Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

(Planned – not yet Final) Characters: Marcelo H.

del Pilar
Jose Rizal Andres Bonifacio
Paciano Rizal Josephine Bracken
Concepcion Rizal
Teodora Alonzo Noli:
Francisco Mercado Crisostomo Ibarra
Justiniano Cruz Dona Victorina
Pedro Cruz Padre Damaso
Spanish Classmate Padre Salvi
Dominican teacher Maria Clara
UST classmates Elias
Antonio Rivera Sisa
Leonor Rivera Basilio
Spain Roommate Alferez
Mariano Ponce
Graciano Lopez Jaena El Filibusterismo:
Illustrado Paulita Gomez
Maximo Viola Isagani
Emilio Terrero Padre Florentino
Jose Taviel de Andrade

*Rizal is escorted*
Guard: Pangalan?
*childhood flashback*
=====================================================================================
Rizal: Jose-Protacio-Rizal-Mercado-y-Alonso-Realonda
Teodora: Ang galing talaga ng anak ko
Rizal: Nay, punta muna ako kay Concha
Teodora: Baka nagpapahinga pa yun, pepe
Rizal: Kakamustahin ko lang po naman siya eh
Teodora: Oh siya sige. Dalhan mo siya ng tubig ha

*Rizal walks to Concha’s room while Concha’s asleep.*


Rizal: Concha~…Concha…Concha?....Huy Concha…CONCHA…CONCHAAAAA…NAAAAY
*Rizal fam cries by her bed*

=====================================================================================
*1870-Rizal goes to school*
Rizal: Kuya, kinakabahan ako
Paciano: Huwag kang matakot Pepe. Magaling si Maestro Justiniano. Sa palagay ko, magkasinggaling sila
sa guro kong si Padre Burgos
*reaches school*
Paciano: Magandang umaga po, Maestro.
Justiniano: Ah Paciano. Magandang umaga
Paciano: Ito po pala ang kapatid kong si Jose
Justiniano: Magandang umaga iho. Maupo ka na dahil magsisimula na ang aking klase.
Paciano: Maestro, Pepe, mauuna na ako.
*class starts*
Justiniano: Marunong ka bang mag Espanyol?
Rizal: Konti lang po
Justiniano: Marunong ka bang mag Latin?
Rizal: Konti lang po
*class laughs*
Justiniano: PSSSSSST!!! Umaga pa lang, ang ingay-ingay nyo na
Class: Paumanhin, maestro

*in the afternoon*


Pedro: Tabi, bobo!
Rizal: Sinong tinatawag mong bobo?
Pedro: Papalag ka, pandak?
Rizal: Sa tingin mo hindi?
*Rizal brawls with Pedro and wins*

*1872-Gomburza Execution. Paciano witnesses the execution and heads back home devastated*
Rizal: Oh kuya, anong nangyari?
Paciano: Pinatay nila si Padre Burgos sa dahilan na siya raw ay isang pilibustero
Rizal: Ano bang pilibustero?
Paciano: Isang taong nagtangkang sumalungat sa gobyerno
*Francisco walks in*
Francisco: PACIANO! Tama na yan!
Paciano: Pero tay-
Francisco: Pepe, dun ka muna sa kwarto mo
*Rizal walks out*
Francisco: Huwag mo nang idamay pa ang iyong nakababatang kapatid sa ganyang mga bagay. Pupunta
pa yan ng Ateneo at ngayong kung ano-ano pang pinapasok mo sa kokote niya. Baka kung ano pa ang
mangyari sa inyo. Sa atin.
*Pedro tries to speak but Francisco stops him*
Francisco: Huwag ka nang babanggit pa ng GOMBURZA. Naiintidihan mo ba?
Paciano: Opo, tay
UST Days
Teacher: Ilang buto ba ang matatagpuan sa katawan ng tao tuwing kapanganakan?
Rizal: Dalawang daan at pitumpung buto
*Classmate raises hand*
Espanol: Dalawang daan at pitumpung buto po
Teacher: Muy bien, Javier. Iyan nga ang tamang sagot.
Rizal: Pero señor, ako yung nauna
Teacher: Mga indio, walang modo talaga. Walang utang na loob. Kung iyan lang ang ipapakita mo sa
klase ko, mas mabuti pang umalis ka na lang. ALIS!
*Filipinos exchange looks*

Classmate: Ilang buwan nang nakalipas nang magsimula tayo ditto pero hindi pa rin ako sanay sa
kanilang panlalait sa atin. Talagang konti na lang, uupakan ko talagang mga gagong yan
Rizal: Hayaan mo na. Ang mahalaga ay nagkakaisa tayo dito
Classmate: Papayag ka na lang ba Jose? Duwag ka ba?
Rizal: Hindi lang naman suntukan ang tanging sagot sa lahat ng kinakalaban eh
*Spanish students walk in*
Espanol: Oy oy oy, mga pandak
Classmate: Oy oy oy, inutil
Espanol: Lumalaki na ata bibig mo, negro
Classmate: Nakakapagsalita ka na pala, bobo?
*Brawl starts. Rizal gets knocked out by rock*

