Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 25

Repulika ng Pilipinas

Lalawigan ng Zambales
Bayan ng Castillejos
BARANGAY SAN AGUSTIN

PAGLALARAWAN NG BARANGAY

Maikling Kasaysayan
Ang Bayan ng Castillejos ay naitatag noong taong 1743, ito ay ipinangalan
bilang pagkilala sa Marquis de Castillejos, General Juan Prim Y Pritas, na siyang
bayani sa labanang Spanish-Morrocan noong panahon ng giyera noong ika-18 na
siglo.

Ang bayan ng Castillejos ay isa sa Labing-Tatlong bayan sa lalawigan ng


Zambales. Ito ay may sukat sa humigit-kumulang 92.99 kilometro kwadrado. Ayon sa
kamakailang tala ng populasyon ng National Statistics Office, ito ay binubuo 42,910
katao at 7,238 na kabahayan. Ito ay 32 kilometro mula Olongapo City, 60 kilometro
mula sa bayan ng Iba, Zambales at 147 kilometro mula Manila. Sambal, Tagalog, at
Olocano ang pangunahing ginagamit na salita o diyalekto sa Castillejos, at humigit-
kumulang 75% ang nakakaunawa at nakakagsalita ng lengguwaheng English.

Walang nakatalang kasaysayan kung saan ang pangalan ng Barangay San


Agustin. Gayunman, ang karamihan sa mga Barangay sa Bayan ng Castilejos ay
pinaniniwalaang ipinangalan sa mga santo na pinaniniwalaan ng mga naninirahan sa
barangay noong pinakilala ng mga Kastila ang Kristiyanismo sa Zambales.

Ang pangalan ng Barangay “San Agustin” ay ipinangalan sa Santong si Apo San


Agustin. Ayon sa mga matatanda na naninirahan sa naturang Barangay, ang
naturang lugar ay nakaranas ng matinding tagtuyot, pagkagutom, pagkasira ng mga
pananim at ang mga tao ay nagmatay dahil sa matinding gutom. Ang sitwasyong ito
ay dinanas ng Barangay sa loob ng ilang taon. Ang sitwasyong ito ay pinaniwalaang
parusa ng Diyos, ngunit nang dumating sa barangay ang Santong Apo San Agustin at
dahil sa matinding pagdarasal at paniniwala ng mga naninirahan ay nagsimulang
gumanda ang kalagayan nila. Ang mga tao ay nagdesisyon na ang pangalan ng
barangay ay isunod sa pangalan ng Santong si Apo San Agustin

Ligal na Basehan ng Pagkakatatg ng Barangay: R. A. 3590

Bilang ng mga Rehistradong Botante 2,348

Bilang ng mga Presinto 16


Pisikal na Anyo
Lokasyong Pangheyograpiya (Geographical Location)

Ang Barangay San Agustin ay pahabang lupain sa pagitan ng mismong bayan


ng Castillejos (Barangay San Juan) na nasa Timog at ng ng Barangay Nagbayan
na nasa Hilaga. Mula Olongapo City, ang Bayan ng Castillejos ay mararating sa
pamamagitan ng pagsakay ng jeepney o bus sa halagang Php 25.00 na pamasahe.
Mula sa poblasyon, ang San Agustin ay mararating sa pamamagitan ng pagsakay sa
tricycle sa halagang Php 15.00 na pasahe. Ang barangay ay nakalokasyon kung saan
medaling nakakakuha ng pangangailangan ang mga naninirahan dito.

Ang karamihan sa mga kabahayan sa bungad ng Barangay ay yari sa semento.


Ang
barangay ay binubuo rin ng malalawak na lupaing pinagtatamnan ng palay at iba pa
na siyang pangunahing pinagkukunan ng ikabubuhay ng mga naninirahan ditto. Ito
ay napapalibutan ng mga sumusunod na barangay:

Hilaga (North) : Barangay Nagbayan


Timog (South) : Barangay San Juan
Silangan (East) : Barangay Sta. Maria
Kanluran (West) : Barangay Balaybay

Uri/Klasipikasyon ng Barangay : Rural

Kabuuang Lawak ng Lupain : 614 Hektarya

Demograpiya
Populasyon (RBI, CY 2015) : 5, 645

Bilang ng Lalaki : 2, 624


Bilang ng Babae : 3, 021

Bilang ng Pamilya : 1, 499

Bilang ng Sambahayan (Household): 1, 385

Pangunahing Relihiyon: Romano Katoliko (66.78%)


Aglipay (18.69%)
Iglesia Ni Cristo (4.15%)
Iba pa (10.38%)
Pangunahing Pasilidad

Elektrisidad : Zambales Electric Cooperative II


Bilang ng Pamilyang gumagamit ng Elektrisidad: 1550

Patubig : Una Pangalawa Pangatlo


Bilang ng Pamiyang
Gumagamit ng patubig: 50 1,025 412

Komunikasyon : Cellphone, Internet

Transportation : Tricycle

Nakapaloob sa barangay ang mga sumusunod:

San Agustin Barangay Plaza/Basketball Court Commercial space


Barangay Hall / Health Center Transport Service
Senior Citizen’s Office Day Care Center
Iglesia ni Cristo Church San Agustin Elementary School
San Agustin High School Wellness Center
Municipal Health Center Castillejos Water District
Senior Citizens Office / Hall Computer Shops
Dureme Mansion Hotel & Resort Salons
General Merchandise Metal/Iron Works
Ukay-ukay store Restaurants
Poultry Farms Car Wash
Tradings Bakery
Motor Shop Auto Care

Datos Pangkalusugan

Mga Sakit na naging


2015 2016 Bawas/Dagdag dahilan
1.Infection
2.Organ Failure/Damage
Morbidity 27 25 2 3.Cerebro vascular/cardio
Vascular Infection
1.Cancer
2.Organ Failure/Damage
Mortality 6 4 2 3.Cerebro
Vascular/Cardio
Vascular Infection
PANGKAUNLARANG TINATAHAK
(Development Thrust)

Pananaw:

Isang Barangay na modelo ng


kapayaan,
Pagkakaisa
Kaunlaran
At responsableng pamumuhay.

