Gawain Blg.1

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Wagan, Nekki Rose G.

BSEd-Filipino II
FM7- Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon November 10, 2014

Gawain Blg. 1
Mga Programang Pang-edukasyon sa Pilipinas
Dalawang (2) Programa:
BEC- Sa programang ito iba’t ibang uri ng aralin batay sa texto ng Araling
Panlipunan ang bumubuo sa bawat markahan at Hiwalay na ituturo ang araling
pangwika (gramatika) at mga aralin sa texto. Lilinang sa apat (4) na Kasanayang
Makro: Pakikinig, Pagsasalita, Pagsulat at Pagbasa para sa Kakayahang
Komunikatibo. Nagsisimula ang disenyo ng kurikulum sa Mga Layunin (Anu-ano
ang mga layunin sa aralin?), sa nilalaman naman (Ano ang paksa ng aralin?),
Mga Kagamitan (Anu-ano ang mga kagamitang pampagtuturo na gagamitin ng
guro?), Mga Istratehiya (Anu-ano ang mga pamamaraang gagamitin ng guro sa
pagtututro?) at nagtatapos sa Pagtataya (Anu-ano ang mga panukat na
gagamitin ng guro sa pagkatuto ng mag-aaral?).Ang balangkas ng Banghay-
aralin ay pang-isang linggong aralin. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi batay sa
araw-araw na talakayan.

2010SEC- sa programang ito’y nakatuon lamang sa isang akdang


pampanitikan at angkop na araling pangwika kasama ang pamantayan sa
pagganap ang bawat markahan. Magkasanib na itututro ang panitikan at
gramatika. Lilinang sa limang (5) Kasanayang Makro: Pakikinig, Pagsasalita,
Pagsulat, Pagbasa at Panonood (naidagdag ito bilang pag-angkop sa
makabagong teknolohiya) para sa Kakayahang Komunikatibo at Kahusayan sa
Pag-unawa’t Pagpapahalagang Literari. Nagsisimula ang disenyo sa (Antas 1)
Inaasahang Bunga o Resulta (Ano ang dapat matutunan ng mag-aaral?),
sinusundan ng (Antas 2) Pagtataya (Ano ang inaasahang produkto o pagganap
na maipapakita ng mag-aaral?) at nagtatapos sa(Antas 3) Plano sa Pagkatuto
(Anu-ano ang mga gawaing instruksyunal na gagamitin ng guro at ng mag-
aaral?) Ang bawat paksa (topic) ay may istandard na Antas 1 at Antas 2 (given).
Ang Antas 3 ang maaaring baguhin/ayusin ng guro kung kinakailangan batay sa
kakayahan ng kanyang mga mag-aaral.
Wagan, Nekki Rose G. BSEd-Filipino II
FM7- Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon November 10, 2014

Reaksyon:

Batay sa akung napiling dalawang programa, ako’y nasiyahan at napabilib


sapagkat makikita dito ang pag-unlad ng bawat programa tulad na lamang ng sa
BEC kung saan apat na makrong kasanayan pa lamang ang nililinang habang
pagdating ng programang SEC ay naging lima na ito, at itoy nangangahulugan o
nagpapatunay lamang na patuloy na umuunlad ang pagtuklas ng mga
makabagong paraan upang mas lalo pang mabuti at mapalago ang edukasyon
sa ating bansa. At aku’y natutwa na magpa hanggang sa nagayon ay patuloy
parin itong pinapa-unlad ng mga namamahala dahil may bago nanaman tayong
kurikulum kung saan ito any tinatawag na K-12 at napaganda parin ng layunin ng
kurikulum na ito dahil nais nitong maging “globally competitive” ang bawat mag-
aaral upang tayoy’y magkaroon ng kaunlaran sa pang-edukasyong aspeto.

Karanasan sa Pagkatuto:

Habang aking binabasa at pinag-aaralan ang dalawang programa o


kurikulum na aking napili aking napag-alaman at napagtanto na nagkakaron
talaga ng pagbabago at pag-unlad sa bawat kurikulum. Nagbabago man amg
kanilang mga nilalaman, itoy nagpapakita lamang na patuloy na lumalago at
umuunlad ang bawat programa ng ating bansa para sa pangkahalatang
kaunlaran sa pang-edukasyong aspeto mula sa dating kurikulum hanggang sa
bago nanamang kurikulum, at ipinapakita parin dito ang iisang layunin. At ito ay
ang patuloy na pagpapa-unlad ng pagkatuto ng bawat mag-aaral.

Pinagkukunan ng impormasyon:
Wagan, Nekki Rose G. BSEd-Filipino II
FM7- Ang Filipino sa Kurikulum ng Batayang Edukasyon November 10, 2014

You might also like