*Rizal wakes up in Casa Tomasino*


Classmate: Manong, paki kamusta na lang kami kay Jose
Antonio: Oo na, oo na. Huwag kayong mag alala. Ako na ang bahala dito.
Rizal: Tito Antonio? Asan-
Antonio: Andito ka na sa Casa Tomasino. Nawalan ka raw ng malay nung tinamaan ka ng bato sa ulo
Leonor: Tay, eto po yung tubig na ipinadala niyo
Antonio: Salamat. Ah anak. Pakibantay muna kay Pepe. May lalakarin pa ako.
Leonor: Ingat, tay
Antonio: Sige. Maiwan ko muna kayo.
*a few seconds of silence later*
Rizal: Ang swerte swerte ko naman at nakakabighani ang ganda ng nagbabantay sa akin
Leonor: Aba aba! Tinamaan ka lang ng bato, agad-agad ganyan na katamis yung bibig mo? Baka ibang
babae akala mo sa akin
Rizal: Eto naman siya oh. Binabara na naman ako. Sumakit tuloy ang dibdib ko
Leonor: Pepe, ayus ka lang?
Rizal: Masakit talaga. Buti may gamot na iniwan yung tatay mo
Leonor: Meron ba?
Rizal: Halik mo~
Leonor: Pepe naman
*touches Jose on the head*
Rizal: Aray aray!
Leonor: Nako, pepe! Eto na, oh.
*Leonor kisses Rizal’s forehead*
Rizal: Salamat Leonor
*Rizal caresses her cheek as he slowly moves his head forward. Cut before they actually kiss*
=====================================================================================
Paciano: Pepe, halika nga dito
Rizal: Bakit kuya?
Paciano: May ipapagawa ako sa iyo
Rizal: Ano naman po?
Paciano: Pupunta ka ng Espanya at mag aaral ka dun ng medisina
Rizal: Aba…biglaan naman ata yan kuya
Paciano: Alam ko, pepe. Pero pinagiinitan na tayo ng mga prayle dahil sa pagkakakilala ko kay Padre
Burgos. Alam ko ring pagod ka na sa mga panglalait na dinanas mo doon sa Sto. Tomas. Eto ang
pinakatamang panahon upang ikaw ay mag ibang bansa.
Rizal: Pero bakit ako kuya? Pwede naman yung iba nating kapatid.
Paciano: Dahil naniniwala akong ikaw ang magdadala ng pag-asa sa ating lahat. Hindi lang ako, pati na
rin ang mga kasamahan ko. May tiwala ako sa iyong kakayahan na matuto. Pag aralan mo ang
pamamalakad at pamumuhay ng mga tao doon. Nang sa ganun ay maaari mong maiangat itong
kondisyon ng ating bayan
Rizal: Eh alam naman nating dalawa na hindi papayag si nanay
Paciano: Ako na ang bahala diyan. Padadalhan din kita nang pera buwan2. Huwag kang mag-alala
Rizal: Eh…si Leonor?
*cut to Rizal leaving*
Paciano: Walang nakakaalam nito bukod sa atin, si tito Antonio, at ang iba kong mga kasamahan na
nandoon na. Walang makakaalam hanggat nandoon ka na.
*shot ends*

*in Spain apartment*


Roommate: Oh, Jose eto…galing sa kuya mo daw
Rizal: Wala na bang ibang liham?
Roommate: Ay mayroon pa pala, galing sa isang Leonor Rivera
Rizal: Hay salamat amigo! Oh sige, papasok na ako!
Roommate: Huy, antayin mo naman ako!
*after class outside school*
Teacher: Good job this afternoon, Rizal
Rizal: Ah! Hehe thank you señor!
*Rizal goes to illustrados celebration*
Illustrado 1: Uy, andito na pala si Ginoong Rizal!
Mariano: Jose!
Rizal: Mariano!
Mariano: Tagal mo naman
Rizal: May pasok pa ako. Malapit na akong matapos sa kurso kong medisina.
Mariano: Hahaha alam ko, alam ko. Binibiro lang naman kita. Halika, kain tayo
*scene then cuts to Rizal standing up for a speech*
Rizal: …ang pagkapanalo nila Juan Luna at Felix Hidalgo ay isang patunay na tayo ay may kakayahang
maging kapantay ng mga Kastila. Sana tayong lahat ay makapulot ng inspirasyon galing sa ating
dalawang kababayan. Mabuhay ang Pilipinas!
Everyone: MABUHAY!
Graciano: Ganda ng talumpati mo, Jose
Rizal: Haha salamat Graciano. Nga pala, kamusta na?
Graciano: Eto. Nagsusulat pa rin. Iyan lang kasi ang alam kong pamamaraan ng protesta. At kung subsob
na sa mga ginagawa, lalabas ako kasama ang ilan sa ating mga kababayan para mag inuman.
Rizal: Hahahaha kayo talaga
Graciano: Malapit ka nang makapagtapos diba? Anong plano mo?
Rizal: Pupunta ako ng Berlin upang mag aral ng optalmolohiya. Sasamahan ako ni Maximo Viola.
*Rizal looks at jacket*
Rizal: May kailangan pa pala akong gawin. Juan, Felix, mauuna na ako.
Juan: Ah ganun ba. Sige. Ingat, Jose
Graciano: Ingat kaibigan!

