Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Pagsusuri ng Talambuhay ni Cirilio F.

Bautista
I. A. Pamagat
Ang Talambuhay ni Cirilio F. Bautista
B. Sanggunian
https://philippineculturaleducation.com.ph/bautista-cirilo-f/
II. Buod o lagom ng katha
A. Mahahalagang impormasyon tungkol sa kanyang buhay

Makata, kritiko, at nobelista si Cirilo F. Bautista (Si·rí·lo Ef Baw·tís·ta) na ginawaran ng


Pambansang Alagad ng Sining para sa Panitikan noong 2014, at kumilála sa kaniyang ambag sa pagpapaunlad
ng panitikan sa bansa, gayundin sa “pagpapalakas ng diwang makabansa ng mga Filipino.”

Isinilang noong 9 Hulyo 1941, nag-aral sa Mababang Paaralan ng Legarda at Mataas na Paaralan ng Mapa si
Bautista bago kumuha ng AB Panitikan sa Unibersidad ng Santo Tomas (at dito siya naging patnugot na pam-
panitikan ng The Varsitarian), MA Panitikan sa St. Louis University sa Lungsod Baguio, at Doktorado sa Sining
ng Wika at Panitikan sa De La Salle University. Naging fellow rin siya sa International Writing Program ng
University of Iowa noong 1968–1969, at ginawaran ng honorary degree roon. Kasaping tagapagtatag si Bautista
ng Philippine Literary Arts Council (PLAC), at kasapi ng iba pang samahang pangmanunulat, tulad ng Manila
Critics Circle at Philippine Center of International PEN. Nag-silbi rin siyang patnugot na pam-panitikan ng
magasing Philippine Panorama ng Manila Bulletin, at direktor-heneral ng Bienvenido N. Santos Creative Writing
Center ng De La Salle University noong 1991–1995.
B. Mga Pagsubok
Ang ating tinaguriang National Artist for Literature ay madami ding hinarap ng pagsubok upang
makamtam ang kinatatayuan niya ngayon tulad na lamang ng pag-aaral. Ayon sa kanya mahirap ang mag-aral
kung walang librong babasahin at sa panahon ng giyera mas lalong mahirap kung hindi niya ipagpapatuloy ang
kanyang nasimulan.
C. Mga naging karanasan

Noong maliit pa lamang siya ay nahilig na siyang magbasa ng literatura dahil lumaki rin siya sa
panahon ng giyera. Ayon pa sa kanya, mahirap, mahigpit ang buhay at inaaliw na lamang niya ang kanyang sarili
sa pagbabasa ng magazine, polyetos at mga sulat. Dahil sa mga naging karanasan niya mas lalong umigting ang
pagmamahal niya sa wika at kung nagsusulat siya ay gumagamit lamang siya ng Tagalog at ayon pa sa kanya ang
kapaligiran ang panitikan ng Pilipino at pagbabasa na lamang ang tangi nyang ginagawa upang tumakas sa
magulong mundo. Ang literatura ang nagsisilbing pagtakas dahil hindi pa nalulutas ang mga gulong nangyayari
sa paligid.
Si Cirilio ay ikinasal kay Rosemarie Bautista at nagkaroon sila ng tatlong anak.
D. Huling bahagi ng kanyang buhay

Sa huling bahagi ng kanyang buhay ay nagkasakit siya at nahirapan na ring makapaglakad ng


maayos ngunit kahit ganoon naging positibo pa rin sya sa buhay at masayang-masaya siya dahil madaming
nagmamahal sa kanya.

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
III. Pagsusuri

A. Uri ng panitikan

Di-Piksyon ang uri ng panitikan dahil naglalaman ng katotohanan sa buhay at pinagdaanan ni


Cirilio F. Bautista. Bumabatay kay Cirilio ang mga tunay na nangyari sa buhay niya.

B. Estilo ng paglalahad

Ang buhay ni Cirilio F. Bautista ay punong-puno ng pagsubok ngunit dahil sa pagmamahal sa


literatura ay naging kilala siyang Makata, kritiko, at nobelista.

IV. Pangkahalatang puna

Si Dr. Cirilio F. Bautista ay tinuguriang “National Artist for Literature at napakadami niyang naiambag
sa pagusbong ng paggawa ng premyadong mga tula. Naipakita niya kung paano siya nagsikap at nagkaroon ng
magandang bunga lahat ng pinagdaanan niya sa buhay. Para sa karamihan siya ay ini idolo dahil sa pagiging
premyadong manunulat.