Misyon:

“Maiangat ang antas ng


pamumuhay ng mga mamamayan
upang sila ay magkaroon ng
komportableng antas ng
pamumuhay sa kanyang Barangay”

Hangarin:

“Patuloy na paglunsad ng mga


proyektong magpapaunlad ng
pamumuhay ng mga mamamayan”
“Patuloy na pagsusog ng mga
programang maghihikayat ng
partisipasyon at responsableng
pakikiisa ng mga mamamayan”
BUOD

Ang Barangay Governance Performance Management System o BGPMS ay isang


pamamaraan para sa Barangay upang masuri at masukat ang kahusayan at
kaangkupan ng serbisyo-publiko na ipinaaabot ng mga opisyal sa kanyang
mamamayan at sa kanyang nasasakupan. Ito ang pamamaraan upang masukat ang
kaangkupan at kahusayan ng mga proyekto at programang naipatupad ng mga
kasalukuyang namumuno, gayundin ang iba pang gawaing itinadhana ng Local
Government code of 1991 at iba pang mga atas.

Ang komite ng BGPMS ng Barangay San Agustin, bilang naatasang magsagawa


ng pagkalap ng mga datos na kinakailanga sa Data Capture Form, ay nagsasagawa ng
pag-aaral (research) at pagtatanong (interview) sa iba’t ibang ahensya at tanggapan ng
Bayan ng Castillejos, Zambales. Ang Tanggapan ng Sangguniang Bayan, Tanggapan ng
Municipal Civil Registrar, Tanggapan ng Municipal Planning & Development Council,
Tanggapan ng Commission on Elections, Tanggapan ng RHU, Tanggapan ng Zambales
Electric Cooperative II ay ilan lamang sa mga binibisita at pinagsasagawaan ng
pagkalap ng mga datos na kinakailangan para sa Data Capture Form. Ang kalihim ng
Barangay ang siyang pinaka-naatasang magsagawa ng pagbisita at pagtatanong sa
iba’t-ibang ahensya.

Ang mga Datos na kinalap ay kinuha sa taong 2015. Naging malaking tulong ang
Ulat sa Barangay 2017 na nagsilbing review sa komite. Nagamit rin ang BGPMS
materials na naitago at nairecord ng kalihim. Ang listahan ng botante na siyang kopya
ng Barangay na naitala noong Enero 2015 ay nagging tulong upang makuha ang datos
ukol sa bilang ng mga lalaki at babae na botante, maging ang bilang ng mga presinto sa
barangay. Registry of Barangay Inhabitants ng taong 2015 ay ginamit upang mapunan
ang ilang datos na kinakailangan sa Data Capture Form. Kinalap din ang ulat mula sa
Tanggapan ng Barangay Health Workers. Ginamit din ang ilang mga datos mula sa
Barangay Monthly Accomplishment Report ng taong 2017.

Sa dami nang kailangang datos na magmumula sa iba’t-ibang ahensya at


opisina ay hindi madali ang pagbalangkas ng ulat. Isa ito sa mga pangunahing hadlang
sa pagsasagawa ng ulat. Magkagayon man, naging maayos pa rin ang paggawa ng
ulat dahil sa pagkakaroon ng kagamitan at material tulad na lamang ng computer,
printer at supply ng ink. Naging mabisa rin ang naisagawang records filing ng kalihim
sa mga records ng taong 2015 kung kaya’t naging madali ang pagsama-sama sa mga
kinakailangang datos.

Sa pagkalap ng datos at sa masusing pagsusuri ng komite ay naisakatuparan


ang ulat sa kabila ng mga hamon na naging panandaliang hadlang lamang.
1. Pagpapalakad Ng Pamahalaan (Governance)
Ang pamamahala ay may kaugnayan sa paggawa ng mga plano na dapat asahan,
sa pagpapatupad ng mga planong ito, at ang pagsubaybay sa pagpapatupad. Ito ay
tumutukoy sa proseso ng desisyon-paggawa at ang proseso kung saan ang mga
desisyon ay ipinatupad (o hindi ipinatupad)

Ang kahusayan ng ipinatutupad na pamamaraang administratibo ng Sanggunian ay


isa sa mahalagang bahagi upang masukat ang kabuoang kalagayan ng isang
barangay. Dito nakapaloob ang Lehislayong Panglokal, Kasilagan/Kahayagan at
pakikilahok ng Mamamayan.

Lehislasyong Panglokal (local Legislation)


Ang kapangyarihan sa lehislasyong panglokal ay nakaatang sa Sanggunian
para gumawa at magpatupad ng mga batas, kabilang narin ang pagrepaso, pag-
amenda at pagsasawalang-bisa sa mga ito. Sa kapangyarihang ito nakasalalay ang
pagsasagawa ng mga batas na makatutulong sa pagsasaayos at sa pagpapaganda ng
sistema sa Barangay at sa pagpapaunlad ng pamayanan.

Sa kapangyarihan ng lahilasyong panglikal din nakapaloob ang sistematikong


pagpapatupad ng mga resolusyon at ordinansa at sa patuloy na pagpapaganda pa sa
mga nauna ng naipasang resolusyon o ordinansa. Kung wala ang mga sangkap na ito
hindi rin masasabing epektibo ang mga naipasa.

Mayroon Wala o Kulang

1 Internal Rules of Procedure LegislativeTracking/Monitoring System


Pagsasagawa ng Session dalawang
2 Beses sa isang buwan
Nakagawa ng mga
3 Resolusyon/Ordinansa
Nakapagpasa ng Annual Budget sa
4 takdang panahon
Mayroong mga kagamitang pang-
5 sesyon

6
6 Sound System

Sa 7 na panukat o indicators, 6 ang kumpletong naisagawa ng Barangay.


