Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Kaugnay na pag aaral

Panitikan Tabloid, komiks, magasin,at mga kontemporaryong dagling katha


Jarmaine Taumatorgo

Technological Institute of the Philippines

Oct 28, 2013

Pahayagan (tabloid)

Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma’y hindi mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Ayon
kay William Rodriguez, “Sinasabing ang tabloid ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito ay Ingles ang
midyum.”Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot kaya lang ang presyo. Ang katibayan nito ay ang
dami ng mga tabloid na makikita sa bangketa.

Iba’t iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo. Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis,
sports, literatura o di kaya’y magsagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para magustuhan ng mga tao.
Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa. Ang TABLOID ay pang-masa dahil sa Tagalog ito nakasulat bagama’t ilan dito
ay Ingles ang midyum. Subalit, sa tabloid masyadong binibigyang diin ang tungkol sa SEX at KARAHASAN kaya’t tinagurian itong
sensationalized journalism. Ito ay dahil sa katangian na ang magandang balita ay nasa masamang balita. Mayroong humigit sa
dalawampung national daily tabloid ang nagsicirculate sa bansa.

KOMIKS

Ang komiks ay isang grapikong midyum kung saan ang mga salita at larawan ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o
kuwento. Maaring maglaman ng isang diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan, na maaring maglarawan o
maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang makaapekto nang higit na may lalim.Bagaman palagiang paksang katatawanan ang
komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre), hinahayaan
ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Komiks- isang makulay at popular na babasahin na nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba’t ibang kaalaman at nagsulong ng
kulturang Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng imahinasyon.Sinasabing
si Jose Rizal ang kaununahang Pilipino na gumawa ng komiks. Taong 1884 inilathala sa magasing “Trubner’s Record” sa Europa ang
komiks strip niya na “Pagong at Matsing”, halaw mula sa isang popular na pabula ng Asya.

Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa bansa magmula nang lumabas ito sa magasin bilang page filler sa entertainment
section noong 1920. Halimbawa: Halakhak Komiks (1946) Pilipino Komiks (1949) Tagalog Komiks (1949) Silangan Komiks (1950).
Subalit humina ang komiks sa pagpasok ng dekada otsenta nang ipatanggal ng ilan sa nilalaman at ipinag-utos ang paggamit ng
murang papel. Naapektuhan ang kalidad at itsura ng papel. Umalis ang mga dibuhista ng komiks sa Pilipinas at nagtrabaho na
lamang sa Amerika sa parehong industriya. Alfredo Alcala ,Mar Amongo, Alex Nino. Pagkatapos ng Martial Law, muling namuhunan
ang industriya ng komiks. Sumikat sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang interes sa komiks ay tumagal lamang
hanggang 1990. Nahumaling kasi ang mga tao sa iba’t ibang anyo ng paglilibang.

Carlo J. Caparas- taong 2007 tinangka niyang buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng
mga ginawa nilang komiks caravan sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas.

Ayon sa blog ni Fermin Salvador, ‘world-class’ ang kakayahan ng mga Pilipino sa paglikha ng komiks.

Mga komikerong kilala sa labas ng Pilipinas:

Gerry Alanguilan

Whilce Portacio

Philip Tan

Alfredo Alcantara
Ayon kay Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. “Hindi mamamatay ang komiks dahil may kakanyahan ito. Ang
katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hindiing hindi mamamatay sa kulturang Pilipino hangga’t ang mga Pilipino ay may
mga mata para makakita at bibig para makabasa– magpapatuloy ang eksistensya ng komiks.

MAGASIN

Hindi nawawala ang Liwayway kung paguusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng ng mga maikling kuwento at
sunod-sunod na mga nobela. Naging paraan ito para mapalago ang kaalaman ng mga Pilipino. Bago pa man ang digmaang Pasipiko,
ang araw ng pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya at nagiging dahilan rin ng
kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela. Mga nangungunang magasin sa Bansa FHM(For Him
Magazine)tumatayo bilang mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapagusapan ng
kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig at iba pa.

COSMOPOLITAN- magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan
tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.

GOOD HOUSEKEEPING-Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga artikulong nakasulat dito ay tumutulong sa kanila upang
gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.

YES!-Ang magasin ay tngkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging bago, puno ng nakaw- atensyon na larawan at
malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.

