PanitikaN 5

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

1

I. Pamagat

Panitikan: Ang Mabait Kong Kaibigan

(Maikling Kwento)

II. Target Population:

Ang modyul o kagamitang pagtuturo at pagkatutong ito ay inihanda para

sa mga mag-aaral ng elementarya na nasa baitang apat upang magbahagi ng

dadag kaalaman at mapalawak ang kanilang pag-unawa sa mga panitikan na

mag-iiwan ng mahalagang kaisipan sa iba’t ibang aspekto.

/
III. Rasyunal o Panimula:

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga gawaing tungkol sa maikling

kwentong pinamagatang “Ang Mabait Kong Kaibigan” na naglalayong

mapalawak ang kaalaman at pagpalalim ng pag-unawa sa panitikan partikular sa

maikling kwento bilang isang uri ng akdang pampanitikan.

IV. Tunguhin o Layunin:


2

Pagkatapos basahin at pag-aralan ang maikling kwento, inaasahang

nagagawa ng mga sumusunod:

1. Nalalaman ang ibig sabihin ng akda, at

2. Nakasusulat ng sariling repleksyon sa akdang binasa.

/
V. Panuto:

Basahin at unawaing mabuti ang maikling kwentong pinamagatang “Ang

Mabait Kong Kaibigan”. Pagkatapos itong basahin, may mga katanungang

nakasunod upang malaman ang lalim ng pagkakaintindi mo sa akdang binasa.

Ang mga katanungan ay dapat sagutin nang may pag-iingat at pagkatapos mong

sagutan ang mga tanong ay tingnan ang “Susi ng Karunungan” para makita kung

tama ang iyong sagot.

Laging Tandaan: Ang pagkatuto ay nagsisimula sa pagpupursigi at katapatan sa

sarili.

VI. Panimulang Saloobin at Pangangailangang Kasanayan:


3

Ang modyul na ito ay nangangailangan ng paunang kaalaman at kasanayan

sa pababasa ng mahusay sa wikang Filipino na may malalim na pagsusuri at pag-

iintindi sa mga akdang pampanitikan halimbawa na lamang ng maikling kwento.

Ito ang magsisilbing basehan at gabay sa matagumpay na pagsasanay upang

mapayabong ang karunungan ng mga mag-aaral.

/
VII. Panimulang Pagsusulit:

Panuto: Isipin ang iyong matalik na kaibigan. Gaano mo kakilala ang iyong matalik

na kaibigan? Punuin ng mga katangian na tinataglay ng iyong kaibigan ang

araw sa ibaba. Maaaring isulat ang mga hindi malilimutan mong

pangyayari na kasama ang iyong kaibigan.

VIII. Panimulang Pagsusulit o Feedback at Pagtataya:


4

Narito ang mga maaaring kasagutan sa naunang gawain:

Mabait, mataas ang buhok, malambing, matalino, masayahin, maingay,

maaasahan, pinapayuhan ako kung may problema, kasama sa mga lakad sa

pagmamasyal, nakikipagbiruan, kasama palagi, kasamang naligo sa isang falls,

nagtatawanan kahit sa mga kunting bagay.

/
IX. Mga Gawain sa Pagkatuto o Pagpapayamang-gawain:

Tara, Magbasa Tayo!

“Ang Mabait Kong Kaibigan”

Ezekiel M. Palamos

Isang araw naglaro kami ng tagu-taguan sa labas ng aming bahay,

nagbato-bato-pick kami at ang kaibigan kong si Roy ang naging taya. Nang

nagbilang na siya agad ako pumunta sa likod ng malaking puno at doon nagtago.

Matagal nakahanap si Roy sa akin kaya naisipan kong lumabas na lamang sa

aking pinagtataguan ngunit laking gulat ko ng tumatakbo na siya papunta sa akin,

hinihintay niya lang pala ako na lumabas sa pinagtataguan ko. Tumatakbo siya

papalapit sa akin ayaw ko namang magpadakip sa kanya. Binilisan ko ang

pagtakbo hindi na ako lumilingon sa likod dahil pinagbubutihan kong hindi


5

maabutan. Tila nagbackflip ang aking paningin ng matisod ako sa isang nakalitaw

na ugat ng kahoy ng acasia, malakas na tunog ang aking narinig ng mapunta ang

aking katawan sa lupa. Aray! Daing ko sa sakit na narinig ni aling Tesa, ang may-

ari ng tindahan malapit sa pinaglalaruan namin, at dali daling tinulungan si Roy na

pasanin ako papuntang ospital.

Sa loob ng tatlong araw na naconfine ako sa ospital ay hindi ako

pinabayaan ni Roy. Palagi siyang nandiyan upang aliwin ako tuwing nababagot

ako. Hanggang sa gumaling at nakalabas na ng ospital nariyan pa rin ang mabait

kong kaibigan. Tunay na mabait at magpakakatiwalaan si Roy kahit sa panahon

nang pangangailangan siya ay nariyan upang mapagsandalan.

Pagpapayaman ng Karunungan Natin:


Ang kwentong “Ang Mabait Kong Kaibigan” ay tungkol sa kwento ng

dalawang magkaibigan na naglalaro sa may kakahuyan. Habang silay

naghahabolan ay nadapa ang isang kaibigan dahil sa sangang nakalitaw sa lupa.

