Barlaan at Josaphat

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 25

Barlaan at

Ipriniprisenta ng
group
josaphat1 ang
Ang Barlaan at Josaphat ang kauna-unahang
nobelang nalimbag sa Pilipinas. Ito ay
isinalin sa Tagalog ni Padre Antonio de Borja
noong 1712. Ang akdang ito ay naitalang
mahabang akdang panrelihiyon na
naglalaman ng mga aral na tunay na totoong
aakay sa mga tao sa mga gawaing banal sa
pamamagitan ng mga gawa ng mga
pangunahing tauhan sa nobela na sina
Barlaan at Josaphat.
Tauhan
• Abenir – ama ni Josaphat at hari ng Indiya
• Barlaan – isang matangdang pari na
nagpatanggap upang malapitan si Josaphat
• Josaphat – anak ni haring Abenir
• Theudas – isa sa mga alagad ng hari
• Barachias – isang tapat na tauhan ni Josaphat
Tagpuan at Panahon
• Panahon ng Kastila
• Indiya – ang kaharian ni Abenir
• Senaar – pinanggalingan ni Barlaan
• Simbahan
Kasaysayang ng Texto
• Inilimbag noong 1712
• San Juan Damaseno (Griyego)
• Isinalin sa Tagalog ni Fray Antonio de Borja
• Nagdaan sa pagsusuri ni Fray Gaspar de San Agustin
• Unang edisyon (salin ni Borja): 553 pahina at 40 kabanata
• Buong pamagat: Aral na Tunay na totoong Pagaacay sa
Tauo, nang manga Cabanalang Gaua nang manga Maloualhating
Santos na si Barlaan ni Josaphat
• Mula sa India: paralelismo sa buhay ni Josaphat at ni Gautama
Buddha
• Mula sa Georgia: nang lumaganap, ay isinalin sa Griyego at Latin
• “tagapagpauna ng mahabang katha sa Tagalog”
• walang nakababasa
• - kulang sa mananaliksik
• - tiyaga sa pagbuklat
Mga Importanteng Detalye
• unang sinulat sa wikang Griyego
• may-akda: San Juan Damasceno
• isinalin sa Tagalog ng Hesuwitang pari: Pari
Antonio de Borja
• nilimbag noong 1712
• buong pamagat: ARAL na Tunay na Totoong Pag
aacay sa tauo, nang manga cabanalang gawa
nang manga maloualhating Santos na si Barlaan
ni Josaphat
• binubo ng 553 na pahina at 40 na kabanata
• tagapagpauna ng mga kathambuhay
Kabanata I hanggang Kabanata X
• hari ng Indiya :Abenir
• sumasamba sa mga diyus-diyosan si Haring Abenir
• ipinapangaral sa Indiya ang Salita ng Diyos sa mga panahon na iyon
• lumagda ng batas na nag-uutos na sumamba ang mga tao sa mga diyus-
diyosan
• mayroong matalik na kaibigan ang hari na isang kabalyero
• nang malaman niya ang batas ng hari, iniwan niya ang kanyang kayamanan
at pumasok sa monasteryo
• ipinag-utos ng hari na hanapin siya
• nakita ng hari ang kaibigan niyang namumuhay para kay Kristo
• nagkaanak si Abenir ng isang lalaki : Josaphat
• ipinag-utos ng hari na hindi dapat makakita si Josaphat ng kahit anong
bagay na pangit
• ipinagbawal din ang pagbanggit ng kahit anong tungkol sa Kristiyanismo
kay Josaphat
• lalong nainis si Haring Abenir sa mga Kristiyano dahil nakita niyang marami
sa mga kampon niya and yumayakap sa Kristiyanismo
• nakahingi si Josaphat ng pahintulot na umalis sa bahay
• nakita ni Josaphat ang kahirapan na dinaranas ng mga tao
• nalaman niyang lahat ng tao ay nagkakasakit at namamatay
• nanabik siyang malaman ang mga aral ng Kristityanismo at ang mga
inaaral tungkol sa pagtitiis ng hirap
• may isang matandang pari na naninirahan sa Senaar (bayang
malayo sa Indiya) : Barlaan
• ipinahayag sa kanya ng Diyos and mabuting kalooban ni Josaphat at
ang pagnanais nitong malaman ang mga aral ni Kristo
• nagbihis si Barlaan bilang isang mangangalakal at tumungo sa Indiya
• sinabi niya sa mga gwardiya sa palasyo ng prinsipe na mayroon
siyang ipapakitang mahalagang bato sa prinsipe
• sinimulang turuan ni Barlaan si Josaphat tungkol sa Kristiyanismo
– paglalang sa mundo (Creation)
– pagkahulog sa kasalanan ng una nating magulang (Original Sin)
– ang pagkakatawang-tao at pagtubos sa tao (Hesus)
– kung paano maiiwasan ang parusa pagkatapos ng kamatayan :
Pagbabalik-loob (Repentance)
Kabanata XI hanggang Kabanata XX
• ipinagpatuloy ang pagpapaliwanag tungkol sa
Kristiyanismo
– ipinaliwanag ang parabulang “Ang Anak na Alibugha”
(The Prodigal Son)
– isinalaysay ang buhay at pagpapasakit ng mga martir
– ipinaliwanag ang walang hanggang kaparusahan sa
impyerno
– ipinaliwanag ang pagtigil natin sa paggawa ng
kabanalan para sa mga hiling ng laman
– ipinaliwanag ang iba pang aral-Kristiyano at ang Misa