Rizal: Malaming ngunit mapayapa ang gabi. Kay ganda talaga dito sa Espanya. Kung ganito lang din sana
ang Pilipinas. Sa paningin ko, puno na naman ang gabi ng sigiwan mula sa mga naaapi at sa mga
nangaapi.
*looks at Paciano’s letter and starts writing*
Rizal: Kuya, ito ang isa sa mga magiging bunga ng misyon ko.
*Rizal keeps writing until scene skips to him writing in a room in Germany*
Rizal: Hindi na mulíng napagsalitaanan pa ang nangyaring iyón, at gayón din ang
tungcól sa cahabaghabag na si María Clara. *sigh* Leonor, sana maayos ang kalagayan mo. Nangungulila
na ako sa iyo. Nangungulila na din ako sa pamilya ko. Sa bayan ko.
*Rizal contemplates throwing manuscript to fire*
Maximo: Uy uy Jose! Diba iyan yung nobela na sinusulat mo?
Rizal: Oo bakit?
Maximo: Eh bakit ba nakatutok iyan sa apoy? Sayang naman
Rizal: Hindi na iyan kaya ng panggastos ko Maximo
Maximo: Huwag ka naming ganyan. Parang hindi ikaw ang Jose na kilala ko. Sige nga, anong laman nito?
Rizal: Isa yang kwento na nalalahad sa mga karanasan ng ating mga kababayan sa kamay ng mga Kastila.
At ito’y nailalahad sa pamamagitan ng bidang si Crisostomo Ibarra.
*Noli flashbacks*
Rizal: Si Ibarra ay isang Pilipinong kakabalik lang sa bayan ng San Diego pagkatapos niyang
makapagtapos ng pagaaral sa Europa. Nais niya na maging katulad ng Europa ang pamumuhay sa
Pilipinas - wasto ang edukasyon ng mga tao at maayos ang pamamalakad ng bayan nila.
Maximo: Teka teka! Parang kilala ko yata yang si Crisostomo ah
Rizal: Haha. Tama ka, Maximo. Inilagay ko nga ang sarili ko kay Crisostomo.
Maximo: Pabida ka Jose ah. Sige, ipagpatuloy mo.
Rizal: Ngunit sa pagbabalik ni Crisostomo, mga suliranin ang sumalubong sa kanya. Pero sa kabila ng
mga problema na kanyang hinaharap ay nakahanap pa rin siya ng aliw at pag asa sa katauhan ni Maria
Clara.
Maximo: Isa na naman ito sa mga babae mo, Jose?
Rizal: *sigh* Sana nga. Dahil sa inspirasyon na nakuha niya mula sa kanyang ama, kay Maria Clara, at sa
kanyang mga nakita, ipinagpatuloy niya ang kanyang mga plano para sa bayan. Nagpatayo siya ng isang
paaralan. Muntik niyang ikinamatay ito. Buti na lang ay iniligtas siya ni Elias, isang mangingisda.
Maximo: Eh, paano na man napunta ang isang mangingisda sa isang konstruksiyon ng paaralan?
Rizal: Nagkaroon siya ng utang na loob kay Ibarra nung iniligtas siya ni Ibarra mula sa isang buwaya
noong nag piknik sila ni Maria Clara sa dagat-dagatan. Alam niyang kailangan ni Ibarra ng proteksyon,
dahil mayroon siyang mga kalaban na handang humadlang sa kanyang mga plano.
Rizal: Dahil sa pagtangka ni Ibarra sa buhay ni Padre Damaso sa kainan at dahil sa pagaalsa na pakana ni
Padre Salvi upang mailayo si Ibarra kay Maria Clara, walang katarungang inakusahan at nakulong si
Ibarra
Rizal: Subalit iniligtas na naman siya ni Elias mula sa kulungan at hinabol at pinagbabaril sila ng mga
Gwardiya Sibil
Rizal: Inakala ng lahat na namatay si Ibarra sa habulan nang dumugo ang tubig na kanyang tinalunan.
Hindi kinaya ni Maria Clara ang balita at binantaan niya si Padre Damaso ng kumbento o kamatayan.
Rizal: Ngunit hindi nila alam na si Elias pala ang tinamaan ng mga bala. Habang nasa bingit siya ng
kamatayan ay nakita niya si Basilio, isang bata na nawalan ng kapatid niyang si Crispin dahil sa mga
prayle at nawalan ng ina, si Sisa, pagkatapos itong mabaliw dahil sa pagkamatay ni Crispin. Hiniling ni
Elias kay Basilio na sunugin ang bangkay niya at kay Sisa at kunin niya ang ibinaon na kayamanan ni
Ibarra para makapagaral siya.
Rizal: Ilang buwang ang nakalipas ay napunta si Padre Damaso sa isang malayong bayan, at doon
namatay. Si Padre Salvi naman ay napunta sa kumbento kung saan nananatili si Maria Clara. May mga
sabi-sabi na habang bumabagyo ay may baliw na nagsisigaw sa ibabaw ng kumbento dahil sa kapalarang
kanyang sinapit. Ngunit wala talagang nakakaalam kung sino iyon.
Maximo: Nakapakaganda ngunit napakalungkot na trahedya
Rizal: Salamat
Maximo: Alam ko na Jose. Sagot muna kita sa panggastos mo pagpapa imprenta mo nito.
Rizal: Naku, Maximo. Ayaw ko nang maging pabigat pa sa iyo. May sakit na nga ako, ikaw pa ang
gagastos sa nobela ko
Maximo: Jose, ito ay isang napakahalagang libro at ito’y dapat na mabasa ng ating mga kababayan at
nang mga Kastila na umaalipin sa atin. Ilang daang peso lang naman ang mawawala sa akin. Maliit na
halaga lang kung itutumbas mo sa pagkamulat ng ating bayan.
Rizal: Maraming salamat talaga, kaibigan. Uutangin ko na lang muna ang pera mo. Babayaran kita sa
hinaharap
