Professional Documents
Culture Documents
Indiana Aerospace University
Indiana Aerospace University
Indiana Aerospace University
Sulating Pananaliksik
Na Inilalahad sa Senior High School Bilang Bahagi ng pangangailangan
Sa Filipino 11: Pagbasa at Pagsusuri ng Iba`t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik
Ipinasa nina:
Cuizon, Maryl C.
Elentores, Leander Joseph G.
Gabud, Kit Gladstone
Pangatungan, Arleigh Jan
Zander,Armin
March 2018
PASASALAMATPASASALAMAT
Sa mga may awtor, mga teorista at iba pang mga mananaliksik na aming kinuhanan
ng mga impormasyon at proposisyon na ukol sa aming paksa.
Pasasalamat
A.Panimula
B.Layunin ng Pag-aaral
C.Kahalagahan ng Pag-aaral
D.Saklaw at Limitasyon
E.Paglalahad ng Suliranin
B.Metodolohiya
C.Mga Respondent
D.Instrumentong Pananaliksik
E.Tritment ng Datos
Lagom
Konklusyon
Rekomendasyon
Talasanggunian
Patungkol sa may-akda
KABANATA I
Panimula
Sa panahon ngayon, kay rami nang kabataan ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral
at ang pangunahing dahilan nito ay kahirapan na isa pang malaking problemang
kinakaharap ng bansang Pilipinas. Ang pagkakaroon ng korap na gobyerno ay isang
dahilan kung bakit naghihirapang ang isang bansa. Isa pang dahilan kung bakit
may mga kabataang hindi nakakapagtapos dahil nagiging
rebelde ito. Maraming nakaka-impluwensiyasa mga kabataan ngayon. Mga problemang
pampamilya, pampinansiyal, at ang iba’y napapabarkada.
Isa pang problemang pang-edukasyon ang mababang kalidad ng pagtuturo. Dahil nga
sa mga maling metodolohiya na naituturo sa mgakabataan, inaakala nito na ito’y tama.
Ang isang epektibo at magandang kalidad ng pagtuturo ay hindi napagtatagumpayan
ng isang guro dahil nga kulang pa ito sa kaalaman tungkol sa kanyang napiling
asignatura. Kakulangan sa Pondo ay isa pang problema sa ating edukasyon, kahit na
sapat ang badyet ng isang gobyerno kung hindi maayos ang paggamit nito,hindi uunlad
ang Edukasyon ng isang bansa.
LAYUNIN NG PAG-AARAL
KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL
Sa mga mananaliksik
Sa mga kabataan
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong sa mga mananaliksik para malaman
ang mga problema at sanhi ng mga suliranin sa Edukasyon. Ito rin ay tutulong sa mga
mananaliksik upang malaman na may malaking kinakaharap na problema ang isang
bansa tungkol sa Edukasyon.
Sa mga magulang
Sa pamahalaan
Sa komunidad.
SAKLAW
LIMITASYON
Ang mga Kasali dito sa Pananaliksik na ito ay mga estudyanteng Grade 9 Hanggang
Senior High maaaring ibat-ibang seksyon ang kukuhanan namin ng mga sarbey . Ang
mga edad na pwedi naming saliksikin ay naglalaro mula 15 hanggang 18 maaaring
maging babae o lalaki ang sasagot nito at ang taon na ito ay isasagawa ay 2018.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
KABANATA II
Ayon sa aking mga nakalap na mga sanaysay, aklat, dokumento at iba pa,
Ang isang dahilan kung bakit nagiging malala ang kakulangan ng silid-aralan at guro sa
pampublikong paaralan ay maraming mga estudyante sa pribadong paaralan ang
lumilipat sa pampublikong paaralan.Sa ngayon, halos 20 milyon ang mga estudyante
mula elementary hanggang high school sa pampublikong paaralan. Tumaas ng 11
porsiyento o may dagdag na mga 2.2 milyon na estudyante. Ang pinakamalaking
dahilan kung bakit lumilipat ang mga estudyantemula sa pribadong paaralan sa
pampublikong paaralan ay kahirapan. Pataas na pataas na ang matrikula ngayon sa
pribadong paaralan dahil sa pagtaas na rin ng lahat ng bilihin
(Ellen Tordesillas, journalist).
Sinasabi rin sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon, 58 lamang sa bawat 100
estudyante na pumapasok sa Grade 1 ang nakatutuntong ng hayskul at 14 lamang sa
mga ito ang nakapagtatapos ng kolehiyo. Sa datos na ito, di maitatago ang katotohanan
na malaki ang problema natin sa edukasyon. Dahil na rin sa kahirapan, hindi
natatamasa ng kabataangPilipino ang karapatan nila sa edukasyon. Nakasaad mismo
sa Konstitusyon,Artikulo IV Seksiyon I ng 1986 Konstitusyon na “dapat pangalagaan ng
Estado ang karapatan ng lahat ng mamamayan sa mahusay na edukasyon sa lahat ng
antas at dapat magsagawa ng angkop na mga hakbang upang matamo ng lahat ang
gayong edukasyon.” Dapat ay bigyan din ng pinakamataas na prayoridad ng
pamahalaan ang edukasyon. (Mylene Padua).
