Nawa Wala

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 16

“NAWAWALA”

NI

Tristan Lim
TAUHAN

KYLE

JULIA

LORENZO

TULIO

NAKAKATAKOT NA TAO 1(FRANZ)

NAKAKATAKOT NA TAO 2(KRANZ)

MULTO

MANG BUBOY

MANG TUTOY

ARIA

HOSEP

2
Lokasyon: Sa isang bundok, hatinggabi,
walang ilaw
--Tunog ng makina ng kotse na nasisira--
KYLE
Hay nako-nako-nako
JULIA
Bakit? Anyare?
LORENZO
Nasiraan ba tayo?
TULIO
Hala. Nasa bundok pa tayo, katabi ng gubat
at hatinggabi pa. Nakakapagpabagabag..
--labas ng kotse--
KYLE
Tulio! manahimik ka nga! tinatakot mo si
Julia eh
JULIA
Ano?! Anong takot? gusto mo ata ng sapak
ah!
KYLE
Weh, parang hindi ka naman takot. HAHAHA
JULIA
Susmariosep! Manahimik ka nga!
LORENZO
Sandali, gaano kalayo yung pinakamalapit
gas isteysyon? Baka puwede tayo humingi ng
tulong
TULIO
Apat na oras pa mula rito

3
JULIA
AY nako po! Malayo masyado! Sino ang may
gusto lumakad?
KYLE
Grabe naman! Malamang wala!
JULIA
Sino naman ang magliligtas sa atin sa
bundok ng hatinggabi?
KYLE
Eh di hintay nalang tayo rito
TULIO
Hintay? hindi mo ba alam na minumulto ang
lugar na ito?
KYLE
Talaga? Paano mo naman alam?
TULIO
Mahilig ako sa mga takutin, at isang araw
nabasa ko ang istorya ng lugar na ito.
LORENZO
Kuwento naman o
TULIO
Sige,
isang gabi, sa bundok na ito, mayroong
apat na magkakaibigan na umuuwi galing sa
kanilang bakasyon. Habang pababa sila ng
bundok, nasiraan yung kotse nila kaya’t
sila umikot at humanap ng tulong. lumapit
sa kanila ang isang matandang babae at
nagbibigay ng tulong. Pinagtawanan lamang
siya ng mga magkakaibigan at pinalayas
siya. Dalawang oras ang nakalipas at sila
na ay tinulungan. Ngunit, habang sila ay
patungo sa baba ng bundok, napaligiran ang
kotse nila ng hamog.

4
Hindi nakita ng tsuper yung liko at
nahulog ang kotse nila mula sa bundok.
Ngunit, Habang sila ay nahuhulog,
naririnig lamang ang tawa ng matandang
babae. Ngayon, sinasabi kapag ikaw din ay
nasiraan sa lugar na ito, lalapit ang
matandang babae sa iyo at pareho ang
magiging palad mo tulad ng apat na
magkakaibigan.
JULIA
Tulio ano ba?!
Nakakatakot!
TULIO
Yehey
JULIA
YEHEY?! ANONG YEHEY?! GUSTO MO ATA MATIKIM ANG GALIT NI
JULIA SOPHIA DELA COSTA AH!
LORENZO AT KYLE
AH! Tama Na, Tama Na!
JULIA
Hay Nako! Sakto pa talaga sa regla ko!
KYLE
Ewww
JULIA
Gutom na ako!!
--Tampo—
Wala bang pagkain sa kotse?
LORENZO
Sandali, titignan ko
--May ingay na galling sa halaman—-
JULIA

5
Tulio! Ano iyon?!
TULIO
Aba’y baka yung matandang babae. HAHA
JULIA
Seriyoso!!
AHHHH! AHHHH! AHHHH!
--Pusa lalabas—
--Labas Nakakatakot na tao 1 & 2(gilid lamang)--
Ay. HAHA pusa lang pala. Grabe talaga. Kyle o! ang kyut!
Kyle?
--Tingin kay Kyle na nakanganga kay Franz at Kranz—
AHHHH!
LORENZO
Ito o! Pagkain!
--Makikita si Franz at Kranz—
Ahhh.
--Hihimatayin—
JULIA
Si-si-sino kayo?
FRANZ
Ako si Franz. AHAHAHAHAHA
KRANZ
Ako naman si Kranz. AHAHAHA
Ano ang ginagawa niyo sa gubat ng ganitong oras?
FRANZ
Hindi niyo ba alam ang kuwento tungkol rito?

