Professional Documents
Culture Documents
Mana Marga
Mana Marga
Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa mga estudyante ng Panpacipic University North Philippines
na may mga kahirapang hinaharap sa pagsusulit. Ang kaalaman tungkol sa iba’t-ibang bagay,
personalidad, at kaganapan, sa ating kapaligiran ay mahalaga. Kahit na ang impormasyon ay
tumatalakay sa isang simpleng bagay, ito pa rin ay binibigyang importansya. Kadalasan, ang mga
nakakalap nating impormasyon ay nag-mumula sa mga libro, dyaryo, telebisyon, radyo, at mga
sulating pananaliksik tulad na lamang nito.
Ang sulating pananaliksik, ay isinasagawa upang bigyang patunay at palawakin ang isang napiling
paksa.Sa ganitong paraan ay mas naliliwanagan ang kaisipan ng isang mambabasa at natututo sa
nasabing paksa. Makatutulong din ito upang bigyang linaw at itama ang ilang paksa, kung saan
ang nalalaman lamang ng mga tao tungkol dito ay mga malingsabi-sabi lamang. Ang sulating
pananaliksik na ito ay may layuning bigyang kaalaman ang mga mag-aaral tungkol sa mga
suliranin ng isang estudyante sa kanyang pag-aaral. Nakasaad sa loob ng pananaliksik na ito ang
mga kaalaman tungkol sa ilang suliranin ng mga estudyante.Ang pananaliksik at pagtuturo ay
isang prosesong paghahalili ng mga kaalaman dinay nangangailangan ng bahagi ng pag-
ebalwasyon na kung saan ito ay bahagi o isang paraan upang makamit ang pagkatuto.
Sa ating institusyon, mga kabataan ang siyang may malaking ambag sa paghubog ngating bayan.
Upang makamit ito, edukasyonang tunay na solusyon. Edukasyon ang siyang babago at
magmumulat pa sa mas malawak na kaalaman, ang siyang huhubog sa kabataang kapaki-
pakinabang at maging ganap at mahusay na tagapagturo salipunan.Ang isang pagsusulit ay
malaking bahagi ng edukasyon,ginagampanan nito ang paghubog ng kakayahan ng isang mag-
aaral. Isa rin itong kasangkapan o kagamitan sa pag-aaral upang malaman ang kalidad ng
pagtuturo ng isang guro. Ang pagsusulit (mga test paper) ay inihahanda ng mga guro na siyang
susuri at susubok naman sa kakayahan ng kanilang mga estudyante.
Maraming uri ang pagsusulit na siyang ginagamit ng mga guro upang suriin at alamin ang
kakayahan ng isang estudyante, nariyan ang pagsusulit na true or false o pagsusulit na tam o mali.
Ang pagsusulit na tama o mali ay isang uring papalit na pagsusulit na dalawa lamang ang
pamimilian ng gumaganap.
Pinakapayak at pinakamarami ang anyo ay ang wasto-mali at oo-hindi. Tiyak na nag-aanyaya sa
panghuhula. May modified na anyo ito, iyong ipatukoy ang bahaging mali, kung mali nga ang
pangungusap. Dili kaya’y sagutin nang sang-ayon o hindi sang-ayon at kung ang sagot ay hindi
sang-ayon, ipabago ang salita o bahagi ng pangungusap upang maging sang-ayon o tama ang
sagot.
Mayroon ding pagsusulit sa pakikinig, napakahirap para sa isang mag-aaral ng pangalawa o
banyagang wika ang pakikinig sa mahabang salaysay o usapan, maaaring ang mga pagsusulit sa
pakikinig para sa mga unang yugto ng pag-aaral ay maikling pahayag o usapan na binubuo ng
dalawa o tatlong linya.
Ang unang hakbang sa pagpapalawak ng kaalaman ay ang pagtanggap sa sarili niya na siya’y
may mga pasusulit na nararapat naharapin.(Cecil)
Ang mga impormasyong mababasa sa loob ay base sa mga impormasyong nakalap namin sa
internet at libro na aming nabasa. Makikita din sa pananaliksik na ito ang mga nailahad na iba’t-
ibang uri at katangian ng pagsusulit. Sinasagot din sa pananaliksik na ito kung bakit at kung
papano nga ba nahihirapan ang isang mag-aaral sapagsusulit. Binibigyang diin din sa pananaliksik
na ito ang kahalagahan ng pangangalap ng datos na bunga ng pananaliksik at iba pang mga paraan
ng pananaliksik.
Makipag-usap ng masinsinan at maramihan sa mga palaisip, gaya ng isang mabuting
mananaliksik upang maragdagan pa ang kabatirang nakukuha sa pangangalap ng datos at
impormasyon. (Jose Villa Panganiban)
Sa ganito’y maaring masabing hindi naaksaya ang panahong ikinapalad nating ikabuhay,
gawing makahulugan ang bawat buhay, galaw at kilos sa mundo. (Batubalani)
Sa pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin sa
pagkatalamngestudyanteng masipag mag-aralang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi
dapat gawin, at ang mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin. Mahalaga na sa kahit
anumang edad ay patuloy parin ang ating pag-aaral ngiba't-ibang bagay na makakatulong para
lumago at umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na may kinalaman sa
trabaho – kundi maging sa kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng pamilya o kaya'y sa
pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y pangkabuhayan o
pinansyal.