Lumabas kamakailan ang isang United Nations report na nagsasabingang kalidad ng edukasyon
sa Pilipinas ay mas mababa pa kesa sa kalidad ng edukasyon ng Tanzania at Zambia, dalawang
bansa sa Africa na mas mahirap pa sa ating bansa. Malubha na talaga ang kalagayan ng
edukasyon sa bansa natin kung nagawang malampasan tayo sa larangan ng edukasyon ng mga
bansang may sang-kapat lang ng yaman ng Pilipinas. Kulang ng 66,881 na silid-aralan ang ating
bansa. Ang pondo na inilaan ni Mrs. Arroyo ay para lamang makapagtayo ng 5,538 na silid-
aralan. Ibig sabihin, kulang pa din ng 61,343 na silid-aralan ang ating bansa. Kulang din ng
816,291 na silya para sa mga estudyante. Kung kaya naman kung hindi standing room only o
SRO sa maraming silid-aralan ay nakaupo sa sahig ang maraming estudyante. Kulang din ang
bansa ng 64,060 na guro ngunit ang hiningi ni Mrs. Arroyo sa Kongreso ay pondo para lang sa
10,000 guro. Kung kayat54,060 guro ang kailangan pa rin. At kung ihahambing mo sa bilang
mga estudyante, para bang sinasabi ng administrasyon na kailangang turuan ng mahigit
dalawang milyong mag-aaral ang kanilang sarili. Pati sa punong-guro ay makunat si Mrs.
Arroyo. Ang hiningi niyang badyet ay para lang sa 2,000 punong-guro. Ngunit ang
pangangailangan ng bansa ay para sa 6,538 na punong-guro
(Jejomar Binay).
Ayon mismo sa DepEd, mahigit 152,000 ang kulang na silid-aralan para sa 2012 pero naglaan
lamang ito ng pondo para sa 13,000. Wala pa sa bilang na ito ang mga silid-aralan na kailangang
makumpuni. Mahigit 13 milyong upuan at 135,000 palikuran ang kulang para matugunan ang
pangangailangan ng mga mag-aaral sa papasok na taon. Umaabot sa 62% ng mga eskwelahan
ang walang sapat na palikuran. Mayroon lamang isang palikuran para sa 143 estudyante
samantalang ang resyo sa mauunlad na bansa ay isang palikuran para sa 20 estudyante. Kulang
din ng 96 milyon ang mga librong nakalaan para SA mga mag-aaral.
Sa mga nakaraang pagbubukas ng klase, ang kawalan ng mga silid-aralan ay isang malaking
isyu. At mapapansin na hindi binibigyang solusyon ng Department of Education (DepEd) ang
problemang ito. Taun-taon ay dumadagsa ang mga estudyante at sana ay nagkaroon na sila ng
sistema ukol dito. Malayo pa sana ang pasukan, napaghandaan na nila ang mga problemang
kahaharapin.(Philippine Star)
Lalong lumaki ang usapin hinggil sa kakulangan ng mga silid-aralan sa mga pampublikong
paaralan bunsod ng banta ng 7.2 magnitude na lindol sa Metro Manila,Bulacan,Laguna,Cavite at
Rizal.
Ito ang inihayag ni Rev. Fr. Conegundo Garganta, Executive Secretary ng Catholic Bishops’
Conference of the Philippines Episcopal Commission on Youth.
Ipinaliwanag ng pari na nananatili pa rin sa 36,000 ang kakulangan ng mga silid-aralan, bukod
pa sa limang paaralan na ipapasara dahil nakatuntong sa West Valley Fault na posibleng
magbunsod ng malakas na pagyanig sa Metro Manila at mga kalapit na lalawigan.
Tinatayang aabot sa 23 milyong mga mag-aaral ang papasok sa eskwela darating na pasukan,
kung saan 21 milyon dito ay papasok sa mga pampublikong paaralan.
“Yun nga ‘yung nakapagbibigay din sa atin ng malaking katanungan dahil lumabas na ‘yung
panganib ng lindol samantalang malaki pa rin ang kakulangan sa silid-aralan, lalong na-magnify
‘yung ganoong pagtingin ng mga grupo na nagbabantay kaya nasasabi ng ilang grupo na wala
nga bang zero backlog?” (Father Garganta sa Radio Veritas)
NAGSIMULA na ang klase para sa pampublikong paaralan. Ang estimate ay 23 milyong mag-aaral ang
babalik sa mga paaralan. At siyempre, naglabasan na naman ang mga tila walang katapusang mga
problema. Dinagsa rin ng mga reklamo ang DepEd noong Lunes, kaya napasabak kaagad ang ahensiya.