• bininyagan si Josaphat sa isang bukal sa
halamanan ng palasyo
Kabanata XXI hanggang Kabanata XXX
• Zardan – kabalyerong inutusan ng hari na mag-ingat na huwag makakarinig si
Josaphat ng anuman tungkol sa Kristityanismo
• naghinala sa malimit na pagdalaw ni Barlaan kay Josaphat
• ipinaliwanag ni Zardan na siya ang malilintikan kapag nalaman ng hari ang
nangyayari
• tiniyak ni Josaphat kay Zardan na walang masama sa kanilang ginagawa
• inanyayahan niya si Zardan na makinig sa susunod na pagdalaw ni Barlaan
• naniwala si Zardan sa mga turo ni Barlaan
• nakiusap si Josaphat na huwag ibunyag sa hari ang kanilang ginagawa
• nagpaalam si Barlaan kay Josaphat
• nagsakit-sakitan si Zardan at umuwi sa kaniyang bahay
• pinapunta ni haring Abenir ang kanyang manggamot sa bahay ni Zardan
• sinabi ng manggamot na walang sakit si Zardan
• umamin na si Zardan sa mga ginagawa nina Barlaan at Josaphat
• sumangguni ang hari sa kanyang pinakatapat niyang tagapayo : Araquez
• balak ni Araquez na ipadakip si Barlaan at dustahin sa isang debate laban sa
mga pantas ng kaharian para mawala ang pananalig ni Josaphat sa mga aral
nito
• hindi nahanap ng mga kawal si Barlaan sa Senaar
• ipinadakip ang isang bantog na astrologo : Nacor
• pumayag si Nacor na magkunwaring Barlaan
• nalungkot si Josaphat nang malaman niyang nadakip si “Barlaan”
(Nacor)
• sinabi na ni Josaphat sa kanyang ama ang lahat
• sinabi ng hari kay Josaphat na kailangan nitong sumunod sa kanya dahil
siya ang ama niya
• ipinaliwanag ni Josaphat na magiging kasalanan ang pagsunod sa
magulang kung ito'y magiging paglabag sa banal na kalooban ng Diyos
• nagdaos ang hari ng isang debate sa pagitan ng mga Kristyano at
pagano
• alam talaga ni Josaphat na manlilinlang lamang si Nacor
• kinausap ni Josaphat si Nacor nang parang ito ay si Barlaan at sinabi
niya na kapag natalo ang panig ng mga Kristiyano, siya mismo ang
papatay sa kanya dahil ang ibig sabihin lang nito ay impostor si
“Barlaan”
• pinagtanggol ni Nacor ang panig ng mga Kristiyano
• umamin si Josaphat na alam niyang manlilinlang si Nacor at
nagpasalamat siya sa pagtatanggol ni Nacor sa panig ng mga
Kristiyano
• itinuro ni Josaphat ang mga aral ng Kristiyanismo kay Nacor
• nanirahan si Nacor sa isang monasteryo upang mabinyagan at
mamuhay para kay Kristo
• nagkaroon ng pista para sa mga diyus-diyosan
• tinulungan ng hari si Theudas para sa ipagtatagumpay ng pista para
sumigla naman ang mga tao
• pinangakuan ni Theudas ang hari ng paraan para mapabalik si
Josaphat sa pagsamba sa mga diyus-diyosan
• balak ni Theudas : ang mga utusan sa palasyo ay papalitan ng mga
babaeng utusan na sanay umakit sa mga lalaki
• nanganib si Josaphat na mahulog sa kasalanan
• hiniling ni Josaphat sa kanyang ama na siya'y payagang lumabas
para hanapin si Barlaan
Kabanata XXXI hanggang Kabanata XXXL
• pangalawang balak ni Theudas : magtalo si haring Abenir at si Josaphat
• resulta ng pagtatalo: tinanggap ni Theudas ang aral ng Kristiyanismo at
napoot ang hari dahil dito
• payo ni Araquez : hatiin ng hari sa dalawa ang kanyang kaharian at ibigay
kay Josaphat ang kalahati upang pamunuan at mamuhay sa relihiyong
kanyang ibig
• sinabi ng hari sa kanyang mga tagapaglingkod na malaya silang sumama
kay Josaphat at huwag silang mag-alala na baka sila’y parusahan
• unang ginawa ni Josaphat sa kanyang paghahari : magtayo ng simbahan sa
ngalan ni Kristo
• umunlad ang sakop ni Josaphat
• nangaunti ang sakop ni Abenir
• nakilala ni Abenir ang kanyang pagkakamali
• hiniling niya kay Josaphat na turuan siya tungkol sa mga aral ng
Kristiyanismo
• nang mamatay ang hari, umalis si Josaphat sa kanyang kaharian
upang mamuhay sa gubat bilang ermitanyo
• iniwan niya kay Barachias ang kaharian
• naglakbay si Josaphat ng dalawang taon para hanapin si Barlaan
• nagkita sila ni Barlaan at namuhay sila nang magkasama
• nang kamamatay lamang ni Barlaan, nagkaroon ng panaginip si
Josaphat
– mayroong dalawang putong (korona) na makikinang
– and dalawang iyon ay para sa kanya at sa kanyang ama
– nalungkot siya dahil naisip niya kung bakit magiging karapat-dapat ang
ama niya na hindi nagtiis ng maraming kahirapan tulad niya
