Nasyonalismo Noon at Ngayon

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 49

PANIMULA

Iba-iba ang pananaw ng mga Pilipino tungkol sa nasyonalismo. Kapag tinatanong sa mga

kabataang Pilipino kung ano ang kahulugan ng Nasyonalismo, ang kadalasang sinasagot nila ay ang

pagmamahal at pagiging tapat sa bayan o sa mas simpleng konteksto, ang pagiging makabayan.

Makikita naman sa mga aklat na ang nasyonalismo ay galing sa salitang Latin na “nacion” o

ang “pagpapangkat ng mga taong may iisang lahi na mas mataas kaysa pamilya ngunit mas maliit

kaysa sambayanan” at sa salitang “nasyon” na ang ibig sabihin ay “pangkat ng mga indibidwal na

nagkaroon ng magkakatulad na katangian dahil sa palagian nilang interaksyon sa isa’t isa” o “isang

pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika,

relihiyon, kaugalian at tradisyon.”

Sinasabing ang nasyonalismo ay tumutukoy sa “damdaming makabansa ng mga taong

nagpapakita ng katapatan sa kanilang bayan, hindi lamang sa pangulo o sa ilang pinuno lamang” .

“Higit na binibigyang-diin dito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kanilang sila sa iisang

bansa at handang ipagtanggol at pangangalagaan ito.”

Ngunit ano nga ba ang kahulugan ng nasyonalismo para sa isang Pilipino? Ano ang

kahalagahan ng nasyonalismo sa mamamayan ng isang bansa? At higit sa lahat, paano maipapakita ng

isang mamamayan ang nasyonalismo?

Sa mga susunod na pahina ay makakakuha tayo ng ideya kung ano ang sagot sa mga tanong

na ito.

1
Kahulugan ng Nasyonalismo

“Ang nasyonalismo ay isang postibong pwersa kung ito ay gagamitin sa pagtataguyod

ng pagkakaisa at pagkakakilanan at kung ito ay hindi nakasasagabal sa tunguhin ng ibang bansa.

Nagiging masama ito kung gagawing batayan ng militarismo at pagsakop sa ibang bansa.”-

Kabihasnang Daigdig. Kasaysayan at kultura.

“Ang nasyonalismo ay nangangahulugan ng pagmamahal sa bayan. Ito ay ang

pagkakatanto ng isang nilalang o lahi na mahalagang ipagtanggol ang kanyang bansa laban sa

panlulupig ng mga banyaga. Nangangahulugan din ito ng kamalayan ng isang lahi na sila ay may

iisang kasaysayan, wika, at pagpapahalaga. Ito ay nagsisilbing matibay na reaksyon laban sa

imperyalismo at kolonyalismong dumating sa iba’t-ibang panig ng rehiyon nito.” –Kabihasnang

Asyano. Kasaysayan at Kultura.

Para kay Claro M. Recto, “Walang masama sa pagtataguyod ng kapakanan ng sariling

bansa; ang masama ay ang pakikialam sa direksyong tuutunguhin ng iba pang bansa. Ang pakikialam

at panghihimasok sa ibang bansa ay imperyalismo.” (Daigdig kasaysayan at kultura.)

Ayon naman kay Dr. Ferdinand Dagmang, propesor ng agham panlipunan at pilosopiya,

“Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ung isyu ng nasyonalismo nung

panahon nang tayo ay sinakop lamang. Bago tayo sinakop, wala pa tayong konsepto ng nasyonalismo

dahil bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila nakaranas ng pagbabastos, pangaalipusta o

pagaagaw ng mga lupain ng mga banyaga gaya ng mga dumating na Portuges, mga arabo, intsik, bago

pa man dumating ang mga kastila. Pero wala pa sa panahong iyon ang isyu ng nasyonalismo. Ngunit

pagdating ng mga Kastila, nakaranas tayo ng mga hindi kaayaaya gaya ng pagsisingil ng sobrang

buwis, pagkontrol sa mga tirahan ng mga tao, na kailangan ay lumapit sila sa mga simbahan, at ang

pagpapatupad ng mga order na ang mga lalaki ay kailangang magsilbi ng walang bayad sa mga

paggawa ng mga tulay, kalsada o mga simbahan.

2
Kung ganoon, ang nasyonalismo ay isang namuong diwa at pag-uugali ng mga Pilipinong

nakaranas ng pang-aapi o karahasan na ipinataw ng mga dayuhan. Ang mga sumunod na pananakop

ng mga Amerikano at Hapon at Amerikano ulit ay nagpadagdag pa ng kahulugan sa nasyonalismo

bilang pagtayo at pagtataguyod sa diwang maka-bayan at maka-kapwa-Pilipino; dagdag pa dito ang

pagsisikap na matayo din ang pansariling kapakanan ng buong bansang Pilipinas dahil na rin sa mga

bantang pananakop ng lahat ng aspeto ng ating pagiging isang bansa. Ang pag-angat ng sariling wika,

sariling kaugalian, sariling kapakanan, at lahat na ng bagay na may kinalaman sa pagtatayo ng dangal

ng Pilipinas ay naging tatak na ng nasyonalismo.

Kaya ang mga Pilipino noon, naisip kung ano na ba ang nangyayari sa bansa natin noong

panahon kung kalian pumasok ang mga dayuhan dito. Ano bang nangyayari sa atin? (Noon), simple

lang ang buhay, ngayon, mahirap na, kinokontrol na tayo ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na

ng pagiisip, lalong lalo na ang mga nakapag-aral sa ibang bansa, kagaya nina Jose Rizal, Del Pilar,

Juan Luna, at iba pa, tungkol sa mga maaari nilang gawin upang maipagtanggol ang kanilang bansa.

Kahit nga si Andres Bonifacio ay nakapagbasa ng mga kwento na may kinalaman sa kalayaan o sa

pagiisip na kritikal sa ibang mga bagay na hindi dapat na gawin sa tao.

Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din iyan sa Europa, isang halimbawa ay

ang pananakop ni Hitler. Matatawag parin iyong nasyonalismo. Pati ang pagusbong ng mga Natzi,

matatawag iyong negatibong nasyonalismo o eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na ang mga

taga-Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany, na lahat ng tao sa loob ng

Germany ay kokontrolin nila o kaya, ang konseptong nasyonalismo nila ay ang pagpapalago sa

sariling bansa, mananakop sila ng mga lupain dahil sa tingin nila ay sila ang pinakamataas sa lahat..

Ang nasyonalismo naman saatin ay ang nasyonalismo na lumalaban sa mga taong nananakop at sa

ganoong paraan, nabubuo ang pagiisip na, bilang isang bansa, tayo’y may sariling karapatan bilang

3
bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat para isulong ang karapatan na iyon para sagipin ang sarili

nating pagkatao, ng mga Pilipino.”

Hindi lamang ito simpleng pagmamahal sa bayan. Ayon sa ilang aklat, ang nasyonalismo ay

hango sa salitang Latin na “natio” na ang ibig sabihin ay ang pagkakabuklodbuklod ng mga tao na

may iisang lahi. Mula sa salitang “nasyon” na isang katawagan sa pangkat ng mga tao na may iisang

layunin at mithiin sa buhay at pinag-iisa ng parehong wika, relihiyon, lahi, kaugalian at tradisyon.

Tumutukoy ang nasyonalismo sa damdaming makabansa ng mga taong nagpapakita ng katapatan sa

kanilang bayan. Ito ang pagkakaisa ng mga taong naniniwala na kabilang sila sa iisang bansa at

handang ipagtanggol at pangalagaan ito.

Ang “Panatang Makabayan”, kung iintindihin at isasapuso ang nakasaad dito, ito ay isang

panata na nagbibigay ng ideya sa nasyonalismo. Hindi ba nakasaad sa “Panatang Makabayan” ang

mga salitang “…Dahil mahal ko ang Pilipinas, diringgin ko ang payo ng aking magulang,susundin ko

ang tuntunin ng Paaralan. Tutuparin ko ang tungkulin ng isang mamamayang makabayan….” At isa

pa ang “…iaalay ko ang aking buhay, pangarap, pagsisikap sa bansang Pilipinas.” Tanda ng

nasyonalismo ang mga ito sapagkat mensahe nito ang pagiging tapat ng mamamayang Pilipino sa

kanyang sariling bayan at ibibigay at gagawin ang lahat para dito.

“Ang nasyonalismo ang pagmamahal, paggalang at marami pang sangay sa bayan ngunit

dataptwat hindi lang sa bayan kundi sa sariling lahi rin, nasabi nang sa lahi maisasama rin dito ang

malalim na obligasyon ng isang indibidwal na maka nasyonalismo. Mahirap, yan ang kalimitang

nasasabi ng mga tao sa kadahilanan na maski ang mga tao ay nalimutan na ang kahulugan ng

nasyonsalismo at sa ngayon hindi na nila maipahayag kung ano nga ba ang tunay na kahulugan ng

pagmamahal at paggalang, ang mga nararapat na pamantayan upang masabing nagtataglay ng

nasyonalismo ang isang indibidwal.” -Mark Alvin BSE 2-2 (2006)

4
Paano maipapakita ang nasyonalismo?

Sinabi nga na ang nasyonalismo ay tumutukoy rin sa pagmamahal at paggalang sa

bayan. Sa modernong panahon ngayon, maipapakita mo ito sa paggawa ng mga simpleng bagay

tulad ng pagiging disiplinado at ang pagsunod sa mga batas. Ang batas na ipinapatupad ay para sa

ikabubuti ng bansa, kung susundin ito, tumutulong narin ang mamamayan sa pagpapabuti sa bayan.

Ang paglilingkod sa bayan ay isang paraan din upang makatulong sa pagsulong ng bansa sa

kaunlaran.

Sa mga susunod na pahina ay tatalakayin natin ang iba’t ibang paraan na ginamit ng mga

Pilipino upang maipamalas ang kanilang damdaming Nasyonalimo sa pagdaloy ng kasaysayan ng

Pilipinas.

Ang Dalawang Anyo ng Nasyonalismo

Maraming klase ng Nasyonalismo ang binabanggit sa mga aklat. Mayroong state-building

nationalism, peripheral nationalism, irredentist nationalism, unification nationalism at marami pang

iba (Hechter,2000, p.17). Ngunit ang lahat ng ito ay dalawa lamang ang kalalabasan at anyo ng

pagpapakita: ang legal at tahimik na paraan na madalas ay gumagamit ng pagsusulat, at ang

mapaghimagsik na paraan na gumagamit ng dahas.

Sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol ay makikitang ginamit ang parehong paraan

upang maipakita ang pagmamahal ng mga Pilipino sa bayan. Ang pinakakilalang taong nagpakita ng

nasyonalismo sa legal at tahimik na anyo ay si Jose Rizal. Bagamat hindi itinuring na ligal ang

pamamaraan niya ng mga Kastila, ang paraan parin na ginamit niya ay walang dahas at dinaan lamang

sa pagsusulat ng mga aklat upang maimulat ang kapwa niyang Pilipino sa pangaabuso ng mga

mananakop.

5
Sa kabilang dako, ang KKK ay ipinakita ang kanilang nasyonalismo sa anyong

mapanghimagsik. Gumamit sila ng dahas sa pagpapakita ng kanilang pagmamahal sa bayan at

ipinakitang handa silang mamatay para sa Pilipinas.

Kahalagahan ng Nasyonalismo

“Ang kahalagahan ng Nasyonalismo sa aking pagkatao ay may malaking dulot, dahil dito

nabuksan ang aking isip sa maraming bagay na dapat gawin sa ating bansa, isa na lang halimbawa ang

pagtulong sa kapwa nangangailangan. Nang naisip ko na paano makakatulong ang isang estudyante

sa kanyang mga kababayan kahit na walang sapat na pinansyal? Dumating ang isang magandang

pagkakataon upang ako’y makatulong sa mga nangangailangan, ito ay nung ako’y napabilang sa isang

organisasyon sa loob ng ating unibersidad na ang kanilang pakay ay tumulong sa mga taong

nangangailangan. Nang ako’y nagsimulang tumulong at makipamuhay sa mga taong kapos palad,

naramdaman ko na bakit mas marami ang naghihrap at nasadlak sa mga siksikang lugar, napag isip

isip ko na dapat mas lalo kong bigyan ng halaga ang pakamakanasyonalismo dahil naramdaman ko

na talagang kailangan ng ating mga kababayan ang pagmamahal at pangunawa upang maintindihan

din nila na kahit sila’y hirap sa pamumuhay ay maaring gampanan na lang nila ang pagbibgay ng

pagmamahal sa bayan at sa kanilang mga kababyan.” -Alvin BSE 2-2 (2006)

Sinasabi na ang nasyonalismo ay nanggaling sa salita na ang ibig sabihin ay isang pangkat ng

mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi, wika, relihiyon,

kaugalian at tradisyon. Kung gayon, ang nasyonalismo ay makatutulong upang umunlad ang bansa.

