Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 24

PANIMULA

Mababasa mo ba ito: EyoW PfoUwsZ! N4i!n+nD!h4n nY0oHw PfuOH b4nGzZ 5!n4$ab!


K002hH???? O di kaya naman ay nahuhumaling ka pa rin sa mga salitang tulad ng sinabi ni Sen.
Mirriam Defensor Santiago: “Sana exam mo na lang ako…para sagutin mo rin ako.” O kung
hindi naman ay baka kinahihiligan mo ang pagbanggit ng mga ganitong pahayag tulad ni Abra:
Hindi ko akalain na makikipaglaban ako sa isang mangyan ng iba pang lungga, na mababa ang
tingin kay bathala kaya, ayan, ganyan ang ginawang sumpa. Yung baba nya sandata at yan ang
pinapang-tuka. Sa sobrang haba nyan pwede nang lagyan ng isa pang mukha. O naguguluhan ka
ba kapag nakaririnig ng ganito: ““I-kluk mo na dyan ang caru. Jojovani Calvo na ako. Mag-e-
Egyptian Airlines na lang ako. Imberna Gandhi ako sa iyo!” “Jejemon”, pick-up lines, Fliptop at
Swardspeak o gay lingo ang mga pahayag na nabanggit sa itaas.

Sa makabagong panahon at sa napakabilis ring pagbabago ng lipunan, bibihira na nating


mapakinggan ang mga matatandang salawikan, epiko, maikling kwento, balagtasan, korido at
mga bugtong na mula sa ating mga ninuno. Marahil dala ng singaw ng makabago o
makateknolohiyang panahon, maraming Pilipino ang higit na nagbibigay ng panahon sa
paggamit ng mga electronikong gamit tulad ng cellphone, iPad, laptop at pakikipagkilala sa
ibang tao sa pamamagitan ng mga social networking sites tulad ng Facebook,Twitter at
Instagram

Marami ring mga kabataang pumapasok sa kolehiyo at kumukuha ng kursong BS


Information Technology, Computer Science, at Computer Engineering kaysa Pagsasaka at
Agrikultura, Pananahi, Pag-a-anluwagi. Lumawak ang kaisipan ng mga Pilipino at naging mulat
sa mga pangyayari sa kanyang paligid lalo na sa mga bagay na nakakaapekto sa kanya. Higit na
naging aktibo ang isipan ng tao sa usaping pulitika.

Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno Simeon “Noynoy” Cojuangco


Aquino III o PNoy mula 2010 hanggang 2016, higit na napukaw ang kamalayan ng mga Pilipino
sa mga pangyayari sa kanilang bansa at naging mas maingay sa pag-gising at pagtatanong lalo na
sa mga usapin ng kahirapan, kawalan ng katarungan, hindi patas na pagtingin, katiwalian, droga
at marami pang iba.

Ang pananaliksik na ito ay gumamit ng pagsusuri sa teksto mula sa internet upang


maiugnay ang panitikan o literatura sa ilang mahahalagang pangyayari sa panahon ng
panunungkulan ni dating Pangulong Aquino. Sa pamamagitan rin pananaliksik na ito, nais ng
may-akda na makapagbigay ng kasagutan sa mga katanungang nasasaad sa ibaba:

1. Anu-ano ang ilang mga sumibol na uri ng panitikan na sumibol sa panahon ng


panunungkulan ni dating Pangulong Aquino?

2. Ano ang papel ng panitikan na ito sa pagpapahayag ng damdamin ng mga Pilipino


lalo na sa pulitika?

3. Ano ang epekto ng pagkakaroon ng mayamang uri ng panitikan sa pagpapahayag ng


damdamin ng mga Pilipino lalo na sa pulitika?
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA

Ayon sa https://tl.wikipedia.org/wiki/Panitikan_sa_Pilipinas, ang Panitikan ng Pilipinas


ay pangunahing tumutukoy sa umiiral, umuunlad, at namamayaning uri at anyo ng katutubong
panitikan. Subalit nakakasama rin dito ang mga panitikang nilikha at ginawa ng mga Pilipinong
nasa labas ng sariling bansa, sapagkat inakdaan ang mga ito ng mga Pilipino, o ng may-lahing
Pilipino sa malawak na nasasakupan ng paksa. Dahil dito, tinatawag ding Panitikang Pilipino ang
Panitikan ng Pilipinas. Sa kasalukuyan, tinatawag din itong Panitikang Filipino, sapagkat
kinabibilangan ng mga likhang pampanitikang nagmula sa at kinabibilangan ng iba’t ibang wika
sa Pilipinas.

Mayaman ang Pilipinas sa sari-saring anyo at hubog ng panitikan na naglalarawan sa


kalinangan ng mga Pilipino. Kabilang sa mga ito ang kuwentong-bayan, maikling kuwento o
maikling katha, sanaysay, tula, dula, nobela, drama, balagtasan, parabula, bugtong, salawikain,
kasabihan, pabula, alamat, tanaga, bulong, awiting-bayan, epiko, pelikula, at mga iskrip na
pangradyo, pantelebisyon at pampelikula.

May iba’t ibang mga manunulat at mga dalubahasang Pilipino ang nagbigay ng
kahulugan sa panitikan ayon sa kanilang pananaw bilang mamamayan ng Pilipinas. Kabilang sa
mga ito sina Jose Arrogante, Zeus Salazar, at Patrocinio V. Villafuerte, bukod pa sa iba.

Noong 1983, para kay Arrogante, isang talaan ng buhay ang panitikan kung saan
nagsisiwalat ang isang tao ng mga bagay na kaugnay ng napupuna niyang kulay ng buhay at
buhay sa kanyang daigdig na kinabibilangan. Ginagawa ito ng isang tao sa pamamagitan ng
malikhain pamamaraan.

Noong 1995, inilarawan ni Salazar ang panitikan bilang isang lakas na nagpapagalaw sa
lipunan. Dinagdag pa niyang isa itong kasangkapang makapangyarihan na maaaring magpalaya
sa isang ideyang nagpupumiglas upang makawala. Para sa kanya, isa rin itong kakaibang
karanasang pantaong natatangi sa sangkatauhan.
Isang paglalantad ang panitikan ng mga katotohanang panlipunan at ng mga kathang-isip
na guni-guni. Hinahaplos nito ang mga sensorya ng tao: ang pantanaw, pandinig, pang-amoy,
panlasa, at pandama. Noong 2000, binigyang katangian ito ni Villafuerte bilang isang buhay
ngunit payak na salitang dumadaloy sa katawan ng tao. May buhay ang panitikan sapagkat may
sarili itong pintig at dugong mainit na dumadaloy sa mga arteryo at bena ng bawat nilalang at ng
isang buong lipunan. Sa kasong ito, sa mga Pilipino at sa kanilang lipunang ginagalawan.

Kapag binasa ang panitikan, pinagmumulan ito ng madamdaming emosyon sa isang tao o
pangkat ng mga tao, sapagkat sinulat ang mga ito ng kapwa tao.