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
Pagsusuri ng Maikling Kwento
I. A. Pamagat
Ang Daga ni Orlando A. Oliveros
B. Sanggunian
https://www.rappler.com/life-and-style/arts-and-culture/145001-winners-palanca-awards-2016-full-list
II. Buod

Isang dagang bukid ang nakapasok sa isang bahay kung saan pinaglalamayan ang kamamatay pa lamang
na ina ng tahanan. Hindi sinadyang ang daga ay nagdulot ng kagaangan ng kalooban, at sa huli’y kasiyahan, sa
amang namatayan , at ito ay inaalagaan ng pamilya, hanggang sa ito ay lumaki nang lumaki at nagsimulang
mabuhay na parang tao, at mag-isip na parang tao.
III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Bayograpikal

- Ang kwento ay umiikot sa katauhan ni Ama: kung anong klase siyang Ama at kung paano niya
ituring ang daga bilang tao, at kung paano niya hinaharap ang mga pwedeng mangyari sa daga.
B. Estilo ng paglalahad

Ang maikling kwentong “Ang daga” ay nagpapakita na dapat lahat ng hayop sa paligid natin ay dapat
nating pahalagahan dahil mayroon din silang pakiramdam at puso. Ang hayop ay nagpapakita rin ng kasiyahan
sa mga tao.
C. Tayutay

Pagtutulad – Ang daga ay inalagaan ng pamilya, hanggang sa ito’y lumaki nang lumaki at
nagsimulang mabuhay na parang tao, at mag-isip na parang tao

Pagmamalabis – noong una’y sinlaki ng pusa, at natakot na rito ang mga pusa, at isa-dalawang
buwan pa ay naging singlaki na rin ito ng aso, at natakot na rin dito pati ang mga aso.

D. Sariling reaksyon

1. Pananalig pampanitikan
Bayograpikal
- Ang kwento ay umiikot sa katauhan ni Ama: kung anong klase siyang Ama at kung paano niya
ituring ang daga bilang tao, at kung paano niya hinaharap ang mga pwedeng mangyari sa daga.

2. Mga pansin at puna

Naipakita sa kwento ang pagiging malikhain ng may-akda dahil maayos itong naikwento
ngunit hindi masyadong binigyan ng deskripsiyon ang mga tauhan.

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip

Pagkatapos kong basahin ang kwento tumatak sa isipan ko ang paglaki ng daga na
parang sa aso at pusa dahil sa totoong buhay ay walang dagang lumalaki ng ganoon. Siguro ay ang
ibig sabihin ng may-akda sa kwento ay ang pagmamahal ng isang Ina kahit na wala na siya sa
piling nila. Ang pagmamahal ay magpakailaman.
b. Bisa sa damdamin

Naniniwala akong ang dagang tinutukoy sa kwento ay ang kanilang Inang


namayapa at kahit sa kabilang mundo ay sumapi sa katawan ng daga upang makasama muli ang
kanyang asawa at mga anak.
c. Bisa sa kaasalan

Ang natutunan ko sa kwentong ito ay pahalagahan natin ang mga bagay dahil kung
wala na ito ay hindi na maibabalik tulad ng buhay. Pahalagahan natin an gating mga magulang
habang nabubuhay pa sila at alagaan mabuti tulad ng pag-aalaga nila sa atin.

d. Bisa sa lipunan

Ang pagkawala ng minamahal sa buhay at mahirap dahil sila ay hindi mo na


makakasama ngunit habang may buhay at pahalagahan pa rin ang mga taong nandyan sayo tulad
na lamang ng Ama sa kwento na inalagaan ang daga tulad ng pag aalaga niya sa kanyang mga
anak.