Ito’y 4.3 na bahagi

Kasilagan / Kahayagan (Transparency)


Ang kahayagan ay nagpapahiwatig ng pagkakabukas, komunikasyon at
pananagutan ng Sanggunian sa kanyang pinanamunuan. Ang kahayagan ay ang
kalagayan kung saan madali para sa mamamayan na Makita kung ano ang mga
aksyon na nagaganap sa isang Barangay. Sa pamamagitan nito nahihikayat ang
pagtitiwala at ang pakikiisa ng mga mamamayan.

Ayon sa mga panukat (indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng BGPMS,


narito ang mga datos na nakalap:

Mayroon Wala o Kulang


1 Annual Report
Paghahayag ng mga nagawang proyekto / programa
2 / aktibidad tuwing Barangay Assembly
3 Pagpapaskil ng mga Pinansyal na report
4 Pagpapskil ng mga plano / programa/ proyekto
5 Pagpapaskil ng mga Ordinansa at Resolusyon

Sa 7 na panukat o indicators, 7 ang naisagawa ng Barangay. Ito’y 5 na


bahagi.

Pakikilahok Ng Mamamayan (Citizens’ Participation)


Ang mga programa o proyekto ng mga namamahala ay mas maayos na
maisasagawa kung ang kanyang pinamumunuan ay aktibong nakikiisa at
nakikibahagi sa mga programa o proyektong ito. Sa pakikilahok ng mga mamamayan
nagkakaroon ngnpalitan ng saloobin ang namumuno at ang pinamumunuan. Kaya
naman mahalagang mapagtuunan din ng pansin ng konseho ang paghikayat sa
pakikilahok ng mga mamamayan.

Ayon sa mga panukat (indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng BGPMS,


narito ang mga datos na nakalap:
Mayroon Wala o Kulang

1 Nakapagsagawa ng Barangay Assembly kada


semester ng taon

2 Ang CSO/PO ay nakikilahok bilang


miyembro ng BDC

Ang CSO/PO ay miyembro rin sa ibang BBI ng


3 Barangay
Nakakapagkalap ng saloobin ng mamamayan
sa pamamagitan ng Suggestion Box at maliit
4 na pagtitipon
Nakakapagsagawa ng mga programa kasama
5 ang CSO/PO

Sa 7 na panukat o indicators, 5 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 4.2 na bahagi.

2 . Pangangasiwa (Administration)

Pagpaplano para sa kaunlaran (Dvelopment Planning)


Bilang ang pangunahing yunit pampulitika, ang Barangay ang nagsilbi bilang
pangunahing nagpaplano at nagpapatupad ng mga patakaran sa pamamahala, mga
plano, programa, proyekto, at mga Gawain sa komunidad tungo sa kaunlaran ng
Barangay.

Sa pagsasagawa ng isang makabuluhang plano para sa kaunlaran dapat na


isaalang-alang at bigyang pansin ang pagkakaroon ng epektibong konseho para sa
kaunlaran sa Barangay (Barangay Development Council).

Ayon sa mga panukat (indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng BGPMS,


narito ang mga datos na nakalap:

Mayroon Wala o Kulang

Organisadong Barangay Development Informal Settler / Mendicants


1 Council Monitoring Program

2 Annual Investment Plan

3 Programa para sa PWD

4 Registry of Barangay Inhabitants

Sa 5 na panukat o indicators, 2 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 3.5 na bahag

Pagkalap ng Pondo (Revenue Generation)


Ang Barangay ay may kapangyarihan upang gumawa ng mga hakbangin upang
mapalaki ang pondo nito. Mahalagang makapagkalap ng sapat na pondo ang barangay
upang maihatid ang pangunahing tulong para sa mga mamamayan.
Ayon sa mga panukat (indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng BGPMS,
narito ang mga datos na nakalap:

Mayroon Wala o Kulang


1 Tax Ordinance
2 Nakapagsasagawa ng Fund Raising
3 Mayroong sistemang ginagamit sa
pangangasiwang pinansyal
4 Barangay Revenue Code
5 Kita mula sa Brgy. Economic Enterprise

Sa 5 na panukat o indicators, 5 ang naisagawa ng Barangay. Ito’y 5


bahagi.

Paglalaan at Paggamit ng Pondo (Resource Allocation and


Utilization)
Ang tamang paglalaan at paggamit ng pondo ay isang aspeto na tumutukoy sa
kahusayan o kakulangan ng isang barangay. Ang tamang paglalaan at paggamit ng
pondo ay para masiguro ang wastong paggamit nito sa mga proektong nakalaan sa
barangay. Ang kita ng barangay kasama na ang mga natanggap mula sa parte sa
internal revenue allotment mula sa Pamahalaang Nasyonal ay karapatdapat na
sumapat sa nakalaang gastusin ng barangay sa taong nirebisa.

Ayon sa mga panukat (indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng


BGPMS, narito ang mga datos na nakalap:

Mayroon Wala o Kulang

1 Pondo para sa Personal Services


2 Development Fund
3 Calamity Fund
4 Pondo para sa Sangguniang Kabataan

Sa 5 na panukat o indicators, 4 ang naisagawa ng Barangay. Ito’y 4.2


na bahagi.
Pananagutang Pampinansyal (Fiscal Accountability)
Ang kundisyon ng pananagutan ng mga opisyales at kawaning gobyerno ay
nakasaad sa konstitusyon. Ang publiko ay umaasa na ipapatupad ng naayon sa batas
ang mga alituntunin sa pananagutang pampinansyal ng mga opisyales at kawani ng
gobyerno. Ang pinaka-ugat ng pananagutang pampinansyal ay para mabigyan ng
sapat at tamang impormasyon ang mga pamahalaang local para maging responsible
sila sa lahat ng transaksyong pampinansyal.