Dahil kung may iisang mithiin ang mga Pilipino, mas madami ang magtutulungan upang matupad ito

at mas magiging madali itong matupad. Magkakaisa rin ang mga Pilipino dahil sa iisa nilang wika,

relihiyon at mga tradisyon. Mas madali silang pagbuklodbuklorin at pagkaisahin upang matupad ang

mga layunin nito.

6
Ayon nga kay Dr. Ferdinand Dagmang, “Sa mga sitwasyon kung kailan tayo ay sinasakop o

inaabuso, ang nasyonalismo ang naguudyok sa damdamin na nagsasabi saating tayo ay kailangan na

magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon ay magiging maganda sa ating mga Pilipino. Mahalaga rin ang

nasyonalismo para sa ating pride o dangal. Maipagmamalaki natin ang pagiging Pilipino kung

mayroon tayong nasyonalismo. Ang diwa ng nasyonalismo ang nagbibigay sa atin ng magandang

pananaw tungkol sa ating mga sarili.”

ANG NASYONALISMO PARA SA PILIPINO SA IBA’T

IBANG YUGTO NG KASAYSAYAN (1565-1946)

Ngayon na alam na natin ang kahulugan, halaga at mga paraan kung paano maipapakita ang

nasyonalismo ng mga Pilipino, matutunghayan naman natin ngayon kung sa aling mga pangyayari sa

kasaysayan ng ating bansa naipakita ng mga Pilipino ang kanilang damdaming Nasyonalismo (at

Kontra-nasyonalismo).

KOLONISASYON NG MGA ESPANYOL (1565-1898)

Pakikipaglaban ni Raja Tupas, 1565.

Ilang tropa ng mga espanyol at mahigit 500 na sundalo ang sumakop sa bansa at

inatake si Tupas, ang anak ng dating raja na si Raja Humabon. Nang matalo ng mga kastila si

7
Raja Tupas, pinaglagda siya sa isang kasunduan na naglalahad na ang Pilipinas ay

napasasailalim na sa Espanya.

Hindi man nila natalo ang mga kastila, nakapagpakita parin sila ng nasyonalismo.

Ipinagtanggol nila ang bansa laban sa mga dayuhan.

Labanan sa Bangkusay, 1570.

Taong 1570 nang maganap ang Labanan sa Bangkusay, isang lugar sa Tondo. Libo-

libong mga katutubo ang lumaban sa mahigit 300 na sundalong kastila. Walang panama ang

sandata ng mga katutubo sa sandata ng mga kastila kung kaya’t madaling natalo ang hukbo

nina Sulayman, Lakandula at Matanda at sinunog ang lugar. Ang tatlong Raja ay hinuli ni

Martin de Goiti. Ang mga buhay na alagad ni Sulayman kasama ang mga sundalo ni Raja

Lakandula at Matanda ay bumalik sa gubat ng Maynila at nang lumaon ay nagsimula ng

rebelyon. Matapos ang ilang buwang pakikipaglaban, sumuko sila nang dumating ang

Heneral na si Miguel Lopez de Legazpi.

Wala mang kalaban-laban ang mga Pilipino, pinilit parin nilang makuha ang iisa

nilang mithiin, ang lumaya mula sa mga dayuhan na gusto silang baguhin at impluwensyahan,

gaya ng ginawa ng kanilang mga ninuno. Ipinakita nilang hindi sila sangayon sa pananakop

ng mga Kastila at hindi sila sumuko sa pakikipaglaban kahit na ilang beses na silang

nakaranas ng pagkatalo.

Aklasan sa Pampanga, 1585.

Ang aklasan naman sa Pampanga na naganap noong 1585 ay pinangunahan ng mga

Kapampangan laban sa mga encomenderos dahil sa pang-aabuso nila sa mga katutubo.

Ngunit hindi natuloy ang plano sapagkat isang Pilipina na may asawang sundalong Kastila ay

8
nagsumbong sa awtoridad. Marahil ay hindi malinaw sa kanya ang kahulugan ng

nasyonalismo at ang layunin ng kanyang mga kalahi na makamit ang magandang resulta para

sa ikabubuti ng maraming Pilipino.

Pagpapalaganap sa Relihiyong Katoliko

Dinala ng Espanya sa bansa ang relihiyong katoliko. Isang prayle, si Padre Juan de

Placencia ay sumulat ng isang Christian Doctrine noong 1593. Halos lahat ng isla sa

Pilipinas, bukod sa Mindanao na nanatiling mga Muslim, ay napilitang maging mga Katoliko.

Hindi payag ang mga Muslim sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas kung kaya’t

nagresulta ito ng mga kaguluhan.

Ipinakita rin ng mga Muslim ang pagmamahal sa bayan sapagkat lumaban sila upang

hindi masakop ng mga Kastila ang Pilipinas. Nanatili sila sa relihiyong islam, ipinakita nila na

ipinaglalaban nila ang kanilang pinaniniwalaan na sa tingin nila ay makabubuti para sa

nakararaming Pilipino.

Ngunit ang nasyon ay nasabi na isang pangkat ng mga tao na may iisang lahi, wika,

kultura, relihiyon at iba pa. Hindi iisa ang relihiyon ng mga mamamayan ng Pilipinas dito.

Hindi pa malinaw ang pagkakaisa sapagkat halos lahat ng mga Pilipino ay tinanggap na ang

relihiyon ng mga dayuhan at ang Mindanao naman ay patuloy na nakipaglaban.

Aklasan sa Tributo, 1589.

Ang Aklasan laban sa Tributo ay naganap sa probinsya ng Cagayan, Ilocos Norte at

Ilocus Sur noong taong 1589. Ang mga katutubo, kabilang ang mga Ilocano, Ibanag at iba

pa, ay nag-aklas dahil sa pangongolekta ng hindi makatarungang buwis. Si Gobernador-

9
Heneral Santiago de Vera ay nagpadala ng mga Kastila upang patahimikin ang mga

lumalaban.

Rebelyong Dagohoy, 1744-1829.

Ang rebelyong pinangunahan ni Francisco Dagohoy ay nagtagal nang 1744-1829.

Natatangi ang aklasan na ito sapagkat may kaugnayan ito sa relihiyon. Matapos ang isang

labanan kung saan namatay ang kapatid ni Dagohoy, hindi pumayag ang pari na bigyan ng

isang burol ang kanyang kapatid sapagkat ang pakikipagduwelo ay isang kasalanan. Ang

pagtanggi ng pari ang nagpamulat sa kaniya ng kawalan ng katarungan sa bansa sa kamay ng

mga Kastila. Dahil sa pagnanais ni Dagohoy na mabigyan ng maayos na burol ang kanyang

kapatid ay humantong ito sa pinakamahabang aklasan na naganap sa Pilipinas sa tagal na 85

taon.

Pagtatag sa La Liga Filipina, 1892.

Itinatag ni Rizal ang La Liga Filipina pagkabalik niya sa Pilipinas noong 1892.

Layunin nito na maipatupad ang reporma sa loob ng kolonya. Ang gobyerno ay

nangangamba sa La Liga kung kaya’t iniutos na sirain ito.

Sa pagkakatatag niya sa La Liga Filipina ay naipakita ni Rizal ang pagiging

makabayan. Hangad niya ang isang pagbabago tungo sa kaunlaran. Hindi lamang

magandang buhay para sa kanyang kapwa ang kanyang layunin kundi kaayusan at kaunlaran

din para sa Inang bayan.

10
Pagtatag ng Katipunan, 1892.

Ang mga miyembro ng nawasak na La Liga na sina Ladislao Diwa, Teodoro Plata,

Valentin Diaz at Deodato Arellano ay sumali kay Bonifacio sa pagtatag ng Katipunan sa

isang bahay sa Calle Azcarraga noong 1892. Layunin nito na magtatag ng gobyerno na

maipapalit matapos mapatalsik ang administrasyon ng mga Espanyol. Matagumpay na

nabawi ng mga Pilipino halos ang buong Pilipinas maliban lamang sa Maynila.

Kahit na wasak na ang ilang mga samahan, gumawa parin ng lihim na kilusan ang

mga Pilipino na may magandang layunin para sa bansa. Naging bunga ng hindi nila pagsuko

ay ang pagkabawing muli ng maraming lupain mula sa mga Kastila.

Himagsikang Pilipino, 1896-1898

Ang ugat ng inilunsad na Himagsikan ay dahil sa panloob at panlabas na sanhi. Ang

panlabas na sanhi ay ang pagsali ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan, dala ng pagbukas sa

Kanal ng Suez noong 1869. Bukod sa mga produktong pumapasok, pumasok din ang mga

kaisipan tulad ng kalayaan at kasarinlan na dumaan mula sa Suez patungo sa Pilipinas. Ang

panloob na sanhi ay ang hindi makatarungan na pagpatay sa tatlong paring GOMBURZA. Si

Padre Pedro Pelaez, isang paring Pilipino ang namuno ng isang kilusang sekularisasyon.

Layunin nito na ibigay sa mga paring katutubo ang mga parokya na hawak pa noon ng mga

kastilang pari. Matapos mamatay si Padre Pedro Pelaez, itinuloy ng tatlong pari na sina

Padre Mariano Gomez, Padre Jose Burgos at Padre Jacinto Zamora, ang kilusan.

Nagkaisa ang mga Pilipino upang umaksyon laban sa mali at di magandang

pamamahala ng mga dayuhan.

11
PANGONGOLONYA NG MGA AMERIKANO (1898-1946)

Isang karikaturang pulitikal noong 1898 na

ipinapakita si McKinley, pangulo ng Estados

Unidos kasama ang isang "mabangis" na bata.

Ikinukumpara dito ang pagbalik ng Pilipinas sa

Espanya sa paghagis ng bata sa bangin.

Nagsimula ang relasyon ng US at Pilipinas nang lumaban sila ng magkasama laban sa

Espanya. Dahil sa magkakampi, binigyan ang mga sundalong Pilipino ng mga mahalagang

impormasyon at suporta para sa militar. Ngunit hindi sumuporta ang US sa hangarin ng mga Pilipino

na lumaya at hindi natuwa si Aguinaldo sa pagtutol ng mga Amerikano sa kalayaan ng Pilipinas.

Nasira ang mabuting relasyon ng dalawang bansa at nang lumaon ay lumabas din ang tunay na

hangarin nga mga Amerikano na manatili sa mga pulo.

Taong 1898 nang naitala na malaya na ang Pilipinas mula sa Espanya. Sa unang pagkakataon

ay iwinagayway ang bandila ng Pilipinas at tinugtog ang pambansang awit sa publiko. Naposisyon

ang US bilang protektor ng Pilipinas.

Dahil sa Kasunduan na nilagdaan ng Espanya at Amerika noong ika-10 ng Disyembre 1898

sa Paris, nabago ang landas ng kasaysayan at itinanghal ang Estados Unidos ng Amerika bilang

12
bagong superpower. Naging kolonya ng Amerika ang Cuba, Puerto Rico, Guam, mga isla ng

Marianas, at ang Pilipinas.

Digmaang Pilipino-Amerikano, 1899.

Nagsimula ang digmaang Pilipino-Amerikano noong ika-4 ng Pebrero sanhi ng

pagpatay ng dalawang Amerikanong sundalo sa tatlong Pilipinong sundalo sa San Juan.

Ang kakulangan ng mga sandata ang naging dahilan ng pagkatalo ng mga Pilipinong

sundalo sa mga pangunahing labanan ngunit ang mga Pilipino ay nagwagi sa mga labanang

gerilya.

Pagtatag sa Partido Liberal, 1900.

Itinatag ang Partido liberal na may layuning isali ang Pilipinas sa Estados Unidos.

