Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Alamat ng Maya

Si Rita ay batang lubhang malikot. Ang kanyang ina ay laging naiinis sa mga ginagawa niyang hindi dapat gawin ng
batang katulad niya.

Isang araw, ang kanyang ina ay nagbayo ng palay. Si Rita ay nanood sa kanyang ina. Siya'y gutom na gutom sapagka't
galing siya sa laruan. Nang mayroon ng isang salop ang nabayong bigas, si Rita ay nagsimula nang kumain ng bigas.
Ang lalagyan ng bigas ay malaki at may takip na bilao. Ngayon natakpan siya ng bilao. Hindi nahalata ng ina. Nang
matapos na ang ina sa kanyang pagbabayo, tinawag niya si Rita upang mautusan sa pagtatago ng binayo. Hindi sumagot
si Rita. Hinanap ng ina sa lahat ng taguan, wala rin si Rita roon.

Nang kanyan buhatin ang lalagyan ng bigas may lumabas na maliit na ibon galing sa loob. Kumakain ng bigas ang ibong
iyon. Ang ibong iyon ay si Rita, ang tinatawag ngayong maya.

Smartzone zombie law’: Paggamit ng cellphone habang tumatawid ipinagbawal sa Hawaii

MANILA, Philippines - Pagmumultahin ang sinumang mahuhuling gumagamit ng cellphone habang tumatawid ng
kalsada sa Honolulu, Hawaii.

Sa ulat ng TIME, sa bisa ng “smartzone zombie” law ay pagmumultahin ng $35 o halos P2,000 ang mga mahuhuli na
gumagamit ng cellphone habang tumatawid.

Ito ay matapos umabot sa 6,000 katao ang bilang ng mga pedestrian na namatay nitong nakaraang taon sa Amerika.

Ang Honolulu ang unang lungsod sa Amerika na nakapagpasa ng batas na naglalayon na resolbahin ang problema ng
“distracted walking” upang matiyak ang kaligtasan ng mga pedestrian.

Samantala, kamakailan lamang dito sa Pilipinas ay pinaigting ang pagpapatupad ng Anti-Distracted Driving Act na
nagbabawal sa mga motorista na gumamit ng gadgets, tulad ng cellphone, habang nagmamaneho.

Ang mga motoristang mahuhuli ay pagmumultahin ng P5,000 para sa first offense; P10,000 pasa sa second offense,
P15,000 at pag-suspinde ng lisensya ng driver sa loob ng tatlong buwan para sa third offense at P20,000 at pagbawi ng
lisensya para sa pang-apat na offense.

ANAK KA NG INA MO…

ni: J

Nanginginig na ang kaniyang mga pasmadong daliri. Tila giniginaw ang mga kamay. Mga kamay na umaakay sa iyo
noong mga unang araw ng iyong pagtuntong sa eskwela. Mga kamay na pinagkukunan mo ng isang libo’t isang lakas
upang mabuhay.
Nakakurba na ang kaniyang tindig. Tila kawayang nakayuko ang kanyang likod. Mga likod na natutuyuan ng pawis sa
paglalabada upang may mailaman ka sa iyong kumakalam na sikmura.

Nakakunot na ang noo niya kapag tumitingin sa iyo. Parang laging may inaaninag ang mga mata. Mga matang laging
nakatingin sa iyo habang ikaw ay natutulog sa banig. Mga matang nagmamasid at nagbabantay sa iyo mula pagsilang
hanggang sa iyong paglaki.

Mahina na ang kaniyang pandinig. Parang baradong lababo ang kaniyang mga tainga. Mga taingang dumirinig sa iyong
pagngawa kung inaagrabiyado ng iyong mga kalaro. Mga taingang handang makinig sa iyong mga daing dahil sa
kabiguan.

Mabagal na ang kaniyang paghakbang. Sa wari’y binibilang ng mga binti at paa ang bawat minutong lumilipas. Mga binti
at paang ginagamit niya upang masaklolohan ka sa mga panganib na sinusuong mo noong iyong kabataan. Mga binti at
paang inaasahan niya upang makaraos kayo sa araw-araw.

Kulubot na ang kaniyang balat. Parang chicharong bulaklak sa platong losa ang kabuuan ng kanyang mukha. Mukha na
pilit niyang pinakapal upang lumapit at umutang sa kaniyang mga kaibigan at kakilala sa panahong ang enrolment ay
malapit na. Mukhang pinakakapal ng katwirang gagawin ang lahat para sa iyo.

Luyloy na ang kaniyang mga dibdib. Nilipasan na ng panahon ang kaniyang mga suso. Mga susong dati’y pinagkukunan
mo ng matimyas na kalusugan. Mga susong nagbigay sa iyo ng lakas at tibay ng katawan sa pagsagupa sa mga
karamdaman.