Maximo: Jose talaga oh. Sige kaibigan, tatanggapin ko kung ano ang nakakaluwag sa iyong konsensya
*after printing*
Rizal: Maximo, nakagpagpadala na ng pera si Paciano. Eto ang tatlong daan mo.
Maximo: Aba salamat Jose.
Rizal: Kaibigan, uuwi na ako ng Pilipinas
Maximo: Diba kakatanggap mo lang ng liham galing sa kapatid mo? Diba ayaw niyang umuwi ka doon?
Rizal: Kailangan kong umuwi. Kailangan kong gamutin ang nanay ko at pagsilbihan ang iba pang
kababayan natin. Gusto ko ring makita kung ano ang reaksyon ng mga tao sa nobela ko at gusto ko ring
makita si…
Maximo: Oh?
Rizal: Wala. Nangungulila lang talaga ako sa mga minamahal ko
Maximo: Oh sige. Hindi naman ako makakatutol diyan. Mag ingat ka kaibigan.
Rizal: Sige Maximo. Salamat sa lahat lahat.
*back to PH*
Paciano: Tigas talaga ng ulo mo Pepe!
Rizal: Gusto ko nang makita si nanay at magamot siya
Paciano: Itong bata to oh. Maligaya pa rin ako sa iyong pagbabalik, Pepe
*Rizal operates Teodora*
Rizal: Oh nay, ipagpahinga mo muna iyan. Aatupagin ko pa ang ibang pasyente
Teodora: Hinay hinay lang anak. Kakauwi mo pa lang, nagpatayo ka kaagad ng klinika
Rizal: Hayaan mo na nay. Gusto ko naman itong ginagawa ko eh
Guardia Civil: Kayo po ba si Ginoong Jose Rizal?
Rizal: Ako nga. Bakit?
Guardia Civil: Pinapatawag po kayo ng Gobernador-Heneral.
*Malacanang*
Emilio: Ginoong Jose Rizal
Rizal: Gobernador-Heneral
Emilio: Emilio. Emilio Terrero.
Rizal: Ano po bang maipaglilingkod ko sa inyo?
Emilio: Diba ikaw ang nagsulat nitong Noli Me Tangere?
Rizal: Ako nga
Emilio: Nakakatanggap ako ng presyon mula sa Simbahang Katoliko na arrestuhin ka. Ang sabi nila sa
ulat na ito ay kahiya-hiya, subersibo, at erehe itong libro mo. Totoo ba?
Rizal: Inilalahad ko lang ang aking nakikita
Emilio: Ang sinasabi mo ba ay…
Rizal: Oo. Nakaugat yan sa katotohanan.
Emilio: Sabi ko na nga ba. Nabasa ko na rin itong libro. At masasabi kong may mga bagay pang hindi ko
pa nakikita. Kaya nga ipinaimbestigahan ko ang sitwasyon sa Calamba at ang mga Dominikano na
nandoon.
Rizal: Aba’y magandang balit po iyan!
Emilio: Pero sa palagay ko, hindi ako magtatagal sa pwesto dahil sa pagka liberal ko. Marami kang
magiging kalaban dito dahil sa libro mo. Maraming magtatangka sa buhay mo. Kaya, magtatalaga ako ng
tagabantay mo. Ginoong Rizal, ito si Jose Taviel de Andrade. Siya ang mamahala sa iyong kaligtasan
habang kayo’y naririto.
J. Taviel: Maligayang pagbati, Ginoong Rizal
Rizal: Sa iyo rin, sangay. Salamat po, Heneral Emilio
Emilio: Pwede ka nang umalis. Mag ingat ka, Rizal
Rizal: Kayo din po
*At clinic*
Rizal: Tay, huwag masyadong magpapagod. Naapektuhan na itong kalusugan mo.
Francisco: Parang hindi naman ako makapaniwala diyan, Pepe. Pakiramdam ko nga ay mas malakas pa
ako kaysa sa kalabaw
Rizal: Eh di naman bagay sa iyong gumanyan. Matanda ka na.
Francisco: Ah. Kay bilis talaga ng panahon ano?
Rizal: Oo nga. Matagal na rin pala akong nawala. Ahh tay, pwede ho ba ako bumisita kina Tito Antonio?
Francisco: Naku! Hindi pupwede anak. Alam mo namang maraming kang kalaban sa labas. Baka kung
mapaano ka
Rizal: Nandiyan naman si Taviel
Francisco: Kahit na. Hindi pwede
Rizal: Parang may hindi ka pa sinasabi sa akin tay
Francisco: *sigh*Ayaw nang tiyahin mo na pumunta ka dun
Rizal: Bakit naman?
Francisco: Alam ko at alam niya na si Leonor lang ang habol mo doon. At ayaw ng tiyahin mo na maging
manugang ka niya.
Rizal: Pero-
Francisco: Wala na tayong pag-uusapan tungkol dito. Dito ka lang sa klinika mo. Kung hindi ka sa klinika
ay dun ka sa bahay. Walang masyadong liwaliw. Naiintindihan mo ba?
Rizal: Opo, tay.
Francisco: May ibang pasyente ka pa. Mauna na ako
*Francisco greets Taviel and vice versa outside clinic*
*1888*
*At Rizal residence*
J. Taviel: Ginoong Rizal!
Rizal: Bakit sangay?
J. Taviel: Nasa panganib ang buhay mo at ang pamilya mo. May mga liham na puno ng banta sa inyong
mga Rizal. Nakatanggap din si Gobernador-Heneral Terrero ng ganoon. Hindi na rin daw niya kayang
pigilan ang Simbahan sa kanilang mga balak na kaso laban sa iyo. Sabi niya na dapat ka nang lumisan
dito. Para sa kapakanan ng lahat na mahalaga sa iyo.
*Rizal looks at worried family*
Rizal: Ayaw ko man kayong iwan. Pero para sa kapakanan ng lahat, gagawin ko ang nararapat. Sa
paningin ko rin ay mas makakatulong ako sa bayan kung ipagpapatuloy ko ang pagsusulat sa Europa.
*Rizal hugs family*
Rizal: Ginoong Taviel, sabihan mo si Gobernador-Heneral Terrero na pagbigyan ng kahit ilang araw lang
na makasama ang pamilya ko. Lilisan din ako kaagad pag dating ng takdang panahon.
J. Taviel: Masusunod, Ginoo.

