Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Mapagmuning Papel

PH103

Mark Balmes

Ang Chronicles of Narnia na ata ang isa sa mga mahusay na pasaring may tagong

temang relihoyoso. Sa unang tingin ay mistulang walang ipinagkaiba ito sa mga mundong

pinaghalo ang ilang elemento ng realidad sa pantastiko tulad ng Alice in Wonderland at

ng serye ng Harry Potter. Karga ang bagong kaisipan at pagkabukas sa panibagong mga

aral ay nakita ko ang pelikula sa panibagong perspektiba – mapa-karakter, tema, daloy

ng kwento, atbp.

Una ay gusto kong tukuyin kung bakit ang mga pangunahing karakter ay mga bata.

Tulad ng bibliya na gumagamit ng pag-uulit ng pagsasalarawan gamit ng hayop at mga

ilang mga kuwento na rekta ang mensahe, mas madaling tukuyin ang aral at tulad din ng

mga mambabasa, mas kapanipaniwala at mas nakakaakit ito para sa ibang mga bata.

Ilan sa mga temang prominente sa bawat libro/pelikula ng Narnia ay katapangan,

pagkukumbaba at pagpapatawad. At hindi ito mga punto-de-bista na nakikita dahil nais

makita. Kahit na noong ako ay bata pa at ngayong isang Buddhista ay hindi mahirap

makita ang layunin ng pelikula na maging isang bukal ng mabuting aral. Isang paraan

para matiyak ko ito ay pagsasaliksik ng buhay ng awtor na si C.S. Lewis na isang matatag

na katoliko. Bilang isang produkto ng panahon pagkatapos lamang ng pandaigdigang

digmaan, maaring gusto ni Lewis na gawing suplementaryo ang nobela bilang

kasangkapan sa rekuperasyon ng tao, ng mundo, at ng pananampalataya sa panahong

lumaganap ito.

1
Siguro ay malay na tayong lahat sa konsepto ng beatitudes o mga batas ng

kaluwalhatian. Maraming nakapaloob dito tulad ng pagpalain ang mga ‘mahirap’, at ‘api’.

Sinusulong nito ang ideya ng pagkakuntento sabay ng pagpapatawad sa mga taong

naglulong sa kanyang kalagayan. Kinakampeon ang aral ng pagpapatawad sa ilang mga

pagkakataon tulad ng tinakwil ni Tumnus si Lucy o noong pinatawad ni Peter si Edmund

sa pagaanib nito sa mangkukulam. At medyo literal ang pagkakaangkop dahil sa

halimbawa ng libro ni Luke na maraming pahayag ukol sa pagpapatawad ay maraming

beses ginamit ang ‘kapatid’ (brother o sister).

Tila epektibo para sa pelikula sa pagpapakita ng mga gawaing kristiyano ay ang

paghahambing nito sa mga kaugaling kabaliktaran, tulad na lamang sa mga pag-uugali

ng mangkukulam. Makikita ito sa pahayag at utos kay Tumnus na dalin ang sinumang

“son or daughter of Adam and Eve” at dalin ito sa kanya kundi siya ay paparusahan sa

pamamagitan ng pagputol sa kanyang buntot – isang paglalarawan ng pagiging malupit.

Kabaliktaran naman ang napakita ni Lucy noong agad na pinatawad niya ito kahit na sa

pagtatangka nitong kunin siya. Sa pagkakataon ding ito ay napakawalan ni Lucy si

Tumnus sa kontrol ng mangkukulam at tinulungan niya itong mabuhay ng may laya at ng

hangaring maging tao.

Isa pang pagkakataon na naipakita ni Lucy pagpapakumbaba ay noong sinubukan

niyang kumbinsihin ang mga kapatid niya at hindi siya pinaniwalaan kaagad. Kahit na

ganoon, sinabi niya naman na nagagalak siyang makita si Susan at Peter, at sinabi niya

pa na kung alam lang niya na tutuloy sila ay dapat naghintay na lamang siya.

Samantalang, para kay Edmund, na duda pa rin sa natuklasan ng tatlong magkakapatid,

2
bilang nakikisakay lamang ang mga mas nakakatanda, ay tahasang ayaw bigyang-pansin

ang mundo sa ibayo ng aparador.

Sa isang dako ay rasonable naman ang pagdududa ni Edmund, at sa sa aking

palagay ay ang karakter niya ay isang karakterisasyon ng mga uri ng mga tao sa

panahong ngayon: mapagduda at malaki ang paniniwala sa pagkaindibidwal higit sa

lahat. Tulad na lamang ng nag-udyok sakin na maging buddhista, mas madaling sumubok

at hanapin ang pagkakampante sa ibang relihiyon at mas madali rin na mas huwag na

lamang sumubok at mamuhay na walang pinaniniwalaan – na tignan ang buhay at bagay-

bagay kung ano sila. Kahit nga ang mga intelekwal ay may depensa rin na makikita sa

mga teksto ni Nietzsche sa The Madman at Existentialism is Humanism ni Sartre na pabor

sa pagpapatakbo ng buhay bilang isang pansariling desisyon at batayan o bagay na

nakaakibat ang pagkukusa.