Inihahalintulad din ng mananaliksik ang oras sa pera, na napakahalaga at konti lamang sabi lang.
Kung gugugulin lamang ang oras sa walang saysay na mga gawain ay masasayang lamang ang
panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng mas importanteng mga bagay tulad ng mga takdang
aralin, proyekto, o pag-aaral para sa mga pagsusulit. Kailangan ay alam ng mga estudyante kung
paano gugugulin ng wasto ang kanilang oras upang maiwasan ang pagkakaroon ng mababang
iskor sa pagsusulit.
Narito pa ang ilang ideya tungkol sa pananaliksik mula sa pagsusulit. Mula pa noong panahon ng
ating Panginoon mayroon ng mga pagsusulit na nagganap na siyang ganoon ding nagaganap sa
kasalukuyang panahon. Sa ating pang araw-araw na buhay ay napakarami ng pagsusulit na
nagaganap at nararanasan.
Sa eskwelahan na siyang may kalahating pursyento sa ating buhay, ang mga pagsusulit na ito ang
nagpapatatag sa atin sa pang araw-araw at nagbibigay kaalaman sa mga panahon na gugulin pa
natin sa mundong ito habang tayo’y nabubuhay.
Kung tayo ay pagsusulitin sa mga ibinigay na talino, talento o mga "ipinahiram" sa atin na mga
katangian ng Panginoon, makapagsusulit ba tayo nang maigi? Paano at saan natin ginamit ang
mga "pahiram" sa atin ng Diyos? Napayaman ba natin o nagkaroon ba ito ng "tubo" ayon sa
inaasahan sa atin ng Panginoon?
Kaya naman nararapat lamang na ang bawat talino at talento na ibinigay sa atin ng Panginoon ay
gamitin natin sa makabuluhang bagay. Ang kanyang mga pinahiram na katangian sa atin ay
bigyang halaga habang maaga pa dahil tayo’y walang kaalaman sa pagsusulit na handa niyang
ibigay sa panahong di natin inaakala. Ating tandaan na ang bawat pagsusulit ay may kawangis na
aral at na dapat matutunan. Mga bagay na siyang magpapatibay sa atin.
Maituturing na maunlad na nga ang isang indibidwal kung ito ay nagagamit nito ang kanyang
kaalaman sa pag- unlad ng kabihasnan. Isa sa tinuturing na maunlad sa kasalukuyan ay ang ang
pamayanan ng paaralan. Ang pananaliksik na ito ay isasagawa upang makatulong sa mga mag-
aaral na may kahirapan sa pagsusulit sa kanilang mga asignatura.
Bakgrawnd ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay pinamagatang Mga kahirapang hinaharap sa pagsusulit ng mga mag-
aaral na nasa unang lebel ng tertiarya sa Panpacific University North Philippes. Ang mga katulong
sa pagbuo ng pananaliksik na ito ay ang mga estudyanteng kumukuha nag-aaral sa Panpacific
University North Philippines. Sila’y may bilang na 50 katao. Karamihan sa kanila ay may edad na
labing-walong taong gulang hanggang labindalawang taong-gulang.
Ang mga pangkalahatang layunin ng pag-aaral na ito ay:
1. Mahikayat ang mga kabataang gumawa ng mga bagay na nakakabutisa kanila sa pag-aaral sa
loob man o labas ng paaralan.
2. Maging mapili sa lipunang papasukan dahil maaringmakaimpluwensiya ito sa mga kabataan na
nag-aaral. Maaring angmga impluwensya na ito ay masama o makakabuti.Ang mga tiyak na
layunin ng pag-aaral na ito ay:
A.Malimitahan ng mga mag-aaral ang ibang bagay sa pag-aaral satamang oras.
B.Mamulat ang kanilang (mga mag-aaral) mga mata sa mga maaaringmasamang maidulot ng mga
bagay, kaibigan, lipunan, at marami pang-iba sa kanilang pag-aaral.
Paglalahad ng Suliranin
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang tiyakin at tugunan ang kanilang pangangailangan.
Ang pananaliksik na itoo ay higit na makatutulong sa mga mag-aaral na may mga kahirapan sa
kanilang pagsusulit. Makatutulong din ito sa mga guro upang lalong mapabuti ang kanilang
stratehiya sa pagtuturo. Layunin din nitong mabigyan ng tiyak na kasagutan at ang mga
sumusunod.
1. Ano ang pagkakakilanlan ng respondante.
a.Edad
b.Kasarian
c.Katayuan sa buhay
d.Kurso
2. Ano ang mga kadahilanan sa pagkuha ng kursong napili?
3. Anong kadahilanan sa pagpili o pag-aaral sa Panpacific University North Philippines?
4. Ano-anong asignatura nagkakaroon ng kahirapan sa pagsusulit?
5. Anong kadahilanan nahihirapan sa pagsusulit?
Isa sa mga posibleng maging kahalagahan nito ay ang mahikayat ang mga estudyante na mag-aral
ng mabuti. Mahalagang malaman din nila ang ilang mga kasagutan nila katulad ng:
Ano nga ba ang pag-aaral?