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
Pagsusuri sa Maikling Kwentong Pambata

I. Pamagat
Ang Nakakabilib na si Lola Ising
II. Pagsusuring pangnilalaman
A. Tauhan

a.Lola Ising – ang lolang mapagmahal at masipag kay Rico ngunit nagkaroon ng sakit na
Parkinsons.
b. Rico – ang apong masunurin at mabait
B. Tagpuan
a. Bahay
b. Hospital
c. Paaralan
C. Banghay
Ang kwentong ito ay tungkol sa isang Lola na may kakayahang ayusin ang mga nasirang bagay
gaya ng laruan tulad ng naputol na espada, natanggal ang harapan ng kotse at nasadsad na eroplano lahat nang
iyan ay kayang ayusin ni Lola Ising sa pamamagitan ng kayang super –glue. Nagtrabaho rin si Lola Ising sa
sapatero ng Marikina. Hindi lamang iyan ang kayang gawin ni Lola Ising magaling rin siyang kumanta at
sumayaw. Silang dalawa ni Rico ay sumasayaw at kumakanta sa kanilang tahanan, Si Lola Ising rin ang nagtuturo
sa mga gawain sa paaralan ni Rico, Si Lola Ising rin ang parang nagiging guro niya at pinayuhan niya si Rico ng
“Ang pag-aaral at pagsasayaw ay pareho lang. Kung hindi mo gagawi palagi at mag-eensayo, hindi mo ito
magagawa ng tama”.

Subalit isang araw ng masira ni Rico ang kanyang laruang robot kinuha ni Lola Ising at agad na inayos ngunit
hindi na siya ganun kabilis na ayusin ang nasirang gamit. Sumunod naman ay ang nabutas ang shorts ni Rico
dahil sa nakipaghabulan siya sa kanyang kalaro at ng kunin ni Lola Ising ang lata ng biskwit laman ay sinulid at
karayom pero hindi na mai shoot ni Lola ang sinulid sa butas ng karayom. Isang araw umuwi si Rico at tuwang-
tuwa ipakita sa Lola Ising niya ngunit hindi natuwa ang kanyang Lola at parang nakatitig lang sa malayo. Pinunta
sa espesyalita si Lola at napag alaman nilang may Parkinson’s Disease na wala ng lunas ito.
III. Pagsusuring pangkaisipan

“Ang pag-aaral at pagsasayaw ay pareho lang. Kung hindi mo gagawi palagi at mag-eensayo, hindi mo
ito magagawa ng tama”. Ito ang naikintal sa aking isipan matapos mabasa ang kwentong ito. Bagamat ang pag-
aaral talaga ay may proseso na di dapat ipagsawalang bahala na lamang. Dahil tulad din ng pagsasayaw
kinakailangan ng panahon upang magawa ng maayos at tama ang nararapat na mangyari.

Pagsusuri sa Tula
# 21 Lucena, Tiara Jane L.
BSED 3A
I. Panimula
DAHIL SA PAG-IBIG ni Inigo Ed Regalado
KAHAPON…
Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
NGAYON…
Sa mga mata ko ay pawang ligaya
ang inihahandog ng bawa’t makita,
pati ng libingang malayo’t ulila
wari’y halamanang pugad ng ginhawa;
sa aking akala’y tila maliit pa
itong Daigdigan sa aking panata.
Papaano, Ngayo’y
nagwagi ang layon.

BUKAS…
Sino baga kaya ang makatatatap
ng magiging guhit nitong ating palad?
Ang buhay ng tao ay lunday sa dagat
na inaamihan at hinahabagat;
itong Daigdigan ay isang palanas
na nabibinhian ng lungkot at galak.
Bukas! Ang pag-asa’y mahirap mataya…

II. Teoryang Pampanitikan na ginamit sa tula


Romantisismo

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
- Ang tula ang tungkol sa babaeng kanyang iniibig.
III. Pagsusuri ng Tula
A. Anyo
Ito ay tulang liriko dahil ipinapahayag niya ang damdamin ng isang makata tungkol sa pag-ibig.
B. Imahismo

Ang imahe ng tula ay nagpapakita ng pagiging matiyaga ng isang lalaki sa pagsuyo at hadlang
ang oras sa pagkakaroon ng pag-ibig.
C. Uri ng Tula
Ito ay tulang liriko dahil pinapahayag niya ang damdamin ng isang makata.
D. Tayutay na ginamit
Pagdaramdam
- Sa tingin ko’y tila pawang kalumbayan
ang inihahandog ng lahat ng bagay,
pati ng mabangong mga bulaklakan
ay putos ng luksa at pugad ng panglaw;
akala ko tuloy itong Daigdigan
ay isang mallit na libingan lamang.
Mangyari, Kahapon
ang dulot mo’y lason.
E. Kaisipang handog ng tula
Ang tula ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao ngunit dahil may

IV. Pansin at Puna

Naipakita ng may akda ang kanyang tunay na nararamdaman sa pamamagitan ng tula at ang pag-ibig at
hindi basta basta kinakailangan mong guguluhin ang mahabang panahon upang mapasa iyo ang taong iniibig
mo, hindi lamang kahapon, ngayon at bukas ang panliligaw kundi kinakailangan rin ng sipag at tiyaga at kung
ika’y hindi nagustuhan wag susuko.

