing todo ang gigil ko sa
Zagu ko habang nakatingin kay Lex.
"Uh, nope." Huminahon ako.
"And-"
"Sir, may GF ka na ba?" Tanong ng kaklase kong babae.
Sows. Kaya naman pala manghang-mangha sila kanina pagkapasok ko dahil may Lex
Luthor palang nakatayo sa pisara. Naku, kung alam niyo lang kung paano siya
manloko. Nakakabwusit. Errr. Di na ba pwedeng lumipat ng section? HUHU
UGH. Why am I feeling something? It`s weird? Para akong batang inaagawan ng
kendi. Ewan ko.
"Ba`t naman, Sir? Ang swerte naman... nung babae." Tanong nang isa pang kaklase
kong babae.
"Ganyan talaga, class. If you love someone, you should love them like loving sunsets.
You love sunsets, but you don`t own them. Everyone loves sunsets, but nobody owns
them."
"Awwwww."
Peste. Kilala ko yung line na yun ah. Napainom ulit ako ng Zagu. Ha-high bloodin
yata ako dito.
Napaubo ako dahil nasobrahan ang pag-inom ko ng Zagu. Nabigla yata ang voicebox
ko kaya napaubo ako.
"Summer, okay ka lang ba?" Sabay himas ni Kevin sa likuran ko.
Napatingin halos lahat ng kaklase ko sakin kaya, "Excuse me." Ang weird.
"ehem, by the way... Di ba bawal ang kumakain o umiinom habang may klase?"
"Sana wa`g niyo siyang tularan class... Wa`g kayong mag dala ng pagkain sa klase..."
"I`M SORRY," Kainis! Nang-iinsulto pa yata. "Sir." Tumaas pa ang kilay ko habang
hinawakan ni Nicole ang braso ko, tanda ng pagpapahinahon sa highblood na ako.
SIGN 37~
Summer: Napahiya lang ako,
Syempre... maaring modus lang ni Lex ang attendance sheet na ito. Ayoko nga no!
"Magkaibigan pala sila ng dating prof natin... Summa Cum Laude pala si Sir Lex."
Bulong ni Nicole sakin habang nakapangalumbaba sa desk ko.
"Owws. Talaga?" >:(
Naninibago pa ako sa pagtawag niya kay Lex na 'sir' dahil ang alam ko, mga taga
Sortee lang na empleyado ang tumatawag sa kanya ng ganun. Ngayon, pati mga
classmate ko - pati ako.
"Oo. Sana linagay mo yung number mo dun, malay mo itext ka pa niya... nakuha mo
attensyon niya kanina eh... diba?"
"You did not provide your cellphone number." Sulyap ulit sa akin at sa papel.
"Uh.. Kasi sir, wala akong cellphone."
Natigilan siya. 8)
Pero ewan ko kung sinadya ba nung mga tao sa likuran, hinulog o nahulog ang bag ko
kaya tumilapon din ang mga gamit ko, pati ang cellphone ko.
"I`m not getting your numbers for personal purposes, class." Sabi niya habang
nagsusuplado at ni di ngumingiti.
*Ding-Dong-Ding*
"Class dismiss."
"Summer, I think you need to put your number on Sir L`s attendance sheet." Tumango
ako kay Kevin, ayaw ko rin naman kasing magduda sila.
Nagmartsa na ako patungo sa kay SIR Lex na inaayos pa ang gamit niya sa harapan at
di pa nakakaalis.
"Sir, ilalagay ko na ang number ko." Sumulyap pa ako sa gilid ko kung saan nakatayo
si Kevin.
Sumulyap din si Lex kay Kevin habang binibigay sakin ang attendance sheet.
Sumulyap pa ako kay Lex bago kami lumabas ni Kevin. At talagang nakatitig pa siya
saming dalawa habang papalabas kami.
Grabe, para akong kinakagat ng mga langgam kung saan saan paglabas ko nang
classroom.
Tumango naman ako. Nakita ko rin sa ekspresyon ni Kevin ang pagtataka sa weirdong
kinikilos ko.
"Napahiya lang ako, kaya naiinis ako sa bagong Prof natin." Sabi ko.
"Okay lang yan, mejo di ko rin gusto ang tono niya eh. Mukhang hobby niya yata ang
pang-iinsulto at masyadong mayabang pa..."
At talagang dumaan pa siya sa gitna ah! Sa laki ng daanan, sa gitna pa talaga siya
dumaan.
SIGN 38~
Summer: Bakit, Nicole?
Naramdaman ko ang pag vibrate ng phone ko. Nagmadali akong kunin `to.
Ano kayang magiging reaksyon nila kung malaman nilang si Lex na Sir nila... eh...
eto?
Nakita agad ni Kevin ang dalawa kaya, "Summer, alis muna ako."
Tumango na lang ako.
"Anyway, Summer! Ano na? Yiii!" Sabay pakita ni Nadine ng peace sign.
"Anong ano na? Wala eh.. Mag su-suicide na ako. Bakit siya andito? My god!" Sabi
ko habang ginugulo ang buhok ko.
"OA mo ha..." Aliyah said. "Andito siya, para magturo, ano pa ba?"
"Hindi eh... Sinabi niya kanina... sa klase, na andito siya para kunin kung ano man
yung kailangan niya sa buhay niya."
"Di nga?"
"Wow... mukhang pipikutin ka yata ng pinsan ko ah." Sabay halakhak ni Aliyah.
"Sinabi niya yun? Edi may gusto nga siya sayo?"
"Ano ba!"
"Anong masama dun?" Sabat ni Nadine. "Sabagay, he cheated on you... pero... yeah,
di rin kita masisisi. Pero kung gusto mo rin naman siya..."
"Ano ba? Mag-aaral ba ako o magboboyfriend ulit?" Umirap ako.
"IKAW!" Sabay pa silang dalawa.
"Mga loka kayo..." Umiling ako.
Nag vibrate ulit yung phone ko. Binasa ko naman agad nang umalis ang dalawa para
bumili ng pagkain.
