Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Pag Aaral ng Kaso:

Adiksyon sa Pag
susugal
Mga nanaliksik:
John Patrick Sarvida
Ralph Lorenz Caasi
Patricia Anne Fernando
Larra Lauren Joson
Rheygerald De Guzman

Ipinasa kay:
Mr. Christoffer D. Ratin
KABANATA 1
1.1 Introduksyon:

Una sa lahat, ano ang Sugal o Gambling?

Ang salitang sugal ay nagkaroon ng maraming


magkakaibang kahulugan depende sa kultura o
kasaysayang pinaggagamitan nito. Sa ngayon, sa
mga Lipunang Kanluranin, ay mayroon itong kahulugang
pang-ekonomika, tumutukoy ito sa “paggagamit
ng salapi o mga bagay na may halaga sa mga kaganapan
na hindi tiyak ang kakahantungan na ang pangunahing
intensiyon ay manalo na karagdagang salapi o mga
materyal na bagay”. Ito ay isang laro na may kinalaman
ang pera.
Ang illegal na pag susugal ay isang malaking usap
usapang isyu hindi lamang sa ating bansa pati narin sa
iba’t ibang bansa dahil sa masamang epekto nito sa isang
tao.
Ang adiksiyon sa sugal ay nagsisimula kapag nakalasap
ng unang panalo ang manlalaro nagiging tukso o
paanyaya na muling sumubok sumugal sa paghahangad
ng mas malaking panalo. Hanggang sa hindi nya
namamalayan na nalululong na pala siya. Sa hangaring
mabawi ang kanyang mga natalo ay maghahanap na siya
ng paraan para may maipang sugal gaya ng pagbebenta o
pagsangla ng mga ari arian. Kung minsan mismong
harapang ipupusta ang ari arian o ang naipong pera kung
walang dalang cash ang tao.
May mga tao naman na sa kagustuhang magkapera sa
mabilis na paraan ay sa sugal sila umaasa. Ang mas
malungkot pa nito, kadalasan ang mga taong lulong sa
sugal ay mga taong nasa mababang antas ng
pamumuhay dahil sa hangarin na manalo at makapag uwi
ng malaki laking pera sa pamilya.
Epektong Pisikal at Sikolohikal:
Ang taong lulong sa sugal ay nagkakaroon ng pagbabago
sa sarili. Kapag ang tao ay nakakaranas na ng matinding
depresyon o pagka balisa dahil sa sobrang pagka lulong
sa sugal, siya ay hindi nakakatulog at ito ay nagreresulta
sa pagka maputla, pamamayat o pagtaba, pagdami ng
taghiyawat, o pagnipis o pagkalagas ng buhok.
Ang epektong sikolohikal ang dapat mas tuunan ng
atensiyon sapagkat ito ay seryosong isyu. Ang labis na
pagkagumon sa sugal ay nagreresulta sa pagiging balisa,
tensiyon o stress, depresyon, galit at maaring humantong
sa pananakit sa sarili o pagkitil ng sariling buhay. Ito ay
dulot ng pagkawala ng lahat ng ari arian na siyang
nagiging dahilan ng kawalang pagasa at pakiramdam ng
pagiisa.
Epekto sa pamilya:
Dahil sa ang sugal ay nagiging bisyo na o pagka gumon
dito, ito ay nagiging paksa na ng usapin sa loob ng
pamilya lalo na sa pagitan ng mag asawa. Dahil sa ang
taong lulong sa sugal ay nagiging mainitin ang ulo lalo na
kapag natatalo, nadadala ng galit kaya humahantong na
sa pananakit.
Senyales ng Pagkalulong sa Sugal:
- Pagsugal sa pera na dapat gamitin sa
pangangailangan sa bahay tulad ng pambili ng
pagkain o pambayad sa mga bayarin.
- Walang control sa pagsugal o paggastos
- Nagiging masikreto
- Nagkakaroon na ng pagaalala ang pamilya
- Nagkakaroon ng isyu sa pinansiyal, pagkawala ng
trabaho, o isyung legal.

1.2 Pahayag ng mga Problema:


Ang pakay ng pagsusuring ito ay patungkol sa
adiksyong ng pag susugal at pag lalaro ng kahit anong uri
ng sugal at ang mga epekto nito sa mga nag lalaro.
1. Ayon sa pag aaral mas madaming masamang epekto ang pag
susugal dahil na din sa mas mabilisang pag kaubos ng pera at ito ay
nakaka adik. Ang magandang epekto naman nito ay nakakawala ng
stress at nakikipag usap sa ibang tao.
2. Dahil para sa kanila ang pag susugal ay dito ay makakuha sila ng
mas mabilis na pera.
3. Ang epekto nito ay mas lalo silang nalululong sa pag lalaro ng sugal.

1.3 Sakop at Limitasyon


Ang aming paksa ay tungkol sa pag susugal base sa aming pag susuri
walang pinipili na tamang edad ang pag susugal, kaya saaming pag susuri
sa aming barangay ay madami ang nag lalaro miski babae o bata madalas
na nilalaro nila ay, baraha, tongits, bingo at kung ano ano pa.