Ano ang kahalagahan ng pag-aaral?
Paano ko masisimulan muli ang mabuting pag-aaral?
Paano ko maipapasa ang aking pagsusulit?
Anu-anong mga bagay ang nararapat kong gawin para hindi na bumagsak ang pagsusulit ko?
Ilan lamang yan sa mga posibleng masagot ng pananaliksik na ito. Ang isa pang posibleng
kahalagahan ng pananaliksik na ito ay ang mahubog ang mga mag-aaral na panatilihing maging
maayos ang kanilang pag-aaral.Paano natututo ang mga mag-aaral? Ang kasagutan dito ang titiyak
kung paano dapat ihanda ang kaligiran para sa pagtuturo at pagkatuto at ito rin ang magtatakda
kung anong uri ng mga gawain ang dapat na ilaan sa mga mag-aaral. Marami nang mga
pagpapaliwanag ang ating nabasa hinggil sa kung paano natututo ng husto ang isang mag-aaral.
Ngunit halos magkakaiba at minsan ay nagsasalungatan pa ang mga ito sa isa‘t isa. Isang kampo
ang naniniwala na ang pagkatuto raw mula sa pagsusulit ay isang likas na kakayahan; may
naniniwala naman na ang pagkatuto sa isang pagsusulit ay bunga ng pagsisiskap.
Teoritikal/Konseptwal na Sandigan
Ang konseptwal framework ng pag-aaral na ito ay nagpapamalas sa pagitan ng kasarinlan at
pagbabago o pagiba-iba tungo sa pag-aaral.
Ang pananaliksik na ito ay kakikitaan sa pagiba-iba ng pagkatao at pansariling mga tugon ng
respondante, kasarian, talumpati ng mga tumugon, mga kadahilanan sa pagkuha ng kanilang mga
kurso, kadahilanan sa pagpili o pag-aaral sa Panpacific University North Philippines at
kadahilanan ng pagpupursige sa pag-aaral.
Personal na Pagkakakilanlan
· Pangalan
· Edad
· Kurso
· Paaralan
· Kasarian
Mga Dahilan sa
Kahirapan sa
Pagsusulit
Tugon
Kahalagahan ng Pag-aaral
Naniniwala ang mga mananaliksik na mahalaga ang pag-aaral na ito samga mag-aaral upang
magsilbing gabay ang mga kinalalabasan ng pananaliksikna ito, at makapagbibigay ng mga
kaalaman sa mga guro at mag-aaral namauunawaan ang kahalagahan ng pagsusulit sa bawat
asignatura, at para mapalawak ang pag-unawasa bawat isa na ginagampanan ng pinakamahalagang
papel ng wikang sa pagsusuit sa buhay ng tao o isang mag-aaral. Makatutulong din ang maga ito
sa mga guro at tagapamahalang isang institusyon na maliwanagan ang isang kabatiran sa
kahalagahan ng bawat uri ng pagsusulit. At maipabatid ang isang paraan sa pagtuturo ng kaalaman
atkaangkupan sa sarili at sa pagpapahalaga sa kabutihan ng pag-uugali ng isangtao. Gayon din ang
makapagbibigay sigla sa mga mag-aaral na madagdaganang kanilang kaalaman at upang lalong
maging mabisa at masanay sasa ibat-ibang lanrangan sa estado sa buhay ngtao.
Ang pananaliksik na ito ay mahalaga at may malaking ambag para sa mga sumusunod: Una ay ang
mga estudyante, sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng nais pang
pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Pangalawa ay ang School Administrator, makakatulong sa
pagpapabuti ng mga panuto, sa pagpapatupad ng mga patakaran at pagbibigay ng gawi at iba pa.
Pangatlo ay ang mga guro o instraktor, ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro lalo
na sa pagtuturo at kanilang stratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay magsisilibing gabay upang
mapabuti ang kakayahan sa pagtuturo. Pang-apat ay ang mga magulang, isang pag-asa na ang
pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa pagbubukas mata ng magulang para sa ana na lalo
pang makapagbigay gabay at suporta ukol sa pagiging responsible sa pag-aaral ng anak sa
kanyang mga asignatura.
Saklaw at Limitasyon
Ang pag-aaral ng mga paniniwala at gawi ng mga mag-aaral aynakakatulong sa kaalaman ng
paggamit ng kaalaman sa pagsusulit. Ang pag-aaral ay siyang napakalaking tulong at ugnayan sa
lahatng mamamayan sa Pilipinas. Ang mga paniniwala at gawi natin aysiyang nagbibigay ng
kaunlaran sa bansa, batay sa ating kultura at kolektebongkaban ng karanasan ng mga tao sa ating
kapaligiran, mahalaga rin sa atingmamamayan na patnubayan at paunlarin ang ating naturang
kaalaman sa paraang pagsusulit at pagpapalawak nito.
