Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

PROSIDYURAL

Ito a isang uri ng teksto tungkol sa serye ng mga gawain upang matamo ang inaasahang
hangganan o resulta. Ang tekstong prosidyural ay nagbibigay ng kaalaman para sa maayos na
pagkakasunod-sunod ng isang gawain. Mula umpisa hanggang sa wakas.
Halimbawa, kung pagluluto ang gagawin, may tamang posesong dapat na sundin upang maging
sarap ang gagawin, may tamang prosesong dapat na sundin upang maging masarap ang pagkain
ihahanda.
Ang temperatura ng isang tao ay tanda ng kanyang kalusugan. Angpagtaas o pagbaba nito ay
palatandaan ng karamdaman kaya't karaniwan nang ipinagbibilin ng manggagamot sa tagapag-
alaga ng maysakit na kunin ang temperatura ay hindi dapat dawin matapos kumain o uminom
ang masakit dahil sa mataas ito kapaf katatapos lamang kumain at bumababa naman kapag
kaiinom lamang. Makabubuting maghintay nang hindi kukulangin sa tatlumpung minuto
matapos uminom o kumain bago kunin ang temperatura. ang normal na temperatura ay 37 C o
98.6 F.
Sa pagkuha ng temperatura at pagbasa ng termometer, isagawa ang mga sumusunod:
1. maghugas ng kamay.
2. pabayaang umupo o humiga ang masakit.
3. hawakan nang mahigpit ang termometer sa itaas,
sa dakong walang metal at awagwag ito hanggang sa bumaba nang husto anf merkuryo.
4. Hugasan ng malamig na tubig ang dakong may
-Ang tekstong prosidyural ay gumagamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang
ipakita ang pagkasunod-sunod at ugnayan ng mga bahagi ng teksto .
-Uri ng paglalahad kadalasang nagbibigay ng impormasyon at instruksyon kung paani
isinasagawa ang tiyak na bagay.
MGA HALIMBAWA
-Recipe sa pagluluto sa Home Economics
-Paggawa ng eksperimento sa agham at medisina
-pagbuo ng aparato at pagkumpuni ng mga kagamitan sa teknolohiya.
-Pagsunod sa mga patakaran sa paglalaro ng isang bagay.
-Mga paalala sa kaligtasan sa kalsada

-Manwal na nagpapakita ng hakbang-hakbang na pagsasagawa ng iba’t ibang bagay.

LAYUNIN
Makapagbigay ng sunod sunod na direksyon at impormasyon sa mga tao upang matagumpay na
maisagawa ang mga Gawain ng ligtas episyente at angkop sa paraan.
APAT NA BAHAGI NG TEKSTONG PROSIDYURAL
*Inaasahan o target na awput
-Kung ano ang kakalabasan o kahahantungan ng proyekto ng prosidyur.
-Maaaring ilarawan ang mga tiyak na katangian ng isang baagy o kaya ay katangian ng isang uri
ng trabaho o ugaling inaasahan sa isang mag aaral kung susundin ang gabay.
*Mga kagamitan
-Ang mga kasangkapan at kagamitan na kinakailangan upang makumpleto ang isinasagawang
proyekto.
-Nakalista ito sa pamamagitan ng pagkakasunod-sunod kung kalian gagamitin. Maaring hindi
Makita ang bahaging ito sa mga uri ng tekstong prosidyural na hindi gagamit ng anumang
kagamitan.
*Metodo
-Serye ng mga hakbang na isinasagawa upang mabuo ang proyekto.
*Ebalwasyon
-Naglalaman ng mga pamamaraan kung paano masusukat ang tagumpay ng prosidyur na
isinagawa.
-Ito ay sa pamamagitan ng mahusay na paggana ng isang bagay, kagamitan o makina o di kaya
ay mga pagtataya kung nakamit ang kaayusan na layunin ng prosidyur
Maahalaga ang paggamit ng heading, subheading, numero, dayagram at mga larawan upang
maging mas malinaw ang pagpapahayag ng instruksyon.
Mahalang alamin at unawain kung sino ang nakikinig o nagbabasa ng teksto upang
mapagdesisyunan kung anong uri at antas ng wika ang gagamitin.
MGA TIYAK NA KATANGIAN NG WIKANG MADALAS GAMITIN NG TEKSTONG
PROSIDYURAL.
-Nasusulat sa kasalukuyang panahunan.
-nakapokus sa pangkalahatang mambabasa at hindi sa iisang tao lamang.
-gumamit ng tiyak na pandiwa para sa instruksyon.
-Gumamit ng malinaw na pang-ugnay at cohesive device upang ipakita ang pagkakasunod sunod
at ugnayan ng mga bahagi ng teksto.
-Mahalaga ang detalyado at tiyak na deskripsyon (hugis, laki, kulay, dami, atbp)
PERFORMANCE TASK
-Bumuo ng pangkat na may apat na miyembro.
-Magplano para sa isang presentasyonna nagpapakita ng isang prosidyur kung paano gagawin
ang isang bagay.
-Kapag natukoy na ang paksang ipapakita magsanay na sa pagkasunod-sunod ng presentasyon at
kung paano ito malikhaing maipapaita sa klase.
-Bigyan ng pansin ang apat na mahahalagang nilalaman ng tekstong prosidyural at ang mga tiyak
na katangian ng wikang madalas na gamitin ditto.
-Bibigyan lamang ng sampung minuto para sa aktwal na presentasyon.

You might also like