Pagdakip kay Aguinaldo, 1901.

Taong 1901, nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela at dinala sa Maynila. Nanumpa

siya ng katapatan sa Estados Unidos at ipinagutos na sumuko na ang kanyang mga kasama

na naging hudyat ng pagtatapos ng digmaan.

Sa taong rin iyon ay naganap ang Balangiga Massacre kung saan nilusob at

nilipol ng mga Pilipino ang mga kawal Amerikano sa Balangiga. Gumanti ang mga kawal sa

pamamagitan ng pagsunog sa buong bayan.

1903 nang pasimulan ni William Howard Taft ang polisiyang “The Philippines for

the Filipinos”. Ipinapangako sa polosiyang ito na ibigay ang administrasyon ng Pilipinas sa

mga Pilipino.

13
1916 naman nang lagdaan ang Jones Act. Nilalaman nito ang pormal na pangako ng

Estados Unidos na kalayaan sa Pilipinas. Ngunit sinasabi dito na maibibigay lamang ang

kalayaan kung makapagtatag ang bansa ng isang matatag na gobyerno.

Ang sinasabi ng mga Amerikano na matatag na gobyerno ay ang gobyerno na

binabalak nilang itatag sa bansa. Ang gobyernong ito ay nakabatay sa mga patakaran ng mga

Amerikano at para sa mga Amerikano. Dito palang ay nakakapanghinala na ang “kalayaan”

na inaalok ng US saatin.

Taong 1934, nilagdaan naman ang Batas Tydings-Mcduffie, kilala rin bilang Batas sa

kalayaan ng Pilipinas. Ito ay ang batas na nagkakaloob ng nagsasariling pamahalaan ng

Pilipinas at ng kalayaan nito mula sa Estados Unidos matapos ang sampung taon.

PANANAKOP NG MGA HAPONES (1942-1944)

Taong 1941 nang naglunsad ng isang biglaang pag-atake ang mga hapones sa Clark Air Base

sa Pampanga. Matapos ang mga pagbobomba, dumating na ang mga sundalong Hapones sa Luzon.

Sinakop nila ang Pilipinas (na noon ay kinokontrol ng US) noong panahon ng World War II.

Pagkakatatag sa HukBaLaHap, 1942.

Ang dating president na si Manuel Quezon at ang gabinete ay umalis patungo sa

Estados Unidos.

Sa taon ring ito naitatag ang Hukabalahap (Hukbong Bayan Laban sa Hapon).

Kasapi dito ang mga magsasaka at mga manggagawa na nagmula sa mga probinsya sa

Gitnang Luzon. Isa itong kilusan na ang layunin ay ang makamit ang kalayaan at ang

natatanging gerilya na hindi tumanggap ng mga utos mula kay MacArthur.

14
Naganap din ang tinaguriang Bataan Death March kung saan ipinamartsa ang mga

bihag na Pilipino at Amerikano mula sa Mariveles, Bataan hanggang Capas, Tarlac.

Pagtatag sa samahang Makapili, 1944.

Itinatag ang samahang kampi sa mga Hapones na tinawag na Makapili.

Treaty of Manila, 1946.

Nakamit na ang kalayaan ng Pilipinas sa paglagda sa Treaty of Manila sa

pagitan ng gobyerno ng Estados Unidos at Pilipinas.

PAGSULONG SA MGA KILUSANG MAKABAYAN

Sa dami ng mga kaganapan, hindi basta tumunganga ang mga nasakdal. Ang mga

Pilipino ay gumawa ng iba’t ibang aksyon. Tulad nga ng mga nabanggit, sila ay naghimagsik,

nagtatag ng mga kilusan at organisasyon at iba pang paraan upang lumaban.

Ilan sa mga organisasyon na itinatag nila ay ang La Liga Filipina, KKK, Hukbalahap

at marami pang iba. Ilang naman sa mga naging salik sa pag-usbong ng nasyonalismong

Pilipino ay ang pagkamatay ng tatlong paring martir, sekularisasyon, pag-usbong ng mga

ilustrado, at frailocracy.

Ang La Liga Filipina ay isang samahan na itinatag ni Jose Rizal na binubuo ng mga

kasapi na nagnanais putulin ang pang-aapi at pang-aabuso ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Layunin nito ay maging malaya ang Pilipinas mula sa mga Kastila sa mapayapang paraan. sa

pagsasabi na mapalaya ang Pilipinas sa mapayapang paraan, naipakita dito ang isang anyo ng

nasyonalismo, ang diplomatiko at banayad.

15
Ang KKK o Kataastaasang Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan ay

isang lihim na samahan na itinatag ni Andres Bonifacio matapos mawasak ang La Liga

Filipina at iba pang organisasyon. Layunin nito na palayain ang bansa mula sa mga

mananakop na Espanyol.

Nang dahil sa pagpatay sa GOMBURZA, nagalit ang maraming Pilipino sa hindi

makatarungang pagpatay sa kanila. Ang mga prayleng mapang-abuso ay nabigyan ng

posisyon at kapangyarihan sa gobyerno. Umusbong ang nasyonalismo dahil sa galit ng mga

Pilipino sa mga prayle (na kastila) at sa Espanya at sa sa pagnanais na paalisin ang mga

prayleng ito.

Ang sekularisasyon ay isang kilusan noong panahon ng pananakop ng mga Kastila ng

mga paring Pilipino na naglalayong mabigyan ng sari-sariling parokya ang mga ito. Ang mga

Pilipinong pari ang namuno sa mga simbahan sa Pilipinas, at dahil dito, nalaman ng mga

Pilipino na kaya nilang magsarili at magpatakbo ng sariling simbahan.

Ang pagusbong ng mga Ilustrado ay malaki rin ang naitulong sa pagsulong ng mga

kilusang makabayan sa bansa.

Halimbawa ng mga Ilustrado ay sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Marcelo del

Pilar at iba pa. Sila ang mga Pilipino na nabigyan ng pagkakataon na mag-aral sa ibang bansa.

Natutunan nila ang konsepto ng liberalismo at dahil dito ay tinawag sila na mga Ilustrado o

mga naliwanagan.

Sa liberalismo ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-ambag sa

lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito. Dahil sa kaisipang ito ay nagkaroon sila ng tiwala

sa kanilang mga sarili at napangahas na kalabanin ang mga Kastila.

Ang kaisipang liberalismo ay hindi lamang nila pinag-aralan sa kanilang mga sarili.

Ipinamahagi rin nila ito sa mga Pilipinong hindi nakapag-aral sa ibang bansa. Sila ang

16
nagsilbing tagapagmulat sa mga Pilipinong mahihirap sa mga paghihirap na dinaranas ng

bansa sa kamay ng mga Kastila at sa kung paano nila ito mawawakasan.

Ang Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon o kilala rin sa katawagang Hukbalahap ay

isang grupo ng mga Pilipinong kumakalaban sa mga hapon noong sakop pa ng mga Hapones

ang Pilipinas. Nais ng kilusan na ito na makamit ang kalayaan ng Pilipinas mula sa

pagmamalupit ng mga Hapones.

Isa lamang ang pangyayari na nakatulong sa pagsulong ng mga kilusang makabayan at

ito ay ang pananakop ng mga dayuhan. Naging dahilan ang galit at lungkot upang magkaisa

ang lahat at gumawa ng aksyon. Iisa lamang ang naging layunin ng mga ito, ang gawing

mabuti ang kalagayan ng ating bansa at ng mga taong nakatira dito.

17
ANG NASYONALISMO SA KONTEMPORARYONG

PILIPINAS (1946 HANGGANG KASALUKUYAN)

Hulyo 4, 1946 nang idineklara ng Amerika ang kalayaan ng bansang Pilipinas. Mahalaga ang

kalayaan sa pagunlad n gating nasyonalismo. Kasabay ng kalayaang pulitikal ay ang kalayaan ng mga

mamamayan na pagtuunan ng pansin ang sariling kapakanan ng bansa at mapaunlad ito.

Ngunit marami parin ang naghihinala kung tunay nga bang nakamit na natin ang kalayaan sa

pagdating ng petsang ito. Dahil ito sa sunod-sunod na mga kasunduang nilagdaan ng Pilipinas na

nagbigay sa United States ng karapatan sa ekonomiya at base military sa bansa.

Kahit na natapos na ang digmaan at ‘lantarang” pananakop ng mga Amerikano, gumamit

naman sila ng makabagong paraan ng pananakop: ang neokolonyalismo. Ayon kay Renato

Constantino, isang makabayang historyador, “Ang mga naging pundasyon ng istrukturang

neokolonyal ng bansa ay ang Bell Trade Act, Tydings Rehabilitation Act, Military Bases Agreement

at ang Military Assistance Act.” Nagkaroon din ng mga Amerikanong taga-payo ang sandatahang

lakas ng PIlipinas sa pamamagitan ng Joint US Military Advisory Group (JUSMAG). Dito ay

naranasan (at patuloy na nararanasan ngayon) ng Pilipinas ang pagkatali ng ekonomiya, kultura at

mga desisyon nito sa bansang Amerika.

Ang neokolonyalismo ay pumasok sa relasyon ng Pilipinas at United Stated dahil sa dalawang

pangyayari:

Una, ang matinding pagkawasak ng bansa bunga ng digmaan. Mahigit isang milyong Pilipino

ang namatay, malaking halaga ng mga ari-arian ang nawasak at marami ang naghirap. Dahil dito ay

nangailangan ng pondo ang Pilipinas upang makapagsagawa ng restorasyon sa ekonomiya, mga

imprestraktura at pulitika. Kinailangan nila ang tulong ng United States upang tuluyang makabangon

18
mula sa mga digmaang pinagdaanan nito. Ipinasa sa Kongreso ng US ang Tydings Rehabilitation Act

kung saan binigyan ng US ng pondo ang Pilipinas bilang bayad-pinsala. Iniwan din ng US ang lahat

ng mga kagamitang pandigma nila sa bansa.

Pangalawa, ang pagtatanaw ng utang na loob ng mga Pilipino sa mga Amerikano. Bilang

pasasalamat sa “pagtulong” ng mga Amerikano upang “makalaya” ang bansa mula sa kamay ng mga

Hapones, ang mga pinuno ay naging tapat sakanila at iniisip palagi ang kanilang kapakanan.

Layunin ng Amerika na palawakin at dagdagan pa ang kapangyarihan nito. Mahihinuha mula

sa mga patakarang ipinapatupad ng mga Amerikano na balak nilang gawin ang Pilipinas na kuhanan

nila ng likas na yaman at tambakan ng mga produktong Amerikano. Makikita ito sa ipinatupad na

Bell Trade Act kung saan inilulunsad ang “malayang” kalakalan sa pagitan ng US at Pilipinas ngunit

nagbibigay ng mga limitasyon sa Pilipinas sa pagpapasok ng produkto nila sa US. Ang US ang lubos

na nakinabang sa panukalang ito at hindi naging makatarungan sa panig ng mga Pilipino.

Bilang pasasalamat sa pagbibigay ng Amerika ng pondong panggastos para sa restorasyon,

ginawa ang pag-aamyenda ng Konstitusyon ng Pilipinas upang mas maging malaya ang US sa

paggamit ng likas-yaman ng bansa. Dahil dito ay natamasa ng mga Amerikano ang parity rights o ang

pantay na karapatan ng mga Amerikano sa mga Pilipino sa paglinang ng likas-yaman ng bansa.

Napapayag ang mga Pilipino sa pagbibigay ng parity rights dahil sa inaasahan nilang dadagsa ang mga

mamumuhunang Amerikano sa bansa at dadami ang trabaho para sa lahat. Bunga nito ay nakapasok

sa bansa ang mga mapangabusong mga Amerikano at natabunan ng mga korporasyong Amerikano

ang sa mga Pilipino.

Dalawa pa sa mga panukala na ipinatupad nila ay ang Military Bases Agreement (ika-14 ng

Marso, 1947) at Mutual Defense Treaty ( ika-30 ng Agusto, 1951).