Ang mga karaniwang problema tulad ng kakulangan ng silid-aralan, may mga classroom na wala namang
blackboard, mga lumang gusali ng mga pampublikong paaralan na sigurado ay mga palikuran ay may
problema na rin.May mga bagong silid-aralan naman na nagawa para sa taong ito. May mga paaralan na
nagbigay pa nga ng pagkain tulad ng lugaw sa kanilang mga bumabalik na mag-aaral. Sa madaling
salita, may mga nakikitang pagbabago naman. Pero dahil na rin sa dami ng gustong mag-aral, hindi pa
natatapatan ng gobyerno ang lahat ng pangangailangan at kailangang gawin para sa edukasyon ng mga
bata. (Korina Sanchez, June 2015)
KABANATA III
A. DISENYO NG PANANALIKSIK
Ang pananaliksik na ito ay nasa pamaraang inpormatib kung saan inilalahad ang mga sanhi
at dulot o epekto ng mga problema sa edukasyon. Pang-edukasyon na pananaliksik na
sinasakupan kung paano natututo angmga tao.
B. METODOLOHIYA
C. MGA RESPONDENT
Ang mga napiling respondent sa pananaliksik na ito ay mga kalalakihan at mga kababaihan
na edad 12-42 na may sapat na kaalaman sa mga nangyayaring problema sa Edukasyon sa ating
bansa ngayon.
D.INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK
LAGOM
Maraming problemang pang-edukasyon ang ating bansa isa na rito ang mga mag-aaral na di
nakakapag tapos ng pag-aaral dahil nga sa kahirapan,problema sa pamilya, pagbibisyo, o kaya’y
napupunta sa masamang landas.May mga kabataan na rin na nagrerebelde dahil sa kakulangan
ng atensiyon at hindi na naaasikaso ng kanilang mga magulang. Ang kakulangan ng kagamitan at
pasilidad sa bawat paaralan, Dahil nga sa malaking populasyonng ating bansa nagkukulang ang
mga kagamitang ito tulad ng mga libro,kwaderno, bolpen, maging silid-aralan o kaya’y paaralan.
Kung nagkukulang ang kagamitan ng ating bansa puwede rin dahil sa kakulangan ng pondo.
Mababang kalidad ng pagtuturo sa mga mag-aaral na nagiging dahilan ng maling pagkatuto nito.
Ang Edukasyon ay sumasaklaw rin sa pagtuturo ng mga guro na nagbibigay ng kaalaman sa
kanilang mga Estudyante ngunit sa panahon ngayon tayo’y nahihirapan kung maganda ba ang
natuturo ng mga ito sa kanilang mag-aaral. Hindi rin napag-uukulan ng pansin ang edukasyon sa
mga liblib na lugar dahil sa kalayuan na rin ng pook at kakulangan ngmga titser na nais
magboluntaryo dahil nga kaunti lng ang mga suweldo nito.
REKOMENDASYON
BIBLIOGRAPIYABLIOGRAPIYA
http://www.abante.com.ph/issue/sep1909/op_ev.htm
http://cyndi18.multiply.com/journal/item/10/Edukasyong_Pilipino_Binabaliw ala_Misedukasyon.http://
www.ellentordesillas.com/?p=279
http://www.abante.com.ph/issue/june2710/news04.
htmhttp://www.abante.com.ph/issue/jan2410/op_jb.htm
http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20120607/lumalalang-kakulangan-sa-
edukasyon
http://www.philstar.com/opinyon/693382/editoryal-kulang-pa-rin-ang-silid-aralan
http://veritas846.ph/isyu-sa-kakulangan-ng-mga-silid-aralan-lumalala-2/
http://www.philstar.com/psn-opinyon/2015/06/03/1461598/balik-paaralan-balik-problema
I.Personal na Inpormasyon
Pangalan : Gabud, Kit Gladstone
Tirahan : Aldea del Sole Bankal Lapu-Lapu City
E-mail Address : gabudkitgwapa143@yahoo.com
II.Personal na Datos
Edad: 18
Kapanganakan : ika-15 ng Pebrero taong 2000
Lugar ng Kapanganakan : Caloocan City
Lahi : Filipino
Kasarian : Lalaki
Pangalan ng Ama : Vicente Gabud
Pangalan ng Ina : Marilyn Gabud
Paaralan :
Pang-umpisa : New Era University SKP
I. Personal na Impormasyon
Pangalan: Pangatungan, Arleigh Jan I.
Tirahan: Abuno Pajac Lapu-Lpau City
Email Address: arleighjanpangatungan@gmail.com
II. Personal na Datos
Edaad 17
Kapanganakan: October 5 2000
Lugar ng Kapanganakan: Cebu City
Lahi:Filipino
Kasarian: Lalaki
Pangalan ng Ama: Armando Pangatungan
Pangalan ng Ina: Maria Pangatungan