Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

1 Code

“Complete Uniform daw tayo Pagpunta natin sa Gym.”

Sabi ng kaklase ko. Maraming nagkontra pagkarinig nito.

“Eh! Bakit di nalang civilian? Tss. “

Kontra nung isa sa mga kaklase kong gusto ata magporma para magandang tingnan, ano yun? Hindi ba
maganda pag di ka naka-uniform? Ginagawa pang fashion. Eh magchecheer lang kami.

Isa ako sa kalimitang magsalita. Nagsasalita lang kapag tinatanong, at nakikihalubilo lang kapag close ko
talaga yung isang tao. Pero dahil baguhan lang ako sa school na ito at wala din akong kaibigang nag-
enroll dito ay tahimik lang ako sa likod. Karamihan kasi ay lahat magkakakilala.

Tinaga ko talaga sa utak ko ang nag-announce kaninan na mag-uuniform daw kami at kompleto pa. Di
nalang ako nagtanong pa at tinandaan ko din yung oras.

Dumating yung araw na pupunta kaming Gym. Maraming mga tao, iba’t ibang school ang dumalo para
din i-cheer ang mga team nila. Gumising ako ng maaga, nagpagising ako sa mama ko para hindi ako
malate. Dahil bago akong estudyante kaya maaga akong umaalis. Plantsadong plantsado ang uniform ko,
nag-complete uniform talaga ako para di ako mapagalitan, panigurado kasing maraming mag-cicivilian at
ayaw kong mapahiya don.

Nagpaalam pa ako sa mama ko, at naglakad sa may stop-over kung saan humihinto ang mga citylimit at
jeep. Maraming tao ang nag-aabang din , hindi ko mga kilala ang iba kung saan ba galing school o samin.
Nag-abang din ako at parang pinagtitinginan pa ako ng iba. Bakit kaya? Baka napansin nilang taga BST
akong paaralan, sikat kasi yung paaralan. Dahil maraming estudyante, kaya nga nahati sa dalawa yung
paaralan namin. Yung isa tinatawag namin mga EXP at yung samin ay Main. Na-conscious nalang ako
kung bakit ba nila ako pinagtitinginan. May masama ba sa pagkakasuot ko ng uniporm? Bigla nalang
sumagi sa isip ko na, bakit karamihan sa mga pumupunta sa Gym ay naka-civilian?

Biglang dumating yung ka-batch ko sa school, sa may first section kasi sya at nagkakilala kami sa summer
noon, at buti naman at may kasama na akong nag-aabang doon na kakilala ko. Napansin kong naka-
civilian sya, baka napag-usapan nilang mga first section na mag-civilian sabi ko sa isip ko.

“Hana, Pupunta ka din sa Gym? Sinong kasama mo?” Tanong nito sakin. “Oo, ako lang. Ikaw? Sinong
kasama mo?” Sagot ko. “Hihintayin ko yung kasama ko. Tinext kasi nya akong sumakay sa kotse nila,
dadaan din naman daw sila dito. Sumabay ka nalang din sakin, para mabilis tayong makapunta sa Gym.”
Alok nito sakin. “ok lang? Wala kasi akong kasama.” Nahihiyang sagot ko. Nakakahiya kasi hindi naman
ako kilala nung kaibigan nya.
“Ok lang. Nga pala, Bakit naka-uniform ka?” Biglang sabi nito. “Bakit? Diba uniform man tayo?” Sagot ko
din. Parang nababahala na ako kasi parang alam kona ang sunod nitong sabi. Pero inunahan ko na sya
bago makasagot. “Nachange ba yung code ng suot natin?” Tanong ko.

“Oo, di mo ba alam? Civilian daw tayo sabi ni Sir Arthur.” Sagot nito, sabay palinga linga. Para akong
binuhusan ng malaking balde ng tubig. Isang salita lang ang naisip ko at yun ay NAKAKAHIYA! Naka-
uniform pa ako at complete pa. Hindi ako makapagsalita. Kung uuwi ako baka matagalan pa ako, at
malate ako dahil mag-aalasyete. Sakto namang may nag-stop na kotse sa harapan namin, at hinila ako ni
Shila palapit sa kotseng iyon. Bumaba ang bintana nung sa front seat at nakita namin yung kaibigan ni
shila na naka-smile at sinabing sumakay na kami. Sinabi pa nito sa papa nitong nag-ddrive na kaibigan
niya si shila.