Ayon sa mga panukat (indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng BGPMS,


narito ang mga datos na nakalap:

Mayroon Wala o Kulang


1 Statement of Actual Income & Expenditures
2 Organisadong Bids anf Awards Committee

3 Annual Procurement Plan gamit ang NGAS


4 Annual Inventory of Brgy. Assets gamit ang
NGAS
5 Brgy . Financial Report gamit ang NGAS
6 Barangay Disbursement report gamit ang
NGAS

Sa 6 na panukat o indicators, 6 ang naisagawa ng Barangay. Ito’y 5 na


bahagi.

Pasilidad at Serbisyong Pambarangay (Facilities and Customer


Service)
Ang aspeto ng pagkakaroon ng tamang pasilidad at pagbibigay ng serbisyo sa
mamamayan ay kailangang tingnan upang malaman ang kahusayan o
kahinaan/kakulangan ng sisteme ng isang pamamahala sa barangay. Ang
kahusayan/pagkakaroon ng mga sumusunod na panukat ay nangangahulugan ng
pagkakaroon ng kaukulang pasilidad at serbisyo para sa mamamayan at ang
kakulangan/kawalan ay ang dahilan ng limitasyon sa normal na pamamalakad sa
barangay.

Nilalayon ng aspetong ito na maibigay ang pinakamaganda at pinakamataas na


serbisyo na nauukol sa mga mamamayan ng isang pamahalaang local.

Sa 7 na panukat o indicators, 6 ang kompletong naisagawa ng Barangay.


Ito’y 4.6 na bahagi
Pamamahalang Pangkaunlaran para sa mga Kawani (Human
Resource Management and Development)
Ang pagkakaroon ng maayos at tamang pamamalakad sa barangay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng sapat na tao na tutulong sa pagbibigay ng kaukulang
serbisyo sa mamamayan ay isang aspeto na dapat suriin at bigyang pansin. Hindi lang
ang pagtatalaga sa mga tao sa isang pwesto ang kinakailangan sa aspetong ito.
Sinusuri din kung ang mga naitalaga sa maseselang katungkulan ay nabibigyan ng
karampatang pagsasanay na makakatulong sa pagsasagawa ng mga naiatas na
katungkulan sa barangay.

Mayroon Wala o Kulang

Paglahok sa Pagsasanay ng
1 Brgy. Treasurer/Brgy Secretary mga opisyal ng Barangay
maliban sa BHRAO
2 Ang kopya ng Appointment ng Brgy.
Treasurer / Brgy. Secretary ay naipasa sa
local na Civil Service Commision.

3 Lupon Members, Tanod, Utility worker


4 Paglahok sa Pagsasanay ng mga opisyal ng
Barangay maliban sa BHRAO

Sa 4 na panukat o indicators, 3 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 4.9 na bahagi.

3. Serbisyong Panlipunan (Social Service)


Ang Barangay, bilang pinakapayak nay unit pulitikal ng bansa, ay may
mahalagang tungkulin sa mamamayang kanyang nasasakupan. Ito ay ang
pagsasagawa ng mga serbisyong makakatulong sa makatutulong sa lipunan na
isinasaad ng kodigo ng Pamahalaang Lokal (R.A. 7160)

Sa pag-aaral na ito, tatlong (3) aspeto ang isinasaalang-alang na


kinapapalooban ng ilang panukat o indicators upang makatulong sa pag-alam kung ang
barangay ay nakapagpapatupad o hindi ng mga programa, proyekto o Gawain na
naaayon sa Kodigo. Ang tatlong aspetong isinasaalang-alang ay ang mga sumusunod:
1. Kalusugan at Nutrisyon (Health and Nutrition); 2. Edukasyon, Kultura at Isports
(Education, Culture and Sports); at, 3. Kapayapaan, Seguridad at Kahandaang
Pangsakuna (Peace, Security and Disaster Preparedness).
Kalusugan At Nutrisyon (Health and Nutrition)
Ang malusog na pamayanan ay tanda ng kasaganaan. Ang pilosopiyang ito
marahil ang isa sa mga dahilan kung bakit ang mga namumuno sa pamahalaan ay
bibigyang halaga ang aspeto ng Kalusugan at Nutrisyon. Bagama’t ang nakakataas
nay unit ng Pamahalaang Lokal tulad ng Munisipyo o Lungsod ay may tungkulin na
magpatupad ng mga programa at proyekto sa kalusugan at nutrisyon, ang Barangay ay
naatasan din na magsagawa ng mga programa o proyekto ukol dito.
Sa kasalukuyan, ang Barangay, sa tulong ng Data Capture Form ng Barangay
Governance Performance Management System (BGPMS), ay may nakalap na maga
sumusunod na datos.

Mayroon Wala o Kulang


1 Organisadong mga konseho kaagapay sa
pagpapatupad ng mga programang pang
kalusugan at nutrisyon
2 Mga pasilidad
3 Mga Programang pang kalusugan at nutrisyon

Sa 3 na panukat o indicators, 2 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 4.83 na bahagi.

Edukasyon (Education)
Isang importanteng miothiin din ng barangay ay maipagkaloob sa mamamayan
ang ilang programa o proyekto na naglalyong makapagbigay kaalaman sa mga bata at
matatanda, maisulong ang mga programang pampalakasan, at iba pa.

Sa kasalukutyan, ang nakalap na datos sa barangay ay ang mga sumusunod:

Mayroon Wala o Kulang

1 Implementasyon ng R.A. 9262 Gender & Development Program,


Alternative Learning System
2 Mga pasilidad Linggo ng Kabataan

3 Cultural Activities

Sa 3 na panukat o indicators, 2 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 3.4 na bahagi.
Kaligtasan at Kahandaang Pangsakuna
(Public Safety and Disaster Risk Reduction Management)

Ang bawat Pamahalaang Lokal, maging ito man ay Lalawigan, Lungsod,


Munisipyo o Barangay, ay may tungkuling panatilihin ang kapayapaan at kaligtasan
ng lipunang nasasakupan nito. Ang kahandaan sa anumang sakuna ay isa ring
napakahalagang tungkulin na nakaatang sa balikat ng mga namumuno sa
pamahalaan.

