Professional Documents
Culture Documents
Media at Ang Pambansang Kaunlaran
Media at Ang Pambansang Kaunlaran
Media at Ang Pambansang Kaunlaran
Introduksiyon
1
Media bilang isang industriyang kumikita
Isang industriyang nilikha ang Media upang kumita. Ang isang negosyanteng tulad ng
mga Lopez, Gokongwei, Gozon at iba pa, sa larangan ng brodkasting ay nagtayo ng
mga pasilidad ng pagbabalita upang kumita.
Sa kabilang banda, pag-aari naman ng iilang tao rin, partikular ng mga mayayamang
negosyanteng Intsik ang mga pahayagan: Robina Gokongwei-Sy ng Summit
Publishing; Dante Francis Ang ng The Manila Times at ng Sunday Times Magazine,
kabilang na dito ang tabloid na Kabayan; Teodoro Locsin, Jr. ng Today. Maibibilang na
rin dito ang mga Lopez dahil sa kanilang ABS-CBN Publishing na itinuturing na ikalawa
ngayong nangungunang tagapaglathala ng magasing panlibangan tulad ng Chalk na
ang pangunahing target ay mga kabataan; Metro Magazine; at iba pa.
Bagaman may mga entidad na maituturing na pag-aari ng Estado, unti-unti na rin itong
ginagawang empresa (enterprise) upang kumita ang gobyerno. Ang National
Broadcasting Company (NBN 4), ang Intercontinental Broadcasting Corporation (IBC-
13), ang Radio Philippines Network (RPN-9), at ang Philippine News Agency (PNA) na
humahawak naman ng mga Philippine wires; at iba pang estasyon ng radyo na pag-aari
ng Estado ay pawang mga institusyon ng pagbabalitang nilikha upang pagkunan ng kita
at gayundin, upang maging sangay propaganda ng pamahalaan.
Ngayon, unti-unti ang nabanggit—gaya ng NBN 4, RPN 9 at IBC 13—ay unti-unti nang
isinasapribado dahil sa kawalan nang kumita ng mga ito, para sa gobyerno.
Ayon sa isang primer na ipinalabas ng National Peoples’ Media and Press Center of the
Philippines, Inc. (NCPM), nananatili ang mga institusyon ng mas Media sa kamay ng
iilang mga mayayaman o may kakayanang makabili ng prangkisa o pahintulot buhat sa
gobyerno at makabili ng mga kagamitan tulad ng mga computers para sa layout at
online broadcast, papel, makinang pang-imprenta at iba pa. Ibig sabihin isang
kumikitang industriya ang Media.
Multibilyong piso kung tutuusin ang industriya ng Media. Dito masasabing may
napakalaking potensiyal na mamuhunan ang isang tao upang kumita. Datapwa, dahil
na rin sa monopolistikong kalakaran sa ganitong uri ng empresa, marami rin ang
pahayagang nagsasara at mga estasyong nalulugi at tuluyan nang hindi nakapag-eere.
Nariyan ang dating Philippine Post, Manila Shining Star, at ang Metro Sun Star na dati’y
nakikipagsabayan sa malalaking diyaryo tulad ng Philippine Daily Inquirer, Manila
Bulletin at Philippine Star.
2
Media bilang panlipunang institusyon
Bagaman masasabing ganoon ang kalakaran, nananatili pa rin ang impresyon na ang
Media ay siyang sentro ng serbisyo publiko at isang institusyong sosyal o panlipunan
dahil nakapokus ang kalakhang bahagi nito sa pag-alam at pagpapakilos ng tao.
Kung susuriin, naging isang bahagi ng sosyal na gawain ng tao ang Media dahil ang
lahat ng mamamayan ay umaasa sa impormasyong hatid ng Media at ang mga
impormasyong ito ang siyang nagagamit ng tao para sa kanyang pang-araw-araw na
gawain.
Hindi maihihiwalay ang Media sa pulitika. Ito ang siyang tinaguriang ikaapat na bahagi
ng estado (fourth estate of the state) na siyang lumilikha naman ng di-nasusulat na
batas panlipunan.
Kung titingnan, may kapangyarihang pansarili ang Media tulad ng hindi magagawa ng
gobyernong pilitin ang sinumang Media practitioner na ibunyag ang kanyang
pinagkunan ng impormasyon.
3
Tatlo ang batayang katungkulan ng Media sa lipunan: tagapagmulat o agitator,
tagapagpangkat o organizer at tagapagpakilos o mobilizer. Nagaganap ang tatlong
nabanggit sa pamamagitan ng paghuhubog ng isang opinyon publiko.
