Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Banghay-Aralin sa Filipino 8

Panunuring Pampanitikan

I. Layunin
A. Nakikilala ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano
B. Naibabahagi ang pagmamahal sa panitikan.
C. Nakapagbibigay ng sariling impormasyon hinggil sa Panahon ng Amerikano gamit ang
Concept Map.

II. Paksang Aralin


Ang Panitikan sa Panahon ng Amerikano
Sanggunian: Gabay sa Pagtuturo ng Filipino (Modyul)

III. Pamamaraan

A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagkuha ng liban
c. Pagganyak
B. Paglalahad
Hindi maikakailang isa sa ipinagmamalaki ng ating bansa ang ating sariling panitikan. Bago pa
man dumating ang mga Amerikano, nagkaroon ng sariling pamahalaan hanggang sa makamit ng bansa
ang kasarinla. Ang panitikan ay kinagigiliwang basahin ng ating mga kababayan. Dahil sa ito ay bahagi
na ng ating buhay, nararapat lamang na ito ay pag-aralan upang lalo pa itong maunawaan. Ano ba ang
iyong paniniwala tungkol sa panitikan? Sa tulong ng Beliefs Inventory, alamin natin ang iyong
paniniwala tungkol dito. Pagkatapos ng lahat ng gawain sa modyul na ito, bago ang pagtatapos na
pagtataya, muli itong balikan upang matiyak na ang iyong paniniwala ay wasto o mali.

C. Pagtalakay sa Aralin
Sa tulong ng Concept Map, isulat mo ang mahahalaga at kahangahangang impormasyong iyong
nalalaman tungkol sa panitikan sa Panahon ng Amerikano, Komonwelt at Kasarinlan. Isulat ang mga ito
sa blangkong bilog.

D. Pagtataya
Panuto: Hanapin sa loob ng puzzle ang mga salitang may kaugnayan sa umusbong na mga akda sa Panahon ng
Amerikano. Bilugan ang salita ng tamang sagot.

IV. Takdang-Aralin

Panuto: Gamit ang Concept Map, ibigay ang mga impormasyong iyong nalalaman sa Panahon ng Amerikano.

You might also like