Sa kasalukuyan, madali at magaang ang pamamaraan ng pagkalat at pagpapamudmod ng


panitikan sa Pilipinas. Dahil ito sa makabagong mga kaunlaran sa larangan ng teknolohiya.
Bukod sa mga nasusulat na salita sa mga aklat, radyo, at telebisyon, kumakalat din ang panitikan
sa pamamagitan ng mga kagamitang elektronika, katulad ng grabador ng tinig at tunog (tape
recorder), diskong kompakto (compact disk), plaka, mga tape ng VHS, at mga kompyuter. Dahil
sa internet, naging maginhawa at madali ang pagkuha ng impormasyong pampanitikan. Isa nang
instrumento ito para sa mga mambabasang Pilipinong may pagpapahalaga at pagmamalaki sa
kanilang pinagmulan, kasaysayan, at kalinangan o kultura.

May kaakibat na kahalagan ang panitikan para sa mga Pilipino. Isa itong uri ng
mahalagang panlunas na tumutulong sa mga tao upang makapagplano ng sari-sariling mga
buhay, upang matugunan ang kanilang mga suliranin, at upang maunawaan ang diwa ng
kalikasan ng pagiging makatao. Maaaring mawala o maubos ang mga kayamanan ng isang tao, at
maging ang kanyang pagiging makabayan, subalit hindi ang panitikan. Isang halimbawa nito ang
pangdadayuhan ng ibang mga Pilipino. Bagaman nilisan nila ang kanilang bayang sinilangan,
ang panitikan ang kanilang tulay sa naiwan nilang bansa.

Sa panlipunan, pambansa, at pandaigdigang kaukulan, isa ang panitikan sa


pinagbabatayan ng pagkakaroon ng tagumpay at kabiguan ng isang bansa at ng ugnayan ng mga
bansa. Isang malaki at mahalagang bahagi ng edukasyon sa Pilipinas ang pag-aaral at
pagkakaroon ng kurikulum na ukol sa panitikang Pilipino. Bilang isang kurso sa paaralan,
dalubhasaan, o pamantasan, ginagamitan ang pag-aaral ng Panitikan sa Pilipinas ng
makasaysayang pananaw. Sinasaklawan nito ang kasaysayan ng Panitikang Pilipino sa iba't
ibang panahong pinagdaanan ng bansang Pilipinas. Sakop din nito ang mga mga uri at anyo ng
Panitikang Pilipino, paglinang nito, mga manunulat, mga bayani, at mga mithiin ng
sangkabansaan.

May dalawang ng pag-uuri ng panitikan: ang ayon sa paghahalin at ang ayon sa kaanyuan
o anyo.

1. Ayon sa paghahalin
May tatlong kabahaging uri ang paraan ng pag-uuri ng panitikan ayon sa
paghahalin. Ito ang pasalindila, pasalinsulat, at ang pasalintroniko.

a. Pasalindila[baguhin
Ang pasalindila ay ang paraan ng paglilipat ng panitikan mula sa dila at bibig ng
tao. Noong hindi pa marunong magsulat ang mga ninuno ng mga makabagong
Pilipino, binibigkas lamang nila ang mga tula, awit, nobela, epiko, at iba pa.
Kalimitang nagtitipun-tipon ang sinaunang mga Pilipino upang pakinggan ang
mga salaysayin, paglalahad o pamamayag na ito. Paulit-ulit nilang pinakikinggan
ang mga ito upang matanim sa kanilang isipan. Sa ganitong palagiang pakikinig at
pagbigkas ng panitikan, nagawa nilang maisalin ang mga ito papunta sa susunod
na salinlahi o henerasyon ng mga Pilipino.

b. Pasalinsulat
Ang pasalinsulat, isinatitik, isinulat, inukit, o iginuhit ng mga ninuno ng
pangkasalukuyang panahong mga Pilipino ang kanilang panitikan. Naganap ito noong
matutunan nila ang sinaunang abakada o alpabeto, kabilang na ang mas naunang
baybayin at mga katulad nito.

k. Pasalintroniko
Isang bagong kaparaanan ng pag-uuri ang pansalintroniko, o pagsasalin ng panitikan
sa pamamagitan ng mga kagamitang elektroniko na dulot ng teknolohiyang
elektronika. Ilan sa mga halimbawa nito ang paggamit ng mga diskong kompakto,
plaka, rekorder (tulad ng tape recorder at ng VHS), mga aklat na elektroniko (hindi na
binubuklat dahil hindi na yari sa papel, bagkus ay nasa mga elektronikong anyo na),
at ang kompyuter.

2. Ayon sa anyo
Ayon sa anyo, ang panitikan ay nahahati sa tatlong uri. Ito ang patula, patuluyan
at patanghal.

a. Patula
Nasa anyong patula ang panitikan kung saknungan ito at may taludturan.
Katangian ng mga taludtod ng mga tula ang pagkakaroon ng bilang at sukat ng mga
pantig at ang pagkakatugma-tugma o pagkakasintunug-tunog ng mga pantig. Subalit
mayroon din namang mga panitikang patulang tinatawag na Malaya sapagkat walang
bilang, sukat, tugmaan, at pagkakasintunugan ng mga pantig ng taludtod. Mayroong
apat na uri ang anyong patula: tulang pasalaysay, tulang paawit o tulang liriko, tulang
dula o tulang pantanghalan, at tulang patnigan. May mga uri rin ang bawat isa sa mga
ito:

Naglalarawan ang tulang pasalaysay ng mga tagpo at pangyayaring mahahalaga


sa buhay ng tao. Mayroon itong tatlong mga uri: ang epiko, ang awit at kurido, at ang
balad.

May anim na uri ang tulang paawit o tulang liriko: awiting-bayan, soneto, elehiya,
dalit, pastoral, at oda.

May limang uri naman ang tulang dula o tulang patanghal: ang komedya,
trahedya, parsa, saynete, at melodrama.
May tatlong uri rin ang tulang patnigan: ang karagatan, duplo at balagtasan.

Patuluyan
Tinatawag na patuluyan ang anyo ng panitikan kung kagaya lamang ng sa pang-araw-
araw na paglalahad ang takbo ng pananalitang ginamit ng may-akda. Nahahati sa mga
talata o talataan ang mga bungkos ng pangungusap at hindi pasaknong.

Ilan sa mga uri ng anyong patuluyan ang maikling kuwento, sanaysay, nobela o
kathangbuhay, at kuwentong bayan. Kinabibilangan ang mga kuwentong bayan ng
alamat, mulamat o mito, pabula, kuwentong kababalaghan, kuwentong katatawanan, at
palaisipan.

Patanghal
Tinataguriang patanghal ang anyo ng panitikan kung isinasadula ito sa mga
entablado, mga bahay, mga bakuran, mga daan, o sa mga naaangkop na mga pook.
Mayroon itong mga sangkap na diyalogong nasusulat na maaaring patula o kaya
patuluyan ang anyo. Mayroon din itong mga yugto na bumibilang mula sa isa
magpahanggang tatlo. Binubuo ng tagpo ang bawat yugto. Sa moro-moro, na isang
halimbawa ng panitikang patanghal, tinatawag na kuwadro ang tagpo. Kinakailangang
ipalabas ito sa isang tanghalaan o dulaan upang matawag na patanghal.

