Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

MGA KAGAMITAN AT

KASANGKAPAN SA PAGHAHALAMAN
Maaaring maghalaman na gumagamit ng ilang pirasong

kasangkapan lamang ngunit lalong mainam at maginhawa ang

paghahalaman kung may mga angkop na kagamitan at

kasangkapan sa bawat uri ng gawain sa halamanan. Kung may

kakulangan sa kagamitan, maaaring gumawa ng mga panghalili sa

mga kasangkapan kung ikaw ay masipag at maparaan. Kailangan

ding pangalagaan ang mga kasangkapan sa paghahalaman

upang matagal natin silang mapakinabangan.


Mga Kagamitang Panghalili

Kung may kakulangan sa kagamitan at kasangkapan,


maaaring gumawa ng mga panghalili kung ikaw ay
mapamaraan. Ipunin ang mga basyong plastic o lata ng
mantika, lagyan ng mga butas sa tagiliran at maaari na itong
gawing pandilig. Makagagawa rin ng kalaykay mula sa mga
kawayan o patpat at mga piraso ng kahoy. Kung may mga
lumang siyense o sandok na hindi na ginagamit sa bahay,
maaari itong panghalili sa trowel o asarol. Makagagawa ng
bareta mula sa kapirasong bakal kung mapatutulis ang dulo
nito. Mga tinasahang kapirasong kahoy ay maaaring gamitin sa
pagpapaluwag ng lupang tatamnan. Sa lahat ng mga
gagawing panghalili sa mga kasangkapan, mag – ukol ng pag
– iingat upang maiwasan ang sakuna.

Pangangalaga ng mga kasangkapan

Matagal nating mapakikinabangan ang mga

kasangkapan sa paghahalaman kung mapapangalagaan

sila nang wasto at maayos. Maging maingat sa paggamit

at kailangang makumpuni bago lumaki ang mga sira nito.


Mga dapat isaalang – alang sa paggamit ng
kasangkapan sa paghahalaman
1. Maging maingat sa paggamit at sa angkop na pamamaraan

lamang.

2. Magkaroon ng isang matibay na lalagyan ng mga kasangkapan

o tool box.

3. Linisin at patuyuin ang mga kasangkapan bago itago o iligpit.

4. Ang mga bakal na maaaring kalawangin ay langisan bago itago.

5. Hasain ang mga kutsilyo at itak.

Alamin Mo
1. Anu – ano ang mga kasangkapan at kagamitan sa

paghahalaman?

2. Paano matutugunan ang kakulangan sa kasangkapan?

3. Paano pangangalagaan ang mga kasangkapan?

Tandaan Mo
1. Maaaring makagawa ng panghalili sa mga kasangkapan sa

paghahalaman kung tayo ay masipag at mapamaraan.


2. Matagal nating mapapakinabangan ang mga kasangkapan

kung maingat ang paggamit at mapapangalagaan sila nang

maayos.

Gawin Mo
Gumawa ng isang lalagyan ng mga kasangkapan o tool box.
Mga Karaniwang Kagamitan at Kasangkapan

1. Asarol
Ito ay ginagamit na
pambungkal ng lupa.

2. Kahong kahoy
Ito ay ginagamit na
lalagyan at panghakot ng
lupa.

3. Dulos
Ito ay ginagamit na pantanggal
ng damo sa halamanan at
pampaluwag ng lupa.
4. Regadera
Ito ay ginagamit na
pandilig sa mga halaman.

5. Timba
Ito ay ginagamit na
panghakot ng tubig na
pandilig.

6. Kartilya
Ito ay ginagamit na
lalagyan at panghakot ng
lupa at kagamitan.
7. Karet
Ito ay ginagamit na
pamputol ng matataas na
damo.

8. Palakol
Ito ay ginagamit na
pamputol ng malalaking
kahoy.

9. Pala
Ito ay ginagamit sa
paglilipat ng lupa.
10. Hand Trowel
Ito ay ginagamit sa
paglilipat ng punla,
pagpapaluwag ng lupa, at
pagtatabon sa puno.

11. Itak
Ito ay ginagamit na
pamutol sa mga sanga at
puno ng malalaking
halaman.

12. Bareta
Ito ay ginagamit sa
paghuhukay ng malalaking
bato at tuod ng kahoy.
13. Piko
Ito ay ginagamit na
panghukay ng matigas na
lupa.

14. Kalaykay
Ito ay ginagamit sa
pagpapantay ng lupa at
paghihiwalay ng bato sa
lupa.

15. Tinidor
Ito ay ginagamit na
pandurog ng malalaking
kimpal ng lupa.

You might also like