“Pasabayin na natin tong kasama ko, Ain oh?” Sabi ni shila sa kaibigan nitong babae, na naka-upo sa
front seat. “Sige, Bakit nga pala naka-uniform siya?” Sagot nito. Pumasok ako at sinara yung pinto ng
kotse. Nagsimula namang magmaneho ang papa nung kaibigan ni Shila. “Di niya nalaman. Bigla naman
kasing iniba ni sir yung code ng suot natin. “ Tumango nalang yung kaibigan ni Shila at di na umimik.

Hindi ko talaga alam dahil walang nagpaalam sakin. Ito yung disadvantage ng walang kaibigan sa
paaralan. Nakakahiya. Holiday kasi naman nitong nakaraan kaya hindi ko alam na nachange na pala yung
code na susuotin. Nakakainis talaga si sir.

Nadadaanan namin yung ibang mga taong naglalakad papuntang Gym, malapit lang kasi yun sa Gym at
may shortcut pa doon. Kaya pinahinto nung kaibigan ni shila sa gilid ang papa nya dahil baka matagalan
pa kami dahil di masyadong nakakadaan yung mga kotse sa dami ng mga taong naglalakad. Bumaba
kami at nagpaalam si Ain sa papa nito at nagmadali silang maglakad papuntang Gym, tinawag din ako ni
shila para makisabay. Nahuhuli ako sa dami ng tao, at napapansin ko talagang pinagtitinginan ako dahil
ako lang yung naka-uniform doon at kilalang kilala pa nila kung saan ako galing na school. At yung ibang
kapareho ko ng school ay baka nalilito kung bakit naka-uniform ako gayung civilian naman. Eh sa hindi
ako nakatanggap ng balita na naiba na pala yung code na susuotin. Tss.

Hindi ko nalang inisip yung ibang nakatingin sakin pag napapadaan ako at deredretso nalang akong
naglalakad. Pagdating ko pa sa side kong saan dapat kaming mga BST uupo ay napansin din nila ako. Pati
na din mga kaklase kong naka-civilian. Tinatanong pa ako kung bakit ako nag-uniform. At sinasagot ko
nalang ay hindi ko nalamang na-iba yung susuotin.

Hindi ko na halos maisip yung nangyari sa araw na yun. Dahil grabeng tiis ang ginawa ko dahil ako lang
talaga naka-uniform doon. At inisip ko nalang na parang dumaan na parang hangin ang sitwasyong iyon.
Pagbalik namin sa school kinabukasan ay tinanong pa ako ng iba kong kaklase kung ako ba yung naka-
uniform. Sinumpa ko talagang maging alerto sa mga pangyayari sa paligid. At naging kaibigan ko din
naman yung iba sa mga kaklase ko simula noon. Salamat naman dahil para may nakukuhanan din ako ng
balita o memorandum na nai-aanounce.
2 CIVIL SERVICE EXAM
“Kita na lang tayo sa may terminal.” Yan ang Mensaheng natanggap ko galing sa pinsan
kong si Roffe. Sabado ngayon, at ngayon yung araw na pupunta kami sa CDO para mag-take
ng Civil Service Exam o CSE. Lunes ang araw ng pagtake namin ng CSE, kung kaya’t sabado
palang ay lalakbay na kami papuntang CDO at doon matulog ng isang gabi. Malayo pa
naman ang Marawi sa CDO baka di pa kami makatake ng exam kung sa lunes kami pupunta
doon. Ang Pinsan ko naman ay sa Maigo. Kaya sa may terminal kami magkikita para sabay
na kaming pumunta ng CDO.

Maraming tao ang mag-eexam din sa CSE, at lahat ay galing sa iba’t ibang lugar. Lahat ay
nerbiyos, natutuwa at iba pang emosyon. Ang iba’y nag-sunog ng kilay, at iba nama’y
nagtiwala sa sariling paniniwala. Lahat naman tayo’y dumaan na sa sitwasyong kailangang
gamitin ang ating mga natutunan. At lahat tayo’y dumaan na sa mga exam na yan. Normal
lang na makaramdam tayo ng iba’t ibang emosyon, mapa-nerbiyos o tuwa man yan.

Ang buhay ng isang tao’y parang pagte-take ng Exam. Kailangan mong mag-aral para sa
ikabubuti ng iyong buhay. Sa sarili natin naka depende kung magte-take risk ba tayo sa
isang sitwasyon na hindi natin alam kung makakatulong ba ito o hindi. Kagaya ng CSE, lahat
ay pursigidong makakuha ng magandang marka. Dahil pwedeng nakadepende ang buhay
ng isang tao sa resultang makukuha nito. Kahit hindi natin alam ang mangyayari ay
determinado pa din tayong makamit ang ating mga pangarap at magkaroon ng magandang
kinabukasan, hindi lang satin pati na din sa iba.

