Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Panata ng Lider KALAHI-CIDSS

Kami ay mga lider KALAHI-CIDSS.

Bilang tagapagtaguyod ng sama-samang kaunlaran sa aming pamayanan,


Aming sisiguraduhin na ang boses ng naiiwan at nasa laylayan ay napapakinggan.
Aming palalalimin ang pagsusuri sa mga isyung panlipunan at iuugnay ito sa aming bayan.
‘Pagkat ang tinig namin ay salamin ng buhay na katotohanan sa aming pamayanan.

Kami ay mga pinunong naglilingkod.

Naniniwala kami sa kasaganahan ng aming pinagsamang-lakas.


Kami ay mga katuwang tungo sa pamamahalang sentro ang pamayanan.
Na sa sama-samang pagkilos, aming mapagbigkis ang kakayahan.
Tungo sa pagtugon sa aming mga pangangailangan.

Kami ay mga pinunong nagkakalinga.

Aming iniwawaksi ang diwang mapanghati,


Hindi kami magtatayo ng mga bagong diyos-diyosan sa aming mga komunidad na
pinaglilingkuran.
Bagkus ay palalakasin namin ang kakayahan ng hikahos at api
‘Pagkat naniniwala kami na ang bawat isa ay may halaga at boses na dapat pakikinggan.

Kami ay ibayong nagpupunyagi.

Na pamunuan ang organisasyon,


At pangunahan ang iba’t ibang gawain,
Ang palawakin ang hanay ng mamamayan na may pakialam at patuloy na pakikilahok
Upang harapin ang bukas na kolektibo at walang takot.

Kami ay mga pinunong naghahangad ng magandang bukas

Itinatalaga namin ang aming sarili


Na isabuhay ang prinsipyo ng KALAHI-CIDSS
Kumakalinga sa mga naiiwan, kumikilala sa kakayahan ng pamayanan,
Tungo sa isang lipunang may pinagsasaluhang ginhawa at kapayapaan.

You might also like