Pinahayag ni Manuel Roxas, ang unang presidente pagkalaya ng Pilipinas, noong 1946 ang

kanyang paniniwala na ang seguridad at kaligtasan ng Pilipinas ay nakasalalay sa pagtatayo ng mga

19
base-militar ng mga Amerikano sa bansa. Ngunit makikita sa Military Bases Agreement na ang mga

Amerikano ang higit na nakakikinabang nito. Ang mga base sa Pilipinas ay gagamitin ng mga

Amerikano upang nadepensahan at maisulong ang interes nila sa bahagi ng Asya at mapigilan ang

komunismo sa rehiyon. Ngunit sa katunayan, ayon sa ilang historyador, wala pa talagang

naguumpisang paglaganap ng komunismo noon. Sinasabing ginagamit lamang ito bilang panakip sa

layunin ng U.S. na panatilihin ang relasyong kolonyal nito sa Pilipinas.

Pagkamulat ng mga Pilipino, 1950’s.

Pinuna ni Claro M. Recto ang isyu sa mga patakarang ipinapatupad ng Amerika sa

Pilipinas sa kanyang pahayag noong 1949:

(Isinalin mula sa ingles) “Isinakripisyo namin ang aming soberanya sa

pagpapahintulot sa mga Amerikano upang magtayo ng mga base sa aming bansa. Bumili

kami ng mga armas sa bansang Amerika lamang…”

Pinuna nya rin dito ang hindi pagbanggit sa kung kaninong bandila ang iwawagayway

sa mga base. Binanggit niya na sa mga base ng Amerika sa Pilipinas ay watawat ng Amerika

ang namamayagpag.

“Sa kabuuan, sinasabi sa Artikulo XII na ang parusa sa lahat ng krimen at pagatake sa

loob ng mga base ay isasagawa sa ilalim ng Estados Unidos maliban na lamang kung ang

suspek at biktima ay parehong mga Pilipino na kapwa hindi kabilang sa Armed Forces of the

United States. Ngunit ano naman ang gagawin ng mga Pilipino na hindi kabilang sa pwersa

ng E.U. o nagtatrabaho para dito sa loob ng mga base?

Sinasaad rin sa Artikulo XIII na sa panahon ng digmaan, ang anumang krimen na

gawin ng mga miyembro ng Armed Forces of the United States sa loob ng Pilipinas ay

paparusahan sa ilalim ng pamahalaan ng Estados Unidos. Kung ganoon, sa panahon ng

20
digmaan, tayo ay mapapasailalim na ng Estados Unidos at ang bansa ay mapapangibabawan

at kokontrolin na ng mga kaaway na Amerikano.”

Mga 1950’s nang simulang magkalumot ang relasyon ng Amerika at Pilipinas dahil sa

mga kasulatan na ito. Pinalala pa ito nang sinubukang ipagtanggol ng mga Amerikano ang

mga kriminal na miyembro ng pwersa nila na ginawa ang mga krimen sa labas ng base at sa

oras ng kanilang duty. At ang may pinakalaking epekto ay ang pagpapadala ng mga kriminal

sa sarili nilang bansa at pagsasawalang bahala ng Amerika sa hatol ng korte ng Pilipinas.

Dinagdagan pa ito ng prostitusyon na naipalaganap ng mga sundalong Amerikano sa mga

base nito.

Nagkaroon ng ilang mga protesta at mga Pilipinong nais na palabasin ang mga

Amerikano sa bansa. Dito nagumpisang umusbong muli ang nasyonalismo sa mga Pilipino.

Naging malinaw sakanila na balak muling sakupin ng Amerika ang Pilipinas at sa

pagkakataong ito ay lumaban na sila bago pa man maging huli ang lahat.

Sinubukang angkinin ng Amerika ang mahigit 199,580 ektarya na lupain na ginamit para sa

mga base nito sa bansa. Nang malaman ito ng sambayanang Pilipino ay agad itong tinugunan

ng mga nasyonalistang Pilipino at naging nalaman nila na hindi totoo ang kalayaan na

sinasabing ibinigay na sa bansa. Ang imahe ng Amerika ay nadumihan. Sila ay tinawag na

mga oportunista at mapagsamantala.

Humina ang mga kritisismo at akusasyon sa Amerika nang ibinigay nito “ang

soberanya ng gobyerno ng Pilipinas sa mga base”.

21
Anti-Americanism, 1960’s

Ngunit noong 1960’s, naging maingay muli ang Anti-Americanism (ang terminong

ginagamit ng mga Amerikano sa mga Pilipinong tumutuligsa sakanila) bunga ng dalawang

insidente: ang isang Pilipino na pinatay ng isang sundalong Amerikano noong 1964 at ang

pagpatay naman sa isang Pilipinong mangingisda sa loob ng Olongapo Naval Base sa taong

ring iyon. Pinagtanggol ng Amerika ang unang pagpatay. Sinabing depensa lamang ito sa

diumanong plano ng Pilipino na pagpapasabog sa ilang mga estudyanteng Amerikano.

Ngunit hindi naniwala ang mga nasyonalistang Pilipino at sinabing ginagamit lamang ito

upang masira ang reputasyon ng Pilipinas at maipakita sa mga Amerikano na ang mga

Pilipino ay likas na mga mamamatay-tao. Napatunayan naman na ang bombang ipinakita ng

mga Amerikano ay mula pa noong World War II at imposibleng sumabog. Dahil rito ay

naging target ng mga kritisismo ang American Ambassador. Ang mga Amerikanong

estudyante naman, sa tuwing nakikita ng mga Pilipino, ay binabato ng mga insulto.

Hindi lamang mga Amerikano ang inaakusahan ng mga nasyonalistang Pilipino kundi

pati na rin ang mga Pilipinong sumasali sa kanilang panig ng Amerika. Maging ang Presidente

noon na si Diosdado Macapagal ay tinanong ng mga ito kung aling panig siya kakampi.

(Agoncillo, 1975, p. 292)

Noong ika-25 ng Enero, 1965, ilang mga estudyante at manggagawa, sa pamumuno

ng nasyonalistang grupo na Kabataang Makabayan, ang nagprotesta sa harapan ng American

Embassy. Bagamat tahimik, maayos at walang dahas, karamihan parin sa mga Amerikano ay

napuno ng takot at nakitang mapanganib ang mga nasyonalistang Pilipino at dapat nilang

tugunan ang mga daing nito. Nakita ng maraming Pilipino ang hangarin ng Amerika na

sakupin ang bansa natin.

22
Ayon sa mga Amerikano, ang ginagawa nilang ito ay upang matulungan lamang ang

mga Pilipino na umahon mula sa mga digmaang nagdaan sakanila, lalo na at hindi pa sila

marunong kung paano pamahalaan ang sariling bansa (tinatawag nilang benevolent

assimilation). Kaya naman pinapakialamanan ng US ang mga desisyon ng pamahalaan ng

Pilipinas at si Roxas naman ay nagiging parang isang papet lamang nila. Ngunit para sa iba,

nagiging praktikal lamang siya dahil sa kagustuhang maging matagumpay ang restorasyon ng

bansa. Dahil dito ay nagmumukhang bumababa na ang katayuang moral at pulitikal ng bansa.

(Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.320) Si Roxas ay hindi

naging isang magandang ehemplo para sa mga Pilipino. Hindi siya nagpakita ng damdaming

nasyonalismo at inuna ang pangangailangan (at mga pansariling interes) ng dayuhan.

Ang pagsasang-ayon ni Roxas sa panlalait ng mga Amerikano sa Pilipinas ay naging

dahilan lamang upang bumaba ang tingin ng mga Pilipino sa sariling bayan. Pinaparating ng

mga Amerika at ni Roxas na hindi pa marunong ang mga Pilipino na tumayo sa sarili nitong

mga paa at masyado pang mahina upang makaahon mula sa digmaan nang magisa. Ang mga

panlalait na ito ay malaki ang naging epekto sa kanilang pride bilang mga Pilipino at sa

pagdebelop ng kanilang damdaming nasyonalismo.

Sa pamamahala ni Roxas ay muling umusbong ang armadong kilusan ng mga

magbubukid na Hukbo ng Bayan Laban sa mga Hapon (HUKBALAHAP). Naging isa na

itong samahang radikal na pinamumunuan ni Luis Taruc laban sa pamahalaan. Tinugunan

nila ang lumalaking agwat ng mayayaman at mahihirap, konsentrasyon ng lupang sakahan at

ang katiwalian sa pamahalaan.

Inakusahan ni Roxas ang mga rebelde gaya ng mga Huks at Pambansang Kaisahan

ng mga Magbubukid ng pagpapabagsak sa pamahalaan at sa bansa. Ngunit kung susuriing

mabuti ay hindi naman ang pagbagsak ng pamahalaan ang layunin ng mga rebelde. Ang

23
hinihingi lamang nila ay reporma sa lupa at pigilan ang katiwalian sa pamahalaan para sa

ikabubuti nito. Makatarungan ang kanilang mga hinihingi, ngunit hindi makatarungan ang

naging tugon ni Roxas dito.

Tinawag na isang krimen ang pagsali sa mga kilusang ito at nagsagawa ng

malawakang pagaresto sa mga kasapi. Dahil dito ay lalong sumiklab ang rebelyong Huk sa

sumunod na administrasyon.

Ngunit si Elpidio Quirino, ang pumalit sa puwesto ni Roxas, ay naniniwala rin na

walang halaga ang “kalayaang pampulitikal” na ibinigay sakanila kung wala namang

katatagang pangekonomiya. Pinagpatuloy rin niya ang paghingi ng tulong mula sa US para sa

rehabilitasyon ng bansa. Ang problema sa mga rebelyon ay lalo lamang lumala. At dahil sa

marami sa mga kasapi ng kilusan ay magsasaka, lalong humina ang agrikultura at ekonomiya

ng Pilipinas.

Bago pa man ang digmaan, nagbalak na ang mga magsasaka ng Gitnang Luzon na

labanan ang mga may-ari ng lupa upang makuha ang kanilang mga karapatan. Ngunit sa

pagdating ng mga Hapones ay pagsamantalang itong tumigil, binuo ang HUKBALAHAP at

hinarap naman ang mga bagong mananakop. Ngunit nang makamit ng Pilipinas ang

“kalayaan”, muling lumaban ang mga magsasaka sa mga mapagsamantalang may-ari ng lupa.

Lalo pa silang nagalit nang siningil sila ng back rent, o ang bayad sa renta nila sa lupa sa

mahigit tatlong taon na pamamalagi ng mga Hapones sa bansa. Dahil sa paglaban ng

HUKBALAHAP at paninira sakanila ng mga may-ari ng lupa, hindi kinilala ng pamahalaan

ang kanilang kabayanihan noong panahon ng pananakop ng mga Hapones. Pinapakita

lamang nito na walang utang na loob ang pamahalaan sa mga kabayanihan ng

HUKBALAHAP gayong malaki ang nagawa nila upang maipagtanggol ang kapwa nila

Pilipino pero malaki ang kanilang utang na loob sa mga dayuhan na wala sakanilang ginawa

24
kundi ang paniwalain ang mga Pilipino na tunay nang lumaya ang ating bansa sa tulong ng

mga Amerikano at kontrolin tayo sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo para sa

restorasyon.

Sa naganap na halalan para sa lehislatura noong 1945, nanalo ang ilang miyembro ng

Democratic Alliance, isang samahan ng mga magbubukid at mangggagawa tulad ni Luis

Taruc. Ngunit hindi sila pinayagang umupo sa puwesto ng pamahalaan dahil sa pagaakusa

sakanila ng pandaraya bagamat wala namang ebidensya na nagpatunay nito. Lalong nagalit

ang mga magsasaka dahil sa nawalan sila ng kinatawan sa Kongreso. Ang mga hinaing nila ay

hindi na pinakinkiggan.

Dahil sa kawalan ng katarungan sa panig ng mga Huks, sila ay nagalsa at binuo ang

Hukbong Mapagpalaya ng Bayan (HMB). Pinangakuan sila ng administrasyong Quirino ng

reporma sa lupa, demokrasya at lehitimong karapatan ng mga mamamayan, pagresolba sa

katiwalian ng pamahalaan, pagbasura ng Bell Trade Act at Military Bases Agreement at

pagtutol sa mga patakaran ng Imperyalistang bansa. Ngunit kung titingnan ay mahirap na

matupad ang mga ito sapagkat karamihan ng mga nasa posisyon ay mga may-ari ng lupa,

nakadepende sa mga Amerikano at may mga pansariling interes. Ang layunin lamang nila sa

kanilang pagupo sa mga pwesto sa pamahalaan ay ang maprotektahan ang kanilang mga

yaman, ari-arian at kapangyarihan.