Binura na ng kulay puti ang mga itim sa kaniyang tuktok. Tila abo ang kulay ng kaniyang buhok. Mga buhok na
malasutlang hinahawakan mo kapag ikaw ay kanyang pinatutulog. Mga buhok na sagisag ng mga taon at panahong
ginugol niya sa pag-aaruga at pagkalinga sa iyo. Mga Sanaysay sa Filipino 2011.

Mahina na ang kanyang boses. Tila garalgal ng radyong walang signal ang kanyang tinig. Mga tinig na pinagbuhatan ng
maraming magagandang aral ng buhay na ibig niyang maging gabay mo sa iyong pagkatao. Tinig na puno ng pangaral na
magagamit mo sa iyong pagtahak sa sariling lakbayin sa daigdig.

Lupasay ang kanyang katawang mortal. Sa iyo napunta ang kanyang lakas. Sapagkat pinagpala ka niya. Nagtingala siya
ngayon sa iyo…. patuloy kang inaaruga at matiyagang naghihitay…. Sapagkat siya sa kanyang pagiging ina…. ay
marubdob na nagnanais na matapunan din ng kahit kaunting pagkalinga… Mahalin natin ang ating mga ina!

Ang Parabula ng Ama, Anak at Kalabaw

Isang mapagmahal na pamilya ang nakatira sa isang bundok. Ang ama’y magsasaka samantalang mabuting may-bahay
ang ina. Isang lalake ang anak ng mag-irog na naninirahan sa bundok. Pitong na taon na ngayon ang kanilang anak.

Nang minsang bumaba sa bukid ang ama ay isinama niya ang kanyang anak upang makatulong kahit papaano at nang
malibang na rin. Dala rin nila ang kalabaw na siyang mag-aararo sa lupang tatamnan. May kalayuan ang pinag-aanihang
bukid ng ama. Kinakailangang dumaan ng apat na baryo bago marating ang bukid.

Masayang-masaya ang batang lalake habang tinutulungan ang kanyang ama sa pagtatrabaho sa bukid. Nanghuhuli rin siya
ng maliliit na langgam at ng luntiang tipaklong sa pagkakataong nag-aararo ang ama. Maligaya naman ang ama habang
pinagmamasdan ang kanyang anak.

Magdidilim na at pagod na ang ama. Tumigil na rin ang kalabaw sa paggawa dahil sampung kwadro na ang binungkal
nito. Kaya naisipan na ng ama na umuwi at niyaya na nga ang anak.

Habang sila’y naglalakad patungo sa bundok na kanilang tinitirhan ay napadaan sila sa isang baryo. Hapung-hapo ang
ama kaya naisip ng anak na ang ama na lang ang ipasakay sa kalabaw sa halip na siya. Hawak ng bata ang lubid na
nakatali sa kalabaw na kinasasakyan ng ama. Napansin nilang nag-uusap ang ilang ale sa isang banda ng baryo. Narinig
na lamang nila: “Hay naku, anong klase ama ‘yan? Kabata-bata ng anak inaalila nang ganyan. At siya, komportableng
nakasakay sa kalabaw.”

Napahiya ang ama sa kanyang narinig. Kaya bago tumawid sa sunod na baryo ay bumaba na ito at ibinuhat ang anak
pasakay sa kalabaw. Hapung-hapo sa paglalakad ang ama habang hawak ang lubid ng kalabaw. Ngunit nakarinig na
naman sila ng mga komento mula sa mga tagabaryo. “Ano ba naman iyang batang ‘yan? Nakita na ngang pagud na pagod
ang ama sa pag-aaro nang buong araw sa bukid hinayaan pa ang ama na maglakad. Napakawalang utang na loob sa amang
kumakayod para sa pamilya.” Kaya bago tumungo sa ikatlong baryo ay ibinaba ng ama ang anak.

Magkahawak kamay ang mag-ama habang naglalakad kasama ang kalabaw. Nang maabot ang ikatlong baryo, nanghina
ang mag-ama sa narinig mula sa isang tagaroon: “Katangahan naman ang ibinigay sa mag-amang ito. Ang layo ng bukid
na pinanggalin. Pagod pa sa paggawa roon. Naglakad. Hindi man lamang naisip sakyan ang kalabaw. Ano pa ang silbi
nito? Tsik...tsik...” Sumakay sa kalabaw ang dalawa. Sakay sila ng kalabaw hanggang maabot ang ikaapat at panghuling
baryo.

“Kawawa naman ang kalabaw. Maghapong nag-araro sa bukid, napapagod din ‘yan. Siguro kung nakapagsasalita lamang
ang kalabaw na iyan siguradong magrereklamo na ‘yan. Itong mag-ama, napakalupit! Wala man lang konsiderasyon sa
kalagayan ng hayop. Kahit hayop, napapagod at may pakiramdam din.” Narinig na lamang nilang sabi ng isang lalake
habang lumalagok ng tuba sa tindahang nadaanan.