Sinaunang Panitikang Pilipino

Katulad ng maraming mga banyagang kabihasnan, mayroon nang panitikan sa Pilipinas


noong unang mga kapanahunan. Nagbuhat ang panitikan ng Pilipinas mula sa sari-saring mga
lipon at pangkat ng mga taong dumating sa mga kapuluan nito. May pagkaka-agwat-agwat na
dumating sa sinaunang Pilipinas ang mga Negrito, mga Indones, at mga Malay. Ang baybayin,
ang isa sa mga pagpapatibay na mayroon nang sistema ng pagsulat at pasalita sa sinaunang
Pilipinas bago pa man dumating ang mga pangkat ng mga dayuhan nagmula sa Kanlurang bahagi
ng mundo. Subalit karamihan sa mga naisulat na panitikang katha ng sinaunang mga tao sa
Pilipinas ang sinunog ng mga Kastila. Nangabulok at natunaw naman ang ibang naisatitik sa
ibabaw lamang ng mga balat ng punong kahoy at mga dahon ng mga halaman.

Paraan ng pagbasa at pagpapaliwanag


Mayroong dalawang pamamaraan ng pagbasa at papaliwanang ng mga tekstong
pampanitikan: ang makasaysayan o historikal na paraan at ang pormalistikong kaparaanan.

Paraang historikal
Isang tradisyonal o nakaugaliang paraan sa pagbasa at pagpapaliwanag ng mga tekstong
pampanitikan. Isa itong metodong nagpapakita ng mga bagay, karanasan, at puwersang
pangkasaysayan na nagbigay ng impluwensiya tungo sa paggawa, pagsulat, paghubog, at pag-
unlad ng panitikan sa Pilipinas.

Sa ganitong paraan, nagkaroon ng apat na kahatian ang kapanahunang pangkasaysayan


ng Pilipinas: ang Panahon ng Pananakop Bago Dumating ang mga Kastila o Pre-Spanish
Colonial Period (1400-1600), ang Panahon ng mga Kastila o Spanish Period (1600-1898),
Panahon ng mga Amerikano o American Occupation (1898-1946), at ang Pangkasalukuyang
Panahon Pagkaraan ng Kolonyalismo o Contemporary Post-colonial Period.

Kaugnay ng panitikang Pilipino, sina Jose Villa Panganiban at Teofilo del Castillo ang
unang gumamit ng ganitong paraan upang makamit ang interpretasyon ng pangliteraturang mga
teksto.

Paraang pormalistiko
Ang paraang pormalistiko ay isang pormal at empirikal na pamamaraan ng pagbasa at
pagpapaliwanag – maging pagsulat – ng tekstong pampanitikan na Dumating sa Pilipinas ang
ganitong paraan sa pamamagitan ng Amerikanong sistemang pang-edukasyon.

Sa ganitong paraan, mas detalyado at empirikal (batay sa karanasan, obserbasyon,


pagsubok o eksperimento, ayon sa praktikal na karanasan, sa halip na teoriya[8]) ang
pamamaraan ng pagbasa ng pampanitikang teksto na may layuning tuklasin ang kung ano talaga
ang makapampanitikan o literaryo sa teksto. Nag-iiba-iba ang mga kaparaanan mula sa diin at
patutunguhan o direksiyon ng mga gumagamit nito. Kabilang sa pinagtutuunan ng pansin dito
ang pagkakaroon ng pagkakaisa o unidad ng katawan ng teksto, o sa madalaing sabi: nakatuon
mismo sa pinakateksto.

Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang Jejemon ay isang kaganapan ng pop culture sa


Pilipinas na mailalarawan bilang isang pagmamalabis ng fReAk, LOL at pananalitang l33t. Ito ay
kamukhang-kamukha sa katapat nitong Polako na tinatawag na Pokemoniaste pismo' (‘Pokemon
na panunulat’). Ang mga Jejemon ay inilalarawan ng Talahuluganang Urban bilang ang mga tao
na "nakagawa na ibahin ang Wikang Ingles sa punto na hindi na ito nauunawan at mga lipon sa
internet. Ang isang Jejemon ay inilalarawan bilang ang isa sa "bagong uri ng mga hipster na
nakauri ng kanilang wika ngunit pati na rin ang kanilang pananamit." Ginagaya rin ng mga
Jejemon ang mga mala-"gangster" na katangian at kaugalian na nagiging kamukha sila sa mga
Ingles chav, Tsileanong flaite, Eskosyanong ned, Irlandng skanger, Rusong gopnik at
Australiyano at Bagong Selandang bogan. Ang salitang "Jejemon" ay sinasabing nagmula sa
mga tagagamit ng internet na nagta-type ng "hehehe" bilang "jejeje" marahil dahil ang "jeje" ay
nanggaling sa Kastila na ang mga nagsasalita ay ginagamit ang salita bilang pantawa o dahil ang
mga titik ng "h" at "j" at katabi ang isa't-isa at ang sinasabing "-mon" ay nanggaling sa Hapones
na anime na Pokémon, na ang "-mon" ay nangangahulugan bilang "halimaw" (monster) at dito
nagmula ang mga "jeje monsters" (literal na "mga halimaw na jeje").

Ayon kay manilyn shyne sa kanyang inilathalang blog, ang pick-up lines naman ay isang
paraan ng pagbubukas ng konbersasyon sa kilala o hindi gaanong kilalang tao. Kadalasang ito ay
nakakakuha ng interes ng isang nakikinig dahil sa mga makukulay nitong paggamit ng mga
salita. Sa kasalukuyang panahon, madalas na itong gamitin ng mga kabataan bilang "palipad
hangin" sa isang babaeng kanyang nagugustuhan at vice versa. Ang pick-up lines ay ginagamit
ng mga taong torpe o natatakot magsabi ng katotohanan kaya dinadaan na lamang sa pick-up
lines, sa ganong paraan ay wala silang masasaktan at maipapahayag nila ang nais nilang sabihin.
Ito ay isa ring pagpapagaang paraan ng pamumuna.
Ayon sa Wikipediang Tagalog, ang FlipTop o FlipTop Battle League ay ang kauna-
unahan at pinaka malaking rap battle conference sa Pilipinas. Itinatag ito ni Alaric Riam Yuson
na kilala bilang Anygma at ni Romeo Borrondia o RYME B noong taong 2010. Ang liga ay
layong mas itaguyod ang Pinoy hip hop. Ang Fliptop ay masasabing malakas na na-
impluwensyahan ng mga orihinal na rap battle leagues sa kanluran na naitatag naman noong
taong 2008 tulad ng - Grind Time Now, King of the Dot and Don't Flop, na nagbigay inspirasyon
sa pagkakatatag ng Fliptop at ng iba pang liga sa iba't-ibang sulok ng mundo. Karaniwang
binubuo ng tatlong rounds ang paligsahan na mayroong time limit ang bawat kalahok na itinakda
ng reperi o ng namamahala. Ang obertaym ay ipinapataw kung ang laban ay tabla. Ang unang
sasalang ay napagpapasyahan sa pamamagitan ng toss coin o pagpahagis/pagpitik/pagpapaikot
ng barya. Hindi pinagbabawal ang mga barang naisulat na bago ang laban pati na ang mga hindi
pa naisusulat. Ang panunungayaw, malalang pamimintas, at panunukso ay hindi pinagbabawal sa
laban, at nararapat na 'wag itong tanggapin na seryoso, totoo, at personal. Ang magkabilang
panig ay maaari ding magdala ng props para sa event. Ang Filipino ang pangunahing wika na
ginagamit sa laban bagamat may mga laban din na ginagamitan ng ibang wika at dialekto o
idyoma. Ang panalo sa laban ay pinagpapasyahan ng mga hurado. Ang batayan para sa paghatol
ay maaaring sa paggamit ng mga salita, ang kakaibang epekto sa madla, at estilo sa pagra-rap.

