Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Buod

Ang kwentong ito ukol sa isang batang babae na kung saan ito’y lumipat mula sa kanyang bayan
sa Uganda papuntang Australia. Sa Australia siya namuhay na kung saan ito ang naging dahilan kung
bakit siya nagkaroon ng mga problema nang siya ay bumalik sa kanilang sariling bayan o sa Uganda.
Nagsimula ang kwento sa kasalukuyang panahon na kung saan ang inilarawan ng persona ang kanyang
karanasan ukol sa pagpapatak niya ng kanyang mga papeles o sa pagpapaapprove ng kanyang medical
form. Nahirapan ang persona na magpatatak ng kanyang medical form dahil kinakailangan niya pang
dumaan sa pagpapacheck – up at mayroon din itong consultation fee na kung saan nakapagbigay sa
kanya ng problema dahil napakamahal ang sinisingil sa kanya. Ilang beses siyang sumubok na ipaliwanag
sa receptionist na wala siyang perang pambayad na kung saan muntik – muntikan na rin siyang umalis
dahil consultation fee pa lang mahal na, hindi pa kasama ang bayad sa pagpapa – checkup. Pero
makalipas ang ilang oras, sinubukan niya muling kausapin ang receptionist at nang basahin na ng
receptionist ang pangalan niya sa form ay dito niya napag – alaman na kalahi pala niya ang persona na
kung saan ito rin ang nagbigay daan para hindi na siya pag bayarin pa ng malaking halaga. Sa totoo lang
hindi lang doon nahirapan ang persona, hindi lang sa pambayad niya kung hindi dahil siya ay
nakakaramdam ng barrier na kung saan nagpapapigil sa kanya na gumawa ng isang bagay at isa na rito
ang language barrier. Dahil na siya ay lumaki sa Australia, nahirapan siyang mag – adjust sa kanilang
bayan o sa Uganda. Hindi siya natuto na magsalita ng sarili nilang wika na kahit dito siya nagmula o
ipinanganak, mas nauna niya pang nalaman ang pagsasalita ng ingles kaysa sa salita nila doon sa
Uganda. Ikinuwento ng persona ang kanyang naging buhay sa Australia at sa Uganda ng sila ay bumalik
dito.

