CAMSUR

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Precious Raspado 1BSBA3

14-2645
Camarines Sur

Ang Camarines Sur o mas kilalang “Camsur” ay isang lalawigan sa Bicol na


matatagpuan sa Luzon na isa sa mga pangunahing mga rehiyon ng Pilipinas. Ang Kabisera nito
ay Lungsod ng Pili.
Ang Camarines Sur ay ang pinakamalaking lalawigan sa Rehiyon ng Bicol lalo na sa
populasyon at heograpiya nito. May dalawang malaking lungsod dito. Ito ay ang Naga City na
ang kultural, komersyal , pang-industriya , at business center ng rehiyon at ang Iriga City.
Ang lalawigan ay napapaligiran ng mga bundok. Ito ay ang Mount Isarog at Bundok Iriga.
Ang silangang bahagi naman nito ay ang bulubunduking Caramoan Peninsula, na nakaharap sa
isla ng Catanduanes.

Ang Camarines sur ay galing sa pangalan na “camarin”. Bakit nga ba? Ito ay espanyol na
salita na ibig sabihin ay “rice granary” o warehouse.

Noong 1574 ay binanggit ni Guido de Lavizares sa kanyang sulat sa Hari ng Espanya ang
lupain ng " Los Camarines “ ngayon ay Camalig , Albay , kung saan ang mga rice storehouses at
granaries o " camarin " ay umuunlad. Tinatag ni Capt. Pedro de Chavez ang Nueva Caceres na
ngayon ay Naga City noong 1575. Duamting ang 1636 na ang Ibalon ay nahati sa dalawa: ang
Partido de Ibalon at Partido de Camarines. Ang Partido de Camarines ay hinati pa sa dalawa
noong 1829; ito ay ang Camarines Sur at Norte. Sa pamamagitan ng unang konstitusyon ng
Pilipinas ang Norte at Sur ay pinaghihiwalay sa dalawang probinsya noong March 1919.
Ang Naga City noon ay dating kapital ng Camarines Sur at noong June 6, 1955 ang Pili
(katabing bayan) ay idineklara na Provincial Capital base sa R. A. 1336.

Ano-ano ba ng makikita natin sa Camrines Sur?


