Professional Documents
Culture Documents
Liham
Liham
Liham
Ang liham o sulat ay isang isinulat na mensahe na naglalaman ng kaalaman, balita, o saloobin
na pinapadala ng isang tao para sa kanyang kapwa.
Liham Pangkaibigan
54 Matatag St. Purok 6
Malolos, Bulacan
Ika-20 ng Hunyo, 2008
Kamusta na ang aking matalik na kaibigan. Matagal na rin tayong hindi nagkitamula ng
lumuwas ka sa Maynila para mag-aral. Madalas akong dumaan sa inyong bahay para makibalita
sa iyong ina kung ano na ang nagyayari sa iyo.
Salamat pala sa iyong pinadalang regalo noong nakalipas kong kaarawan. Salamat
athindi ka pa rin nakakalimot sa akin at maganda nating pagkakaibigan.
Sabi ng Nanay baka hindi pa rin daw ako makakapag-aral nitong darating na
pasukan.Wala kasing permanenteng trabaho si Itay. Kaya kailangan ko muna silang tulungan
parasa pang-araw-araw na gastusin dito sa bahay. Siya nga pala, may trabaho na ako bilangisang
kahera dito sa atin. Maliit lang ang sweldo pero nakakasapat na rin kahiut papano atnakakatulong
din sa aming pamilya.
Hanggang dito na lamang at sana lagi kang mag-iingat diyan. Ilibre mo naman ako
pagnakapagtapos ka na at sana maipasyal mo rin ako sa Maynila.
Nagmamahal na kaibigan,
Airine
Pamuhatan - dito sinusulat ang tirahan o adres at ang petsa kung kailan niya ito sinulat.
Bating Panimula - ito ay maikling pagbati sa sinusulatan, na ang bantas na ginagamit sa
hulihan ay kuwit. Sa bating panimula ay gumagamit ng magagalang na salitang tulad
ng Mahal kong, ang kaibigan kong si, at iba pa.
Katawan ng Hilam - dito ipinahahayag ang tunay na dahilan ng pagsulat
Bating Pangwakas - dito ay magalang na nagpapaalam ang sumulat. Ang bating
pangwakas ay nagtatapos sa kuwit.
Lagda - dito isinusulat ng lumiham ang kanyang pangalan. Kung ang ating sinulatan ay
isang kaibigan o dating kakilala, maaaring pangalan o palayaw na lamang ang ating
ilagda.
Liham Pangangalakal
G. Manuel Quezon
Punong Tagapangasiwa
MERALCO
Malolos, Bulacan
Ginoo:
Ako po ay taga Brgy. Asan Norte. Biktima ng Bagyong Cosme na sumalanta sa ating bayan
noong nakaraangdalawang linggo.
Sumulat po ako sa inyo upang ipaalam at hilingin na ayusin ang mga ilaw at kuryente sa aming
barangay.
Napakatagal na po kasing hindi naayos samantalang ang mga kalapit na barangay ay maayos
na po. Wala man langpo kasing dumadalaw mula sa inyong tanggapan para makita po sana na
kami ang may pinakamalalang sitwasyondulot ng bagyo.
Sumasainyo,
Renz Domingo