Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

BUBBLE GUM NG PAGMAMAHAL MO.

BUBBLE GUM? Ito ba yung tigpipiso lamang?


Tulad ng pagmamahal mo sa akin na katiting lang.
Alam mob a kung bakit ako ay paniwalang paniwala sa iyo?
Dahil sa minahal kita, minahal moa ko, at nagmahalan tayo.
Anong klaseng bubble gum mo ba ako?

“YAKEE” ba? Na sa una ay napakaasim.


Tulad ng pagmamahalan natin na sa una ay nakakakilig,
Nakakatuwa, pero sa kalaunan ay wala na.
Pinagsawaan na at itatapon sa basurahan,
Itatapon at di na mapakinabangan
Kahit sino pa man.

“V-FRESH” ba? Ito ay malamig sa bibig diba?


Na kung saan ako ay iyong pinagmukhang tanga.
Dahil ako’y walang-wala na at ibinigay ang lahat
para sa isang taong mapang-ubos salat
inubos na lahat-lahat mapuna lang ang luho.
Kaya kahit ako nagawa mo pang maloko.
At ngayon, ako’y giniginaw na sa basurahang iyong pinagiwanan
Ang masaklap pa ay pati ang uso ko ay naiwang sugatan.

“JUDGE” ba? Dahil naging chilaaaaax ka.


Mga problema mo ay ibinaling sa iba.
Ibinaling mo sa iba dahil alam mong di mo kaya.
Di mo kaya, ipinasa mo sa iba at nagpakasaya ka.
Pagkatapos mo akong pakinabangan, wala na akong halaga.

“PINTOORA” ba? Na sa una, buhay mo’y naging makulay


Nagpakasaya ka sa piling ko pero wala pala akong saysay.
Nagpanggap pa ako kung panakip butas lang pala.
Mga pangarap na ikakasal ay naging maling akala.
Nagsaya ka dahil may problema ka.
Ang masaklap pa, nakadamay ka ng iba.
Kumulay nga ang buhay mo pero ako’y walang saysay.
Mahirap umasa pero dun mo ako sinanay.

“I-COOL” ba? Nagging mahalang ang buhay kong pinagsawaan mo.


Mga masasakit na salitang naririnig ko mula sa iyo.
Kulang nalang at murain mo pa ako.
Parang tigpipiso lang ang tingin mo sa akin kaya minamaliit mo ako.
Kulang nalang ibigti mo ako.
Na parang araw-araw ay kabuwanan mo.
Ito’y nakasanayan mo kaya manhid ang puso mo.

Ngunit naiiba ka sa lahat ng tao. Lahat ng bubble gum mo ay ako.


Pinag-isa mo lahat-lahat dahil sa kagustuhan mo.
Pinakilig mo lang ako sa matamis mong “OO”.
Nagpaka-CHILAAAAAX ka dahil may nagtatanggol sa iyo.
Nagmahalan tayo para makapagpalipas oras ka.
Nagkarelasyon tayo para may panakip butas ka.
May panakip butas ka sa mga problem among pinasan nang iba.
Pero lahat nawala sa isang iglap lang ng mata.
Iniwan mo ako sa kung saan, wala na akong kuwenta.
Pagkatapos magligalig ay lumayas na.
Iniwan akong walang kakulay-kulay at kinadidirihan nang iba.

Kung nagcandy ka nalang sana para walang naaksaya.


Lunukin mo ang lahat at angkinin mo na.
But I was mistaken wala naman na pala akong kuwenta.
Sinira mo ang paggalang ko sa iyo.
At doon ko napagtanto na hindi ka pala totoo.
Sa una napakilig mo ako OO, pero ako naman itong oto-oto.
Kailangan ko lang tanggapin ang katotohanan ay pabago-bago at hindi nakakasiguro.
Dahil itinuring mo akong BUBBLE GUM,
BUBBLE GUM na pagkatapos pagsawaan ay itatapon kung saan.
Wala na NABUANG NA, LASPAG NA.
Kung nagchewing gum ka nalang kaya.
May iba’t-ibang flavor na nagpapasaya.
Kapag naubos na hahanaphanapin mo pa.
Ang masaya walang nasasayang at iyong-iyo na talaga.
Pero nagkami ka ng tinakay,
Nag-BUBBLE GUM ka nalang I must die.

You might also like