Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

I.

Depenisyon

Buod o Mensahe:

Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng konkretong depinisyon


ng dula sa Pilipinas.

Ang dula ay isang larawan ng buhay na sinasangkapan ng


wika, damdamin, at sining. Ito’y sinusulat hindi upang sulatin at
basahin lamang. Hinahabi ito upang itanghal, makaaliw, umantig
ng damdamin, at makapaghatid ng isa o higit pang mensahe.

Ayon sa mga mananalaysay, ang drama o dula ay nagsimula


sa Griyego bago pa isilang si Kristo. Ang salitang drama ay buhat
sa salitang Griyego na ang ibig sabihin ay “isang bagay na
naganap sa lugar na kakikitaan o pinag tatanghalan.

Awtor:

Sauco, Consolacion P. 2003. Sulyap sa Dulang Tagalog. Navotas


Press, Navotas, Metro Manila

Pahina:

p. 2
II. Paghahambing

Buod o Mensahe:

Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng paghahambing sa


porsyento ng kalakalan sa Amerika simula noong 1940 hanggang
taong 2011.

Ayon kina Joseph E. Jacobs at J. Bartlett Richards, sa kanilang


ginawang pag-aaral noong 1940 “ang inagurasyon ng resiprokal na
malayang kalakalan noong 1960’s ay naging dahilan ng
substansiyal na pagbuti sa posisyon ng Amerika sa kalakalang pag-
angkat ng Pilipinas.”Ang malayang kalakalan sa pagitan ng isang
bansang mahina ang ekonomiya at ng isang malakas at
industriyalisadong bansa ay nagdulot ng dependency at
underdevelopment para sa Pilipinas, pumigil sa pag-unlad ng lokal
na industriyalisasyon, at nagpatuloy sa katayuang agraryo ng
bansa.

Mula noong 1940, tumaas ng 67 bahagdan ang porsyento ng


kalakalan ng Pilipinas sa Amerika taong 1962, bumaba ng 12
bahagdan taong 1971 na nagpatuloy hanggang 1974 at muling
tumaas ng 35 bahagdan taong 1982. Patuloy na namayagpag ang
kalakalan ng Pilipinas sa Amerika noong 1990’s hanggang 2000’s.
Sa tala ng Joint Committee o Philippine Affairs, mula noong 1940
hanggang taong 2011, 97 bahagdan na ang itinaas ng persyento ng
kalakalan at inaasahang tataas pa ito sa mga susunod na taon

Awtor: Abelardo, Pedro E. 2011. Babae, Obera, Kalakalan,


Unyonista. The University of the Philippines Press, E. delos
Santos St., UP Campus, Diliman Quezon City
Pahina:
pp 17-19
III. Sanhi at Bunga

Buod o Mensahe:

Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng mga detalye ng


sikolohikal na sanhi at bunga ng pagkakaroon ng broken family.
Ayon sa pag-aaral ni Anna Clarissa Esperida, ang pagkakaroon ng
broken family ay karaniwang sanhi ng pag hihiwalay ng mga
magulang. Nagsisimula sa simpleng di pagkakaintindihan, pag
aaway, pagbabangayan hanggang sa tuluyang magkahiwalayan.
Ang resulta, mataas na posibilidad ng pagrerebelde ng anak.
Andyan na ang bumarkada, mag bisyo, mag inom, mag buntis sa
murang edad at iba pa. Ginagawa nila dahil madalas, sila ay kulang
sa pansin at gusto nilang kumuha ng atensyon mula sa kanilang
mga magulang. Ang masasamang gawaing ito, pag di naagapan ay
makasisira sa buhay ng kanilang mga anak. Kaya kung
magkakahiwalay ang mga magulang, kailangang masiguro na
maiintindihan ito ng anak at hindi sya maghahanap ng dahilan
upang ipariwara ang sariling buhay.

Awtor: Esperida, Anna Clarissa E. 2010. Pamilya at Mga Relasyon.


Ateneo De Manila Press, Katipunan Avenue, Quezon City

Pahina:
p2
IV. Kahinaan at Kalakasan

Buod o Mensahe:

Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng sanaysay tungkol sa


kahinaan at kalakasan ng pag gamit ng internet sa pagreresearch.

Sa pag gamit ng internet, mas madaling makakahanap ang


mananaliksik ng mga impormasyong kailangan. Ito rin ay nandyan
lang anumang oras. Di gaya ng pananaliksik gamit ang libro na
kailangan pang sadyain ang silid-aklatan. Ang kahinaan naman dito,
hindi sigurado ang mga impormasyong nakukuha sa internet.
Walang sapat na ebidensyang makapagpapatunay na tama ang
mga impormasyong galing dito. Sa pag gamit din ng internet,
maaring mabalewala ang mga peryodiko, artikulo at librong mas
importante sa pananaliksik.

Awtor:

Williams, Patrick. 2004. Coping with the Modern World. New


Industrial Road, Times International Publishing House.

Pahina:
p. 102-103
V. Enumerasyon o Pag-isa-isa

Buod o Mensahe:

Ang sanaysay na ito ay naglalaman ng enumerasyon o pag-


isa-isa ng mga sangkap na ginagamit sa pagsasalita. Ang mga
sangkap na ito ay ang kampanilya, lalamunan, unahang ngalangala,
matigas na ngalangala, guwang ng ilong, babagtingan, dila, ngipin,
at labi.

Ang tunog na /pb/ ay mga panlabing tunog na binibigkas sa


pamamagitanng pagsara ng dalawang labi at pagpigil ng daloy ng
tunog na nanggagaling sa baga at pagakatapos ay binibigkas.
Gayon din ang /m/, ang kaibahan lamang, ang dalo ng tunog ay
nanggagaling sa ilong.

Awtor:
Atienza, Obdulla. 2006. Sining ng Komunikasyon. Katha Publishing
Co., Gil Puyat Avenue, Makati.

Pahina:
p. 48
VI. Pagkakasunod-sunod o Order

Buod o Mensahe:

Ang salaysay na ito ay naglalaman ng sunod-sunod na


hakbang sa pagluluto ng Vegetable Rolled with Camote Tops. Ang
mga sangkap na kakailanganin ay ang patatas, carrot strips,
turnips, kangkong, gabi, baguio beans, itlog, camote tops, asin at
paminta, mantika, bawang, sibuyas, hipon, keso, toyo, at
breadcrumbs.

Unang hakbang, bahagyang lutuin ang camote tops at


pagkatapos ay hanguin at pansamantalang ihiwalay. Pangalawa,
gisahin ang mga gulay na sangkap, idagdag ang kaunting toyo at
budburan ng asin at paminta. Sunod na ibati ang itlog, lagyan din
ng asin a paminta pagkatapos ay ibuhos sa mga gulay na naunang
lutuin. Pagsama-samahin ang mga ito kabilang ang hipon at keso
sa camote tops na naunang naluto. Painitin na ang mantika sa
kawali. Balutin ang mga sangkap sa breadcrumbs at ilagay na sa
kawali. Hintayin hanggang maging golden brown at ihain agad
habang malutong pa.

Awtor: Yap, Arthur C. 2009. Oh My Gulay!. Foundation for


resource Linkage and Development Inc., Taguig, Phil.

Pahina:
p 56

You might also like