Mayroong tatlong battle format ang Fliptop. Written, Freestyle, at Old School na minsa'y
ipinagsasama sa Freestyle.

1. Written - Ang sa ngayon ay karaniwang labanan sa Fliptop, wala itong background


music. Maaring mayroon o walang sukat ang mga rima.

2. Freestyle - Noong simula ito ang madalas na format ng labanan sa Fliptop, may mga
freestyle battle pa rin ngunit 'di na kasing dalas ng Written format. Mayroon at wala
itong background music, at wala ring sukat ang mga rima.

3. Old School - Madalas gamitin sa tryouts. Mayroon itong background music, at


naipagsasama sa Freestyle.
May iba't-ibang variations ng rap competition sa Fliptop:

1. Dos po Dos - Ito ay kampihan ng dalawa laban sa dalawang rap emcee o femcee,
maaari itong Written o Freestyle.
2. Five on Five - Ito ay kampihan ng lima laban sa limang rap emcee o femcee, maaari
itong Written o Freestyle.
3. Femcee Battle - Tanging mga kababaihan lamang ang maaaring lumaban dito na
tinatawag na femcee.
4. Intergender Battle - Kalalakihan laban sa mga kababaihan.
5. Royal Rumble - Isang rap battle na binubuo ng tatlo o mahigit pang katao, na inaatake
at matinding pinipintasan ang bawat isa.
6. Secret Battle - Ito ay tulad rin ng iba, ngunit mapapanood lamang ng mga pili o
limitadong manunuod.

Ang Swardspeak na kilala rin bilang "Bekimon" at "gay lingo" ay isang patagong wika o
salitang balbal na nagmula sa Engalog (pagpapalit wika ng Englis at Tagalog ) na ginagamit ng
ilang mga homoseksuwal sa Pilipinas. Ang Swardspeak ay gumagamit ng ilang salita mula sa
Tagalog, Ingles, Kastila, at ilan mula sa Hapon, pati na rin sa pangalan ng mga kilalang tao at
tatak, na nagbibigay sa kanila ng mga bagong kahulugan sa iba’t ibang konteksto. Ito ay
mapapansin sa mga komunidad na may mga homoseksuwal kung saan gumagamit rin ng mga
salitang nanggaling mula sa mga lokal na wika o dayalekto kabilang na ang Cebuano,
Hiligaynon, Waray at Bikolano. Isang natatanging katangian ng swardspeak ay agad na
natutukoy na ang nagsasalita nito ay isang homoseksuwal, ginagawa nitong madali para sa mga
taong may parehong oryentasyon na makilala ang bawat isa. Lumilikha ito ng isang eksklusibong
grupo ng mga nagsasalita nito at tinutulungan ang mga ito na labanan ang pagkawala ng kanilang
pagkakakilanlan. Gayumpaman, sa kasalukuyan, kahit ang mga hindi kasapi ng homoseksuwal
na komunidad ay ginagamit ang ganitong paraan ng pananalita, partikular sa mga heterosekswal
na kabilang sa mga industriya na pinangungunahan ng mga homoseksuwal tulad ng fashion at
industriyang pampelikula.
Sa pamamagitan ng paggamit ng swardspeak, ang mga Pilipinong homoseksuwal ay
magagawang labanan ang nangingibabaw na kultura ng kanilang lugar at lumikha ng puwang
para sa kanilang sarili. Ang wika ay patuloy na nagbabago, ang mga dati nang mga parirala na
nagiging laos na at bagong parirala na madalas na pumapasok sa pang araw-araw na paggamit,
ay nagpapakita ng pagbabago sa kanilang kultura at pananatili ng pagiging eksklusibo. Ang
pabago-bagong katangian ng wika na si nananatili sa iisang kultura at nagbibigay daan para sa
karagdagang kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin ng mga nagsasalita nito. Ang mga salita at
parirala ay maaaring likhain bunga ng mga uso. Sa pamamagitan ng mga katangiang ito, ang
swardspeak ay lumilikha ng grupo nang walang anumang kinalaman sa heograpikal, lingguistikal
o cultural na limitasyon at sa gayon ay nagpapahintulot sa mga nagsasalita nito na hubugin ang
wika sa tamang mga pagkakataon. Sa ganitong paraan, ang wika ay hindi lamang “mobile” at
bahagi ng isang mas malaking komunidad, kundi pati na rin bukas para sa mas tiyak o lokal na
mga kahulugan. Ang mga homoseksuwal na nagsasalita sa wikang ito na halos eksklusibo ay
pabirong tinatatawag na Bekimons (isang pagpapaikli ng Baklang Jejemon,’Gay Jejemons’).
Ang Swardspeak ay sinasalita rin ng mga babaeng bakla, mga kababaihan na iniuugnay ng
eklusibo o karamihan sa mga baklang lalaki (literal na 'gay women', bagaman ang mga ito ay
aktwal na heterosekswal). Ang salitang "Swardspeak", ayon kay Jose Javier Reyes, ay ginamit
ng kolumnista at kritikong pampelikula na si Nestor Torre noong 1970s. Sumulat mismo si
Reyes ng aklat patungkol sa paksa na pinamagatang "Swardspeak: A Preliminary Study"
(Swardspeak: Isang Paunang Pag-aaral).

Sa walang petsang ulat ng UNTV sa link na https://www.untvweb.com/ang-pangulo-


ko/?p=364 , si Benigno Aquino III ang kauna-unahang presidente ng bansa na walang asawa.
Ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas na anak ng dating Punong Ehekutibo ng bansa. Ikatlo sa
pinakabatang naihalal na opisyal ng gobyerno sa pinakamataas na posisyon at ikatlong pangulo
rin na hindi ginamit ang Malakanyang bilang kanyang opisyal na tahanan. Sa kanyang pag-upo,
dala ni Aquino ang pangako ng panunungkulan sa pamamaraan ng matuwid na daan. Nagbigay
ito ng bagong pag-asa at pagpapanumbalik ng tiwala sa pamahalaan hindi lamang ng mga
Pilipino, kundi ng mga banyaga.
Sa ilalim ng kaniyang pamamahala, lumago ang ekonomiya ng bansa. Masiglang ini-
uulat ito ng pangulo sa kanyang mga isinagawang State of the Nation Address o SONA. Katulad
na lamang ng pagdami ng mamumuhunan sa iba’t ibang sektor ng gobyerno na nagbibigay ng
serbisyo at trabaho sa taumbayan.

