Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Bacolod City
District VII
SUM-AG ELEMENTARY SCHOOL
Sum-ag, Bacolod City
_____________________________________________

REVIEWER IN ESP – GRADE FOUR


SECOND QUARTER

ARALIN 1
1. Ang paghingi ng paumanhin ay isang positibong kaugalian na dapat
makasanayan ng mga bata at maging matatanda.
2. Dapat isapuso at isabuhay ang mga natutunan sa mga pagkakamaling nagawa
upang maiwasang makakasakit ng kapwa at hindi na ito maulit muli.
3. Ang pagtutuwid ng isang pagkakamali ay hindi isang kahinaan bagkus, tanda ito
ng pagiging mahinahon at maunawainsa damdamin ng kapwa.
4. Timbangin muna na maidudulot na mabuti o hindi mabutibago gumawa ng isang
desisyon.
5. Sabi ni Confucius, isang Tsinong Pilosopo, “ Huwag mong gawin sa kapwa mo
ang ayaw mong gawin sa iyo.”
6. Mga salita o pangkat ng mga salita na nagpapakita ng paghingi ng paumanhin sa
kapwa na hindi nakakasakit sa kalooban.:
- Sorry.
- Ikinalulungkot ko ang nangyari.
- Hindi ko sinasadya.
- Pasensiya na po. Hindi kop o sinasadaya.
- Patawad.
- Excuse me.
- Patawarin mo ako.
- Pasensiya ka na.
7. Mga magagandang kaugalian sa paghingi ng paumanhin at pagtutuwid ng isang
pagkakamali sa ibang tao.
- Humingi ng tawad kapag nagkakamali.
- Nakagagawa tayo ng pagkakamali sa iba kahit hindi natin sinasadya.
- Pagpapatawad sa mga taong nagkasala sa atin.
- Paggamit ng salitang sorry na bukal sa dibdib.
- Agad na pag-aayos ng tampuhan ng magkakaibigan.
- Pagtanggap ng pagkakamali at pagharap ng bunga ng iyong nagawa.
- Pagtutuwid ng isang pagkakamali sa pamamagitan ng pag-amin ng nagawa
mong kasalanaqn.
- Iwasang makakasakit sa iyong kapwa.
- Pagkakausap sa taong may nagawang kasalanan sa iyo.
- Humingi ng paumanhin kahit hindi mo sinasadya sa taong nagawan mo ng
mali.

ARALIN 2
8. Walang perpektong tao sa mundo dahil lahat tayo ay may kahinaan at may
kakayahan ngunit may kakaiba tayong pagtanggap sa mga kahinaang ito.
9. Likas sa taong nagbibigay ng puna, payo o papuri sa kilos, ugali at pisikal na
anyo ng iba ngunit hindi natin namalayang nakakasakit na tayo sa damdamin ng
iba dahil sa mga puna o pintas na sinasabi natin.
10. Ang isang tao ay maaaring matuto mula sa ibang tao kung ituturing mong
bagong impormasyon ang puna na natatanggap mo at gamitin mo ito upang higit
mong mapabuti ang iyong sarili.
11. Mga paraan na makakatulong upang higit na mapamahalaan mo ang iyong sarili
para mapabuti mo ito.
- Pakinggang ang sinasabi ng kapwa mo ngunit timbangin ang magiging bunga
nito kung susundin mo ito o hindi.
- Magkaroon ng positibong pananaw sa mga pangyayari sa iyong kapaligiran.
- Alamin kung ano ang mga gusto mo sa buhay at dito ituon ang iyong pansin.
- Gawing inspirasyon sa iyong ginagawa ang iyong pamilya, kaibigan at higit sa
lahat ang matibay na paniniwala mo sa Diyos.
- Maging mabuting halimbawa sa iyong kapwa sa pagbibigay ng puna o papuri.
- Sumali sa mga gawaing pampaaralan upang magkaroon ka nang maraming
kaibigan at makakuha ka ng bagong impormasyon mula sa kanila na
makapagpapabuti sa iyong sarili.
- Isipin na ang papuri o puna ay makatutulong sa ating sarili upang mapabago
at pama-unlad an gating mga sarili.
12. Ang pagsusuri sa mga puna ay makakatulong upang matanggap ang mga ito ng
maluwag sa kalooban at hind imaging sabhi ng kawalan ng tiwala sa sarili.
13. Ang mahinahong pagtanggap sa mga puna ng iba ay makakatulong upang higit
na maunawaan ang damdamin ng kapwa at higit na mapaunlad ang iyong sarili.

