Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Kabanata 1

Ang Suliranin

INTRODUKSYON

Ang sariling wika ay isang instruments na mahalaga at

kinakailangan ng isang bansa dahil ito ang ginagamit sa pakikipag-

ugnayan at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ito din ang nag

bibigay daan sa pagkakaisa ng mamamayan at nagbibigay tulong sa pag-

unlad ng ibat ibang aspekto at ekonomiya ng isang bansa.

Ang wikang Filipino sa makabagong panahon ay patuloy na

umuunlad at nag babago. Gumagamit na din tayo ng ibat-ibang paraan

upang mas mapaikli ang pagbigkas at paggamit ng wika,ilang halimbawa

ng pagpapalawak ng bokabularyo ay ang paggamit ng akronim o

paggamit ng mga letrang nag prepresenta sa isang salita o tumatayo

bilang kapalit ng isang salita. Sumunod na halimbawa ay ang pag gamit

ng arkayk sa pamamagitan nito pinapalitan ng mga makabagong salita

ang mga salita noong unang panahon upang madaling gamitin at mas

magandang bigkasin at pakinggan. At ang pinakausong Salita sa panahon

ngayon at ang pag gamit ng salitang balbal, Ito ang pinakamababang

antas ng wika na karaniwang ginagamit ng mga kabataang mag-aaral at

bakla nakakaapekto sa kanilang pamumuhay,lipunan at pati narin sa

ekonomiya
I.Panimula

Ang wika ay isang mahalagang aspeto ng bawat kultura.

Kasangkapang ginagamit ng lahat ng antas ng tao sa lipunang

kinagagalawan. Ang pagsilang ng wika ay nagibibigay buhay sa

sibilisasyon. Sa pamamagitan nito, malinaw na nailalarawan ang bawat

karanasan at damdamin ng bawat tao. At sa pagkakaroon ng sariling wika

ay lubusang naipapahayag ng nakararaming mamamayan ang kanilang

kaisipan. Ang isang bansa na may sariling wika ay nangangahulugang

malaya ito. Ang wika ay isang paraan ng komunikasyon. Dahil sa wika

nagkakaintindihan ang lahat ng tao. Iba’t-ibang wika sa bawat lugar,

komunidad, at bansa. Mahalaga ang wika ng isang bansa katulad ng

Wikang Filipino. Ang Wikang Filipino ay sumisimbolo sa kultura ng mga

Pilipino kung sino, ano, at meron sila. May mga salitang naibaon na sa

limot, may 'di na mauunawaan ng karamihan, may umuusbong, may

bumabalik ngunit may iba nang pakahulugan. Gaya ng mga gamit sa

katawan, sumasabay din daw sa uso ang wikang Filipino. At kahit

nagkakaroon ng mga pagbabago sa ating wika, patuloy nitong pinag-

uugnay ang mga Pinoy kahit saan man at kahit ano man ang kanilang

katayuan. Sa pag-usbong ng modernong teknolohiya at mga bagong

paraan ng komunikasyon tulad ng text messaging at social media, hindi

maiiwasan na may mga sinaunang salita na nababaon na sa limot o

nalilipasan na ng panahon. Ayon kay Manibo (2016), makulay at

makapangyarihan ang wikang Filipino kung ikukumpara sa ibang wika.


Sadyang napakasarap pakinggan ng ating pambansang wika kung

gagamitin lamang sa tama ng nagsasalita. Batid sa ating lahat na may

suliranin pagdating sa usapin ng wika dito sa ating bansa sapagkat mas

tinatangkilik ang wikang banyaga. Kahit saan ka magawi ay maririnig mo

ang hindi wastong paggamit ng ating wika kahit sa mga paaralan at mga

establisyementong propesyunal. Mababasa ang kamaliang ito maging sa

mga tabloid at mga post sa social media at sa pagsusulat sa mga

artikulong ipinapahayag sa mamamayan. Ngunit mayroon pang pag-asa

sa kabila nang lahat ng ito. Ang mga kabataan ang may malaking

responsibilidad sa pagpapaahon ng ating wikang pambansa mula sa

kinasasadlakan nito sa kasalukuyan. Ang mga kabataan ang may

kapangyarihan na iangat ang antas ng wikang Filipino kung may

matinding pagnanais sila at masidhing pag-ibig sa bayan. May pag-asa pa

at hindi mawawalan ng pag-asa hangga’t buhay sa bawat Pilipino ang

kanyang pagmamahal sa wikang pambansa.

Ayon kay Sapin (1961), tanging tao lamang ang nakagagawa ng

wika at sa paraang hindi katutubo o likas sa tao’y naipahahayag ang

kanyang isip, damdamin at mga ninanais sa pamamagitan ng mga

sadyang isinagawang simbolo. Matatagpuan sa wika ang mga tanda o

simbolo na nagkakaroon ng kahulugan ayon sa mga gumagamit nito.