Tulad ng inaasahan, hindi natupad ang mga ipinangako. May mga kasapi parin ng

Huks ang nakakulong, wala paring reporma sa lupa, at ang pamahalaan ay nanatiling sunod-

sunuran sa US.

25
Pamumuno ni Ramon Magsaysay

Sa pamumuno ni Magsaysay bilang pangulo ay naging pangunahin layunin niya ang

pagsugpo sa rebelyon. Naging tanyag siya dahil sa kanyang pakikisalamuha sa masa. Ayon

kay Magsaysay, “Yaong mas mahirap sa buhay ay dapat may higit na pakinabang sa batas”

(“Those who have less in life should have more in law”)( Mateo, Boncan, Balonso, Tadena,

Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.325)

Ipinakita niya ang kanyang damdaming nasyonalismo sakanyang paghahangad na

makatulong sa nakararaming Pilipino. Nagpatupad siya ng reporma sa lupa, mga patubig at

mga programang pangkabuhayan kung kaya’t minahal siya ng masa. Ang mga talumpati niya

ay nasa wikang Tagalog upang makarating ang kanyang mensahe sa nakararami. Binigyang-

pansin rin niya ang kulturang Pilipino. Sa mga espesyal na okasyon sa Malakanyang ay

pinalaganap niya ang paginom ng basi, ang katutubong inumin mula Ilocos, at ang pagsuot

ng Barong Tagalog. Nagluksa ang sambayanang Pilipino sa kanyang pagkamatay dahil sa

maganda niyang relasyon sa masa at matapat niyang panunungkulan bilang presidente na

naging solusyon sa suliranin sa rehabilitasyon at rebelyong Huk.

Nagsilbi siyang isang magandang ehemplo ng nasyonalismo sa mga Pilipino. Nais

niyang makiisa ang masa sa kanyang mga hangarin para sa bansa kung kaya’t nakikisalamuha

siya sa mga ito.

Filipino First Policy

Sa pagupo sa puwesto ni Carlos P. Garcia ay ipinatupad niya ang Pilipino Muna o

ang Filipino First Policy. Layunin nitong paigtingin ang nasyonalismo sa mga Pilipino. Mas

binigyan ng oportunidad ang mga negosyanteng Pilipino kaysa sa mga dayuhang

namumuhunan. Sinuportahan niya ang lokal na industriya at tinangkilik ang mga produktong

26
Pilipino. Pinatupad rin ang pagtitipid sa pagangkat ng mga produkto mula sa ibang bansa.

Layunin nito na palakasin ang industriyang Pilipino upang makapagipon ng malaking halaga

upang maisakatuparan ang pambansang industriyalisasyon. Pinukaw rin nito ang

pagkamabayan ng mga Pilipino. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong,

2006, p. 331)

Marami sa mga Pilipino ang natuwa sa polisiyang ito bagamat binatikos ito ng mga

Amerikano at Tsino dahil ito ay naging isang balakid sa kanilang mga pansariling interes.

Paglaban sa katiwalian at pagpapalit ng petsa ng Araw ng Kalayaan

Sa pamumuno naman ni Diosdado Macapagal ay pinagtuunan niya ng pansin ang

katiwalian sa pamahalaan. Nangampanya siya upang magbayad ng tamang buwis ang mga

mamamayan at malabanan ang nepotismo (pagtatalaga ng kamag-anak sa anumang posisyon

sa pamahalaan). Bumaba ang pandaraya at pagsasamantala ng mga pulitiko.

Dahil dito ay nagbalik ang tiwala ng mga mamamayan sa gobyerno. Isang

mahalagang salik sa nasyonalismo ang tiwala ng mga mamamayan sa mga namumuno rito. Sa

pamamagitan nito ay nagkakaroon na sila ng tiwala sa kakayahan ng bansa na umunlad nang

walang tulong mula sa mga dayuhan. Ito rin ay nakakatulong upang tumaas ang pagtingin ng

mga Pilipino sa sarili.

Sa kanya ring panunungkulan ay pinalitan niya ang petsa ng Araw ng Kalayaan upang

maging inspirasyon sa kabatan ang kabayanihan ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng

pananakop ng Espanya. Mula Hulyo 4 ay naging Hunyo 12 na ito. Ang pagpapalit ng rin

petsa ng Araw ng Kalayaan ay maaaring makatulong upang mahubog ang nasyonalismo ng

bansa. Dahil noong Hulyo 4, huwad na kalayaan lamang ang ating natanggap at patuloy parin

tayong kinokontrol ng mga Amerikano pagkatapos ng petsang ito. Samantala noong Hunyo

27
12 naman ay nakatanggap tayo ng kalayaan nang walang tulong ng sinuman bagamat agad na

pumasok ang mga bagong mananakop. Isa pa, ang pagtatakda ng Araw ng Kalayaan sa

Hulyo 4 ay mas nagpapakita lamang ng pagkakatali natin sa Amerika. Ipinapahayag lamang

nito na tayo ay dapat na magbayad ng utang na loob para sa “pagpapalaya” nila satin.

Sa panunungkulan rin ni Macapagal ay makikita natin ang mga pulitikong balimbing

na palipat-lipat ng partido upang mapaboran ng namamahala. Ang mga pulitikong noon ay

nasa kalabang partido ni Macapagal ay lumipat na sa kanyang partido. Makikitang walang

damdaming nasyonalismo ang mga balimbing na pulitikong ito sapagkat ang mga sarili

lamang nila ang kanilang iniisip. Wala silang pakialam kung ang panig na sinasamahan nila ay

may magagandang layunin para sa bansa. Ang mahalaga lamang sakanila ay ang masama sa

mas makapangyarihang partido.

Rehimeng Marcos

Sa rehimen naman ni Ferdinand E. Marcos ay sinimulan niya ang rehiyonalisasyon ng

bansa. Hinati niya ang bansa sa 12 rehiyon batay sa mga pagkakaiba nito upang mas madaling

matugunan ang pangangailangan ng bawat isa.

Marahil ay isa rin ito sa mga nakaapekto ng nasyonalismo ng bansa. Sa pamamagitan

ng rehiyonalisasyon, nabibigyang-diin ang pagkakaiba ng mga rehiyon sa isa’t isa. Ang

kahulugan ng nasyon ay “isang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at layunin sa buhay

at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon”. Ngunit papaano

natin maisasadiwa ang kahulugan ng nasyon kung ipinapalaganap natin ang ideya ng

pagkakaiba-iba ng mga Pilipino sa isa’t isa? Hindi naman masamang isagawa ang

rehiyonalisasyon sapagkat nakatutulong rin ito upang mas mas madaling masolusyonan ang

mga problema ng bawat rehiyon. Ngunit hindi dapat mapasok sa isipan nating mga Pilipino

28
na magkakaiba ang bawat rehiyon kung kaya’t hindi na kailangan pang magsama-sama ang

mga ito dahil sa magkakaiba naman ang kanilang mga layunin.

Sa kanyang pagkakahalal ay ipinangako rin niyang walang tropang Pilipino ang

ipapadala niya bilang tulong sa hukbo ng US sa digmaan sa Vietnam. Ngunit kalaunan ay

binawi rin niya ito. Makikita dito na patuloy paring kinokontrol ng US ang Pilipinas sa kabila

ng pagbabasura ng ilan sa mga patakarang ipinatupad nila at pagpapatupad ni Carlos Garcia

ng Filipino First Policy. Pinilit lamang ng Amerika si Ferdinand Marcos na kumampi sa

kanilang panig sa isasagawang digmaan laban sa Vietnam upang ipamukha itong isang

“demokratikong” digmaan kung saan kasama nila ang ilang Asyanong bansa. (Agoncillo,

1975, p. 293)

Martial Law

Sa pagdeklara ng Presidential Decree 1081 noong Setyembre 21, 1972 (na nilagdaan

noon pang Setyembre 17 at inanunsyo sa publiko noong Setyembre 23 pa), bumulusok ang

popularidad ni Marcos. Umani siya ng mga papuri dahil sa pansamantalang kaayusan at

kapayapaan sa bansa. Ngunit sa karamihan, ito ay nagdulot ng takot at pangamba.

Isinisi ni Marcos ang pagdedeklara niya ng Batas Militar sa lumalalang problema sa rebelyon,

pagbaba ng produksyon, pagkaparalisa sa mga operasyon ng pamahalaan at ang tumataas na

bilang ng mga krimen (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, 338).

Inakusahan ang mga rebeldeng grupo (Communist Party of the Philippines at New People’s

Army) ng pagpapasabog sa mga lungsod (urban terrorism). Isinisi rin niya ang kaguluhan sa

bansa sa radikalismo ng mga estudyante at manggagawa. Maging ang pagpapasabog sa Plaza

Miranda, na pinaniniwalaang pinlano ni Marcos upang mapatay ang mga katunggali niya sa

kabilang partido, upang maipakita ang “karahasan” ng mga Pilipino at mabigyan ng katwiran

29
ang pagpapatupad niya ng Batas Militar. Sa katunayan ay nagsagawa rin si Marcos ng huwad

na assassination kay Juan Ponce Enrile, noong kalihim ng tanggulang pambansa.

Kasabay ng pagdeklara ng Batas Militar ay ipinatupad rin ni Marcos ang kampanyang Bagong

Lipunan. Narito ang mga hakbang na isasakatuparan:

1. Ang pagpapaalis ng mga opisyal sa pamahalaan na napatunayang tiwali at mapang-

abuso;

2. Pagpaparusa sa mga nagtutulak sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot;

3. Pagtatakda ng curfew upang masolusyonan ang lumalalang krimen;

4. Pagpapalaganap ng pilosopiyang “Isang Bansa, Isang Diwa” upang pukawin ang

pagkamakabayan ng mga Pilipino; at

5. Pagsasanay sa mga mamamayan na maging disiplinado at masunurin. (Mateo,

Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.340)

Malinaw na naisakatuparan ang lahat ng mga hakbang, maliban ang pang-apat. Ang

paninisi niya sa mga Pilipino ay nakasisira lamang sa kanilang puri. Makikitang hindi lamang

ang mga dayuhan ang nagmamaliit saatin, kundi pati na rin ang kapwa Pilipino. Maaaring

nakasisira ito sa tiwala ng mga Pilipino sa kanilang mga sarili at bayan.

Ngunit hindi ito sapat upang pigilan ang mga Pilipino na mangahas na lumaban sa

gobyerno. Sa kabila ng pagaaliw ng pamahalaan sakanila sa pamamagitan ng pagpapatayo ng

mga imprastraktura at panunuhol sa mga komentarista upang purihin ang mga aksyon ng

kanyang administrasyon, kaliwa’t kanan parin ang nagsusulputan na mga rebelyon tulad ng

Communist Party of the Philippines (CPP) at New People’s Army (NPA).

Bunga ito ng laganap na paglabag sa mga karapatang pantao. Lalo na ang sa mga

kalaban ng gobyerno tulad ng mga aktibista at mga manunulat na bumabatikos sa

pamamahala ni Marcos. Nawalan na ng kalayaan sa pagsusulat at isinuspinde ang writ of

30
habeas corpus na nagbigay ng kalayaan kay Marcos na basta-basta na lamang ipakulong ang

mga kalaban nito. Dahil rin dito ay napadali ang pagpapalit ng Konstitusyon ng 1973 na

isinagawa upang maging ligal ang mga binabalak ni Marcos.

Tinatayang 22,287 na sibilyan ang ikinulong at 2,491 naman ang naging biktima ng

salvaging o ang pagpatay na hindi dumaraan sa proseso ng batas. Ayon sa Amnesty

International, umabot ng 759 ang bilang ng mga desaparecidos o ang mga idinampot na

kaaway ng gobyeroat hindi na natagpuan pa. Pinaniniwalaan na ang mga ito ay pinaslang na

at itinago ang mga bangkay.( Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.

342)

Sa panahong ito, ang pagkakaroon ng damdaming nasyonalismo ay maituturing na

mapanganib. Ngunit pinatunayan ng mga Pilipino na handa silang mamatay para sa ikabubuti

ng nakararaming Pilipino.