Ayon sa datos ng pamahalaan, bumaba ang bilang ng walang trabaho at ng mga


nagugutom, tumaas ang bilang ng nabibigyan ng tulong pampinansyal sa pamamagitan ng
Conditional Cash Transfer Program, at sinasaklawan ng Philippine Health Insurance Corporation
o PhilHealth. Bukod pa riyan, sa kabila ng hindi pagsasakatuparan ng minimithing rice self-
sufficiency, malaki naman ang itinaas ng ani ng palay sa bansa sa mga proyektong isinagawa ng
kagawaran ng agrikultura. Naniniwala rin ang Administrasyong Noynoy Aquino na maitataas
ang antas ng edukasyon sa bansa sa pagpapatupad ng K to 12 Program.

Kung susuriin, matapos ang Marcos Regime, sa pamahalaan ni Pangulong Aquino lang
nakita ang bunga ng AFP Modernization Program. Subalit, tulad ng mga pangulong kanyang
sinundan, marami rin ang mga kritisismong kaniyang tinanggap. Kabilang na sa mga ito ang
pagkwestyon sa mabagal daw niyang aksyon sa mga problema ng bansa, “Noynoying” ang
salitang ibinansag ng kanyang mga kritiko rito. Tinuligsa rin si Aquino sa kakulangan daw ng
pagbibigay ng tulong sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda.

Sa mga kontrobersyal na panukalang batas, isinisisi rin kay Aquino ang hindi maipasa-
pasang Freedom of Information Bill na kaniyang ipinangakong bibigyan ng prayoridad noong
panahong siya at nangangampanya pa lamang. Pagtatapos ng ika-5 taon ng kanyang
paninilbihan, may mga grupo pang nanawagan ng kaniyang pagbibitiw sa pwesto kaugnay sa
pagkamatay ng 44 na miyembro ng Philippine National Police Special Action Force sa
Mamasapano, Maguindanao.

Sa kasalukuyan, kaliwa’t kanan ang natatanggap na kritisismo ni Pangulong Aquino sa


sinusuportahan niyang pagsusulong ng Basic Law on the Bangsamoro Autonomous Region. Sa
nalalabi pang panahon ng panunungkulan ni Noynoy Aquino, bukod sa patuloy na pagsisikap
nitong makamtam ng bansa ang pangmatagalang kapayapaan, nanatiling mataas ang
pagbabantay ng kanyang pamahalaan laban sa kurapsyon at kahirapan. Hindi rin tumigil ang mga
ahensya ng pamahalaan na hanapan ng mapayapang solusyon ang lumalawig na problema ng
bansa sa pag-okupa ng Tsina sa ating teritoryo sa Spartlys. Sa nalalapit na pagtatapos ng kanyang
administrasyon, nananawagan si Pangulong Aquino na piliin at iboto sana ng mga Pilipino ang
kandidatong magpapatuloy ng kanyang sinimulang tuwid na daan.

Ilang mga umano’y kasinungalingan ng Administrasyong Aquino:

1. “Impeaching an honest president is wishful thinking.”

Ito ang sambit umano ng alyado ni Pangulong Aquino sa Kamara, si Mindoro Oriental
Rep. Reynaldo Umali, bilang reaksiyon sa mga isinampang impeachment complaint sa Kamara.
Pero gaano katapat ang Pangulo?

Ang pakay ng listang ito, sa ibaba, ay ilista ang 10 pahayag ni Pangulong Aquino, labas
ng State of the Nation Address (na madalas namang inuurirat ng midya), na napasubalian o
pinasisinungalingan – ng aktuwal na datos man o ng iba pang tao.

Kilala natin ang mainstream na pulitika sa bansa. Tiyak, mas marami pa rito ang aktuwal
na kasinungalingang binitawan ng isang pangulo na tulad ni Aquino. Pero hayaan ninyong
simulan natin sa 10 ang pagbaybay sa padron ng sistemikong pagsisinungaling ng pangulong
nahaharap ngayon sa tatlong impeachment complaint.

2. Bago ang bagyong Yolanda: “Fully mission capable (ang gobyerno) upang rumesponde sa
nangangailangan”

Sa talumpati ni Pangulong Aquino sa telebisyon noong Nobyembre 7, 2013, bago mag-


landfall ang bagyong Yolanda, sinabi niyang handa na ang tatlong C-130 planes, 32 eroplano at
helikopter ng Air Force at 20 barko ng Navy. Nakapuwesto na rin daw ang relief goods sa mga
lugar malapit sa maaapektuhan ng bagyo. Sabi pa niya: “[S]a mga hindi pa po naaabot dahil
pinagbawalan nang pumalaot ang mga barko dahil sa peligro, umasa po kayong darating agad
ang tulong paghupa ng bagyo.”

Alam na natin ang nangyari sa aktuwal.

Isang linggo matapos humupa ang bagyo, wala pa ring makitang aktuwal na tulong mula
sa gobyerno sa mga lugar na pinaka-nasalanta ng bagyo. Sa Tacloban City, na halos
mabura sa mapa dahil sa taas at lakas ng storm surge, agad na lumaganap ang gutom sa
mga nakaligtas. Sa isang linggong ito, hindi nila mailibing ang mga namatay, hindi pa
makita ang libu-libong nawawala, walang batayang serbisyo, walang pagkain, walang
seguridad, walang gobyerno.

Isang malinaw na kasinungalingan ang sinabi ni Aquino na handa ang gobyerno sa


pagdating ni Yolanda, na nakahanda ang mga sasakyan, at “nakapuwesto ang relief
goods”. Alam din ng Pangulo kung gaano kalakas ang bagyo na paparating, at hindi
pupuwedeng sabihing di niya inasahan ang tindi ng bagyong darating. Sinabi niyang
handa ang kanyang gobyerno, pero nakita ng buong mundo ang kainutilan ng gobyernong
ito na harapin ang epekto ng bagyo.

May kaunting pagkilala si Aquino sa kasinungalingang kanyang binitawan—nang, sa


isang forum ng mga estudyante ng Hope Christian High School, humingi siya ng tawad
sa mabagal na pagresponde sa mga nabiktima ni Yolanda. Pero may palusot pa rin siya:
“Everything was down… cellphones, et cetera…. Even the equipment whether it’s heavy
equipment, whether it’s trucks, whether it was police vehicles, what have you, were also
hit.”
Mahigit apat na buwan matapos sabihing handa ang mga kagamitan ng gobyerno para sa
pagdating ni Yolanda, sinasabi naman niya na tinamaan ng bagyo ang mga kagamitang
ito kaya di agad na nakaresponde.

3. ‘Ipapamahagi ko ang Hacienda Luisita sa Hunyo 2014’


Panahon pa lamang ng kampanya niya sa pagkapangulo noong eleksiyong 2010, naurat
na si Aquino sa mga tanong hinggil sa Hacienda Luisita. Isa sa pangunahing isyu ito na
inihaharap sa mga Aquino, lalo na’t nangunguna si Noynoy sa lahat ng sarbey.

Nakulitan na marahil si Aquino, kaya napilitan siyang magbitaw ng kategorikal na


pahayag noong Pebrero 2010 na hihimukin niya ang kanyang pamilya, ang mga Cojuangco, na
ipamahagi na sa mga bepenisyaryong magsasaka ang lupa ng mahigit 4,500 ektaryang asyenda—
bago lumipas ang extension period ng Comprehensive Agrarian Reform Program sa Hunyo 30,
2014.