Ayon sa panukat na nakalista sa Data Capture Form ng BGPMS, ito ang mga
datos na nakita:

Mayroon Wala o Kulang


1 Implementasyon ng R.A. 9262
2 Implementasyon ng KP Law

3 Pagroronda ng Tanod Brgy. Human Rights Action


Center
4 Pagapapailaw sa Barangay

Sa 9 na panukat o indicators, 4 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 3.3 na bahagi.

4. Kaunlarang Pang-Ekonomiya (Economic Development)


Ang Pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ng isang Barangay ang magbibigay
sa lahat ng naninirahan ditto, namumuno man o nasasakupan, ng mas maginhawang
buhay. Ito ay sa pamamagitan ng mga programang kumikitang kabuhayan,
karagdagang mga trabaho at iba pang mga oportunidad na magkaroon ng iba pang
pagkukunan ng kita ang Barangay.
Pagtataguyod ng Lokal na Kalakalan at Industriya
(Enterpreneurship and Industry Promotion)
Ang pagtataguyod ng kalakalan at industriyang local ay isa sa mga aspetong
mahalagang pag-ukulan ng pansin. Dito naipapakita/nailalahad ang kahusayan at
kahandaan ng pamayanan na tumanggap ng imbestor at industriya.

Ayon sa mga panukat (Indicators) na nakatala sa Data Capture Form ng BGPMS,


narito ang mga datos na nakalap:

Mayroon Wala o Kulang


1 Brgy. Economic enterprises

2 Livelihood Program
3 Kooperatiba
4 Job Fairs
5 Brgy. Micro-Business Enterprise

Sa 5 na panukat o indicators, 4 ang kompletong naisagawa ng


Barangay. Ito’y 4.6 na bahagi.

Kaunlarang Pang-agrikultura at Pangisdaan


(Agriculture and Fisheries development)
Isa sa mga pangunahing aspeto na malaki ang epekto sa ekonomiya ng isang
pamahalaang local ay ang agrikultura at pangisdaan. Naririto ang mga datos na may
kaugnayan sa Agriculture and Fisheries Development:

Mayroon Wala o kulang


1 Multi-purpose pavement Thresher atbp.

2 Planting materials distribution Farm product collection &


system buying station
3 Fishponds Agriculture Development
Program
4 Namimintinang farm-to –market Programang pangisdaan
roads

Sa 4 na panukat o indicators, 1 ang kompletong naisagawa ng Barangay. Ito’y


3.3 na bahagi.
Pamamanihala ng Kapaligiran
(Invironmental Management)
Nakasaad sa Republic Act 7160 o ang Local Government Code of 1991 na ang
mga yunit ng pamahalaang local ay dapat pangalagaan ang karapatan ng bawat
mamamayan sa balanseng ekolohiya. Dahil ditto, isinama sa BGPMS ang aspeto ng
Environmental Management bilang isa sa mga pangunahing Performance Areas kung
saan nakapaloob ang 1) Natural Resources Management at 2) Waste management.

Pamamanihala ng mga Likas na Yaman


(Natural Resources Management)

Ang pangangalaga n gating likas na yaman ay isa sa mga dapat bigyang pansin
n gating local na pamahalaan. Sa bahaging ito, ang barangay ay nakatamo ng
sumusunod:

Mayroon Wala o Kulang

1 Organisadong Green Brigade

2 Fish Sanctuary

Sa kabuuan, dalawang (2) pamantayan ang mayroon ang barangay. Samantala,


ito ay nagkukulang ng 5 pamantayan, ngunit dalawa (2) doon ay hindi naaayon sa
barangay.

Pamamanihala ng mga Basura at Polusyon


(Waste Management and Pollution Control)
Ang Republic Act No. 9003 ay nagsasaad na ang mga lokal na pamahalaan ang
siyang may pangunahing responsibilidad na isakatuparan ang mga probisyon ng batas
sa kanilang nasasakupan. Ang pangungolekta at paghihiwalay ng mga basura na
biodegradable, compostable at reusable wastes ay dapat na gawin sa antas ng
barangay.

Sa aspetong ito, ang barangay ay nakatamo ng mga sumusunod:

Mayroon Wala o kulang


1 Organisadong Brgy. Ecological Solid Waste
Management Committee
2 Ordinansa ukol sa Solid Waste
Management
3 Paglunsad ng Programa ukol sa Solid Waste
Management
4 Pagpapatupad ng Waste Segregation
5 Pagpapatupad ng sistema sa paghahakot
ng basura
6 Materials Recovery Facility
7 Namintinang mga canal at daluyan ng tubig

Sa 7 na panukat o indicators, 7 ang naisagawa ng Barangay. Ito’y 5 na


bahagi.
KONKLUSYON
Ang isang Barangay ay dapat na modelo ng maaayos na pamamalakad ng
pamahalaan, Epektibong pangangasiwa, serbisyong panlipunan, kaunlarang pang-
ekonomiya at gayundin ng maayos na pamamahala sa kapaligiran. Ang isang
Barangay ay dapat na nagbibigay tulong pangsakahan, pangkalusugan, pang-
edukasyon, pangkalikasan, pangkapayapaan, pang-imprastraktura at
pangkabuhayan. Ang mga katangiang ito ang basehan upang matimbang at masuri ang
nagawang pagsasakatuparan ng mga namamahala. Dito nasusukat kung ano at gaano
kaepektibo ang mga nagawa ng mga nahalal at ng mga naitalagang opisyales sa isang
Barangay.

Sa aspeto ng pagpapalakad sa Barangay, ang Barangay San Agustin ay


nakapagtalaga ng 4.5 na bahagi. Dito naipapakita na ang Barangay San Agustin ay
maayos na naisasakatuparan ang atas ukol sa lehilasyong panglokal, kahayagan at
pakikilahok ng mamamayan.