*Months later*
J. Taviel: Heneral Terrero, dalawang buwan na mula noong umalis si Ginoong Rizal. Nakatanggap na rin
ako ng utos na bumalik na Espanya.
Emilio: Sige, Taviel. Salamat sa iyong serbisyo
*Emilio enters door and sees another man*
Emilio: Sino ka?
Valeriano: Hindi mo ba natanggap ang liham? Ako, si Valeriano Weyler, ang papalit sa iyo bilang
Gobernador-Heneral ng Pilipinas
Emilio: Hindi pa naman nakatakda ang iyong termino
Valeriano: Pero nakatakda na ang katapusan ng termino mo. At hindi na raw babaguhin ang termino mo
ayun sa rekomendasyon ng Simbahan
Emilio: Ganyan na ba ka desperado ang Simbahan na makakuha nang Gobernador-Heneral na
tumutugma sa kanilang konserbatibong pananaw?
Valeriano: Mag ingat ka sa pinagsasabi mo, Emilio. Baka ikaw pa ang magpapadali sa simula ng termino
ko
Emilio: Kung wala ka nang ibang gagawin sa opisina ko ay pwede ka nang ihatid ni Taviel palabas
J. Taviel: Tayo na po Señor
Valeriano: Paalam, Emilio
*Taviel escorts Valeriano*

