Professional Documents
Culture Documents
Martial Law
Martial Law
Ika-21 ng Setyembre 1972 – idineklara ni Marcos ang Proclamation No. 1081 o ang
Batas Militar (Martial Law sa Ingles). Ngunit isinapubliko ito at napanood ang pagdedeklara
dalawang araw matapos ito pagtibayin. Matapos ipinalabas ang proklamasyon, agad na
ipinaaresto ang mga katunggali ni Ferdie sa pulitika, at mga demonstrador. Ipinasara ang mga
istasyon ng telebisyon, radyo at palimbagan ng mga dyaryo. Hinigpit ang seguridad at
nagpatupad ng curfew sa buong kapuluan. Idineklara ang Martial Law dahil sa assassination plot
laban kay dating Defense Secretary/Minister at ngayo’y Senate President Juan Ponce Enrile,
paglakas ng pwersa ng mga komunistang grupo at patuloy na kaguluhan sanhi ng mga
demonstrasyon laban sa pamahalaan at ang pagpapasabog sa Plaza Miranda. Layong iligtas ang
republika mula sa mga masasamang elemento katulad ng mga komunista sa pamamagitan ng
pagdedeklara ng Batas Militar. Imbes na humina at mawala ang mga komunista, lalong lumakas
at dumami ang kanilang mga miyembro, nag-alab sila laban sa rehimeng Marcos. Mas tumindi
ang giyera sa pagitan ng gobyerno at mga komunista kaya maraming inosente ang namatay sa
salpukan ng dalawa. Ang mga mamamahayag ay napagbintangan na sila’y kasapi ng mga
grupong Communist Party of the Philippines at New People’s Army kaya marami ang kaso ng
extrajudicial killings sa panahon ng panunungkulan ni Macoy. Maski mga ordinaryong tao ay
pinagbintangan kaya ang iba sa kanila’y sinaktan, pinatay at ipinahiya sa harap ng mga
mamamayang takot at mabilis maniwala sa mga sabi ng gobyerno. Oo’t marami nga siyang
nagawa sa kanyang 21 taon na panunungkulan. Nandyan ang San Juanico Bridge, Cultural
Center of the Philippines, Lung Center at Heart Center, ang mga programang Green Revolution,
reporma sa Lupa, North Luzon at South Luzon Expressway at iba pa. Sabi ng ilan, mas mura ang
mga bilihin noon kesa bago pa at pagkatapos ni Marcos ngunit hindi nila alam na binabantaan ng
pamahalaan ang mga nagtitinda na panatilihin sa mababang presyo ang mga bilihin upang mas
maging epektibo ang “Bagong Lipunan”. Ngunit sa mga iba niyang proyekto ay sukdulan ang
paglabas ng pera mula sa kaban ng bayan upang ibigay sa kanyang mga kaibigan at kamag-anak.
Naging kontrolado ng kanyang pamilya ang ekonomiya kaya noong pinatalsik siya, pinabagsak
nila ng husto ang ekonomiya ng bansa.
https://thefilipinoservant.wordpress.com/2011/09/21/ang-pilipinas-sa-ilalim-ng-martial-law/
MGA KARANASAN
May maganda at hindi maganda ang nangyari sa amin sa panahon ng Martial Law.
Ngunit kung akin ulit babalikan o gunitain ang mga panahong iyon, masasabi kong mayroon
pa ring magandang naidulot ang Martial Law. Ilang halimbawa, masasabi kong naging
disiplinado an gating mga kababayan nung mga panahong iyon, sabihin nating mas
kinakatakutan ang mga pulis noon kaysa ngayon. Sa madaling sabi, mas takot ang mga tao
na gumawa ng mga masasamang bagay kaya mas tahimik at payapa ang ating bansa.