Ang Pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga paniniwala at gawi ng mgamag-aaral sa iba’t-
ibang asignatura na nasa antas ng tertiary. May kabuuan na 50 na respondent, ang binigyan ng
mgatalatanungan at itoy ipinasagot sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang seksyon (Panpacific
University North Philippines) ngnabanggit na paaralan sa pamamagitan ng sistematikong
pamamaraan. Ang pag aaral na ito ay higit na malaking tulong sa bawat mag aaral upang malutas
ang kanilang kahirapang hinaharap ukol sa mga pagsusulit na naisasagawa sa paaralan.
Malalaman din nila ang iba’t-ibang paraan upang malagpasan ang mga kahirapang ito. Nais din ng
mga mananaliksik na malutas ang mga kahirapang ito upang higit na makatulong sa mga mag-
aaral at mga stratehiyang nararapat na gamitin ng guro para sa mga mag-aaral.
Depinisyon ng mga Salitang Ginamit
Upang lalong maunawaan ang pananaliksik na ito narito ang mga salitang ginamit sa pag-aaral na
binibigyang kahulugan ayon sa konsepto ng pagkakagamit nito at ayon sa konsepto na
pagkakagamit nito sa pag-aaral.
Edad- Ito’y nagbibigay kahulugan sa taon ng mga sumagot o respondante na may hangganan ng
taon mula labing-walo hanggang dalawampung taong gulang.
Estudyante - Sila ang tuwirang benepisyaryo sa edukasyon, mga estudyanteng nais pang
pagbutihin ang kanilang pag-aaral.
Guro/Instraktor-Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro lalo na sa pagtuturo at
kanilang stratehiya. Gayundin, sa pag-aaral na ito ay magsisilibing gabay upang mapabuti ang
kakayahan sa pagtuturo.
Magulang-Isang pag-asa na ang pananaliksik na ito ay magsisilbing gabay sa pagbubukas mata ng
magulang para sa ana na lalo pang makapagbigay gabay at suporta ukol sa pagiging responsible sa
pag-aaral ng anak sa kanyang mga asignatura.
Pananaliksik -ng pananaliksik ay isang sistematikong paghahanap sa mga mahahalagang
impormasyon hinggil sa isang tiyak na paksa o suliranin.Ang ibig sabihin ng pananaliksik ay
pagreresearch. Ito’y karaniwang isinasagawa sa paaralan o sa pagdidiskubre ng mga bagay-bagay.
Pagkakakilanlan- Ito’y nagbibigay kahulugan sa isang indibidwal na katangian at impormasyon ng
mga respondante gaya ng kanilang edad, kasarian, katayuan sa buhay at tirahan.
Pagsusulit- Ito’y sumusukat sa kaalamn ng mag-aaral sa anyang pag-aaral sa eskwelahan.
Questionare- Ito’y nagbibigay kahulugan sa instrumentong ginamit upang mangalap ng mga
impormasyon mula sa respondante.
Respondante- Ito’y nagbibigay kahulugan sa mga (1st year college students) mga estudyante ng
Panpacific University North Philippines na may iba’t-ibang kurso.
School Administrator-Makakatulong sa pagpapabuti ng mga panuto, sa pagpapatupad ng mga
patakaran at pagbibigay ng gawi at iba pa.
Sa mga kabataan.
Ang pag-aaral na ito ang magiging tulong nila para malaman ang mga problema at sanhi ng mga
suliraninkahirapang hinaharap ng mag-aaral sa pagsusulit.Ito rin ay tutulong sa kanila upang
kanilang makuro na may malaking kinakaharap na problema ang ating kabataan tungkol sa
Edukasyon.
Sa mga researcher
Ang kahalagahan ng pag-aaral na ito ay para makalikha pa siya ng mga impormasyon at
makagawa ang isang research na isang konklusyon na puwedeng niyang ipaalam sa ibang tao
upang mas maging laganap ang kaalaman ng mga tao tungkol sa pag-aaral na ito.
Sa komunidad.
Ang pag-aaral na ito ay tutulong sa mga mamamayan na maging bukas ang kanilang mga isip at
makagawa ng mga iba’t ibang kuro kuro para makatulong sa pagresulba sa kahirapang hinaharap
ng mga mag-aaral sa pagsusulit.
Kabanata II
Sa pag-aaral na ito, ang mga makabagong metodolohiya na patuloy na napahahalagahan ay
nakalap at nabigyang kasagutan kung aling metodoo pamamaraan ang marapat gamitin ng mga
guro upang makuha ang atensyon ng mga mag-aaral sa pagkatuto. Ang nasa ibaba ang binigyang
basehan sa paniniwala ng pag-aaral na sinaliksik ng mananaliksik upang maipabatid sa mga guro
ang lumabas na datos ng pangangalap ng kagamitan sa mga makabagong metodolohiya.
