Pagsusuri Report Emr

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Republika ng Pilipinas

PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS


Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

PAGSUSURING PANGNILALAMAN NG MAIKLING KWENTONG


“SI AMA” ni EDGARDO M. REYES

TAUHAN AT KARAKTERISASYON
Ama
- Responsable na ama at asawa.
“bago mamanhikan si Ama sa mga magulang ni Ina ay tiniyak muna niya na kaya niyang tindigan ang
papasuking pananagutan. Ayaw niyang ipisan sa kanila si Ina. Ibig niyang makapagsarili sila agad.
Nagpundar si Ama ng isang bakuran. Pinagpatayuan niya ng isan bahay na maliit man ay table at yero
naman."

- Istrikto at may paninindigan


“ Sa apat na anak ay tatlo kami na kinakatulong ni Ama sa trabaho, si Kuya Selmo, Dikong Ige at ako.
Si Ate Maring lamang ang hindi dahil babae at atulong naman ni Ina sa mga gawain nito. May oras
kami para sa laro, may oras para sa eskwela, at may oras ng trabaho sa laterya. Palo ang sinumang
sumuway. Binibigyan nya kami ng baon nang depende sa natrabaho namin.
“ mahigpit si Ama sa kanyang hanapbuhay. Hindi puwede sa kanya ang paki-paki. Mapapahiya ang
sinumang makikihinang ng butas ng balde. Sisingilin niya ng katumbas ng kanyang ipinagtrabaho.
Hindi naniniwala sa kinaugaliang bata-bataris. Hindi siya nambabataris at hindi nagpapabataris.
“ Si Ama ay hindi nangungutang at hindi mauutangan.” “ Hindi pa naman ata kayo mamatay sa gutom,
‘wag kayong mandamay ng ibang tao sa problema natin. Hala, palitan yong kinuha mo ke Iska,
patubuan ng sandakot.

Ina
- Maunawain na ina at asawa
“ Naitindihan naman ni Ina ang punto ni Ama. At para patunayan ni Ina na hindi niya sariling
kagustuhan ang pagtatakda ng dote at ang magarbong kasal, siya mismo ang nagyaya na magtanan
sila ni Ama.
“ itinaboy sila ng mura. Sinubok uli nila nang dala ang unang apo(si Ate MAring) sa kanila ni Ingkong.
Minura pa rin sila ngunit murang mura-murahan, Nakapagmano sila.”

- Tapat at masunuring asawa


“ Bago kami nagpaalam ay nilihim ko si Ina. Ibig kong bigyan ng pera ngunit ayaw tanggapin, magagalit
daw si Ama Puwede namang hindi niya sabihin. Lalong ayaw nang gayon. Magiging mabigat daw sa
kanyang loob.”

Ingkong
- Mapagtanim ng galit
“ Ngunit talagang nagalit daw si ingkong (Ama ni Ina), ang pasabi’y hindi sila makapapanhik kalianman.
Itaga sa bato.
- Mapang-abuso
“Ibang problema ang nakaharap ni Ama nang sa wakas ay namamanhikan siya. Hinihingan siya ng
dote. Pasudlungan daw niya ng dalawang sibe ang bahay ng kanyang bibiyenanin, o ang katumbas na
halaga niyon. At sa kasal, pinabubuwal siya ng dalawang kalabaw.

4 na anak ( Ate Maring, Kuya Selmo, Dikong Ige,)


- Responsable,Masipag at masunuring mga anak
“ Sa apat na anak ay tatlo kami na kinakatulong ni Ama sa trabaho, si Kuya Selmo, Dikong Ige at ako.
Si Ate Maring lamang ang hindi dahil babae at atulong naman ni Ina sa mga gawain nito. May oras

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 1
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

kami para sa laro, may oras para sa eskwela, at may oras ng trabaho sa laterya. Palo ang sinumang
sumuway. Binibigyan nya kami ng baon nang depende sa natrabaho namin. “
Bunso
- Tagapagsalaysay

TAGPO
 Masamang panahon o malakas na bagyo
 Baryo

Paano ipakikita ang lunan at panahon?