*1889*
Jaena: Isang taon na ang nakalipas noong ginanap ang unang pagtitipon-tipon natin bilang La
Solidaridad. Ngayon ay gagawa tayo ng dyaryong La Solidaridad. Lahat tayo ay may iaambag ditto. Ako
ang tinalaga na punong patnugot nito at tutulungan ako sa tungkuling ito nina Marcelo at Jose
Rizal: Ah Graciano! Salamat sa parangal ngunit puno’ng puno ang mga kamay ko sa ngayon sa
pagtatalakay sa libro ni Morga at tsaka sa ikalawang libro ko. Magsusulat pa rin ako para sa dyaryo, pero
hindi ko na makakaya ang pagpapatnugot.
Jaena: May ikalawang libro ka? Ah mga kasama, bigyan nating ng pagbati itong si Jose!
*everyone claps*
Jaena: Kaibigan, naiintindihan naming ang kalagayan mo ngayon. Huwag kang mag alala, susuportahan
ka naming sa iyong pasya.
*Rizal looks to everyone*
Rizal: Mga kaibigan, salamat!
*everyone claps again*

*El Fili flashbacks*


*basilio walks to balete tree*
Basilio: Nay. Nakakapag kolehiyo na ako. Medisina ang kinukuha ko ngayon. At balak din naming ng mga
kasama ko makapagtayo ng paaralan para sa ating bayan. Kung nandito pa si Crispin, tiyak matutuwa
iyon. Tsaka, may nililigawan pala ako ngayon. Juli ang pangalan niya.
*hears steps and hides somewhere near, then sees Simoun about to dig*
Basilio: Ginoong Simoun?
*Simoun turns back and points gun*
Simoun: Basilio, anong ginagawa mo dito?
Basilio: Dito nakalibing ang nanay ko at ng isang estranghero
Simoun: Elias. Kung ganoon, ikaw pala yung bata? *Noli flashback*
Basilio: Oo. At ikaw si Crisostomo Ibarra, ang taong hinangaan ko.
Simoun: *laughs then goes back to serious* Ngayon, alam mo na ang lihim ko, ang dapat sana sa iyo ay
patayin. Wala namang makakaalam. Tayong dalawa lang naman ang nandirito sa kagubatan namin.
Ngunit, alam ko rin na ikaw yung tinutugis nilang batang magnanakaw na may baliw na ina. Pareho lang
tayong pugante sa mata ng pamahalaan. Ang dapat sana ay magdamayan tayo.
Simoun: *sighs* Alam mo, sa labintatlong taon na nilisan ko ang bayang ito ay nilakbay ko ang mundo,
nagtatrabaho umaga at gabi, upang makapagipon at magplano. Ngayun at nakabalik, sisimulan ko na
ang pagwasak ng bulok na sistemang ito.
Basilio: Pero naniniwala pa rin ako sa pangarap mo, na magkakaroon ng wastong edukasyon ang mga
Pilipino at magiging magkapantay na tayo sa mga Kastila sa ganitong paraan.
Simoun:*laughs and points at himself* TIGNAN MO KUNG ANO ANG KAPALARANG NAGHIHINTAY SA
NANGARAP NIYAN! Namatayan ka na nga ng pamilya sa sistema, at naniniwala ka pang mababago mo
ito? Haha sinisira mo lang ang alaala nila.
Basilio: ANONG GUSTO MONG GAWIN KO? Wala akong magawa para makapaghiganti. At kahit
maghiganti man ako ay kailanman di pa rin babalik ang buhay nina Crispin at nanay.
Simoun: Mga musmos pa talaga kayo. Mauuna na ako. Hindi kita papatayin dahil may tiwala ako sa iyo
Basilio, at mas may tiwala din sila sa akin kaysa sa iyo. Iho, maniwala ka sa akin, maiintidihan mo rin ang
mga pinagsasabi ko sa darating na mga panahon.
*Soon after*
Simoun: Kamusta si Tandang Tiago?
Basilio: Mahina na ang kanyang pulso. Binabangungot na siya at nagiging bulag na rin.
Simoun: Gaya ng gobyerno. *looks at Basilio’s table* Aba . Hindi mo pala binuksan ang pamplet na
ipinadala ko. Hindi ka ata interesado sa bayan mo. Pero hindi bale. Pag sapit ng alas onse, ay may pag-
aalsang magaganap. Walang nang pasukan. Patayan na lang ang makakita mo sa bayan na ito. Basilio,
may i-aalok ako sa iyo. Samahan mo ako.
Basilio: At kung hindi?
Simoun: Alam mo, dalawang bagay lang ang iyong pagpipilian: ang hinaharap mo o ang kamatayan mo.
Basilio: Kung papayag ako, ano naman ang gusto mong gawin ko?
Simoun: Kapag nagsimula na ang pag-aalsa, pupunta ka sa Sta. Clara at ililigtas mo ang isang taong
tanging tayo lang at si Kapitan Tiyago ang nakakilala.
Basilio: Si Maria Clara? Pero…patay na siya!
Simoun: Teka, nagbibiro ka ba? O naduduwag ka lang talaga at naibulalas mo lang iyan? Baka gusto
mong patayin kita ngayon sa kinalalagyan mo
Basilio: Nagsasabi ako ng totoo. Ilang linggo na siya may sakit at kaninang hapon lang siya namatay.
Kaya nga labis ang pagdadalamhati ni Kapitan Tiyago kanina at nasobrahan siya sa paghithit ng opium.
Simoun: Ah!
*Simoun angrily walks away while murmuring*
*Next few days – Basilio visits Macaraig*
Guardia Civil: Anong pakay mo dito?