Kainis! >:(
Kainis. Peste.
Pero may mas nakakainis pa se last reply niyang "Ibagsak kaya kita sa Philo mo?".
Yung masaklap na katotohanang hinintay kong magtext ulit siya hanggang 12
midnight nang gabing iyon. Kapeste talaga, hindi siya nag text. Ano kayang ginagawa
niya? errr..
Sometimes the things that you`ve decided to avoid are those things that are happening
again and again.
"Uhhh. Di ako nagbasa..." Yun lang ang nasabi ko pagkatapos akong tawagin ni Lex
para sagutin ang isang tanong na hindi ko lubos maintindihan.
"May libro ka ba?" Tanong niya.
"Meron."
"Asan ba?"
"Nasa locker."
"Ano yun? Pinapabasa mo ang locker mo nang libro?"
"Ako sir... Nagbasa ako!" Sabay pataas ng mga bruhang babae na kaklase ko.
OO NGA SIR! Ba`t di sila ang tawagin mo. Kalokohan naman talaga ito. Grrr...
Ibabagsak niya kaya ako kung patuloy ko siyang di-deadmahin? I sighed.
Pero kung inaakala niyang nasisiyahan ako sa mga pinaggagagawa niya, nagkakamali
siya. Kung pursigido siya, mas lalo akong magpupumiglas.
Ang nasa note lang nito ay, "Kilala mo na kung sino ako."
Walang heya! Kilalang kilala ko nga. Nasa signs ito diba? Hindi ko nga lang alam
kung aling sign doon. Kinalimutan ko na ang signs na yon. Pero... bwisit. Pursigido
parin ba siyang tapusin ang signs kahit ayoko na talaga? Akala ba niya makukuha niya
ako sa mga ganito niya? Kala niya ba makukuha niya ako kapag makuha niya na ang
signs? Nagkakamali siya.
Padabog kong sinarado ang locker ko. All the way to our room in Philo, nakasimangot
ako`t lahat-lahat na.
Humanda talaga yung Lex na yun sakin! Pasalamat siya`t di ako makapagpalabas ng
kahit anong ekspresyon mamayang klase namin dahil ayokong malaman ng
classmates ko ang mga nangyayari.
Pagdating ko sa room, magulo at maraming nakatayo sa upuan ko. Ano yun? Tsaka,
wala pa si Lex ah?
"Summer,"
"Bakit, Nicole?"
Umalis ang lahat na nakatayo sa upuan ko`t nakita kong bigla ang tatlong rosas na
nakalagay sa desk ko.
Of course! Di ko iniisip na si Kevin ang naglagay nito dahil tulad kanina, alam ko na
rin kung sino ang naglagay nito dito. At di pa siya dumarating hanggang ngayon.
GRRRRR. Humanda na talaga siyaaaa!
secret, LOL 8)
SIGN 39~
Summer: just, stop this!
"Ano yan?"
"Di yan akin." Sabi ko.
Nagkagulo ulit ang mga tao sa room dahil sa paghahanap ng kanikanilang upuan dahil
dumating na ang pinakahihintay nating Sir Lex!
"Sayo yan, Summer." Sabi ni Nicole sabay lagay ulit ng three red roses sa desk ko.
"Errr." Linagay ko na sa sahig na daanan ng mga tao.
"Okay, let`s start our class with a recap. And then, we will have a long exam."
Ganun narin ang nasabi ng mga blockmates ko sa likuran. I bet nag-aral silang lahat
dahil si Lex ang prof. Paano ako? Pero, siguro naman may matino akong maisasagot
kahit papaano. Errr.
Dumaan si Lex sa daanang sinasabi ko. Then he stared at the three red roses on the
floor.
"Mr. Asuncion, nakita mo ba ang mga basurang nasa paligid mo lang?" Off topic na
tanong ni Lex.
"Huh?" Napatingin din si Kevin sa sahig at nakita niya ang 'basurang' sinasabi ni Lex
- ang roses.
"Class, sana bago tayo magsimula, kung may nakikita kayo sa paligid niyong mga
basura... linisin niyo naman!"
"Yesss, sirrr." Sabi ng ibang kaklase ko.
Pupulutin din sana ni Kevin ang three red roses pero naunahan na siya ni Lex.
"Okay. Let`s start our long exam!" Sabi niya at nag-iba pa talaga ang tono ng
pagsasalita niya.
"Kainis talaga! Ang yabang!" Sabi ni Kevin. "Upakan kita diyan... Kala mo kung
sino."
"Cool ka lang Kev." Sabi ni Nicole.
"Bwusit eh! Ano bang excuse yung sinabi niya para mapagalitan pa ako? Kainis..."
Pumula na talaga ang mukha ni Kevin.
"Kev, sorry. Kasalanan ko. Ako yung naglagay ng roses dun eh..."
"Okay lang, Summer. Eh hindi niya naman kasi kailangang pagalitan pa ako dahil
lang dun!"
"Shhhhhh!" Tinitigan ni Lex si Kevin. "We are to start our long exam, please stop
talking Mr. Asuncion."
Para akong binagsakan ng langit at lupa. Loko `tong si Lex ah!? Mukhang pati si
Kevin pinag-iinitan. Humanda siya!
"Summer, mauna na ako? May klase pa ako. Good luck." Bulong ni Kevin sakin nang
natapos na siya sa exam-
"Shhhh! Wa`g nyong kausapin ang mga hindi pa tapos!" Sigaw ni Lex.
Talagang nakikita kong nag-iinit na ang ulo ni Kevin kay Lex. Kaya nung papaalis na
si Kevin, nagkatitigan pa sila ni Lex.
Yung isang naiwan, ay isang kaklase kong tahimik. Tiningnan ko siya at halos batuhin
ko na ng ballpen dahil sa tagal matapos pero nabigla ako nang nakatingin din siya
sakin at mukhang gusto niya rin yata akong batuhin ng ballpen.
