Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Summative

4.2
Filipino 7

I. A. Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga di-pamilyar na salita mula sa akda.

Busilak Malalaman Katatanong Matitiis Pagtataksil

1. Anumang lihim ay tiyak namang malulunyag din.


2. Sa kauukilkil ng ibang tao ay nagbigay na rin ng impormasyon ang kaharian.
3. Ang ginawang paglililo ng mga kapatid ay higit na masakit kaysa sa kanyang mga sugat.
4. Mababata ni Don Juan ang hapdi ng mga sugat subalit hindi ang sakit ng pagtataksil ng mga kapatid.
5. Ang maturiyas na pagmamahal ng magulang ay muling nadarama ni Don Juan nang makabalik siya sa
kaharian.

B. Lagyan ng (√) Tsek ang mga kahon kung ang mga suliraning ito ay nakita sa binasa (X) ekis naman ang ilagay
kung hindi.

1. Ang pagiging bayolente, pananakit, o paggamit ng dahas laban sa kapwa.

2. Ang pagiging sunod-sunuran sa iba kahit pa ang inuutos ay nakasasama na.

3. Ang paggawa nang masama para lang mapagtakpan ang isang kabiguan o kahihiyan.

4. Ang malabis na pagpapahalaga sa kayamanan o salapi.

5. Ang pagsasamantala ng isang pinuno o lider sa kanyang nasasakupan.

6. Ang pagiging traydor o lihim na kaaway na tumitira kapag ang kalaban ay nakatalikod at walang
kalaban-laban.

II. Salungguhitan ang matatalinghagang salita na ginamit sa pangungusap at magbigay ng maikling paliwanang sa
kahulugan nito.

1. Ang tuwa’y umapaw sa dibdib ng magkapatid nang sila’y muling magkita-kita


Ang ibig sabihin____________________________________
2. Alam nina Don Pedro at Don Diego na sa dalita sila’y natubos na dahil muli silang nagging bato mula sa pagiging bato
at ngayo’y babalik na sa kaharian.
Ang ibig sabihin _____________________________________
3. Nang magkita-kita ang magkakapatid ay wala silang mahagilap na salitang matitinyas upang ang kanilang labis na
kaligayahan.
Ang ibig sabihin ay _____________________________________
4. Sa mungkahi ni Don Pedro napasunod na rin si Don Diego dahil ayaw man niya sa kasamaay nalilihis din siya sa
kabutihan.
Ang ibig sabihin_________________________________________
5. Tumulong din siya sa pambubugbog sa kapatid na nagligtas sa kanila dahil pikit-mata niyang kinagat ang karumal-
dumatl na mungkahi ng nakatatandang kapatid.
Ang ibig sabihin __________________________________________

III. Bigyang-kahulugan ang mga salitang nagpapahayag. Titik lamang ang isulat sa napiling sagot

1. Ang puso ni Don Juan ay punumpuno ng tinik ng siphayo dahil sa muling pagtataksil ng dalawa niyang kapatid.
a. Pag-aalala b. Pagkabigo c. Pag-asa
2. Si Don Juan ay nakipagbati sa kanyang mga kapatid sapagkat wala ng naiwang salaghati sa kanyang puso.
a. Inggit b. Kalungkutan c. Sama ng loob
3. Ang buhay sa Armenya ay payapa at malayo sa anumang ligamgam sa puso at isip.
a. Kabalisaan b. kahinaan c. Kasamaan
4. Ang magagandang karanasan ng magkapatid sa bundok ng Armanya ay nag-iiwan ng salamisim
a. Kahiwagaan b. Malungkot na alaala c. Masasayang alaala
5. Labis na kasabikan ang namayani kay Don Juan na Makita ang loob ng balon
a. Matinding pagkagusto
b. Matinding pagkatakot
c. Matinding pag-aalala
6. Nanamlay si Don Pedro nang umahon o makalabas sa balon dahil sa pagod
a. Takot na takot
b. Walang malay
c. Walang sigla
7. Di mapakali si Don Juan sa pagnanais na siya ang lumusong sa ilalim ng balon.
a. Di maipaliwanag b. di malaman c. di mapalagay
8. Pinaglalabanan ni Don Juan ang sindak na nararamdaman habang nasa dilim.
a. Kaba b. Galit c. Takot
9. Nanggilalas si Don Juan nang masilayan ang napakagandang si Donya Juana.
a. Nahiya b. namangha c. Ninerbiyos
10. Pinigil ni Donya Juana ang nararamdaman kay Don Juan at nagkunwaring namumuhi.
a. Nagseselos b. Naiinis c. Nagagalit

You might also like