Ang CSE ay isang exam na maraming tanong. Kagaya ng buhay natin na maraming mga
katanungan, Kaya nga ang pag-aaral ay walang katapusan. Pwedeng bigo o tagumpay ang
makuha natin, pero lahat ay may maraming pagkakataon. Nakadepende lang sa isang tao
kung gagawin ito ulit.
3 Diwara
“Nasaan na naman si Aliah?”Sigaw ni Aling Mairah sa loob ng bahay na maliit. Dumidilim na at hindi pa
umuuwi ng bahay si Aliah. Napasobra na naman ang pagkikipaglaro nito. “Baka kasama na naman nina
Cairo. Nagtataguan na naman sila ‘Nay.” Sumbong ni Jabbar, ang kuya nito. “Hindi na talaga umuuwi ng
maaga yang batang yan. Dumidilim na nga’t nagsisipasok ng bahay ang mga iba siya namang hindi niya
pag-uwi. Hasim! Hanapin mo nga si Aliah at pauwiin mo na.!” Tawag nito sa bunsong anak nitong lalaki.

Padarag namang lumalabas ng bahay si Hashim. “Eh, bakit ako pa? Tsk.” Mangiyak iyak nitong saad
habang nagtsi-tsinelas. Makikitang ayaw nitong mautusan.

“Ka puntahan mo na nga! Panay bungisngis ka pa Dyan, sipain kita eh.” Singhal naman ng panganay na
anak na si Moamar.

Agad namang lumabas ng bahay ang inutusan.

“Aliah! Umuwi ka daw sabi ni Nanay! Lagot ka na naman.” Pa-sigaw na tawag niya pagkakita nya kay
Aliah na nagkkwentuhan kasama ang ibang mga kaibigan nito.

Nakaramdam naman ng kaba si Aliah dahil tiyak masesermonan na naman siya.”Uwi na ako.” Paalam
naman nito sa mga kasama niya. Agad namang nag-sialisan ang mga iba dahil napansin nilang
nagsisiuwian na ang iba.

Pagkapasok palang ni Aliah sa bahay nila’y nabungaran nya ang nanay niyang naghuhugas ng pinggan.

“Oh! Umuwi ka pa. Kailan ka ba matutong sumunod ng mga sinasabi ko ha? Ilang ulit ko ng sinasabing
umuwi ka ng maaga pero panay ang laro mo. Kung gusto mo ay doon ka umuwi sa mga kaibigan mo. Di
mo pa nagagawa itong mga iniutos ko sayo. “

Sermon nito kay Aliah. Di naman makasagot si Aliah dahil sa takot. Ngayon lang nilabas ng Nanay nito
ang galit nito kay Aliah, dahil sa mga nagdaang araw ay panay lang ang sabi nitong huwa masyadong
gabihin. Pero dahil hindi niya napapansin ito masyado ay nakakalimutan nya.

“Ulitin mo pang gabihin ng uwi tiyak sa labas ka matutulog. Naiintindihan mo Aliah? Tigilan mo na yang
paglalaro mo.” Saad nito. Sumagot naman si Aliah at Tumango lang ito, Dumeretso ito sa paliguan para
maghilamos ng mukha at sabunin ang mga kamay at paa. Sa mga sumunod na araw ay hindi na
masyadong lumalabas si Aliah dahil sa takot nito sa nanay niyang masermonan at baka mapagbuhatan
pa nito ng kamay dahil sa hindi nito pag sa mga utos ng nanay niya at hindi pa nito magawa ang mga
gawaing bahay.

Ang batang mahilig makisalamuha sa iba, malaki ang tiwala sa sarili ay naging mailap sa ibang tao. Hindi
ito lumalabas ng bahay kapag walang mga okasyong pinupuntahan, o nag-aaral. Hindi na din ito
nakikipaglaro sa mga dating kaibigan, hanggang pansinan lang at kalauna’y nakalimutan na ang isa’t isa.
Nahihiya na din itong magsalita sa mga ibang tao.
4 Mga ‘pinakamamahal kong kapatid’
Di maiwasan ni Jalilah na mainis dahil sa nadatnan na naman niya ang lababo nila na punong puno ng
pinggan, kutsara at mga ibang kasangkapan sa kusina na hindi pa nahuhugasan. Pati na din ang lamesa
nilang may nakatambak na mga baso, basura na hindi nila tinatapon sa basurahan, at mga kanin na
nakadumi sa lamesa. Mga kalderong ginamit at mga grapon na hindi nakalagay ng maigi sa lalagyan.
Minsan naiisip niya kung mga tao ba talaga ang gumagamit sa kusina nila o mga hayop, o sadyang mga
pakunwaring mga bisita na hindi man lang kayang ligpitin ang mga gamit na nagamit nito. Pero alam niya
kung sino ang mga taong gumagamit ng kusina nila at yun ay ang mga kapatid niyang lalaki. Hindi
madesiplina ng maigi.