Ayon naman kay Santiago (2000:136) ang layunin sa pagtuturo mula pagsusulit sa
un,ikalawa,ikatlo at ikaapat na taon ay sumasaklaw sa paglinang ng mga kasanayan sa pagkilala at
pag-unawa, sa ikatlo at ika-apat na taon ay ang paglinang ng mabilisang kakayahan sa pagsususlit
na may sapat na pagkaunawa; sa ikalima at ika-anim ay ang paglinang ng palagiang kawilihan sa
pagbasa sa lalong maunlad na antas ng kanilang kakayahan. Ang mga kwentong napaplob sa mga
babsahing aklat sa bawat taon ay dapat maiugnay o maibagay sa antas ng paglilinang ng mga
mag-aaral tungo sa ikatatamo ng mga layunin.
Marami ring mga pag-aaral ang naisagawa sa larangan ng pagsusulit at ang magagawa nito sa
buhay ng tao.
Isa na dito ay ang sinabi ni Aist at Mostow (2000:32) na nagpapaliwanag sa kabutihang
makukuha sa pamamagitan ng pagsusulit gaya ng pagkakaroon ng dagdag na kaalaman, mga
ideya, mga mithiin, at mga pangyayari sa nakaraan.
Sa pamamagitan ng pagsusulit, nararanasan ng bumabasa ang pagbabago sa kanyang
kapaligiran, mula sa pangalan, sa komunidad patungo sa ibang daigdig. Ganito rin ang tinutukoy
ni Carver (1994:413) nang sabihin niya na sa buhay ay dalawa ang magagawang layunin ng
pagsusulit: una, nagiging daan ito upang magkaroon ng malinis at maraming impormasyon, at
pangalawa, upang matuwa at maligayahan ang isang tao sa pamamagitan ng pagsusulit.
Mula naman sa Lokal na Pag-aaral. Sa ginawang pag-aaral ni Piscasio (1995:21) ang mga
pagsasanay sa paglinang ng mga ksanayan sa pagsusulit sa Filipino at iba pang mga Asignatura,
kanyang natuklasan na ang kakayahan sa isang bagay ay hindi natatamo sa isang paraan lamang.
Nangangailangan ito ng iba’t ibang pagsasanay upang ang kinakailangang kakayahan ay matamo
ng mga mag-aaral.
Sa ginawang pag-aaral na ito na malaki nga ang tulong ng maagang kasanayan sa pagsusulit
subalit sa kasalukuyan nangangailangan pa rin ng mga makabagong teknik ukol dito na
kailangang sundin at pagbatayan.
Malaki nga ang nagagawang kabutihan ng kawilihan ng pagsusulit ng isang tao. Kaya,
napakahalagang malaman ng isang guro sa pagsusulit ang mga paraan upang maituro niya ng
mabisa ang mga aralin.
Katulad ng mga pag-aaral na isinagawa ni Carver (1994), sa pasalitang pagsusulit ang
pagsususring ito ay tumutukoy din sa iilang kamalian ng mga mag-aaral sa nasabing linya. Sa
pagsusuri na isinagawa ni Santiago tinukoy niya ang mga layunin ng pagsusulit at ang mga
kinakailangang sangkap upang matamo ang isang maayos na pagsusulit na siya ring mithiin ng
pagsusuring ito.
Sa kabilang banda, di tulad ng pag-aaral na isinagawa ni Baguio (1995), hindi binabanggit sa
pag-aaral na ito ang kaugnayan ng kapaligiran sa pagsusulit na pasalita ng mga mag-aaral.
Naranasan niyo na ba na mahirapan sa pag-aaral at pagsusulitl ng isang leksyon dahil hindi kayo
nagtala, wala kayong libro, o kaya naman ay kinulang sa oras? Marahil ay oo ang sagot ninyo
dahil lahat ng mag-aaral ay siguradong makakaranas ng mga problema sa kanilang pag-aaral. Ang
bawat estudyante sa kolehiyo ay may iba’t ibang gawi sa pag-aaral. May iba na mas komportable
sa pagtatala sa klase, at ang iba naman ay mas komportable sa simpleng pakikinig lang sa
propesor. May mga estudyante na mas gusto ang mag-isang nag-aaral at ang iba naman ay gusto
ng kolaborasyon. May iba’t ibang bagay na nakakaapekto sa pag-aaral ng estudyante tulad ng
oras, kaibigan, libangan at iba pa. Ang mga ibang mag-aaral ay nahihirapan sa lugar na maingay
dahil hindi sila makapagbigay ng atensyon sa kanilang ginagawa kaya isa sa mga paraan ng mga
mag-aaral ay ang pagpili o pag punta sa mas tahimik na lugar gaya ng silid aklatan upang sila ay
makapag-aral ng mas mabuti. Ang mga gawi sa pag-aaral ng mga estudyante sa kolehiyo ay
maaring makatulong o makasama sa kanilang pag-aaral kung kaya’t dapat ay bigyang pansin ito
(Mcwhorter, 1983).