Hulyo 28 na, wala pang aktuwal na pamamahagi.

Kabaliktaran pa ang nagaganap ngayon. Sa kabila ng pinal na desisyon ng Korte Suprema


na ipamahagi na sa mga magsasaka ang Luisita (at sa kabila ng pagbigay na ng gobyerno ng
kompensasyon sa mga Cojuangco, na kinuha mula sa Disbursement Acceleration Program),
gumagawa pa ang pamilyang Cojuangco at Department of Agrarian Reform ng iba’t ibang
iskema para maharang ang pamamahagi—mula sa di-libreng pamamahagi ng lupa, pagpapatupad
ng kuwestiyonableng tambiolo system para sa distribusyon ng lupa, maanomalyang auditing
process, hanggang sa land grabbing sa loob ng asyenda, pagpapalayas sa mga magsasaka na
nagtatanim na sa asyenda, pagtatambak ng militar at armadong goons sa lugar, at maraming iba.

4. ‘Panahon na po upang i-abolish ang PDAF’

Noong Agosto 23, 2013, o tatlong araw bago ang makasaysayang Million People March
na bumabatikos sa sistema ng pork barrel sa bansa, muling nagsalita sa telebisyon si Aquino.
Tila pagsasalag sa mga batikos (maaalalang bago ang talumpating ito, todo-depensa pa si Aquino
sa pork barrel at Priority Development Assistance Fund o PDAF) at pagpapahupa ng galit ng
mga mamamayan, ang talumpating ito.

Dito, sinabi niyang maganda naman sana ang hangarin ng PDAF. Pero dahil tiwali ang
nakaraang pangulo (sino pa ba, kundi si Gloria Arroyo), ginawang gatasan ng ilang indibidwal at
mambabatas ang PDAF. Kung kaya, dinedeklara raw ni Aquino na wala nang PDAF sa susunod
na pambansang badyet. Sabi pa niya, bawat proyektong nais pasimulan ng mga mambabatas ay
“itatalaga…bilang line item” sa loob ng National Budget.

Ang hindi niya sinabi, mas malaki, mas sistematiko, at mas patagong klase ng pork barrel
ang ginagawa na ng Department of Budget and Management (DBM): ang DAP. Ehekutibo
(DBM, Pangulo, NEDA, etc.) mismo ang pumili ng proyekto, DBM ang maglalabas ng pondo.
Hindi napapasailalim sa regular na auditing ng National Budget dahil wala naman dito ang mga
proyektong pinopondohan ng DAP. Samantala, ayon kay Kabataan Rep. Teddy Ridon, tuloy pa
rin ang pork barrel, sa uri ng Grassroots Participatory Budgeting.

5. ‘Wala tayong kapangyarihan para itigil ang power rate hike ng Meralco’
Isang buwan pa lamang matapos wasakin ng bagyong Yolanda ang Eastern Visayas, at
habang naghahanda ang mga mamamayan sa “paghihigpit-ng-sinturon” sa nalalapit na Pasko
noong Disyembre 2013 nang ianunsiyo ng Manila Electric Co. (Meralco) na magpapataw ito ng
P4.15 kada kilowatt hour na taas-singil sa kuryente. Ito ang pinakamataas na isahang taas-singil
sa kasaysayan ng Meralco. Natural, umani ito ng matinding batikos mula sa mga mamamayan na
di pa nga makabangon mula sa bagyong Yolanda, tumataas na mga bilihin, at iba pang pasakit.

Sabi ni Aquino, sa pamamagitan ng kanyang Deputy Spokesperson na si Abigail Valte:


Walang magagawa ang gobyerno sa taas-singil sa kuryente. “Wala tayong magic wand,” aniya,
para mapigilan ang power rate hike ng Meralco. Siyempre, lalong tumindi ang batikos ng iba’t
ibang sektor. Pati ang mga alyado ng Palasyo na sina Walden Bello ng Akbayan at Sen. Sonny
Trillanes, napilitang magsalita (pero di direktang bumabatikos sa Pangulo, kundi sa Energy
Regulatory Commission lang.)

Iyon pala, may magagawa siya. Napilitan ang ERC na suriin ang power rate hike ng
Meralco. Matagal nang natapos ang pag-aaral, hindi pa rin agad inilalabas. Nang ilabas, napag-
alamang may players sa Wholesale Electricity Spot Market para tumaas ang singil sa kuryente.
Di-nagtagal, noong Disyembre rin, umakto ang Korte Suprema sa petisyon ng Bayan Muna para
itigil ang taas-singil: Naglabas ito ng temporary restraining order na tumagal nang 60 araw.
Noong Pebrero, inekstend ito ng Korte Suprema. At Noong Abril 23, muling inekstend nang
walang palugit ang TRO.

May magagawa pala si Aquino: Kung hindi pa pinresyur ng publiko, hindi iimbestigahan
ng ERC ang Meralco. Kung hindi pa nagpetisyon ang Bayan Muna at progresibong mga party-
list, hindi matitigil ng Korte Suprema ang power rate hike na tiyak na papasanin ng naghihirap
nang mga mamamayan.

6. ‘Malaya ang senator-judges na pagpasyahan ang impeachment trial ni Corona’


Hindi naman sinikreto ni Pangulong Aquino ang pagkamuhi niya kay dating Chief Justice
Renato Corona. Mula nang magdesisyon siyang manumpa kay Associate Justice Conchita
Carpio-Morales sa halip na sa Punong Mahistrado noong Hunyo 30, 2010, hanggang ngayon, di
nagpapapigil si Aquino sa pagpahayag ng kanyang disgusto sa Chief Justice na tinalaga ng
kanyang predecessor. Sa mga pahayag niya noong panahon ng impeachment trial ni Corona,
halatang nanggigigil ang Pangulo na matanggal ang huli sa Kataas-taasang Hukuman.

Pero ang inilihim ni Aquino: Kung papaano niya inimpluwensiyahan ang impeachment
court, na kinabibilangan ng senator-judges, para ideklarang maysala si Corona.

Kahit na regular na naglabas ng pahayag ang Pangulo hinggil sa tunay niyang palagay sa
pag-uusig kay Corona, malinaw namang sinabi noon ni Deputy Spokesperson Abigail Valte na
hindi nila iniimpluwensiyahan ang senator-judges. Sabi ng naturang tagapagsalita ng Pangulo:
“We believe that the senator-judges are fairly independent for them to make their own
assessment of the evidence that is brought before the Senate sitting as an impeachment court.”
Sinabi pa niyang hindi intensiyon ng Pangulo na galitin ang publiko laban kay Corona, kundi
ipaalam lang daw sa kanila ang katotohanan. Samantala, isiniwalat ng Defense Team ni Corona
na iniimpluwensiyahan umano ng Malakanyang, partikular si Executive Sec. Paquito Ochoa Jr.,
ang senator-judges.