“Bakit di niyo hinugasan ang mga ginamit nyong mga pinggan? May hinihintay ba kayong mga katulong
nyo?” Bungad nito sa bunso niyang kapatid na lalaki, nasa ika-tatlong baitang na ito sa Highschool,
Kakapasok lang nito galing sa labas at mukhang may kukunin lang ito sa loob at lalabas na din ito na ni
hindi man lang sinagot ang galit na sigaw ni jalilah.

Parang gustong mag-mura ni Jalilah sa mga oras na yun. Palagi nalang kasing ganito ang nabubungaran
niya pagkagaling ng school. Hindi niya maiwasang magalit sa mga kapatid niyang lalaki dahil ni-gawaing
bahay ay walang alam at parang mga prinsipe kung mag-siasta. Kaya pati bunso niyang kapatid na
babae, nasa ikalawang baitang sa Highschool, ay naiinis at nagagalit sa mga kapatid nilang lalaki. Minsan
kasi ang mga bunso niyang mga kapatid na lalaki ay binubuntungan nila ng inis kapag walang madatnang
lutong kanin. Kaya sinusumbong naman niya kay Jalilah ang mga ugali ng kapatid niyang lalaki. Kaya
kapag walang nadadatnang lutong kanin ang mga bunso niyang kapatid na lalaki at nakikita niyang
pinagbubuntongan nila ng inis ang bunso niyang kapatid na babae ay sinusuway niya ang mga kapatid
nitong lalaki. At sila ang nagkakasagutan ng mga kapatid niyang lalaki, na walang respeto sa kanya, ng
kung anu anong salita.

At kung may mas tamad sa mga kapatid niyang lalaki ay yun ang panganay nilang kapatid. Pangalawa si
Jalilah, sunod ang dalawang bunsong kapatid na lalaki, sunod ang bunso niyang kapatid na babae at ang
pinakabunsong lalaki na nasa ika anim na baitang sa Elementarya. Ayaw na ayaw ni Jalilah na magtagpo
ang landas nila ng kapatid niyang lalaki na panganay. Mula kasi nung bata sila ay panay tapon ng kung
anung bagay na nadadampot ang kapatid niyang lalaki na panganay sa kanya kapag ayaw nitong sundin
ang utos nito. Kaya dumidistansya nalang si Jalilah dito. Kaya ng lumalaki na sila ay natututunan ni Jalilah
na pagtiisan ang ugali ng panganay niyang kapatid na lalaki. Kaya ang resulta ay hindi sila masyadong
malapit sa isa’t isa. At parang nawawalan na din ng loob nito sa mga kapatid niyang lalaki dahil sa mga
ugali nila. Ni-hindi marunong maglaba ng mga sariling damit, di marunong magligpit ng mga gamit na
ginamit at di binabalik sa dating ayos ang mga gamit na nagagalaw nila. Lumalaki na sila’t parang mga
walang natutunan ang mga kapatid niyang lalaki. Kain at tulog lang ang alam.

Pati na din ang mga magulang din nila ay naghihirap magtrabaho sa probinsya nila at bumabyahe ito
patungo sa kanila kapag weekends ay minsan ay nahihirapan na din sa kanila dahil panay ang mga
kapatid niyang lalaki sa paghingi ng kung anung bagay na naiisipan nilang kunin. At sinisermonan sila ng
mga magulang nila dahil sa kahit wala masyadong pera ay panay pa din ang hingi nila. Pero hindi naman
nagkukulangang mga magulang nila sa kanila dahil ibinibili nila ng mga bagong damit ang mga anak nila
kapag nagkakasweldo at iniiwanan nila silang magkakapatid ng mga sariling pera kapag umuuwi sila ng
probinsya.

Pero sa mga ganitong sitwasyon ay naiisip ni Jalilah na baka mga pagsubok lang sa kanila ang mga ito. Na
kahit na anung mangyari ay pamilya pa din sila na nagdadamayan sa isa’t isa at nagtutulungan sa ano
mang bagay. At marahil nagkakainisan silang magkakapatid ngunit alam niyang sa mga sarili nila’y mahal
na mahal nila ang isa’t isa pero di lang nila naipapakita o naipaparamdam pero sa ibang paraan nila ito
pinapakita o pinaparamdam.