Nabigla din ako nang bigla na lang siyang linapitan ni Lex at, "Tapos ka na ba?"
Nakanganga ang babaeng tahimik na kaklase ko, "Ye-Yes, Sir." Ngumiti siya`t parang
natataranta.
"Ang tagal mo yatang natapos? Mahirap ba?" Ngumiti rin si Lex.
"Me-mejo po." Binigay nung babae ang testpaper niya`t tumayo ito.
Tumayo ako para sana ibigay na rin ang test paper ko, kaya lang bigla na lang siyang
kumaripas ng takbo at binangga pa talaga ako. Tumilapon ang ballpen at test paper ko.
Siya na ang pumulot sa test paper at ballpen ko. Napansin kong may nahulog na isang
note galing sa kamay niyang nakahawak sa test paper ng babaeng bigla na lang
tumakbo kanina.
Pinulot ko `to.
"Princess - 09161234561."
Err. Now I know. Siguro, nahiya yun kanina. Kaya siguro yun tumakbo dahil dito.
Sobra naman yata ang sex appeal ng gunggung na to`t dami niyang nabibiktima.
"Tagal mo yatang natapos?" Naglakad siya patungong teacher`s table kaya sinundan
ko siya.
At talagang natuluyan ang galit ko dahil naalala ko yung mga pagpapahiya niya sakin
at kay Kevin.
"Tungkol saan?"
"Tungkol sa pagiging presko mo`t pagpapahiya mo sakin at kay Kevin!"
"Pinahiya ko ba si Kevin?" Tumaas ang kilay niya.
"Don`t play dumb! At ako? Pinahiya mo ko ah!" Suminghap ako. "Lex," Tinuro ko
ang roses. Kinuha ko rin ang heart-shaped na chocolates na nakuha ko sa locker.
"tigilan mo na ang mga signs ko dahil matagal ko nang kinalimutan yon!"
May kinuha siya sa ilalim ng teacher`s table. And tenenenentenen... Guess what? A
baloon. shucks!
Napailing ako, "Lex, please stop this." Sabi ko, seryoso. "You can fail me in this
subject... just, stop this!"
:o :-\ :'(
"Naniwala ka naman? Di kita ibabagsak, dahil ayokong ako naman ang bumagsak sa
puso mo."
SIGN 40~
Summer: Tigilan mo na ako!
I hate this! Nakakainis naman siya! Alam niya namang gusto ko siya kaya ganito siya
ka pursigido sa signs ko. Eh wala naman akong pakealam sa signs ngayon eh. Bwusit
talaga.
Nabigla ako nang nakita kong nakatingin ang halos lahat ng estudyante sa akin.
OH NO~! Wa`g niyo sabihing may balak pa siyang ipahiya ang sarili niya sa school?
Com`on! Kung may balak nga siya, wa`g naman sana akong idamay.
"Summer,"
Tumakbo ako ng pa simple tapos naglakad ulit para hindi weird. Sobra nang
kahihiyan ito, grabe na ang ginagawa niya.
*KRRRRRIIING*
"He-hello?"
"Summer, nasaan ka?" Tanong ni Kevin. "Ikaw ba yang hinahabol ni Sir Lex?"
Napatigil ako sa paglalakad at lumingon ako kung saan-saan para hanapin si Kevin.
Nasa itaas siya ng isang building. Nakita ko siyang hawak ang phone at parang
nagtataka sa mga nakikita niya.
"Summer..."
"Bwusit-"
Naisipan kong tumakbo ulit papuntang library. Sana i-hold siya ng guard dahil sa
balloon na hawak-hawak niya at tuluyan na siyang di papasukin.
Inintindi ko na lang ang mga librong dala ko at nagsimulang mag basa. Wow,
milagro, nagbabasa pala ako ng libro no?
"Pssst."
Umiling ako.
"Ehe-ehem!" Hirit ulit ni Lex para matoon ang tingin ko sa direksyon niya.
Agad siyang sumulat ulit sa notebook niya gamit ang isang marker.
'You'll pass 3 subjects naman siguro ngayon, let`s crash-out the 12th."
"Psssst..."
"Pssst. Pssssstttt!!!"
Linigpit ko ang gamit ko`t umalis na ng library. Tumigil din ako sa paglalakad para
hintayin si Lex at ang sinasabi niyang balloon. Seryoso `to! Tatanggapin ko `to para
wala ng gulo ngayong araw na `to. Ang kulit niya, sobra.
SIGN 41~
Summer: alis na muna ako ah.
Umabsent ako ng dalawang meeting sa Philo dahil sa inis ko kay Lex at dahil sa takot
ko.
Umismid ako sa sarili ko. Masyado ko yatang na lagyan ng emosyon ang sagot ko.
Kay lakas ng boses ni Nicole habang nakikipagkwentuhan siya sa ibang kaklase ko.
I glanced at that Princess-girl na nagbigay ng number kay Sir Lex. And my God,
nakatingin siya sakin. Nakakatakot naman.
"Ewan ko. Siguro hilig lang talaga ni Sir ang mga bata... AYYYY..." Sobrang kilig
ang nadarama ng mga kaklase ko habang pinag-uusapan si Lex.
"OKAY CLASS!"
Para akong napatalon sa kinauupuan ko habang tinitingnan kung saan galing ang
nagsalitang iyon. Syempre si LEx. Napalunok ako.
Lumingon ulit ako kay Kevin at nakita kong nakatingin parin siya at parang binabasa
ang mga galaw ko. I acted normal.
Napalunok ulit ako ng ilang beses para lang ma maintain ang state of mind ko.
"Reyes, Angela... Ro-mero, Arriane Summer." Tumigil siya sandali. "Present ba?"
"Yes."
Tumango siya kaya napabuntong-hininga lang ako nang pinagpatuloy niya na ang
rollcall. Akala ko may mga comment na naman siya.
"Santiago, Princess Mae..." Tumigil ulit siya at hinanap yung nasabing Princess.
