Thesis Filipino 1

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 22

SALITANG BALBAL: EPEKTO NITO SA MGA MAG-AARAL SA

ASIGNATURANG FILIPINO SA BAITANG 10

Isang Tesis

Na Iniharap

Sa mga Kagawad ng Kaguruan

JH CERILLES STATE COLLEGE

TAMBULIG ESU

Tambulig, Zamboanga Del Sur

Bilang Katuparan

Sa mga Kailangan sa Pananaliksik I

Batsilyer ng Edukasyong Pang-Sekondarya

Medyor sa Filipino

Holoyohoy, Desie Mae L.

Ornopia, Liliamae P.

Sigue, Leonardo G.

Sumaoy, Ruby T.
KABANATA I

PANIMULA

Kaligiran ng Pag-aaral

Ang wika ay isang makapangyarihang pangkomunikasyon sa

mga tao. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito

sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa rin. Ngunit sa

makabagong panahon ngayon unti-unting naiimpluwensyahan ang

mga kabataan lalo na sa mga mag-aaral. Nababago nito ang

tamang paggamit ng mga salita.

Sa panahon ngayon, hindi na natin maikakaila ang mabilis

na pagbabago ng wika. Katunayan, halos lahat ng dako, kapuna-

puna ang pamamayam ng salitang impormal. Ang mga salitang ito

ay mga salitang imbento na karaniwang bukambibig ngayon ng

mga kabataan. Mga salitang wala sa pamantayan at masasabing

taliwas sa wikang kinagisnan.

Ayon kay Rodrigo (2009) ang balbal na salita ay isang

impormal na uri ng pananalita at pinakamababang uri ng wika

na walang porma at basta na lamang nalikha ng tao na may

kagaspangan ang mga salita at maaaring may iba’t ibang anyo

gaya ng likas at likha. At ayon naman kay Morong et al.,

(2009) ang mga kabataan ang siyang lumikha ng ganitong anyo


ng wika, sa kanilang antas ito laganap. Bunga ito ng

impluwensyang pangkapaligiran katulad ng palengke, sinehan,

telebisyon at iba pa.

Ang mga salita ay dumadaan sa iba’t ibang proseso bago

ito matawag na salitang balbal. Ilan sa mga prosesong ito ay

ang sumusunod: Una ay ang paghango sa wikang katutubo,

halimbawa, mula sa salitang Bisaya na bayot ay nabuo ang

salitang bakla na nangangahulugang “lalaki na may pusong

babae”. Ikalawa ay ang panghihiram ng wikang banyaga,

halimbawa, ang salitang effect ay nagiging epek n may ibig

sabihing “epekto”. Ikatlong proseso ay ang pagbibigay ng

bagong kahulugan, halimbawa, mula sa literal na translasyon

a Filipino ng salitang crocodile na buwaya, nabibigyan ito ng

bagong kahulugan na “gahaman sa kayamanan at kapangyarihan”.

Ikaapat ay ang pagpapaikli ng mga salita tulad ng sigarilyo

na nagiging “yosi” na lamang kapag pikaikli. Ikalima ay ang

pagbabaliktad ng mga salita, halimbawa nito ay ang bente na

nagiging “etneb”. Maaari ring magbaliktad ng papantig tulad

ng salitang hindi na nagging “dehin”. Isa pang proseso sa

pagbubuo ng salitang balbal ay ang paggamit ng akronim,

halimbawa nito ay KGB na may kahulugang “Kung Gabi Bakla” at

US na nangangahulugang “under de saya”. Ikapito ay ang

pagpapalit ng pantig tulad ng lagpak na nagiging palpak na


ibig sabihin ay “bigo”. Ikawalong proseso ay ang paghahalo ng

wika o salita. Halimbawa nito ay mag-MU na may translasyong

magka mutual understanding na may ibig sabihin “dalawang

taong nagkakaintindihan”. Pinaghahalo ang dalawa o higit pang

wika o salita. Ikasiyam na proseso ay ang pagbubuo ng salita

sa paggamit ng bilang gaya nang 143 na may ibig-sabihing I

love you. At ang ikasampung proseso ay ang pagdaragdag at

kombinasyon. (www.senore.com)

Ang epekto ng salitang balbal sa mga mag-aaral ay

maaaring magdulot ng hindi pagkakaintindihan o malabong

komunikasyon na maaaring magsanhi ng away. Ito ay

nakakapagpahina din ng ating kaalaman sa pormal na paggamit

ng salita na maaaring makaapekto sa mga mag-aaral sa paaralan.