5 ‘Slice’
Nagtatawanan ang tatlong magkakapatid na babae sa kusina habang kumakain. Kung anu ano nalang
ang napag-uusapan nila kahit mga walang kwenta’y nabibigyan ng pansin. Matatagalan na naman silang
tumayo at magligpit ng pinagkainan dahil sa maraming mga nakakatawang kwento ang di matapos
tapos.

“Pagamitin mo kasi ng pampawala ng pimples yang kaibigan mong humihingi ng advice. I-daan mo ba sa
isang joke, kunyari i-chat mo. Tapos Capslock pa yung salitang ‘Makinis’ haha” mungkahi ng panganay na
si Nasrin. Nagsitawanan silang tatlo dahil doon.

“Haha. Parang di ko ata kaya.” Sagot naman ng pangalawang kapatid nitong si Faisah.

“Salamat sa advice ah!” sagot naman ng bunso sa kanilang tatlo, si Zahrah, na pulang pula sa katatawa.

“Eh ganoon yun eh, kailangan talagang pisain mo sa kanya.” Sagot naman ni Nasrin. At sabay sabay na
nagtawanan ang tatlo. Sa lakas ng tawa nila’y maririnig sa buong bahay nila pati na din sa kapitbahay
nila dahil sa masyadong malapit ang mga bahay nila sa mga kapitbahay nila.

Habang nagtatawanan sila ay siya namang may mga yapak ng paa ang pumupunta sa kanila, sa kusina.
Napansin ni Nasrin kung sino at biglang niyang siniko ang dalawang kapatid at bumulong “Nandito na
naman siya, Kunyari di natin siya napapansin.” Sabi nito sa dalawa. Sabay namang sumangayon ang
dalawa.

Sumulpot ang may matabang tiyan na lalaki na parang ka-edad lang naman ni Nasrin. Huminto pa ito sa
tabi ng Ref. Parang naririnig ang mga kwentohan ng tatlo at parang natatawa din. Ang tatlo nama’y
kunyari ay may mga pinagkkwentohang nakakatawa. Hindi man lang binigyan ng pansin ang dumating.

Uminom lang ang lalaking dumating at umalis na din sa kusina. At sabay sabay namang nagbulongan ang
tatlo.
“Hmp! Nagpapansin na naman yun. Duh! Akala naman niya papansinin natin.” Sabi ni Nasrin.

“Oo nga. Kunyari pang iinom. Nagpapansin lang naman sa atin.” Saad naman ni Faisah.

“Nakakatakot talaga siya at nakakainis.” Sabi naman ni Zahra.

Ang dumating kasi kanina’y ang nakatira sa kanilang malayong kamag-anak nila. Nag-aaral ito doon at sa
kanila nakikitira. Hindi naman talaga nila ito kinaiinisan nung una. Pero nang napapansin na nilang
nakikisawsaw masyado sa kanila at parang nakikiasta pang malapit sa kanila na hindi naman pwede,
dahil malayong kamag-anak nila ito at isa pa’y lalaki ito samantalang nakikisawsaw sa kanilang mga
babae. At lapit ng lapit ito na kinaiinis nilang tatlo.

“Slice talaga. Slice! Slice!” Inis na sabi ni Faisah. Habang palakas ng palakas ang pagbikas nito ng salitang
‘Slice’ habang nakatinginsa hinihigaan nung lalaki.

‘Slice’ ang tawag nila sa kanya dahil ang unang letra ng pangalan nito’y ‘S’.

“Hoy. Obvious naman masyado. Baka makahalata na noh” Suway ni Nasrin sa kapatid. “Kahit na noh!
Para marinig niya talaga tsaka hindi naman niya alam na siya ang tinutukoy natin. Hmp!” Sagot ng
kapatid nitong si Faisah. Minsan talaga parang mas sobra ang ugali nitong kapatid niya kaysa sa kanya.

Tumawa nalang si Nasrin. “Huwag nalang natin siyang bigyan ng pansin. Para hindi tayo ma-stress
masyado.”

“Oo nga. Nas-stress tayo masyado. “ Sagot ni Faisah.

Mukhang natutunan naman nilang magkapatid ang iwasang hindi masyadong bigyan ng pansin ang
‘Slice’ na tinatawag nila. At hindi naman sila masyadong nakikipagkwentohan sa kaniya. Minsa’y sila ang
umiiwas dahil tinuro sa kanila ng tatay nilang huwag masyadong makipagkwetohan sa lalaking nakikitira
sa kanila na agad naman nilang sinang-ayonan.

You might also like