Pero noong nakaraang taon, lumabas ito: Pagsisiwalat ni Sen. Jinggoy Estrada (na may
sarili ring adyenda sa paggawa nito, dahil sangkot siya sa pork barrel scam) na naglaan ang
Malakanyang ng P50-100 Milyong pondo para sa bawat senador na bumoto pabor sa
impeachment ni Corona. (Sinabi rin ng Defense Team na nag-alok daw ng P100-M kada senador
si Ochoa.) Kinumpirma ito ng maraming senador, na tumangging suhol umano ito sa pagboto
nila sa impeachment. Pero ang ipinagtataka ni Sen. Miriam Defensor-Santiago, sila nina Sen.
Joker Arroyo at Sen. Ferdinand Marcos Jr. na di-pabor sa pagtanggal kay Corona ay di nilaanan
ng naturang pondo. (Isiniwalat din ni Estrada na galing ang naturang pondo sa misteryosong
Disbursement Acceleration Program o DAP.)

Nitong Enero lamang, isiniwalat ng nasusukol nang si Sen. Ramon “Bong” Revilla Jr., sa
kanyang privilege speech, ang pakikipag-usap umano ng Pangulo sa kanya bago ang paglabas ng
verdict ng impeachment court. Sa naturang pulong na dinaluhan ni Aquino, DBM Sec. Butch
Abad at noo’y Transportation and Communication Sec. (at ngayo’y Interior Sec.) Mar Roxas,
pinresyur umano ni Aquino si Revilla na bumoto pabor sa guilty verdict. Pagkatapos nito,
kinausap din ni Aquino ang iba pang senador—bagay na kinumpirma ng ibang senador.

Noong Enero rin, sinabi ng ilang eksperto na posibleng ma-impeach si Aquino dahil sa
pag-iimpluwensiya niya noon sa >senator-judges.

7. ‘Hindi ko personal na kilala si Janet Lim-Napoles’


Inamin ng Malakanyang na “nagpakodak” sa kanya si Janet Lim-Napoles sa Cebu noong
2012. Noong Agosto 2013, sa mismong araw na ianunsiyo ng Malakanyang ang P10 Milyong
bounty para sa nagtatagong pangunahing suspek sa pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles,
sumuko ang huli sa Malakanyang. Matapos sunduin ng mismong si Presidential Spokesman
Edwin Lacierda sa Heritage Park sa Taguig, tinagpo si Napoles ng mismong si Aquino sa
Malakanyang. Matapos makipag-usap si Napoles sa Pangulo at iba pang miyembro ng gabinete,
ineskort ng mismong Pangulo si Napoles patungong Kampo Crame. (Samantala, sabi umano ng
mga source sa Palasyo ni dating Sen. Kit Tatad, umaga pa lamang noong Agosto 28, nakipagkita
na kay Aquino si Napoles.)

Paulit-ulit na itinatanggi ng Pangulo na kilala niya o nakauugnayan si Napoles noong


kongresista o senador pa lamang siya, at kahit noong naging pangulo siya.
You know, when I saw her when she came to the Palace, I was trying to look at her and I
don’t remember her,” sabi ni Aquino noong Setyembre 2013, mahigit isang linggo matapos
sumuko sa kanya si Napoles. Sinabi pa ng Pangulo na “hindi niya matandaan” kung nakita na
niya si Napoles dati. Noong buwan ding iyon, lumantad ang larawan ni Aquino at ang anak ni
Janet na si Jeane Napoles. Pagkatapos, inunahan na ng Malakanyang ang social media: Inilabas
nito ang larawan ng Pangulo at pangunahing suspek sa pork barrel scam “sa isang okasyon sa
Cebu” noong Nobyembre 2012. Pero ang sabi ng Palasyo, isa lamang si Napoles sa mga
nagpakuha ng larawan sa Pangulo.

Nitong Hunyo 6, 2014, sa confirmation hearing para kay Justice Sec. Leila de Lima,
inungkat ni Sen. Jinggoy Estrada ang hinggil sa isang liham ni Napoles kay Aquino noong Abril
17, 2013, na humihingi ng tulong sa panghaharas sa kanya diumano ng National Bureau of
Investigation kaugnay ng dating aide na si Benhur Luy. Tinanong ni Estrada kung totoong
sinulatan ni Aquino ang mismong liham ni Napoles para utusan si De Lima na agarang
aksiyunan ang rekwes ni Napoles.

Hindi raw maalala ni De Lima kung may sulat ito ni Aquino o ng secretary lamang niya.
Sinagot ni Aquino ang paratang ni Estrada. Kinumpirma niya ang mismong liham ni Napoles—
pero itinidiin ang dating security aide ng ama ni Sen. Estrada na si Manila Mayor Joseph Estrada.
Sa madaling salita, hindi niya itinanggi na may sulat sa kanya si Napoles, at pinaaksiyunan niya
ito kay De Lima.

Tinanggihan pa rin ni Aquino ang pagrepaso sa VFA kahit na nasira na ng USS Guardian
ang Tubbataha Reef.
Tinanggihan pa rin ni Aquino ang pagrepaso sa VFA kahit na nasira na ng USS Guardian ang
Tubbataha Reef.

8. ‘Rerepasuhin natin ang Visiting Forces Agreement’


Sa ilang panayam sa kanya noong tumatakbo pa lamang sa pagkapangulo, sinabi ni
Aquino na sang-ayon siyang muling aralin ang kasunduang-militar ng Pilipinas at Amerika na
Visiting Forces Agreement (VFA). Aniya, partikular na dapat suriin kung papaano
mapapangalagaan ang interes ng Pilipinas. Nakita umano ito sa kaso ng Subic Rape Case noong
2005, nang gahasain ng ilang US Marines ang Pilipinang si “Nicole”.

Noong maging pangulo, inulit ni Aquino ang kanyang kagustuhang repasuhin ang VFA.
Pero hindi na nasundan ang pangakong ito. Noong pumutok ang pagtapon ng toxic waste ng
isang Amerikanong barko na inempleyo ng US Armed Forces sa Subic Bay noong Oktubre
2012, agad na binasura ng administrasyon ang mga panukalang repasuhin ang VFA. Gayundin
nang “aksidenteng” masira ng USS Guardian ang Tubbataha Reef noong Enero 2013, sinabi ng
Solicitor General na di maaaring isisi ito sa VFA at itinanggi ang mga mungkahing repasuhin
ang naturang kasunduang-militar.

Noong Abril 28, 2014, nilagdaan ng administrasyong Aquino at gobyernong US ang


Enchanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) – na sa esensiya’y nagpalawig sa
implementasyon ng VFA. Hindi na lamang “visiting forces” ang mga sundalong Kano;
mistulang may basing rights na sila sa buong Pilipinas.

9. ‘Bukas ang pinto ng gobyerno sa negosasyon sa NDFP’


Matapos mahuli ang dalawang itinuturong lider ng Communist Party of the Philippines-
New People’s Army (CPP-NPA), ang mga konsultant pangkapayapaan na sina Benito at Wilma
Tiamzon, noong Marso 2014, sinabi ni Aquino na bukas ang kanyang gobyerno sa
pakikipagnegosasyon sa rebolusyonaryong kilusan.

“Does it (pag-aresto sa mag-asawang Tiamzon) have an impact (sa usapang


pakapayapaan)? I don’t think so. It really depends on their willingness to go back to the
bargaining table,” sabi umano ni Aquino.

