Panahon NG Komonwelt

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Panahon Ng Komonwelt

*Komonwelt ng Pilipinas o Malasariling Pamahalaan ng Pilipinas ay ang tawag pampolitika


sa Pilipinas noong 1935 hanggang 1946 kung kailan komonwelt ng Estados Unidos ang bansa.
-Bago ng 1935, isang pook-insular na di-komonwelt ang Pilipinas, at bago pa doon,
teritoryo lamang ito ng Estados Unidos.
*Ibinatay sa Batas Tydings-McDuffie ang pagbuo sa Komonwelt.
-Ayon sa batas, magiging panahong pantrasisyunal ang Komonwelt bilang paghahanda sa
ganap na kalayaan at soberanya na ipinangako sa Philippine Autonomy Act o Batas Jones.
*Manuel L. Quezon ang unang pangulo ng komonwelt.
*Sergio Osmeña ang ikalawang pangulo ng komonwelt.
*Manuel Roxas ang naging huling pangulo nito.
*Tuluyan nang ibinuwag ang Komonwelt noong 1946 at naging republika ang Pilipinas.

Pambansang wika

-Ang isang probsiyon sa kontitusyong ipinatupad ni Quezon ang tanong hinggil sa


pambansang wika ng Pilipinas. Pagkatapos ng isang taong pag-aaral, ang Surian ng Wikang
Pambansa na itinatag noong 1936 ay nagrekomiyendang ang wikang Tagalog ang gawing basehan
ng pambansang wika. Ang mungkahing ito ay mahusay na tinanggap sa kabila ng pagiging
katutubong Bisaya ng unang direktor nitong si Jaime C. de Veyra. Noong Disyembre 1938, si
Quezon ay naglabas ng proklamasyon na nagpapatibay sa konsitusyong ginawa ng Surian at
naghahayag na mangyayari ang pagtangap ng pambansang wika sa dalawang taon mula nito.

MANUEL L. QUEZON

Si Quezon ay ipinanganak sa Baler sa distrito ng El Principe. Ang kanyang mga magulang ang mga
Espanyol na sina Lucio Quezón at María Dolores Molina. Ang kanyang ama ay isang guro ng
panimulang baitang mula sa Paco, Maynila at isang retiradong sarhento ng hukbong Espanyol
samantalang ang kanyang ina ay isang guro ng panimulang baitang sa kanilang bayan.

Siya ay nag-aral sa mga panimulang baitang sa mga libreng pampublikong paaralan na itinatatag ng
mga Espanyol sa Pilipinas sa kanyang bayan. Siya ay nag-aral sa Colegio de San Juan de Letran
sa mataas na paaralan. Noong 1898, ang kanyang ama at kapatid na si Pedro ay tinambangan at
pinaslang habang pauwi sa Baler mula Nueva Ecija. Noong 1899, si Quezon ay huminto sa kanyang
pag-aaral ng batas sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Maynila upang sumali sa pakikibaka para sa
kalayaan ng Pilipinas mula sa Estados Unidos na pinamunuan ni Emilio Aguinaldo. Noong
Digmaang Pilipino-Amerikano, siya ay isang ayuda-de-campo kay Aguinaldo. Siya ay umakyat sa
ranggong Major at lumaban sa Bataan. Pagkatapos niyang sumuko noong 1900, si Quezon ay
bumalik sa unibersidad upang tapusin ang kanyang pag-aaral at nakapasa sa mga eksaminasyon
sa batas noong 1903 na naging ikaapat sa mga kumuha nito.

Siya ay nagtrabaho bilang isang clerk at surveyor. Siya ay pumasok sa serbisyong pampamahalaan
bilang hinirang na piskal ng Mindoro at kalaunan ng Tayabas. Siya ay naging konsehal at nahalal na
gobernador ng Tayabas noong 1906.

Pinakasalan ni Quezon ang kanyang unang pinsan na si Aurora Aragon noong 17 Disyembre 1918.
Sila ay may apat na anak.

You might also like