Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Kilala natin ang Baguio dahil isa ito sa may malamig na klima at matatagpuan ito sa

mataas na bahagi ng ating bansa. Ito ay napapalibutan ng mga kakahuyan. Ang malamig na
klima dito ay isa sa naging atraksiyon sa mga tao. Ang isa sa mga sikat na Festival dito ay ang
Panagbenga Festival. Dito ipinaparada at ipinagmamalaki ang mga naggagandahang bulaklak
na galing sa iba’t-ibang sulok ng Baguio. Ang Baguio ay tinatawag na Summer Capital of the
Philippines o mas kilalang City of Pines. Ito rin ay may magagandang tanawin na maaaring
pasyalan ng mga turista tuwing bakasyon.

Isa na ako sa nakasaksi sa mga magagandang tanawin sa Baguio dahil naranasan ko nang
maglakbay dito kasama ang aking pamilya at nagtagal ng dalawang araw lamang. Nang
pumunta kami sa Baguio, dumeretso kami sa Prime Hotel upang doon magpalipas ng gabi.
Masasabi kong ang Prime Hotel ay magandang lugar na mamaaring pagpalipasan ng gabi
dahil napakacomportable ito para sa mga turista o kaya naman ay mga bakasyonista.
Kumain rin kami sa isa sa mga sikat na restaurant dito. Pagdating ng umaga, nakapaghanda
na kaming lahat para sa mga sikat na lugar sa Baguio na maaari naming pasyalan. Ang unang
pinuntahan namin ay ang SM Baguio kung saan bumili kami ng sapatos at gamit para sa
billiard na nilalaro ng aking kapatid at pinsan. Nang nakapaglibot-libot na kami at nabili na
lahat ng mga gusto namin, pumunta kami sa Shakey’s Pizza upang kumain. Ang sumunod na
pinasyalan namin ay ang Burnham Park. Nang pumunta kami dito, napag-alaman kong si
Daniel Burnham ang nagdisenyo ng sikat na pasyalan na ito. Ito rin ay isa sa mga paborito at
sikat na pasyalan ng mga turista. Ang boat ride ay ang pinakaunang ginawa namin dito. Ito
ay isang malaking man-made lake na makikita sa gitna ng Burnham Park. Maganda ring
magpicnic sa Burnham Park dahil napakamaaliwalas at maganda ito sapagkat maraming
mabeberdeng punong-kahoy at magagandang bulaklak na makikita dito. Pumunta rin kami
sa Mines View. Dito ko mas napansin kung gaano kataas ang Baguio dahil malinaw na
makikita ang hamog dahil sa klima na mayroon dito. Naranasan din naming pumunta sa
Night Market kung saan napakaraming pagpipilian ng mga gusto naming bilhin at sadyang
napakamura ng mga bilihin dito. Ang sumunod na pinuntahan naman namin ay ang Mansion
House na malapit lamang sa lugar kung saan makikita ang mga iba’t-ibang kulay ng mga
naggagandahang kabayo. Bago kami pumunta sa Mansion House, naranasan ko ring
sumakay sa kabayo at unang subok ko pa lamang ito. Noong una ay maayos pa nang
sumakay ako ngunit habang tumatagal ay nagiging malikot na ang kabayo. Natakot ako sa
kalagayan ko noon dahil wala akong kasama na sumakay sa kabayo. Muntik na akong
nahulog sa pagsakay ko dahil hindi ko na talaga kontrolado ito at mabuti na lang ay may
lumapit agad upang tulungan ako. Bumaba na ako agad dahil sa takot na baka maulit na
naman ang nangyari na kamuntikan ko nang pagkahulog. Nang pumunta ako sa Baguio
masasabi kong isa na ito sa pinakamasaklap na nangyari sa akin at kailanman ay ayoko nang
muling sumakay sa kabayo dahil sa sobrang takot na naranasan ko. Nang makapagpahinga
kami sa pagsakay namin sa kabayo, pumunta naman kami sa Mansion House. Sadyang
napakaganda talaga ng mga pook pasyalan sa Baguio kung kayat hindi ako nagsisi na
pumunta kami dito kahit na muntik na akong madisgrasiya dahil sa pagsakay ko sa kabayo.
Napakasaya naming umuwi dahil sulit ang pagpunta namin sa mga sikat na pasyalan dito.

You might also like