- ‘Nakapagkolehiyo kaming apat, iba-iba ng kursong tinapos. Pambihira para sa isang baryon a ang
karamihan ay mga pamilyang magsasaka, na swerte na sa sampung bata ay may isang makatapos
man lamang ng high school.
Paano ipararamdam ang lunan at panahon?
- “ walang lubay ang ulan, ang balita’y may dumarating na isang malakas na bagyo. Sa takot ni ina na
baka ibuwal ng hangin an gaming bahay ay tumawag siya ng kapitbahay. Bumili ng alambre.
Nakapaglagay ng mga karagdagang serga. Dinaanan nga kami ng bagyo, at malakas din, pero hindi
naano an gaming bahay.

BANGHAY
URI NG BANGHAY
- Kwento ng tauhan - inilalarawan sa kwento ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhan na
nagsinap. Sa kwento sinalaysay ang pagiging responsible at pagiging tapat ng isang Ama
- Kwentong sikolohiko – Ipinadama sa mga mambabasa ng damdamin ng isang tao sa harap ng isang
pangyayari at kalagayan. Sa kwento ipinadama ng tauhan sa mambabasa na sa kabila ng paghihirap at
pagiging maalwan sa buhay ng mga anak. Ipinakita pa din ang paninindigan ng Ama na hindi aasa sa
ibang tao upang maging sagana ang buhay.
-
Panimulang galaw o Eksposisyon
- Sa kwentong ito ay isinasalaysay ng bunsong anak ang pag-uugali nakanyang ama. at sa mga usapan
tungkol sa kanyang Ama na lagi niyang naririnig mula sa kanyang ina, kapitbahy, kamag-anak at kung
sinu-sino pang nakakakilala at doon para na rin niyang nasaksihan ang buhay ng kanyang ama na di
niya nasaksihan. Nalaman niya na ang Ama ay nakatapos ng pitong grado na ipinagmamalaki ng mga
anak. Ang kwento ng pag-aasawahan simula sa pamamanhikan at paghingi ni Ingkong ng dote
hanggang sa sila ay nagtanan. Nang maging anak nila si Ate Maring ang panganay na anak sumubok
silang magpakita kay Ingkong, ngunit itinaboy at minura sila pero sa kabila nito ay nakuha pa din nilang
makapagmano.

Saglit na kasiglahan
- Nakapagkolehiyo ang apat na magkakapatid, iba-iba ng kursong tinapos. Maraming pumupuri sa kanila
ngunit may ilang pilantik din na patama sa iba. Dahil sa ginawa ng Ama ang lahat ng pagkukuripot at
pagiging walang kapwa tao mapatapos lang ang mga anak. Pagkatapos ng pag-aaral ay pag-aasawa
naman. Nagpatayo ng sariling mga bahay at sasakyan.

Suliranin
- Samantala’y patuloy na nagkakaedad ang kanilang magulang at sila ay nandun pa rin sa dati at
lumang-luma nang bahay sa baryo, sa kanilang kinasanayang pamumuhay na sapat-sapat lamang, ala
ni bahagyang kulay ng luho at layaw, naninindigan sa dangal ng pagsasarili, hini nanghihingi ng
anuman kaninuman, maging sa mga anak. Walang pagbabago maliban sa pagputi ng kanilang buhok.
Nakaugnay rito ang nakararating na usap-usapan sa baryo. Kawawa ang kanilang magulang.
Pinababayaan ng walang utang na loob na mga anak. Na di nila alam ang tunay na dahilan.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 2
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

Nagplaplano ang magkakapatid sa pagpapagawa ng bahay ng kanilang magulang ang pagkuha sa


kanilang magulang upang makasama ag mga anak at apo. Ngunit kahit gustuhin ng Ina ay ayaw ni
Ama. Natuklasan ng anak ang pagiging mahina na ng Ama. Bago nagpaalam ang anak naabutan ang
Ina ngunit di pumayag baka makagalitaan ng asawa. Sinabi ng anak na dapat ay di na nagtatrabaho
ang Ama ngunit sabi ng Ina wag na iparirinig sa kanyang Ama

Kasukdulan o Rurok
- Yumao ang Ama at nabalitaan ito ng mga anak sa mga kamag-anak na lumuwas. Ang ikinamatay ng
Ama ay natulog at hindi na nagising o binangungot. Nagkita-kita ang magkakapatid para sa magiging
burol ng Ama. Napag-usapan na iparanas sa kanilang Ama ang mga bagay na di naiparanas sa
kanilang Ama nung nabubuhay pa ito sa kadahilanan ng sariling kagustuhan na hindi aasa o hihingi ng
tulong sa kahit na sinuman. Nais ng magkkapatid na bigyan ng marangyang libing ang Ama.

