Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Hangga’t hindi nahuhulog sa lupa ang butil ng trigo at mamatay, mananatili itong nag-

iisa. Ngunit kung ito’y mamatay, mamumunga ito nang sagana.” Juan 12: 24.

Lampas anim na buwan na mula noong una kayong pumasok sa Knights of the Altar.
Hindi madali ang angkinin ang isang napakalaking responsibilidad gaya ng pagiging
lingkod sa ating parokya. Sa mura ninyong edad ay malamang laro at pag-aaral ang
laman ng isip ninyo, ngunit pinili ninyong isama sa inyong pang-araw araw na buhay
ang buhay ng paglilingkod sa Simbahan.

Sa inyong pasimulang paglalakbay sa samahang ito, marami na kayong naranasan.


Nariyan ang pagkakaroon ng mga bagong kaibigan, ang matutunan ang mga bagay-
bagay tungkol sa pananampalataya at paglilingkod sa altar, ang magkamali habang
naglilingkod, ang makalimutan ang schedule ng mga serve at mga gawain. Sa
maikling salita, minsan na rin kayong nadapa. Ngunit sa pagkakadapang ito, natuto
rin kayong bumangon.

Ang inyong pag-aalay ng inyong oras at talento, kasama na ang mga karanasang
nabanggit ko ay parang kamatayan. Kamatayan, dahil sa paglilingkod ay
kinakalimutan natin ang mga bagay na ukol sa ating mga sarili. Patay tayo sa ating
mga sarili. Bagkus ang iniisip natin ay ang kapakanan ng ating relasyon sa Diyos at
ang buhay ng ating kapwa. Dahil sa paglilingkod, ang ating tanging hangad ay ang
makasama ang Diyos.

Napakagandang pagkakataon na sa araw ng inyong pagtatalaga ay maririnig natin


ang Mabuting Balitang ito. Simbolismo ng pagsusuot ng alba ang kamatayan sa sarili
at pagbabagong-buhay. Sa pagtatakip ng alba sa inyong pangkaraniwang kasuotan,
maging paalala nawa ito ng pangako ninyong pagtalikod kay Satanas at
pagsampalataya sa Diyos, at ng mga pangakong inyong bibigkasin sa araw ng inyong
pagtatalaga. Ang inyong buhay nawa ay maging buhay na nakikita si Kristo sa inyong
mga sarili, upang kayo rin ay makapanghikayat sa ibang kabataang tulad ninyo na
lumapit sa Diyos at maglingkod sa Simbahan. Sinabi ni Hesus sa Mabuting Balita,
“Kung ako ay maitaas na, ilalapit ko sa aking sarili ang lahat ng tao” (Jn. 12: 32).
Kung paanong inilapit ni Kristo ang mga tao sa kanya noong siya’y ipinako sa krus,
gayun din, ilapit ninyo kay Kristo ang inyong mga kamag-aral, mga kaibigan, mga
kamag-anak sa pamamagitan ng inyong magagandang halimbawa.

Maging masagana nawa ang bunga ng inyong paglilingkod. Pagbati sa inyong


pagtatapos ng unang hakbang ng inyong paghuhubog. Panalangin sa hakbang na
susunod.

Kuya Kirk Balazuela

Marso 16, 2018

You might also like