Halimbawa ay ang pagkakamali ng pagsulat o ispeling, ito din

ay nagiging hadlang sa pag-unlad ng tamang gamit ng pormal na

salita at gramatika lalo na sa pagsulat ng komposisyon o

pakikipagtalastasan.

Ang kaalaman at kasanayan sa salitang balbal ay madalas

na ginagamit ng mga mag-aaral sa pagpapahayag ng kanilang

saloobin ngayon. Ito ay sa kadahilanang madali itong

matutunan at nagagamit sa pang araw-araw na pakikipaghalubilo

at pati na rin sa mga gawaing pang eskwela. Idagdag pa ang

mabilis na pagkaimpluwensya ng mga kabataan ngayon.


Ang layunin ng pananaliksik na ito ay malaman kung gaano

nakakaepekto ang salitang balbal sa mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino sa baiting 10 na kung ito ba ay

nakabubuti o nakakasama sa kanilang pang araw-araw na

pakikipagtalastasan. At masagot ang mga tanong na ibinigay sa

mga respondent.

Teoretikal o Konseptuwal na Balangkas

Ayon kay Kazuhiro et al., (2009). Ang balbal na salita

ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Lalong nanghihikayat

ito sa mga kabataan natin ngayon na makasanayan nilang

bigkasin ito ng madalas ang mga salita. Ang magiging bunga

nito kung hindi natin pagbibigyan na sapat na lunas o solusyon

ang suliraning ito ay magdudulot ito ng kalunos-lunos na

pangyayari.
DI-MALAYANG BARYABOL MALAYANG BARYABOL

Pormal na Pahayag

Epekto sa Paggamit
ng salitang balbal
Salitang Balbal
sa pananalita o
pakikipagtalastasan

Epekto sa Pagsulat
ng komposisyon

Figura 1: Dayagram ng Pag-aaral


Paglalahad ng Suliranin

Ang pananaliksik na ito ay naglayong matuklasan ang mga

epekto ng salitang balbal sa mga mag-aaral sa asignaturang

Filipino sa Baitang 10 ng Tambulig National High School, sa

Panuruang Taon 2018-2019.

Layunin ng Pag-aaral na ito na matugunan ang sumusunod

na pangangailangan:

1. Ano-anong mga salitang balbal ang madalas gamitin ng

mga mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon at ano ang

kahulugan nito sa pormal na pahayag?

2. Ano ang persepsyon ng mga mag-aaral sa epekto ng

paggamit ng salitang balbal sa pananalita o

pakikipagtalastasan?

3. Paano nakaapekto sa pag-unlad ng tamang gamit ng

pormal na salita at gramatika sa pagsulat ng

komposisyon ang mga salitang balbal?


Saklaw at Limitasyon

Ang pag-aaral na ito, sinuri ang kaugnayan ng epekto ng

salitang balbal sa mga mag-aaral sa asignaturang Filipino sa

panuriang taon 2018-2019. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa

epekto ng salitang balbal sa asignaturang Filipino. Kabilang

sa paksa ng pag-aaral ang ika sampung taon ng Tambulig

National High School.

Bagamat nagbigay ng pahapyaw na pagtalakay ay nakapokus

lang ito sa epekto ng salitang balbal sa paggamit nito sa

pananalita o pakikipagtalastasan ng pagiging isang mag-aaral

ay hindi dapat pinapalawak ang paggamit ng mga salitang ito

pagdating sa paggamit ng pormal na salita at gramatika sa

pagsulat ng komposisyon sa kanilang iba’t ibang karanasan sa

kanilang buhay at pati na rin sa kanilang mga gawaing pang

eskwela. Madalas itong gamitin ng mga mag-aaral sa

pakikipagkomunikasyon.

Piling estudyante lamang ng Tambulig National High

School ang saklaw sa pag-aaral na ito. Dahil mag-aaral ang

kadalasang gumagamit ng mga salitang balbal. Ang pokus lang

ng mga mananaliksik na ito ay ang pagkuha ng mga epekto sa

paggamit ng mga salitang balbal sa mga mag-aaral sa

asignaturang Filipino sa baitang 10 at kung paano ito


nakaapekto sa pag-unlad ng tamang gamit ng pormal na salita

at gramatika.