Dahil nga ako ay naninirahan noon sa Camalig, Albay noong idineklara ng noong
president na si Ferdinand Marcos, masasabi kong halos wala naman akong karanasan na mga
kaharasan noong batas military. Ang gawain naming noon ay talagang simple lamang,
gigising nang umaga, mag-kakape sabay mag tatrabaho sa bukid, mag gagapos ng palay,
mag-ani ng mga tanim, umakyat ng puno ng niyog para gawing gata at ulamin kinagabihan.
Sa katunayan, may mga araw na hindi maganda ang mga pangyayari noong Martial
Law. Tahimik ang bawat lugar, walang mga rali, at wala kang karapatan ipahayag ang iyong
sarili. Para kang namuhay uli sa panahon ng mga kastila na kung saan magbanggit ka lamang
sabihin na nating naging maganda ang pamumuhay namin noon dahil sa umuunlad ang
ekonomiya noon hindi kagaya ngayong henerasyon,nginit hindi pa rin mawawala sa aming
isipan ang mga bali-balitang kasakiman, ang walang katapat na pagnanakaw na naganap.
Miski hanggang ngayon madidinig natin sa balita ang mga sabi ay dinugas ng diktator.
naririning na balita noon sa radyo, noon ang tanging aming gamit ay radyo pa lamang noon
kung ang inyong pamilya ay mayroong telibisyon awtumatiko and tawag sa inyong pamilya
ay mayaman. Balik tayo sa aking kinukwento, marami nga ang nangahas na tumuligsa sa
pamahalaan noon. Mangyaring maraming Pilipino ang nakaranas ng labis na paghihirap dahil
sa paglaban nila sa ating pamahalaan noon. Noong panahon na iyon masasabi na swerte ka
kung ang paraan ng iyong pagkamatay ay iyong basta patay lang, wala nang kasamang
paghihirap. Hindi kagaya ng ibang namatay na naranasan muna ang mga paghihirap bago sila
paslangin talaga.
Dahil din sa panahon na ito natututo din ang mga military na umastang hayop, iyong
tipong sila dapat ang nagtatanggol sa kapakanan ng mga mamamayan, lalo na sa mga walang
kapangyarihan ngunit hiindi nila iyon ginawa. Pero ngayon, kahit paano, mas madaling
magreklamo. Mas madaling ipamalita ang mga kabulastugan. Noong nakaraan, ang
nagrereklamo, namimiligro ang buhay. Kaya huwag na huwag kayong maniniwala na mas
maganda sana ang buhay kung nasa poder pa ang isang tulad ni Marcos. Kaya huwag kayo
huwag kayo sanang maniwala sa mga ganid na gustong maghari-harian sa bayan na gustong
Oo, maaaring nagkaroon siya ng pagkakasala sa bayan dahil sa human rights abuse. Pero
hindi ito dapat maging dahilan para kalimutan natin ang mas maraming mabubuting bagay na
nagawa niya para sa bayan. Bakit? Meron bang Presidente na naging perpekto?? Hindi ba't
ito rin ang laging ibinabato ng mga komunista at ibang politiko sa mga naging Presidente
bansa sa Asia. Nakilalala rin ang Pilipinas sa buong mundo dahil sa ibat-ibang proyekto na
ginawa niya.
Tanungin natin ang ating sarili sangayon, ano ang kalagayan ng Pilipinas sa ngayon?
Meron bang nabago sa buhay mo? Sino ang nakinabang sa EDSA kuno? Ikaw ba na
ordinaryong Pilipino o ang mga Pulitiko na sumakay sa issue? Nasaan na ang mga lider ng
EDSA kuno, hindi ba't sila-sila rin ang nagsisiraan at nag-aaway sa ngayon? Katunayan
lamang na ang isinulong noong EDSA kuno ay PANSARILING interes lamang ng mga
Oo, naging masaya ang mga Pilipino nang mawala si Presidente Marcos at naitatag
ang demokrasya sa bansa. Pero ang tanong, alam ba ng bawat isang Pilipino kung ano tunay
ang pwedeng makapantay o kaya makahigit sa mga naging mga tagumpay ni Presidente