Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Bakit Mo Pa Ibubulong, ‘Labis Kitang Iniibig’?

Rommel N. Angara

Bakit mo pa ibubulong, “Labis kitang iniibig


sa ilalim niyong araw, buwan, bilyun-bilyong tala”?
Di ba’t kapag sa may pampang tumatabon yaong tubig,
ang gahigante mang bato’y unti-unting nasisira?
Pilitin mong paarawan ang suot mong rubing singsing.
Kung labis mong pagmamasdan, ika’y masisilaw, di ba?
Ika’y parang mahihilo’t paningin mo’y magdidilim.
Saka lamang matatantong ikaw pala’y nabulag na!
Ang hagunot niyong hangin kung labis mong pakikinggan,
unti-unting madaramang waring ika’y nabibingi.
Halos di mo maririnig yaring aking ’sinisigaw:
“Nananalasa ang bagyo! Saan tayo mangungubli?”
Ang sa aki’y iukol mo’y pagmamahal na banayad
pagkat kapag labis naman, baka tayo’y mapahamak.

05 Hun. 2001
Baler, Aurora

—Nalathala sa Tinta—The Carmelian Faces (opisyal na publikasyon ng Departamento ng


Lalong Mataas na Edukasyon ng Mount Carmel College of Baler), Nobyembre 2017–Marso
2018, p. 22

You might also like