Sinumpaang Salaysay Ni Ginang Sopena - Jerlie

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MALAYA AT KUSANG LOOB NA SALAYSAY NI GINANG NILDA CENTENO Y SOPENA NG BRGY SAN

VICENTE, CANAMAN, CAMARINES SUR, NA IBINIGAY SA PAGSISIYASAT NI PO1 WENCES


RECONCILLO FROYALDE DITO SA TANGGAPAN NG INVESTIGATION SECTION CANAMAN
MUNICIPAL POLICE STATION, CANAMAN CAM SUR NGAYONG ENERO 6, 2009 GANAP NA IKA
1:19 NG UMAGA SA HARAP NI PO3 RODEL MATOS MARAVILLA SA PAMAMAGITAN NG MGA
TANONG AT SAGOT:
(Ang nagsalaysay ay pinahiwatigan ng kanyang mga karapatan alinsunod sa itinadhana ng ating
Bagong Saligang Batas)

01. TANONG : Giang, NILDA CENTENO, Ikaw ba ay magsasabi ng buong katotohanan at


pawing katotohanan lamang sa pagsisiyasat na ito
SAGOT : Opo, sir.

02. TANONG : Maari mo bang sabihin sa akin and iba pang bagay na may kinalaman sa
iyong sarili?
SAGOT : Ako po si NILDA CENTENO Y SOPENA, 31 taong gulang, may asawa, at
nakatira sa Phase 1, Progress Homes Subd., Brgy. San Vicente, Canaman,
Camarines sur.

03. TANONG : Bakit ka narito sa tanggapan ng Canaman Municipal Police Station?


SAGOT : Upang Magsampa ng pormal na reklamo laban ka EDGARDO MARTINEZ
sa pagbaril at pagpatay sa aking asawa na si Michael Centeno.

04. TANONG : Maari mo bang sabihin kung kaylan, saan at papaano napatay o piñata
and iyong asawa
SAGOT : Nang gabi po Enero 5, 2009, mga bandang 10:20 nang gabi, habang ako
ay natutulog sa aming bahay sa Phase 1, Progress Homes Subd., Brgy. San
Vicente, Canaman, Camarines sur, ng ako ay gisingin ng aking anak na si
CJAAY CENTENO, 12 taong gulang, na ang sabi ay “Mama, may putok nin
badil. Si Papa”.

05. TANONG : Ano ang ginawa mo sa puntong iyon?


SAGOT : Dali-dali po akong lumabas at nakita kop o and isang lalaki na nakadapa
sa kalsada sa tapat nang tindahan ni Edgardo Martine. Lumapit po ako at
laking gulat ko nang aking Makita na asawa kop o na si Michael and
duguang nakadapa sa kalsada. Umiyak po ako habang nakayakap sa aking
asawa dahil sa nangyari sa kanya. Habang yakap ko and aking asawa,
narinig ko pong sumigaw si Edgardo Martinez, nang ganito; “TARANTADO
KA”.

06. TANONG : Ano and sumunod na nagyari?


SAGOT : Lumapit po and anak ni Edgardo Martinez na kilala ko lang pos a mukha
at pinulsuhan niya ang aking asawa sa leeg. Pagkatapos po noon ay
lumapit na ang iba pang nakakita na sina Joseph Mendoza, Mark Ocamp
at Ian DCasa, na noon po ay nahintakutan din dahil sa sabi nila na may
baril daw si Edgardo Martinez

07. TANONG : Ano pa and sumunod na nagyari?


SAGOT : Isinakay po naming ng trycle and aking asawa para dalhin sa hospital sa
Bicol Medical Center (BMC), Naga City.

08. TANONG : Ano po ang nangyari pagkadating ninyo sa BMC, Naga City?
SAGOT : Pagkadating po naming sa BMC ay dineklara nap o ng doctor na patay na
ang aking asawa.

09. TANONG : May alam ka bang dahlia kung bakit nangyari ito sa iyong asawa?
SAGOT : Natatandaan kop o noong Disyembre 233, 2008, ay nagalit po si Edgardo
Martinez sa aking asawa ng malaman na pinalagyan ng asawa ko ng
switch ng ilaw ng poste na nasa harapan din ng bahan ni Edgardo
Martinez

You might also like