Ang Gilingang Bato

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Ang Gilingang

bato
Petsa ng pagpapasa

Marso 3, 2018

Ipapasa kay:

Gg. Erwin Crisostomo

Ipinasa nila:

Caoile, Rissa Fatima

Dolojan, Chelsea Kaye

Gronepillo, Ann Gloria


Pagpapakilala sa may
Akda

Edgardo M. Reyes
Si Edgardo M. Reyes ay isang nobelista,
nagkekwento, at taga sulat ng mga linya sa wikang
Filipino. Isa siya sa pinaka malikhain na awtor ng
kanyang panahon. Karamihan ng kanyang akda ay
unang lumabas sa mga magasin na Liwayway at
Bulaklak. Siya ay isinilang noong 20 Setyembre 1936
at pumanaw noong 15 Mayo 2012 sa Taytay, Rizal.
Ilan sa kanyang mga likha tulad ng ‘Laro sa Baga’ at
‘Mga Uod at Rosas’ ay nagkamit na ng mga papuri.
Ang mga ito ay nakilala sa buong mundo at naisalin
na sa iba’t-ibang wika. Siya rin ang isa sa mga awtor
ng Mga Agos sa Disyerto.

Mga tauhan
Ina / Trining
Namana ng ina ang gilingang bato sa kanyang lola.
Siya ay namatayan ng asawa at nag – iisang bumubuhay sa
kanyang pamilya.

Bunsong anak
Siya ang tagasalaysay o taga kwento sa nangyayari sa
kanyang pamilya.

Ate
Katulong ni kuya sa paggawa ng bibingka at puto-
bumbong. Siya rin ay pangalawang nakapag kolehiyo sa
Maynila.

Kuya
Ang katulong ni ate sa pagbenta at paggawa ng
bibingka at puto-bumbong. Siya ang pinaka unang nag
kolehiyo sa Maynila.
Diko
Ang taga tinda ng butse at palitaw. Siya rin ang
pangatlong nag - aral sa kolehiyo.
Ditse
Siya ay lumilibot tuwing hapon na may hawak ng bilao.
Ang laman nito ay ang sumang malagkit at suman sa lihiya.
Siya ang pumalit sa bibingkaan at puto – bumbongan. Siya
ay hindi agad nakapag aral dahil mapurol ang ulo.

Banghay ng kwento

Simula
Ang panimula, ikinekwento na kung saan nagmula ang
gilingang bato bago mapunta kay ina o kay Trining.
Tumagal tagal ang panahon, napamana ito sa kanya at siya
ay naging magaling na isang magpuputo.
Kasukdulan
Namatay ang asawa ni Trining at dumating sa punto
kung saan na siya na lang ang bubuhay sa kaniyang mga
anak. Sila ay nagtulungan upang makaahon sa buhay.
Lumipas ang ilang taon, nagsimula ng mag – aral ang
kanyang mga anak. Unti – unting naging mahirap ang
pagsusuman nila ng dahil sa kakulangan sa paggawa.

Wakas
Dumating ang panahon na napagtapos na ni Trining
mag aral ang kanyang mga anak. maliban sa isa na hindi
nakapag – aral at nag – asawa na lang. Binawian na ng
buhay si Trining at iniwanan niya ang kanyang mga anak
ng kani – kanilang pamana.
Tagpuan
Ang kanilang tagpuan ay sa San Fermin kung saan
itinalakay ang historya ng gilingang bato bago mapunta
kay Trining.

Wika at Kahulugan
 Naninigid – sumakit ang kalooban
 Pagyao – Pagkamatay
 Pinulong – Pinag tipon
 Sunong – Dala – dala
 Ginagagad - Ginagaya
Mga Teorya

Teoryang Moralistiko
Ipinapakita dito ang kaisipang moral o aral na
makukuha. Pati na rin ang pagbabago ng akda. Katulad na
lamang sa pagtutulungan ng mga anak at ni Trining upang
mabuhay at makatapos rin sa kolehiyo.

Teoryang Realismo
Sinasabi na ito totoo ang pangyayari sa buhay at
binibigyan ng halag ang katotohanan. Kagaya na lamang
na paghihirap ni Trining na mag isa kung hindi siya
tutulungan ng kanyang mga anak. Pumapasok rin dito ang
kinakailangan ng pumasok sa kolehiyo upang makamit ang
mga pangarap sa buhay na nagiging dahilan magiging
mahirap ulit sa pagkita ng salapi.

Simbolismo

Pagsisikap
Ito ay sumisimbolo sa gagawin ang lahat upang
mabuhay ang sarili o ang pamilya. Kagaya na lamang ng
pagkayod ni Trining at ang kanyang mga anak upang
matupad ang mga pangarap.

Kayamanan
Ito ay sumisimbolo bilang pamana dahil pag may
pumanaw na mahal sa buhay, nariyan yung may ipapamana
ito. Katulad na lang ng pagpanaw ni Trining at ng kanyang
lola. Si Trining ay may pinamana isa – isa sa kanyang mga
anak. Ang kanyang lola naman ay ipinamana ang gilingang
bato sa kanya.

Orasan
Sumisimbolo ito bilang hindi lahat ng oras, laging
nandiyan ang mahal mo sa buhay. Katulad na lamang ng
kanyang mga anak na umalis na sa kanilang lugar o tirahan
upang mag aral.

Pangyayari sa Teksto
Ipinakita sa akda kung gaano kahirap ang nararanasan
sa buhay at kung gaano rin kahirap buhayin ang kung ikaw
lang ang mag – isa. Ipinakita rin kung gaano kagusto ng
ating mga magulang na makapagtapos tayo sa pag – aaral
at maging tagumpay sa ating buhay. Sa bandang huli, ang
pagod na ating naranasan ay masusukli ng pamana na
ibibigay ng ating mismong magulang.

Kaugnayan sa
kasalukuyan
Maiihalintulad ito sa ating buhay na nararanasan
ngayon. Marami sa mga magulang na gusto makatapos ang
kanilang anak kahit gaano pa kahirap ang buhay.
Maiihalintulad rin ito kung saan hindi kaya ng isa gawin
lahat lalo na kung siya lang ang bubuhay o gagawa.
Kailangan rin niya ng tulong upang maging masagana ang
buhay.

Isyung Nabuksan
Nalaman naming na hindi sa lahat ng bagay maging
tamad tayo. Kailangan ito paghirapan ng mabuti upang
makamit. Nalaman rin naming na habang tumatagal ang
panahon, lumilipas rin ang oras na makakasama mo ang
mahal mo sa buhay dahil maaari na ito ay umalis sa tabi
mo.

Sanggunian
 http://kwentong-pilipino.blogspot.com/2008/09/ang-
gilingang-bato.html
 http://filipinocorner.blogspot.com/2010/11/normal-0-
false-false-false-en-us-x-none_22.html
 https://prezi.com/y-3otleurzde/ang-ginilingang-bato/

You might also like