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pananaliksik na ito ay ginawa ng mga

mananaliksik upang mas madaling maintindihan ang mga epekto

sa paggamit ng salitang balbal. Ito ay naging gabay ng mga

mananaliksik upang maging tagumpay ang pag-aral nito. Kaya

ang pag-aaral na ito ay kapakipakinabang sa mga sumusumod:

Mamamayan. Sa paggamit ng mga salitang balbal huwag

masyadong ipaparinig lalo na sa mga mag-aaral dahil lalo itong

nakakaiimpluwensyhan sa kanila.

Tagapayu ng paaralan. Hindi dapat gamitin ng mga guro

ang salitang balbal sa pagtuturo lalo na sa asignaturang

Filipino dahil nagdudulot ito ng pagkababa ng kaalaman.

Magulang. Hindi rin dapat sanayin ang mga mag-

aaral/bata sa pagamamit ng salitang balbal dahil nagbibigay

ito ng hindi maganda sa pakikipagkomunikasyon at pati sa

kanilang pagkatoto.

Mag-aaral. Huwag masyadong pagtuonan ng pansin ang mga

salitang balbal na naririnig sa paligid dahil nagdudulot ito


minsan ng maling interpretasyon o pakikipagtalastasan sa mga

tagapakinig.

Katuturan ng mga Terminolohiya

Ang mga sumusunod na mga terminolohiya ay

ipinapahayag upang lalong maintindihan ang mga inilalahad at

pagpapakahulugan ng pananaliksik.

Balbal. Ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa

isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag

din itong salitang kanto o salitang kalye. Ito ang mga

salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Ito rin ang

mga salitang nabuo sa mga pinagsasama o pinagdugtong na

salita. Maari itong mahaba o maikling salita lamang.

Mag-aaral. Siyang taong nag-aaral at maaaring bihasa sa

talino. Ang estudyante ay tinuturuan ng guro na mag-aral at

makadiskobre ng mga bagay, lahat ng tao ay dumadaan sa proseso

ng pagigigng estudyante. Ang mga estudyante ay

nangangailangan ng mga silid-aralan at mga kagamitan pang-

eskwela.

Lipunan. Isang pangkat ng mga tao na binibigyan ng

katangian o paglalarawan sa mga huwaran ng mga pagkakaugnay

ng bawat isa sa ibinabahagi ng iba’t ibang kultura at mga


institusyon. Ang lipunan din ay isang pangkat ng mga taong

nagtutulungan at nagkakaisa sa binubuo na pangkat ng mga tao.

Paaralan. Isang pook na kung saan nag-aaral ang isang

mag-aaral upang matutu at magtuturo sa mga estudyante ng

makabagong aral.

Pakikipagkomunikasyon. Ito ay parang daan na

nagdudugtong sa hindi kilalang mundo. Kaya para sa

pinupuntiryang pakikipag-ugnayang pang internasyunal.

Pormal na salita. Ito ang mga salitang kinikilala,

tinatanggap at ginagamit karaniwan sa paaralan at iba pang

nakapag-aral ng wika.

Gramatika. Ito ay gabay sa tama at maayos na pagsama-

sama ng mga salita sa pagbuo ng isang pangungusap.

Komposisyon. Ang itinuturing mabisang pinakapayak na

paraan ng pagsulat ng mga natatanging karanasan, pagbibigay

interpretasyon sa mga pangyayari sa kapaligiran at puna sa

mga nabasang akda o napanood na pagtatanghal.


Kabanata II

KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Kaugnay na Literatura

Inilahad sa kabanatang ito ang mga kaugnayang pag-aaral

at literature na umuugnay sa pamanahong papel ng mga

mananaliksik. Ang mga impormasyong nakalap ng mga

mananaliksik ay nakatulong sa paggawa ng mga datos sa mga

mananaliksik.

Maraming kabataan ngayon ang gumagamit ng mga salitang

balbal dulot ng kahiligan nilang makisabay sa mga bakla,

tomboy at mga tambay na tao at sa panonood din ng mga

teleserye at telenobela sa telebisyon ay madali nilang

matututunan ang mga balbal na salita na kadalasang maririnig

ng mga mag-aaral. Kaya kinakailangan nila ng gabay mula sa

mga nakakatanda upang hindi nila ito madala sa pang araw-araw

na pananalita o pakikipagtalastasan.