1.4 Background ng Pag-aaral


Ang pagsusugal ay isang karaniwang libangan at para sa marami, ang
pagsusugal ay katuwaan lamang basta’t legal ito. Ang ilang uri ng legal na
sugal, gaya ng mga loteryang iniisponsor ng gobyerno, ay nakakalikom ng
pondo para sa mga programang pampubliko. Base sa Asiabet.org marami
ang casino na iniisponsor sa pinas. Tulad ng Solaire Resort and Casino,
Resorts World Manila,City of Dreams Manila,Okada Manila Resort &
Casino, yan ang mga sikat na pasugalan sa manila na hinahawakan ng
gobyerno. Pero meron din ilang pagsusugal na di iniisponsoran ng
gobyerno. Pag susugal sa kalye tulad ng baraha, binggo, karakus at kung
ano ano pa. Kung babasahin mo walang pinipiling lugar o walang pinipiling
oras ang pagsusugal.

KABANATA 2
Ano ang hindi magandang epekto ng pagsusugal?
Marami ang hindi magandang epekto ng pagsusugal. Dahil sa
sobrang pagkalulong ay nakakaapekto na din ito pati sa pag-
iisip. Nakakagawa ng mga bagay na hindi maganda at wala na
itong kontrol sa sarili. Pag ang tao ay laging natatalo sa sugal ay
gumagawa ito ng paraan para makakuha ulit ng pera at mabawi
ang kanilang natalo. Kaya ang gagawin nila ay magbebenta sila o
magnanakaw para meron silang perang gagamitin para
makapag laro ulit. O kaya ay mang uutang sila sa kanilang
kaibigan o mga kamag anak ng pera para makapag laro ulit sila.

2.1 Lokal na Panitikan


Ang pagsusugal ay walang pinipiling lugar kahit edad dahil kahit
sa mga pribadong paaralan ay nakakapasok ang pag susugal
katulad na lamang ng pag lalaro ng tao-ibon at iba pang uri ng
sugal. Malinaw na sa pagsusuri na ang pag susugal ay hindi
lamang matatanda ang gumagawa kundi pati nadin ang mga
bata at wala itong pinipiling lugar kahit sa paaralan ay
nakakapasok ang pagsusugal(Sanchez,2008)
Ang isa sa mga problema sa mga nagsusugal ay hindi nila kayang
pigilan ang kanilang sarili sa pag susugal dahil ito ay kanila ng
nakasanayan kaya isa ito ang dahilan kaya sila nagiging adik sa
pag susugal. Ito ang isang usap usapan sa ating bansa kung
papaano ito malulutas ang pag pagsusugal dahil sa bagay na ito
madami ang na aadik dahil mas gusto na nilang mag sugal kaysa
gawin ang ibang bagay dahil alam nila na mas mabilis ang pera
sa pag susugal(Reith, 2008)

Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang kahalagan sa aming pag aaral paano papatigilin ang pag
sugal at paano ito ilalagay sa tamang lugar at ilagay sa
tamang oras kung saan ang mhga kabataan ay di
maapektuhan. Kung plano mong magsugal, hindi ba mabuting
ideya na maintindihan mo munang mabuti ang mga
mahahalagang konsepto tungkol dito? Halos lahat ng porma ng
pagsusugal ay batay sa ilang karaniwang konsepto. Ang pag-alam
sa mga konseptong ito ay makakatulong sa iyong maunawaan
kung bakit mas malaki ang nawawalang pera sa mga manunugal
kaysa sa napapanalunan nila. Maaari ka ring matulungan nito na
maging responsable sa pagsusugal at hindi lumagpas sa limit ng
itinakda mong ilaro. Ang dalawang konseptong ito ay mga susi sa
pag-unawa sa pagsusugal. Pag-aralan kung paanong
magkasamang gumagana ang mga ito sa iba’t ibang klase ng
sugal Pag-aralan kung paano mo matatantiya kung magkano ang
magagasta mo sa isang oras ng paglalaro mo ng paborito mong
laro.

Rekomendasyon
Ang rekomendasyon sa pag ay Ang pag-iwas sa mga oportunidad
na makapagsugal ay mahalaga para sa mga taong nagsisikap na
makontrol ang situasyon nila sa pagsusugal. Karamihan sa mga
tao ay masiyadong nahihirapang mapigilan ang sariling
magsugal, nguni’t pag nagkaroon ng pagkakataon ay nawawala
ang tibay ng loob at natutuksong magsugal. Para sa mga taong
ang pagsusugal ay sentro ng pakikihalubilo at paglabas-labas
kasama ng pamilya at mga kaibigan, maaaring kailangang
magmungkahi ng ibang mga activities o mga magagawa, tulad ng
panonood ng sine o pagkain sa labas. Mabuting ideya rin na
ipaalam sa iba ang tungkol sa desisyong huminto na sa
pagsusugal, at makiusap sa mga kaibigan at kapamilya na
hintuan nang magmungkahing magsugal para may gawing sama-
sama ang lahat. Ang taktikang ito ay madalas gamitin ng mga
taong may iba pang mga problema sa kanilang mga gawi, tulad
ng paninigarilyo. Pag ang isang naninigarilyo ay nagpahayag ng
desisyon niyang tumigil ng paninigarilyo, ang pahayag na ito ay
nagpapakita ng kaalaman ng taong iyon tungkol sa paninigarilyo
at ang pagnanais na magkaroon ng pagbabagong makabubuti sa
kaniya. Katulad ito ng pagpapahayag na titigil na ng pagsusugal,
na ang tao ay nagpapakita ng kaalaman

Approval Paper

Ms. Minita Suzuki


Sir Sancho Cabrera
Sir Christoffer ratin
Ms Joan Paladin

Signature

You might also like