Ang mga estudyante sa kolehiyo ay may kadalasang ginagawa sa pag-aaral na sa tingin nila ay
nakakatulong sa kanila. Ang isa dito ay ang pagtatala. Ang maayos at organisadong lecture notes
ay lubos na makatutulong sa iyo upang maipasa ang iyong kurso. Limitahan ang iyong mga notes
sa mga mahahalagang bagay lamang. Dapat ito ay konkreto at payak. Dapat ito ay nakaayos batay
sa pangunahing mga ideya at mga kaugnay na impormasyon. Ang mga katangian ng mabisang
pagtatala ay malinis, organisado, tiyak at payak, hindi ubos oras, at may kabuluhan. Sa pagsulat
nito, higit na mainam na gumamit ka ng bolpen kaysa lapis. Mahalaga rin ang double space o
triple space upang maintindihan ang iyong sinusulat. Ang sobrang espasyo ay makatutulong kung
may mga dagdag impormasyon ka na nais isingit sa pagitan ng mga pangungusap o ideya
(Norman, 1976).
Bago pa muna mapunta sa pagtatala ng leksyon, ay kinakailangan malaman at maintindihan muna
ang istilo ng pagtuturo ng propesor. Importanteng malaman ang grading system o ang balangkas
ng grade at alituntunin ng mga propesor. Kailangan ng matinding atensyon at dapat ay sensitibo
rin sa mga di-berbal na komunikasyon ng mga propesor, tulad ng eye contact,pagbaba ng tono,
binabagalan ang pagsalita, pagkumpas ng kamayupang maipakitang mabuti ang punto, nagsusulat
sa pisara o gumagamit ng projector,at nagpapamigay ng handouts (Matte, 1995). Ang pagsusulat
ng lahat ng takda ay nakatutulong upang hindi mo makalimutan ang mga dapat mong gawin para
sa susunod na araw. Ang mga takdang aralin ay maaari mong ilagay sa isang planner or kahit sa
isang simpleng kwaderno. Hindi naman masyado mahalaga kung saan mo ito isusulat. Ang
mahalaga ay maitala mo ang dapat mong gawin at ang petsa kung kalian ito kailangan. (Fleming,
2009)
May mga bagay na nakakaapekto sa pag-aaral, ito ay ang edad, kasarian, kurso, at taon sa
kolehiyo. Ang edad ay nakakaapekto dahil sa pag-iisip ng isang estudyante. May mga estudyante
na hilig ang paglalaro na maaring makaapekto sa kanyang pag-aaral. Ang kasarian ay
nakakaapekto dahil ayon sa mga naunang pag-aaral mas masipag mag-aral ang mga babae
kumpara sa mga lalaki dahil sa mga libangan tulad ng paglalaro sa kompyuter at paglalaro ng
sports. Ang kurso ay nakakaapekto dahil sa mga sabjek na pinag-aaralan. Pwedeng hatiin ang
kategorya ng kurso sa dalawa bilang kursong may kinalaman sa Sining at kursong may kinalaman
sa Siyensiya. Ang taon sa kolehiyo ay nakakaapekto din dahil sa pagtaas ng kahirapan ng mga
sabjek sa kolehiyo. Siguraduhin na ikaw ay nakakakuha ng sapat na tulog, pahinga, at maging sa
pisikal na pangangatawan.
Ayon pa sa aming mga nakalap na datos at iba pa. Ang isang dahilan kung bakit nagiging mababa
nahihirapan ang mga mag-aaral sa pagsusulit. Sa ngayon, halos karamihan sa mga mag-aaral ang
may kinahaharap nan ganitong sukiranin sa pagsusulit. Milyong mga estudyante mula elementary
hanggang high school hanggang sa tersarya ang may kinakaharap na ganito.
Ang pagbabahagi ng kaalaman sa pagitan ng guro at mga mag-aaral. Ayon sa aklat na Facilitating
Learning, ang mahusay na guro ay may kakayahang gawing interaktibo ang kanyang klase. Ibig
sabihin, ang mga mag-aaral ay mayroong pagkakataon na makipagpalitan ng ideya sa guro at
kapwa mag-aaral. Ayon sa pag-aaral, lumalabas na ang talakayan ay nakapagbibigay ng
makabuluhang pagkatuto at makabagong karanasan sa guro at sa mga-aaral.
Sa pag-aaral na ito upang ihanda ang mga mag-aaral sa pagsasalita, pagbabahagi ng kaalaman,
mahusay na pag-aanalisa attagapakinig na kung saan ang epktibong komunikasyon ay mabigyang-
pansin ang kanilang magagamit sa pang-araw-araw na pamumuhay.
Kabanata III
Sa bahaging ito nakapaloob ang mahahalagang impormasyon patungkol sa pagkakabuo at
pagkakagawa ng plano sa pananaliksik. Maging ang deskripsyon ng bawat disenyo ng
pananaliksik, populasyon o sampling na pamamaraan, instrumento at istatistiko ay nailahad din sa
aabahaging ito.
Disenyo at Paraan ng Pananaliksik
Naghanda muna ang mga mananaliksik ng mga talatanungan at pinasagutan sa mga respondente.