Ayon kay Rosa Visa Ann B. Arocha (2008) Ang wika ang

maituturing na sandata na kung saan ginagamit ito para

magkakaunawaan ang bawat isa. Ang wika, pasalita man o pasulat

ay maaaring gamitin natin sa ating pakikihamok sa buhay. Ang

wika ay binubuo ng mga titik at simbolo na kapag pinagsama-


sama ay maipapahayag ang ating mga saloobin sa ating pamilya,

kaibigan at sa ibang mga tao. Ang bansang Pilipinas, ay may

iba’t ibang paniniwala at kultura ang naninirahan sa iba’t

ibang pulo ng Pilipinas, iba’t ibang diyalekto ang ginagamit.

Nagkaintindihan din sila sa paggamit ng iisang wika, ang

wikang Pilipino.

Sabi ni G. Joey Arrogante. Ang mga salitang lalabas sa

iyong bibig dapat hindi nakakasakit sa kapwa. Ang mga kabataan

ngayon ang gumagamit ng mga salitang hindi madaling

mauunawaan. Ginagamit nila ito sa mga tabi-tabi. Kahit ang

mga batang may pinag-aralan ay gumamit din nito. Kadalasan ng

mga bakla, tomboy, mga taong tambay ang gumamit ng mga

salitang ito. Ginamit nila ito basi sakanilang kausap na

mahilig magsalita ng mga salitang kanto.

Sabi din ni J. Lee (2015). “Good grammar is essential to

speaking language, the correct deliberation of grammar

enables one to write meaningful sentences and makes speaking

possible for one to communicate clearly and effectively”

Ayon kay Kazuhiro (2009). Ang balbal na salita ay

ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Lalong nanghihikayat

ito sa mga kabataan natin ngayon na makasanayan nilang


bigkasin ito ng madalas ang mga salita. Ang magiging bunga

nito kung hindi natin pagbibigyan ng sapat na lunas o solusyon

ang suliraning ito ay magdudulot ito ng kalunos-lunos na

pangyayari.

Ayon kay Gette (2010) Ang balbal o islang na salita

ay ang di pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng

isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong

salitang kalye o salitang kanto.


Kabanata III

METODOLOHIYA

Ipinaliliwanag sa bahaging ito ang detalye kung paano

isinasagawa ang pag-aaral tulad ng paglalarawan sa disenyong

ginamit sa pananaliksik, mga mag-aaral, lugar na

pinagdarausan, instrumentong ginamit at kung paano ito

ginagamit ng istatistikal na paglalapat.

Desinyo ng Pananaliksik

Isinagawa ang pag-aaral na ito ayon sa desinyo ng

pamaraang deskriptibo at pag-aanalisa na pananaliksik.

Inilarawan sa pananaliksik na ito ang mga epektong naidulot

ng salitang balbal sa mga mag-aaral ng Tambulig National High

School sa asignaturang Filipino.

Pinagdausan ng Pananaliksik

Ang napiling respondente ng pag-aaral na ito ay ang mga

mag-aaral ng Tambulig National High School. Piling mag-aaral

ang nabibilang sa pananaliksik na ito ng Tambulig National

High School.
Ang Tambulig National High School ay nasa Lower Lodiong,

Tambulig, Zamboanga Del Sur. May lawak na 9.846 metro

kwadrado. May 1063 na mag-aaral at may 30 klasrom na ginagamit

para sa pagtuturo. Ito ay pinamamahalan ng Punong Guro na si

Dr. Cecilia Z. Colegado, Prinsipal II.

Instrumento ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito ay gumagamit ng kwestyuner-tseklist

at deskriptibong pagsusurbey upang makakalap ng mga

kailangang impormasyon.

Iskeyl Ekwebalent

4 - Matindi ang pagsang-ayon

3 - Sang-ayon

2 - Di Sang-ayon

1 - Matindi ang di pagsang-ayon

Pamaraan ng Paglikom ng Datos

Ito ay isinagawa sa pamamagitan ng tseklist at

kwestyuner. Ang mga mananaliksik ay nagpadala ng sulat


kahilingan sa tagapamahala ng Tambulig National High School

para humingi ng pahintulot na mayroong gagawing pananaliksik

ukol sa epekto ng salitang balbal sa asignaturang Filipino ng

mga mag-aaral sa baitang 10.

Pagkatapos maaprobahan ang kahilingan ay nagpunta ang

mga mananaliksik sa silid aralan upang magsagawa ng surbey sa

mga piling mag-aaral.

Sa pamamagitan ng tseklist at kwestyuner ay nakalikom ng

mga impormasyon at datos na kailangan upang malaman kung

mayroon bang epekto sa mga mag-aaral ang paggamit ng salitang

balbal sa kanilang pang araw-araw na pakikipagtalastasan at

pakikipagkomunikasyon.