Kalinawan o kakalasan
- Hindi na sunod ang ginawang pagpaplano ng magkakapatid. Binihisan ang Ama ng isang pares ng
putting kamisadentroat abuhing pantalon, na pinakamahusay sa kanyang mga pianglumaang damit.
Ibinurol sa isang ataul na paspasang ginawa ng ilang kapitbahay na karpentero. Pinaglamayan ng mga
taong nagpapayok ng galyates na ipinaaanod sa matabang na kape. Inilakad ng mga tao patungong
simbahan at patungong sementeryo. At inilagak sa isang puntod. Na kabilin-bilinan ng Ama sa asawa
na ilibing na walang pagkakaiba sa karaniwang libing ng taga-baryo

Wakas
- Hanggang sa huling hantungan ay dala ni Ama ang katapatan.

DIYALOGO
- Direktang dayalogo ang ginamit.

PANAUHAN
Unang panauhan – sa pagsasalaysay makikitang ang paggamit ng mga panghalip na ako, ko, amin ,
namin at kami
TUNGGALIAN
Tao laban sa tao – ipinakita sa tao ang paninindigan ng Ama na hindi siya aasa sa ibang tao upang
may makain o magamit ang kanyang pamilya. Mas gugustuhin niyang ang pinanggagalingan ng
kanilang pagiging sagana ay sa sariling pagsisikap at pagtitiyaga. Kaya maging sa pagpanaw ay ayaw
niyang gagamitin ang pinaghirapan ng kanyang mga anak. Kahit na maghirap sila at may gusting
tumulong sa kanila ay gumagawa siya ng paraan upang mabayaran ito.

TEMA
- Maging tapat sa sarili at magkaroon ng paninindigan
- Maging responsableng tao(magulang o maging anak) at huwag umasa sa ibang tao kundi magkaroon
ng sariling pagpapasiya na kayang panindigan hanggang sa huli.

TEORYANG GINAMIT
Teoryang Eksistensyalismo – na kung saan ang tauhan(Ama) ay may kalayaang pumili sa kanyang sarili. Dahil sa
kalayaang ito, ang tao ay responsable sa anumang maaaring kahinatnan o maging resulta ng kanyang ginawang
pagpili.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 3
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

PAGSUSURING PANGNILALAMAN NG MAIKLING KWENTONG


“ANG GILINGANG BATO” ni EDGARDO M. REYES

TAUHAN AT KARAKTERISASYON

Ina/ Trining
- Mahusay na magpuputo sa San. Fermin
- Isang ina na nagsikap at nagtiyaga sa hanapbuhay nitong pgpuputo mairaos at mapag-aral lamang ang
mga anak.
“ at bakit hindi? Sa abot ng kanyang makakaya ay nagawa niya ang pinakmabuti para sa kanyang mga
anak. Bukod sa pagkadakila ng kanyang mga ana, siya’y pinupuri ng mga nakakakilala. Sa San
Fermin, ang anak ng isang magsasaka ay maaasahang magiging isang magsasaka rin, ang anak na
kutsero ay maaasahang magiging isang kutsero rin, Ngunit kami, apat kaming nakapag-aral at ang
ikalima’y dapat sanang nakapagkolehiyo rin kung di lamang sa isang pangsariling kakulangan. Bihirang
ina ang makagagawa ng ginawa ni Ina.”
- Isang Ina na madisiplina sa mga anak.
“ Di mo dapat ikahiya’ng paghahanapbuhay, “ sabi niya. Inulit niya ang pangaral na ito sa aking mga
kapatid kinagabihan. “ Ayoko nang ikahihiya ng sinuman sen’yo ang hanapbuhay natin. Hindi tayo
nagnanaka. Pinaghihirapan natin to.