Sa katunayan ay dumami pa ang bilang ng mga kasapi ng NPA nang pagdeklara ng

Batas Militar. Mula 1,000 ay naging 30,000 ito. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose,

Ponsaran, Ong, 2006, p.345)

Noong 1970’s naman ay nagkaroon ng rebelyon ang Moro National Liberation Front

(MNLF) dahil sa hindi pagtugon ng pamahalaan sa kanilang mga pangangailangan. Hangad

nilang ihiwalay ang rehiyon ng Mindanao sa Pilipinas sa pamamagitan ng dahas. Noong

1975, tinatayang 30,000 tropa ang pinamunuan ni Nur Misuari, isang Muslim na dating

nagtuturo sa Unibersidad ng Pilipinas. Libo libo ang napaslang sa rebelyong ito kung kaya’t

nilagdaan ang Tripoli Agreement noong 1976 kung saan pinagkalooban sila ng kalayaang

pamahalaan ang sarili. Ngunit di nagtagal ay sumiklab muli ang pagrerebelde ng grupo.

Nahati rin ang MNLF at nabuo ang Moro Islamic Liberation Front o MILF. (Mateo,

Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.345)

31
Lumawak naman ang mga kilos-protesta ng mga mamamayan. Tinugunan ito ng

pamahalaan sa marahas na paraan. Sinuhulan nila ang ilang Pilipino upang sumali sa mga

rally at magdulot ng gulo upang mabigyang-katwiran ang paggamit ng dahas ng mga pulis at

militar.

Lumabas rin ang ilang mga akda na may temang pulitikal gaya ng Dekada ’70 ni

Lualhati Bautista, Sebyo ni Carlos Humberto at Mga Ibong Mandaragit ni Amado V.

Hernandez. Ang tulang Prometheus Unbound naman na isinulat ni Jose Lacaba na may alyas

na Ruben Cuevas ay tumuligsa rin kay Marcos. Ngunit malaya itong naipalathala dahil sa

mapalinlang nitong pagkakasulat.

Promentheus Unbound
Ni Ruben Cuevas
I shall never exchange my fetters for slavish servility. ‘Tis
better to be chained to the rock than be bound to the
service of Zeus.—AESCHYLOUS, Promentheus
Unbound

Mars shall grow tonight,


Artemis is out of sight,
Rust in the twilight sky
Colors a bloodshot eye,
Or shall I say that dust
Sunders the sleep of just?

Hold fast to the gift of fire!


I am rage! I am wrath! I am ire!
The vulture sits on my rock,
Licks at the chains of that mock
Emancipation’s breath,
Reeks of death, death, death.

Death shall not unclench me.


I am earth, wind and sea!
Kisses bestow on the brave
That defy the damp of the grave
And strike the chill hand of
Death with flaming sword of love.
Orion stirs. The vulture
Retreats from the hard, pure

Thrust of the spark that burns,


Unbounds, departs, returns
To pluck out of death’s fist
A god who dares to resist.

32
Mapapansin na sa mga unang letra sa bawat linya ay mababasa ang MARCOS

HITLER DIKTADOR TUTA, ang mga katagang madalas na isinisigaw ng mga nagpo-

protesta. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p.358) May mga

pahayagan rin na laban kay Marcos na lumabas gaya ng We Forum ni Jose Burgos, Mr. &

Ms. Ni Eugenia Apostol at Malaya, ang pahayagang tinatawag ni Marcos na mosquito press.

Nagkaroon din ng mga impersonator ng mga pulitiko at mga dulang may temang

pulitikal. Marahil ay nakatulong rin upang magising sa pangaabuso ng pamahalaan sa mga

Pilipino ang mga kanta ni Bob Marley na may karaniwang tema na tungkol sa pangaalipin,

diskriminasyon, etnisidad at rebolusyon. (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran,

Ong, 2006, p.358)

People Power

Si Benigno Aquino, Jr. ay isa sa mga pinakamahihigpit na kalaban ni Marcos.

Inakusahan siya ng subersyon o paglaban sa estado at ipinakulong. Pagkabalik ni Ninoy

Aquino sa bansa mula U.S. noong Agosto 21, 1983, ay pinaslang siya sa Manila International

Airport. Pinalabas ni Marcos na ang pagpapaslang ay utos lamang kay Rolando Galman ng

CPP-NPA. Ngunit batay sa imbestigasyon ng Agrava Commision, ang tunay na nasa likod ng

pagpatay ay sina Imelda Marcos at Fabian Ver.

Sa pagkamatay ni Aquino ay umigting pa lalo ang damdaming nasyonalismo ng mga

Pilipino. Mahigit isang milyong Pilipino ang nagsama-sama sa paghahatid kay Ninoy Aquino

sa kanyang huling hantungan. Dito ay ipinakita nila ang kanilang pagdadalamhati sa

pagkamatay ng bayani at ang kanilang galit sa mapangabusong pamamahala ni Marcos. Si

Aquino ay naging simbolo ng nasyonalismo noong panahon ng Batas Militar.

33
Upang ipakita na may suporta parin siya ng mga Pilipino ay nagsagawa si Marcos ng

isang Snap Election noong 1986. Sa kabila ng kanyang pandaraya, nanalo ang kanyang

kalaban na si Corazon Aquino sa pagkapangulo batay sa National Movement for Free

Elections (NAMFREL). Nanalo man siya sa minanipulang resulta ng Commision on

Elections (COMELEC), si Cory Aquino parin ang tinanggap na pangulo ng mga Pilipino.

Nagkaroon ng malawakang kilos-protesta hindi lamang sa Kamaynilaan kundi pati na

rin sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Nanguna sa kilos-protesta ang civil society kung saan ang

mga kasapi ay mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Dalawa sa mga popular na samahang

nagsasagawa ng mga rally ay ang Justice for Aquino, Justice for All (JAJA) at August Twenty-

One Movement (ATOM).

Si Cory Aquino ay may mahalagang papel sa pagpapaigting ng nasyonalismo sa mga

panahong iyon. Naging simbolo siya ng pakikipaglaban kay Marcos, ng mapayapa at

relihiyosong pakikibaka. Ikinampanya rin niya ang pagboboykot sa mga bangko at mga

produkto ng mga crony ni Marcos. Maging ang kompanya ng kanyang pinsan na San Miguel

Beer at Coca-Cola ay kinampanya niyang boykotin dahil sa isa ito sa mga crony ni Marcos.

Naging isa siyang magandang imahe ng nasyonalismo. Maging ang mga kamag-anak

niya ay nakaya niyang kalabanin dahil sa mga pagkakampi nito sa taong dahilan ng kaguluhan

sa bansa. Wala siyang pinapanigan. Ang iniisip lamang niya ay ang kapakanan ng Pilipinas.

Pebrero 22, 1986 nang kumalas sina Fidel Ramos at Juan Ponce Enrile mula sa pamahalaan

ni Marcos. Dumagsa ang maraming mamamayan sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA)

bilang tugon sa paghingi ng tulong ng dalawa at ni Jaime Cardinal Sin upang bigyan sila ng

proteksyon mula sa pag-atake ni Marcos. Iba’t ibang uri ng mamamayan ang dumagsa sa

EDSA. Mayroong mga madre, estudyante, manunulat, propesyunal, manggagawa at iba pa.

34
Hindi lamang mahihirap ang sumama kundi pati na rin ang mga nasa gitnang uri at mga

mayayaman.

Nagkaisa ang lahat sa pagpapabagsak kay Marcos sa mapayapang paraan. Sa People

Power ay naipamalas ng mga mamamayan ang kakayahan nila bilang mga Pilipino, na kaya

nilang magkaisa upang makamit nila ang iisa nilang mithiin. Sa pangyayaring ito isinabuhay

ng mga Pilipino ang diwa ng nasyonalismo. Dahil dito ay hinangaan ng buong daigdig ang

bansang Pilipinas.

Pebrero 25, 1986 nang nagtagumpay ang mga Pilipino na patalsikin si Marcos sa

kanyang puwesto.

PAGKATAPOS NG PEOPLE POWER

Pagbabalik sa Demokrasya

Sa administrasyong Aquino ay pinalitan ang nagtalaga ng mga magiging kasapi ng

Constitutional Commision ang president mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan upang palitan

ang Konstitusyon ni Marcos. Binigyan rin niya ng kalayaan ang iba’t ibang rehiyon sa

Pilipinas na magkaroon ng lokal na pamahalaan.

Sa pamamahala ni Aquino ay nanumbalik ang demokrasya. Marahil ay ito na ang

pinakamalaking kontribusyon ng administrasyong Aquino sa pagpapaigting ng nasyonalismo

sa mga Pilipino. Ang demokrasya ay isang napakahalagang salik ng nasyonalismo dahil sa

pinapahalagahan nito ang pagkakaisa ng mga mamamayan sa pagtatalaga ng mga mamumuno

sakanila. Dito mahihinuha kung ano ang kagustuhan ng nakararaming Pilipino at nang sa

gayon ay magtulungan ang lahat para matupad ito.

35
Ngunit hindi nagtagal at bumalik muli ang kawalan ng katatagang pulitikal ng bansa.

Ang mga mamamayan ay nagkakahati rin sa kanilang paniniwalang pampulitika. Unti-unti

nang humihina ang nasyonalismo sa mga Pilipino.

Hindi parin nawala ang mga rebelyon. May nagaganap parin na labanan sa pagitan ng

mga komunista at mga may-ari ng lupa. Mayroon ding mga rebeldeng nagtangkang patalsikin

sa puwesto si Cory Aquino.

Pagpapaunlad sa Ekonomiya ng Bansa

Sa pamamahala ni Fidel Ramos ay nagtangka siyang solusyonan ang problema sa

rebelyong Muslim at komunista at itinatag ang Southern Philippine Council for Peace and

Development. Naging matagumpay naman ang kanyang pakikipagusap sa MNLF.

Subalit kahit na nasolusyonan na ni Ramos ang problema sa rebelyon na nakatulong

upang mapagkaisa ang Pilipinas, ang pagpapaunlad naman niya ng ekonomiya ay hindi

naging maganda ang epekto sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

Upang mapaunlad ang ekonomiya ng bansa, sumunod siya sa patakarang

liberalisasyon at naging aktibo sa iba’t ibang organisasyon gaya ng Association of SouthEast

Asian Nations (ASEAN), ASEAN Free Trade Area (AFTA), Asia-Pacific Economic

Cooperation (APEC) at World Trade Organization (WTO). Pinagtuunan rin niya ng pansin

ang relasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Sa pagsunod niya sa patakarang liberalisasyon,

sumusuporta siya sa neoliberal na kaisipan ng mga Kanluraning Bansa at ipinapasok ang mga

ito sa bansa. Naipalaganap nito ang kolonyalismo sa bansa.

People Power II

36
Sa pamamahala naman ni Joseph Estrada ay nilagdaan ang Visiting Forces

Agreement (VFA) kung saan pinahintulutan ang mga sundalong Amerikano sa Pilipinas

upang magsanay ng military exercises kasama ng mga sundalong Pilipino. Marami ang

pumuna sa kasunduang ito at sinabing wala itong pagkakaiba sa pagkakaroon ng mga base ng

Amerikano sa bansa.

Nagpatuloy parin ang rebelyon ng MILF at Abu Sayyaf Group (ASG) sa rehimen ni

Estrada. Ngunit sa pagkakataong ito, naglunsad na ang pamahalaan ng all-out war laban sa

dalawang grupo na ito. Sa pakikipaglaban ng pamahalaan sa mga rebelde ay nawawala lamang

ang kapayapaan sa bansa at naging mas watak-watak ang mga Pilipino.

Napatunayang nagnakaw si Estrada at napatalsik sa pamamagitan ng People Power II

noong Enero 11, 2001. Dito ay natunghayan nating muli ang damdaming nasyonalismo ng

mga Pilipino.

Ang People Power ay naging tanyag sa buong daigdig. Sa katunayan ay isinagawa rin

ito ng mga bansang Poland, Czechoslovakia, Germany, Germany, U.S.S.R. at South Korea.

Ang People Power ay isa sa mga bagay na maipagmamalaki natin tungkol sa ating bansa.