Pagsusuri ng Nobela
# 21 Lucena, Tiara Jane L.
BSED 3A
I. A. Pamagat
Pusong Walang Pag-ibig ni Roman G. Reyes
B. Sanggunian

II. Buod

Sa baryo ng Pulong-gubat, nais ni Matandang Tikong na maikasal na ang anak niyang siyang si Loleng.
Nararamdaman ng matanda na malapit na siyang mamatay at mapapalagay lamang siya kung mayroong lalaking
makakasama ang kanyang anak habangbuhay. Napili ni Tandang Tikong si Ikeng na dating tenyente at ngayon
ay wala pang trabaho. Wala namang magawa si Loleng dahil iyon ang kagustuhan ng kanyang ama. Bagama’t
napupusuan niya si Tone na lagi niyang nakakaulayaw ay may nasisintahan nang iba. Dumating isang gabi si
Ikeng at nakipagkasundo na nga kay Matandang Tikong at nangakong babalik para matupad ang pangako ngunit
naisip ni Ikeng na tila napasubo na naman siya sa hindi niya gusto dahil may mga dalaga pa siyang sinusuyo tulad
nina Isiang, Beheng at Gunday. Nagkausap-usap ang mga binata ng Pulong-gubat at kung bakit daw nila
hinahayaan na ang isang dayo ang siya pang manliligaw sa dalagang katutubo sa kanilang nayon? Dahil dito ay
kinausap ni Aling Buro si Loleng at kung bakit sa isang dayo pa siya magpapakasal. Sinabi naman ni Loleng na
wala siyang magagawa dahil ama niya naman talaga ang nasusunod. Nabigo si Ikeng sa panunuyo kay Isiang,
Gunday at Beheng. Idinemanda pa siya ni Kabesang Tiago dahil sa pagtangay sa kanyang anak na si Isiang
matapos tangkaing itanan ni Ikeng sa tulong ni Tomas. Pati si Tomas ay nadamay sa demandahan at kung hindi
kadikit ni Ikeng ang direktor ay malamang na ikinulong sila. Ngunit hindi sumusuko si Kabesang Tiago dahil
kung walang magagawa ang kinauukulan ay siya mismo ang gagawa ng hakbang para maparusahan si Ikeng. Para
makaiwas sa gulo ay naisipan nina Mang Simon at ni Aling Tolang na suyuin sa tulong ni Tenyente Pedro ang
mag-amang taga-Pulong-gubat para ikasal na sina Ikeng at Loleng. Pumayag si Ikeng sa mungkahing iyon dahil
wala na talagang ibang paraan bagama’t dalawang buwan na ang lumipas. Natuloy ang kasal at nangako si Ikeng
kay Loleng na hindi mauubos ang kanyang pag-ibig. Naging maganda sa umpisa ang pagsasama ng bagong kasal
ngunit hindi nagtagal ay nagbalik na naman si Ikeng sa dati niyang gawi. Namatay na nagsisisi si Matandang
Tikong kung bakit si Enrique ang napili niya para sa anak ngunit hindi ni Loleng sinisi ang kanyang ama. Naging
palasugal na ngayon si Ikeng hanngang sa manganak si Loleng na wala siya sa kaniyang tabi. Babae ang naging
anak nila at pinangalanang “Elisa”, at “Nene” ang naging palayaw. Unti-unting naubos ang pamana ni Matandang
Tikong para kay Loleng dahil sa pagsusugal ni Ikeng. Kahit damit ay hindi ni Loleng maibili si Nene at minsan
ay wala man lang bigas na maisasaing kaya naging kaawaawa ang mag-ina. Pinayuhan ni Aling Buro si Loleng
na huwag nang hayaan si Ikeng sa pagsusugal kung ayaw nilang mamatay sa gutom. Nagkaroon ng mga usap-
usap tungkol sa isang himagsikan at umabot iyon sa Pulong-gubat. Maraming lalaki ang nais sumali sa
Rebolusyon kaya sila ay pumunta sa bundok. Isa si Ikeng sa mga sumanib ngunit hindi naman talaga iyon ang
kanyang layon kundi ang maiwan ang kanyang asawa’t anak. Natapos ang himagsikan at tinalo ng mga
Amerikano ang mga Kastila. Sa halip na magsarili na ang Pilipinas ay inako lamang na mga Amerikano sa Kastila
ang kapangyarihan. Isang kaguluhan ang nangyari at nagtakbuhan ang mga tao. Nahiwalay si Loleng kay Nene
kaya’t siya’y muntikan nang mabaliw sa kakahanap samantalang inagaw pala ni Ikeng si Beheng mula sa kanyang
ama na si Kabesang Bino at itinago sa Tarlac. Masalimuot ang naging kalagayan ni Loleng habang hinahanap si
Nene sa Maynila. Hindi inakala ni Loleng na may magnanakaw na pumasok sa kaniyang tahanan habang abala
sa paghahanap. Mabuti na lamang dahil pinabaunan siya ng pera ni Aling Buro dahil baka sa kalye siya matulog.
Maging si Nene ay hinahanap na rin ang kanyang ina. Habang tila maloloka na sa kakahanap ay napagtanungan
ni Loleng si G. Ricardo sa daang Villalobos. Napagkamalan nga ng ginoo na si Loleng ay matanda na dahil sa
itsura nito. Nalaman ni Loleng na kinupkop ni G. Ricardo at ng kaniyang asawang si Aling Nitang ang anak
niyang si Neneng. Sa wakas ay nagkita na muli ang mag-ina! Hindi ibang tao ang turing nina G.Ricardo at Aling