ARALIN 3
14. Ang pagpapasaya sa damdamin n gating kapwa sa oras ng kalungkutan at pag-
iisa sa pamamagitan ng pagbiro ay mabuti ngunit kailangan pumili tayo ng mga
salitang hindi nakakasakit sa damdamin ng iba.
15. Ang pagiging pagkamahinahon sa damdamin ay naipakikita sa salitang
ginagamit sa pagbibiro ngunit sa kagustuhan nating mapasaya ang iba, hindi
natin namamalayan na hindi na natin napipili nang maayos ang mga salita sa
ating pagbibiro at nakakasakit na pala tayo ng ating kapwa.
16. Hindi masama ang pagbiro kung ito ay nakapagpapasaya sa kapwa at
nakapagpagaan ng kanilang suliranin at alalahanin.
17. Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging masayahin ngunit may mga pagkakataon
na naaabuso o nabully ang iba dahil sa mga nakakasakit na mga salita natin.
18. Ang pambu-bully ay isang paraan ng panggigipit ng ginagawa ng isang tao iba
sa pamamagitan ng pisikal, berbal at mental na paraan.
19. Ang pisikal na pagbully sa iba ay nagagamit sa anyo ng isang tao tulad ng payat,
mataba, maitim o pangit at kung nangyari ito, ang emosyon, kaisipan at pisikal
na aspeto ng isang taong naaabuso ay apektado hanggang sa mawala ang
tiwala nito sa kanyang sarili.

ARALIN 4
20. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing kinalulugudan ng Diyos.
21. Ang mga taong dumadanas ng lungkot dahil sa problema ay ang mga taong
nangangailangan ng pagdamay dahil ang mgataong gumagalaw sa isang
kumunidad ay dapat makikipag-ugnayan at makibahagi sa ibang tao.
22. Ang taong nakikipag-ugnayan at nakikibahagi sa iba ay natututo na umunawa at
dumama ng damdamin ng ibang tao hanggang sa maipamalas niya ang
paglagay ng kanyang sarili sa kinalalagyan ng ibang tao.
23. May panahon na makatulong tayo sa iba sa pamamagitan ng isang material na
bagay ngunit sa pagkakataon na kailangan ng ibang tao ang isang kaibigan na
making at nagbigay ng payo.
24. May pagkakataon din na kailangan nating damayan ang isang tao sa pagsasaya
sa tagumpay na nakamit niya.
25. Kailangan nating maging sensitibo sa damdamin at pangangailangan ng iba para
maipadama natin sa kanila ang ating pagmamahal at pag-uunawa sa kanila na
walang hinihintay na kapalit.
ARALIN 5
26. Nabubuhay ang isang tao hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati din sa ibang
tao. Mayaman man o mahirap, may kakayahan tayong tumulong sa
pangangailangan nila.
27. Lahat na tao ay may pangangailangan dahil walang tao na nasa kanya na ang
lahat.
28. Ang pagiging mahirap ay hindi nangangahulugan na wala na silang maitutulong
o maibibigay sa ibang tao o kaibigan. Wala ding taong sobrang yaman na hindi
na nangangailangan ng tulong mula sa iba.
29. Ang pagiging bukas-palad ay pagbibigay ng kung ano ang mayroon ka nang
bukal sa kalooban.
30. Ang munting regalo o tulong sa iba ay tulad din ng pag-akyat sa hagdan na kung
saan nakakaginhawa sa loob at sanhi ng masaya at walang maiiwan na kapwa.
31. Si Mother Teresa ng Calcutta ay isang santa na likas na matulungin at may
bukas-palad na katangian noong siya ay buhay pa.siya ay tumutulong sa ibang
tao na walang hinihinging kapalit. Hindi kayamanan ang ibinabahagi niya sa iba
kundi ang kanyang oras, serbisyo at pagmamahal.
32. Ibahagi din sa iba ang biyayang meron ka na maluwag sa damdamin at walang
inaasahang kapalit. Nagbubunga ito ng lubos na kasiyahan at tiyak na
pagpapalain ka ng Maykapal kung ito ay tapat at totoo sa iyong damdamin.
33. DSWD – Department of Social Welfare and Develpoment – tumutulong sa mga
mahihirap at mga biktima ng mga kalamidad.

ARALIN 6
34. Ang bawat tao ay kailangan ng orassa pagpapahinga lalo na kung siya ay may
sakit kaya kailangan nating igalang ang oras ng pamamahinga nito.
35. Ang paggalang sa kapwa-tao ay natutunan natin mula pa pagkabata at isa itong
hakbang sa pagkakamit ng isang mapayapang pamayanan.
36. Ang paggalang sa kapwa ay nagbubunga ng mapayapang pagsasama dahil sa
nirerespito natin ang karapatang pantao ng ating kapwa sa pagpapahinga.
( Right to Rest).
37. Ang paggalang at respito na ninanais mo ay dapat gawin mo din sa iba.
38. Ang taong may sakit ay nangangailangan ngtahimik na paligid kaya an gating
pagkilos ay kinakailangang maaayos at marahan.
39. Matuto tayong magbigay-halaga sa pangangailangan ng ating kapwa kaya dapat
nating igalang ang oras ng pamamahinga ng isang tao.