– nagpakita sa sandaling iyon si Barlaan at siya’y pinagalitan
– tumangis si Josaphat at nagsisi
• nang mamatay si Josaphat, inilibing siya sa pinaglibingan ni
Barlaan
• inibig ng Diyos na mag-anyong matanda si Josaphat at
pumunta ng Indiya
• pumasok ang matanda sa silid ni Hari Barachias
• isinalaysay niya kay Barachias ang nangyari kay Josaphat
• hinanap ni Barachias ang bangkay ni Josaphat
• nang makita nila ito, ang dalawang bangkay ni Barlaan at
Josaphat ang nakita ng mga tao
• sila’y nagtaka dahil hindi nabubulok ang mga bangkay
• dinala nila ang mga bangkay sa unang simbahang ipinatayo ni
Josaphat
• maraming himala ang nangyari sa harap ng mga banal na
bangkay
BUOD
TUNGGALIAN:
Nalaman ng hari na naging Kristiyano ang kaniyang anak na si
Josaphat. Nagalit ang hari at ipinahanap niya si Barlaan sa
kaniyang mga alagad upang ito ay dakpin. Nadakip nila ang
inaakala nilang si Barlaan ngunit ang totoo ay isa lamang itong
astrologo na nagngangalang Nacaor. Hindi nila ito alam. Hinamon
ng hari na makipag-debate sa kaniya si Barlaan (na si Nacor pala)
at kapag nanalo ito ay magpapabinyag siya at pati narin ang mga
alagad nito ngunit kapag natalo ito ay papatayin niya si Barlaan.
Natuklasan ito ni Josaphat at nalaman niyang hindi ito ang
totoong Barlaan. Nang dumating ang araw ng pagtatalo ay tila
biniyayaan ng hiwagang karunungan si Nacor. Nakasagot siya ng
mabuti sa ginawa nilang pagdedebate at sa huli ay nanalo si
Barlaan (Nacor).
KAKALASAN/RESOLUSYON:
Ang mga tauhan ni Josaphat ay pinalitan ng hari ng mga babae
upang matukso ito. Nanalangin si Josaphat sa Diyos upang ilayo
siya sa tukso. Nang mangyari ito ay hindi natukso si Josaphat.
Ipinayo ni Theudas (isa sa mga alagad ng hari) na magtalo si
Haring Abenir at Josaphat. Pumayag ito ngunit sa huli ay nanalo
rin si Josaphat. Ipinayo nanaman ni Theudas na hatiin na lamang
sa dalawa ang kaharian. Nangyari ito at napunta kay Haring
Abenir ang kalahati at ang natira naman ay kay Josaphat. Ang
pinaka-unang ipinatayo na estruktura ni Josaphat ay isang
simbahan at doon sa kaharian ni Josaphat ay masiglang
nanirahan ang mga Kristiyanong ayaw maparusahan sa kamay ni
Haring Abenir. Doon lamang nalaman ng hari ang kaniyang
pagkakamali. Sinulatan niya ang kaniyang anak na handa na
siyang maging isang Kristiyano. Tinanggap ito ni Josaphat.
Matapos ang 4 na taong pagsisisi at paghihirap sa kasalanan, ay
namatay si Haring Abenir.
WAKAS:
Hinanap ni Josaphat si Barlaan. Marami rin siyang napagdaanan bago
niya mahanap si Barlaan. Iniwan muna ni Josaphat ang kaniyang
kaharian sa kamay ni Barachias. Nang makita ni Josaphat si Barlaan ay
namuhay silang magkasama habang patuloy na inuukol nila ang
kanilang panahon sa pagdadasal sa Diyos. Isang araw ay sinabi ni
Barlaan na malapit na itong mamatay. Nagkaroon sila ng misa para kay
Barlaan at pagkatapos nito ay binawian na ito ng buhay. Namuhay sa
pagtitiis si Josaphat. Nang mamatay ito ay inilagay nila ang kaniyang
puntod sa tabi ng libingan ni Barlaan. Nagkaroon ng isang pangitain
ang monghe at ipinaalam nito kay Barachias ang pagkamatay ni
Josaphat. Iniutos ni Barachias na hanapin si Josaphat sa bulubundukin
ng Senaar. Dalawang bangkay ang nakita at kataka-takang hindi ito
naagnas at may mahinhinghalimuyak pa ang masasamyo. Ang mga ito
ay dinala sa simbahang ipinatayo ni Josaphat at doon inilagak.
Maraming himala ang nangyari kaya marami ang nagsibalik-loob sa
Diyos at nagpabinyag sa pagiging Kristiyano.
Anong aral makukuha natin sa
kwento?
Unang-una, paniniwala at pananalig sa Diyos. Ang
Diyos lamang angtutulong sa atin sa lahat ng mga
kahirapang nararanasan natin ngayon. Ang
mgaproblema na dumadating sa ating buhay ay mga
pagsubok lamang na ikakatibay ngating pananalig sa
Diyos at ikakalakas ng ating mga sarili.Ikalawa ay
ang pagiging mapagpatawad. Kahit anong laki ng
kasalanan ngibang tao sa atin ay dapat natin itong
patawarin lalong-lalo na kung ang nagkasala ayang
iyong ama. Dapat magmahalan tayo sa isa't isa ay
magpatawad. Laging pairalinang kabutihan laban sa
kasamaan.
Kung titingnan natin ang ating mga sarili, anu-
ano ang mga diyus-disyusan sa ating buhay sa
sinasamba?

