Peb 11

You might also like

Download as pdf
Download as pdf
You are on page 1of 4
ST PAULS MEDIA. Taon 31 Big. 45 AMBUHAY |! astoral ministr Ika-6 na Lingo sa Karaniwang Panahon (B) — Berde Iseltelacs) Pebrero 11,2018 ayon na lamang ang pag- alala ng Diyos sa kanyang bayan nang iatas niya ang dapat nilang gawin sa pagkakataong may dapuan ng ketong, isang sakit na noo’y walang lunas. Sa unang pagbasa, malalaman natin ang mga alituntunin tungkol sa nagkakaketong: hindi basta- bastang ititiwalag ang maysakit; makakaasa siya sa pagpasya ng mga kinatawan ng Diyos, ang mga anak ni Aaron. Inaasahang eksperto ang mga saserdoteng ito sa pagtukoy sa sakit. Ngunit maliwanag din sa patakaran na hindi sila ang panggagalingan ng paghilom. Sila lang ang nagsasara ng komunikasyon sa pagitan ng ketongin at ng buong bayan. Pinagaling ni Jesus ang maysakit na lumapit sa kanya, patunay na si Jesus ay mula sa Diyos. Pinagsabihan ni Jesus ang pinagaling na magpunta ito sa mga saserdote upang mapagtibay ang paghilom. Hindi ninais ni Jesus na ipangalandakan sa lahat na siya ang pupuno sa kakulangan ng Torah, hanggat Sa(g)rado Katoliko hindi nahahayag sa kanyang pagdurusa at kamatayan ang pag- ibig ng Diyos. Ito ang tinatawag na messianic secret ni San Marcos: ang paglilihim ni Jesus ng kanyang pagkakakilanlan bilang Anak ng Diyos hanggang sa huling sandali ng kanyang buhay. Ngunit hindi siya sinunod ng dating ketongin. Marahil, matagal nang hindi nakasalamuha ng dating ketongin ang kanyang kapwa Judio dahil na rin sa kinaugaliang pagtrato ng lipunan, alinsunod sa Torah: hindi niya makadaupang-palad ang ibang tao. Itinuturing na salot ang mga ketongin na dapat iwasan, © kaya nama’y awa lang ang maaaring ipang-yakap. Hindi sila inaasahang mabuhay nang matagal. Kaya si Jesus na mismo ang siyang nagpakalayo sa madla. Masasabi nating “isinara” ni Jesus ang sarili hindi upang makaiwas sa pagtulong at pangangaral, kundi upang hindi isipin ng mga tao na siya’y tagahilom at propeta lamang, Ang pansamantalang “pagsasara” ni Jesus ay hindi nangangahulugang tumigil na siya sa paghilom: bagamat hindi na siya lantarang makapasok sa anumang bayan, hindi naman, niya tinanggihang tulungan ang mga lumalapit pa rin sa kanya para gumaling. Bagkus tinupad pa nga ni Jesus, sa kanyang paghihilom sa may sakit, ang tunay na nais ng Torah: ang manatiling malinis ang bayang dumating sa lupang pangako. Sa ating buhay- pananampalataya marami tayong nakakadaupang palad na malayo sa inaasahan natin bilang mga mananampalataya rin kay Kristo. May mga mapagpaimbabaw,, makasalanan, naiiba ang hilig, may pagkukulang. Ngunit, kung tutuusin, hindi tayo naiiba sa kanila. Tayo ma’y mga ‘makasalanang humihingi sa Diyos ng kapatawaran, kagalingan, at biyaya. Wala tayong pinagkaiba sa kanila. Bilang mga tagasunod ni Kristo, inaanyayahan niya tayo kasama ng buong Iglesya na tumugon pa rin sa ating kapwa makasalanan at may pagkukulang, sa halip na manatili tayong nakatago sa likod ng mga alituntunin at pagmamalinis. Huwag sana tayong matakot na lumapit—at mapalapit—sa mga nangangailangan ng ating tulong at pagkalinga. Ipinahihiwatig ng ating pananampalataya na tayo'y papunta sa langit na ipinangako, Nais ng Diyos na maging dalisay at tunay na kapuri-puri tayo sapagkat mapapabilang tayo sa kanyang pinili. Mangyayari lang ito kung susundin natin ang payo ni San Pablo sa ikalawang pagbasa: “hindi nga ako naghahanap ng kapakanan ng sarili kundi ng marami, upang sila ay maligtas. Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo.” Huwag nating isara ang mga sarili upang itakwil o itiwalag ang kapwa; sa halip, tularan natin ang pagsasara ni Kristo sa mali at limitadong pagkakakilanlan upang makaakit pa tayo ng mga tutuloy sa kaligtasang ipinangako, — Ivan R. Olitoquit Antipona sa Pagpasok [Slm 31:2-3] (Basahin tang walang panbungadnacovit) D’yos ko, ikaw ang kublihan, tagapagtanggol kong tunay. Iligtas mo’t patnubayan yaring aking abang buhay sa ngalan mo’y umiiral. Paghati {Gavin dito ang tanda ng krus) EN P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin, Paunang Salita (Maaaring gamitin ang mga ito 0 kahintulad na mga pahayag) ee eee P - Bahagi ng propesiya sa Matandang Tipan na sa pagdating ng Mesiyas, magiging malinis na muli ang mga may ketong. Sa ngayon, ang ketongin ay yaong mga nalulungkot, nahihirapan, at nangungulila sa buhay. Inaasahan tayong makasunod sa halimbawa ni Kristo na inabot ang mga taong mahihina at hindi tanggap sa lipunan. Magbunga nawa ang Eukaristiyang ito ng tunay na malasakit at pagdadamayan upang tunay tayong maging nagkakaisang pamayanan, Pagsisisi ee eee P- Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo"y maging marapat eumanap sa banal na pagditiwang. (Tumahimik) B - Inaamin ko sa makapang- yarihang Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibib) sa Isip, sa salita, sa gawa, at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos. P-Kaawaan tayong makapangya- rihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan at patnuba- yan tayo sa buhay na walang hanggan, B-Amen, P--Panginoon, kaawaan mo kami. B - Panginoon, kaawaan mo kami. P-- Kristo, kaawaan mo kami. B- Kristo, kaawaan mo kami. P-Panginoon, kaawean mo kami. B - Panginoon, kaawaan mo kami, Gloria Set a ee B - Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya, Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng langit, iyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Jesukristo, Bugtong na Anak, Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama, Tkaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin, Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng saniibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagkat ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Jesukristo, ang Kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa Kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. Pambungad na Panalangin P-Manalangin tayo. (Tumahimik) Amanamingmakapangyarihan, pinangangatawanan mong manahan sa mga may loobing tapat at maaasahan. Sa kagandahang-loob mo kami nawa’y makapamuhay bilang mga mapalad na maging iyong tahanan sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan, B-Amen, Dre TUN nT) ees) 7 Unang Paghasa [Ley 13:1-2, 44-46] (Umupo) eee een RUPO Ng Hinatakda sa mga Israclita sa Lumang Tipan kung paano makitungo sa mga ketongin. Ang pagkatakot at pagkamuhing ito aug pamantayan sa pag-unawa natin sa Ebanghelyo sa araw na ito. Pagbasa mula sa aklat ng Levitico SINABI ng Panginoon kina Moises at Aaron, “Kung ang balat ninuman ay magbago ng kulay, mamaga 0 kaya’y magkaroon ng singaw na parang ketong, dadalhin siya kay Aaron o sa mga anak niyang saserdote. Ituturing siyang marumi at di ito dapat kaligiaang ipahayag ng saserdote, “Ang may ketong ay dapat magsuot ng sirang damit, hindi magsusuklay, tatakpan ang kanyang nguso at laging sisigaw ng, ‘Marumi! Marumil? Hanggang may sugat, siya’y ituturing na marumi at sa labas ng kampamento mamamahay na mag-isa.” — Ang Salita ng Diyos. B - Salamat sa Diyos, Salmong Tugunan (Sm 31) T- Sa ‘yong tulong at pagtubos ako’y binigyan mong lugod. A. San Pablo Gi = 6c f= ‘Sa i-yong tu-long at pag-tu-bos Fic a-koly binig-yan mong lu-god, 1. Mapalad ang tao na pinatawad na yaong kasalanan/ at nalimot na rin ang kanyang nagawang mga pagsalansang:/ mapalad ang taong sa harap ng Poon ay di naparatangan/ dahilan sa siya ay di nagkasala at hindi nanlinlang, qa) 2. Ako ay lumapit sa iyong harapan at sala’y inamin,/ ang aking ginawang mga pagsalansang di ko inilihimy/ pinagpasiyahan kong ‘ang lahat ng ito sa iyo’y idaing/ at aking natamo ang iyong patawad sa sala kong angkin, (T) 3. Lahat ng matuwid at tapat sa Poon/ magalak na lubos dahil sa natamo nilang kabutihang kaloob ng Diyos:/ sumigaw sa galak ang lahat ng taong sa kanya’y sumunod! (T) Ikalawang Pagbasa (1 Cor 10:31-1 Inihahayag ni Apostol Pablo ang kanyang sarili bilang modelo ng pagsunod kay Kristo. Makakaya kaya nating sabihin ito ukol sa ating sarili? Lahat ba ng ginagawa natin ay para sa ikararangal ng Diyos? Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto MGA KAPATID: Kung kayo’y kumakain 0 umiinom, o anuman ang ginagawa ninyo, gawin ninyo ang lahat sa ikararangal ng Diyos. Huwag kayong maging sanhi ng pagkakasala ninuman—ng mga Judio, ng mga Griego, 0 mga kaanib sa simbahan ng Diyos. Ang sinisikap ko nama’y mabigyang- kasiyahan ang lahat ng tao sa bawat ginagawa ko; hindi ko hinahanap ang sarili kong kapa- kanan kundi ang kapakanan ng marami, upang maligtas sila. Tularan ninyo ako, gaya ng pagtulad ko kay Kristo, — Ang Salita ng Diyos. B- Salamat sa Diyos. Aleluya [Le 7:16] (Tumayo) B - Aleluya! Aleluya! Narito at dumating na isang dakilang propeta sugo ng Diyos sa bayan nya, Aleluya! Alelnya! ‘Mabuting Balita (Mc 1:40-45) P - Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos B - Papuri sa iyo, Panginoon. NOONG panahong iyon, may isang ketonging lumapit kay Jesus, nanikluhod at nagmakaawa: “Kung ibig po ninyo’y mapagagaling ninyo ako.” Nahabag si Jesus at hinipo siya, sabay ang wika, “Ibig ko. ‘Gumaling ka!” Noon di’y nawala ang ketong at gumaling ang tao. Pinaalis siya agad ni Jesus matapos ang ganitong mahigpit na bilin: “Huwag mong sasabihin ito Kaninuman. Sa halip ay pasuri ka sa saserdote. Pagkatapos, maghandog ka ayon sa iniutos ni Moises, upang patunayan sa mga tao na ikaw ay magaling na,” Ngunit umalis siya at bagkus ipinamalita ang nangyari, anupat hindi na hayagang makapasok ng bayan si Jesus. Naroon na lamang siya sa labas, sa mga ilang na pook, at doon pinagsasadya ng mga tao buhat sa iba’t ibang dako. — Ang Mabuting Balita ng Panginoon. B - Pinupuri ka namin, Panginoong Jesukristo. Homiliya (Umupo) Pagpahayag ng Pananampalataya (Tiumayo) B-Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya ako Kay Jesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang-tao siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. ‘Nanaog sa kinaroroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli, Umakyat sa langit. Naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, Doon magmumulang paririto at huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao, Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na muli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan, Amen. Panalangin ng Bayan P - Pinagaling ni Jesus ang isang ketongin kahit na ito’y mangahulugang si Hesus ang magmimistulang ketongin pagkatapos. Sadyang dakila ang pag-ibig ng Diyos sa tao. Kaya ating hilingin sa ating Ama: T-- Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin. L- Taglayin nawa ng Simbahan, atng mga pinuno nito, ang tapang na ibinubunsod ng Espiritu Santo nang sa gayo’y mapangatawanan ang sumpang maging “Simbahan ng mga Dukha.” Manalangin tayo: (T) L- Huwag nawang matakot ang mga namumuno sa pamahalaan na bumalangkas ng mga programa na maaaring umani ng batikos subalit funay namang mapakikinabangan ng mga maralita. Manalangin tayo: (T) L- Matuto nawa tayong tangeapin ang lahat ng tao na walang pagta- tanggi batay sa dunong, yaman, © pananampalataya. Manalangin tayo: (T) L - Manindigan nawa ang aming pamayanan sa dangal na nararapat sa bawat tao. Kupkupin nawa namin at ipagtanggol ang karapatan ng mga may edad, mga may kapansanan at mga musmos. Manalangin tayo: (T) LL- Tanggapin nawa ng Panginoon ang lahat ng mga mahal natin sa buhay: na pumanaw na Patuluyin nawa sila sa kanyang kaharian kung saan pinapawi ang paghihirap at kalungkutan, ‘Manalangin tayo: (T) P - Diyos na aming Ama, ipinamalas ni Jesus kung gaano ka kalapit sa amin, lalo na sa mga nagdurusa, Dinggin mo ang aming mga panalangin at ipagkaloob mo sa amin ang tuwa at kapayapaan habang patuloy naming tinatahak ang daan tungo sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. B-Amen. PAGDIRIWANG NG Pe ema TU | Paghahain ng Alay (Fumayo) P- Manalangin kayo... B - Tanggapin nawa ng Pangi- noon itong paghahain sa iyong mga kamay sa kapurihan niya at karangalan sa ating kapald- nabangan at sa buong Samba- yanan niyang banal. Panalangin ukol sa mga Alay P- Ama naming Lumikha, kami nawa’y dalisayin at panibaguhin ng aming gaganaping paghahain. Kami nawa’y itaguyod ng gagawin naming ito sa