Metro-Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

CANDY- Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na na mas
nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa.

MEN’S HEALTH-Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa isyu ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pagehersisyo,
pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito kung kaya ito ay naging paborito ng
maraming kalalakihan.
T3- Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito
rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga ng mga gadget.

ENTERPRENEUR- Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo.

KONTEMPORARYONG DAGLI

Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang
pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano. Wala ring nakakatiyak sa
angkop na haba para masabing dagli ang isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba ng
isang maikling kuwento. Kilalang manunulat ng dagli: Inigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazin De Jesus,
Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana, Lope K. Santos

Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na sumulpot ang dagli noong 1902; kasabay ng
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang 1930. Ayon naman kay
E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na Instantaneas.

Gayunman, hindi malinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil
hindi pa mailinaw kung hinango nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Kastila dahil hindi pa malinaw
noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa ngunit patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling kuwento at nobela pagsapit ng 1920.

Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila ni Tolentino para sa antolohiyang “ang Dagliang
Tagalog: 19031936” ang tumatalakay sa mga karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang kanilang ginagalawan.
Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang
kanilang mga damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.

Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula sa harap ng pahina ng mga pahayagan hanggang sa
maging nakakahong kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga kolum, oangunahing balita (headline) sa
pahayagan at telebisyon.

Aniya, “na-transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang lehitimong pangalan at
katawagan– anekdota, slice-oflifem day-in-the-life, at iba pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media)

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction sa Ingles ang dagli.

Ayon kay Dr. Reuel Molina Aguila, naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng katawagang
flash fiction na umusbong noong 1990. Maari itong nagmula sa anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya’t masasabing
marami sa mga probinsiya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng kuwentuhan.

Noong 2007, lumabas ang antolohiyang “Mga Kuwentong Paspasan na pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon.Taong
2011 naman nang mailathala ang “Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kuwentong Pasaway, Paaway, at Pamatay)” ni Eros
Atalia.Inilathala naman nitong Mayo 2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na “Ang Autobiografia ng
Ibang Lady Gaga”. Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang tuluyan, pasingaw, at proto-ficton o micro-
fiction sa Ingles.

Halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros “Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae, at
reporter ay may malaking ipinagkakaiba.” “Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.”, “At ang
pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa pahayagan.” (Sampaguita, 8 Nobyembre 1932)

Abdon Balde Jr., isang manunulat - Ayon sa kanya mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Filipinas ay
pinagtatalunan din kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento.
Lumabas ang “Mga Kuwentong Paspasan” na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga kuwento ay walang sukat at
karamihan ay lampas ng 150 salita.

Si Vim Nadera ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario, Pambansang Algad ng Sining sa
Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa flash fiction.Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni Abdon Balde
Jr. ang Kislap. Kuwentong Isang iglap , kung kaya’t nailathala ang “Kislap” ng manunulat na si Abdon M. Balde Jr.”

MAGASIN FILIPINO

Janelle Langcauon

Jan 1, 2017

1. Magasin Halina’t Alamin…

2. Alam mo ba kung ano ang magasin? May kaunting alam po ako ngunit hindi po ito ganoon kalawak

3. Magasin • Ang magasin ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at iba pa.
kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. • Ito ay may sukat na mas
malaki kaysa aklat ngunit mas maliit kaysa pahayagan. • Maaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga produkto na iniindorso
ng mga sikat na tao sa bansa.

4. Mga Halimbawa ng Magasin Mga Magasin NOON at NGAYON

5. Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas Lipang Kalabaw (1907) - Ang magasin ay pag-aari ng editor din nito na si Lope K. Santos.
Ang Lipang Kalabaw ay tumatalakay sa mga isyu ng politika, lipunan at kultura. Naging kontrobersyal ang magasing ito dahil sa mga
karikatura ng mga kilalang personalidad ng panahong iyon. Ayon sa mga mananalaysay ng sining, ang mga karikaturang ito ay
iginuhit ni Jorhe Pineda. Tumigil ang operasyon ng magasin noong 1909 dahil sa mga reklamo ng mga opisyal ng pamahalaan na
parati nitong tinutuligsa. - Ito’y nailathala sa tatlong magkakaibang panahon:1907-1909, 1922-1924, 1947-1948 dahil sa paulit-ulit
na pagpapatigil dito. - Ilan sa mga tinuligsa nitong pulitiko ay sina Gobernador Leonard Wood. - May mga komiks din na nailathala
dito bilang isang “page filler” na tumutuligsa sa pamumuno ng mga Amerikano.