Pamahalaang Arroyo

Sa panahon ng rehimen ni Gloria Arroyo, nagkaroon ng banta ng terorismo. Bilang

tulong ay nagpadala ang Pilipinas ng mga sundalong Pilipino sa mga kritikal na bansa gaya ng

Iraq. Ngunit mayroong mga Overseas Filipino Workers ang nabihag ng mga terorista at

hininging kapalit ang pagpapabalik ng mga sundalong Pilipino sa sarili nitong bansa.

Nahirapang magdesisyon si Arroyo dahil sa isinasaalang-alang parin niya ang pananagutan

nito sa U.S. at ang magiging imahe ng Pilipinas sa ibang bansa. Nang lumaon ay

37
napagdesisyunan ni Arroyo na pangalagaan ang kaligtasan ng mga Pilipinong nabihag at

ipabalik sa bansa ang mga sundalong Pilipino.

Hanggang sa kasalukuyan ay hindi parin nawawala ang problema sa mga rebeldeng

komunista at Muslim at ang mga tumutuligsa sa pamahalaan. Dahil rito ay hindi parin tiyak

kung mayroon pa nga bang nasyonalismo ang mga Pilipino o tuluyan na ba itong nawala sa

damdamin ng mga mamamayan.

38
NASYONALISMO SA KASALUKUYAN

ANG PAGDAMI NG MGA OFW

Maraming mga dahilan kung bakit patuloy na dumadami ang bilang ng mga Overseas

Filipino Workers o OFW.

Una, dahil sa pagnanais na umahon mula sa kahirapan. Dahil sa mababa ang sweldo sa

Pilipinas, napipilitan ang mga Pilipinong manggagawa na mangibangbansa at doon kumuha ng

trabaho kung saan makakukuha sila ng higit na mataas na sweldo.

Pangalawa, ang pagnanais nila na tumakas mula sa mga problemang bumabalot sa sarili

nating bansa. Dahil sa mga kaguluhang nagaganap sa Pilipinas ay mas nanaisin pa ng mga Pilipino na

lumuwas ng bansa (madalas ay kasama ang buo nitong pamilya) kaysa ang tiisin ang kahirapan sa

sarili nilang bansa. Mayroon pa ngang mga doctor na nagaral pa ng nursing para lamang mapadali

ang pagkuha ng trabaho sa ibang bansa.

Ang mga OFW ay itinuturing na mga bagong bayani. Ngunit paano sila magiging mga

Bagong bayani kung hindi nila ipinapakita ang pinakamahalagang katangian ng isang totoong bayani,

ang nasyonalismo?

Unang una, hindi ang kapakanan ng bansa ang kanilang iniisip nang napagpasyahan nilang

magtrabaho sa ibang bansa kundi ang kapakanan lamang ng sarili nilang pamilya. Pangalawa, hindi

nila naipapakita ang pagiging makabayan, pagmamahal at pagiging tapat sa bayan sa pamamagitan ng

pagalis nila sa bansa. Nasilaw sila sa malaking sweldo na makukuha nila sa ibang bansa at iniwanan

ang kanilang tungkulin sa sarili nilang bayan. Hindi na nila inisip ang mga naiwan nilang

responsibilidad na dapat sana ay pambayad sa utang na loob nila sa Pilipinas.

39
MGA REBELYON

MGA ISYUNG KINAKAHARAP NG PAMAHALAAN AT MGA PULITIKO (ELECTION2010)

MGA SALIK AT HAMON SA PAGBUO NG MATATAG NA NASYON

Sa ating kasaysayan ay natunghayan natin ang iba’t ibang paraan ng pagpapakita ng

damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino at ang mga pangyayaring nagudyok ng mga ito.

Maoobserbahan natin dito ang mga salik sa pagpapaigting ng damdaming nasyonalismo sa Pilipinas.

Una, ang konsepto ng nasyon, kung saan nakapaloob ang nasyonalismo, na binibigyang

pansin ng mga mamamayan.

Ang nasyon na itinatag ng mga nasyonalistang Pilipino noong pananakop ng mga Kastila ay

umiikot sa orihinal na kulturang Pilipino. Ang gusto nilang itatag ay isang bansa kung saan walang

nanghihimasok na dayuhan at ang mga layunin ay para lamang sa mga mamamayan nito.

Ngunit sa pakikipagtulungan ng mga Amerikano sa mga Pilipino upang makamit nito ang

kalayaan, unti-unting nawala ang orihinal na konsepto ng nasyon. Ang layunin nilang makamit ang

kalayaan ay inakala nilang maisasakatuparan gamit ang wikang Ingles (bilang media sa komunikasyon

nila sa mga Amerikano), edukasyon, relihiyon, tradisyon at sistemang pang pulitika na itinuro ng mga

Amerikano saatin upang maging “sibilisado” tayo.

Ang konsepto ng nasyon (o ang sarili nilang pangkat ng mga tao na may iisang mithiin at

layunin sa buhay at pinagbubuklod ng iisang lahi , wika, relihiyon, kaugalian at tradisyon) ng mga

elite na Pilipino ay naimpluwensiyahan ng mga dayuhan. Ang wika, relihiyon, kaugalian, tradisyon at

maging ang kanilang lahi ay halos kapareho na ng mga mga mananakop, lalo na ng mga Amerikano.

Ang itinatag nilang edukasyon ay batay sa wikang Ingles, sa pagtuturo ng simbahang Katoliko, at sa
40
mga tradisyon ng mga Amerikano gaya ng Mother’s day at Halloween at sa pamamagitan ng

edukasyon na ito ay naipapalaganap ang mga kaisipang kolonyal sa mga Pilipino. Maaaring napuna

na ito ng ilang mga nasyonalistang Pilipino ngunit mahirap nang baguhin pa ang sistema ng

edukasyon sa Pilipinas dahil sa ito na ang ating nakasanayan at malaki na ang nabago nito sa ating

kultura.

Makikita naman na ang masang Pilipino ngayon ay malaki ang paghanga sa mga elite at mga

banyaga. Para sakanila ay “sosyal”, mas disente, mas umaangat sa buhay at mas mataas kaysa sakanila

ang mga ito. Masasabi lamang ng mga magulang na matalino ang kanilang anak kung marunong

itong magingles. Karamihan rin ng mga Pilipino ay nagpapaputi, nagpapakulay ng buhok at

gumagamit ng contact lens upang mabago ang kulay ng kanilang mga mata dahil sa gusto nilang

maging katulad ng mga dayuhan na modelo ng mga umaasensong elite. Pangarap naman ng

maraming Pilipino ang makapunta sa ibang bansa upang doon ay matutunan nila ang kultura ng mga

hinahangaan nilang dayuhan at maging isa sa mga Pilipinong elite.

Kung ito ang iiral na konsepto ng nasyon sa Pilipinas, ang nasyonalismo na madedebelop

natin ay nakapaikot sa mga kaisipang kolonyal at hindi sa orihinal na kulturang Pilipino na sariling

atin. May tendensiyang ang mga Amerikano ang makikinabang sa mga kalalabasan ng

“nasyonalismo” na ito. Ang iisipin ng mga Pilipino sa kanilang mga layunin ay ang kapakanan ng

mga Amerikano at ang mga Pilipinong nakadepende sakanila. Ang kapakanan ng nakararaming

Piliipino (mga masa at mga Pilipinong tumangging tanggapin ang mga impluwensyang dayuhan gaya

ng mga etnolinggwistikong grupo) ay naisasantabi na dahil sa ang mga elite naman ang siyang

naghahari sa bansa at ang kumokontrol sa pulitika, ekonomiya, edukasyon at maging sa relihiyon nito

(makikita sa diskriminasyon na nararanasan ng mga Muslim mula sa mga Kristiyano).

41
Ang lumalaganap na konsepto ng nasyon na itinatag ng mga elite ay isang epekto ng

neokolonyalismo. At sa paglaganap ng konseptong ito ay mas mapapadali ang pagkontrol at

pananakop nila saatin.

Hindi lamang impluwensyang Amerikano ang nakaapekto sa konsepto ng “nasyon” nating

mga Pilipino. Sa globalisasyon (ang proseso ng pag-igting ng pagkakaugnay-ugnay ng mga bansa sa

daigdig [depenisyon mula sa WikiAnswers]), naging malapit ang bansa sa mga banyaga. Hindi lamang

teknolohiya at tulong sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang naidala ng prosesong ito sa ating bansa.

Kasabay ng mga produktong banyaga ay ang mga kaisipan, wika at pati ang kultura nila.

Napasok sa mga isipan ng mga Pilipino na ang imported na mga produkto ay mas mataas

ang kalidad at may epektong nakaaangat sa posisyon nila sa lipunan. Ang mga produktong sariling

atin ay minamaliit na ng mga Pilipino at sa halip na ipagbili ang mga ito sa Pilipinas ay inaangkat na

lamang ng mga dayuhan. (Makikita na ang direksyon ng kulturang Pilipino ay papunta sa labas. Hindi

ito umiikot sa loob ng bansa.)

Isa pang salik ay ang tugon ng mga Pilipino sa mga aksyon ng kapwa nila Pilipino, lalo na ng

pamahalaan at mga nakaaangat sa lipunan. Maraming mga tunggalian sa pagitan ng mga Pilipino ang

makikita natin sa kasalukuyang panahon.

Una, ang tunggaliang Muslim at Kristiyano. Ang mga Muslim ay nagrereklamo sa

nararanasan nilang diskriminasyon at pangaapi. Para sakanila ay naisasantabi na ang kanilang

kapakanan at ang laging inuuna ay ang mga Kristiyano lamang. Para naman sa mga Kristiyano, sila

ang nagdudulot ng gulo sa bansa.

Pangalawa, ang labanan ng mga magsasaka at mga may-ari ng lupa. Hanggang ngayon ay isyu

parin ang Land Reform at ang mga magsasaka ay unti-unting nawawalan ng lupang sasakahan. Ang

pangyayari sa Hacienda Luisita ay isa sa mga magpapatunay rito. Ang mga magsasaka ay lumusob sa

Hacienda upang ipaglaban ang lupaing dapat ay sakanila habang ang mga namumuno naman sa

42
Hacienda ay gumamit ng dahas upang pigilan ang mga nagpoprotesta. Ang pamilyang may-ari ng

Hacienda Luisita ay mayroong mataas na posisyon sa pulitika kung kaya’t matagumpay nilang

naprotektahan ang kanilang Hacienda.

Makikita rin sa pangayayaring ito ang isa pang tunggalian na nagaganap sa ating bansa, ang

tunggalian sa pagitan ng mahihirap at mayayaman at pamahalaan. Sa kasalukuyan, ang karaniwang

nakakakuha ng posisyon sa pulitika ay ang mga mayayaman at ang mga may-ari ng lupa at mga

korporasyon. Gaya ng mga Muslim, ang tingin ng mga mahihirap ay hindi sila naaasikaso ng

pamahalaan at ang mga mayayaman lamang ang napagtutuunan ng pansin. Para sakanila ay ang mga

mayayaman at pamahalaan ang may kasalanan sa kanilang kahirapan. Makikita rin ang tunggaliang

mahihirap-pamahalaan sa dalawang nagdaan na People Power at mga kudeta.

Ang mga tunggaliang ito ay nakasisira sa pagkakaisa ng mga Pilipino. Ang mga Pilipino ay

nagkakawatak-watak at tumatangging makiisa sa mga tinuturing nilang kalaban. Ang mga Muslim ay

gustong humiwalay sa mga Katolikong umaabuso sakanila, ang mga magsasaka ay nakikipaglaban sa

mga may-ari ng lupa at ang mga mahihirap ay galit sa mga mayayaman at isinisisi sa pamahalaan ang

kalagayan nila sa buhay.

Mahalaga rin na magkaroon ng pride o magandang tingin sa sarili ang mga Pilipino para

mapaigting ang kanilang damdaming nasyonalismo. Kung hindi nila kayang maipagmalaki ang sarili

nilang bansa, mahirap na magkaroon sila ng pagmamahal dito.

Ang mga ideolohiyang nakapasok sa Pilipinas ay malaki rin ang naging epekto sa

nasyonalismo nating mga Pilipino.

43
Sa konserbatismo, pinahahalagahan ang pagpapanatili ng status quo at ang mga tradisyon ng

mga nakaraang henerasyon (Mateo, Boncan, Balonso, Tadena, Jose, Ponsaran, Ong, 2006, p. 321).