May kaonting hiyaw akong narinig sa likuran galing sa mga kaibigan yata nung
Princess. >:(
"Gag0 tong Lex na `to, kung paano kung may makahalatang- ARGH!" Sabi ko sa
sarili ko.
Paano kung may magsumbong na ganyan yung trato niya sa mga estudyante? Shucks.
Nagkagulo na at marami nang lumalabas. Ewan ko kung bakit ayaw ko pang lumabas.
Nagpatuloy sa pag-alis ang mga kaklase ko pero ako, wala parin... di parin
nakakatayo.
Nakatingin parin ako kay Lex. Lumingon naman ako kay Princess at nakaupo parin
siya mag-isa sa upuan niya.
Ano bang plano ni Lex? Papatulan niya ba yung babaeng yan? Eh... pucha naman... Di
ba niya nakikitang pwede siyang ipatapon sa school. Sa bagay, di naman siya talagang
teacher dito pero napaka walang hiya niya naman yata kung ganun ang gagawin niya.
Kapal ng libag niya para pumatol ng estudyante.
"Summer?"
"O!" Nalagyan ko ulit ng maraming emosyon ang sagot ko.
Para kasing sinasabi ni Lex na 'leave us alone...' or what. Okay! Kung di niya yun
kayang sabihin, edi ako na ang magsasabi.
"We are going to leave you alone." Sabi ko. Masyadong clear ang pagkakasabi ko.
Pero pagkatapos ko `tong sabihin, may napansin ako sa sarili ko, may mga naitanong
ako sa sarili ko.
Sobrang bilis yung lakad ko papalabas at para akong pumutok na bulkan. BAKIT BA,
SUMMER? O SIGE! MAHAL MO SIYA! SELOS KA LANG.
Ganun ba yun? Peste naman o. Last day niya na ngayon, paano niya makokompleto
ang signs?
KITA MO NA? Yan pala yung tunay na iniisip mo, ang galing ah? HAHAHA.
Nabubuang na yata ako.
"Summer?"
"Sige Kev, alis na ako ah... magkikita pa kami ng mga pinsan ko." Kinuha ko ang
cellphone ko sa bag ko.
Hanggang sa natapos na ang whole class ko for today, aalis na sana ako pero may
nagtext.
Kala ko naman sina Aliyah at Nadine na pero mali ako. T`was Lex.
Abahhh! Mapuntahan nga`t sasabihin ko sa mukha niya yung 'di kita mahal, kaya
tigilan mo na ako.'
May psychological effect kaya sakin yung perfume niya? Parang lumalambot ako eh.
Kaya lang, bigla niya akong tinulak papasok sa sportscar niya tapos umikot na siya`t
nag drive bigla.
Ambilis niyang mag drive, siguro dahil sa sportscar `tong dinadrive niya o baka
naman nagmamadali siya? :o
Bigla na lang siyang nagbreak at... sinuot niya para sakin ang seatbelt ko.
"Ano ba... Sabi ko, nagmamadali tayo, seatbelt mo." Sabay lock sa seatbelt ko.
Pinaandar niya ulit ang sasakyan niya. Grabe, feeling ko kung di ako nagseatbelt eh
baka tumilapon na ako somewhere. Ambilis niyang magdrive.
Grrrr.
"Tsakaaaa.... Anong nangyari kay Princess kanina?" Ack~ Ba`t bigla ko yung
naitanong.
Di siya sumagot.
"Siguro... kaya mo ko pinipilit sabihin sayo yung di kita mahal kasi may nakita ka
nang ibang babae no?"
"Summer, I have never been this selfish in my life, and it scares me."
SIGN 43~
Summer: Ba`t po kayo nandito?
Pumasok kami sa restaurant. Inakbayan niya pa ako. Umismid na lang ako saka niya
tinanggal ang kamay niya sa shoulders ko.
"Kanina pa sina Tita... Grabe, Lex... nahirapan kami ni Nadine dun ah."
"Onga! Stricto kasi sila. Siguradong galit si Tito ngayon..." Nadine said.
Kinabahan na ako. Sobrang kaba ang nadarama ko lalong lalo na nung nakita ko si
Papa na nakatingin sa akin. Tinuro ako ni papa at lumingon narin si Mama sa akin.
"Ma, Pa... alis na po tayo...." Sabi ko habang kinukuha ang mga kamay nila.
"Bakit? May problema ba, Summer?" Tanong ni mama. "Siguro may kalokohan ka na
naman sa school no kaya natatakot kang makaharap namin ang prof mo?"
"Ano ba yun, Summer?" Tanong ni papa.
"Excuse me, Mr. and Mrs. Romero." Sabay lahad ng kamay ni Lex sa papa ko. "I`m
Lex Andrew Santos..."
Nakataas ang kilay ni mama at papa habang inaabot din ni papa ang kamay niya.
"Santos... Lex... The owner of Sortee Beach?" Tanong ni papa habang tumatayo at
nakikipagshakehands.
Tinitigan ako ni Lex. Tumaas narin ang kilay nito at para bang gusto pa nitong
tumawa. GRRRR.
"Nga pala... Summer, asan na yung prof mo?" Lumingon si mama sa paligid.
"Ahhh. Oo nga po pala. Ako po yung prof ni Summer. Substitute Teacher po ako sa
school nila."
"Ha?"
SHUCKS! Tapos, Lex? Sige... magsalita ka pa. Di ko na alam ang gagawin ko.
Nagkakagoosebumps na ako.
"Ahhh. Ilang taon ka na nga pala hijo?" Tanong ni mama habang umiinom ng tubig.
"Twenty-four po."
"Oowww. I thought you`re nineteen or twenty..."
"Bakit, Lex? Ano bang problema sa anak ko?" Tanong ni papa.
:-[ :o
:-\
SIGN 44~
Summer: Hindi po siya... prof...
Muntik ko nang maibuga ang tubig na ininom ko sa mukha ni Lex. Paano niya biglang
nasabi yon? Di ba niya nakikita o naririnig sa tono ng mga magulang ko na ayaw nila
na magkaboyfriend ako?