Pero lahat ng ikinikilos ng administrasyong Aquino ay nagtuturo sa reyalidad na di na ito


interesado sa usapang pangkapayapaan. Hindi na nito kinikilala ang Joint Agreement on Safety
and Immunity Guarantees (Jasig), at maging ang iba pang kasunduan ng dalawang panig. Hindi
nito kinikilala ang mga konsultant pangkapayapaan na protektado dapat ng Jasig. At sabi mismo
ng punong konsultant sa negosasyon ng NDFP na si Luis Jalandoni na kahit ang seryosong mga
hakbang nito at ng third party facilitator na gobyerno ng Norway na matuloy ang usapan ay hindi
seryosong hinaharap ng administrasyong Aquino.

10. ‘Hindi ako sang-ayon sa mga grupong paramilitar’


Noong tumatakbo sa pagkapango sa eleksiyong 2010, sinabi ni Pangulong Aquino na
bubuwagin niya ang mga grupong paramilitar. Gagawin din daw niya ang lahat para mabasura
ang Executive Order 546 ni dating Pangulong Arroyo, na nag-uutos ng pagpondo,deputization at
pagbibigay-kapangyarihan sa mga miyembro ng Citizens Armed Forces Geographical Units o
Cafgus at Civilian Volunteer Organizations o CVOs para maging multiplier force kontra sa
insurhensiya.

Pero hindi niya ipinabasura hanggang ngayon ang EO 546. Sa kabila nito, “niyakap” pa
umano ni Aquino ang iba’t ibang grupong paramilitar sa bansa, tulad halimbawa ng Cordillera
People’s Liberation Army na tumutulong na sa giyerang kontra-insurhensiya ng gobyerno at
sangkot din sa maraming abuso.

Nagpapatuloy din ang paggamit ng Armed Forces of the Philippines ng Cafgu, CVOs at
iba’t ibang klase ng mga grupong paramilitar sa iba’t ibang lugar sa bansa. Bukod sa malaganap
na rekord ng pang-aabuso ng naturang mga grupo, sinabi ng mga grupong pangkarapatang
pantao na ito rin ang nagiging balon ng lokal na mga pulitiko para sa kanilang private armies,
tulad ng pamilyang Ampatuan—marami sa mga suspek sa masaker sa Ampatuan noong 2009 ay
inarmasan ng gobyerno bilang bahagi ng counter-insurgency campaign

Samantala, itinatanggi rin ng Malakanyang ang obserbasyon ng maraming human rights


groups at maging ng mga grupo ng midya na laganap pa rin ang impunity, o kawalan ng
pananagutan sa malalang mga krimen, sa bansa. Pinaratangan ng pooled editorial ng ilang
organisasyong midya (kasama ang Pinoy Weekly) na “Impunity King” si Aquino. Itinanggi ito,
siyempre, ni Presidential Communications Operations Office Sec. Sonny Coloma
PAGLALAGOM NG NATUKLASAN, KONGKLUSYON, AT REKOMENDASYON

Sa nagdaang tatlong taon, sumailalim ang Pilipinas sa isang pagbabagong radikal: Mula
sa pagkakaroon ng isang pamahalaang nagtatag ng mga gawaing tigib ng korupsiyon, patungo sa
isang pamahalaan na nagkakaloob ng mga serbisyo publiko na nakabatay sa mga prinsipyo ng
pagiging bukás, pagkakaroon ng pananagutan at integridad; mula sa pagiging tahanan ng mga
nananawagan sa pagbabago, tungo sa pangangalaga sa isang bansang binigyang-kapangyarihan
at aktibong kumikilos nang sama-sama para sa mas malaking pagkakataon para sa sama-samang
pag-unlad.

Ang nananatiling batayan ng pagbabagong ito bílang pilosopiyang nagpapagana sa


adyendang panreporma ng administrasyong Aquino: Kung kaya nating alisin ang kultura ng
korupsiyon sa bansa, mapapagaan natin ang kahirapan at sama-sama tayong makasusulong tungo
sa isang Pilipinas na may kaunlarang pantay-pantay.

Upang maipagpatúloy ang momentum ng bansa, patuloy ang administrasyong Aquino sa


pagpapahusay ng mabuting pamamahalang itinatag nito, na nagsasangkot sa pagpapalakas ng
mga mekanismong kinakailangan para sa mabilis at epektibong pagpapahatid ng mga serbisyo sa
mga Pilipino. Nagsagawa ng reporma ang pamahalaan sa mga proseso nito ng paggastos at
pagbabadyet upang maisulong ang kapakinabangan at mabawasan ang pagkakataon para sa
korupsiyon upang maiwasan ang pagsasayáng ng bilyong piso mula sa perang nalilikom mula sa
buwis. Dahil dito, naipapadalá ng pambansang pamahalaan ang mga pondo sa mga
pinakaagarang pangangailangan ng bayan—patungo sa mga programa na may malawakang
pamumuhunan sa mga serbisyong bayan, kalusugan, at edukasyon, upang mapabuti at mapalakas
ang ating pantáong kapital, na manghihikayat naman ng malawakan at pantay-pantay na paglago.

Nagbubunga na ang mga reporma. Noong 2012, nagtalâ ang Pilipinas ng isa sa
pinakamalakas nitong taon ng pag-unlad, nilampasan ang lahat ng inaasahan; nagtalâ ang GDP
sa unang tatlong buwan ng 2013 ng 7.8% na nagpataas pa sa pamantayan ng mga bansa at
lumampas kahit sa takbo ng ating pag-unlad. Inilagay ang Pilipinas ng mga pangunahing
ahensiya ng mga rating sa pautang sa antas ng pamumuhunan, samantalang tinataya nila ang
patuloy na pagbuti ng lagay ng ating ekonomiya sa hinaharap. At ang mga nakamit na ito ng
mabuting pamamahala ay naisasalin sa pagpapabuti ng uri ng pamumuhay ng lahat ng Pilipino,
lalo pa ang mahihirap at walang kapangyarihan. Patuloy na tumatanggap ng pinakamalaking
bahagdan ng pambansang badyet ang mga serbisyo publiko, at nasa ubod ng ating layuning
bawasan ang kahirapan ang mga programa para sa interbensiyon at proteksiyong panlipunan.

Lahat ng mga pagbabagong ito ay naitatag nitong nagdaang tatlong taon, at lahat ng ating
nakamit mula sa mga ito ay bumubuo pa lámang sa mga pundasyon. Ang mga bunga ng
mabuting pamamahala at tuloy-tuloy na pamumuhunan para sa kapakanan ng ating mga
mamamayan ay nakasalalay sa momentum ng Pilipinas hanggang sa lampas sa pagtatapos ng
pamumuno ni Pangulong Aquino noong 2016.

-unfinished-
Jhay,
Hindi ko talaga ito tinapos para maisingit mo ang idea mo about the issues… mahahalata kasi na
gawa ito ng ibang tao. Sagutin mo rin yung tatlong tanong sa una base sa naunawaan mo sa
teksto. Kinulang ako sa oras jhay, pasensya na.

Kuya

You might also like