Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MERRYL MONTES

4BSA1

Sa aking pag kakaunawa, ang Elasticity ay isang paraan upang masukat ang pag tugon ng isang
mamimili sa pagbabago ng presyo. Ito ay maaaring kwentahin upang maipakita ang mga epekto
sa demand ng pagbabago sa presyo, sahod o sweldo ng manggagawa, pagbabago sa dami ng
supply at presyo ng magkaugnay na bilihin.

Sa mas madaling salita, ang pagkaelastiko ng isang bagay ay ang kanyang kakayahang tumugon
sa dalang pagbabago ng isa pang bagay. Ang makikiita dito ay ang abilidad ng isang nagbabago
na maapektuhan ang isa pang nagbabago.

Dito pumapasok ang konsepto ng needs at wants. May mga bagay ng kailangan ng tao para
mabuhay o sa kanilang araw-araw ng pamumuhay na lubusang maaapektusan sa pagbabago ng
presyo. Gaya naming mga estudyante, ang elasticity ay nakaka apekto samin sa paraan na kung
bababa ang presyo ng pagkain, mas tataas ang demand namin o ang konsumo nito dahil mas
malaki o magiging mataas ang kakayahan naming bumili. Kung tataas naman ang presyo ng
isang brand ng produkto, halimbawa ay ballpen, may mga substitute brand naman na maaaring
piliin upang maka pasok sa budget namin. Sa pagtaas ng presyo petrolyo, kung dati'y
nagagawang mag special sa tricycle ng mga estudyante, siguro ngayo'y pipiliin na lamang na
mag jeep dahil sa pag taas ng presyo ng pamasahe. Ang elasticity ang mag papakita ng epekto
ng pagbabago sa demand curve.

You might also like