"Uh...-"
Tumango si papa, "Ikaw ba yung nagustuhan ng anak ko habang nasa Sortee siya?"
Napapikit ako.
:-[
Hindi po. Yung lifeguard, yung securityguard, yung waiter, yung manager, yung
receptionist... hindi yung may-ari!
"Uhh--"
Bumuntong-hininga si papa.
"Alam ko na ang sagot... Ngayon, bakit gusto mong makipag-usap sa amin?" Tanong
ni papa.
Umiinit na ang usapan. Kulang nalang kurutin ni mama ang hips ko dahil sa gigil sa
akin. Ako naman, magbibigti na yata.
Tumango si papa.
"Alam mo ba kung bakit ko pinadala si Summer sa Sortee?" Tanong ni mama.
"Alam kong hindi parin ako makakasiguro kung seryoso ka sa anak ko... at di ko rin
masasabing payag ako sa inyo."
"Summer`s eighteen. Maybe she can decide properly now. Siya na ang bahala. Kung
gusto ka niya, then... Kung ayaw niya naman, it`s her choice. I`ll try to believe in her
now since she`s been through a lot." Tiningnan ako ni mama.
Tumango si Lex.
"Ikaw... ang prof niya? Diba bawal sa school yun?" Tanong ni papa. "Hindi ako
papayag."
"Hindi po siya... prof... I mean, substitute lang..." Ayun. Ako pa ang nanindigan.
Biglang uminom si papa ng tubig at... "Maiwan na muna namin kayo. Pagod ako sa
trabaho... pati na rin ang mama mo. Sasabay ka ba?" Tanong ni papa habang
tumitingin sakin.
Tumayo si Mama at naghanda sa pag-alis.
"Po?"
Sasama ba ako?
Napabuntong-hininga ako.
"O-opo."
SIGN 45~
Summer: Nagjeep na po ako...
Nakatingin lang ako sa kanya habang tinatapos niya ang pagkain.
"Bakit ka nga pala nag absent ng dalawang meetings?" Sabay inom niya ng tubig.
"Buti wala akong quiz sa mga time na yun..."
Katahimikan. >:(
"I completed the signs... I talked to your parents... I did everything to get you back...
ano pa ba ang problema?" Tanong niya.
Ano nga ba? Maybe I`m just scared. Natatakot akong sumugal ulit. Sumugal ulit sa
pag-ibig... sumugal ulit sa kanya.
Natatakot ako... dahil mukhang seryoso siya. At seryoso din ako... pero paano kung
wala rin palang mangyayari? Ano na ang gagawin ko pag mabigo ulit ako?
"Kailangan pa ba yun?"
"Sign twenty-four... Pupunasan ko ang luha mo kapag iiyak ka..." Tiningnan niya ako.
"I don`t wanna make you cry..."
AWWWW. AWWWW.
Bwusit ka, Summer! Ayan ka na naman. Parang sasagutin mo yata yan bigla ngayon
ehhh. Alam kong kahit natatakot ako ngayon, sigurado ako sa sarili kong mahal ko
nga siya.
"Nga naman... paano ba yun? Hindi naman ako makakasiguro eh, kahit ikaw... di ka
rin makakasiguro nun." Sabi ko.
Tumayo ako at nagbalak umalis, pero hinila niya ang braso ko.
Bakit nga ba? Bakit nga ba... ganito na lang ako kahigpit ngayon?
I love him... and I don`t wanna be hurt anymore.
Padabog akong pumasok sa bahay. Nag jeep na ako. Di talaga ako hinabol ni Lex eh.
Siguro, may inisip din siyang mabuti. Siguro... ayaw niya na sakin at naiinis na siya
dahil masyado ko siyang pinapahirapan... Pero... KASALANAN KO!
"Summer," Nabigla ako dahil si mama at papa ang tumambad sakin sa sala.
Nagmano ako.
"Po..."
"I can see that that Lex is a good man. Tsaka, matured na siya.... Bagay sayo ang mga
matured na lalaki dahil masyado kang immature." Sabi ni mama.
Tumango ako.
"Hinatid ka ba niya?" Tanong ni Papa.
"Hindi po..."
"Bakit?"
"Nagjeep na po ako..." Sagot ko nang walang kabuhay-buhay.
"Ay naku, Summer! Gusto mo ba siya o hindi. Kung ayaw mo, edi wag. Kung gusto
mo siya... tapos ganyan ka... mabuti pang wa`g na lang! Sinasabi namin `to ngayon
dahil ayokong masira ulit ang buhay mo. Kung sisirain din ng Lex na yun ang pag-
aaral mo, ako na mismo ang maglalayo sa inyo! Naiintindihan mo ba yun?"
SIGN 46~
Summer: Bitiwan niyo nga ako.
Hindi niya rin ako tinext ng dalawang araw.
"Ano ba, Aliyah!" Saway ni Nadine habang nagpapark ulit kami at papasok sa school.
May picture pa ng di umano`y BABAE kaso blurred. Pero alam na alam kong ako
yung nasa picture! Sino pa ba ang ganun ang ayos at tinatawag na single mother?
SHUCKS!
Napailing ako.
"Ang sabi pa... kahit na umiiwas si Sir... lumalapit talaga ang malandi..."
Kinuha ko ang papel at umalis sa parking lot. Humanda yung gumawa nito`t babaliin
ko ang kuko niya!
"Oh my God! Sabi na nga ba eh... Ang landi niya talaga~" Kahit mahina ang
pagkakasabi nun, kilala ko kung sino yun - si Lauren!
"Ikaw ba ang may pakana nito?" Napatayo ang mga kaibigan niya.
"Bakit? Guilty ka ba? Tsaka... teka nga... ano ngayon kung ako? Wala namang sinabi
diyan na ikaw ang pinag-uusapan diba? Ang guilty mo!" Sabi niya.
"Walang hiya ka! Wala kang alam kaya wa`g mo kong biruin ng ganito!"