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
Nitang sa mag-ina. Ibig ni Loleng na makapag-aral si Nene dahil iba na ang panahon. Pumayag pa nga sila na
mag-aral si Nene at binigyan ng puhunan si Loleng para makapagbenta ng bibingka. Unti-unting guminhawa ang
buhay ng mag-ina. Biglaang sumulpot si Ikeng sa barberya ni Tomas dahil magpapagupit. Nakilala ni Tomas at
Ikeng ang isa’t isa. Nalaman ni Tomas na nakulong ng apat na taon si Ikeng dahil sa pagtatanan kay Beheng. Nais
ni Ikeng na makita ang mag-ina ngunit hindi nito alam kung saan sila hahanapin. Siya namang itinuro ni Tomas
ang lugar nina Loleng at Nene ngunit sa kasamaang palad ay nabangga ng isang humaharurot na awtomobil si
Ikeng at isinugod sa Hospital San Pablo. Naghihingalo na si Ikeng ngunit nagawa pa rin niyang humingi ng
kapatawaran at inamin na napakalaki ng pagkukulang niya sa kaniyang mag-ina. Oras na talaga ni Ikeng at siya’y
tuluyan nang namatay. Dito nagtatapos ang kuwento ni Ikeng, ang “pusong walang pag-ibig”.

III. Pagsusuri
A. Uring Pampanitikan
Teoryang Sosyoholikal

- Masusuri ang katauhan batay sa kalagayan ng tauhan sa lipunan, gayundin, ang kanyang
pananaw sa mga kaugalian, pamantayan at tungkulin sa lipunan ng mga mamamayan. Maari ring unawain
naman ang lipunan batay sa panahon. Ibinabatay naman ang paningin ng tauhan sa uri ng kalagayan ng
panahong kanyang kinabibilangan.
B. Estilo ng paglalahad
Ang nobelang “Pusong Walang Pag-ibig” ay pagbabalik-tanaw upang isalaysay ang buhay ni
Ikeng nong siya binate hanggang sa makilala niya si Loleng at ito’y niligawan upang mabayaran ang mga utang
niya.
C. Tayutay
Paglilipat-saklaw
- Hiningi ni Ikeng ang kamay ni Loleng upang siya’y pakasalan.
D. Sariling reaksyon
1. Pananalig pampanitikan
Teoryang Sosyoholikal

- Masusuri ang katauhan batay sa kalagayan ng tauhan sa lipunan, gayundin, ang kanyang
pananaw sa mga kaugalian, pamantayan at tungkulin sa lipunan ng mga mamamayan. Maari ring unawain
naman ang lipunan batay sa panahon. Ibinabatay naman ang paningin ng tauhan sa uri ng kalagayan ng
panahong kanyang kinabibilangan.
2. Mga pansin at puna