ARALIN 7
40. Ang paggalang sa gawain ng ibang tao ay napakahalaga. Kahit sa simpleng
pamamaraan, kailangan nating igalang ang isang tao.
41. Mga bagay na nagpapakita ng paggalang sa ibang tao.
- Dapat making kapag may nagsasalita.
- Ibalik ang mga hiniram sa iba.
- Iwasan na makagawa ng ingay na makagambala sa taong nagtatalumpati.
- Iwasan ang pakikipag-usap sakatabi kung nagsisimba.
- Hintayin munang matapos sa panonood ng telebisyon ang sinuman bago
ilipat sa ibang channel.
- Iwasan ang pag-istambay sa silid-aralan sa oras ng klase.
- Making sa mga panuto o tuntunin ng isang laro o paligsahan.
- Makinig sa mga sinasabi ng nanay mo o nang kahit sino.
- Lumakad ng marahan at tahimik sa pasilyo ng paaralan sa oras ng klase.
- Igalang ang nagsasalita kahit hindi mo gusto ang sinasabi nito.
42. Ang pakikipagkapwa-tao ay nagpapakita ng paggalang at kabutihan sa iba. Ito ay
nababatay sa kung paano nararapat kumilos at gumawa ang tao para sa
kanilang sarili, sa kanyang kapwa, sa bansa at sa Diyos.
43. Ang paggalang sa iba ay maipakikita hindi lang sa pagsasalita kundi maging sa
kilos at gawa. Bata man o matanda ay may pantay na karapatan na igalang.
44. Ang paggalang sa karapatan ng iba ay susi upang magkaroon ng maayos na
pagsasama ng bawat isa.
45. Angcpagbibigay ng konsiderasyon sa pangangailangan sa oras, lugar at
panahon ng iba ay nagpapakita ng paggalang.
46. Ang pakikinig sa mga nagsasalita o nagpapaliwanag ay isang paggalang din.
47. Ang oras sa pag-aaral ng iyong kaklase, ang karapatan niyang manahimik, ang
ligtas at maayos na lugar ay karapatan ng isang mag-aaaral.
48. Ang pagpapakita ng paggalang ay nagpapakilala sa karapatang pantao ng iba.

ARALIN 8
49. Mahalaga ang may maayos at malinis na pasilidad sa paaralan. Ito ay isang
hamon sa atin upang mapapanatili nating maayos an gating mga paaralan.
50. Bawat mag-aaral ay may karapatan sa pagkakaroon ng maayos at kaaya-ayang
pasilidad sa pribado man o pampublikong paaralan.
51. Ang mga pasilidad sa paaralan ay silid-arala, silid-aklatan, palikuran, palaruan,
kantina, gymnasium, laboratory at palaruan.
52. Nakatutulong Ang mga pasilidad na ito sapagkatuto ng mga bata kaya dapat
nating ingatan at gamitin ito sa wastong paraan.
53. Ang paggamit ng pasilidad ng paaralan nang may pag-alala sa kapakanan ng
kapwa ay nagpapakita ng paggalang sa paaralan at sa buong kumunidad.
54. Mga Paraan sa Paggalang sa mga Pasilidad ng Paaralan.
- maging maingat sa paggamit ng palikuran sa salid-aralan.
- Pumila ng maayos tuwing bumili sa kantina.
- Itapon sa basurahan ang mga basura kung namamasyal sa paaralan.
- Linisin ang gymnasium pagkatapos gamitin sa praktuis o paglalaro.
- Ibuklat ng maingat ang mga pahina ng aklat sa aklatan.
- Iwasan ang pagsulat sa pader ng palikuran a buong paaralan.
- Sundin ang alituntunin ng silid-aklaqtan sa tamang paraan ng paggamit nito.
- Balutan ang mga batrayang aklat at pinturahan ang mga upuan.
- Isasalansan sa tamang lalagyan ang mga aklat.
- Sumunod sa alituntunin nang maayos at maingat.

ARALIN 9
55. Ang ideyal na kapaligiran o paligid ay tahimik, malinis at kaaya-ayang
kapaligiran. Makakamit ito kung magtulong-tulong ang mga mamamayan.
56. Ang pamahal;aan ay nagtatakda ng mga alituntunin sa pagpapanatili ng tahimik,
malinis at kaaya-ayang kaaligiran.
57. May mga programa o palatuntunan ang pamahalaan para sa sistema ng
pangungulekta ng basura, pagtatalaga ng mga pulis na tumutiyak ng katahimikan
at kalinisan ng paligid, pagsasa-ayos ng daloy ng tropiko sa pangangalaga ng
mga pulis trapiko.
58. Nagtakda ang mga lokal na pamahalaan ng mga ordinansa sa oras ng paggamit
ng videoke, maayos na pangangalaga ng mga hayop, pagbabawal sa paggamit
ng plastic at tamang lugar na tawiran, babaan at sakayan.
59. May nakalaan na pampunlo=ikong palikuran na maaring gamitin ng kahit na
sinong mamamayan.
60. Sa paaralan naman, may mga basurahan na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi
ng paaralan para makatulong sa kampanya ng wastong pangangalaga ng
kapaligiran.
61. Ang malinis na kapaligiran ay nagkakaroon ng malusog na katawan at
kaisipanng mga mamamayan. Ang displina at pagkakaisa ng mga tao sa lahat na
programa ng pamahalaan na ipinatutupad ay dapat manatili upang magkaroon
tayo ng maayos at magandang kapaligiran.

END

Mctown’17

You might also like