Ayon kay Ma. D’Jay D. Lazaro, executive director ng NCPM at isa sa mga desk editor
ng Remate Tonight, may ginagampanang mahalagang papel ang Media sa
pagpapakilos ng mamamayan upang tumugon sa isyu.
Nitong nakaraan, ang pagkakahantad sa Media ng kalagayan ni Angelo dela Cruz ang
siyang nagpakilos sa mamamayan upang puwersahin ang administrasyong Macapagal-
Arroyo upang makipagnegosasyon, paalisin ang tropang Pilipino sa Iraq at iwaksi nang
pansamantala ang ugnayang Pilipinas at Estados Unidos upang mailigtas ang buhay ng
binihag ng Overseas Filipino Workers (OFW).
Kaya nga, nakasentro pa rin sa isang di-maitatangging gawaing sosyal ang Media: ang
tinatawag na serbisyo publiko sa anyo ng pagpapaalam sa masa kung ano ang nasa
likod ng mga pangyayari at pagpapaliwanag sa kanila ng ugat ng tunay na pangyayari.
Ito naman ang siyang huhubog sa isang polisiyang kapaki-pakinabang (kung sakali) sa
buong sambayanan.
Hindi maiiwasang dahil nga sa pribadong industriya ang Media, nasasagkaan nito ang
gawain ng Media bilang instrumento ng pambansang pagbabago. Madalas na nasasala
ang mga balita at impormasyong nakararating sa tao.
4
Patalastas o anunsiyo ang siyang bumubuhay sa mga institusyon ng Media. Humigit-
kumulang sa tatlo at kapat (¾) o higit pa ng kinikita ng Media ay mula sa kanilang
patron o mga advertisers.
Naririyan ang kompanya nina Eduardo Cojuangco, ang San Miguel Group of
Companies, na siyang pinakamalakas na tagapagpasta ng anunsiyo sa mga diyaryo at
telebisyon maging sa radyo. Nariyan ang minu-minutong anunsiyo ng kanyang
produktong serbesa, karne, at iba pang produktong buhat sa kanyang kompanya at
mga subsidaryo.
Nang isinusulat ito, mayroong nagaganap na malawakang welga ngayon sa San Miguel
Beer warehouses sa Kalookan, Pureza sa Sta. Mesa, Maynila, Makati at Cubao na may
malaking implikasyon sa kabuhayan ng nakararami dahil humigit-kumulang sa 10,000 o
higit pa ang mawawalan ng hanapbuhay at madaragdag sa 13.7% ng kawalang
trabaho.
Noong nakaraang eleksiyong 2004, hindi nabunyag sa kahit saanmang estasyon ang
lihim na kasunduang Arroyo at Cojuangco sa kontrobersiyal na Coco Levy Fund. Ilan
lamang sa mga Media entities ang kumagat sa balita at sa dakong huli, namatay ang
isyu. Nanalo pa rin si Pang. Gloria Macapagal-Arroyo sa kabila ng eskandalo.
Dahil naman sa pag-aari ng mga Lopez ang Meralco, Maynilad at iba pang industriyang
may kinalaman sa konstruksiyon, telekomunikasyon o samakatuwid, utilidad (utilities),
napagtatakpan ang ilang balita ng pagsasamantala ng mga ito sa sambayanan.
Ibig sabihin, ang pagkagat ng GMA-7 ng mga Gozon at Duavit ay bahagi lamang ng
kanilang “corporate scheme” at hindi talaga pagkiling o pakikinig at pagpapalaganap ng
isyu ng masa.
5
Dahil sa napakalakas na impluwensiya ng Media, isa itong maituturing na aparatong
ideolohikal o tagahubog ng kaisipang pambayan. Nakapaloob dito ang pagpapalaganap
ng isang popular na kultura, popular na demokrasya at iba pang ideolohiyang
nakakawing sa sinasabing pilosopiya ng nakaaangat.
Sabi nga ni Louis Althusser, sa kanyang diskursong "Ideology and Ideological State
Apparatuses: Notes Toward Investigation" (1969), ibinilang niya ang Media bilang isa sa
mga aparatong represibong ideolohikal ng estado. Ibig sabihin, tuwiran man o hindi,
may tiyak na kontrol ang Estado (na ngayon ay pinamumunuan ng mga burgis at
naghaharing-uri) sa mga entidad sa Media at ito naman ang siyang humuhubog sa
kaisipan ng masa.