Bunso
- Tagapagsalaysay
- Anak na tumutulong sa pagtitinda ng gurgorya.
- Bunsong anak na ayaw magpakita ng paghihirap ng buhay sa kanyang Ina. At bukod tanging
nagpahalaga sa larawan ng magulang at hindi material na bagay na magbibigay kasiyahan sakanya
Ate
- Kasama ni kuya sa pagtitinda ng bibingka at puto-bumbong
- Nakapagtapos ng Edukasyon sa pagsisiskap ng Ina
Ditse
- Katulong sa pagtitinda sa palengke tuwing umaga at hapon lumilibot suong ang bilaong amy sumang
malagkit at suman sa lihiya.
- Mapurol ang ulo kaya mas piniling maging kasama ng Ina sa pagtitinda kaysa mag-aral.
Kuya
- Panganay na anak na nakakatulong sa pagtitinda ng bibingka at puto-bumbong sa kanto.
- Nagtapos ng Komersyo, ngunit patuloy na umaasa sa Ina.
Diko
- Katulong ng Ina sa pagtitinda ng butse at palitaw. Nakababad sa palaruan ng pool sa bayan at tuwing
sabado linggo sa harap ng sabungan.
- Nakapagtapos ng kursong vocational, radio-TV technician, ngunit patuloy na umaasa sa Ina.

TAGPO
San Fermin – probinsya at maaring lugar na sakahan
Paano ipakikita ang lunan at panahon?
- Ipinakita na ang San. Fermin ay isang probinsya at lugar para sa sakahan. At ito ang ikinabubuhay ng
mga tao sa San Fermin.
“Sa San. Fermin, ang anak ng isang magsasaka ay maaasahanag magiging isang magsasaka rin, ang
anak ng isang kutsero ay maaasahang magiging kutsero rin.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 4
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

BANGHAY
Panimula:

Sa kwentong ito ay isinasalaysay ng bunsong anak ng pamilya ang kanilang buhay. Ayon sa kanya
nagisnan na nilang magkakapatid, (si Kuya, panganay sa kanila at mga 17 taon noon, si Ate, si Diko, si Ditse, saka
ang bunso na nagsasalaysay) ang gilingang bato. Ayon sa kanya ang gilingang bato na ginagamit ng kanilang ina na
si Aling Trening sa paghahanap buhay ay minana niya kay Impo na sinasabing isang mahusay na magsusuman sa
buong San Fermin. Si Aling Trening ang tanging nagmana ng talino sa paggawa ng puto sa kanilang magkakapatid,
hindi niya malaman kung gaano kahusay ang kaniyang ina sa paggawa ng puto dahil rin sa araw-araw na itong
natitikman ngunit sa kaniyang pag-iisip siguro ay sawa lamang siya sa pagkain nito, ang pangkabuhayan ng
kaniyang ina ay hindi sandigan ng kabuhayan nila bagkus ay ang kabuhayan ng kaniyang ama na pagpapanday.

Saglit na Kasiglahan:

Ang biglaang pagkamatay ng kanilang ama dahil sa pagsabog ng apendisitis. Biglang nanakit ang tiyan ng
ama na akala nila’y mawawala rin pagnaglaon. Nagpasya itong magpadala sa hospital ngunit sa daan pa lang ay
sumabog na ang apendisitis nito.

Suliraning Inihahanap ng Lunas:

Noon, nagpuputo lamang si Aling Trening kapag may nagpapagawa sa kanya, kadalasan tuwing may
nagnanais magregalo o maghanda sa tuwing may pista o kasalan o ibang okasyon na may handaan. Ngunit nang
namatay ang kanilang ama, wala na silang ibang pagkukunan ng hanapbuhay o pagkakakitaan. Kaya napilitan silang
magkakapatid na magtulong-tulong upang matugunan ang kanilang pangangailangan, ang kaniyang mga
nakakatandang kapatid ay nagtulong sa isang puwesto upang magtinda ng puto-bumbong at bibingka sa kanto, si
Ditse naman ay nakapuwesto sa palengke tuwing umaga at sa hapon naman ay naglilibot, si Diko naman ay
karaniwang tinda ay butse at palitaw at ang bunso naman ay naglalako ng gurgoya. Nang minsan siya’y naglako ay
napaaway siya dahil sa panunukso ng mga bata sa lansangan, nang umuwi siyang may mga pasa ay pinagsabihan
siya ng kaniyang ina na walang dapat ikahiya dahil marangal ang kanilang trabaho.

