Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang araw sa inyong lahat.

Ako si Hymar Vann


Tumimbang, isa sa mga nominado para sa Gawad Ulirang Kabataan sa
ating pamayanan.

Alam naman nating lahat na ang droga o ang paggamit nito ay


laganap na. Isa din itong suliranin sa ating bansa na dapat puksain
dahil sa ito ay tumitira sa buhay ng bawat mamamayang Pilipino.

Pero ang tanong, ilang tao na ba sa ating ang bansa ang lulong sa
droga? Ilang buhay pa ba ang aaksahin, upang matigil na ang
karahasang ito? Batay sa 2015 Nationwide Survey on the Nature and
Extent of Drug Abuse in the Philippines, mayroong 1.8 million drug
users sa Pilipinas. Kaya huwag na natin itong dagdagan. Ang droga ay
isang salot lamang sa ating lipunan.

Ano ba ang nakukuha nila sa paggamit ng droga? Ano ba ang


naging kontribusyon nito sa kanilang katawan? Ang mga bawal na
gamot ay nagsisilbing konting kasiyahan lamang na nakakasira ng
buhay.

Ang mga iba ay sumusubok lamang, ang mga iba naman ay


gustong makalimot ng pansamantala sa realidad at hirap ng buhay.
Mga sari-saring kuwento at kadahilanan na sa totoo ay mahirap
intindihin at unawain. Naging kaliwa’t kanan ang bentahan, at
kasabay nito ay ang walang humpay rin na patayan na nangyayari sa
ating kapaligiran.

Mayroong mga nanlalaban at napapatay at mayroon namang


sadyang sumusuko. Ang pinakamasaklap ay maraming inosenteng mga
tao ang nadadamay. Sa mga di inaasahang pagkakataon na may mga
musmos pa na namamatay dahil sa mga sunod-sunod na operasyon na
ginagawa ng ating kapulisan.
Para sa ating mga ordinaryong mamamayan hinihikayat ko kayo
na makibahagi at gawin ang nararapat bilang isang responsableng
mamamayan. Huwag nating konsentihin ang mali na nakikita natin.
Mag-isip sana tayo kung ano ang ating maitutulong sa ating gobyerno
sa halip na maghintay sa kanila kung ano ang maibibigay nito sa atin.

Ang problema sa droga ay hindi lamang suliranin ng ating


gobyerno. Ang bawat isa sa atin ay may obligasyon. Huwag nating
hayaan na darating ang panahon na mayroong mangyari sa ating
pamilya ng dahil sa droga. Makuntento na tayo kung ano ang mayroon
at huwag maghangad pa ng mga bagay na hindi naman atin kaya. Sa
halip, harapin natin ang mga problema na ating nararanasan at huwag
sumubok na gumamit ng bawal na gamot.

Wala kang mapapala sa droga. Dapat itong iwasan. Hindi biro


ang nangyayari sa bansa natin. Madaming bagay pa ang maaambag mo
sa Pilipinas. Kaya huwag mo sayangin ang buhay at ang kinabukasan
mo.

You might also like