Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

March 31, 2013

Integrative Paper

Rizal: Simbolo ng mga Pilipino

‘Kanya-kanyang Rizal’: sa mga salitang ito umikot ang aking naging pagaaral sa buhay at

mga gawa ng ating bayaning si Jose Rizal. Makikita ang kanyang transpormasyon bilang isang

tao sa pagiging isang simbolo para sa mga Pilipino. Bilang isang simbolo, siya ay naging isang

bagay na binigyan natin ng sariling kahulugan kung kaya’t si Rizal ay nagkaroon ng iba’t-ibang

papel para sa bayan at para sa bawat isa sa atin.

Ang Estado at ang Nasyon

Ayon kay Rizal, tayo ay isang estado bago maging isang nasyon. Sa isang kabataan sa

kasalukuyan, mahalaga ang dalawang konseptong ito. Ang estado ay binubuo ng mga tao na

magkakasamang naninirahan sa isang lugar. Ito ay dapat na may kaayusan; mayroong sinusunod

na batas at may namumuno. Ang isang nasyon naman ay dapat na may pagkakaisa. Ang bawat

isa ay marunong dapat na makibahagi sa mga isyung panlipunan. Mayroon dapat na edukasyon

upang ang lahat ay maging bukas ang isipan sa iba’t-ibang aspeto ng kalagayan ng bansa. Ang

isang nasyon ay mayroong kulturang nililinang at nagtatangi sa kanya. Si Rizal ay isa sa mga

bagay na nagdurugtong sa atin bilang isang nasyon. Isa siya sa mga simbolo na patuloy nating

pinapahalagahan bilang isang nasyon kahit na mayroon tayong iba’t-ibang paraan ng pagkilala sa

kanya. Makikita rin ang naging pangarap ni Rizal para sa ating bansa sa konsepto ng estado at ng

nasyon: ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagkakaisa ng isang bansa.

Si Rizal at ang kanyang Kamatayan

Ang kamatayan ni Rizal ay nagkaroon ng kahulugan para sa mga sinaunang Pilipino at

maging sa kasalukuyan. Noon, isa ito sa mga nagpadagdag ng lakas ng loob para lumaban ang

1
mga Pilipino. Pero higit pa doon, ang kamatayan ni Rizal ay nagdulot ng iba’t-ibang kuwento at

paniniwala para sa mga Pilipino. Ang kanyang kamatayan ay inihalintulad sa kamatayan ni

Hesus at ang kanyang pagkamatay dahil sa mga awtoridad ay naging isang malaking signo na

dapat na silang kumilos. Sa kasalukuyang panahon ay patuloy nating inaalala ang kamatayan ng

ating bayani at ito ay nagsisilbing inspirasyon at alaala n gating nakaraan.

Imahinasyon ng isang Nasyon

Napakalahaga para sa isang bansa ang magkaroon ng tinatawag na ‘necessary fiction.’ Isa

ito sa mga bagay na nagpapaiba sa atin sa ibang bansa. Maaring sabihin na si Rizal ay isa sa mga

imahinasyon na ginawa natin bilang isang nasyon. Isa siyang imahinasyon sa paraang nagkaroon

tayo ng iba’t-ibang kuwento tulad ng mga alamat at myths tungkol sa buhay at katauhan ng ating

bayani. Marahil ang ilang parte sa mga kuwentong ito ay may katotohanan ngunit tayo bilang

nasyon ay nagdagdag ng mga bagay tulad ng kapangyarihan, milagro, at kapangyarihan. Isa si

Rizal sa mga kadahalinan ng kalakasan at pag-asa ng mga Filipino ng dahil sa mga imahinasyon

na ito.

Si Rizal at ang mga Pilipino

Hindi maitatanggi ang naging impluwensiya ni Rizal sa mga Pilipino at sa pagiging isang

nasyon nito. Ngunit paano nga ba ito nagawa ni Rizal. Isa sa mga maaring dahilan ay ang

debosyon ng mga Pilipino sa relihiyon. Dahil itinuturing nilang Tagalog na Kristo si Rizal,

napakalaki din ng paniniwala at pagmamahal nila kay Rizal. Isa siya sa mga nagging pag-asa nila

kung kaya’t malaki ang pagbabagong kayang idulot ni Rizal bilang isang nasyon. Malaki din ang

naitulong ng kanyang mga sinulat at mga natatanging ginawa sa iba’t-ibang larangan. Ang

kanyang kamatayan bilang isang martyr ay maari ding isa sa pinaka-nakapagpalapit sa kanya sa

puso ng mga Pilipino bilang isang bansa.

You might also like