Isa na dito ay ang Mt. Isarog kung saan isa ito sa mga aktibong bulkan sa lugar. Maaring
mag hiking, mag-piknik at maligo sa mga hotsprings dito. Ang Hiwacloy Sulfur Springs ay isa sa
mga hotsprings ng Mt. Isarog kung saan ang mainit na tubig asupre ay pinaniniwalaan na
makapagpagaling ng mga sakit sa balat.
Kung gusto mo naman ng magagandang rock formations ay isa ang Animasola Island na
mayroon nito. Ang Animasola Island ay tila kahawig ng isang “display” sa isang museo dahil sa
dramatiko nitong pagbuo ng rock formation. Ang pagkakabuo ng mga batong ito ay parang
kakaiba na naging pundasyon ng isla, habang ang mga lumot at iba pang mga nakasabit na
bulaklak ay masasabing ito ay isang kahanga-hangang likhang sining ng kalikasan.
Kung ikaw naman ay mahilig sa wakeboarding at wake skating, halina at pumunta sa
CWC o sa Camarines Sur Watersports Complex. Ang mga dayuhang bumibisita sa atin ay
isinasama ang lugar na ito sa kanilang pupuntahan para sa kabuuang kasiyahan sa pag-
wakeboarding. Mala world class ang mga kurso na para sa matapang na kaluluwa na gusting
masubukan ang isport na ito.
Kung gusto mo naman mag swimming sa white sand beach at mag-island hopping,
tamang tama ang Caramoan Island para sayo. Bawat isla at islets ay ipinagmamalaki ang
kagandahan nito, lalo nasa malinis na mala pulbos na puting buhangin ng mga beach nito. Sa
loob ng Caramoan ay matatagpuan ang Isla de Monteverde. Ang isla ay sakop ng mga “virgin
forest” na tinitirhan ng mga ibon, paniki at mga iguana. Matatagpuan din dito ang Tayak Lagoon
na pwedeng mag-swimming sa ilalim ng mga bato sa beach side. Matatagpuan din dito ang
Culapnitan Cave. Damhin ang thrill sa pagtuklas ng mga sinaunang natural na edipisyo. Daanan
ang mga makikitid na daan, akyatin ang mga bato at magalak sa magagandang stone formations
sa loob. Ilan lamang ito sa kung ano ang makikita mo sa Caramoan dahil mayroon itong
maraming marilag na mga lugar na tiyak maguggustuhan mo rin.
May dalawang kilalang lawa rin dito. Isa na dito ay ang Lake Buhi kung saan ang
pinakamaliit na komersyal na isda sa mundo ay matatagpuan. Ang ikalawa naman ay ang Lake
Bato.
Ang mga Bikolano ay kilala sa mga maaanghang nitong mga pagkain. Isa na rito ang
Kinunot. Ang kinunot ay isang maanghang na appetizer na ang sangkap ay karne ng pating o
karne ng buntot pagi. Ang kinunot na karaniwang inihahanda ngayon ay karne ng buntot pagi
dahil ang pagkain ng pating ay ipinagbabawal. Syempre hindi mawawala ang paborito nating
laing o ang pinangat. Ang laing ay gawa mula sa dahon ng gabi. Ang dahon ay sinasangkutsa sa
gata at pagkatapos ay hinahain na may siling labuyo o chili pepper. Mayroon din silang
tinatawag na Tilmok. Ang Tilmok ay termino sa bicol na ibig sabihin ay niyog. Ang iba pang
mga pangunahing ingredient ng ulam ay alimasag. Ang paghahanda ng tilmok ay nagsisimula sa
ang paghahalo ng niyog at ng alimangong Pagkatapos paghaluin ay ilalagay sa loob ng dahon ng
saging at pagkatapos ay steamed.
Matitikman din natin ang Ginataang Labong. Ang bunga o bamboo shoots ay niluto sa
gata ng niyog na may “shrimp paste” o sardinas. Sariwang hipon ay maaari ding idagdag sa
ulam. Nakatikim na ba kayo ng pinangat pizza? Kung hindi pa ay matatagpuan lamang ito sa
Bicol o sa Camsur. Ito ay gawa sa may lasang laing o dahon ng gabi na niluto sa gata.
Halos lahat na ata ng prutas, gulay o karne ay puwedeng lutuin sa gata. Ginagamit ng
mga Bicolano ang gata sa kahit anong ulam dahil sagana ang Rehiyon ng Bicol sa niyog. Isa sa
sikat na ginataan sa Bicol ay ang Ginataang Santol. Ang isa sa pinakamaasim prutas ay puwede
palang maging isang napaka-masarap na ulam.