Tumatanggi sila sa mga makabagong paraan na hindi pa malinaw ang magiging resulta at ipinipilit na

panatilihin ang mga kaugaliang subok na. Kung ito ang iiral sa ating mga Pilipino, tatanggihan natin

ang anumang pagbabago na gustong gawin saatin ng mga dayuhan.

Sa liberalismo naman ay kinikilala ang kakayahan ng isang indibidwal na makapag-ambag sa

lipunan at inaalis ang mga restriksyon dito.

Makabubuti ito sa damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino dahil sa makatutulong ito

upang magkaroon ng tiwala ang bawat Pilipino sa kanyang sarili at magamit ang mga kakayahan nito

upang makatulong sa bayan.

Mga Hakbang sa Pagpapalakas ng Nasyonalismo

Upang mapalakas ang damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino, mahalaga na malagpasan

muna natin ang mga hamon na tinalakay.

Una, dapat na matuto tayong tanggapin ang ating nasyonalidad. Tingnan ang mga naging

tagumpay at magagandang nagawa ng mga ninuno natin sa kasaysayan. Hindi dapat maging layunin

natin ang maging presentable sa mga dayuhan at umayon sa kanilang mga batayan (kung ano ang

tingin nila na maganda at katanggap-tanggap). Hindi dapat natin palaging ikinukumpara ang sariling

bansa sa mga dayuhan.

Dapat ay pumili tayo ng isang nararapat na lider na magiging isang magandang imahe saatin

at hindi iniisip ang imahe nito at ng Pilipinas sa paningin ng mga dayuhan. Hindi isang lider na

sunud-sunuran lamang sa mga banyaga at ang isinusulong lamang ay ang sarili nitong interes at ng

mga taong pinapakinabangan nito.

44
Makatutulong rin na basahin lamang ang kasaysayan na gumagamit ng pantayong pananaw at

hindi ang gumagamit pangkaming pananaw (kung saan ang laging bida ay ang mga dayuhan). Kung

papansinin lamang natin ang mga nagging tagumpay ng mga ninuno natin ay mas magiging madali na

mapamahal tayo sa ating bansa.

Ang mga taong nagpapakita naman ng dammdaming kontra nasyonalismo ay dapat na

magsilbing isang imahe na hindi dapat gayahin ng mga Pilipino.

Pangalawa, dapat tayong matutong tumanggi sa impluwensiya mula sa mga dayuhan.

Mahalagang ipalaganap ang paggamit ng wikang Tagalog lalo na sa edukasyon. Dapat na gawing

pangunahing wika sa pagtuturo ang Tagalog upang maipasok sa isipan ng mga estudyante na dapat

gamitin ito sa pangaraw-araw. Hanggang ngayon ay sinusunod parin natin ang sistema ng edukasyon

na itinatag ng mga Amerikano kung saan isa sa pinakamahahalagang sabjek ay ang pagaaral ng

wikang Ingles. Mas makatutulong kung mas malaki ang matatanggap na insentib.

Dapat ay maging prayoridad rin ang negosyo ng mga Pilipino. Kung lalago ang mga

negosyong ito ay hindi na natin kakailanganin pang magangkat ng mga produkto mula sa ibang

bansa at mapipigilan ang mga dumadating na impluwensya sa bansa na kasabay ng mga produktong

dinadala ng mga dayuhan.

45
APENDIKS

Panayam kay Dr. Ferdinand Dagmang:

- Para saiyo, ano ang kahulugan ng nasyonalismo?

- “Kung titingnan mo ang kasaysayan ng ating bansa, lumabas ang isyu ng nasyonalismo

noong panahon nang tayo ay sinakop lang. Bago tayo sinakop, wala pa yang konsepto ng

nasyonalismo kasi ang mga tao noon, bago dumating ang mga kastila ay hindi naman sila ung

binabalasubas, binabastos o inaagawan ng mga lupain o kaya inaalipusta ng mga tao mula sa

ibang bansa gaya ng mga nakasulat sa kasaysayan na may mga Portuguese na dumating, o

mga arabo, intsik. Pero wala pa ung isyu ng nasyonalismo. Ngayon, pagdating ng mga kastila,

nakaranas tayo ng mga hindi kaayaaya gaya ng pagpapatupad ng pagsisingil ng buwis, o kaya

pagpapatupad sa pagkontrol sa mga tirahan ng mga tao, na kailangan ay lumapit sila sa

simbahan, o kaya pagpapatupad ng mga order na ang mga lalaki ay kailangang magsilbi sa

mga pagawaan ng tulay o kaya daanan o mga simbahan.

So ung mga Pilipino noon, naisip na ano ba ang nangyayari dito sa bansa natin. Ano bang

nangyayari sa ating sitwasyon sa buhay dahil (noon), simple lang ang buhay, ngayon, hirap na,

o kaya ay kinokontrol na ng mga banyaga, hanggang nagkaroon na ng pagiisip, lalong lalo na

ang mga kabataan na nagaral sa ibang bansa. Kahit nga si Andres Bonifacio na nakapagbasa

ng mga kwento namay kinalaman sa kalayaan o sa pagiisip na medyo kritikal sa ibang mga

bagay na hindi karapatdapat na gawin sa tao. So may mga Pilipinong nasasaktan, an gating

pride bilang mga Pilipino, nang ang bansa natin ay nasakop, naisip nila na, “ano nang

nangyayari sa bansa natin?” So ngayon, umusbong doon sa sitwasyon na tayo ay nasakop.

Pag sinabi mo naman ang nasyonalismo, ay meron din yan sa Europa, kagaya, halimbawa

nung panahon ni Hitler, nasyonalismo rin un, e. (Pati) ung pagusbong ng mga Natzi, pero
46
negatibong nasyonalismo, parang eksklusibo na nasyonalismo. Sinasabi nila na ang mga taga-

Germany, mga Alemanya, ay ang dapat na magkontrol sa Germany,na lahat ng tao sa loob ng

Germany ay sasakupin nila o kaya, ang konseptong nasyonalismo nila ay ang pagpapalago sa

sariling bansa at magiging parang sila ang mananakop ng sariling bayan dahil sa tingin nila ay

sila ang pinakamataas sa lahat. Ibang klase ng nasyonalismo un, nasyonalismo na nananakop.

Ung nasyonalismo naman satin, nasyonalismo na lumalaban sa mga taong nananakop at sa

ganoong paraan, nabubuo ang pagiisip na , bilang isang bansa, tayo’y may sariling karapatan

bilang bayan, at tayong lahat ay magkaisa dapat para isulong ang karapatan na iyon para

sagipin ang sarili nating pagkatao, ng mga Pilipino.”

- Kahit na nananakop ka, nasyonalismo parin ang ipinapakita mo?

- “Ang nasyonalismo sa Europa, ung mga Natzi, nationalism rin un,e. Kaya pag sinabing

nasyonalismo sa Europa, hindi maganda ang tingin nila doon kasi lagi nilang naaalala ung

pananakop ni Hitler, ung pananakop ni <?> sa Italy—kasi magkasama sila,e. O kaya ung

nasyonalismo ng mga hapon, dominante sila at gustong manakop ng bansa. Samantala ang

nasyonalismo sa mga Pilipino, depensa sa ating pagkatao iyon, bilang mga Pilipino sa

bansang Pilipinas.”

- Paano ung mga rebelde, kahit na nananakit sila ng kapwa Pilipino, nasyonalismo parin ba

ung tawag doon?

- “Halimbawa, ung mga muslim? Kailangan ay tingnan mo ang kasaysayan ng mga

Muslim. Kung titingnan mo, hindi naman nila ginagamit ung katagang nasyonalismo, e.

Ang sinasabi nila, kailangan nila magkaroon ng sariling bayan, na independent, na

hiwalay sa Pilipinas. So kung titingnan ay wala silang konsepto ng nasyonalismo bilang

mga pilipino. Kundi ang konsepto ng pagiging isang grupo ng mga tao na gustong

humiwalay sa Pilipinas at gustong bumuo ng sariling estado. So kung sasabihin natin na

47
magtatayo sila ng sarili nilang estado, ang pagiging Muslim nila, ay magbubunsod rin

iyan ng pagiisip sa sarili nilang bayan. At later on, magkakaroon rin sila ng konsepto ng

nasyonalismo na nagugat sa pagmamahal nila sa sarili nilang pamayanang muslim.

- Ang pananaw kasi na iyon (nasyonalismo) ay nakaugat sa pananaw mo sa iyong bayan,

na sa tingin mo ay iyon ang kailangan mong depensahan, kailangan mong panagutan, na

kung meron mang halimbawa manakit sa iyo, bilang isang Pilipino, may manakit saiyo

bilang isang Muslim, may karapatan kang lumaban at depensahan ang sarili mong bayan.

Iyon ang isang konsepto ng nasyonalismo na ang pinagugatan ay ung mga negatibong

experience.

- Bakit mahalaga ang nasyonalismo? Ano ang magagawa nito para saatin?

- Pag may mga sitwasyon, halimbawa na negatibo gaya ng pananakop, ung nasyonalismo

kasi ay isang pakiramdam na tayo ay kailangan na magkaisa. At ang pagkakaisa na iyon,

siyempre, ay magiging maganda iyon sa ating mga Pilipino. Maganda rin ang

nasyonalismo para saating pride. Tayo ay magiging proud maging Pilipino kung mayroon

tayong nasyonalismo. Hindi lamang dahil tayo ay sinakop kundi dahil rin tayo ay

mayroong tinatawag na identity. Mahalgang mahalaga kasi ang identity, eh. So un, ang

diwa ng nasyonalismo ang nagbibigay satin ng magandang pagiisip tungkol sa ating

pagkatao. Ang iniisip kasi ng iba, ano pa ang kahalagahan ng nasyonalismo kung ang

bansa naman natin ay minamata ng ibang tao? Pero kung tayo ay magkaisa, mababago

natin ang sitwasyon ng Pilipinas sa pamamagitan ng diwa ng nasyonalismo.

- Sa ngayon, meron parin bang nasyonalismo, dahil sabi nyo, ang nasyonalismo ay

lumalabas lamang tuwing may nagtatangkang manakop satin?

48
- Mahirap nga na asahan na ang mga Pilipino ay magkaroon ng ganoong pananaw. Kasi,

ang mga Pilipino, hindi nila nararamdaman masyado ung dating nadama ng mga taong

lumaban sa mga mananakop. At mahirap na maalala iyon (araw ng kalayaan) dahil hindi

lubos na naaalala ng mga tao ang pangyayari na iyon dahil nang lumaya tayo mula sa

mga Kastila, pumasok naman ang mga Hapon, mga Amerikano at hindi natin nakita ang

pagusbong ng bayang Pilipino dahil sa pagdating ng mga bagong mananakop. At

hanggang ngayon ay hawak parin ang ating kultura. Sa TV, sa pananamit, nagiingles ang

mga guro, mga aklat, mga gamit, mga kinakain, mga dollar, anime… Nawawala na ang

pagiging makabayan. Ang mga Pilipino ngayon ay hindi na nakaugat sa mga karanasan

ng mga Pilipino noon na sana dapat ay makaimpluwensya sakanila. E ang tanong nga ay

paano ka magiging makabayan kung ang bansa mo ay naiimpluwensiyahan na ng mga

dayuhan? At ang kultura natin ngayon ay state-side na ang pinanggalingan.

- May paraan ba para mapalakas uli ang nasyonalismo natin? Kailangan ban a may

sumakop muli satin?

- Hindi naman kailangang may sumakop. Kailangan lang, maging aware tayo na ang

kultura na ating sinusunod, ay parang pananakop na rin. Bagong pananakop iyan na hindi

mo nakikita. Walang sandata pero ang kultura nila, pumasok sa atin. Kaya ang hirap

maging makabayan. Ang mga magulang, tinuturuan ang mga anak nila magingles at ng

mga kaugalian Amerikano, at sa paglaki nila, litonglito sila kung ano ba talaga ang

mahalaga para sakanila. Kasi ang mahalaga nalang ay ang paghahanap ng trabaho, hanap-

buhay, Makita ang sariling distinction in the future—maging matagumpay, not

necessarily as a Filipino, but as a doctor, hindi makabayang doctor, as an engineer, pero

di makabayang engineer,. So nasaan ang value ng pagiging makabayan? Wala na.

49

You might also like