Tinulungang makatayo ang batang nadapa at itinakbo sa ospital dahil nabalian ng

buto. Hanggang sa gumaling ang bata ay nandiyan ang kaibigan ng bata na si Roy

upang aliwin siya sa pagkakabagot sa loob ng ospital. Hindi iniwan ni Roy ang

kaibigang may sakit at inaalagaan hanggang sa makalabas ng ospital. Magandang

pakinggan ang katotohanang may kaibigan palagi mong kasama sa kasiyahan

man o sa dalamhati. Ang kaibigan na hindi ka iiwan sa panahon na

nangangailangan ka ng tulong at kasama. Dapat ingatan ang ganitong


6

magandang relasyon sa ibang tao o sa iyong kaibigan dahil minsan mo lang

makikita ang ganiyang klaseng tao na kayang ibuwis ang kanyang oras para

lamang tumulong sa iyo. Kahit minsan ay nag-aaway kayo, natural lamang ito

ngunit dapat bago matapos ang araw ay nagkakabati kayong dalawa at mapalalim

pa ang pagkakaibigan.

Unawain, Suriin at Sagutin:

Panuto: Basahin ng mabuti ang bawat katanungan at isulat ang tamang sagot.

1. Sino ang kaibigan na parating nariyan sa batang nadapa?

2. Ano ang katangian na tinawag ng batang nadapa sa kanyang kaibigan?

3. Ano ang dahilan ng pagkakadapa ng bata?

4. Sino ang tumulong kina Roy at sa batang nadapa upang dalhin sa

ospital.

5. Ano ang nilalaro ni Roy at ng kanyang kaibigan?

Susi sa Pagwawasto:
7

KASAGUTAN

1. Roy

2. Mabait

3. Dahil sa isang nakalitaw na ugat ng acasia

4. Aling Tesa

5. Tagu-tagoan at naghabolan

AHA! Dagdag na Kaalaman!

MGA PAHAYAG NA NAGBIBIGAY PATUNAY

Backflip— ibang tawag sa pagtumbling

Confine — nakaratay o nakahiga sa banig. Nagpirme sa ospital o sa isang lugar

upang magpagaling.

Nababagot— ibang katawagan sa naiinip o nawawalan ng gana o interes.

Mapagkakatiwalaan— maaasahan.

Mapagsandalan— maaasahan sa mga bagay-bagay.

Sukatin Pa Natin!
8

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang letra ng tamang

sagot.

1. Bakit “Ang Mabait Kong Kaibigan” ang pamagat sa kwento?

A. Dahil binigyan ang pangunahing tauhan ng kendi ng kanyang kaibigan.

B. Dahil tinulungan ang pangunahing tauhan na makatawid sa kalsada.

C. Dahil tinulungan ng kaibigan ng panunahing tauhan na magpagaling sa

ospital.

D. Dahil mabait ang pangalan ng kaibigan ng pangunahing tauhan.

2. Ano ang dahilan ng pagkakaconfine ng pangunahing tauhan sa ospital?

A. Dahil nagkasakit siya sa sobrang paglalaro.

B. Dahil nadapa siya at nabali ang boto.

C. Dahil nagkadengue siya.

D. Lahat ng nabanggit.

3. Ano ang dahilan ng pagtakbo ng panunahing tauhan?

A. Ayaw niyang mahuli ng kanyang kaibigan.

B. Humahabol sa kanila ang aso ni Aling Tesa.

C. May ahas na nakita nila sa ilalim ng ugat ng Acasia.

D. Wala sa nabanggit.
9

4. Para sa iyo tama ba ang ginawa ni Roy na tulungan ang kanyang kaibigan

papuntang ospital?

A. Oo dahil kaibigan ko siya at tungkulin ng magkaibigan ng magtulungan.

B. Oo upang tulungan niya rin ako kapag ako naman ang nangangailangan.

C. Oo dahil wala ng ibang tutulong sa kanya kundi siya lang.

D. Lahat ng nabanggit.

5. Paano mo mapapakita sa iyong kaibigan na mahal niyo siya?

A. Pagiging nandiyan palagi. C. Huwag siyang aawayin palagi.

B. Pagiging mabait at totoo sa kaniya. D. Lahat ng nabanggit.

6. Ano ang pamagat ng akdang binasa?

A. Ang Mabait Kong Kaibigan B. Ang Maaasahan Kong Kaibigan

C. Ang Matulungin na Kaibigan D. Ang Aking Kaibigan

7. Sino ang sumulat ng kwentong iyong binasa?

A. Ezekiel M. Palamos B. Kiel Mapanis

C. Cristopher Pamaos D. Cristof Earon

8. Anong kahoy ang binaggit sa kwento?

A. Acasia B. Casio C. Narra D. Pine Tree

9. Ano ang ibang katawagan sa salitang mapagkakatiwalaan?

A. Maaasahan B. Matatakutin
10

B. Masakitin D. Wala sa nabanggit

10. Ano ang ibig sabihin ng salitang backflip?

A. Tumbling B. Gumugulong C. Lumundag D. Higa

Susi sa Pagwawasto:

KASAGUTAN

1. C

2. B

3. A

4. A

5. D

6. A

7. A

8. A

9. A

10. A

Bibliyograpiya
11

Ang mga Akdang Maikling Kwento ng Baitang Apat ng Pastrana Central School

S.Y. 2017-2018

You might also like