Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

BUHAY KRIMINAL

Ayon sa aking napanood na pelikulang “Ang Pagdadalaga ni Maximo”, ipinakita


dito kung ano ang naging buhay sa isang masikip at maduming lugar. Si Maximo ay bunso
sa magkakapatid, siya ang inaasahan sa kanilang bahay upang magluto at maglinis. Siya
rin ang naiiba sa kanilang pamilya dahil ang kanyang tatay ay magnanakaw ng cellphone
at ang kanyang dalawang kapatid ay nagpapataya ng gueteng at ang isa ay nagbebenta
ng ipinababawal na gamot.

Isang araw, habang si Maximo ay naglalakad sa madilim na lugar ay napagtripan


siya ng mga tambay at biglang may lumapit na isang pulis na tumulong sa kanya at siya
ay hinatid sa kanilang bahay at ito na ang dahilan upang maging magka-close sila at
habang tumatagal, si Maximo ay napapalapit ang kanyang kalooban ngunit isang araw,
pinagbawalan siya ng kanyang tatay dahil maaari nitong maapektuhan ang kanilang
negosyo. Ngunit nagpumilit si Maximo na puntahan ang pulis ngunit sa isang banda,
nakalimutan na niya na pagsilbihan ang kanyang pamilya. Isang araw, humihina ang
negosyo ng kanyang ama kaya pinagbubugbog nila ang pulis at ito ay nagtanda ngunit
isang araw, nagbago ang hepe ng pulisya kaya lahat ng masasamang gawain sa
barangay ay unti-unting nawawala. Kaya pinuntahan ng ama ni Maximo ang pulis sa
kaniyang bahay. Ang hindi alam ng ama ni Maximo na nandoon din ang hepe kaya hindi
na ito nagdalawang-isip na barilin ang ama ni Maximo. Tumangis, nalungkot at nawalan
ng pag-asa si Maximo dahil sa nangyari sa kanyang ama. At ng malaman ito ng kanyang
mga kapatid, gusto nilang ipaghiganti ito sa pulis. Ngunit pinigilan ito ni Maximo dahil
kung mawawala pa ang kanyang mga kapatid, wala ng magmamahal sa kanya at mag-
aalaga.

Ang lahat ng masasamang gawain ng kanyang pamilya ay nagbago dahil kay


Maximo at sa pagkawala ng kanilang ama.
PAGBABAGO

Ayon sa aking napanood na “Ang Pagdadalaga ni Maximo”, unang ipinakita sa


palabas na sa isang barangay na madumi ang paligid at kung ano-ano ang nangyayari
sa barangay na iyon.

Si Maximo o Maxine ay isang batang mabait, matulungin at masunurin sa kanyang


mga kapatid at ama. Ang ama ni Maximo ay nagbebenta ng mga nakaw na cellphone sa
kanilang barangay at ang dalawa naman niyang kapatid ay nagbebenta ng ipinagbabawal
na droga. Isang araw, may isang pulis na nagngangalang Anton. Siya ay matapat sa
kanyang tungkulin at siya din ay walang kinakampihan at ngalan ng batas. Minsan
nahuhuli ng pulis ang mga kabarangay ng ama ni Maximo, agad naman itong inaksiyonan
ng ama ni Maximo ngunit hindi nagpasuhol ang pulis at humina nang humina ang
negosyo ng kanyang ama kaya naisipan nitong magtungo sa bahay ng pulis. Ang hindi
alam ng ama ni Maximo na kasama ng pulis ang hepe nila. Hindi nagdalawang-isip na
barilin ang ama ni Maximo at nang makita ni Maximo ang kanyang ama ay nakahandusay
sa kalsada, tumangis ito nang tumangis. Nang malaman ng kanyang dalawang kapatid,
gusto nitong ipaghiganti ang ama ngunit nagmakaawa si Maximo na huwag ng
ipaghaganti dahil kung ipagpatuloy nila ito, wala silang kakahantungan kundi kamatayan.

Kaya naman, nagbagong buhay ang dalawa niyang kapatid. Inaalagaan nila si
Maximo at pinag-aral. Dahil ditto sa istorya na ito, natutunan ko na lahat ng pangyayari
sa ating buhay ay puwedeng magbago kung ito ay ating gugustuhin.

You might also like