Basilio: Bibisitahin ko sana ang kaibigan kong si Macaraig
*Macaraig talks with corporal*
Macaraig: Ikaw din Basilio? Aba salamat sa pagdamay!
Corporal: Basilio? *checks list* Estudyante ng medisina, diba?
Basilio: Opo?
Corporal: Inaaresto ka namin sa salang panunulsol laban sa gobyerno. Ikaw at ang mga kasamahan mo
sa pansiteria
Macaraig: HAHAHAHA tara na Basilio!
*Guardia Civil drags Macaraig and Basilio*
*while in prison*
Guardia Civil: Basilio? Maaari ka nang umalis. May nakapagpiyansa sa inyo.
Basilio: Pero sino?
*Basilio sees Simoun behind*
*Basilio walks with Simoun*
Simoun: Kawawang Basilio. Naputol ang planong makapagtayo ng malayang paaralan, nawalan ng mana
galing kay Kapitan Tiyago, kinulong sa salang hindi niya ginawa, at ngayon: Namatayan ng sinisinta
Basilio: Teka, ano bang ibig mong sabihin?
Simoun: Hindi mo ba alam? Humingi ng tulong si Huli kay Padre Comorra para makalaya ka sa kulungan.
Pero…tinangka ng pari na gahasain si Huli kaya tumalon siya sa bintana sa takot at namatay.
Basilio: Huli…
*Basilio breaks down and cries. He calms down moments later*
Basilio: Simoun. Gusto ko nang sumali sa inyo.
Simoun: Hindi mo pagsisisihan ang desisyon mo, Basilio. Manood ka. Masasaksihan mo ang katapusan
ng mga namumunong Kastila. Sa isang bahay na pagdadaluhan ng mga pinuno ay may inilagay akong
mga dinamita at pulbura. Makikisalo ako sa kanila at magbibigay ng isang lamparang may pasabog.
Mangyaring may magsisindi ulit nito ay sasabog ito at mamatay lahat ng dumadalo sa bahay.
Basilio: Pero may mga kababayan din tayong dadalo sa pagsasalo-
Simoun: Konting sakripisyo para sa ikabubuti ng bayan.
*During the night of the “event” – Basilio sees Isagani near the house*
Basilio: Isagani! Anong ginagawa mo ditto?
Isagani:
Basilio:
Isagani: ANO?! Nasa panganib si Juanita
Governor-General: “Mene Thecel Phares”? Baka biro lang iyan, Salvi?
Salvi: Pero…ito ang sulat-kamay ni Crisostomo Ibarra
Isagani: TUMABI KAYO!!!
*Isagani throws lamp outside the window and runs away*
*Meanwhile, Simoun is chased by Guardias Civil and was shot but managed to escape – he finds a shack
and knocks; Padre Florentino opens the door*
*Simoun drinks a poison*
Florentino: SIMOUN! Bakit?
Simoun: Mas mabuti pang mamatay ako kaysa sa madakip ako ng mga Guardia Civil. Alam kong
mamatay na ako, kaya ilalahad ko sa inyo ang aking sikreto.
*Simoun confesses*
Simoun: At iyon ang kapalarang sinapit ko, Padre. Sabihin mo nga sa akin, mayroon ba talagang Diyos?
Florentino: Meron, Simoun. Palagi Siyang nandiyan para sa atin.
Simoun: Kung ganoon, bakit Niya pinabayaang pumalpak ang mga plano ko?
Florentino: Dahil ang mga plano mo ay puno ng paghihiganti. Hindi ka matutulungan Niya kung ganyan.
Ang Diyos natin ay makatarungan, at payag lamang Siya sa mga adhikaing makatarungan.
Simoun: Saklap naman. Tanggap ko naman ang inyong paliwanag, padre. Pero bakit mas binigyan Niya
ng pansin ang aking kasamaan kaysa sa paghihirap ng mga kababayan ko? Bakit hindi na lang Niya akong
tapusin at hayaang magtagumpay ang mga kababayan ko?
*Florentino is substituted by Rizal*
Rizal: Kailangang magdusa ang mga makatarungan upang marinig ang kanilang mga ideya.
Simoun: Sabi ko na nga ba. Hinayaan ko lang lumago ang kasamaan sa bayan.
Rizal: Oo, kaibigan. Pinalago mo ang bisyo; naging lason sa mga makapangyarihan at mga nasa
gobyerno. Ngunit naging lason din ito sa lipunang ipinaglalaban mo
Rizal: Mga kapatid, nabatid ko na papalaki nang papalaki ang La Solidaridad. Humihingi sana ako nang
pahintulot sa ating patnugot na tayo’y makahalal ng isang Responsible
Illustrado: Bakit naman Jose? Hindi ba’t maayos naman ang pamamalakad ni Marcelo?
Rizal: Hindi lang ito tungkol sa diyaryo. Ito din ay para sa kaisahan ng kilos ng organisasyong ito. Dapat
ang Responsible ang magpapasya para sa kilusan.
Marcelo: Paumanhin Jose, pero ang La Solidaridad ay tatanggap ng kahit ano gawa kung ito ay
nakakatulong sa kilusan. Gagawin nito kung ano ang nararapat para sa atin, dahil ito ay isang pribadong
panukala
Rizal: Kahit na para tayong mga hipokritong nagsusulat ng makatarungan ngunit subsob sa bisyo at
pambababae? At ito’y isang pribadong panukala?Baka nakakalimutan mo na ang La Solidaridad ay para
sa bayan?
*Everyone stood in silence as Rizal walks out*

