Ang Bugtong Ay Mga Parirala o Kaya

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ang bugtong ay mga parirala o kaya’y mga pangungusap na inihanay nang patula at

naglalaman ngtalinhaga. Walang hindi nasasaklaw ang bugtong. Ang lahat ng bagay ay
maaaring maging paksa sa bugtong. Ito’y matandang paniniwala na ginagamit na pagtaya sa
karunungan at karanasan ng taong kapalitan sa bugtungan. Nasasalamin natin sa bugtong ang
paniniwala, kabuhayan, kaugalian at pamahiin ng isang lugar o tribo sa ating bayan.

1. Mapalawak ang pag-iisip at imahinasyon.


2. Mapaunlad ang talasalitaan.
3. Magandang paglilibang.
4. Mabuting panghikayat sa mga bata sa pagtatalakay sa mga aralin.
5. Mahasa sa pag-iisip at makasagot nang mabilis.
Ang bugtong, pahulaan, o patuuran ay isang pangungusap o tanong na may doble o nakatagong
kahulugan na nilulutas bilang isang palaisipan (tinatawag ding palaisipan ang bugtong). Ito ay
gumagamit ng talinghaga, o mga metapora sa pagsasalarawan isang partikular na bagay o mga bagay na
hulaan. Madalas itong nangangailangan ng katalinuhan at maingat ng pagninilay-nilay para mahulaan
ang palaisipan o tanong. Makikita dito ang katalinuhan ng mga Pilipino at ang kanilang pananaw na
mapaglaro, masayahin at mahilig maghabi ng wika.

Naririto ang bersyong Tagalog-Ingles ng mga kilalang bugtong Pilipino. Makikita rito ang mga kahulugan
sa Ingles (isinalin ni Damiana L. Eugenio) upang sa gayon ay mas lalong maunawaan ang mga ito ng mga
mambabasa mula sa iba't-ibang lahi.

You might also like