Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

NOLI ME TANGERE

KABANATA 29

Ang Umaga
TALASALITAAN
Hindi Magkamayaw – Hindi Mapakali
Mapukaw sa galit – Udyukan
Sisidhi ang Galit – Mag-iibayo
Deboto – Panatiko
Monasteryo – Simbahan
Bisperas – Ang araw bago dumating ang takdang araw ng pagdiriwang

TAUHAN
Pilosopo Tasyo Pari Salvi
Tenyente Mayor Pari Sibyla
Si Don Felipo Kapitan Tiyago
Hermana Mayor Maria Clara
Padre Damaso Kura
Babaeng Nangangasiwa sa Kumbento Ibarra
Matandang Dalaga

Ang mga tao ay nagsimula nang magbihis ng mga magagara nilang mga damit. Tanging si
Pilosopo Tasyo lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tenyente mayor. Sumagot
ang Pilosopo na “Ang magsaya ay di nangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang
pagsasaya, aniya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Felipo ay
sumang-ayon sa pananaw na ito ni Tasyo subalit wala siyang magawa sa kagustuhan ng
kapitan at ng kura. Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot.
Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang
pagkain. Dahil sa mga tanyag na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si
Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan.
Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang
nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya
ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento dahil siya ay minamalat. Siya ay
pinahiran ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal
si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak. Eksaktong alas-otso ng umaga, nang simula
ang prusisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa
kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga
nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman
at mahihirap. Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng
de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Pari Salvi ang nasa ilalim
ng palyo sa halip na si Pari Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis,
awitin at tugtuging pangsimbahan. Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay
nina Kapitan Tiyago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapintan Tiyago., si Maria Clara, si
Ibarra at ilan pang Espanol. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas
lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.

You might also like