"Bakit, Summer? Totoo naman diba? Sino bang umalis dito dahil nakipaghalikan sa
boyfriend ng iba---at kaibigan niya pa ha?" She crossed her arms. "Sa bagay... di mo
naman siguro ako tinuring na kaibigan no? Kaya siguro madali lang sayo yun?"
"Sabi ni Princess... May gusto ka raw kay Sir Lex. Pasalamat ka`t wala na siya dito...
Tapos... may nakakita pa sa inyong nakasakay ka sa sportscar niya... Grabe ka naman
kung makapanglandi Summer!"
Sobrang distorted na ang ekspresyon ko. Ang sarap niyang sapakin. Sobraaa.
Sobraaaa talaga!
"Siguro may relasyon kayo ni Sir Lex no? Wa`g mo nang ideny! Di naman kasi yun
shocking news kasi ganyan ka naman simula`t sapul diba?"
*SLAPPPP*
SIGN 47~
Summer: nilalandi ko ang substitute prof namin.
"Ikaw, bwusit ka! Wa`g kang magsalita na parang alam mo ang lahat huh!" Sabay turo
ko kay Lauren na hanggang ngayon ay di pa nakakatayo.
Pinunit ko lahat ng pamphlet na nakita ko. Tinapon ko na rin yun kay Lauren.
"Summer-"
"Kev... Tama na muna please..." Sabi ko.
"Summer, ano bang tinatago mo? Ano ba ang relasyon mo kay Sir Lex?" Yinugyog
niya ang braso ko.
I guess... wala na akong kawala. Sinabi ko kay Kevin ang lahat. Lahat lahat... Para
matahimik na siya. Iniwan niya na lang ako sa bench na kinauupuan namin
pagkatapos kong kinwento ang lahat. Ayun, nawalan ba ako ng kaibigan?
"Miss Arianne Summer Romero, please report to the DSA as soon as possible." Yun
ang narinig ko sa buong eskwelahan.
Nagkagoosebumps ulit ako. Bakit na naman ba? Ano na naman ba ang mangyayari?
Ang pinaka ayaw ko nang isipin ay ang ipa-expel ako. Hindi ko na yata kaya yun.
Kung ipaexpel ako, may tatanggap bang school sakin? PAANO NA YUN?
*tok-tok-tok*
Napatingin ako kay Princess na hanggang ngayon eh walang kimi sa tabi ni Lauren.
"Totoo ba yun?"
"Totoo po. Totoo naman kasi yung mga sinabi ko eh."
SIGN 48~
Summer: di na bumabalik yung tao!
"Anong totoo? Hindi po. Sige nga... anong ibidensya mong may anak ako?"
"I did not say anything like that. Ang ibig kong sabihin ay totoong nakikipaglandian
ka sa kay Prof Lex, diba Princess?"
"See?"
"Hindi po totoo yun."
"Kung hindi yun totoo, eh ano `to?" Sabay abot sa mga opisyal ang lagpas sa limang
litrato namin ni Lex.
Yung nasa library... Yung hinabol niya ako with the balloon... and etc. SHET!
"Wa`g na po!"
"Bakit? May tinatago ba kayo?"
"O sige! Ano naman ngayon kung may relasyon kami?" Bwusit! Kainis na mga taong
`to.
Expel na kung expel! Sira na naman buhay ko. Pucha naman talaga `tong mga taong
`to.
"May gusto siya sakin kaya hinabol niya ako... Ganun lang yun... At ano naman
ngayon kung ganun nga?"
Tiningnan ako ng dalawang opisyal. Ewan ko ba kung nabigla sila o namangha sila sa
sinabi ko.
Lalong lalo na kay Princess! Siya yata yung naglaglag sa akin dito.
"Ano ba talagang problema mo, Lauren? Galit ka parin ba dahil ako ang dahilan ng
paghihiwalay niyo ni Kevin?"
Di siya umimik.
Umalis na ko. I didn`t bother to slap her back. Wala na akong time para makipag-
away muli sa isang bitter na tulad niya.
SIGN 49~
Summer: He denied me.
"Andito na si Ms Romero..."
OMG! Eto ang pinakaunang pagkakataong nagkita kami simula nung nagtalo kami sa
restaurant.
Kung sasabihin ni Lex na meron, masisira ako. Kung sasabihin niyang wala... hindi
niya naman siguro ako ide-deny... diba?
"Wala."
DIBAAAA?
WHAT?
OKAY! >:(
"Ganun naman pala eh..." Sabi ng Prof namin. "Edi walang problema. Simpleng cat
fight lang yun ng mga estudyante."
"Kung ganun, ano `tong mga larawan na ito?" Sabay abot sa mga larawang galing kay
Lauren.
Natulala ako sa mukha ni Lex. Hindi ko namalayang napaluha ako, agad ko `tong
pinunasan habang wala pang nakakahalata.
"Are you trying to destroy someone`s name, Miss Romero?" Tumaas ang tono ng
boses ng opisyal.
Ang tanga tanga ko talaga. Syempre... di niya kayang sirain ang pangalan niya para
sakin.
Syempre... sino ba ang gagawa ng ganun para sa aking ang selfish-selfish?
Hindi ko na alam kung bakit ako umiiyak. Dahil ba nadeny ako ni Lex? Dahil ba
nasaktan ako sa sinabi niya? Dahil ba natatakot ako sa mga sinasabi ng discipline
officers? Bakit kaya? Siguro dahil lahat yata ng pagkakamali ng mga ex ko ay nagawa
ng taong pinakamamahal ko - hindi ko pa yun inaasahan.
Natatakot na akong... masira ulit ang buhay ko. And the root cause of this things right
now... is LOVE... again...
And Lex was the greatest... and best... love I have ever found in my entire life.
Pero sobra sobra na yata `to. If I want a peaceful life, I should give up something
great. And that is... him.
Hindi ako pumasok sa klase. Kahit next week na ang finals, di ko na ininda yun.
Ayokong pumasok dahil kahit sa mismong corridor namin ay marami ng nakikiusisa
sa akin, paano kung papasok pa ako sa room.
