Imbes na Chinese garter laruan ko ay teks at jolens Tapos ka-jamming ko lagi noon mga sigang lalaki sa amin
Nung ako'y mag-high school ay napabarkada sa mga bi
Curious na babae na ang hanap din ay babae Sa halip na makeup kit bitbit ko ay gitara Tapos pormahan ko lagi ay long sleeves na tshirt at faded na lonta
Pero noong nakilala kita nagbagong bigla ang aking timpla
Natuto ako na magparebond at mag-ahit ng kilay at least once a month Hindi ko alam kung anong meron ka na sa akin ay nagpalambot nang bigla Sinong mag-aakalang lalake pala ang bibihag sa tulad kong tigreng gala
Kahit ako'y titibo-tibo
Puso ko ay titibok-tibok pa rin sa'yo Isang halik mo lamang at ako ay tinatablan At ang aking pagkababae ay nabubuhayan Na para bang bulaklak na namumukadkad Dahil alaga mo sa dilig at katamtamang Sikat ng araw-araw mong pag-ibig Sa'king buhay nagpapasarap
Nung tayo'y nag-college ay saka ko lamang binigay ang matamis na oo
Sampung buwan mong trinabaho Sa halip na tsokolate at tipikal na mga diskarte Nabihag mo ko sa mga tula at sa mga kanta mong pabebe
Kaya nga noong makilala kita alam ko na agad na mayroong himala
Natuto akong magtakong at napadalas ang pagsuot ng bestidang pula Pero di mo naman inasam na ako ay magbagong tuluyan para patunayang Walang matigas na tinapay sa mainit na kape ng iyong pagmamahal