Kayamanan at kapangyarihan na nag-ugat sa


PERA. Lahat tayo aymakasalanan. Labis tayong
sumasamba sa pera. Marami ang nagiging masama
dahildito. Pumapatay, nanlilinglang ng ibang
tao, nangungurakot/ nagnanakaw at iba
pa.Maraming tahanan, pagkakaibigan, at
pagsasamahan ang nasira na ng pera. Kayamasama
ang labis ng pagkahumaling sa pera. Dapat nating
ipagdasal sa Diyos nanawa'y ilayo tayo sa tukso ni
satanas at hindi malulong sa kasamaan.
Bakit kaya ganoon na lamang kainteresado
sa Kristyanismo si Josaphat?

Dahil may nakita si Josaphat na kalunos-lunos


ang kalagayan. Kungmalalaman na niya ang mga
aral ng Kristiyanismo ay baka malaman na rin
niya angkasagutan o lunas sa kahirapan sa
tinatamasa ng kanyang mga nasasakupan.
Nangmalaman na niya ang mga aral ng
Kristiyanismo ay palagi siyan nagdadasal
athumihingi ng awa sa Diyos na sanay tulungan
ang mga tao sa kanilang kaharian atsana'y ihaon
ang mga ito sa kahirapan.
Paano kaya napaniwala ni Barlaan at
Josaphat na tunay silang alagad ng Diyos?

Ng mamatay sila ay hindi naagnas ang kanilang


mga bangkay at maraming milagro ang
nasaksihan ng mga tao kaya marami ang
nagsibalik-loob sa Diyos onaging Kristiyano. Sa
mga himalang ito ay makikita na may tunay na
Diyos na nag-iisa lamang. Ito ang nagkumbinse
sa kanila (sa mga tao) na may Diyos ng tunay
natumutulong sa mga tao at itong si Barlaan at
Josaphat ay tunay na alagad ng Diyos.
Kung ikaw si Josaphat, tutulad ka rin ba dito
na sinuway ang ama at kinalaban pa ito?

Siyempre, hindi ako susuway sa aking ama


yun lang kung siya'y nasa tama. Kung siyaay
nasa mali ay hindi ako susunod. Hindi sa lahat
ng panahon ay tama sila palagi atdapat laging
sundin. Tulad sa kwento, talagang ipaglalaban
ko aking paniniwala saKristiyanismo. Isa sa
mga sampung utos ng Diyos na hinding hindi
maniniwala saibang Diyos. Ang pagsamba a
ibang diyos ay isang malaking kasalanan.

You might also like