Sa aspeto ng paglilingkod ukol sa pagpaplano para sa kaunlaran, pagkalap ng


pondo, paglalaan at paggamit ng pondo, pananagutang pampinansyal, pasilidad at
serbisyong pambarangay, at pamamahalang pangkaunlaran para sa mga kawani, ang
Barangay San Agustin ay nakakuha ng 4.53 na bahagi. Kapansin-pansin sa bahaging
ito ang mga kakulangan ng Barangay sa pangunahing kagamitan at pasilidad.

Sa paghahatid ng serbisyong panlipunan, ang Barangay San Agustin ay


nakapagtalaga ng 4.38 na bahagi. Dito naipapakita na ang Barangay San Agustin ay
maayos na naisasakatuparan ang mga alternatyibong mga programang pang-
edukasyon. Sa kaligtasan at kahandaang pangsakuna, ang mga komite ay organisado.

Sa aspeto ng kaunlarang pang-ekonomiya, ang Barangay San Agustin ay


nakapagkamit lamang ng 3.95 na bahagi. Kapansin-pansin na ang kakulangan ng
barangay ng mga kagamitang pangsakahan upang makapaghatid tulong sa
pagpapaunlad ng agrikultura na siyang pangunahing ikinabubuhay.

Sa saklaw ng pangkalikasang pamamahala, ang San Agustin ay nakakuha ng


4.35 bahagi dahil na rin sa pagsunod ng konseho sa itinakda ng Batas-Pambansa
9003.

Sa kabuoan, ang Barangay San Agustin ay nakapagkamit ng 4.23 na bahagi sa


limang aspeto o saklaw ng pagsasakatuparan.
MGA ALTERNATIBONG AKSYON

Isa sa mga kapansin-pansing kakulangan sa Barangay San Agustin ay ang mga


pangunahing kagamitan at pasilidad. Kinakailangang pagtuunang-pansin ang pagbili
sa mga ito dahil ang mga ito’y susi para sa mas mahusay na pagbibigay serbisyo-
publiko at suporta sa mga kabarangay. Ang pangunahing ikinabubuhay ng mga
naninirahan rito ay ang pagsasaka kung kaya’t kinakailangang magkaroon ang
Barangay ng mga karagdagang gamit sa pagsasaka upang mabigyang alalay ang mga
magsasaka. Ang mga sumusunod ang mga kagamitang kinakailangang pondohan o
hanapan ng konseho:
Internet Connection
Telepono Fire Truck
Fax machine Seedling Nursery
Thresher at iba pang kagamitang pangsakahan

Kapansin-pansin rin ang kakulangan ng aksyon mula sa kabataan dahil walang


naisagawang Pulong-pulong (Assembly) ang Katipunan ng Kabataan apat (4) na beses
kada isang taon. Wala ring naipagdiriwang na Linggo ng Kabataan. Mas magiging
aktibong organisasyon ang konseho ng Sangguniang Kabataan kung
makikipagtulungan ang lahat ng kabataan. Mas mahihikayat naman ang partisipasyon
ng mga kabataan sa Barangay kung sa konseho ng Sangguniang Kabataan mismo
magsisimula ang aksyon. Makakatulong ang pagsasagawa ng mga pagsasanay/Pag-
aaral (Training/Semionar/Workshop) upang mabigyang buhay ang organisasyon.
Makatutulong din ang paglulunsad ng mga programa at aktibidad para sa mga
kabataan lalong-lalo na tuwing bakasyon upang mahikayat ang kanilang pakikiisa.
Ang pondo ng Sangguniang Kabataan ay maaaring ilaan para sa mga programang ito.
Kinakailangag bigyang-pansin ng konseho na magabayan at masubaybayan ang
pamamalakad ng Sangguniang Kabataan upang maging epektibo rin ang paglulunsad
ng mga programa.

Ang mga komiteng Pang-seguridad at Kahandaan sa Sakuna ay kinakailangan


ding maorganisa ng husto. Makatutulong ang pagsasagawa ng mga kasanayang
makatutulong sa maayos na pagkakaorganisa at sa pagpapalakas sa kakayahan ng
mga komite. Ang pagpasa ng isang request sa Tanggapan ng Mayor o sa Tanggapan ng
DILG, Castillejos, Zambales upang makapagsagawa ng pagsasanay para sa mga
komiteng ito ay maaring ipasa para maisakatuparan ang alternatibong ito.

Ang Serbisyong Panlipunan tulad ng Kalusugan at Nutrisyon (Health and


Nutrition), Edukasyon, Kultura at Pampalakasan/Isports (Education, Culture & Sports)
at Seguridad at Kahandaan sa Sakuna (Peace, Security & Disaster Preparedness) ay
kailangang palakasin. Ang paglalaan ng pondo para sa mga programang
pangkalusugan at malusog na pamumuhay ay kinakailangang pagtuunan ng pansin ng
konseho. Kinakailangn ding umagapay ang konseho sa kagawaran ng edukasyon
upang makapagbigay ng mga karagdagang pasilidad at alternatibong edukasyon lalong-
lalo na sa mga out-of-school youth at iba pang mga programang magpapalaks sa kakayahan ng mga
kabataan at nang sa gayon din ay mahikayat ang partisipasyon at aktibong pakikiisa ng mga
kabataan sa Barangay.

BARANGAY DEVELOPMENT COUNCIL (BDC)

Chairman: Hon. Reynaldo F. Corpuz


Members: Hon. Dwight V. Asada
Hon. Carlito V. Agustin
Hon. Darren Ray v. Dalit
Hon. Edwin E. Edrosolam
Hon. Nenita F. Quimen
Hon. Joel V. Gonzales
Hon. Armando V. Abelon
NGO Franklin A. Abelon
NGO Ramon T. Valdez
NGO Reynaldo Rodolfo

Functions:
Mobilize people’s participation in local development efforts;
Prepare Barangay Development Plan based on local requirements;
Monitor and evaluate the implementation of National or Local Programs and Projects;
and
Perform such other functions as may be provided by law or competent authority.