Istatistikang Paglalapat ng Datos

Ang pag-aaral na ito ay ginagamitan ng chi-square upang

pagtibayin ang mga nakuhang datos.

Pormula: (fo – fe)


X2 = ∑ -----------
fe

X2 = chi-square fe = expected frequency

fo = observed frequency ∑ = summation


Talahanayan 1. Persepsyon ng mga Mag-aaral sa Salitang
Balbal

Matindi Sang- Di Matindi


ang ayon Sang- ang di
Persepsyon pagsang ayon pagsang-
-ayon ayon
(4) (3) (2) (1)
1. Ang salitang balbal ay
isang salitang walang
pamantayan.
2. Ito ay napapanahong
wika.
3. Isang elemento sa
kulturang Pilipino.
4. Ito ay sumasalamin sa
pagkilos at pag-uugali
ng mga mag-aaral.
5. Nakakaapekto sa patuloy
na pag-usbong ng wika
at gramatika.
6. Ito ay nagdudulot ng
kalituhan sa tamang
ispeling ng salita.
7. Madaling gamitin sa
pakikipagkomunikasyon.
8. Maaaring gamitin sa
komposisyong Filipino.
9. Bahagi ng ebolusyong ng
wikang Filipino.
10.Ginagamit sa
pakikipagtalastasan sa
loob ng klase.
11.Salitang kalimitang
ginangamit sa lipunan
12.Nagpapahina sa
kaalaman sa pormal na
paggamit ng salita.
13.Nakakatulong sa
pagpapahayag ng
saloobin.
14.Nagdududlot ng maling
pagkakaintindi sa
kausap
15.Nakakaapekto sa mga
mag-aaral sa wikang
Filipino

Ang tseklist at ang kwestyuner na ito ay nabalidasyon sa


tulong ng labing-limang tao na hindi napapabilang sa responde
sa mga mag-aaral.
J.H. CERILLES STATE COLLEGE – TAMBULIG ESU
Happy Valley, Tambulig, Zamboanga del Sur

Pangalan: ___________________________________________________
Baitang/Seksyon: ____________________________________________

Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang mga kahon o punan ang mga
salungguhit ng sariling kasagutan.

1. Gumagamit ka ba ng mga salitang balbal?


 Oo
 Hindi

2. Magbigay ng tatlong salitang balbal na madalas mong sabihin.


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

3. Gaano kadalas mo gamitin ang mga nasabing balbal na salita?


 Isa hanggang dalawang beses sa isang araw
 Tatlo hanggang limang beses sa isang araw
 Anim hanggang sampung beses sa isang araw
 Higit pa sa mga nabanggit

4. Bakit kaya nauso ang mga salitang ito?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

5. Ano ang iyong dahilan ng paggamit ng balbal na salita?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

6. Paano nakakatulong sa iyo ang paggamit ng balbal na salita?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

7. Ano ang positibong epekto sa iyo ng paggamit ng balbal na


salita?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
8. Ano naman ang negatibong epekto ng paggamit ng balbal na
salita?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

9. Nabago ba ang pananaw mo sa Wikang Filipino matapos mong


matutunan ang mga balbal na salita?
 Oo
 Hindi
Paano?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

10. Sa paggamit ba ng balbal na salita ay napapalawak natin ang


Wikang Filipino?
 Oo
 Hindi
Paano?
__________________________________________________________
__________________________________________________________

11. Nararapat bang gamitin ang salitang balbal sa pagsusulat ng


isang komposisyon sa Filipino?
 Oo
 Hindi

12. Gumagamit ka ba ng salitang balbal sa pagsusulat ng isang


komposisyon?
 Oo
 Hindi

13. Nakakaepekto ba ang salitang balbal sa pagsulat ng


komposisyon sa Filipino?
 Oo
 Hindi
Paano?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

14. Ang mga katanungan ba’y nakabukas sa iyong isipan na mas


pagyamanin pa ang paggamit ng Wikang Filipino kaysa sa
balbal na salita? Kung “Oo” ang iyong sagot, maaari mo bang
ilagay ang dahilan sa salungguhit?
 Oo
 Hindi
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

15. Bukod sa naunang nabanggit na balbal na salita, May iba ka


pa bang alam na salita? Kung oo, maaari mo bang ilagay ang
mga salitang ito sa salungguhit?
 Oo
 Hindi
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

You might also like