6
KYLE
A-a-alam n-n-namin
FRANZ
Ah Kyle mabuti naman alam ninyo. HAHAHAHA

KYLE
Pa-pa-paano niyo nala..
--Hihimatayin—
KRANZ
Adik siguro siya, alam naming ang pangalan niya dahil may
buton siya na nagsasabi ”Ako si Kyle”. AHAHA
TULIO
Teka, Teka, Teka.
Sino ba kayo?
--Magigising si Lorenzo at magtatago sa likod ng kotse—
KRANZ
Sino kami?
FRANZ
Kami ang magkakapatid na multo
JULIA
Multo?! Ayyy…
--Hihimatayin—
FRANZ
Ano ba naman. Joke lang malamang.
TULIO
Ok lang yan, takutin naman yun eh
KRANZ
Kami pala ay yung magkakapatid na maglalakbay na—

7
--Kukuha ng malaking bato si Lorenzo at itatapon sa ulo ni
Franz at Kranz—
-- Mahuhulog sa sahig sina Franz at Kranz. Patay—
TULIO
Lorenzo!!
Pinatay mo sila!
LORENZO
Grabe naman, di naman siguro patay..
TULIO
--Hahahanapin ang tibok ng puso ng dalawa—
Patay na sila!
LORENZO
Pasensya po..
--Magigising si Kyle at Julia—
KYLE
AHHH! Patay?
Paano?!
TULIO
Eh ito si Lorenzo, pinatay sila

JULIA
Yehey Lorenzo, pinatay mo yung multo!
TULIO
Hindi sila multo!
Niloko ka lang nila
KYLE
Anong gagawin natin?

8
TULIO
Kailangan natin itago yung katawan.
LORENZO
Saan?
TULIO
Itapon nalang natin sila sa gilid ng bundok
JULIA
Grabe naman!
TULIO
O sige, mag-isip ka nga ng mas makatwirang solusyon!
JULIA
-Magiisip-
Sige na nga
--Ipupulot ng apat na magkakaibigan ang mga katawan at
itatapon—
LORENZO
Anong gagawin natin?
Hihintay nalang ba tayo dito?
JULIA
Eh ano pa magaga-
Cellphone!
Ano ba tayo? May cellphone tayo!
Gamitin natin at tumawag tayo ng tulong!
--Kukunin ang cellphone—
HUHU. Low Bat!
KYLE
--Kukunin ang cellphone—
No signal!

9
LORENZO
Grawnded ako. #malungkotnabuhay
TULIO
--Kukunin ang cellphone—
Uy! May-signal! May-baterya rin!
Hala.. No Load!
LAHAT
UGHHHHHHHHH
KYLE
Eh walang magagawa kaya’t hihintay tayo rito
JULIA
Sana wala nang kaguluhan
TULIO
Sana lang
LORENZO
Naiihi ako
KYLE
Edi doon ka umihi
LORENZO
Okey
--Lalakad sa halaman—
--Labas Multo--
AHHH..
--Hihimatayin—
JULIA
Lorenzo!