Pagkatapos ay pinag-isa ang mga magkakaparehong sagot. Kinuha ang bahagdan o porsyento ng
mga magkakaparehong sagot ng mga respondente sa bawat tanong sa talatanungan. Masusing
pinag-aralan at ginawan ng pagbubuod at konklusyon ang mga sagot ng mga respondente. Sa
paraang ito ay nakuha ang pananaw ng mga respondente ukol sa kahirapang kinakaharap ng mga
mag-aaral sa pagsusulit. Ang pag-aaral o pananaliksik na ito ay gumagamit ng deskriptibong
metodolohiya ng pananaliksik. Napili ng mga mananaliksik na gamitin ang Survey Research
Design, na gumagamit ng talatanungan (survey questionare) para makakuha ng mga datos.
Naniniwala ang mga mananaliksik na ito ang angkop upang lalong mapadali ang pag-aaral.
Mapapadali ang pagkuha ng datos mula sa mga naging respondent o sa mga sumagot ng sarbey na
isinagawa.
Nagbigay ako ng sampung (50) tanong sa bawat tao para sa isinasagawang pananaliksik. Sa 15
talatanungan, hindi lahat ay umangkop sa aming pag-aaral. Ang talatanungan ay nagpokus sa
pananaw ng mag-aaral tungkol sa mga kahirapang hinaharap ng mga mag-aaral sa pagsusulit.
Isinagawa sa pamamagitan ng mga gabay na tanong ang pag-aaral na ito. Naghanda ng sarbey ang
mananaliksik na naglalayong din makangalap ng mga datos upang malaman ang presentasyon at
damdamin ng mga respondente sa pagkuha ng mga datos tungkol sa mga salik na naka-aapekto sa
pagsusulit ng mga mag-aaral at kung anu-anong mga suliranin ang maaring makaapekto sa kanila.
Bukod dito, ay nagsagawa din kami ng pangangalap ng impormasyon sa internet upang makakuha
pa ng iba pang mahahalagang karagdagang impormasyon ukol sa iba pang mga suliranin. Kasabay
nito, nakakakuha din ang mananaliksik ng mga impormasyon tungkol sa iba’t-ibang kalagayan ng
mga mag-aaral.
Ang pamanahong papel ay isa lamang paglalahad ng epekto kung bakit may kahirapang
hinaharap sa pagsusulit ang mga estudyante sa iba’t-ibang asignatura, kaya naman hindi ito
nangangailangan ng mga numerikal na datos sa paglalarawan. Nangangailangan lamang ang
pamanahong papel ng wastong pagsuri sa mga datos na nakuha mula sa sarbey na sinagutan ng
mga respondente. Mula sa mga sagot na nakuha sa mga respondent sa pananaliksik o sa ginawang
pag-aaral at mula dito ay titignan ang mga pagkakapareho at pagkakaiba ng mga sagot. Sa
pamamagitan ng pagkukumpara ng mga datos at impormasyon ay mabubuo ang konklusyon at
maaring mga maging rekomendasyon.
Sa kabanatang ito napapaloob ang mga pamamamaraang ginamit ng mananaliksik upang
makakuha ng sapat na impormasyon na kinailangan upang maisakatuparan ang pag-aaral na ito.
Nakapaloob din ang mgahakbang na isinakatuparan ng mananaliksik at mga pamamaraang
istadistikang ginamit.
Ang mga pamamaraang ginamit ng mananaliksik upang makatipon ngmga datos ay ang survey
method. Ang mananaliksik at nangalap ng mgadatos sa pamamagitan ng pagbibigay ng
talatanungan na kung saan ang mga mag-aaral na nasa kursong edukasyon ay pumili ng mga
angkop na metodolohiya sa pagtuturo ng Filipino.
Dahil ninais ng mga mananaliksik ang pananaw ng mga respondyante tanging ang questionnaire
ang ginamit na instrumento upang maisakatuparan ang pananaliksik.
Kabanata IV
Legend:
1: Kompyuter - 20%2: Cellphone- 20%3: Makabagong Teknolohiya- 10%4: Mga Kaibigan-
30%5: Telebisyon- 10%6: Pag-ibig- 5%7: Problema sa pamilya- 5%
Sa limampu(50) na estudyanteng binigyan ng sarbey, halos lahat silaay nagsasabing kompyuter
ang madalas umagaw ng kanilang atensyon. Sadami ng mga computer addict at parami ng parami
ang mga nagigingcomputer games ‘di nakapagtatakang Kompyuter ang unang bagay naumaagaw
sa atensyon ng estudyante.
1. katamaran sa pag-aaral
maraming bagay na kumukuha ng atensyon nila3. hindi naiintindihan ang tinuturo ng mga guro4.
(sa kolehiyo) hindi nagtuturo ang ilang propesor5. may mga problema silang kinakaharap6. hindi
kayang balansihen ang kanilang oras<
Ayon sa talaan na nasa itaas, makikita dito na ang nauunang dahilanng mga estudyante ay ang
katamaran. Mas nagiging tamad dang ilangestudyante ngayon kaysa noon. Hindi maaring maging
dahilan angkatamaran sa pag-aaral.