Kasukdulan:

Naging mas magaan ang kanilang buhay kumpara noon na nabubuhay pa ang kanilang ama.
Nakapagtapos silang magkakapatid ng kolehiyo maliban kay Ditse na tumigil sa pag-aaral dahil na rin siya ay may
kapurulan ang ulo sa eskwela, lumipas ang panahon at nakapag-asawa na silang lahat ngunit hindi sila lumilimot sa
pagdalaw sa kanilang ina na matanda na. Dumating ang oras na kinapos sila sa pera kung kayat ang kaniyang mga
nakakatandang kapatid ay lumalapit sa kaniyang ina, kahit kapos man sa pera ay mas minabuti ng bunso na huwag
na lamang ipinahalata sa kaniyang ina ang kalagayan niya. Minsan dinatnan ng bunso ang kanyang ina sa akto ng
paggiling. Minasdan niya ang kanyang ina na makupad at hirap sa kanyang mga kilos. May kinig ang kanyang mga
kamay na kuluntoy at nag-usling ang mga ugat sa braso. Pasaglit-saglit ay tumigil at naghahabol ng hininga, na
kapansin-pansin na wala na ang dating lakas, sigla at liksi. Inagaw ng bunso ang gilingan at sa pagpipilitan ay
napahawak ang ina sa kamay ng bunso at nararamdaman ng bunso ang ligasgas, makapal at nagkakalyong palad.
Sa huling araw ni Aling Trening kahit masakitin at bumilis ang panghihina, lumalabas siya sa kusina, dinadalaw ang
kanyang gilingang bato, at hinuhugasan o pinupunasan ito. Kinalaunan ay binawian ng buhay si Aling Trening.

Kakalasan o Kalinawan:

Nang pumanaw ang kanilang ina ay marami ang mga papuri ang narinig nila tungkol rito, nang mailibing na
ito ay napag-usapan nila ang naiwang mana dahil na rin sa matandang kaugalian sa San Fermin na sa pagpanaw ng
magulang ay kailangang kumuha ng kahit isang bagay na naiwan nito. Ang bakuran ng bahay ay napunta kay Ditse
at ang ibang alahas naman ay sa kaniyang mga nakakatandang kapatid,sa halip na ibang materyal na bagay ang
hingin ay mas minabuti ng bunso na kunin na lamang ang ipinintang larawan ng kanilang mga magulang na

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 5
Republika ng Pilipinas
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Gov. Pablo Borbon Main Campus I, Lungsod ng Batangas, Pilipinas 4200
KOLEHIYO NG EDUKASYONG PAGGURO
PROGRAMANG GRADWADO
Tel No. (043) 980-0385 lokal 1128

nakabihis pangkasal. Pagkaraa'y kanya-kanya nang pagpapaalam sa mga maiiwan, dala ang kanya-kanyang inuring
pinakamahalagang alala ng yumaong magulang.

Wakas

- Pagkaraan ay nagpaalaman sa mga naiwan, dala-dala ang kanya-kanyang inuring pinakamahalagang


alaala ng yumaong magulang.

DIYALOGO
- Direktang dayalogo ang ginamit.

PANAUHAN
Unang panauhan – sa pagsasalaysay makikitang ang paggamit ng mga panghalip na ako, ko, amin ,
namin at kami

TUNGGALIAN

TEMA
-

TEORYANG GINAMIT
Teoryang Markisismo – Pinatay ang ama (nawala ag pamamanginoon ng ama sa kanyang pamilya)
- Naging pantay dahil sa pagbibigay ng perang kinikita
- Paghahati ng trabaho sa magkakapatid
- Kapitalismo
 Ina: capitalist
 Anak: manggagawa (lahat ng perang kinikita ay napupunta sa ina)
 Pagbasag ng kapitalismo: naipag-aral ang mga anak, bumalik sa kanila ang
pinaghirapang pera
 Pag-iwan sa bato : pagiwan sa kapitalismo
Teoryang Feminismo – bumasag sa steryotipikong ina na umaasa sa kanyang asawa
- Nagawang mapag-aral ang anak kahit na wala na siyang asawa

Teoryang Moral – Hindi nabigyang halaga ang batong kanilang ina


- Puro material lamang ang habol ng mga anak saa ina.

| PAGSUSURING PANGNILALAMAN 6

You might also like