Sinasabing ang mga tao ay nabubuhay sa mga simbolo na knikontrol

naman nila. Ang kakayahan ng tao na kontrolin ang mga simbolong ito’y

nagpatangi sakanya sa iba pang nilikha. Ito rin ang ikinaiba ng tao sa
hayop. Tulad ng ibang aspeto ng kultura, ang lenggwahe ay napag-

aaralan sa pamamagitan ng obserbasyon ng asal o ugali ng tao lalo’t higit

sa pagsasalita. Samantala, Ayon naman kay Kazuhiro(2009), Ang balbal

na salita ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang particular na grupo ng lipunan. Ang antas ng lipunan na lalong

nanghihikayat sa mga kabataan na makasanayang bigkasing madalas

ang mga salitang ito. Kalunos-lunos ang magiging bunga nito kung hindi

natin bagbibigyan ng sapat na lunas o solusyon ang suliraning ito.

Paglalahad ng suliranin

Paglalahad ng suliranin:

1.Anu-ano ang mga suliranin ng makabagong paggamit ng wikang Pilipino

na nakakaapekto sa isipan ng mga kabataang mag-aaral?

2.Bakit mas binibigyang pansin ng mga kabataan sa ngayon ang

makabagong paggamit ng wikang Pilipino kesa sa wikang ginagamit

noon?

3.Anu-ano ang mga salik na nakaapekto sa ating wikang Filipino na

nagtulak sa mga kabataan upang makaligtaan ang importansya ng ating

pagiging Filipino pati narin sa ekonomiya ng bansa natin?

Kahalagahan sa Pag-aaral

Ang wikang Filipino ay napakahalaga sa ating bansa dahil ito ang

ginagamit ng bawat Pilipino sa pakikipagkomunikasyon at pakikipag

talastasan upang mas maunawaan at magkaintindihan ang bawat isa. Ito


rin ang nakakatulong upang mas mapaunlad natin ang ekonomiya ng

ating bansa. Kaya ang pag-aaral na ito ay makakatulong at

mapapakinabangan ng bawat kabataang mag-aaral.

1.Sa mga mag-aaral. Ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang

malaman ng bawat isa na ang ating wika ay kailangang kamitin sa tamang

paraan na may respeto dahil ang wika ay makakatulong din di lamang sa

ekonomiya ng bansa pati narin sa kanilang pag-aaral.

2.Sa mamanayan. Ang pag-aaral na ito ay makakatulong upang kanilang

malaman nila ang kahalagan ng ating wikang at kong paano nito

napaunlad at ating bansa.

3.Sa mga susunod pang Henerasyon. Ang pag-aaral na ito ay maari

nilang magamit at balikan upang malaman ang kahalagahan ng wika sa

ating bansa at kung paano nabago ang sinaunang wikang Filipino ng ating

bansa sa paglipas ng panahon.

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang malaman ang pagbabago

ng wikang Filipino sa pag-lipas ng panahon ay patuloy na nagbabago at

patuloy na namamana ng bagong henerasyon. Sa pag unlad na ito may

mga limitasyon lamang na kailangang isaalang-alang Ang dahilan nito ay

upang hindi matakloban ang wikang ating kinagisnan at mas mabigyang

pansin ang kaayusan ng paggamit ng wika. Ginawa ito upang malaman

ang pananaw ng mag-aaral senior high school ng Tanauan Institute.


Depinisyon/kahulugan ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na salita ay binigyan ng kahulugan upang

mas malaman ang kaalaman ng pag-aaral na ito.

1.Wika- ay isang bahagi ng pakikipagtalastasan. Kalipunan ito ng mga

simbolo,tunog, at mga kaugnay na batas upang maipahayag ang nais

sabihin ng kaisipan.Ginagamit ang pamamaraang ito sa pagpapaabot ng

kaisipan at damdamin sapamamagitan ng pagsasalita at pagsulat.

2.Balbal- ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o

salitang kalye. Ito ang mga salitang nabuo o nalikha sa impormal na

paraan. Ito rin ang mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o

pinagdugtong na salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

3.Akronim- Ginagamit ang mga letra na nagpepresentansa isang salita o

tumatayo bilang kapalit ng salita.

4.Arkayk-Ay ang lumang tagalog na ginagamit bago ang wikang Filipino

noong 1973.

5.Ekonomiya- ay binubuo ng mga sistemang ekonomiko ng isang bansa o

ibang area: ang trabaho, puhunan, at mga pinagkukunang lupain at ang

pagmamanupaktura, produksiyon, pangangalakal, distribusyon, at

konsumpsiyon ng mga kalakal at serbisyo ng areang ito.

You might also like