*July 3, 1892*
Rizal: At ngayong kumpleto na ang mga dokumento at mga opisiyal nito, maaari na nating pagsilbihan an
gating mga kababayan at ipaglaban ang ating mga karapatan. Mabuhay ang La Liga Filipina!
Everyone: Mabuhay! *claps*
Rizal: Tayo’y magbunyi! *cheers and laughs*
*Andres approaches*
Andres: Ginoong Rizal! Ako nga pala si Andres Bonifacio, isang masugid mong tagahanga
Rizal: Aba! Nahihiya naman ako. Pero ikinagagalak kong makilala ka, Andres.
Andres: Naging inspirasyon ko ang mga libro at mga sulatin mo. Sa katunayan nga, may mga plano na
din ako para sa bayan.
Rizal: Salamat sa paghanga. Gusto ko sanang marinig ang gusto mong sabihin, ngunit dapat na akong
umalis. Baka sa susunod na pagkikita natin, Andres
Andres: Ayos lang sa akin, Rizal! Ingat ka!
*3 days later – Rizal was dragged to Despujol’s office*
Despujol : Oh, Ginoong Rizal.
Rizal: Ano bang ginawa ko at ipinaaresto niyo ako, Gobernador-Heneral?
Despujol: Malaki-laki din, Rizal. Tignan mo ang mga gawa mo at sukatin mo kung gaano kalaki ang atraso
mo sa simbahan. Isa nga sa mga nobela mo ay inialay sa alaala ng GOMBURZA, ang isa sa mga unang
pilibustero.
Rizal: Kasalanan bang magsabi ng katotohanan?
Despujol: Katotohanan o galit ka lang talaga sa simbahan? *Shows Pobres Frailes* POBRES FRAILES.
Natagpuan sa bagahe ng kapatid mong si Lucia. Sa inyong dalawa, siguro alam naman natin kung sino
ang may kakayahang magsulat ng ganito?
Rizal: Pero-
Despujol: Tama na, Rizal. Napagpasyahan na naming itapon ka sa Dapitan upang mabigyan ka ng lugar at
oras para makapagisip sa mga kasalanan mo at magbalik loob sa simbahan. Magpaliwanag ka na lang sa
iyong panig pagdating ng iyong paglilitis.
*Despujol signals Rizal out and the guards drag him out*
*Rizal’s stay in Dapitan*
*Montage of Rizal helping out Dapitan through education, engineering, medicine, arts, etc*
*Rizal goes home to find his mother with a worried look*
Rizal: Nay?
Teodora: Pepe! *hugs tight*
Rizal: Bakit po kayo nandito?
Teodora: Hindi ko matiis na malungkot ka sa pagkatapon mo dito
Rizal: Maayos naman ang aking pamumuhay dito. Pero medyo totoo ngang…malungkot ako
*Teodora hangs her head low – about to cry*
Rizal: Bakit nay?
*Back and forth shots of Leonor on her deathbed and Rizal’s shocked and painful reaction*
*Dapitan, 1895 - Rizal in his clinic*
Rizal: Sa ngayon, huwag ka munang magtrabaho. Magpahinga ka muna.
Patient: Sige po, doctor. Salamat
Rizal: Walang anuman. Sinong susunod?
Josephine: Kami po.
Rizal: Ah you’re a foreigner, my apologies. Do you understand Tagalog?
Josephine: As of now, konti lang
Rizal: It’s okay.
*Josephine tries to guide his father Taufer*
Rizal: This must be my patient. What’s your name sir?
Taufer: George Taufer. I’m the father of Josephine
Rizal: Josephine?
Josephine: Oh I’m sorry, I haven’t introduced myself. My name is Josephine. Josephine Bracken.
Rizal: Jose Rizal. At your service
*They both shake hands with a smile*
*5 months later*
Josephine: Jose! Jose!
Rizal: Josephine? *hugs *
Josephine: I’m back!
Rizal: I’m so happy to see you again
Josephine: By the way, my father and your family gave us their blessings
Rizal: That’s good news!
Josephine: Also, I want you to meet someone
Rizal: Really? Who?
*Josephine guides Rizal’s hand on her stomach*
Josephine: Your son
*Rizal and Josephine hugged tightly*
*3 months later*
Josephine: Jose?
Rizal: Yes, my love?
Josephine: My bump…it hurts
Rizal: What?
Josephine: AAAAAAAAAAHHH!!!
Rizal: Josephine!!!
*June 21, 1896 – Rizal visits the grave of his son*
*Josephine hugs him from behind*
Josephine: You have bisita
Rizal: Sino?
*Skip to house*
Pio: Magandang gabi, Ginoong Rizal. Ako po pala si Pio Valenzuela. May dala akong pasyente.
Rizal: Ah sige. Maupo muna kayo
Pio: Ang laki laki na ng impluwensya mo dito, Ginoong Rizal. Edukasyon, irrigasyon, medisina.
Nakakabilib naman
Rizal: Salamat
Pio: Pero hindi lang ang pagkagaling ng pasyente ang pakay ko dito. Napabilang ako sa isang kilusang
tinatawag na Katipunan, na nabuo noong inaresto ka. Kami ay may pinaplanong isang pag-aalsa upang
mapalaya ang Pilipinas. Gusto sana naming konsultahin kung sang-ayon ka ba sa aming gagawin.
Rizal: Hmmm. Kay ganda ng pagkakataon ngayon dahil pagkakaabala ng mga Kastila sa Cuba.
Pio: Pero naniniwala akong mas maaga pang magsimula ang pagaalsa, kahit walang armas
Rizal: Diyan ako tutol! Kung iyang ang mangyayari, tiyak ikamamatay ito ng mga Filipino. Baka hindi na
natin kakayanin kung ano ang susunod.
Pio: Kung ganoon, ano ang maipapayo niyo?
Rizal: Kunin ninyo ang suporta ng mga mayayamang Filipino. Kung hindi sila susuporta, siguraduhin
ninyong hindi rin sila papanig sa mga Kastila. Pag nasimulan niyo na ang pag-aalsa, huwag ninyo na
akong alalahanin. Hindi nakasalalay sa akin ang kalayaan ng bansa
Pio: Pero kung mapapilitan ng maaga ang rebolusyon at nasa Dapitan ka pa, tiyak na babarilin ka nila
Rizal: Handa naman akong mamatay para sa bayan, Pio
*Pio bids Rizal goodbye – Rizal visits his son’s grave again*
*Scene switches to his trial in military court*
Rizal: Anak, minsan dumadalaw sa isipan ko ang isang katotohanang ayaw kong aminin at ayaw kong
ipakita: Takot akong mamatay.
Governor-General: Dahil sa mga ebidensya at sa mga testimoniya laban sa iyo, Dr. Jose Rizal:
Hinahatulan ka naming ng kamatayan!
*Rizal lowers head while people in the back are pained by the announcement*
Simoun: Aba aba, Dr. Rizal!
*Scene switches back to grave*
Simoun: Sana hindi tama ang narinig ko. Dahil kung tama nga, baka mabaril kita diyan sa kinalalagyan
mo
Rizal: Hahaha. Bunga ka lang ng aking imahinasyon, Simoun. Hindi ka totoo
Simoun: Nakalimutan mo yata na ikaw ay ako at ako ay ikaw. Ngunit mayroong nanatili sa akin na tila
wala na sa iyo. Asan na ba ang katapangan at paninindigan mo?
*Scene switches back to Rizal’s lowered head*
Rizal: Tama ka, Simoun.
*Scene switches to execution day – Rizal is escorted to his spot*
Rizal: Gobernador-Heneral, maari po ba akong humarap sa mga baril upang makita ko ang sikat ng
araw?
Governor-General: Hindi pwede. Tumalikod ka na
*Rizal notices Ibarra and Maria Clara in the audience then turns back*
*Someone’s hand touches his hand from behind*
Leonor: Pepe…
Rizal:*smiles*…Leonor
Governor-General: May gusto ka pa bang sabihin, Rizal?
Rizal: Consummatum est
Governor-General: Handa…FUEGO!!!
*Rizal tries to face Leonor but is shot. He lies to the ground looking to his right, where he sees Ibarra and
Maria Clara walking away. He closes his eyes, a soldier approaches and gives him a mercy shot*

You might also like