Noon, sa paninirahan niya sa Australia, dito rin siya unang nakapasok sa paaralan. Dinala siya ng
kanyang tatay sa isang classroom at iniwan siya doon. Magandang iskwelahan ang kanyang pinasukan sa
Australia na kung saan noong na sa ika – 2 baitang na siya, ang klase niya ay binubuo ng 32 na
estudyante na kung saan ito na ang pinakamalaking klase sa paaralan. May fridge ang bawat klase upang
paglagyan ng meriyenda hanggang mag – recess at microwave para painitan sila kung kailangan. May
carpet ang klase niya sa Australia para sa story time at mga mesa para sa pagsuuslat at mga building
blocks na red at blue, isang imaginary corner, at isang sleeping corner para sa pagsisiyesta at pwede din
nilang suotin ang kahit anong gusto nila pero nang bumalik sila ng kanyang Ama sa Uganda, marami ang
pagkakaiba at dito na rin niya naranasan ang mga barriers o mga balakid na pilit gumagabag sa kanya. Sa
paaralan na pinasukan niya sa Uganda, mayroong higit sa sandaang bata ang nag – aaral roon; mga
pitong estudyante sa bawat humigit – kumulang labinlimang bangko. Marurumi ang pader, at makikita
mo kung saan tinuklap ng mga bibong bata ang pinturang asul. Walang cupboards, walang mesa ng
guro, walang carpet, walang sleeping corner, walang tiles. Ang mayroon lang sa kuwarto ay mga bata,
mga bangko, isang sementadong sahig, at isang malapad na lumang blackboard na nasa harapan.
Makaluma ang lahat. Sa dulo din ng mga silid – aralan ay nakakalat ang mga bag sa sahig, dahil kulang
ang sabitan sa pader. Napatingala ang persona sa isang lalaki na kung saan napagalaman na ito’y
kanyang guro ng siya ay tawagin ng kanyang Ama na Ginoong Muhangazima, at tanungin kung nasaan
ang fridge nila o refrigerator, lahat nagtawanan na naging sanhi ng pagkalungkot ng persona. Kung sa
dati niyang iskwelahan pinapayagan silang suotin ang kahit anong gusto nilang suotin, sa iskwelahan
niya ngayon sa Uganda ay hindi ito pinapayagan sa halip may pinapasuot sa kanilang uniporme na kung
saan kailangan niya pang magsuot ng puting medyas, isang green at white na checkered dress at belt.
Ngayon, makalipas ang ilang oras, dinala siya ni Ginoong Muhangazima sa dulo ng silid – aralan na kung
saan may limang istudyanteng nakaupo roon at dito niya unang naranasan ang pagkakaroon ng barrier.
Nagsimula ito sa isa niyang kamag – aral na si Daisy. Marami ang nagsasabi na mabait si Daisy pero
parang iba ata ang pinapakita nito sa Persona sapagkat pagka ito’y lalapitan o kakausapin ng persona,
lagi siya nitong nilalayuan na para bang may gagawin na masama. May mga pagkakataon na nais niya rin
na magtanong kay Daisy pero hindi niya ito magawa dahil nilalayuan siya nito at dito na nga nagsimula
ang pagkakaroon niya ng takot o ng barrier na pilit gumabagabag sa kanyang isipan at nagpapapigil sa
kanya na makipag – usap sa iba na para bang bina – block siya nito na may barrier siyang kinakaharap na
hindi niya mapasok. Lumipas na ang labing – walong taon, hindi pa rin ito nakalimutan ng persona
sapagkat nahihirapan siyang makapasok sa tinatawag na social circle dahil sa barrier na ito. Dito na rin
umusbong ang barrier niya sa wika. Dahil hindi siya lumaki mismo sa Uganda, wala siyang kaalam – alam
kung ano ang wika nila dito dahil mas natuto siyang mag – ingles dahil siya ay lumaki sa Australia. Kung
hindi siya naiintidihan, siya ang umiiwas dahil takot na takot siyang malaman ng iba na hindi niya sila
maintindihan kaya naman habang patuloy na dumadaldal ang receptionist, naisipan niyang huwag na
itong sabihin sapagkat baka bawiin pa nito ang offer nitong no – consultation fee. Marami na siyang
nakaharap na barrier at ilan sa mga ito ay ang age barrier, education barrier na kung saan naranasan
niya rin nung bata siya na hindi niya alam kung paano mag – add ng fifteen at twelve na hindi
gumagamit ng building block, gender barrier, at language barrier pero ang nakapag – bigay ng malaking
problema sa persona ay ang pagkakaroon ng language barrier. Ang pagkakaroon ng language barrier ay
isang malaking problema sapagkat una sa lahat paano ka makikipag – usap o paano ka makikisalamuha
sa mga tao kung hindi ka marunong magsalita sa wika nila o hindi ka nila naiintindihan. Dahil ang
persona ay marunong lamang sa paggamit ng wikang ingles, kinakailangan niya pang gayahin ang mga
foreign accent para lang kausapin siya sa ingles. Mayroon pang isang nangyari sa paaralan niya, hindi
niya batid na lahat ng babae sa klase ay walang buhok na kung saan dito naman na lalong lumakas yung
pangamba niya na wala siyang kwenta dahil kahit yung mga tanong na itinatanong sa kanya ng guro nila
hindi niya masagot at nang akala niya na tama na ang kanyang sagot ng siya ay tanungin ukol sa hugis ng
mundo, at ng siya ay magpasalamat sa kanyang mga guro, pinagdebatehan pa siya dahil marami ang
may iba’t ibang hinala sa kanya. Lahat ng ito ang nagpasimula ng pagkakaroon niya ng mga barriers.
Mayroon pa ngang isang pagkakataon na pinagalitan siya ng kanyang guro sa ingles ng hindi niya nagawa
ang takdang aralin na ipinapagawa sa kanila ng kanilang guro dahil hindi niya rin ito mahanap. Akala ng
persona hindi magtatanong ang guro pero nagkamali siya dahil ng tanungin ng guro ang bawat isa sa
klase, dito siya nahuli na wala siyang nagawang takdang aralin. Nang siya ay tanungin ng guro, hindi siya
makasagot at ng hindi siya makasagot, sinampal siya nito pero ipinagtanggol din siya ng kanyang mga
kamag – aral dahil sinabi nila na baguhan siya o bagong dating siya sa paaralan. Dito rin sinabi na bakit
nga ba kailangan pang saktan ng magulang ang kanilang mga anak na kung saan dito niya
naipaghambing kung ano ang pagkakaiba ng Uganda sa Australia na kung saan mahigpit na
pinagbabawal sa ibang bansa ang ganitong pagsasaway sa bata. Maraming kaguluhan ang nangyayari
sa Uganda at dahil dito, marami pang kailangan iwasan ang persona bago siya makarating sa kanyang
gustong puntahan at ito nga ay yung sa Hospital para makapagpa tatak ng medical form niya na
kailangan niya para sa kanyang Visa at makapag – aral siya sa ibang bansa o makakuha ng master’s
degree sa Australia.
Ngayon, hindi na makukuha ng ganoong tingin ang persona. Hinahayaan niya nang dumaldal ang
receptionist sa kanilang katutubong wika, at tatango at tatawa at sisigaw siya sa tamang oras, dahil yun
lamang ang ticket niya para makapasok sa Doctor’s room nang hindi nagbabayad ng mahal na
consultation fee. Susulatan o tatatakan niya ang kanyang medical form at lalabas siya at magpapaalam
sa receptionist sa Luganda o Ingles na kung saan hindi naman na siya magtataka daghil lahat sa kampal
ay marunong magsalita ng ingles. Dito na nagtatapos ang kwento.

You might also like