"Summer, saan ka pupunta?" Napatingin sila sa bandang likuran ko. "4pm na ah. Diba
may pasok ka pa?" Tanong ni Aliyah.
So, he`s still here. Tamang-tama. Lalabas ako sa school na `to. Sana makulong na siya
dito at magpakasaya dahil hindi tuluyang nasira ang dignidad niya. That`s not
sarcasm, okay? :(
"Di na muna ako papasok. I`ll be fine." Linagpasan ko silang dalawa. "He denied me."
Dagdag ko.
SIGN 50~
Summer: I LOVE YOU, LEX ANDREW SANTOOOOOS!
Umalis na ako sa school. Pati yata security guards eh kilala ako dahil panay ang titig
nila sa akin. Kulang na lang akusahan nila akong nag-iwan ng bomba sa loob ng
school.
Napaupo ako sa isang tagong coffee shop - at talagang sa pinakaside pa nito para
walang makapansin. I faced the wall and I stared on my phone.
*KRIIIING!*
Gette`s calling.
Di ko na narinig ang boses ni Summer. Mukhang hinayaan niya na lang muna akong
umiyak.
"Summer, tahan na. Umuwi ka na lang muna sa inyo. Pupuntahan kita diyan. Tsaka,
the thing about your school... lumipat ka na lang ng school. Okay?"
Hindi ako makasagot dahil hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko.
"W-Wait... Asan ka ba? Umuwi ka na muna. I promise, I`ll go there. Rico will drive
for me."
"Okay, Gette." :'(
Kaya lang, naabutan ako ng 6PM sa coffee shop na iyon. Gabi na sa labas at
dumarami na rin ang tao dito.
Lumabas na ako sa coffee shop para uuwi na sana. Kaso, wala akong mahanap na taxi
dito at kailangan ko pang maglakad papunta sa sakayan ng jeep.
*Krrrriiing!*
Kinilabutan ako nang nakita kong si Lex ang tumatawag. Pinatay ko ang cellphone ko
at naglakad patungo sa sakayan ng jeep.
Gabing-gabi na. Busy ang mga taong nakakasalubong ko. Ang sakit na ng mga paa
ko. Ang sakit na rin ng puso ko. Feeling ko, eto na yata ang time na pinakanabigo ako.
A yellow lamborghini parked at the jeepney stop. Agad akong nag panic at gusto kong
tumakas.
"Okay! I`m sorry. Hindi ako galit sa`yo." Sabi ko habang nararamdaman na naman
ang pagpo-produce ng luha ng mga mata ko. "Alam kong... wala naman talaga akong
halaga sa`yo. At kasalanan ko kung ba`t pa ako umasa. Just leave me alone. Don`t just
pull me when you want to!"
Tinalikuran ko siya pero hindi ako makapagwalk-out dahil hawak parin niya ang
braso ko.
Umamba siyang pupunasan ang luha ko pero sinapak ko ang kamay niya.
"Ano, Lex? Kaya mo ba ako dineny kanina dahil gusto mo lang makuha ang last
sign?"
"NO!" Sabi niyang bigla.
Umiling siya.
"No!"
"I told you, I will never do anything like that. Hinding-hindi ko ko-kumpletuhin ang
signs dahil ayoko sa sign na yun!"
"Then why did you deny me? Para masaktan ako?"
"I denied-"
"Oh yes! Of course, sorry Lex." Iniba ko ang tono ng boses ko. "Sorry. Alam kong
masisira naman talaga yung pangalan mo kung hindi mo yun ginawa. Pero... nasaktan
ako. I`m sorry."
Nagtangka ulit akong bawiin ang mga braso ko sa pagkakahawak niya pero masyado
`tong mahigpit.
"I denied you because I thought it was the best thing I can do for you. Kung inamin ko
bang gusto kita, anong mangyayari sayo? Aakusahan kang malandi? Tapos, maeexpel
ka? I would never let that happen."
Natigilan ako.
Nakikita ko sa mga mata niyang pinipigilan niya ang mga luha niya. Naalala kong
mejo iyakin siya dahil nung nasa resort pa kami, umiyak siya sa harapan ko.
"Sinabi nila, sinungaling ako... dahil gumagawa ako ng istorya. I-I know, I`m not
blaming you. I blame myself for being so stup1d!"
Bigla niya akong hinalikan. Unti-unti ko yatang nakalimutan na nasa kalsada kami, di
man sa gitna, may mga tao paring nakakita.
He looked so weak right now. And I pretended that I`m strong and firm.
"I love you so much." Sabi niya. "Narinig mo naman siguro ako diba, I love you...
I`ve never been this selfish in my life, and it scares me. I love you too much to let go."
Nagtangka ulit siyang punasan ang luha ko pero sinapak ko na naman ang kamay
niyang paparating sa pisngi ko.
"Narealize kong... dahil sa pagiging selfish ko, dahil sa pagiging desperado ko...
nasasaktan na kita. I`m sorry."
Pumiglas ako pero wala na akong lakas para makawala sa hipit ng yakap niya.
"Please, tell me you love me!" Sabi niya habang tinitingnan ang lumuluhang mga
mata ko.
And for the third time, he tried to wipe away my tears, but I did not let him again.
"Alam ko. I ruined your life. I`m guilty. Alam kong importante sayo ang pag-aaral
mo."
"Do you think you`d be better off without me?" His voice broke.
Pinunasan ko ang luha ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko.
"I think you`d be better off without me." Yumuko siya at yinakap ulit ako. "Pasensya
na kung masyado akong makasarili. Go on with your life now."
Tiningnan niya ako. It was like he was seeing me and looking at me for the last time.
He sighed.
Tinalikuran niya ako. Umiyak ako lalo. Tinalikuran ko na rin siya. Hindi ko kayang
makita ang sportscar niyang tumakbo sa kabilang direksyon sa tinatahak ko.