Nang makarating ng bahay, hindi maintidihan ng babae sa itsura ng kanyang mag-ama.

Ang Inahing Manok at Ang Kanyang Mga Sisiw

Isang inahing manok na may anak na tatlong sisiw ang naninirahan sa gitna ng taniman ng mais. Isang araw, lumabas ng
bahay ang magsasakang may-ari ng taniman at sinabing, "Panahon na upang anihin ko ang aking maisan! Kailangan
tawagin ko ang aking mga kapit-bahay upang tulungan ako sa aking pag-ani bukas!"

Narinig ito ng mga sisiw at agad iminungkahi sa kanilang ina, "Kailangang lumikas na tayo rito at humanap ng ibang
matitirahan inang! Kung hindi, matatagpuan tayo rito ng mga magsisipag-ani bukas at huhulihin upang patayin!"

"Huwag kayong mabahala mga anak," ang wika ng inahing manok. "Kung mga kapit-bahay lamang ang aasahan niya,
hindi agad magsisipag-kilos ang mga iyon! May panahon pa tayo upang manirahan dito."

Tama nga ang sinabi ng inahing manok. Sapagkat kinabukasan nga'y walang mga kapit-bahay na dumating upang
tumulong sa pag-ani ng magsasaka.

"Kung hindi ko maasahan ang aking mga kapit-bahay, sa aking mga kamag-anak ako lalapit upang humingi ng tulong sa
isasagawa kong pag-ani bukas!"

"Narinig ng mga sisiw ang sinabi ng magsasaka at dali-daling iminungkahi sa kanilang ina. Ngunit muli, hindi nabahala
ang inahing manok at sinabing, "Kung sa mga kamag-anak lamang siya aasa hindi magsisipagsunod ang mga iyon! May
mga trabaho ring dapat asikasuhin ang mga iyon at tiyak na hindi maasahan. May panahon pa tayo para manirahan dito
mga anak!"

Kinabukasan nga'y tama uli ang sinabi ni inahing manok. Walang kamag-anak na dumating ang magsasaka upang
tulungan siya sa pag-ani sa maisan.

Dahil dito, napilitan ang magsasakang tawagin ang kanyang anak at sinabing, "Bukas na bukas din, tayong dalawa na
lamang ang aani sa ating pananim. Wala tayong ibang maaasahan kundi ang ating mga sarili!"

Nang marinig iyon ng mga sisiw, dali-dali silang nagtungo sa kanilang ina at iminungkahi rito ang sinabi ng magsasaka.
Noon nagdesisyon ang inahing manok na lumisan sila sa lugar na iyon, at sinabing, "Kung sinabi ng magsasaka na siya na
ang gagawa ng pag-ani, dapat tayong maniwala! Sapagkat totoong walang sinuman siyang maaasahan kundi ang kanyang
sarili!"

Takipsilim Mga ngiti mong nag sisilbing kiliti


Ngayon lahat nag ito’y napalitan ng hikbi
By: BlackSheep

Takipsilim Sa tuwing sasapit ang gabi ito’y sadyang kay dilim


by Black Sheep Pag sapit ng araw walang hanggang kulimlim
Wala na ang liwanag sa buhay ko hirang
Pangarap naglaho ikubli na lamang
Sa iyong paglisay puso’y tumangis
Dahil ‘yong mukha’y laging ninanais
Na masilip sa tuwing damdami’y malungkot Ako’y naninimdim na lahat bibitbitin
At pag isip ay puno ng galit at poot Ang payo mo Ina aking kikimkimin
Takipsilim ang iyong pagkawala sa aking buhay
Ngunit ang yong alaala’y bukang liwayway
Di makintal sa isip na ika’y lumisan na
Ang ‘yong alaala di mabura sinta

Sa Huling Silahis Ang iyong larawan at mga pagsuyo,


Ni Avon Adarna Ang lungkot ng diwa’t dibdib pati puso,
Inaabangan ko doon sa Kanluran, Sa kutim na ulap nakikisiphayo!
Ang huling silahis ng katag-arawan,
Iginuguhit ko ang iyong pangalan,
Sa pinong buhangin ng dalampasigan. Sa pag-aagawan ng araw at buwan,
At pagkapanalo nitong kadiliman
Aking dinarama sa hanging habagat, Ay nakikibaka ang kapighatian,
Mga alaala ng halik mo’t yakap, Sa pangungulila sa iyong pagpanaw.
Sa bahaw na simoy ng pagkakasangkap,
Ay nagdaang samyo ng iyong paglingap. Ang iyong pag-iral, hindi na babalik,
Kahit na ako’y lubos na tumangis
Pag-ibig na lamang na igting na nais
Ginugunam-gunam, sinasaklit-anyo, Ang makakapiling sa huling silahis.

You might also like