10
TULIO
Bakit ba lagi nahihimatay si Lorenzo?
KYLE
Malamang adik. Hehehehe
JULIA
Pst! Ano ba?
Nahimatay na nga pagtatawanan mo pa!
Bakit ba siya na himatay?
--Liliko, makikita ang multo—
Ahhh. Kaya naman pala eh.
AHHHHHH! MULTO!!!
LAHAT
AHHHHHHHH!!!!
KYLE
Sandali! May Banal na tubig ako!
--Kukunin ang banal na tubig—
1..2..3..
HA!!!
--Itatapon ang banal na tubig sa multo—
MULTO
AHHHHHHHH!!!!!
--Alis Multo—
KYLE
Yehey! Pinatay ko!
TULIO
Anong pinatay? Patay na nga eh

11
JULIA
Sira-ulo ka talaga HAHA
LORENZO
--Magigising—
AHHHHH!
--Titingin sa gilid—
Ano nangyari?
Nahimatay ulit ako? Paano?
KYLE
Eh may multo, mabuti at pinatay ko na
JULIA
Sira-ulo talaga! Patay na nga yung multo! Kaya nga naging
multo eh!
TULIO
Hay. Nauuhaw ako.
May tubig ba?
JULIA
Gutom na rin ako.
Kanina pa nga eh!
KYLE
Ito o! Baon natin
Kain na tayo
--Uupo sa sahig—
--Ilalatag ang pagkain—
JULIA
Ang Sarap!
TULIO
AH!!

12
LORENZO
AHH!
TULIO
O Lorenzo, baka mahimatay ka nanaman ha
-Magtatawanan lahat—
-May Headlights na sisilaw—
KYLE
Uy! Kotse!
JULIA
Sa Wakas!
--May dadating na kotse—
--Magpaparada at bababa si Mang Buboy at TuToy—
LORENZO
Sa Wakas at may ligtas na!
MANG BUBOY
Ligtas?
MANG TUTOY
Ahhh. Buboy, Nasiraan sila
Ay, Siya pala si Mang Buboy, at ako naman si Mang Tutoy
MANG BUBOY
Ilang oras pa kayo dito?
TULIO
Hay nako po manong, matagal na matagal
--hahamog yung kapaligiran—
MANG TUTOY
Hamog?!

13
MANG BUBOY
Imposible
JULIA
Bakit ho?
MANG TUTOY AT BUBOY
Si Aria!!!
AHHHH!
--Tatakbo ang dalawang manong sa kotse at aalis—
KYLE
Sandali!
Sandali!
TULIO
Hamog.. Ang ibig sabihin nito ay nandito ang matandang
babae o Aria
LORENZO
OH MY GULAY!!
--lilitaw si Aria—
ARIA
Matagal ko na kayong pinapanood
LAHAT
AHHHH!
--Tatago si Lorenzo—
ARIA
Hindi niyo ba alam ang kuwento ko? May balak pa kayo
magistorbo ah. Mga salbahe kayo. Walang respeto sa iba.
--Kukuha ng malaking bato si Lorenzo at pupunta sa likod ni
Aria—

14
ARIA
Ngayon, tuturuan ko kayo ng isang leksyon na di ninyo
malilimutan kahit kailan
--Ihahagis ang malaking bato sa ulo ni Aria—
--Mahuhulog si Aria at tuluyan tatamaan ang ulo ni Aria ni
Lorenzo—
Lorenzo
AH!
-Tama-
AH!
-Tama-
AH!
-Tama-
AH!
-Tama-
Patay! AHAHAHA
JULIA, KYLE at TULIO
Yehey?
-Ang headlights ng isang kotse ay sisilaw-
TULIO
Ligtas!
KYLE
Salamat!
--Paparada ang kotse at bababa si Hosep—
HOSEP
Kailangan ninyo ba ng tulong?
--Makikita ang katawan ni Aria—
Sino yan?

15
JULIA
Huwag mo na intindihin. Puwede ba kami
makisabay pababa? Nasiraan kasi kami ng
kotse. Sige na po
HOSEP
Sige. Sakay na
--Sasakay sila--
KYLE
Hay Salamat!
LORENZO
Sa Wakas tapos na!
HOSEP(boses ni Aria)
Sino naman nagsabi na tapos na?
LAHAT
AHHHHHHH!
HOSEP
AHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!
--Tunog ng salpukan ng kotse mula sa bundok--

TELON

16

You might also like