Tiningnan ko ang paligid, maraming taong walang pakealam. They`re going on with
their life without knowing that I`m here... losing my life. Losing Lex.
Habang naglalakad ako, naisipan kong tumingin sa likuran. Wala na ang sportscar
niya. Tiningnan ko ang mga tao, wala na rin siya.
"Bakit ko ba siya pinakawalan?" Tanong ko sa sarili ko. "I said because he was
ruining my life?"
Ang tanga ko. Paano masisira ang buhay ko? Dahil ba sira ang pangalan ko sa
eskwelahan namin? Ganun ba yun?
Hindi naman yung paaralan ang buhay ko eh. And I slowly realized, that Lex was part
of my life... He played the biggest part of my life... AT KAPAG WALA SIYA,
MAWAWALA NA RIN ANG PINAKAIMPORTANTENG PARTE NG BUHAY
KO.
Loka! Ba`t papara ka ng jeep? Taxi dapat. Hinayaan ko ang sarili kong sumakay sa
jeep na papunta sa daanang tinahak ng sportscar ni Lex.
"San ma`am?"
"Uh.. Nakita mo ba yung yellow lamborghini? Yung sportscar na-"
"Ahhh. yung nakapark dun kanina?" Sabay turo sa kinatatayuan namin kanina ni Lex.
"Opo. please? Saan yun pumunta, manong?"
Tumakbo ako ng tumakbo. For God`s sake! I felt happy nung mejo natagalan siya
dahil sa ibang sasakyan.
"LEEEX~!"
"LEX~!"
Nakita kong tumigil ang sports car. I was so happy. This is the happiest moment of
my life! Sobra!
I gave him the sweetest smile. Kahit na umiiyak ako at di na ako sigurado sa itsura ko,
bahala na.
"I LOVE YOU, LEX ANDREW SANTOOOOOS!" Bahala na kung mawalan ako ng
boses forever. Ang importante, nasabi ko yun.
His car drifted. Nag u-turn kahit di pwede. Pumunta siya sa kabilang intersection, I
watched him as he drifted his car very fast... Ambilis.
He was heading this way. Mali yung ginagawa niya dahil sa one-way ang kalsadang
tinatayuan ko.
ONE-WAY ANG KALSADANG TINATAYUAN KO!
I turned around... May nakita akong truck... It was, I`m sure, heading towards me.
Habang papalapit `to sakin, nakikita ko ang driver nitong natutulog. I WAS
TOTALLY DEVASTATED.
Lumingon ako sa sportscar ni Lex, it was gone. And the next second... It was crashing
with the ten-wheeler truck that should, in any minute now, kill me.
Ang sportscar niya ay nagmula sa right side ko, binangga ang truck sa harapan ko at
tumilapon ang dalawa sa left side ko. THIS HAPPENED ALL BEFORE MY EYES.
Habang tinitingnan ko ang sportscar niyang binabangga ang truck na nasa harapan ko
na ng mga oras na yun. AKO DAPAT YUNG NASAGASAAN! BAKIT NIYA
BINANGGA!?
Nag slowmotion sa akin ang lahat ng nangyari. I cannot imagine this. I cannot believe
this. Can someone wake me up from this nightmare?
Nakanganga lang ako at tulala. Ito ang gabing umiyak ako ng sobrasobra. Ito ang
pinakamaraming luha na naiyak ko sa talambuhay ko. Habang nakikita ko ang mga
police na dumarating at nagtatraffic. Marami na ring sumasaway sa akin na umalis na
sa kinatatayuan ko.
Last Sign~
Dumilat ako at naamoy ko ang pabango ni Lex. Mataas na pala ang araw. Kahit
tinatabunan ang araw ng mga dahon, nakikita ko parin ito. Gumalaw ako para makita
ang kasama ko.
Nakaligtas siya sa aksidente. Nahospital naman siya pero milagrong walang malaking
damage sa kanya. Buti na lang talaga, dahil kung hindi, baka mawalan na ako ng pag-
asa.
Umupo ako ng maayos sa duyang hinihigaan namin. Ginawa ko palang unan ang
braso niya. Kawawa naman siya, kagabi pa kasi kami dito at di ko namalayang
nakatulog na pala ako. Linagyan din pala niya ako ng kumot, kaya pala wala akong
naramdamang lamig.
"Ah..." Sabi niya sabay kuha sa braso niyang ginawa kong unan.
"Sorry..." I rubbed my eyes.
"Ayan ka na naman ah... Nakakainis ka na. Ginagawa mo na ang lahat ng gusto ko. Di
ka ba natatakot na baka ma-spoil mo ko niyan?"
"Hindi naman... Gusto ko rin naman yun eh."
Napailing ako.
"Since di ko na complete ang 24 signs, gagawin ko na lang ang lahat na gusto mo."
Sabi niya.
"Ang OA mo... di mo naman kailangang makuha ang signs eh. Nasa akin parin ang
huling desisyon..."
Tinitigan ko siya.
I wiped my tears.
Ngayon, hinayaan ko na siyang punasan ang mga luha ko. It was... the moment... I`ve
been waiting for.
"Ganito lang ang gusto kong mangyari... ang punasan ang luha mo dahil masaya ka.
Ayokong nakikita kang nasasaktan... lalong lalo na, kapag ang dahilan ay ako."
Hunghang talaga `tong boyfriend kong `to. Kung gusto niyang magsama kami ng
mahabang panahon, hinding hindi niya yun maiiwasan... kahit di man niya ako
sasaktan, di niya maiiwasang makita akong umiiyak.
"Kaya... Summer, please, if you can, hold your tears when your sad. Because I don`t
think I can forgive my self if I see you crying."
"O sige na... Kakayanin ko yang hinihingi mo. Tingnan ko lang kung kaya ko. Siguro,
kaw naman `tong iyakin eh." Tumawa ako.
Pinikit ko ang mga mata ko para maiwasan kong lumuha ulit. I wanted him on my
life... and I`ll do everything to make him stay on my life.
Even if it means everything. And that is the only thing I can promise him.