Makalumang Tagalog ang kadalasang ginamit ni Romang G. Reyes tulad ng salitang


“napapanagimpan” at “humahaginggeng” sa mga pagsasalaysay at pag-uusap ng kwento at tauhan. Naging
mahirap para sa manunuri ang pagkuha sa kahulugan ng ibang mga hindi pamilyar na salita ngunit sulit naman
dahil maganda ang kuwento. Naipakita ng may-akda kulay ng mga makalumang kaugalian noong ika-19 na siglo
tulad ng labis na kahigpitan at pagdedesisyon ng magulang kung kanino ikakasal ang anak, ang mga makalumang
uri ng sugal, pamamaraan ng panliligaw at mga salitang panuyo, mga taong walang ibang libangan kundi
makipagkuwentuhan sa kapananghalian at ang mga bagay na dapat inihahanda kapag manganganak ang isang
babae. Lahat ng mga makalumang ugali ay nagbigay diwa sa nobela. Inilahad rin ni Roman G. Reyes ang kanyang

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A
historikal at awtobiograpikal na karanasan sa Rebolusyon tulad ng mga pagkabalisa ng mga tao, pagiging abala
ng mga kalalakihan dahil mamumundukan at ang hindi pagiging kalmado ng mga dalaga dahil sa takot. Isiningit
rin ng may-akda ang kalagayan ng Maynila noong nagkakagulo dahil sa biglaang dominasyon ng Amerikano sa
Pilipinas na ang kinakatwiran ay tutulong daw para makapagsarili ngunit sinalakay nila ang mga sundalong
Pilipino. Maraming naganap na sunog. Naging mga sakim ang tao sa Maynila at ang iba ay nagnakaw sa bahay
ng may bahay samantalang itinaas ang renta ng mga pinauupahang tulugan ng mga ganid na maybahay. Maganda
ang pagbibigay papel ni Reyes sa mga tauhan ng kanyang nobela. Naging ganap ang pagiging iresponsable at
bisyoso ni Enrique na siyang nagdulot ng paghihirap ng kanilang pamilya. Ngunit sa kabila nito, naging ulirang
ina si Loleng kay Nene dahil tiniis niya ang mga paghihirap at nagsikap para makabangon at mapag-aral ang
anak. Hindi nagustuhan ng mambabasa ang pagkamatay ni Ikeng dahil hindi man lang ito nabigyan ng
pagkakataon na makabawi sa kanyang asawa’t anak na matagal niyang hindi nakita sa loob ng mahabang panahon.
Ngunit maaaring naging silbing parusa iyon kay Ikeng dahil sa kanyang mga pagkukulang. Epektibo ang
dramatiko at makalumang estilo ni Roman G. Reyes upang maramdaman ng mambabasa ang mensahe ng kwento
at damdamin dahil ito ay puno ng mga aral na tiyak na tatatak sa isip ng sinumang babasa.

3. Bisang Pampanitikan
a. Bisa sa isip

Nasa huli ang pagsisisi. Kung gagawa tayo ng mga bagay-bagay isipin muna natin
ang kakalabasan bago ito gawin, tulad ng pagpapakasal, kailangan mo itong panindigan at wag ipagsawalang-
bahala dahil isa itong malaking responsibilidad na dapat mong panindigan.
b. Bisa sa damdamin

Matapos kong mabasa ang akdang ito ay nalungkot para kay Ikeng dahil nong
panahon na nagkaayos na sila ng pamilya niya saka naman ito binawian ng buhay. Hindi siya nagkaroon ng
pagkakataon na makasama muli si Loleng.
c. Bisa sa kaasalan

Isang kahalagahan ang pagiging responsable. Ang pagpapakasal ay hindi kaning


isusubo at kapag napaso ay iluluwa. Ang kasal ay isang banal na pakikipagtipan na may basbas ng Diyos. Hindi
dapat mawalan ng pag-asa ang isang tao dahil may maawaing Diyos sa Langit. Isipin muna ng maraming beses
ang isang bagay bago ito gawin.
d. Bisa sa lipunan

Nakaranas ng hindi magandang buhay ang kanilang mga anak dahil si Ikeng ay
iresponsableng ama at asawa. Sa panahon ngayon madami ang katulad ni Ikeng na walang
pakialam sa mararamdaman ng kanyang mga anak at asawa at ito ang dahilan ng pagiging
broken family.

# 21 Lucena, Tiara Jane L.


BSED 3A

You might also like