Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Jeep nahulog sa bangin sa Antipolo; 2

sugatan
ABS-CBN News
Posted at Apr 24 2018 08:03 AM

MAYNILA - Sugatan ang 2 indibidwal matapos mahulog ang isang pampasaherong jeep sa bangin
sa Barangay Dalig, Antipolo, Martes ng umaga.

Minor injuries lang ang tinamo ng drayber at ang isa nitong pasahero na nakatalon agad bago pa
bumulusok sa bangin ang sasakyan.

Sa inisyal na imbestigasyon, lumalabas na nawalan ng kontrol ang drayber ng jeep kaya nahulog ito
sa bangin sa pa-zigzag na bahagi ng highway.

May harang sana ang tabi ng kalsada pero sa lakas ng pagkakabangga ng jeep ay nawasak rin ito.--
ulat ni Jeff Hernaez, ABS-CBN News

You might also like