BARANGAY PEACE AND ORDER COMMITTEE (BPOC)

Chairman: Hon. Reynaldo F. Corpuz- Punong Barangay


Members: Hon. Carlito V. Agustin- Kgd. On Peace & Order
Lupon Member Sergio L. Alipio Jr.
Lupon Member Reynaldo Gulmatico
Lupon Member Louie Hipolito
Lupon Member Alexander M. Dalit
Lupon Member Oswaldo Minas
Lupon Member Ernesto A. Operania
Lupon Member Eduardo F. Gallardo
Lupon Member Raul M. Pascual
Chief Tanod Eduard L.acaste
BPSOErnesto G. dela Cruz BPSO Michael Dela Cruz
BPSO Dalmacio A. Dela Vega BPSO Eddie L. Toams
BPSO Diosdado Gonzales BPSO Bienvenido F. Arcala
BPSO Marisa Saraga BPSO Felipe Lorella
BPSO Demcy Gonzales BPSO Eduardo Cruz
BPSO Randy L. Turingan BPSO Leonerdo Hipolito
BPSO Rosita Quindara BPSO Ramonito Taroma

Functions:
Initiate, coordinate and monitor the implementation of peace and order programs and
projects at the barangay level;
Serve as an info-gathering mechanism pertaining to peace and order;
Monitor and check the nefarious activities of criminal elements;
Supervise barangay tanods in identifying barangay constuents with strong deviant
behavior for referral to appropriate authorities;
Maintain continuing dialogue, close coordination and rapport with the city or municipal
POC, the cty or Municipal Management Coordinating Committee and the Law
Enforcement-units operarting in the barangay;
Formulate plan and recommend measures which will improve or enhance peace and
order and public safety in its area of jurisdiction;
Supervise, coordinate and monitor the operations of all community-based anti-crime
activities undertaken within the barangay;
Undertake periodic assessment of the prevailing peace and order situation in the
barangay submit report with appropriate recommendations to yhe city/municipal POC;
and
Perform such other functions which may be assigned by higher POCs.

BARANGAY COUNCIL FOR PROTECTION OF CHILDREN (BCPC)

Chairman: Hon. Reynaldo F. Corpuz


Members: Hon. Nenita F. Quimen
Day Care Worker Norma G. Pader BHW Joan D. Ford
BHW Abegail J. Edrosolam BHW Prescilla V. Cesar
BHW Fe G. dela Cruz BHW Marisa F. Gallardo
BHW Marlyn V. Vllanueva Principal Mario M. Celis
BHW Jocelyn T. Lacaste Chief Tanod Eduardo L. Lacaste
BHW Filipinas B. Quimeniano PTA Officer Cristina Alipio
BHW Marites C. Quero Maria Chezka A. LLavore

Functions:
Foster education for every child;
Take steps to prevent juvenile delinquency and assist parents of children with
behavioral problems;
Adopt measures for the health of children;
Conduct capability building projects to increase knowledge and skills in handling
children’s program;
Encourage the proper performance of the duties and responsibilities of parents, and
provide learning opportunities on the adequate rearing of children and positive parent-
child relationship;
Promote wholesome entertainment in the community, especially in movie houses;
Prepare AWFP for children and recommend appropriations to the Sanggunian;
Provide coordinative linkages with other agencies and institutions in the planning,
monitoring and evaluation of plans for children;
Establish and maintain database on children in the barangay;
Advocate for the establishment and maintainance of playgrounds, daycare centers, and
other facilities for child development;
Advocate for the passage of barangay resolutions/ordinances responsive to child-related
issues and concerns and ensure the inclusion of children’s program in the executive
agenda;
Protect and assist children in need of special protection, and refer cases filed against
child abusers to proper agencies;

Monitor situational reports on children, prepare quarterly updates; and


Perform such other functions and other child related laws especially in matters of child
and parent education, health, entertainment, etc.

BARANGAY DISASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT


COMMITTEE (BDRRMC)

Chairman: Hon. Reynaldo F. Corpuz- Punong Barangay


Members: Hon. Carlito V. Agustin
Hon. Dwight V. Asada Mrs. Erlinda Famularcano
Hon. Carlito V. Agustin Mrs. Adelyn Ruelos
Hon. Darren Ray V. Dalit Mr. Romeo Mangosing
Hon. Edwin E. Edrosolam Mrs. Dominga Gallardo
Hon. Nenita F. Quimen Mrs. Cheryl Villanueva
Hon. Joel V. Gonzales Mr. Roderick Rosimo
Hon. Armando v. Abelon Mr. Orlando Pader Sr.

Functions:
Establishes the Barangay Disaster Operations Center;
Formulates Barangay Disaster Risk Reduction and Management Plan;
Coordinates from the BDOC the disaster operations activities to its tasked units;
Implements within the barangay the guidelines set by higher LDRRMC;
Submit recommendation to the Local Risk Reduction and Management Council (LDRRMC)
as necessary; and Conduct regular meetings.
LUPONG TAGAPAMAYAPA

Chairman: Hon. Reynaldo F. Corpuz


Members: Lupon Member Sergio L. Alipio Jr.
Lupon Member Reynaldo Gulmatico
Lupon Member Louie P. Hipolito
Lupon Member Alexander M. Dalit
Lupon Member Oswaldo M. Minas
Lupon Member Eduardo F. Galardo
Lupon Member Ernesto A. Operania
Lupon Member Raul Pasual

Functions:
Exercise administrative supervision over conciliation panels;
Meet regulary once a month to provide a forum for exchange of ideas; and
Exercise such other powers and perform such other duties and functions as may be
prescribed by law or ordinance.