Ilan pang mga katanungang nakapaloob sa sarbey
Tanong
Kabanata V
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
Ang maipapayo ng mananaliksik sa mga susunod na mananaliksik ay lakihan ang Limitasyon ng
pag-aaral na hindi lamang sa sariling eskwelahan, pati na rin sa iba pang mga unibersidad upang
mas maging komprehensibo ang pag-aaral. Maging mas masinop din sa mga impormasyon sa
pamamagitan ng paggamit ng mga “reference” kung saan gaganapin ang pagaaral.
Kinakailangan din na may kakilala ang mananaliksik na nagtatrabaho sa mga opisina ng mga
eskwelahan, partikular na sa “Dean’s Office” kung saan napakaraming impormasyon ang
makakalap.
At maging magalang din sa lahat ng mga tutulong sa mananaliksik o kung sino mang
makakasalamuhang mga tao dahil sila ay makakatulong ng malaki sa pag-aaral o sa pananaliksik.
Ang napakahalagang implikasyon ng pagkakaroon ng “incomplete” na marka ng mga estudyante
ay ang pagiging pabaya nila sa mga kursong “incomplete” sila. Sapagkat kung talagang
pinahahalagahan nila ang kursong ito, hindi nila ito babaliwalain bagkus, tutuunan pa nila ito ng
pansin.
Nakita sa resulta ng survey na halos “minor subjects” ang may incomplete ang mga estudyante.
Hindi sapat na dahilan ito upang huwag nang buhusan ng panahon ang mga kursong ito sapagkat
parte pa rin sila sa humuhobog, hindi lamang sa utak o pag-iisip ng maga estudyante, kung hindi
pati na rin sa kanilang mga personalidad. Maaring hindi pa nakikitaan ng mga estudyante ang
halaga ng mga kurong ito ngayon, pero lahat ng pinag-aaralan o kurso na kinukuha ng mga
estudyanate ngayon ay may malaking tulong sa buhay na haharapin ng mga estudyante sa labas ng
apat na kanto ng eskwelahan at sa pagharap sa totoong buhay na naghihintay sa kanila.
Kailangan ay alam ng mga estudyante kung paano gugugulin ng wasto ang kanilang oras upang
maiwasan ang pagkakaroon ng “incomplete” na marka. Inihahalintulad ng mananaliksik ang oras
sa pera, na napakahalaga at konti lamang sa bilang. Kung gugugulin lamang ang oras sa walang
saysay na mga gawain ay masasayang lamang ang panahon na sana ay nagamit sa paggawa ng
mas importanteng mga bagay tulad ng mga takdang aralin, proyekto, o pag-aaral para sa mga
pagsusulit.
Napakalaking abala ang pagkumpleto ng requirement sa isang “incomplete” na marka, hindi
lamang sa parte ng estudyante, kundi sa propesor narin.
Ang lahat ng ito ay nag-uugat lamang sa isang sanhi, at ito ay ang pag-aaral ng mabuti. Sa
pamamagitan ng pag-aaral ng mabuti, walang makakaligtaang proyekto o takdang aralin sapagkat
alam ng estudyanteng masipag mag-aral ang kanyang mga prioridad, mga dapat at hindi dapat
gawin, at ang mga mahahalagang bagay na dapat pagtuunan ng pansin.
Mahalaga na sa kahit anumang edad ay patuloy pa rin ang ating pag-aaral ng iba't ibang bagay na
makakatulong para lumago at umunlad ang ating kabuhayan. Ito ay hindi lamang sa mga bagay na
may kinalaman sa trabaho - kundi maging sa kalagayan ng pagsasama ng mga miyembro ng
pamilya o kaya'y sa pagpapatakbo ng buhay, aspetong sosyal, pangkultura, pampolitika o kaya'y
pangkabuhayan o pinansyal.
Ang mananaliksik ay napag-alamang nasa mga metodolohiyang ginagamit ng bawat guro ang
interes ng mga mag-aaral upang mag-aral at magkaroon ng makabuluhang pagkatuto. Ang
mananaliksik ay nagbibigay lamang ng mga datos kung paanong ang mga mag-aaral na may
kahirapang hinaharap sa pagsusulit, sa mga magulang at sa mag-aaral na makipagtulungan sa mas
higit naikauunlad ng pagtuturo at maitaas ang kalidad ng pagkatuto hanggang sasusunod pang
henerasyon. Ang metodolohiyang lumabas sa pag-aaral ay dapat na malinang sa mga tagapagturo
ng kaalaman upang ito ay mapakinabangan sa pamumuhay ng mga nagnanais na magtagumpay.
Ang pananaliksik na ito ay isang pag-aaral sa mga problemang pang-edukasyon ng mga mag-
aaral, kung anu-ano ang mga dahilan kung bakit nagkakaroon nito at mga epekto kung ito’y
nakakabuti o nakakaganda sa isang mag-aaral. Para sa pananaliksik na ito ako’y gumamit ng mga
tanong na magbibigay at maglalahad ng mga kanya-kanyang propisisyon at kuro-kurona
nanggaling sa aming nasarbey.
14 (na) komento:
‹
›
Home
Tingnan ang bersyon ng web
Tungkol sa Akin
Aking larawan
Kimberly Marie Padilla
Tingnan ang aking kumpletong profile
Pinapagana ng Blogger.