KINUNOT LAING O PINANGAT


TILMOK GINATAANG LABONG

PILI NUTS GINATAANG SANTOL

PINANGAT PIZZA

Dinadayo din dito ang mga piyesta at pista sa lugar. Isa na rito ay ang Annual Harana:
Karantahan nin Pagranga na ginaganap tuwing Pebrero 14 sa San Jose, Camarines Sur. Ang
pagdiriwang ay nagtatampok ng mga may talento upang i-promote ang kultura, pag-unlad ng
turismo at youth empowerment sa distrito ng partido. Naka-highlight sa pamamagitan ng mga
Kumpetisyon ng Choral Pag-ibig Bicol Song.
Pinagdiriwang din ang Karanowan Fish-tival tuwing Pebrero 15 sa Bato, Camarines Sur.
Ito ay nagpo-promote ng mga yamang dagat ng Lake Bato. Ang karanowan ay ibig sabihin na
lawa, kaya ang mga kalahok ay nagdadamit isda na naglalarawan ng iba't ibang klase ng isda ng
lawa habang sumasayaw ng mga malikhaing paggalaw sa kanilang makukulay na mga
natatanging suot.
Pagdiriwang naman ang Partido Baybayon Festival tuwing April 26-28 sa Sagay,
Camarines Sur dahil layunin nitong ipakita ang iba't ibang lugar ng turismo sa distrito at ilunsad
ang munisipalidad ng Sagay bilang “summer capital” ng Partido. Isinasagawa ito sa baybayin ng
Nato o Baybayon sa lokal na dialect kung saan iba't-ibang mga gawain ang tampok dito.
Isinasagawa naman ang Boa-Boahan Alinsagan Festival tuwing Mayo 1 sa Nabua,
Camarines Sur. Ito ay isang makulay na kultural na pagdiriwang ng pinagmulan ng pagan.
Nagmula sa dialectong, alinsangan, isang salita na naglalarawan sa mga katangian ng kanilang
buhay noong unang panahon. Ito ay isang pagdiriwang na nagpapakita ng “fertility” at
pagpapasalamat. Fertility, dahil ang Boa ay kinuha mula sa mga batang similya ng niyog at
Pasasalamat ito dahil ito ay ang kanilang tanging napagkukunan ng pagkain pagkatapos ng
matinding pagbaha ng tubig.
Ang Kaogma Festival naman ay pinagdiriwang naman tuwing Mayo 21-27 sa Cadlan,
Pili, Camarines Sur. Ito ay isang linggong pagdiriwang ng anibersaryo ng pundasyon ng
Lalawigan ng Camarines Sur. Ang piyesta ay nagtatampok ng maraming mga gawain tulad ng
kultural na expositions, palaro, beauty pageant, pursisyon at isang Grand Parade.
Maraming maipagmamalaki ang Camarines Sur. Isa na rito ay ang Sinarapan o ang
world's smallest fish na makikita sa Lake Buhi, Camarines Sur. Ang sinarapan ay may haba na
12.5-mm. Ang mga lalaki naman ay medyo mas maliit kaysa sa babae. Ang mga kalalakihan ay
minsan matanda na kapag may haba itong 10 mm; ang kanilang pinakamataas na haba nila ay
13.5-mm. Ang sinarapan ay puwedeng prito, o pinakuluang kasama ng ibang gulay, at may
masarap na lasa. Kapag higit pa ang nahuli kaysa sa hinihingi ng lokal na merkado, ang sobra ay
inaasinan at pinapatuyo upang i-export sa kalapit na bayan sa Camarines Sur at Albay
Lalawigan.
Ang Caramoan Peninsula naman ay naging
setting ng Survivor television series. Noong 2008, ito ay
ang lokasyon para sa France edition, na sinusundan ng
Israel, Bulgaria at Serbia edisyon sa 2009. Ang Sweden
edition ay kinunan din doon noong 2010, sinundan noong
2011 ng Denmark, Norway, Belgium at Indian edition.

Paano ba pumunta ng Camarines Sur?


Kung gusto mo mageroplano, mula Manila may flights ang Cebu Pacific 3-4 beses sa
isang araw. Ang Pal Express naman ay lilipad dalawang beses bawat araw (45 min) at ang Zest
Air naman ay lumilipad araw-araw sa Naga Airport.
Kung gusto mong mag-bus, maaari kang pumunta sa Cubao Terminal o Pasay Bus
Terminal kung saan may bus na papunta sa Naga, CamSur. Araw-araw may biyahe ang mga bus
papunta sa Bicol. Ang ilan sa mga bus sa Cubao Terminal ay Gold Line Tours, Isarog Lines,
RSL, Raymond, Peñafrancia Tours, atbp. Sa Pasay naman ay ang Amihan Bus at PhilTranCo.
Ang pamasahe ay Php600-800, depende sa linya ng bus at ang season. Kung ito ay peak season,
maaari itong maging mas mataas.
Kung gusto mo naman mag roadtripping, puwede kang mag dala ng sasakyan kasama
ang pamilya o kaibigan mo. Mas masaya kaysa mag-isa ka dahil marami kayong puwedeng
gawin ng sama-sama.
Saan puwede tumira sa Camarines Sur?
Puwede sa Tugawe Cove Resort, Eurotel Naga,Señor Enrico Bed and Breakfast atbp.
Dahil may alam na kayo sa Camarines Sur, tawagin na ang buong pamilya o mga
kaibigan at tayo’y pumunta sa CAMSUR!

SOURCES:
http://philippines.knoji.com/facts-about-camarines-sur/
http://www.govisitphilippines.com/quick-facts.php?province=Camarines+Sur
http://where2nexthostel.com/about-us-m/free-itineraries/out-of-town-trips/30-exploring-camarines-sur-camsur
http://justontop.blogspot.com/2011/11/top-10-must-try-bicolano-foods.html
http://www.visitmyphilippines.com/index.php?title=CamarinesSur&func=all&pid=1695
http://vigattintourism.com/tourism/articles/Isla-de-Monteverde
http://vigattintourism.com/tourism/articles/The-Animasola-Island-and-its-Rock-Formations
http://bestphilippinebeaches.com/animasola-island
http://www.thepinaysolobackpacker.com/wakeboarding-in-cwc-camarines-sur-water-sports-complex/
http://www.aenet.org/volcano/sinarap.htm
http://www.visitmyphilippines.com/index.php?title=FestivalsandEvents&Page=1&pid=173

You might also like