BARANGAY ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT


COMMITTEE (BESWMC)

Chairman: Hon. Reynaldo F. Corpuz- Punong Barangay


Members: Hon. Carlito V. Agustin- Kgd. On Peace & Order
School Principal Mario M. Celis
NGO Representative Ramon T. Valdez
NGO Represetative Reynaldo M. Rodolfo
NGO Representative Conchita Laturnas
Religious Sector Representative Felomina D. Andres
Religious Sector Representative Zenaida D. Alipio
Purok I President Erlinda Famularcano
Purok II President Adelyn Ruelos
Purok III Romeo Mangosing
Purok IV President Dominga Gallardo
Purok V President Cheryl Villanueva
Purok VI President Roderick Rosimo
Purok VII President Orlando Pader Sr.
Ecoboy Ernesto dela Cruz
MRF Caretaker Jesusa Acebedo
Functions:
To guide, control and regulate the generation of solid waste within the Barangay and
promote an orderly and system for the same;
To enhance the total environment of the locality through the necessary control and
mitigation of negative environmental impacts of solid waste;
To promote and protect the health, safety, peace and convenience of the general welfare
of the inhabitants of the Barangay;
To minimize the generation of solid waste and maximize possible resource/ recovery/
recycling and utilization by:
Maximizing the use of goods and consumption of foods;
Encouraging the salvaging of possible “recoverable” from solid easte for re-use
and/or recycling back to production process; and
Encouraging the recycling and resource recovery of solid wastes in own
backyards through composting.
To ensure round-the-clock cleanliness through the orderly management of waste;
To eradicate insightly, uncovered and overflowing waste containers in streets, public
places and open spaces;
To maximize and optimize sanitary resource recovery of feeds, materials and other; and
To maximize pollution arising from harmful gases, smoke particulates produced by
needles, burning/dumping, polluted runoffs into water sources/supply, and hazardous
substances.
Republika ng Pilipinas
Lalawigan ng Zambales
Bayan ng Castillejos
BARANGAY SAN AGUSTIN

~Tanggapan ng Punong Barangay~

Kautusang Tagapagpatupad Blg. 2018-03


(Executive Order)

ISANG KAUTUSANG TAGAPAGPAGANAP NA BUMUBUO SA KOMITE NG


BARANGAY GOVERNANCE PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM (BGPMS)

SAPAGKAT, ang barangay ang pangunahing yunit pulitikal na bumabalangkas


at nagsasakatuparan ng mga patakaran, plano, programa, proyekto at mga Gawain sa
isang pamayanan; ito rin ay nagsisilbing “forum” o daluyan kung saan ang mga
samu’t-saring usapin ay maaaring maipahayag, bigyang-linaw at isaalang-alang; ditto
rin maaaring dinggin at ayusin ang mga ‘di pagkakasundo

SAPAGKAT, ang pagbalangkas at pagsasakatuparan ng mga nabanggit na


gawain ay nanganngailangan na isang mabisang mekanismo upang maging batayan
para sa mas mahusay at epektibong pamamahala.

SAPAGKAT, ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ang
pangunahing tanggapan ng pamahalaan na umaagapay at nagtataguyod sa mga
pamahalaang local tungo sa pagkakaroon ng isang mahusay at epektibong
pamamahala.

SAPAGKAT, isinusulong ng DILG ang isang programang tinaguriang:


“Barangay Governance Pereformance Management System” (BGPMS) na siyang
tutulong sa pagtaya sa kalagayan at magsisilbing mabisang basehan para sa mga
pagpaplano at pagsasakatuparan ng mga patakaran, programa, proyekto at mga
Gawain ng bawat barangay.

SAPAGKAT, ang Barangay San Agustin ay lubos na naniniwala na ang BGPMS


ay makatutulong ng malaki sa pagsisikap na makamtan ang mgha adhikain nito.

DAHIL DITO, Ako si Reynaldo F. Corpuz, Punong Barangay ng San Agustin,


Bayan ng Castillejos, Lalawigan ng Zambales, sa bias ng kapangyarihang ipinagkaloob
sa akin ng Kodigo ng Pamahalaang Likal Taon 1991 at ng ibang mga umiiral na batas
at sa pamamagitan nito ay
minarapat na ipag-utos ang mga sumusunod:

Seksyon 1. PAGBUO NG KOMITE NG BGPMS. Kung kaya’t ang komite ng


BGPMS ay kagyat na dapat buuin. Ito ay kinabibilangan ng mga sumusunod:

Tagapangulo: Kgg. Reynaldo F. Corpuz, Punong Barangay


Mga Kasapi: Kgg. Dwight V Asada, Myembro ng Sangguniang Barangay
Maureen A. Llavore, Barangay Secretary
Luz A. Ordoña, Barangay Treasurer

Seksyon 2. MGA TUNGKULIN AT GAWAIN NG KOMITE

Pagkalap ng mga datos na hinihingi ng Data Capture Form (data collection)


Pagtiyak sa kawastuhan ng bawat datos na nakalap (validation)
Pagtatasa/pagsusuri ng mga pinagsama-samag impormasyon (analysis)
Pagbalangkas ng “Ulat sa Barangay” (SBGR preparation)
Pagsusumite sa mga kinauukulan (submission)
Pag-uulat (utilization conference)
Patuloy na pagrerepaso/monitor ng Ulat sa Barangay (review/monitoring)

Seksyon 3. TAGAPAYONG-TEKNIKAL. Ang komite ay makikipag-ugnayan sa


kinatawan ng tanggapan ng Deapartment of the Interior and Local Government (DILG)
para sa karampatang paying teknikal.

Seksyon 4. PAGKAKABISA. Ang Kautusang ito ay dagliang magkakabisa.

Isinagawa sa Barangay San Agustin, Bayan ng Castillejos, Lalawigan ng


Zambales ngayong ika-19 ng Pebrero, 2018.

REYNALDO F. CORPUZ
Punong Barangay

You might also like