6. Lipang Kalabaw

7. Telembang (1922-1924) -ay isang satirikong lingguhang magasin na nasa sirkulasyon ng industriya noong 1922 hanggang 1924.
Ang pangunahing editor sa magasing ito ay si Inigo Ed Regalado. - Ang magasing ito ay naglalaman ng mga nakakatawang mga
kwento mga caricatures at mga cartoons. - Ayon sa mga historyador ang mga cartoons sa magasing ito ay likha nina Fernando
Amorsolo at Jorge Pineda. - Ang magsing ito ay naglalaman ng mga satirikong cartoons na laban sa mga Amerikano at mga
pederalista. - Mayroong 111 isyu ang magsing ito. Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

8. Telembang

9. Liwayway (1922) - Naunang nakilala bilang “Photo News” ito’y naglalaman ng mga larawan, balita, salaysayin, sanaysay, prosa, at
tula, at nasusulat sa tatlong wika. - Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas. Naglalaman ito ng
mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. -
Inilunsad ni Ramon Roces ang mga magasin na nasa katutubong wika. - Mayroon pa ring magasing Liwayway hanggang sa
kasalukuyan. Mga Kauna-unahang Magasin sa Pilipinas

10. Luma (1931) Bago (2015) Liwayway

11. MAGASIN PRESYO BILANG NG MGA WIKA Lipang Kalabaw 14¢ 3 wika Telembang 14¢ 3 wika Liwayway 12¢ 1 wika

12. Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga
Pilipino mula nang magpasukan ang iba’t ibang magasin mula sa ibang bansa. Dahil sa pagbabagong nagaganap naghanap ang mga
tao ng ibang uri nang mga magasin na sasakto sa kanilang panlasa at mga hinanahanap. At dahil sa mga ito umusbong ang industriya
ng mga makabagong magasin.
13. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan.

14. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Cosmopolitan - Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at
aliwan.

15. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga responsibilidad at maging mabuting maybahay.

16. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay
palaging bago, puno ng mga nakaw- atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol sa mga pinakasikat na artista sa bansa.

17. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.

18. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Candy Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan.
Ito ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa

19. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Men’s Health - Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu
ng kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang
nilalaman nito, kung kaya ito ay naging paborito ng maraming kalalakihan.

20. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga napapanahong balita at gabay tungkol sa pag-aalaga
ng mga gadget.

21. Mga Nangugunang Magasin sa Bansa sa Kasalukuyan Entrepreneur -Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.
22. Ngayon sa tingin ko’y sapat na ang iyong nalalaman Ngayon oras na para sa pagsusulit. PAGSUSULIT? Syempre HANDA NA AKO!

23. PAGSUSULIT… 1. Ang ________ ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming artikulo,kwento,larawan, anunsyo at
iba pa. kalimitang pinopondohan ng mga patalastas. Ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. 2. Ito ay ang kauna-
uanahang magasin na lumabas noong 1907 3. Ang magasin na Telembang ay nagsimula noong taong __________ at natapos ang
paglalathala noong __________. 4. Ang Magasing telembang ay may ilang isyu? 5. Sa anong pangalan unang nakilala ang Magasin na
Liwayway? 6. Magkano naibebenta noon ang magasing Lipang Kalabaw?

24. PAGSUSULIT… 7. Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito ay gawa ng mga batang manunulat na
mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga mambabasa. Ano ang magasin na ito? 8. Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming
bagay tulad ng buhay, pag-ibig, at iba pa nang walang pag-aalinlangan. Anong magasin ang tinutukoy sa pahayag? 9. Magasin para
sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng negosyo. Ano ito? 10. Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang
mga pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ano ang magasing sinasabi sa pahayag?

25. MGA KASAGUTAN

26. 1.Magasin 7.Candy 2.Lipang Kalabaw 8.FHM / For Him Magazine 3.1922-1924 9. Entrepeneur 4.111 na isyu 10. T3 5.Photo News
6.14 ¢

You might also like