Walang duda na si Aslan ay isang karektarisasyon ni Hesus. Siya ay nilarawan

bilang “king of the woods and son of the emperor beyond-the-sea”. Si Edmund naman ay

nilarawan hindi lamang bilang isang mapagduda kung hindi isang traydor. Siya ay umanib

sa mangkukulam para lang sa kapangyarihan at pansamantalang kasaganahan. Tulad

na lamang ni Hudas sa bibliya na tumaksil sa panginoong Hesus para sa 30 piraso ng

pilak – pera bilang sukat o uri rin ng kapangyarihan. Tulad na lamang sa paraang binalaan

si Hesus sa traydor at binalaan ng mangkukulam si Aslan sa presensiya ng isang traydor

sa panig niya. Kahit na ganito, at kahit na ipanamumuka ng mangkukulam na may

kakulangan at pagkakamali si Aslan sa panig niya, ay hindi lang niya pinatawad si

Edmund kung hindi inalay pa nito ang buhay nito. Ito rin ay isa mga sentrong tema ng

Narnia at ng katolisismo – ang kakayahang magpatawad at ialay ang sarili ang sarili para

3
sa kapakanan ng mas nakararami. Sa pelikula ay makikita na ang propesiya ay ukol sa

dalawang anak ni Adan at dalawang anak ni Eba na siyang maghahatid sa Narnia sa

kaligtasan. Ang sakripisyong ito ay ang nagtawid para maniwala si Edmund at para mag-

manipyesto ang grasya. Sa grasyang ito ay nabuo nag tapang ni Edmund para kaharapin

ang magkukulam at labanan ito. Sa dulo’y duguan at sugatan ito, at kapareho ng

katapangan na ipinakita ni Aslan ay ang katapangan ibinahagi niya para sa Narnia.

Ganito rin ang nagiging silbi ng relihiyon para sa mga tao. Liban sa kalakasan at

kumpiyansang nakukuha sa relihiyon, ay may ilan pang nagiging uri ng lakas ang

nakukuha ng tao mula sa isang paniniwala. Una ay ang pangako ng pangalawang buhay

na mas masagana. Makikita ito sa paghahambing sa buhay ng mga bata bago at sa loob

ng Narnia. Sa labas ay sila ay pangkaraniwang tao, sa loob ay sila ang mga may trono,

sagana, at may kapasidad na makagawa ng dakilang mga bagay. Pangalawa, para sa

akin, tulad ng isang kwentong pambata ay mas madaling intindihin sa lente ng relihiyon.

Isipin mo nga naman, ang buhay ay isang halo-halo ng mga bagay na kung ano mang

mga dahilan ay kadalasan ay sa kalaunan mo lang malalaman ang tunay na epekto sa

buhay mo. Sa kristiyanismo, mas madali: nagsisimula sa Genesis at natatapos sa

Revelations. Sa Narnia, lalong mas madali, sinusubukan ng mangkukulam na ilugmok

ang buong Narnia sa kadiliman at kailangan subukan ng ating mga bayani na pigilan at

labanan ito.

Isa sa mga aspetong kaakibat ng pamumuhay sa harap ng mga kakulangan at kahirapan

ay ang katapangan. Parehong makikita natin ang temang ito sa Narnia at sa Bibliya. Kung

sa bibliya ay may laban ng Goliath o ng higanteng balyena, sa Narnia naman, nilabanan

4
ni Peter ang isang lobo. Nilabanan din ni Peter ang mangkukulam kahit na sa murang

edad at kulang sa pagsasanay.

Isa pa sa prominenteng tema ng pelikula na representatibo ng pag-asa ay ang

ideya ng pagkabuhay muli. Sa bibliya ay malay na tayo sa pagkabuhay ni Kristo at

pagkawala ng katawan nito sa loob ng yungib. Sa Narnia naman ay nabuhay ng muli si

Aslan kahit na alam ni Lucy at Susan na ito ay pumanaw na sa taas ng isang bato.

Parehong si Kristo at si Aslan ay pinagtawanan at inabuso ng mga kalaban nila bago sila

pumanaw. Marahil napansin din natin ang katahimikan pareho ni Kristo at ni Aslan sa

oras ng kanilang kamatayan. Samantalang makikita ito bilang isang takot, maari rin itong

makita bilang uri ng isang katapangan na “baka nga, kung ano ang nasa hinaharap o ano

ang pagkatapos ng kamatayan ay siyang mas maganda at mabuti.” At lalo nga

pagkabuhay muli ni Aslan at ni Hesukristo ay nakita ang kanilang taglay na kalakasan. Si

Kristo ay ginawang alak ang tubig at si Aslan naman ay nakakalipad at kayang bumuhay

ng tao – mas makapangyarihan, mas mabuti at mas malakas.

Ang Narnia ay puno ng mga alusyong kristiyano at ang panonood o pagbabasa

nito ay isang karanasang kahalintulad ng pagbabasa ng bibliya o ng pamumuhay bilang

kristiyanong naniniwala sa pag-asa, katapangan, pagkukumbaba, at pagpapatawad.

Iniwan ni C.S. Lewis ang mahika at pananampalataya sa pamamagitan ng Narnia. At

hindi ito naiiba sa ating mga karanasan at pagmumuni-muni na kahit wala tayong

pruweba sa aspeto ng katotohanan ng kristiyanismo ay, kaakibat ng pagtataya at

paniniwala, ay malay at nabubuhay tayo sa “mahika” ng kabutihan, sakrispisyo at

katapangan na nasisipat natin sa pang-araw-araw na buhay at sa pamamagitan ng ating

mga kapwa-tao.

You might also like