Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Himagsik Laban Sa Maling Kaugalian

Si Francisco Balagtas, ay isang mamamayang mapagmahal sa kanyang bayan, isang


Makatang Pilipino na handa makipaglaban gamit ang papel at panulat. Siya’y sumulat ng
Florante at Laura, isang libro tungkol sa pag-ibig ni Florante at Laura. Sa likod ng mga salita
at saknong ng linrong ito, may nakatagong apat na himagsik. Ang librong ito ay ginamit ni
Balagtas bilang sandata niya laban sa mga Espanyol.

Ang apat na himagsik ni Francisco Baltazar sa librong Florante at Laura ang ginamit niyang
paraan para makipag-laban sa pamahalaan ng mga Espanyol sa panahon na iyon. Ang apat na
himagsik, himagsik laban sa malupit na pamahalaan, himagsik laban sa hidwaang
pananampalataya, himagsik laban sa maling kaugalian o maling pagpapalaki ng anak, at
himagsik laban sa mababang uri ng panitikan, ay itinago sa mga matalinghagang salita at
tayutay sa isang “munting-awit”.

Isa sa mga himagsik na itinago ni Balagtas ay yung himagsik laban sa maling kaugalian o
maling pagpapalaki ng anak. Alam na natin na noong unang panahon pa lamang ay marami
nang mga maling kaugalian ang nakikita sa ibat’t ibang tao. Mas nakita ito noong pumunta
ang mga Espanyol sa Pilipinas upang tayo’y sakupin. Ang pakamalupit, pagka-masama, at
ang ibang mga masasama at maling kaugalian na ipinakita ng mga Espanyol. Siyempre, hindi
lang ang mga Espanyol ang nagpakita ng masamang kaugalian, pero ang mga Pilipino rin.

Mayroong maraming halimbawa naipinakita si Balagtas sa ibat-ibang maling kaugalian at


maling pagpapalaki ng anak. Isang halimbawa ay yung pag-aagaw ni Sultan Ali-adab kay
Flerida mula kay Aladin. Si Sultan Ali-Adab ang Sultan ng Persya, ang kanyang anak sa si
Aladin ay ipindala niya sa Albanya para makipagdigmaan. Nang natalo ang hukbo ng mga
Persyano, sinisi ni Sultan Ali-adab si Aladin dahil si Aladin ay umalis mula sa hukbo.
Papatayin na sana si Aladin ngunit humingi ng awa si Flerida, ang kasintahan ni Aladin, na
huwag patayin si Aladin. Sinabihan si Flerida ng sultan na dapat siya pakakasalan at kung
hindi, mamatay si Aladin. Sumang-ayon si Flerida, ngunit kailangan daw umalis si Aladin
mula sa Persya, kung siya’y babalik, siya’y papatayin.

Dito, napapakita ang pagmamalupit ng sultan para makuha si Flerida. Ang malungkot pa,
ito’y nangyari at nangyayari sa panhon ng Espanyol, at sa panahon natin ngayon. Noong
panahon ng mga Espanyol, hindi bihira na kinukuha ang mga babae mula sa kani-kanilang
pamilya para sila’y gahasain. At sa panahon ngayon, maraming mga lalaki’t babae ang nag-
aagawan ng “boyfriend at girlfriend”.
Himagsik Laban Sa Maling Kaugalian

Isang halimbawa ng maling pagpapalaki ng anak ay ang pagpapadala ni Duke Briseo kay
Florante sa Atenas upang doon siya mag-aral. Si Duke Briseo ay ang tagapayo ni Haring
Linseo, ang hari ng Albanya, at si Florante ang kanyang anak. Pinadala ni Duke Briseo si
Florante sa Atenas kasi hindi niya gusto na lumaki ang ito sa saya. Hindi ibig sabihin na
gusto niya palaging malungkot si Florante, pero gusto niya na hindi siya lalaki na hindi
marunong maghirap. Gusto ng Duke na lumaki ang anak niya na matapang at malakas. Hindi
man ito nagpapakita ng “maling” ugali, pero ito’y nagpapakita ng ano ang tama dapat.

Sa panahon ngayon, marami nang mga pamilya na mayayaman. Kung kaya’t ang ibang mga
bata ngayon ay laki sa laway at hindi marunong mabuhay nang mag-isa. Kaya sinalungat ni
Balagtas ang karaniwang nangyayari sa pamamagitan ng pagpapakita ng pangyayari sa
Atenas.

You might also like