Ang kaisipan namang ito ang siyang humuhubog sa opinyon ng taumbayan hinggil sa
mga isyu:
Nahahati ang Pilipinas sa limang espisipikong uri (class) ang lipunang Pilipino:
8% ang mga itinuturing na petiburges: kabilang dito ang mga guro, estudyante,
mga propesyunal na maliit ang kita, empleyado at mababang opisyal ng
gobyerno o burukrasya, gitnang magsasaka (middle peasant o nagmamay-ari ng
di-gaanong kalakihang lupang sinasaka), ekspertong tagayaring kamay,
karpintero-kontratista, mangingisdang may sariling bangkang de-motor at
kagamitan, at bihasang manggagawang may mataas-taas na sahod.
6
Hindi madalas na naipakikita ang ganitong pagkakahati-hati sa lipunan, bagaman may
ilang nagsasabing malayo ang agwat ng pamumuhay ng mga mayayaman at mga
mahihirap, kapwa sa kalungsuran at kanayunan.
Madalas na hindi ito naipakikita sa Media. Ngunit, madalas na ipinakikita ang malaking
agwat ng kabuhayan ng mga mayayaman at mahihirap sa mga pelikula, palabas at mga
dokumentaryo.
• popular na demokrasya
Nasa mukha rin ng Media ang balintunang relasyong pampulitika tulad ng mga huwad
na repormang ipinapalaganap ng gobyerno.
Binubusog ang tao ng mga pangako buhat sa mga pulitiko sa pamamagitan ng pag-
eere nito sa Media. Bagaman mayroong mga kongkretong proyekto, hindi ipinalalabas
ng Media dahil sa sensura ng gobyerno ang kapalpakan ng mga proyekto. Hal. Ang
mapaminsalang polisiya ng globalisasyon at pribatisasyon.
Bagaman may kabalintunaan, hindi rin maiiwasang binabayo rin ang sinasabing
demokratikong identidad at gawain ng Media.
7
May ilang mga pahayag at mga balitang hindi naipalalabas dahil hindi pinapayagan ng
editor o ng tagapaglathala na mailabas.
Marami ring kasong "minamasahe" ang mensahe dahil na rin sa "utang na loob". Ang
dapat malathala’t hindi nailalathala.
Marami na ring mga taong Media ang napipilitang “ikalakal” ang sarili upang masapatan
ang kita. Maraming mga korespondent sa probinsiya maging sa kalungsuran ang
nagiging PR na lamang ng mga pulitiko at mga korporasyon. Gayundin, pinipiling
ipagbili ang prinsipyo upang magkaroon ng sapat na salaping panustos sa sarili at sa
pamilya.
Marami kasing mga Media practitioners sa mga lalawigan ang kumikita lamang ng
P1,500 isang buwan o mas mababa pa.
Tulad ng iba pang empresa, may ilang mga pahayagan at mga estasyon ng telebisyon
at radyo ang nagtatayo ng unyon: gaya rin ng ibang unyon ng mga manggagawa, bawal
ang welga, dinadaya ang CBA (Collective Bargaining Agreement) at sinusupil ang
karapatang mag-unyon.
Ginagawa nila ito para tuluyang maisakatuparan ang balak ng ABS-CBN na tuluy-tuloy
na kontraktuwalisasyon sa hanay ng kanilang manggagawa, nang sa gayon, ay kaunti
lamang ang kanilang “gagastusin” kung pag-uusapan ang pagbabayad sa benepisyo at
sahod ng kanilang mga manggagawa.
Kasama rin din dito ang pagpapaigting o pagpapabuti sa batas sa libelo at paninirang-
puri (slander) na karaniwang ginagamit upang masensura ang karamihan sa mga
mamamahayag.
8
• Karahasan
Kung mahahamig, maaring magamit ang Media, gaya nang nasabi bilang isang
progresibong instrumento ng pagbabago.
Dito papasok ang sinasabing "alternative Media" o mga entidad na kontra popular na
Media na naghahantad ng tunay na kalagayan ng lipunan at naghuhubog ng isang
esensiyal na opinyon publiko.
Dahil sa lakas ng Media na makahubog ng isip ng madla, maaring gamitin ito upang
tuwirin ang kabaluktutang ipinalaganap sa pamamagitan din ng Media.
9
Kongklusyon
Pahapyaw lamang ang nabanggit sa itaas. Kung itotodo ang potensiyal ng Media
bilang instrumento ng edukasyon at paglilinaw, makalilikha ang kasalukuyang
lipunan ng mga pagbabagong esensiyal at progresibo para sa pangkalahatan.
Talasanggunian:
10