pagnanais naming sundin ang loob mo sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpa- sawalang hanggan. B- Amen. Prepasyo (Karaniwan IV) P- Sumainyo ang Panginoon. B- At sumaiyo rin. P- Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa. B- Itinaas na namin sa Panginoon. P - Pasalamatan natin ang Panginoong ating Diyos. B-Marapatnasiyaay pasalamatan. P - Ama naming makapangya- rihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Jesukristo na aming Panginoon, Siya ay naging kapwa naming maaasahan upang may mangu- nang umako sa pananagutan dahil hangad mong magbago ang kinamihasnang pagkakanya- kanya ng sangkatauhan. Bunga ng pagtitiis, siya ay nanaig at ang kamatayan ay kanyang nilupig kaya’t siya ang aming Daan para aming masapit ang iyong tapat at maaasahang pag-ibig, Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami'y nagbubunyi sa iyong kadakilaan: B-Santo, Santo, Santo... (Z,yemudod) Pagbubunyi (Tumayo) B - Si Kristo’y namatay, si Kristo’y nabuhay, si Kristo’y babalik sa wakas ng panahon. PAKIKINABANG P-Hinihiling naming... B- Sapagkat iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapu- rihan magpakailanman, Amen, Pagbati ng Kapayapaan Paanyaya sa Pakikinabang (Lummuhod) P- Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging B - Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy Katekesis para sa Taon ng Mga Pari at mga Relihiyoso Mga Pinabagong Lingkod-Pinuno para sa Bagong Pagpapalaganap ng Ebanghelyo Fe. Jomes H. Kroeger Mi Tuloy ang Simbahan sa Pillpinas sa siyam na taong paglalakbay nito patungong 2021. Sa pamamagitan ng isang serye ng mga taunang ‘tema, isang masidhing pagpapanibago ang nakikinita para sa Simbahan. Nakatuon ang taong ito (2018) sa mga pari at relihiyoso't relihiyosa. Hindi ito nangangahulugang ang layko, na bumubuo sa karamihan ng Sambayanan ng Diyos, ay tinutunghayan bilang mga mababang uri ng kristiyano; tandaan natin na ang buong taon ng 2014 ay nakatuon sa mga laiko. Buhat ng biyaya ng ating pagiging mga binyagan kay Kristo, lahat ay pantay-pantay ng halaga sa Simbahan, bagamat mayroon tayong iba't ibang talento at gampanin. Tumpak na masasabing tayo’y magkakabahagi sa “pagkadisipulo ng magkakapantay,” Lahat ay pantay- Pantay ng dignidad bilang mga misyonerong alagad ni Jesus. Pinagtitibay ng kasulatan ng tkalawang Konsehong Batikano na Apostolicam Actuositatem ang napakahalageng papel ng laiko. “Nagmumula ang apostolado ng laiko sa kanilang pagtawag bilang mga Kristiyano, at hindi magagahap ang Simbahan nang wala ito [apostolado ng laiko]” (4).."Sa Simbahan may iba’t ibang paglilingkod ngunit may kaisahan ng layunin” (2), Ang lahet—maging laiko, pari, o relihiyoso 0 relihiyosa—ay tinatawag upang maging banal at “ipahayag ang diwa ng mga banal na kapalaran sa kanilang buhay." sa iyo ngunit sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako. (Tumahimik) Ama naming mapagpala, ipagkaloob mong makilala ng iyong bayan ang ipinahayag na sinasampalatayanan at mahalin ang tinanggap sa pagdiriwang na banal na pakikinabang sa Antipona sa Pakikinabang (Slm 78:29-30) Sa pagkaing ibinigay ng Panginoong Maykapal a¥ _pamamagitan ni Jesukristo kasama nasiyahan ang tanan. Kanilang _ ng Espiritu Santo magpasawalang inaasaha’y nagkamit ng hanggan katuparan. B-Amen. Panalangin Pagkapakinabang (Tumayo) P-Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming mapagmahal, kaming pinapagsalo mo sa banal na pakikinabang ay gawin mong laging manabik na pagsaluhan ang kaloob mong ito sa aming ikabubuhay sa pamamagitan ni Jesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. POS P- Sumainyo ang Panginoon. B - At sumaiyo rin. Paghabasbas P - Magsiyuko tayo habang iginagawad ang pagbabasbas. P- Ang pagpapala ng makapang- yarihang Diyos, Ama at Anak (#)at Espiritu Santo ay manaog nawa at mamalagi sa inyo magpasawalang hanggan. B-Amen. Pangwakas P - Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran. B- Salamat sa Diyos. pan 2018 A guide for the Eucharist and Moming & Evening Prayers of the Liturgy of the Hours

You might also like